Kabanata 3
▶︎ •၊၊||၊|။||||။၊|• 0:00
Kabanata 3
Dare
Kanina pa salubong ang kilay ko at kanina pa rin mainit ang ulo ko. Halos hindi na nga nawala ang kanina pang pagkakakunot ng aking noo at sigurado akong ang tingin ko ay kanina pa matalim dala na rin ng inis.
May capsule ba na puwedeng inumin para kumalma naman ng kaunti ang inis na nararamdaman ko?
I am so pissed!
"Common," komento ni Dianne, ang head namin sa business plan namin. "Masyado siyang typical. Marami na akong nakitang ganiyan din ang branding when it comes to their shop."
Eh, 'di sana noong s-in-end ko nagreklamo ka na! Patago akong umirap sa komento niya dala ng inis. Kung puwede nga lang rolyohan ng mga mata ang babaeng 'to ng harapan, hindi ko na sana pinigilan ang sarili ko.
Nakakainis kasi, eh! Akala mo naman kung sinong magaling samantalang noong nagbotohan kami sa poll sa GC kagabi mas pabor sa design ko ang tatlo pa naming kasama.
I even won 4 of 5!
Of course, I voted for myself. But even without that, ako pa rin naman ang panalo. Pero ang bitter na bitchesa, hindi yata tanggap at pinapa-revise sa akin ang lahat ng branding na ginawa ko.
Bwisit! Peste!
And, hello? Sana okay pa siya? Sa akin niya in-assign ang task ng branding at social media handling tapos nakikigawa din siya ng sarili niyang version. And even before doing mine, I already consulted the whole group. And all of their suggestions were taken into consideration. Kailangan ko lang talaga timbangin kung anong mas magpapaganda.
And here goes her unsatisfied ego. Kasalanan ko bang ako lang ang may social media management experience sa aming lima? Eh, 'di sana nag-ipon muna siya ng experience bago siya nag-Marketing.
I shut my eyes tightly and tried to calm myself. "Ang sabi mo sa akin noong nilatagan kita ng choices, ito ang pinaka-well suited sa napili nating business venture. Right there and then, p'wede mong sabihin sa akin na hindi ka naman pala satisfied. O kaya nagbigay ka ng mga pointers na dapat i-consider at dapat na baguhin. Eh, 'di sana nagawan agad ng alternatives. Hindi 'yong bibiglain mo ako na may sariling gawa ka na ipipilit mo sa amin."
Naramdaman kong hinawakan ni Gwen ang braso ko. Hindi naman bago sa kanila ang matabil kong dila kaya wala akong dapat na itagong ugali sa kanila.
I'm known as a woman with personality. At least, that's what people call me. Masyado daw akong feeling porket maganda ako. Attitude daw ako. Feeling ko daw lahat ng lalaki may gusto sa akin dahil ang arte-arte ko kumilos. At madami pang iba na wala namang katotohanan.
Mabuti pa nga sila naiisip 'yon dahil ako hindi. Masyado silang invested sa buhay ko.
Some even questions my worth as Miss Montessori. Kahit nga sa post ng university namin about me bagging that crown, mas maraning kumukuda kesyo ganda lang daw meron ako. Kesyo sipsip lang daw ako sa prof nagiging Dean's Lister ako.
Mga hunghang. Bakit? Binayaran ko ba ang ang mga judge para ipanalo ako? Eh, indi ko naman sila kilala. Para namang may karapatan sila sa buhay ko para husgahan ako.
"I made further research last night, just to compare. Hindi ko naman kasalanan kung common ng ang nagawa mo," depensa niya.
"Then, at the very least, you should've told me last night already. Or at least made further research to satisfy yourself way earlier than last night," I argued.
I mentally rolled my eyes on her. As much as I'd like to think na in good faith ang mga pinapagawa niya, hindi ko rin basta maalis sa isip ko na may for personal interest lang ang lahat.
