Kabanata 10

▶︎ •၊၊||၊|။||||။‌‌‌‌‌၊|• 0:49

Kabanata 10
Ikaw at Ako

"What's on your mind?" Fabio asked.

I sighed... for the nth time. Masamang tiningnan ko ang phone ko. Kung p'wede lang ipasok ang kamay ko ro'n at sakalin ang taong kanina pa ako hindi sinasagot, ginawa ko na.

I'm pissed.

"Si TJ Monterde," wala sa sariling sagot ko.

I sighed again. Tumingala ako at humalukipkip para pagmasdan ang makinang na bituin sa madilim na langit. It's already hours past midnight but I still don't feel sleepy.

May energy pa akong mag-trip down to memory lane sa mga nangyari kanina sa music fest. It was probably the most KDrama-like experience that happened in my whole life.

With Fabio as the leading man.

Hindi ko inaashaang ganito pala kasaya manuod ng music festival. Akala ko mabo-bored ako lalo na at ilang pirasong OPM songs lang ang alam ko. Pero ito pa pala ang kukumpleto sa araw ko.

"I'll walk you home," he offered.

No, it was more of a declaration.

"Paano si Dolly?" tanong ko. Tulog na kasi si Dolly sa loob ng sasakyan. Though kasama naman niya si Ten. Same subdivision lang kasi sila ni Ten kaya isasabay na nila pauwi.

"Gising si Tenten, siya na bahala. Malapit lang naman," paniniguro niya.

Minsan pa akong tumingin at sumilip sa loob ng sasakyan kahit na hindi ko naman kita si Dolly.

Tumango ako kay Fabio at tumayo ng maayos. "Tara."

Naramdaman ko naman siyang sumunod na rin agad nang paglalakad sa akin. Wala kasing sticker ng subdivision ang sasakyan niya kaya hindi siya makakapasok sa loob kahit pa kasama niya ako. At sa pinakalooban pa ang sa amin kaya kailangan kong lakarin.

What pisses me off is Real and him not showing up. Sa kaniya nanggaling na magsusundo siya pero halos bente minuto na kaming nakatambay sa labas ng subdivision pero pala pa rin siya.

Sinubukan ko siyang i-text at tawagan pero wala pa rin. Mukhang nakatulog na. Hindi rin naman pumapayag si Fabio na ako na lang ang papasok mag-isa dahil delikado daw.

I'm aware of the fact na hindi naman ako responsibilidad ni Real. Pero siya naman kasi ang nag-alok.

"Fabio," I uttered to break the silence.

"Hmm?" He inched closer to me.

"Maghanap ka na ng magiging date mo. Muhkang wala nang tatalo sa pagpapakilig sa 'kin ni TJ Monterde ngayon," saad ko.

Unkwowingling, a smile crept on my lips while remembering that one particular song.

Ikaw at Ako.

I feel comforted and loved with the song and the lyrics behind each melody. Feeling ko ilang linggo pa ang dadaan bago ko malimutan ang gabi na 'to.

Para akong hinarana kahit na hindi lang naman sa akin iyon kinanta. But the feeling it gave me was just so overwhelming. Hindi lang dahil kung paano niya kinanta. Kundi dahil na rin sa bawat salitang napili niya.

I was able to connect with it. In a way that it opened up a page in my life that I already moved forward to. Na akala ko limot ko na. Pansamantalang nagkubli lang pala sa pinakalikod na bahagi ng isip ko.

I feel so much love in my heart right now. At the same time, pinaramdam din niyang muli sa akin kung anong pakiramdam ng unang pagmamahal.

O baka dahil sa munting eksana sa pagitan namin ni Fabio talaga ang rason ko?

I mentally shook my head to erase those thoughts. Hindi tayo p'wedeng mag-relapse, Everly!

"Come on, Eve. Walang ganyanan," reklamo niya.

"Anong magagawa ko, Fabio? Hindi ka naman si TJ Monterde." I laughed at him. "Sa rami ng babae mo, mag-eenie meenie ka na lang," dagdag ko pa.

He sighed. "Bakit ba lagi mong pinagpipilitan na may babae ako?"

