Kabanata 11
▶︎ •၊၊||၊|။||||။၊|• 0:00
Kabanata 11
Family
Ang sarap naman talaga manapak.
Dapat nagpapahinga ako ngayon, eh. Nanood ng KDrama o kaya naman natutulog. O kung 'di naman, eh, tamang tambay lang sa Facebook or Instagram.
Pero weekend na weekend nagpapakadakila ako sa business plan! Shutangina talaga!
Dapat chill day ko, eh!
Pero ito ako... alipin hindi lang ng major kundi pati ni Dianne. I didn't even have the energy to go out but here I am, spending my supposed rest day here in But First, Coffee just to finish everything on my plate.
Kulang pa naman tulog ko kaya hindi ko alam kung talagang bang nagfa-function ako.
"Bebe, ito oh. Kape mo." Binaba ni Real ang order kong Sea Salt Latte. May ibinaba rin siyang Nutella Croissant.
It's my go-to one at times like this. Lalo na sa kape. Ang balanse lang kasi ng lasa niya. Not too sweet and not too bitter. It tastes smooth and creamy, too.
Hindi ko nga sana gustong magkape. But I live with my own mantra.
Kape ang gasolina sa araw na maraming ginagawa.
We're at But First, Coffee, trying so hard to be productive. Kaso malayo sa akin ang motibasyon na kumilos. Naiwan ko yata sa bahay ang will ko.
"Anong oras ka nakauwi kagabi?" tanong ni Real.
I stretched my arms up while yawning as if I were in the comfort space of my room. Kunti lang naman ang tao kaya hindi masyadong nakakyiha.
Tinodo ko pa ang pag-inat. Napapikit pa ako sa sarap.
"Babe!"
Napamulagat ako nang maramdaman ko ang presensya ni Real sa harapan ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ginagawa mo?"
Hawak niya ang laylayan ng suot kong T-Shirt at pilit 'yong binababa. "Nakikita nila tiyan mo!" takot niyang bulong.
"Baliw." Mahina kong tinampal ang kamay niya. Ako na rin ang nag-ayos ng damit ko. I'm only wearing a waist length loose shirt kaya umangat noong nag-inat ako. "Wala namang tao masyado. H'wag kang OA, Reyalidad."
At bilang sagot sa tanong niya, sinamaan ko siya nang tingn. Walang kasing talim ang pagkakalapat ng mga mata ko sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko.
Napanguso siya at parang tuta na muling umupo sa upuan niya. "Sorry na nga, eh. Nakatulog ako kakahintay sa 'yo. Inaantok na ako kaya hindi na ako nagising sa tawag mo."
Inirapan ko siya. Sinimulan ko na ring haluin ang inumin kong binili niya. "Wow, ha? Nang-gaslight ka pa. Hindi ka na sana nag-alok kung tutulugan mo rin naman ako," matabang kong tugon.
"Inantok ako, eh. Masyado ka yatang nag-enjoy," nakangusong aniya.
Sinimangutan ko siya. "Paasa ka kamo."
"Hoy! Hindi, ah!" agad niyang depensa.
Umingos ako sa kaniya. Hindi na ako sumagot at binalingan na lang ang laptop ko kung saan ko kasalukuyang inaayos ang pagkaka-format ng papers ko para sa subject ko kay Sir Miko.
I'm already done researching. Layout na lang at aaralin ang bawat brands. Random din kasi ang pagpili ni Sir ng brand kaya dapat lahat alam mo.
On a separate file naman, fino-format ko ang same content para sa reviewer ko, the tipid version. Iyong narrow ang margin at single space.
"Mukha namang nag-enjoy ka, eh," nakanguso niya pa ring aniya.
"Aba, syempre!" May kalakasan na tinampal ko ang braso niya. "'Lam mo, bes, ang pogi niya!"
Nangangarap na pinagsiklop ko ang dalawa mong kamay sa ilalim ng akin baba habang inaalala ang pagkanta ni TJ Monterde. "Ang ganda pa ng boses. And sarap pakinggan. Para niya akong hinaharana!" Impit akong napatili. Sunud-sunod ko ring pinagpapalo ang braso niya sa kilig.
"Bebe! Masakit!" reklamo niya na hindi ko na pinansin.
