Kabanata 4
▶︎ •၊၊||၊|။||||။၊|• 0:40
Kabanata 4
Fabio's Effect
"Dolly," sambit ko sa pangalan ng matalik kong kaibigan upang kuhanin ang kaniyang atensyon.
Babad na naman kasi ang bruha sa KDrama na pinapanood niya kaya hindi na ako pinapansin ngayon. Hanep nga, eh. Siya itong nagyaya sa akin dito sa bahay nila tapos hindi rin naman pala ako papansinin dahil busy mag-binge watch ng Moment at 18.
"Ang pangit mo ka-bonding," dugtong ko.
"Nood ka na lang din my friend. Naka-connect ka naman sa wifi namin," balewala niyang sagot, hindi man lang nagsayang ng oras na balingan ako.
Napasimangot ako. Gustuhin ko man na tularan na lang siya at manood ng KDrama ay hindi ko magawa. Masyado akong abala sa pag-e-edit ng promotional materials namin na part pa rin ng business plan.
She was supposed to aid me with her judgements dahil judgemental siya kaso ang bruha, mas abala magpantasya kay Ong Seung Woo. Hindi man nga siya normally mahilig sa romance tuwing nanonood siya pero ngayon, kilig na kilig ang gaga tuwing lumalabas ang dalawang bida. Nauna ko kasing natapos iyon bago siya dahil lunod pa siya sa isa pang KDrama that time.
"Why am I even here? Hindi naman ako kailangan dito in the first place," naiiling na sabi ko sa kawalan.
"Nandito ka para maging audience ng mga lalaking iyon." Nginuso niya sa akin ang puwesto kung nasaan ang grupo nila Fabio at tumutugtog.
They are rehearsing for the battle of the bands that is happening in the first week of October. Napagdesisyunan na kasi nila, sa wakas, na mag-register at sumali. For now, nag-e-experiment pa lang sila ng mga puwede nilang tugtugin.
"Kaya na nila iyan, matatanda na sila." Tumayo ako at hinila pababa ang suot kong crop top. Hindi naman maliit na maliit iyon, sakto lang na hindi makikita ang pusod. "May malamig kayong tubig? Pagsisilbihan ko na lang ang sarili ko."
"Oo, mare. Nasa ref. Kuha ka na lang," walang-lingon na sagot niya sa akin.
Napailing na lang ako. Bigat na bigat na naman ang baliw sa sarili niyang katawan. Ganyan naman kasi iyan kapag nasimulan na ang panonood, magmimistulang naka-glue na ang puwet niya sa upuan at tamad nang kumilos.
Agad kong narating ang kusina ng bahay nila at nadatnan doon ang nag-tatanghalian na si Felicity. "May lakad ka today, be?" tanong ko.
Nakasuot kasi siya ng pang-alis, maong shorts na tattered, oversized na kulay puting statement na may nakasulat, in yellow font na similar to SpongeBob logo, na "SpongeBob is yellow. Yellow is SpongeBob." Naka-puting sneakers din siya na sapatos at may bucket hat na itim na naka-ready sa ibabaw ng lamesa.
"At bakit ganyan ang damit mo? Pinasuot ng kuya mo?" Tumaas ang kilay ko.
"Oo, 'Te. Late na nga ako, eh. Ayaw lang akong paalisin hangga't hindi ako kumakain," reklamo niya, nakasimangot pa. "At itong damit, naka-bodysuit kasi ako kanina. Pinagalitan ako. Tapos ito ang pinasuot."
Napailing ako. "'Yang kuya mo talaga kahit kailan, tagasinaunang panahon. Gusto lang yata i-promote clothing line niya, eh."
Nagkibit-balikat siya. Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya para makaalis na. Ako naman ang nagtungo sa ref para kumuha ng maiinom. I leisurely took my time rummaging through their fridge to find something to quench my thirst.
May bottled water doon kaya iyon na ang kinuha ko. I stayed beside the sink and rested the lower part of my body by leaning against it. Tumayo naman si Felicity para hugasan ang pinagkainan niya.
"'Te, totoo bang sikat si kuya sa school niyo?" tanong niya habang nagsasabon ng plato niya.
"Bakit?" Binuksan ko ang bote ng tubig at ininuman iyon.
