Kabanata 24
"Viviene, maraming maraming salamat talaga." Malalaki ang eyebags ni Bobby nang harapin ako.
"Wipe your tears, Bobby. I am on it." Confident kong sabi habang pinapaikot ang mga mata sa buong set.
Napangiwi siya, "K-kasi si Katrina hindi din natagalan."
"Poor girl.."
"Viviene.."
"Bobby, nakapirma na ako kanina ng kontrata, namemorize ko na din ang mga linya ko. Kahit anong pagpapaliwanag mo sa dadatnan kong ugali niyang alaga mo, wala na 'tong atrasan." Tinapik ko siya sa balikat, "Don't worry, I can handle myself."
"Okay, briefing tayo ng blocking, asan na ang mga artista ko?" Malakas ang boses ni Direk Rudolf at agad akong lumapit sa kanya pati ang leading man ng pelikula na si Ian. Hawak ni Direk ang script at ipinamaypay sa kanyang sarili.
"Nasaan na si Valerie?" Mataray na tanong ng bading na direktor.
"Nagme-makeup pa, Direk.."
"Oh baka na naman humarap yan sa akin na namumutok ang blush on at ang pilikmata ha! Please lang! Mahirap ang role niya dito, hindi p*kpok."
Binalingan ako ni Direk Rudolf, "Viviene.." Malambing niya akong bineso. "I am so glad you're here. Finally, someone gave me an actress! Nabasa mo na ba ang script?"
"Yes direk.."
"Kontrabida ka naman dito. Santa-santita ang dating. Ang bestfriend ni Valerie na umaaahas kay Ian. I know you can pull this off."
"Sana nga, Direk.." I smiled.
"Nice to finally work with you.." Ian extended his hands to mine, "I heard good things about you." He's tall, lean and not super buff. Mestizo siya at tila inaantok ang mata. He has a natural British twang, in which no surprise that teenagers were gushing on him
"Like what? The scandal? The meme?" I rolled my eyes, naalala ko na naman ang malditong lalaking iyon ang dahilan sa lahat ng paghihirap ko sa buhay.
"Yes, I've seen that." Nahihiyang napailing si Ian, "But you are very beautiful whatever the odds were. Amazing."
Hinampas ni Direk ang braso ni Ian gamit ang script, "Hoy, baka kayong dalawa naman ang magka-sparks diyan. Si Valerie ang dapat nilalandi mo nang magkachemistry naman kayo! Halatang halatang showbiz kayong dalawa eh!"
"Direk naman, you know that he's dating the businessman.. I forgot the name"
"Rebel.." I almost heard my blood boiling by the mere fact of mentioning his name.
"Oh yeah, if Valerie can date around, then I can, too." Tumingin sa akin si Ian at ngumiti.
"Oo, pwede naman, pero huwag ngayon! Makakasira ng promo ng pelikula. Merong chismis kay Valerie na nagdedate sila ni Mr. Villafuerte but the good thing is, maingat silang dalawa. Hindi sila nakikita na magkasama in public. Siguro magkalive-in pero at least, hindi nakikita ng madla. She can always deny something that has no evidence."
Live-in pala ha.. Mas lalong uminit ang ulo ko. Naalala ko ang istura ni Rebel nang huling magkausap kami. That guy. Makikita niya ang hinahanap niyang kakatihan!
"Oh, nandito na pala ang starlet.." Natahimik ang lahat nang naglalakad na lumapit si Valerie patungo sa amin.
"Valerie.." Ian warned.
"Tumigil ka, Valerie ha. We cannot afford to scrap this movie if we lose another antagonist. Ayokong magbayad ng penalty sa Production at patong-patong na kaso!" Pagalit ni Direk Rudolf kay Valerie.
Tumaas ang kilay ko, "Oh, so sa akin pala nakasalalay ang pelikulang ito. Be good to me, dear."
I heard Valerie hissed. "Well, galingan mo para hindi ka maalis."
"Tama na nga yan. Ito na ang unang eksena, Viviene, sasampalin si Valerie.."
I smiled like I won the lottery, "Matutupad ang panalangin mo, gagalingan ko talaga."
Buong puso kong sinasampal si Valerie sa buong araw. Namanhid na nga ang palad ko dahil madalas ay makakalimutan ni Valerie ang susunod na linya.
"Sinasampal niya ako ng totoo!" Sumbong ni Valerie kay Direk.
"Because the script asked for it..." Kalmado akong uminom ng kape mula sa tumbler ko. Bobby assisted me on my needs, wala akong kinuhang PA para makatipid.
"Viviene, I heard you have a café?" Naglalakad na naman si Ian papalapit sa akin.