Ramdam ko kasi, eh, at nakikita ko. Iyong klase ng leadership na mayroon siya ay iyong tipong gusto na siya lahat ang nasusunod. Iyon bang bibigyan ka ng tasks pero kapag hindi mo ginawa ay siya na ang sasalo at gagawin iyong idea niya mismo.
Katulad sa brand name ng business plan namin. Sa kaniya pa rin ang nasunod sa huli dahil pinilit niya. Kahit buong pagkatao ko ang sumisigaw nang pagtutol dahil nababaduyan ako sa napili niyang pangalan.
Just like what she is doing to me now.
At dahil hindi maipagkakailang machine gun ang bunganga ko, sasagot muna ako't magrereklamo bago susunod.
"Anong gusto mong sabihin, Everly? Are you implying na nanadiya ako?" Her right brow arched at me.
At bilang isang maldita rin, tinaasan ko rin siya ng kilay. Mas mataas pa sa kilay niya. "Come on, Dianne. Don't twist my words to win an argument. You have plenty of time in your hands to tell me about it, Dianne. Pero hinintay mo pa ngayon kung kailan gahol na tayo sa oras." I disappointingly shook my head. "I'll send you the revised version as soon as I finish everything. And please next time, give me immediate feedback. Huwag mo nang hayaan na dumaan pa ang araw na magiging unproductive na naman tayo at walang improvement ang papers natin. Wala tayong mahabang oras. In fact, we are short of time. Sana aware ka rin."
The room fell into a trap of silence. Binalewala ko lang iyon at nag-umpisa nang magligpit ng gamit ko. Natigil din sa pagbubunganga si Dianne. Thank, God!
Ano naman kasi ang masama sa mga sinabi ko? Totoo naman kasi. Magkaiba kami ng paraan ni Dianne kung paano i-handle ang academic responsibilities namin. Habang siya'y chill at "mamaya na lang" ang mantra, kabaliktaran ako. I plan ahead of time and I make sure to always allocate more than enough time to finish everything on my plate para hindi ako nagagahol at naghahabol ng oras.
Tapos ganito ang mangyayari?
"Nandiyan na sundo mo," imporma sa akin ni Nicole habang nakatingin sa labas ng vacant room kung nasaan kami.
Sinundan ko nang tingin ang direksyong tinutumbok ng mga mata ni Nicole at walang hirap ko namang nahanap ang tinutukoy niya.
Leaning on the door was the great and proud, Real Jared. Kumakain siya ng cornetto habang nakatingin din sa akin. My mouth fell half-open when I saw how he flirtatiously licked the melted ice cream on the side of the cone. Real's eyes were closed while the tip of his tongue traced the melting ice cream.
Ang dugyot! Shuta!
Imbes na ako ang maapektuhan sa kadugyutan niya, ang apat na ka-group ko pa ang mas kinilig. I even heard them giggle while murmuring things I couldn't comprehend at all.
Pasimple akong umiling bago nag-iwas nang tingin. "Tapos na ba?" tanong ko kay Dianne.
I smirked when I saw her looking at Real, too. If I know, isa rin siya sa mga patay na patay sa lalaking 'to. Kaya siguro pinag-iinitan niya ako dahil hindi siya pinapansin ng lalaki.
Maganda 'yan. Mainggit ka lang. Pambawi man lang sa pagpapahirap mo sa akin.
"Girlie, stop wasting our time by ogling at Real," I nagged. "Kung d-in-ismiss mo na kami, eh 'di sana nagawa na namin lahat ng rejections mo," pagmamaldita ko.
The hell I care. Eh, siya nga itong namemersonal at gustong ipaulit ang pinagpuyatan ko ng ilang gabi.
Bitch! Malapit na ang deadline ngayon pa nag-inarte!
Alam kong ang walang kuwenta kong ka-group dahil ganito ako mag-isip sa kaniya. Pero napupundi na talaga ang pasensya ko kanina pa. Okay lang naman sana kung may gusto siyang ipabago. Pero sana hindi siya bigay nang bigay ng suggestions for improvement kung ipapabago lang din naman niya ng buo.
What's worse is, wala man lang suggestion at revise agad ng buo.
Hay, nako.