Feeling ko tuloy, nangniningning na ng sobra ang mga mata ko sa ka-imagine sa nangyari kagabi. From seeing TJ for the first time. To hear him sing and feel the beauty of his music with my heart.
Ngunit agad ding nabura ang ngiti sa aking mga labi sa pagpasok ni Fabio sa aking isip. Mula sa pagyakap niya sa 'kin mula sa likod, pagkuha niya ng video ni TJ para sa akin, hanggang sa voice message niya na pumuyat sa akin.
Natampal ko ang aking noo. I also shook my head to clear my hazy mind. Geez! Stop thinking about him!
I sighed. "Hangang anong oras ka dito?" tanong ko kay Real para gisingin ang sarili ko pero nananatili pa rin ang mga mata sa laptop ko.
But as soon as I laid my eyes on it, tinamad na naman ako. Kaya ang ending, sinarado ko 'yon at binuksan na lang ang tablet ko.
I started sketching for the new logo of Scentiments. Pero ang ending, mukha lang iyong magulong drawing ng bata. Hinayupak talaga.
"Kapag aalis ka na," sagot niya at sinundan pa nang tawa.
"Baliw, hanggang lunch ako."
"Hanggang lunch din kasi ako," balewala lang niyang tugon.
"Ay, naks. Daming time. Sana all." Hindi naman kasi siya nag-aaral. Ang magaling kasi, imbes na AutoCAD ang inaatupag, eh, sa minecraft gumagawa ng bahay.
"'Di pa sumasagot si Kuya Fabs. Nagpapatulong ako, eh."
Nangati ang kilay ko. Allergic reaction na yata ito.
Truth is, I find it awkward to hear the word Kuya from Real when addressing Fabio. Magkaedad lang kasi kami ni Real at parehong mas matanda sa amin si Fabio. But I never really called him that kahit pa siya ang kuya ng best friend ko.
Ewan ko rin ba. Ever since Fabio lang ang tawag ko sa kaniya.
"Anong kailangan mo do'n?" tanong ko. I made sure not to sound curious about him.
"Nagpapaturo lang ako sa AutoCAD bago pa ako mabaliw," sagot niya. "Chat mo nga. Baka sa 'yo mag-reply."
Maagap akong umiling bilang pagtanggi. "Ayoko nga."
"Damot naman."
Inismiran ko lang siya. Bakit ko naman icha-chat ang taong 'yon? Eh, napuyat ako dahil sa voice message niya! Alas kwatro na nga ako nakatulog dahil parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isip ko ang pagkanta niya!
Pinagtuunan ko na lang nang pansin ang ginagawa ko. Pero mas lalo lang akong nainis dahil sa nakita ko.
Dala nang iritasyon, nagbukas na lang ako ng panibagong canvas para sa panibagong sketch. Gagawa na lang ako ng logo ng Sundreesoro. Para namang mukha silang may unity sa pag-perform nila sa battle of the bands.
And surprisingly, ilang minuto pa lang nang magsimula ako ay unti-unti ko nang nakukuha ang tamang ritmo sa pag-design. Hanep. Iba talaga kapag hindi mo pinipilit. Mas nakaka-enjoy gumawa ng bagay kapag gusto mong gawin.
"Bebe," muling tawag niya sa akin.
"Hmm?" Hindi ko siya nilingon.
"What if magka-girlfriend ako?"
Umarko ang kilay ko sa kaniya. Pansamantala ko ring tinigil ang ginagawa ko. Nilagay ko ang stylus pen ko sa pisngi ko at pinag-aralan, base sa ekspresyon ng kaniyang mukha, ang kaseryosohan ng tanong niya.
He looks genuinely curious, though. But I refuse to believe his pretense. Si Real pa ba?
"Congrats?" hindi siguradong sagot ko sa kaniya.
Agad na humaba ang nguso niya. Ibinagsak niya rin ang noo niya sa lames. "Bakit naman congrats?"
"Dahil binata ka na?" sagot ko, 'di pa rin sigurado.
Mas lalo lang nalukot ang mukha niya. "Grabe, 'di ka man lang malulungkot? Paano na ang love team natin?"
Mahina kong pinitik ang tainga niya. "Tantanan mo 'yang kabaliwan mo na 'yan."