Nagkibit-balikat ako sa kaniya. "'Yon kasi ang totoo?" patanong kong sagot.

Umiling siya sa akin. "Ewan ko sa mga haka-haka mo."

"Duh, ikaw na nga halos ang laman ng confession wall ng university natin sa dami ng nagkakagusto sa 'yo," I justified. "Baka nga umay na rin ang admin ng page na 'yon dahil panay ikaw ang nakikita."

Totoo naman kasi. In every 5 posts on that Facebook page, tatlo ang tungkol sa kaniya. Minsan nadadawit ang mga kabanda niya pero madalas na siya talaga.

Can't blame them though. Aminin ko man kasi o hindi sa sarili ko, totoong na ang lakas ng dating niya. Fabio has this strong appeal that would make any girl scream in admiration.

Gwapo naman kasi talaga.

Ang lakas pa ng sex appeal.

Maganda pa ang katawan dahil sa paggi-gym.

Para ka lang namang araw-araw na bine-bless kapag kaharap mo siya. Para kang may daily dose of Sung Jin na leader ng Day6 na korean band.

"Speaking of Facebook." Fabio grabbed my arm, stopping me from walking further distance.

Agad ko nang isinuot ang painosente kong mukha dahil may ideya na ako kung ano ang sasabihin niya.

"Did you block me on Facebook?" he asked with a knotted forehead.

Oops, busted.

Inosente akong kumurap-kurap sa harapan niya. "Ha? Hindi, ah," maang-maangan ko.

"You blocked me," he said, sure of his words.

I laughed awkwardly. "Grabe, ang tagal na no'n, ngayon mo lang napansin."

"Everly!" Fabio grunted.

Natawa na lang ako dahil nagpapadyak pa siya sa sahig dahil sa inis sa akin. I indeed blocked him. Noong gabi ng foundation. Noong gabi na binigyan niya ako ng bulaklak. Noong gabi na-Hay!

Na-awkward lang ako sa buong sitwasyon kaya ang ending, bl-in-ock ko siya out of frustration. Ako na lang kasi ang napagod sa kakahanap ng rason kung bakit niya ginawa ang ginawa nya.

By blocking Fabio, it stopped me from taking the initiative to start a conversation with him by asking why he did what he did. And it finally gave me peace of mind. Idagdag pa na bakasyon din naman noon kaya hindi ko talaga siya nakikita.

"Kailan mo pa ako bl-in-ock?" seryoso niyang tanong.

"After the pageant," mabilis kong sagot.

"What? April pa 'yon." Tumango ako. "It's mid October now, Everly." Nagkunot siya ng noo. Siguro inaalala niya kung ano ang nagawa niya para i-block ko siya.

But I doubt he'd find the reason why. For sure kasi, wala lang sa kaniya ang ginawa niyang iyon. He almost kissed me on the lips but it might be just a normal thing for him.

Sa akin lang big deal.

Yes, I have been telling the world na hindi kami talo. Because he's the brother of my best friend, Dolly. Pero hindi ibig sabihin na excused na ako sa kaniya.

I admit that sometimes, I'd still get affected by his charms. Or how he treats me. I would still find myself in the middle of a battlefield between my heart and mind as both want different things.

Kaya umiiwas ako.

Hangga't maaari... iiwas ako.

Dahil malinaw pa sa memorya ko ang nangyari noong hinayaan ko ang sarili ko na tuluyang mahulog.

"Unblock me," utos niya.

Nag-cross arms ako. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay ko.

He replied with a much sharper stare at me. Kulang na lang tumaas din ang kilay niya sa akin. "You blocked me for no reason, Everly."

I scoffed at him. "Hindi ko ugaling mang-block ng walang dahilan, Fabio. Did it not cross your mind that you might've done something to me?"

Mas lalong nagsalubong nag kilay niya. He looked so confused... troubled even. Para siyang kasalukuyang nagte-take ng major exam at sinasagot ang isang tanong na hindi niya maintindihan sa sobrang pagkakakunot ng noo niya.

"What did I do?" he asked... confused.

"Ha! 'Yan ang hirap sa inyong mga lalaki. Nakakagawa na kayo ng mali hindi niyo pa maamin," paratang ko.