"Usap na lang tayo sa GC," wala pa rin sa sarili niyang sabi.
I rolled my eyes, not able to hold myself back. Mabuti na lang hindi niya nakita 'yon. "Thanks. Ingat kayo," paalam ko sa kanila, except kay Dianne.
Mabilis kong dinampot ang laptop ko at iba ko pang gamit bago nagmamadaling lumabas ng room.
"What's with the rush?" Real asked as soon as I reached his side.
"Marami akong gagawin," iritable ko pa ring tugon. Kung hindi ko siya idadaan sa pagsusungit-sungitan, baka wala pa man siyang ginagawa ay naratrat ko na siya ng armalite kong bunganga.
I know how naughty and mischievous he could get. At oras na mapagdesisyunan niyang pestehin ako, for sure, mas lalo lang iinit ang ulo ko at wala akong matatapos.
"Really? Yayayain pa man din sana kitang mag-My Girl. Tambay muna tayo," imporma niya.
"Binagsakan ako ng trabaho ng magaling kong leader kaya pass muna," tanggi ko.
I was walking side by side with him now. Kaya kailangan ko pang bilisan ng kaunti ang hakbang ko dahil isang hakbang ni Real ay dalawa na ang katumbas sa akin.
"Puwede mo namang gawin doon. Maaga pa naman. It's only three in the afternoon, bebe," pilit niya.
I looked at my watch and sighed. "Hindi ka busy?"
Umiling siya. "Not really. Pero magiging sobrang abala ako sa mga susunod na araw. Kaya please, bebe, bond with me." Real looked at me with a weird expression on his face.
Nakausli ang pang-ibaba niyang labi habang nakababa ang magkabilang gilid no'n. Pinilit niya pang palungkutin ang mga mata niya para lang pilitin ako.
A week had passed since that incident kaya heto siya't balik na naman sa pagloloko, hindi na natuto at mukhang wala ng balak magbago.
"Tara," aking pagsuko. "Kung hindi ka lang mukhang tanga hindi ako papayag, eh." Minsan ko pa siyang inirapan bago nagsimula na namang maglakad palabas ng building.
Agad naman niya akong hinabol at inakbayan. "Sus, mas okay na ang magmukhang tanga basta makasama ka."
Pinanlisikan ko siya ng mga mata ko. "Isaksak mo sa atay mo 'yang kalandian mo, Real."
He let out a laugh. "Sus, sinasabi mo lang iyan kasi hindi magkalapat ang mga labi nating dalawa. Pero kung hahalikan kita ngayon din mismo, isang daang porsyentong magpapaubaya ka," pagyayabang niya.
Kung hindi lang siya nakaakbay sa akin, siguradong napatigil na ako sa paglalakad dahil sa kaniyang sinabi. Para niyang harap-harapang ipinamukha sa akin ang maling nagawa ko dahil sa espiritu ng alak sa sistema ko nang gabi na iyon.
It was as if he pressed the flashback button in my mind replaying a rewind of the moment I made a huge drunken mistake.
Dala ng inis ay siniko ko diya sa tagiliran. "Ayaw ko ng trip down to memory ngayon, Real," pagsusungit ko.
He chuckled at my words. "Chill, bebe. Binibiro ka lang."
Umirap ako sa hangin kahit na hindi niya naman iyon kita. Tahimik na ang mga sumunod na sandali sa pagitan namin hanggang sa paglabas ng campus.
Narating namin ang waiting shed kung saan usually humihinto ang mga tricycle para magsakay ng pasahero. Walkable naman, actually, ang My Girl mula rito. Sa likod lang ng SM. Mga 10 minutes lang pero syempre, mas convenient ang sumakay na lang.
Hindi rin naman nagtagal at may huminto ng tricycle sa harapan namin. Real allowed me to enter first before him. It only took us a few minutes bago nakarating. Wala rin naman masyadong tao kaya hindi kami nahirapan na maghanap ng puwesto.
"Anong sa iyo?" tanong niya matapos namin mag-settle sa isa sa mga upuan sa labas.