"Dapat magseselos ka, eh! Dapat pinaglalaban mo ako!"
"Ay, wow. Jowa kita?"
Tinagilid niya ang ulo niya. Nakalapat na ngayon ang pisngi niya sa lamesa. Tuloy, mas kitang-kita ang mahaba niyang nguso. "Hindi. Pero binibigay ko sa 'yo ang lahat ng karapatan."
Inipit ko ang ilong niya sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ko. "H'wag mo sa 'kin i-testing totoong naramdaman mo para sa first love mo."
Malakas niyang binagsak ang dalawang kamay niya sa lamesa kasabay nang tuwid niyang pag-upo. "Ikaw kaya first love ko!"
"K'wento mo sa bato."
"Damot mo naman talaga," nakangusong aniya.
Nirolyohan ko siya ng mga mata ko. "H'wag mo akong gawing scapegoat sa one sided mong feelings kay Soraya. Tama na rin kakagamit mo sa akin sa pag-testing mo ng nararamdaman mo kung totoo ba dahil malapit na kitang sabunutan ng pino."
I glared at him to let him know how serious I am with my words. Pero ang kolokoy, mas lalo lang hinabaan ang nguso.
Minsan talaga, ang sarap sabunutan ng patilya nito. Alam ko namang head over heels siya kay Soraya noon pa man. Pero palagi niyang pinangangalandakan na ako raw ang gusto niya. Kaya hind ko siya magawang seryosohin kailanman dahil kahit siya mismo hindi alam ang sarili niyang nararamdaman.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Nanatili na lang naman siyang tahimik at hindi na humirit pa. Those minutes of silence enabled me to finish what I was designing.
Agad na s-in-end ko 'yon sa kay Indigo para siya na ang mag-tsismis sa banda. Tutal iyon naman ang role niya sa kanila.
Indigo Luanzon
9:32 AM
What u think?
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil malamang ay tulog pa ang isang 'yon. Hanggang alas tres ba naman, eh, online pa rin. Nagawa pa akong i-chat para mag-rant dahil napagalitan daw siya ng mama niya at muntikan pang bigyan ng curfew.
Baby boy kasi, eh.
I was about to exit the app when two chat messages caught my attention. Agad na umarko ang kilay ko at agad na napuno ng inis ang puso ko. Hindi ko pa man nababasa ang konteksto ng mga chat nila pero umiinit na agad ang ulo ko sa inis.
Pangalan pa lang, nakaka-trigger na.
Hilary Galvez
7:32 AM
Inatake si papa.
Nasa ospital kami.
Baka gusto mong bumisita.
Magpakaanak ka naman.
Parang hindi pamilya, ah?
Catalina Galvez
7:45 AM
Nsa ospital si papa mo
Bisita ka, hnap ka nya
Iba2 mo pride mo kaht ngaun lng
Pamilya.
Dahil pamilya.
Hindi ko ma-gets kung bakit ginagamit iyon ng mga tao as an excuse para maging pabor sa kanila ang sitwasyon. Like what kind of fed up excuse is that? Ang kapal ng mukha.
Even in the most undeserving circumstances, that word still finds its way to put the disadvantaged one in a more devastating situation. Sila palagi ang nasisisi. Sila pala ang may kasalanan kahit na sila ang ginawan ng mali.
Kapag may nagawang mali sa iba, kailangan mong bitbitin ang pagkapahiya dahil nakasakit ang pamilya mo. Kapag may nagawa namang kasalanan sa 'yo, kailangang patawarin dahil pamilya mo. Kapag hindi mo pinatawad, wala kang utang na loob.
Wala kang kwentang pamilya dahil natitiis mo ang pamilya mo.
Pero paano naman iyong nararamdaman ng mga agrabyado? Paano naman iyong kirot sa puso nila na sila rin ang nagdulot?
Dala ng inis na hindi ko na magawang kontrolin, tumipa ako nang sagot kay Hilary. I don't have anything to say to her mother. Baka makalimutan ko pang gumalang sa kaniya.
Hilary Galvez
9:46 AM
Marami akong ginagawa.
Hindi ko na sana hihintayin pa ang reply niya. Pakiramam ko kasi ay nagsasayang lang ako ng oras. Pero wala pa mang isang minuto ay sumagot na agad siya.