Ang dami ko pa sanang gustong idagdag kaso sinarili ko na lang. I don't want to drag this night any longer. Much more our conversation. Baka ibuking ko pa ang sarili ko sa rason kung bakit ko ginawa 'yon.

Baka tumaas pa lalo ang ihi niya at yabangan ako. Sayang naman ang mga inarte ko kung ang ending masyado naman pala akong affected sa taong dapat ay kinaiinisan ko.

"Ano ngang nagawa ko? Wala naman akong ginawa sa 'yo!" hirap niyang sabi. Sa isip ko, nai-imagine ko siya na nagpapadyak na parang batang naagawan ng laruang sasakyan.

"Isipin mo." Malakas ko siyang tinawanan.

Mas lalo tuloy nalukot ang mukha niya sa akin. "Unblock mo na kasi ako."

"Bukas na." Tinatamad pa akong mag-online. Baka mairita pa ako ulit kapag nakita kong walang pa ring reply si Real.

"Ngayon na," pilit niya.

"Bukas na nga, Fabiolous. H'wag kang makulit d'yan," tanggi ko pa rin.

Naiwan si Fabio nang simulan kong muli ang paglalakad. Nilingon ko siya't pinagkunutan ng noo.

"Nagta-tantrums ka na ba, Fabio?" nang-aasar kong tanong.

At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang umupo siya sa sahig. Indian seat pa!

From down there, he looked up to me. "Hindi ako tatayo hangga't 'di mo ako ina-unblock."

Napatanga ako kay Fabio. Literal na nalaglag ang panga ko at nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.

Hangal!

"Nababaliw ka na ba? Siraulo nito," I said in disbelief.

"Try me, Everly," he challenged me.

"Baliw na nga," bulong ko sa sarili ko. Ito pa rin ba ang Fabio na kilala ko nitong mga nakaraan?

Just then... memories of our teenage years hit me. And it hit me pretty hard.

Mali ako. Hindi siya ibang Fabio. Hindi siya nagbago. Mas tamang sabihin na ito iyong Fabio na kinalimutan ko.

Iyong makulit.

Iyong mapilit pero magagawa ka pa ring pangitiin.

Iyong Fabio na minsan kong nagustuhan.

Iyong Fabio na minsan kong iniyakan.

Napailing na lang ako. Mukhang maging sa pagkakataon na 'to... talo na naman ako.

Kinuha ko ang phone ko sa back pocket ng maong kong skirt. It's already past two hours after midnight. Ngayon pa talaga napiling magbaliw-baliwan.

"Why did you even block me? Anong kasalanan ko sa 'yo?" tanong niya sa boses na nalalapatan nang kaguluhan.

Nilandi mo ako.

I sighed, a very deep one. "Hay nako, Fabio, h'wag mo nang tanungin at baka ma-bad trip pa ako sa 'yo. Baka pati sa buhay ko i-block na kita ng tuluyan," banta ko.

"Grabe ka sa 'kin." Sinamaan niya ako ng tingin. Humalukipkip pa talaga ang hangal. Akala mo aping-api talaga.

I just stuck my tongue out to annoy him more. "Iwan kita, eh."

Fabio eyed me. "Kaya mo?"

Syempre hindi, nyeta ka!

Ang hirap naman manalo sa kumag na 'to!

Inirapan ko lang siya bilang sagot. Binalingan ko ang phone ko at nagpunta sa Facebook app para i-unblock siya. Baka umiyak pa 'tong lalaki na 'to at baka mapanaginipan pa niya.

I squatted on the floor to face him for a better conversation. Para na tuloy akong palakang nagse-cellphone.

"Oh, 'yan na. Check mo," masungit kong sabi.

Dali-daling kinuha niya ang phone niya. Nagpipindot siya ro'n.

Ako naman ay binuksan ang camera ng phone ko para picture-an siya. I took a picture of him looking like a foolish kid with my camera's flash on.

Ngiting-ngiti ang baliw habang nagninigning ang mga matang nakatingin a cellphone niya. Hindi naman niya pinansin ang ginawa ko dahil abala siya sa pagkalkal ng phone niya.