"Kilala kasi siya ng kaklase ko. Nagpapabigay pa nga ng regalo noong birthday ni Kuya."
Napangisi ako. "Kung alam mo lang, City, tinitilian 'yan ng mga babae doon. Lalo na kapag kumakanta."
"'Di ko gets. Eh, mas pogi naman si Kuya Dakila sa kaniya," naiiling niya lang aniya.
Hinarap ko siya at pinagkrus ang aking braso sa tapat ng dibdib ko. "It's more than just the looks, but the beauty in his voice." I brushed her hair while she wiped her hands on the towel. "Ikaw, 'di ba kapag nag-a-upload ka ng dance covers mo sa socmed mo mahina ang limang libong views? Kahit pa naka oversized shirt ka at naka sumbrero na halos tinatakpan mo na ang buong mukha mo."
"Iba naman 'yon, Ate. Kung saan-saan naman napadpad ang mga video ko kaya maraming nakakanood," kontra niya.
"Ganito 'yan." Inakbayan ko siya. "People like him because he can turn any music into the sweetest melody. And your moves express every lyric of the song you cover gracefully. Kaya gustong-gusto kang pinapanood ng mga tao. Gano'n din si Kuya mo. Kaya niya kasing ipadama sa iyo ang ibig sabihin kanta."
I mentally shook my head. Kahit talaga anong lalim ng inis ko sa taong 'yon, hindi ko magawang balewala ang talentong meron siya pagdating sa pagkanta. He's an expert in what he does, and he does his best in every performance. Kaya pagdating sa mga ganitong klase ng usapan ay nakakalimutan kong inis nga pala ako sa kaniya.
"Mauna ka na, bago pa may maisip na namang gawin ang kuya mo para hindi ka makaalis." Mahina kong tinawanan ang pagsimangot niya.
Hindi na rin naman siya nag-aksaya pa ng oras at umalis na. Kinuha niya ang bag niya at sinuot ang bucket hat niya. Kumaway lang siya sa akin at umalis na.
Ako naman ay nagtungo sa pintuan ng back door nila para silipin ang banda. They were outside the Sindayen residence, sa garahe. Mula sa sala, kung saan kami nakatambay ni Dollt, ay kita sila. Pero dito sa kusina ay mas rinig na rinig ang pagtugtog nila. Kaniya-kaniya sila ng puwesto. Cajon at acoustic guitar lang ang istrumentong mayroon sila ngayon.
Magkatabi sa puting pahabang upuan na kahoy si Indi at Dakila. Si Ten naman ay sa cajon mismo nakaupo habang mahinang tumatapik doon. Si Chrisam ay nakatayo sa gilid ng whiteboard dahil siya ang unofficial secretary ng banda. Si Agosto naman ay nasa sahig na may sapin na karton nakaupo habang hawak ang acoustic guitar niya.
Si Fabio? Nakahiga sa sahig, nag-e-emote yata.
"I Belong to the Zoo, Ben & Ben, December Avenue, The Juans." Bawat bandang pinapangalanan ni Chrisam ay sinusulat niya sa white board. "Indie pop rock is better for me."
"Kayo ba? Anong gusto niyo?" tanong ni Blas.
"I agree with Chrisam. Mas in ngayon sa masa ang mga ganyang tugtugan," segunda ni August.
"Anong kanta ang tanong?" si Indigo.
Pansamantala kong ipinikit ang mga mata ko habang binabalikan ang ilang pirasong OPM na kanta na alam ko. Agad na pumailanlang ang isang himig sa isip ko habang inaalala ang lamig ng boses ni Fabio.
Wala sa sariling napangiti ako dahil kahit sa isip pa lang ay ang ganda na ng kinalabasan. Kaya sa pagdilat ko ay naiwan pa rin ang ngiti sa aking mga labi.
"Old songs would be good to consider din," si Dakila.
"P'wede. Kaso mas maganda kung makakasabay ang mga tao," si Ten.
Nakabilib din talaga 'tong isang 'to, eh. Palagi niyang priority sa bawat pagtugtog nila ang kasiyahan ng mga tao.
"Ikaw ba, 'Tol? May gusto ka iambag?" tanong ni Ten kay Fabio.