Hilary Galvez
9:46 AM
Maraming ginagawa?
Mas importante ba yan kaysa kay Papa?
Pano mo nasasabi yan?
Anong klaseng anak ka?
Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa kaniya. Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman, hinahanap ang konsensyang dapat kong maramdaman.
But I didn't feel any guilt.
I was rather irritated.
Ang kapal kasi ng mukha.
Hilary Galvez
9:47 AM
Wow, papa mo?
Patawa ka naman.
Mas naging anak naman ako kaysa sayo
Ni hindi mo nga magawang kamustahin si Papa
Hindi ko kailangang mag-explain sa 'yo.
And please, don't even try to guilt trip me.
Hindi uubra sa akin yan.
Ang kapal mo naman
Parang hindi si Papa ang pinag-uusapan.
Naospital na pride pa rin pinapairal mo.
Ang kapal!
Malalim akong humugot ng hininga at marahas iyong pinakawalan. That made me earn Real's attention.
Sira na nga ang araw ko, mas lalo pang sinisira ni Hilary at ng nanay niya. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na reply-an pa siya. Baka mas lalo lang ako mawalan ng gana na kumilos pa.
Badtrip naman kasi ang Hilary na 'yon. Nananahimik na nga ako, eh. Unti-unti ko na nga silang binubura sa buhay ko. Tapos siya naman itong nanggugulo ng buhay ko.
Peste!
"Hey, okay ka lang?" tanong ni Real.
Nagpeke ako nang ngiti para 'di siya mag-alala. Ayaw ko namang pati siya, eh, idadamay ko pa sa kaguluhan sa araw ko. "Of course," pagsisinungaling ko.
Nanunuri niya akong tiningnan. Pinanatili ko lang ang pekeng ngiti sa aking mga labi. "I don't think so. Sino ba nag-chat sa 'yo?"
Umiling ako, tumatangi na sagutin siya. I continued what I am doing and immersed myself on it. Hindi na rin naman siya nagpilit pa.
Gusto ko sanang mag-rant sa kaniya, eh. Para kahit papa'no gumaan pakiramdam ko. Kaso baka pati siya ma-badtrip din. Alam niya kasi hugot ng galit ko kaya for sure, mahahawa siya sa mood ko.
"Ate Eve!"
Iniwan ko nang tingin ang ginagawa ko at nang-angat ng mga mata sa tumawag sa akin. "Felicity!" I greeted her back, trying to sound as cheerful as her.
Subalit unti-unti ring nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang kasunod niyang pumasok.
It's her brother, Fabio.
"Kuys! My savior!"
"Ang boses, Real, malakas," sita ko sa kaniya. He just gave me an awkward laugh.
Napailing na lang ako. Nakakuha na kasi kami ng atensyon mula sa katabi naming lamesa na sinusundan na nang tingin hindi lang si Real kundi maging ang papalapit na si Fabio.
"Ate! I need you!" Felicity sprinted towards me.
"City," Fabio called, sounding like a warning.
Awtomatikong huminto naman sa pagtakbo si Felicity at lukot ang mukha na nagpatuloy lang sa mas mabagal na paglalakad palapit sa akin. Sa likod niya ay nakabuntot si Fabio.
Pasimple ko siyang pinasadahan nang tingin. At bago ko pa man mapagtanto ay napailing na ako. Suot na naman kasi niya ang paborito niyang kulay at cartoon character. Naka-pastel yellow shirt na naman kasi siya na may malaking pint ni SpongeBob sa gitna. Naka-brown cargo shorts naman siya sa pang-ibaba. Mabuti na lang talaga at hindi niya pa naiisipang magdilaw din na cargo shorts, eh.
Pati kasi cardigan na hawak niya dilaw rin. My, oh my!
Fabio and his never ending love for yellow and SpongeBob.
Mag-iiwas sana ako nang tingin ngunit nagtama na ang mga mata namin. Para niyang hinihigop ang mga mata ko at kinukulong sa mapanlinlang niyang mga tingin. At wala akong ibang magawa kundi ang maging bihag ng kaniyang mga mata.
Felicity immediately sat beside me, snatching half of my attention from her brother. "Model for me, Ate."