Sa rooftop ng My Girl ang napili naming pwesto. Hapon na rin naman kaya wala ng araw. Isa pa, mas malamig ang klima ngayon kumpara noong mga nakaraan dahil ilang buwan na lang, December na.
"Taro smoothie," order ko.
"Alright, princess. Wait mo ako, order lang ako," paalam niya.
Simpleng tango lang ang ginawa ko bago pinagtuunan na ng pansin ang laptop ko. Binuhay ko ulit iyon at nagpunta sa app na gamit ko para gumawa ng bagong design.
From the color palette, fonts, logo, tagline, at lahat ng may kinalaman sa branding ng naisip naming business ventures ay kailangan kong palitan. In short, back to zero.
Hayop talaga. Ang sarap manabunot.
"Did you change your number?" someone asked from my back.
"Fabio," I replied without looking back to know who that person was.
Boses pa lang ay sigurado na ako na siya iyon. Masyado na akong pamilyar sa boses niya para magawa ko siyang makilala nang hindi nakikita.
Fabio has that unique husky tone of voice. Iyong para bang magdamag siyang kumanta kaya nawalan ng boses. Pero iyon talaga ang boses niya na nakagisnan ko na. He sounds like he's whispering but it's just his natural soft speaking voice.
"Your number, nagpalit ka?" tanong ulit niya.
"Oo, bakit?" Pinagtaasan ko siya ng kilay ko.
Umiling siya. "Nevermind." He leaned forward and looked at my laptop's screen. "Scentiments?" basa niya sa nakasulat sa pinakagitna ng blank page ng workspace ko. "Business plan?" tanong niya matapos ay inokupa ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Kasama mo si Real?"
Tumango ako bilang sagot sa pareho niyang tanong. "First, yes for our business plan. Second, yes ulit. Kasama ko si Reyalidad." Pinasadahan ko siya nang tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot pa rin siya ng uniform tulad ko. "Wala ka ng pasok?"
"Break," tipid niyang sagot.
Nirolyohan ko siya ng mga mata ko. "Wala kang kuwentang kausap talaga kahit kailan."
"Gusto mong tulong?" alok niya, iniignora ang sinabi ko.
Imbes na maiinis dapat talaga ako sa kaniya, mas natuwa lang ako sa inalok niya. Parang pumalakpak ang tainga ko at para kong dinuyan sa ulap. "Jinja? Omo!"
"Magkaibigan nga kayo," naiiling niyang konklusyon.
For sure si Dolly ang tinutukoy niya. Siya lang naman ang pinakamalaking impluwensya ko sa addiction ko sa KDrama. Minsan nga korean na ang gamit naming salita pag nag-uusap, mapa-chat man o sa personal.
"I know right. Pero seryoso ba iyang offer na iyan? Anong kapalit?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko, sinusuri ang ekspresyon ng mukha niya dahil baka mamaya trip lang niya ako.
Si Fabio pa ba? Hindi iyan gagawa ng bagay ng walang kapalit. He won't move muscle nor waste a tiny bit of his energy if he won't have any gain. Segurista 'yan, eh. Dapat may pakinabang muna siya. Kahit nga sa kapatid niyang si Dolly inuutakan niya pa.
"Samahan mo ako," sagot niya.
"Saan?"
"Sa graduation ball."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil hindi ko siya magawang maintindihan ng buo. "Ha? Bakit ako? Ang dami mo namang babae dyan. Sila imbitahan mo. For sure walang tatanggi sa 'yo."
Nginisihan niya ako. "Hindi ko alam na selosa ka pala," pang-aasar niya kabuntot ang nang-aasar na tawa.
Nirolyohan ko siya ng mga mata ko matapos ay sinuntok ng may kalakasan ang kaniyang braso. "Hindi tayo talo, Fabio."
"Alam ko, kaya nga ikaw ang isasama ko. Isa pa..."
Binitin niya ang mga salita niya kaya agad akong napuno ng kuryosidad. Pinagkunutan ko siya ng noo habang hinihintay na dugtungan niya ang mga salita niya. Hindi rin ako nagbalak na magsalita pa. I just took my time to wander my eyes in his face.