Ngisi ang unang reaksyon na ibinigay niya sa akin. Ngising tagumpay dahil nanalo na naman siya. "Very good. Very good." Nakangising tumayo siya at pinagpagan ang p'wet. He then extended his hand to help me stand up. Nakangiti pa rin siyang para baliw. "Tara, iuuwi na kita."

Tinanggap ko ang kamay niya at inirapan siya. "Baliw. Ihahatid hindi iuuwi," pagtatama ko. "

"P'wede rin namang iuwi. Mamamanhikan nga lang muna ako kay Tito Felix." Tumawa siya.

"Fabio!" I shouted. Pinanggigilan ko ang ibabang labi ko.

His words are putting a lot of ideas in my mind. And I am not liking any of it!

"Chill." He laughed again. Inakbayan niya ako at tinangay na sa paglalakad niya.

I shrugged his arms off. Pero hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa balikat ko.

Wala tuloy akong nagawa kundi ang magpatangay na lang sa kaniya. The rest of our walk remained quiet. Hanggang sa marating namin ang bahay ay tahimik pa rin kami.

The two-storey modern house of Tito Felix towered over us. But the black gate hides the view of the first floor of the house. Kulay puti ang majority ng bahay. Mayroon 'yong kulay dark brown na wood, I believe, panel ang tawag sa mga slab area sa gitna ng bahay.

The wall on the right side of the first floor from the balcony below was painted in cream color. Same ng kulay sa taas naman sa left side ng bahay. The gate is in black color decorated with planter boxes right below that are full of green plants and colorful flowers.

Patay na ang ilaw sa kwarto ni Tito sa taas. Kita kasi ang malaking salaming bintana ng kwarto niya mula sa kinatatayuan namin. But the lights on the first floor remained on.

"Thanks, Fabio," sabi ko nang huminto kami sa paglalakad.

Ginulo niya ang buhok ko at nginitian ako. "I enjoyed tonight. It was...." he trailed off.

"Romantic," I continued with the same smile he has on my lips. Totoong ngiti iyon at sinsero dahil talagang nag-enjoy ako ngayong gabi. "At least for me."

Fabio chuckled. "I'll see you tomorrow, Everly."

I pursed my lips while nodding my head. "Whatever, Fabio. Good night."

"Hmm, matulog ka na." Fabio tapped the top of my head.

Tumango lang ako ng isa pang beses bago tuluyang pumasok sa loob. I quickly did my night routine before I flopped down on my bed. I settled on my pastel yellow polka dots cotton pajama terno for a more comfortable night.

Binalikan ko mga kuha ni Fabio sa stage kanina. Napangiti na naman ako nang makaramdam ng kilig habang nanonood.

I bet kung kasama ko si Dolly ngayon, hindi na kami matatapos sa kuwentuhan tungkol sa music fest. Lalo na noong kumanta siya ng Ikaw at Ako.

Dala siguro ng kilig, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nag-story sa Facebook. It was a video of TJ Monterde singing the song.

Nilagyan ko 'yon ng caption.

Lord, pahingi naman isang katulad ni TJ Monterde lang po. Yung aalayan ako ng kantang Ikaw at Ako. 🙏🏻

Ibababa ko na sana ulit ang phone ko para matulog nang may mag-pop up na notification.

[Fabio Sindayen sent you a friend request]

Agad ko iyong in-accept kahit mas masaya sana kung bukas pa para umusok na naman ang ilong at tainga niya. Kaso baka umiyak na talaga siya.

A few minutes more passed when his chat head popped up. May tatlong chat siyang ipinadala. And as my eyes ran through each word he sent, the smile on my lips just kept on growing even wider.

Fabio Sindayen
3:01 AM

Thank you po sa pag-accept
Sleep na

The third message was a voice message. Agad na pl-in-ay ko 'yon. I grabbed my soft pillow and placed it over my face to cover my mouth while listening to its content.

Isang impit na tili ang pinakawalan ko habang patuloy na nagpe-play sa phone ko ang voice message ni Fabio kung saan kumakanta siya ng Ikaw at Ako.

I'm sorry, TJ Monterde.

I think I just found my own version of you to sing me my new favorite song.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top