Kabanata 5

▶︎ •၊၊||၊|။||||။‌‌‌‌‌၊|• 0:00

Kabanata 5
Snack Delivery

Tea Time 🍵
8:30 AM

@Dolly

What if gusto pala ako ng kuya mo?
Wag naman

Medyo nakakadiri pri

Dolly
Luh? Sino ka naman dyan ineng HAHAHAHAH
Ganda ka ghorl?

Yrah
Hack
Pakibalik na po itong account sa kaibigan namin

Cheenee
Lol 😆
Ang hirap mo na ipagtanggol sissy ko HSHSHSHS

Dolly
Tanungin ko na ba?
Pogi niya pa naman ngayon
Look
Pangthirst trap sa mga fangirl niya

San kayo?

Why naka-formal yan?
At ang lapad ng ngit haaaa

Dolly
Hotel here sa manila
Ninong sa binyag nung anak ng anak ng kaibigan ni Daddy
Di makatanggi

Yrah
Baka may nakita g chicks dyan HAHAHAHA
Lapad ng smile eh

Cheenee
Kinikilig yata? 😂
Love on kana sis @Everly
Move on kasi

Dolly
Hep! Before you overthink dear @Everly
Sinuhulan lang siya ni Daddy ng 500 kaya ngunmiti
Nagdadabog pa nga kasi nabitin sa pakikipagusap kay Si SimSimi

Cheenee
Sinong SimSimi?

Yrah
App yata or website

Cheenee
Wait, lemme check

Dolly
Anyway
Gotta go na

Cheenee
HOY HAHAHAHA
HANEP HAHAHAHA
who u kayo dyan @Everly @Dolly @Yrah

Wow, ha
Salamat na lang sa lahat

Lalo lang sumasakit ulo ko sa inyo

In-exit ko na ang app at nagpatuloy sa pagpapanggap na nakikinig ako sa prof ko.

I slept on the wrong side of my bed. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kanina pa masama ang pakiramdam ko. Mabuti na lang talaga magandang gamot ang mga kaibigan kong yon. Wala rin kasi ako sa mood at bugnot na bugnot ako. Hindi ko naman alam ang dahilan.

Mali. Alam ko pala ang rason.

Dahil hindi ako pinatulog ng maayos ng pesteng kalandian ni Fabio! Sabihan ba naman ako ng gano'n?!

Kahit tuloy ang discussion ng paborito kong professor this sem sa Digital Marketing ay hindi ko rin magawang maintindihan. Lutang ang pag-iisip na nakatingin lang ako sa harapan at hindi naiintindihan ang nangyayari sa lahat.

I am pretending to listen at the very least. Mabuti na lang talaga hindi mahilig magbunot ng index card itong si Sir Miguel kundi patay na talaga. Wala pa man din akong na-a-absorb na kahit na ano tungkol sa discussion niya.

I closed my binder to hide my phone for less distraction. Pero wala pa rin namang epekto dahil hindi pa rin ako makapag-focus.

"Girl." Siniko ako ni Mira na katabi ko.

Nagtatanong ang mga mata na binalingan ko siya. I can't even speak because of how heavy my body feels.

Ang sarap humilata today for some reason.

Bubukulan ko talaga ang Fabio na 'yon kapag nakita ko siya ulit!

"Kanina ka pa tinitingnan ni Sir," bulong niya.

"Ha?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.

Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na kabahan dahil baka napapansin niyang out of focus ako.

Nginuso niya ang direksyon sa harap kung saang kasalukuyang abala sa pagtuturo si Sir Miguel. "Kanina ka pa tinitingnan ni Sir Miguel kako."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. I shifted my position and looked at Sir Miguel who is currently discussing things on the projected PowerPoint presentation on the glass board.

Puno ng mahihinang bulungan ang likod na parte ng room habang sa harap naman ay pawang katahimikan lang, kung saan kami kabilang ni Mira na sa second row nakaupo. Anim na row ang meron sa room na divided sa dalawang column to accommodate five students each long metal tables with MDF table top.