Nagdilat ng mga mata ang huli at tumitig sa kisame ng kanilang garahe. Pero nanatili lang siyang walang imik sa loob ng ilang minuto. Matiyaga naman siyang hinintay ng mga tropa niyang nawiwirduhan lang na nakatingin sa kaniya.
He looks so spaced out. Para siyang nakakulong sa sarili niyang imahinasyon habang pilit na hinahanapan ng solusyon ang problema niya.
"Anong kanta ba ang magugustuhan ni Everly?"
Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko. Maging ang mga kasama niya ay umani rin ng kaparehong reaksyon. Pero si Fabio, ang siraulong 'yon, kunot pa rin ang noo at tila ba problemado.
Agad kong sinaway ang sarili kong puso nang maramdaman ang dahan-dahang pagbilis nang tibok no'n. I placed my hand on my chest, where my heart is beating, and gently tapped it to help it get back to its normal phase. Subalit sa bawat segundong dumadaan ay mas lalo lamang iyong bumibilis at umiingay.
"Tangina, Tol. Tama ba naririnig ko?" gulat na tanong ni Dakila.
Fabio, still lying on the floor, sighed deeply. "I'm thinking of Walang Iba. Pero baka masyadong straightforward ang lyrics."
"Kung gusto mong gumawa ng video diary, doon ka sa kwarto mo, boy. Nakakasuka makinig ng daydreaming mo. Kingina ka!" si August.
Pero bago ko pa siya intindihin ay nakuha na ni Indigo ang buo kong atensyon. Ang tarantado kasi, umupo sa may bandang ulo ni Fabio at nakapagtitigan sa kaniya sa gano'ng posisyon. "Why o why ka nagmo-monologue ng ganyan?"
"I asked her to be my date, pakiligin ko daw muna siya," kwento niya.
Now it makes sense.
Kalma lang kasi, Everly. Kung maka-react naman kasi akala mo tinanong ng "will you be my girlfriend?," eh. Napaka-OA!
"Liligawan mo na?" excited niyang tanong. Nginting-ngiti pa ang gago na akala mo batang nanalo ng isang dangkal na pogs.
"Tukmol!" Malakas na tinulak ni Fabio ang mukha niya kaya napaupo sa sahig ang pobreng si Indi. "Mukha bang magpapaligaw 'yon? Eh, hindi ko nga ma-chat sa Facebook dahil 'di ko mahanap ang account. Hindi rin ako makapag-send ng message sa messenger."
Oops. Malamang naka-block pa rin siya sa akin.
"Huh? Eh, kaka-chat niya pa lang sa akin two days ago. Nanghihiram ng charger ng laptop dahil pumutok daw ang kanya." Salubong ang kilay na nagkamot ng ulo si Indigo.
Hindi ko na tinapos na pakinggan ang usapan nila at bumalik na lang ako sa loob ng kusina. Mahirap na, baka magkahulihan pa. Si Fabio pa naman 'yong klase ng taong madamdamin at mahilig magtampo kahit na madalas ay ugaling bato. He makes a big deal out of everything. Even at the smallest thing. At very sentimental din.
Ang tsismis nga sa akin ni Dolly ay may tinatago siyang memory box with padlock pa. I can't even imagine! Ano kayang itsura niya tuwing binubuksan niya 'yon? Shet!
Mukha siguro siyang batang may tinatagong sikreto sa mga magulang. I could imagine him opening it discreetly with locked doors. Double shet!
I mentally shook my head to erase that image of him. Masyado na siyang nagiging cute sa imagination ko. Delikado.
Naglakad na ako pabalik sa sala ngunit nakarinig ako nang hakbang papalapit sa akin. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko hababg dahan-dahang humaharap ulit sa pinanggalingan ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang makitang si Fabio iyon na salubong ang kilay. Nalaman niya bang bl-in-ock ko siya? Geez. "H-Hi," kabadong bati ko.
Hindi man lang siya nag-abala na tapunan ako ng kahit mabilis lang na tingin. Dumiretso lang siya sa ref na katabi ko. Hindi ako gumalaw man lang at nanatiling lang na prenteng umiinom ng tubig mula sa bottled water na nakuha ko doon.