Doon na tuluyang napunta sa kaniya ang buo kong atensyon. Bahaya pang nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano kamo?"
"Model, Ate ko. Para sa portfolio ko." Inangkla niya ang kamay niya sa baso ko at sumandal sa balikat ko. "Please?"
"Bakit hindi si Ate mo?" nagtataka kong suhestiyon.
"May allergy 'yon sa makeup, eh."
Napangiwi na lang ako. Oo nga pala. Kaya nga pala laking natural oil ang face ng friend ko na 'yon. Kung hindi naman maiiwasan na mag-make up talaga, bareMinerals o kaya Clinique ang gamit niya. Eh, ang mahal kaya ng mga 'yon.
Felicity aspires to be a professional makeup artist. Aside sa passion siya sa pagsasayaw, hilig din niya ang mag-makeup. She always makes sure that she's in her most beautiful state whenever she's performing on stage. Nakakatuwa nga, eh. Sa mura niyang edad na 16 ay alam na niya ang gusto niyang marating.
Kumusta naman akong bente na pero ligaw pa rin?
"Si Addie sana kukuhanin ko, Ate, kaso tinatakasan naman ako," nakasimangot niyang dagdag.
Mahina akong natawa. "Hindi ka pa nasanay sa best friend mo. Alam mo namang allergic sa kahit na anong pangbabaeng kaekekan 'yon. Kahit nga suklay tinatakbuhan, eh."
Mas lalong humaba ang nguso niya. Mas lalo tuloy akong natawa.
Addie's my cousin from Tito Felix whom I am living with. Magkaklase kasi silang dalawa na parehong Grade 11 na. Me being friends with Dolly naturally made the two develop a deep friendship of their own.
"Go na, Ate ko. Puntahan kita sa house niyo. Baka ma-convince ko rin si Addie," suyo niya. "Isipin mo na lang, 'Te, na para 'to sa future namin ni Miguel."
"Felicity," maagap na saway ni Fabio sa kapatid niya. Nag-make face lang ang huli.
Fabio pulled a chair on my side where he's able to sit across from Real. Agad namang nagningning ang mga mata ng huli na para bang, sa wakas, nakatagpo na niya ang sasagip sa kaniya.
"Kuys, patulong ako," ngiting-alangan na lambing niya kay Fabio.
Napailing na lang ako sa kabaliwan niya. I diverted my attention to Felicity. Inakbayan ko siya at tinulak ng bahagya palapit sa kaniya ang in-order ni Real na pagkain.
"Kain ka," alok ko. Hindi naman na siya nagpapalit at agad nang nilantakan ang croissant. "Kailan mo ba kailangan?"
"Bukas po sana, Ate ko. Balik rehearsals na kasi ako by monday. May laban kasi kami sa Australia sa January." Pinagsiklop niya ang kamay niya sa ilalim ng kaniyang baba. "Please, Ate kong maganda."
"Okay, sige. Chat mo na lang ako kung anong oras ka pupunta." I patted her head lightly.
I smiled at her when she started eating again. Nag-indian seat pa siya na parang nasa bahay lang.
"Felicity."
Napabaling ako kay Fabio. Kunot ang noo niya at masama ang pagkakatingin sa nakababatang kapatid. Inosente lang siyang tinitingnan ni Felicity. Samantalang siya, para nang mangangain ng buhay kung tumingin.
Pagkatapos magbuntonghininga, tumayo siya. Umikot siya sa lamesa at pinuntahan ang kapatid bitbit ang cardigan niya. Real, City, and I remained following his moves, waiting for what he's about to do.
But I already have an idea in mind.
At hindi naman ako nabigo.Salubong ang kilay na tinakpan lang naman niya ang legs ni City gamit sng cardigan niya. Naka-shorts kasi si Felicity kaya kitang-kita ang legs niya.
"Sorry naman." City breathed an awkward laugh.
Kaya hindi ko nagawa pang pigilan ang aking sarili na mapangiti kasabay nang aking pag-iwas ng tingin sa kanila. Fabio and his constant conservativeness is something I will never understand.
Ngunit dahil sa pag-iwas ko nang tingin sa kanila... ay nagtama ang mga mata namin ni Real. Agad ko tuloy binura ang ngiti ko. Lalo na't unti-unti na namang humahaba ang nguso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top