Dapat nga kasama din ako sa mga nakikinig sa discussion niya dahil malapit na ang finals. Pero dahil wala talaga ako sa mood at sobrang bigat ng katawan ko ay walang pumapasok sa utak ko magmula pa kanina.

"Alam mo, Mira, issue ka. 'Di naman nakatingin," tanggi ko.

"Wait mo lang. Titingin 'yan," kumpiyansang aniya.

Wala man sa loob ko ay tinutok ko ang mga mata ko kay Sir Miguel kahit na wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Para lang siyang naka-mute na video sa akin dahil alinman sa mga salita niya ay hindi rumerehistro sa pandinig ko.

A few more minutes of watching him discuss things that I couldn't even comprehend, he looks at me like what Mirabelle claimed earlier. Subalit hindi iyon nagtagal ng limang segundo at agad din niyang ibinaling sa iba.

"See? Tinitingnan ka talaga," saad ni Mira.

"Parang normal lang naman." Sa lahat naman kasi gano'n siya.

Malikot kasi ang mga mata ni Sir Miguel tuwing nagtuturo. He tries to meet each students' eyes as much as possible. Kaya ko rin nagustuhan ang teaching style niya. It's as if he's sharing his knowledge for you to learn.

Unlike other professors na wala nang ibang ginawa kundi magpa-report nang magpa-report. Kami na lang sana naging instructor 'di ba? Tapos during reporting wala man lang input or additional knowledge to share. Yikes!

"Hindi, girl. Wait mo lang, titingin ulit 'yan," giit niya pa.

Like what she says, naghintay pa ako ng ilang minuto. Pinanatili kong nakapako ang paningin ko kay Sir Miguel pero hindi na nasundan pa ang tingin niya sa akin.

"See?" Ako naman ang nagbitaw ng katagang 'yon kay Mira.

Umiling siya, tumatanggi pa rin. "Sure talaga ako, girl. Tingin siya nang tingin sa 'yo kanina pa. Well, actually, kahit noong previous meetings pa," kumpiyansang aniya pa.

Napailing na lang ako. "Normal lang naman sa kaniya ang tumingin sa mga estudyante niya."

"Yes, normal. But not when you are being looked at with meaningful stares," she pointed out followed by a light chuckle.

"Malay mo malisyosa ka lang talaga," kontra ko.

Nilapit sa akin ni Mira ang upuan niya para mas mapalapit siya sa akin. She moves her swivel chair closer to mine. Ipinatong nya pa ang siko niya sa braso ko para kami lang dalawa ang makarinig nang sasabihin niya. Wala namang pakialam ang mga katabi namin dahil masyado silang abala sa pakikinig kay Sir Miguel.

"I'm telling you, Everly." Mira tapped her fingernails on our shared table. "Gusto ka ni Sir Miguel," she whispered.

"Bunganga mo, bi!" napalakas na sabi ko. Mahina ko ring natampal ang braso niya sa gulat dahil sa narinig ko.

Hindi tuloy sinasadiya na makuha namin ang atensyon ng mga tao sa paligid. Pati tuloy si Sir Miguel ay napatingin sa amin.

I gave them an awkward smile snd laugh. 'Yong klase nang tawa na maririnig mo iyong he-he-he na tunog.

Nakakahiya!

Binigyan ko siya ng alangang ngiti. "Sorry po," hinging paumanhin ko. Bahagya ko ring binalingan ang mga katabi naman. "Sorry," I apologize. Nag-peace sign pa ako dahil sobrang awkward nang tingin nila sa akin.

Kasalanan ko ba? Si Mira kasi!

Pasimple kong siniko si Mira na tinawanan lang niya. "Ang OA ni ate girl. Ano namang masama?"