Kailangan kong uminom dahil natutuyuan na ako ng lalamunan dahil sa kaba. I should really unblock him as soon as I reach my phone. Baka sa susunod na magkita kami taong yelo na ang kaharap ko dahil sa cold treatment na ibibigay niya panigurado.
Wait— isn't that better? Ano naman kung i-cold treatment ako? It doesn't matter naman. Dapat. Pero bakit nag-o-overthink na ako?!
"Shoo," pagtataboy niya sa akin.
Napakurap ako ng mabilis. "Salbahe ka talaga, Fabio. Paano ka magkaka-girlfriend niyan?" Bahagya akong umusog palayo sa ref na hinaharangan ko kanina. "Balita pala? May nahanap ka ng date mo?"
Ngumisi ako nang makita ang pagkunot ng noo niya. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay napahagikhik na ako.
Siya pa rin talaga ang best medicine sa kabang siya rin ang may dulot sa akin. His reaction is always priceless! Meme-worthy!
"You enjoy pissing me off, don't you?" he asked, obviously pissed at me.
May kalakasan niyang isinara ang ref matapos ay humarap sa akin. Salubong na ang kilay niya at matalim na naman kung tumingin sa akin. Unti-unti na ring nagkukulay kamatis ang tainga niya dala ng inis.
"Hindi, ah. Tinatanong lang naman kita," pigil ang ngiti na pagdadahilan ko.
"Pinaglalaruan mo ba ako, Everly Bless?" Pinagkunutan niya ako ng noo matapos ay humakbang papalapit sa akin. Fabio snatched the bottled water I was holding and drank from it without breaking eye contact with me.
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay nahampas ko na ang balikat niya. "Hoy!"
"Kumusta business plan mo?" balewala niyang tanong na para bang hindi kami nag-indirect kiss ngayon lang!
"Hoy, indirect kiss 'yon!" Nang-aakusa ko siyang tiningnan habang nanlalaki pa rin ng bahagya ang mga mata dala ng gulat sa ginawa niya.
"Ano ngayon? Hindi naman kita hinalikan? Labi mo ba ang nilapatan ng labi ko? Hindi naman, 'di ba?" pagsusungit niya sa akin.
Para akong sinilaban sa init na nararamdaman ko sa magkabilang pisngi ko. It was now my time to throw daggers at him with my stares. But he still remained unaffected.
Kulang na lang ay sakalin ko siya dahil sa inis sa ginawa niya pero ang walang hiya ay nananandiya pa. Ubusin ba naman ang natitirang laman na tubig sa bote habang nakapako pa rin ang tingin sa akin.
He smirked. "Chill, Everly. Hindi pa nga kita hinahalikan ganiyan ka na mag-react. Paano pa kaya kapag hinalikan na talaga kita?" Ngumisi siyang lalo sa akin kasunod ng isang hakbang paabante.
Tuloy, napasok na niya ang personal space ko. My even breathing became unstable as his body heat reached my skin. It's a small distance that calls for warning!
Sa ilang taong pagkakakilala ko sa kaniya ay ito pa lang ang unang pagkakataon na naging ganito kami kalapit sa isa't isa. And I am not fine at all! As in! Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at rinig na rinig ko iyon na parang nasa tapat lang ng tainga ko!
I am sure as hell na hindi ito kaba. Dahil sobrang layo tuwung tumatayo ako sa gitna ng klase para mag-report o mag-recite. Ano 'to kung gano'n? Ngayon ko pa lang naramdaman 'to!
Pasimple kong pinaypayan ang sarili ko. "A-Ang landi mo, Fabio," hindi napigilan ang utal na sabi ko. "Lumayo ka sa akin bago ko pa maisip na basagin ang source of children mo," pagtatapang-tapangan ko.
But deep inside me I was on the verge of crumbling down. Ramdam ko na ang panlalambot ng tuhod ko dahil sa lapit niya. Thank goodness I have the sink to support my body, because if not, I would've wobbled down way earlier.
Nakakapanginig ng buto ang distansya namin. Nakakatuliro at hindi ako makapag-isip ng matino dahil ang tanging laman lang ng isip ko ay ang pagbibilang ng tupa para manatiling nasa tamang pag-iisip.
Mas lumawak ang ngisi ni Fabio habang nakatingin pa rin sa akin. "Pa'no tayo magkakaanak kung gano'n?"