Hindi maipagkakailang ang laki na ng mga naging pagbabago kay Fabio kung ikukumpara sa pagkakakilala ko sa kaniya noong totoy version niya. And even up to this point, I still can't believe that I am seeing the man that he is now, far from the boy who would always be silently playing his guitar.
I couldn't deny the changes visible not just from his body but also on how he carries himself. He used to be the nerd dude in the campus wearing square eyeglasses and braces. May hint pa rin naman ng nerdiness niya dahil sa suot niyang may grado na salamin at nakabakal pa rin naman siya pero malayo na siya sa noon niyang itsura.
There were hints of unshaven beard all over his jaw lines, which were more visible because of his fair skin tone. May confidence na rin siya ngayon, 'di tulad noon na palaging nakayuko. Ang hindi lang naman nawala sa kaniya ay ang salamin niya dahil sa malabo niyang mga mata.
Maybe this was the fruit of being in Sundeesoro.
"Isa pa ano?" Like my usual and automatic reaction, I rolled my eyes on him. "Sus, if I know nasusungitan ka lang talaga sa akin kaya balak mo akong gawing panakot sa mga fangirl mo."
Mahina siyang natawa sa akin. "Alam mo kung anong nagpapasungit sa iyo?" Hindi ako sumagot sa kaniya. "Iyang mga mata mo. Ang talim tumingin."
Pinaningkitan ko siya ng singkit ko ng mga mata. Ilang beses ko nang natanggap ang gano'ng klase ng mga salita kaya sanay na ako.
I have monolid deep brown eyes paired with my angled brows. No wonder people see me as the maldita girl. Kahit ako kasi nasusungitan din sa sarili kong mga mata dahil sa chinta look na binibigay ng mga mata ko. Even if I give them the sweetest smile with my thin lips, still... maldita pa rin.
"Wow, ha. Salamat na lang sa lahat, Fabio. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend, eh. Hindi ka marunong pumuri ng babae." Muli ko siyang inirapan. "Maghanap ka na lang ng ibang uutuin mo. Kaya ko na 'to."
"Sungit mo," natatawa niyang bulong. "Trust me, Everly, ilang pares ng mga mata ang nakita kong dumapo sa iyo bago kita nilapitan." Pasimple niyang inikot ang tingin sa maliit na espasyo ng rooftop kaya wala sa sariling napasunod din ako nang tingin sa paligid namin.
Groups of students were occupying the scattered tables. Although karamihan ay mga kababaihan ang nandoon, may mga lalaki pa ring estudyante. Naka-uniform rin sila ng pang MC habang ang iba ay uniform ng TSU ang suot.
"See, Fabio? Sinasayang mo ang ganda ko," maarteng wika ko sabay flip hair pa sa kaniya.
Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya at sa halip ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin. I did the same thing, too. Nilabanan ko lang ang titig niya kahit na unti-unti na akong hindi nagiging hindi komportable.
I never had this kind of chance with him. Madalas kasi na nakaiwas ang kaniyang tingin. Kung hindi nakayuko, nakatutok naman ang mga mata sa cellphone. Napakalaki kasing introvert ni Fabio kaya iwas din sa mga tao kung minsan.
Ilang segundo rin kaming nanatili sa gano'ng posisyon bago niya muling binasag ang katahimikan, "Samahan mo na ako."
"Ayoko nga. Di ako mahilig sa ganyan," tanggi ko.
I don't like parties or social interactions. Limang minuto pa lang ubos na social battery ko.
"Same," segunda niya.
"H'wag ka na mag-attend kung gano'n," suhestiyon ko na para bang iyon na ang pinaka-obvious na sagot sa dilemma niya.
"No, I want to make my last year extra special," he replied.
"By attending the ball?"
Prente siyang sumandal sa kinauupuan niya. "With you, yes."