"Gagi, ano daw masama, eh, prof 'yan!" pasigaw kong bulong. "At hindi ako interesado, please," nakangiwing dugtong ko.

"Oh, ano ngayon? Tingnan mo nga si Sir. Mukha bang hindi kagusto-gusto?" Hinakawan ni Mira ang baba ko at muling pinaharap kay Sir Miguel na busy na ulit sa pagtuturo. "Look at those fair skin, those long curled up lashes, those round eyes—"

"Kaso pango," singit ko.

Mahina niyang hinampas ang balikat ko. "Okay lang ano ka ba. Nobody's perfect," she argued.

Napailing ako. "Ikaw yata ang may crush sa kaniya, eh."

"Slight." She giggled.

Sabi ko na nga ba, eh. Hindi na rin naman nakakagulat ang bagay na iyon. Sir Miguel is a young and fresh graduate professor liked by many girl students in our college. Bukod kasi sa bata siya't may malakasd na sdating, ang linis niya pang tingnan. Single pa yata kaya maraming nahuhumaling sa kaniya.

Hindi ko na nagawang ibalik pa ang focus ko sa klase. Kaya hanggang sa paglabas parang wala akong natutuhan kahit na kaunti. Well, wala naman talaga akong natutuhan dahil masyado akong lutang ngayong araw.

Bakit ba ang haba ng oras?

"I'll be expecting na paghahandaan niyo ang long quiz natin next week. Doon din ako kukuha ng magiging final exam niyo. Kaya pagbutihin niyo," bilin ni Sir nang sa wakas ay matapos na ang klase niya.

Teka—Anong long quiz?!

Kingina talaga! Gano'n kalutang ang babae at hindi narinig ang announcement na may quiz?!

"Sir, baka naman mamaya may modified true or false na naman. May trauma pa ako from last time," pabirong sabi ni Jina.

Tumawa si Sir Miguel. "Surprise. Basta mag-review kayo. I'll see you next week."

Bitbit ang libro at phone na nagpaalam siya sa amin. Sinundan ko lang siya nang tingin habang naglalakad siya sa harapan.

At dahil sa pagsunod ko nang tingin sa kaniya ay nagawa kong makita ang ginawa niyang pagbaling nang tingin sa akin.

"Sheez, may something talaga, eh," bulong ni Mira nang malapit na sa harapan namin si Sir Miguel.

Hindi ako nagkomento pero nagbaba ako nang tingin para iwasan ang mga mata ni Sir Miguel. But even though I did that, I can still feel being stared at. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng ilang dahil doon. Nawala lang ang ilang sa sistema ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Agad na siniko ako ni Mira. "Girl, I smell something fishy talaga."

"Wala, sis. Imagination mo lang 'yan. Masyado kasing colorful ang isip mo," tanggi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang phone kong nakaipit sa binder. I slouched on my seat comfortably while lightly swinging my right leg crossed above my left one.

"Ganda mo kasi, eh." Mira giggled.

Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko si Mira na kumukuha ng kung ano sa loob ng bag niya. Baka lalabas para bumili ng meryenda.

May next class pa kami in twenty minutes kaya p'wedeng lumabas para bumili ng meryenda. Nine na rin kasi at kanina pang 7:30 nagsimula ang klase namin.

Nagbaba siya nang tingin sa akin. "'Di ka bibili?"

Umiling ako. "Kakatamad."

"May gusto ka? Ibili kita. Hanggang 12 pa tayo gagi ka," presinta niya.

"Keri lang. 'Di naman ako masyadong gutom," tanggi ko. "Go ka na. Maabutan ka pa ni Ma'am Susan."

She just shrugged her shoulders. Bitbit ang wallet na lumabas na siya ng room.

Nang mabalot nang katahimikan, sa wakas, dahil sa paglabas ng halos kalahati ng tao sa room. Muli kong binisita ang GC na iniwan ko kanina.