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko. "Fabio!" I gasped loudly.
Ang hayop na malanding tupa na nagngangalang Fabio ay humakbang lang ng isa pang beses palapit sa akin. Suot pa rin ang ngisi sa mga labi na tumitig siya sa mga mata ko. "See, Everly, hind ka immune sa akin."
Mahina ko siyang tinulak at dali-daling umalis sa harapan niya. "Baka kamo nandidiri ako kaya gano'n," tanggi ko.
Pero sino ba ang niloloko ko? Eh, talaga namang apektado ako dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin ni Fabio!
Hindi naman siguro niya narinig ang tibok ng puso ko? Tangina talaga!
"Baka kamo naaasiman lang ako sa kili-kili mo na umaalingasaw dahil naka sando ka," dagdag ko pa.
Mabilis siyang lumingon sa akin, matalim na ngayon kung tumingin. "As if, Everly. Ang bango ng kili-kili ko. Wala pang buhok." Sinilip ni Fabio ang sailing kili-kili sa pamamagitan nang pagyuko.
Maluwag na sando kasi ang suot niya na kulay navy blue. Kapares no'n ay ang kulay puti na polkadots na cotton shorts. Pero kahit sa simpleng attire niya na iyon ay ang lakas na agad ng dating niya. Mukha pa nga siyang model ng apple watch dahil may suot din siyang gano'n.
Nakakahiya naman sa itsura kong mukhang bibili lang ng tinapa sa palengke. Naka jogging pants lang kasi ako, jogging pants pa ng school na kulay blue at may nakalagay na pahaba at pababang Montessori Colleges sa right side. Fitted crop top na color puti naman ang pang-itaas ko para naman hindi mukhsng dugyot tingnan.
"Kumusta ang business plan mo?" pag-ulit niya sa tanong na inignora ko lang kanina.
Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan nang sa wakas ay umupo na siya isang bakanteng dining chair. May hangin naman akong nalalanghap kanina pero mas naging maluwag ang paghinga ko dahil sa pag-atras niya.
"Business plan pa rin, syempre." Pasimple akong umatras upang mas palawakin ang distansya sa pagitan namin.
"Dalhin mo rito, tutulungan kita," utos niya.
Pinagkrus ko ang braso ko sa tapat ng aking dibdib. "Busy ka kaya," pagpupunto ko. "Nasa kalagitnaan kayo ng rehearsal."
"Break. Isang oras," pagkontra niya sa akin. "Bilis."
"Anong kapalit?" Tinaasan ko siya ng kilay. For sure, may kapalit ang offer niya. I already declined him once just two days ago. Tapos ngayon, inaalok niya ulit ako.
"Wala. Bilisan mo na habang nasa mood pa ako." Nilingon niya ako at mahinang pinaling ang ulo sa direksyon ng sala, sinesenyasan akong humanin ang gamit ko ro'n.
"Hindi ako naniniwala, Fabio," kontra ko pabalik. "Isa pa, hindi ka mukhang nasa mood. Mukha kang dragon na manunugod anytime soon."
"Kung ayaw mo, eh, 'di 'wag," pagsusungit niya. Kulang na lang ay irapan niya ako nang bigla niyang alisin ang tingin sa akin.
Maagap na humawak ako sa braso niya, halos takbuhin na ang pagitan namin, upang hindi siya makatayo. Mukhang nagbabalak nang umalis dahil sa pagtanggi ko. "Ito naman napakamatampuhin. Sandali lang."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Nagmamadali na akong bumalik sa sala para kuhanin ang tablet ni Tito Felix na dala ko. I prefer working on his tablet than on my laptop at times like this. Mas convenient kasing dalhin. Pinapahiram naman niya sa akin kaya okay lang. Connected naman iyong app na gamit ko sa kahit na anong device kaya okay lang.
Hindi ko na binigyan ng masyadong atensyon si Dolly na nakahiga na ngayon sa sofa. Hindi rin naman niya ako binalingan nang tingin o pinanasin man lang ng kahit sandali.
Naabutan ko si Fabio na naghahain ng chunky cookies sa lamesa. Nasa isang bilog at malaking plato iyon na tr-in-ansfer niya galing sa malaki nilang garapon. May nakahain na ring orange juice sa isang gilid. Ang speed naman niya.