Umarko pang lalo ang kilay ko dahil sa naging sagot niya. Pero hindi ako nagpakita ng iba pang reaksyon. Taas ang kanang kilay na nakatingin lang ako kay Fabio. Naka-krus na ang mga braso niya sa habang bahagyang nakausli ang nguso. Lumabas pa tuloy ng bahagya ang maliit niyang dimple sa kanang pisngi niya.
As I don't want to put colors on his words, I immediately dismissed the idea that it meant something. For sure naman walang ibig sabihin iyon.
"Come on, be with me. Wala naman akong ibang dadalhin do'n," pilit niya pa.
"Si Dolly," suhestiyon ko.
"Hard pass. Si Tenten ang ka-date niya."
"Eh 'di mag-solo ka."
"Bakit ako magsosolo kung nandiyan ka naman?"
Tila ba may pumitik na kung ano sa isip ko nang bigla ay makaisip ako ng kapilyahan. "Sa isang kundisyon."
Hindi na nawala ang ngisi ko habang pinagmamasdan siya. Kumunot pa ang kaniyang noo habang hinihintay ang sunod kong sasabihin.
"Ano?" Inip na tinapik niya ang kaniyang daliri sa lamesa.
"Pakiligin mo muna ako," hamon ko kay Fabio.
Mas lumalim pa ang gitla sa gitna ng noo niya. He even sharpened his stare at me as if questioning what I just said.
"Tutulungan na nga kita sa business plan mo, eh," apela niya.
"Kaya ko naman gawin iyan mag-isa. Nandiyan din naman si Real na puwede akong tulungan dahil masyado iyong judgemental porket maalam sa arts," dahilan ko sa kaniya.
Napakamot siya sa sentido niya bago ako mas sinamaan pa nang tingin. "Ang labo mo kausap."
"I know, right." Tinawanan ko siya. "Take it or leave me alone, Fabiolous. Ikaw na ang bahala. Hawak mo na ang bola."
I playfully acted as if throwing a basketball to him. Mas lalo lang sumama ang mukha niya dahil sa ginawa ko.
Iritable siyang tumayo at tinaliman ako nang tingin. Kung nakakasugat lang talaga ang tingin niya, paniguradong duguan na ako ngayon dahil hindi biro ang sama ng mood ni Fabio.
"Fabio, nandito ka pala."
Sabay kaming napabaling kay Real na sa wakas ay nakabalik na. Akala ko pati siya na-blender na rin, eh, sa tagal niyang nawala. Nakapag-bargain na ako kay Fabio't lahat-lahat hindi pa rin bumabalik.
"Aalis na rin ako," paalam niya kay Real matapos ay nagbaba nang tingin sa akin.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi ko habang nakikipagsukatan nang tingin sa kaniya. "May sasabihin ka pa?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang mapahagikhik sa pagpula ng tainga niya dala ng inis. Unlike how unreadable his eyes are, Fabio's body language is too shallow and very easy to read. Iyong mga bagay na hindi masabi ng mata niya ay kilos niya ang nagbubunyag.
Especially his ears that always react immediately without him noticing. Sa kahit na anong okasyon kasi na under pressure siya or emotionally cornered ay namumula palagi ang tainga nga.
They were like the mirror of his feelings.
And it has been my favorite part of him ever since.
"Hintayin mo lang, Everly," may paghamong sabi niya bago tuluyang umalis.
Naiwan ako roon na pigil ang tawa habang nakasunod ang tingin sa kaniya Fabio is really a breath of fresh air. Ang sarap pag-trip-an dahil grabe rin kung mag-react. Napaka-OA kung minsan. May mga time naman na para siyang robot na walang emosyon, daig pa ang mood swings ko. Pero mas madalas ang pagiging OA niya kaya nakakatuwang inaasar minsan.
I didn't feel any anticipation nor did I feel any excitement at all. Kilala ko naman kasi siya. Masyado ko siyang kilala. His pride won't allow him to be controlled by someone, especially a woman like me. And he's very allergic to anything sweet and is someone who hates cringe-worthy moments. Kaya isang daang porsyentong hindi niya susundin ang kondisyon ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top