108 unread messages

Shuta?! Ilang minuto lang akong hindi nag-seen ganito kadami na agad ang chats? Mga wala bang magawa sa buhay ang mga baliw na 'to?

Pero bago ko pa man magawang basahin ang lahat ng 'yon, napukaw na nang katok sa pinto ang atensyon ko.

From my position, I looked at the door only to be greeted by the peeking smiley face of Indigo.

Tumaas ang dalawang kilay ko sa kaniya, naghihitay nang linaw kung bakit nandito siya.

"Delivery," sagot niya sa hindi ko isinasabosea na tanong.

Tuluyan siyang pumasok ng room bitbit ang isang maliit na kulay brown na paper bag. Ang isang kamay naman niya ay may hawak ba strawberry banana smoothie galing sa paborito kong kiosk sa mall malapit lang sa univ namin.

Kaunti na lang din ang natirang estudyante sa loob kaya walang problema kung papasok man siya. Wala din naman kasing pakialam ang isang 'yan kahit pa sumisigaw ang pagiging out of place niya dahil naka-uniform pa siya na pang Fine Arts.

"Sa'n galing 'yan?" Umayos ako nang upo. Ibinaba ko rin ang phone ko sa gilid ng binder ko.

"Kay bossing Fabio." Humaba ang nguso niya. "Ayaw akong ibalik sa gc. Dalhan muna daw kita ng meryenda."

Lumipat ako sa upuan ni Mira para magawa ko siyang hilahin paupo sa upuan ko. "Bakit? Ano na namang ginawa mo?"

Si Indigo pa ba? For sure may kasutilan na namang ginawa 'yan. Masyado kasing makulit at maligalig 'to kung minsan. And Fabio having the thinnest patience among them, there's no doubt that the two of them often fight. Pikon kasi si Fabio.

Pero hindi naman si Indigo iyong klase na kaiinisan mo ng matagal. In fact, ang cute niya pa nga dahil ang cute niya pa nga mangulit sa totoo lang. Bunso na bunso kasi ang turing sa kaniya ng tropa.

"Wala akong ginawa. Ewan ko do'n. Tinotoyo na naman yata." Humaba ang nguso niya.

Nanunuri ko siyang tiningnan. "Duda ako, Indigo."

Mas lalong humaba ang nguso niya. "Eh, totoo naman. I'm innocent. Tingnan mo kasi."

Kinuha niya ang phone niya at nagpipindot ng kung ano-ano doon. Matapos makapunta sa messenger ay hinarap niya sa akin ang screen. I took it from his hand scrolled back to the conversation on their group chat.

Sundreesoro Club
7:14 AM

Indigo
slumbook.docx
pasagot mga, pre!
send niyo na lang dito katapos

August
Ano na naman yan lods?

Chrisam
Bigyan mo muna ako ng magandang rason para sayangin ko ang oras ko sa slumbook na yan, @Indigo
May exam ako mamaya

Indigo
we're frends papi
kiss kitang mamaltuk katapos mo

Chrisam
Tangina mo!

Indigo
mahal din kita, par
alam kong nahihiya ka lang

Chrisam
Baon kita sa lupa, eh.

Fabio
Ang ingay niyo!

Indigo
uy, papi, selos ka?
kiss din kita with consent

Fabio
Sakal gusto mo?

Indigo
uy! kasal daw!

Dakila
Dandandadan~
Dandandadan~

Fabio
Ireremove kita

Tennessee
Gago ka @Fabio iiyak na naman yan HAHAHAHA

Dakila Rye
Deserved HAHAHAHA

Indigo
wag naman, tol
sabi ko nga ligaw muna, eh

Fabio Damien Sindayen removed Indigo Luanzon from the group

Binalik ko sa kaniya ang phone at kinuha ko ang paper bag mula sa kaniya at tinabi sa cup ng strawberry banana na inumin. "Deserve mo 'yan, salahula ka kasi. Ang kalat-kalat mo." Tinawanan ko siya na mas kinahaba pa ng nguso niya. "Kay Ten ka magpa-add," suhestiyon ko.