"Bakit isa lang?" pagtataka ko nang makapasok.
"Sa 'yo lang naman," sagot niya.
He nonchalantly pulled out a chair on his right where the food was served. Then pulled another in front of him and sat there. As I figured that it was my chair to sit on, I occupied it without a word.
Lowkey gentleman naman pala ang isang Fabio Sindayen.
"Sa'n ka na sa business plan mo?" diretso niyang tanong.
"Promotional materials. Pero ginagawa at fina-finalize ko pa ang logo. I'm stuck. Ang baduy kasi tingnan. Tapos na kasi talaga ako, eh. Sinapian lang iyong leader namin at pinabago lahat. Masyado raw common," sumbong ko.
Kinuha niya mula sa akin ang tablet tiningnan ang ginagawa ko. Actually, wala naman siyang makikita talaga ro'n.
SCENTiments na business name na napili namin lang ang nakalagay dahil humahalukay pa ako ng inspirasyon sa isip ko. Gusto ko sana ng minimalist design tulad nang unang disenyong nagawa ko. Kaso naubos na yata ang creative juices ko sa unang branding na nagawa ko.
Pinoproblema ko pa kasi ang page since kailangan na rin masinulan na makapag-boost ng engagement. May points din kasi iyon dahil nakipag-collab ang Advertising professor namin sa business plan advisor namin.
"Maayos naman iyong una mong design, ah?" may himig ng pagtatakang aniya.
Nasa pinakaunang sheet kasi lahat ng designs ko na tapos na. Then from sheet 10 below is blanko. Shit kasi, eh.
"I know right. Kaso tinotopak nga iyong leader namin," inis kong reklamo.
"Bibig mo," sita niya.
"Kissable, I know. Eh, totoo naman kasi. Nag-poll pa nga kami sa gc namin kung anong magandang design dahil may sariling gawa si madam Dianne. Tapos ako nakakuha ng lahat ng votes, except iyong sa kanya syempre dahil sarili niya binoto niya. Then the next thing I know pinapabago na niya lahat nang pinaghirapan ko," sunod-sunod kong paglalabas ng hinaing kay Fabio.
Walang imik na nakinig lang naman siya sa akin habang tinitignan isa-isa ang designs na nagawa ko last time.
Okay lang naman na hindi siya sumagot. Kailangan ko lang naman nang paglalabasan ng himutok ko dahil badtrip na badtrip pa rin ako hanggang ngayon. Tapos hindi pa nagre-reply sa GC namin kapag may ipapa-check akong for approval niya.
Ako pa ang naghahabol, hanep!
"Kissable lang ang naintindihan mo sa lahat nang sinabi mo." Binaba niya ang tablet para kumuha ng isang pirasong cookie at isinalpak sa bibig ko.
Tinaliman ko siya nang tingin na inignora lang niya. Mabilis kong inubos ang cookie sa bibig ko. "Siguro pinagnanasaan mo ako, Fabio," akusa ko.
Panandalian siyang natigilan bago ako nilingon na nanlilisik ang mga mata. "Your words really are something. Epekto ba iyan ni Dolly sa 'yo?"
Hinampas ko siya sa balikat.. "Grabe ka naman sa kapatid mo! Kasalanan ko bang nakaka-overthink 'yang sinabi mo? Tingnan mo nga, sa dami nang sinabi ko, iyon lang ang natandaan mo."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Diretso lang siyang nakikipagtitigan sa akin noong umpisa hanggang sa mapansin ko na lang ang bumababa na ang tingin niya... sa mga labi ko.
Tila ba nakulong siya sa isa mahika kung saan hindi niya magawang alisin ang kaniyang mga mata mula sa mga labi ko. And witnessing that made me feel strange. I felt the sudden need to back away but I lost control of my body.
Hindi ko magawang kumilos kahit na ang gusto ko gawin ay lumayo ng kahit kaunti. I got captured and imprisoned by the way he stares at me... at my lips rather.
And realizing the way Fabio affects me, scares the shit out of my being.
"Kung talagang pinagnanasaan kita, ngayon pa lang nakahubad ka na," ngisi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top