"Anong salahula do'n? Wala naman," parang batang reklamo niya. Nagkamot pa ng batok.

"Ayaw sumagot sa chat ko ang gago. Eh, silang dalawa lang ni Fabio admin do'n. Kaya si bossing na lang ginulo ko," kwento niya.

Naiiling na pinaikot ko sa leeg niya ang braso ko, iyong tipong para ko na siyang sinasakal. Pagkatapos ay hinawakan ko ang baba niya para ipaharap sa glass window ng room namin.

Tinted iyon kaya kita ang repleksyon naming dalawa na silhouette lang ang dating. Tinapat ko sa mukha ko ang phone ko sa paraang matatakpan ang mukha ko. Sa ganoong anggulo at posisyon at kumuha ako ng litrato.

Indigo made a peace sign while grinning awkwardly wide while still caged inside of my arm. Kuha sa litratong 'yon ang pameryenda ni Fabio na nasa tabi ko.

Binuksan niya ang brown paper bag at kunuha ang isang pirasong japanese cake. Inisang subo niya lang 'yon at tumingin sa akin.

Pero bago pa siya makapagsalita, tinakpan ko na ang bibig niya. "H'wag kang dugyot, Indigo. Lunukin mo muna 'yan utang na loob."

Tinampal niya paalis ang kamay ko. Mabilis siyang ngumuya at minsanan din iyong nilunok. At ang makapal, kumuha pa ng isang piraso.

Eksaherada siyang lumunok sa harapan ko. "Wala namang offensive sa sinabi ko, right? Ang cute nga, eh. Sakal to kasal." Malakas siyang tumawa dahilan para magpatingin sa amin ang ibang tao sa room.

Nagsalubong ang kilay ko. "Kaya ka naki-kick sa GC, eh. Lumayas ka na nga sa harapan ko, Indigo. Baka sulsulan ko pa si Fabio na h'wag kang ibalik sa GC."

Tinawanan lang niya ako. "H'wag naman. Ang slumbook ko. Kailangan makumpleto 'yon bago ang graduation."

"Tsupi! Wala akong paki!" taboy ko sa kaniya.

Tatawa-tawang tumayo siya habang hindi pa rin binibitawan ang isang pirasong japanese cake na hawak niya. Nagbaba siya nang tingin sa akin. "Sabihin mo kay Fabio na natanggap mo na ang meryenda mo."

"Oo na, makakalayas ka na. Salamat." Sumenyas ako gamit ang kamay ko na para bang may tinataboy na hayo sa aking harapan. Sumaludo lang siya. Hindi na rin nangulit pa't lumabas na nang tuluyan.

Binalingan ko ang paper bag at kumuha ng isang piraso din. It's yema flavor, my favorite. Sinubo ko iyon pero hindi kinagatan. Kinuha ko muna ulit ang phone ko para mag-IG story ng picture namin ni Indigo kanina.

I captioned, "merienda received, delivered by @diaryniindi."

Tapos ay t-in-ag ko rin si Fabio at nilagay ang username niya sa ibabaw ng brown paper bag. Nang matapos ay saka lang ako kumain nang tuluyan.

A few minutes passed when my phone vibrated for new notifications. Mula sa notification ay binasa ko iyon. It's a story reply from Fabio and Dakila on Instagram. Hindi ko naman kasi siya bl-in-ock doon, sa Facebook lang.

[Instagram]

Fabio Sindayen
fabiongsundreesoro

Enjoy.

Dakila Rye
daksngsundreesoro

Penge akooooo
Dyan ka sa room mo?
Punta ako hehe

Magpalit ka muna ng username mo hayop ka
Ang dugyot

Why? Cute kaya
I mean, it's hot and spicy 🥵

Hayop na username 'yan. Ang baho!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top