"Oo, meron, sa Makati.."
"Can I visit?"
"Of course! Basta magbabayad ka." Napayuko si Ian at tiningnan ang sapatos niya, "Joke lang. Ililibre ka ng mga staff ko, ganon naman ang mga yon basta gwapo."
"You have a great sense of humour, Viviene. No wonder, I don't feel tired at all."
"Are you hitting on me?" Humalakhak ako, ang ganda ko talaga at may asim pa.
"Uh, yes.." Namumula ang pisnging wika ni Ian. Pagkakataon ko naman para mamula din ang pisngi na parang teenager. Pinakiramdaman ko na din si Kitty pero dedma ang lodi niyo, natutulog ata.
"Rebel!" Sabay sabay kaming napalingon sa kung sinong dumating at nagsisisigaw itong si Valerie. Ayun nga, ang dimunyo. May bitbit pang malalaking paperbag na merong pagkain.
"That's odd." Ani Ian.
"Alin?" Wala sa sariling tanong ko.
"This is the first time I saw him. When Direk says no displaying special someone in public, there they go. Unfair talaga ang showbiz." Napapailing na sabi ni Ian. I smiled at him at tinapik sa braso.
"Ikaw naman, nagtampo agad. That's the rule of the thumb, dumaan na rin ako diyan sa merong kaloveteam, siyempre maganda na kinikilig sila sa inyo pero hindi naman hawak ng fans ang buhay niyo. Trabaho lang, walang personalan."
"So you mean to say, I can ask you out?" Ian wiggled his brows. Napainom ako bigla sa kape at napaso ako non. Maagap naman na inabot ni Ian ang labi ko para punasan ang gilid non.
"Sorry, bakit ba ako inom ng inom ng kape? May kissing scene nga pala tayo sa susunod na take."
"No worries.." Kinuha ni Ian ang tumbler ko at uminom din mula doon ng kape. Pinanlakihan ako ng mata kunwari virgin.
"A-ah.. Magtu-toothbrush lang ako."
Nagmadali akong pumunta sa restroom na hindi maintindihan ang pakiramdam. Bakit nandito ang walang balls na yon? Ipinangangalandakan niya ang pagsinta niya sa malditang Valerie na iyon? Well, bagay naman sila. Parehas na parehas ang ugali!
Umiirap irap ako sa salamin at napansing ang ganda ko pa din kahit galit na galit na ako. How can people hate me except for those insecure btches?
Five toothbrushes and ten mouthwash later, sinundo ako ng stylist sa restroom at binihisan. She made sure that the nipple tape was carefully in place. Nilagyan pa niya ng packing tape para hindi matanggal. Will Ian ravage my boobs like an animal?
"Pasensya na Miss Viviene. Baka kasi matanggal. Last time, nagalit si Miss Katrina kasi naalis ang nipple tape niya sa eksena."
"Nabasa ko nga ang script. Aakitin ni Paula si Jules at magpapadala naman si Jules sa pang-aakit. This is the turning point of the story kaya dapat maganda ang pagkakagawa." I said.
"Oo nga, Miss Viviene. Nanghinayang nga kami sa kinunan namin with Miss Katrina. Inabot kami ng madaling araw don. Tapos matatapon rin lang ang shoot na 'yon. Pero di mo din kasi masisi. Halos papatapos pa naman na sana kami sa movie. Lahat halos tuloy ng eksena, pinalitan namin."
Nang lumabas kami sa restroom ay madilim ang set at tanging lampshade lang ang nakabukas.
I am wearing a wrap around body dress para madaling mahubad. Underneath the dress, I am wearing the nipple tape and a lacey panty. Wala naman sa aking problema ang ganito. I have shoot countless of kissing scenes before, a few bedscenes, too. Wala akong nararamdamang kaba kundi pagkairita sa pares ng mata na nakatingin sa akin.
Lumapit sa akin si Direk Rudolf para sa blocking ng susunod na eksena. "Viviene, alam mo na. Papasok kayo sa pintong yan pagkatapos ay itutulak mo si Ian para masarhan ang pinto. You will kiss him. Yung mainit, yung nakakalib*g, you know what I mean. His hands will be all over your body. Dadalin mo iyon sa leeg mo at ipapahawak sa tali ng suot mong dress, he will pull it on my cue. Then cut. I want to capture yung pagbagsak ng damit sa sahig. Then on my cue, kissing, you will remove his shirt. Pupunta kayo sa kama. You will ride him. Then cut. Kapag nakuha agad ang eksena, pack up na. Sa susunod na araw na ang bed scene dahil magbabawas ako ng tao sa set, I need women in my crew."
"Yes direk."
The camera started roling and in just a snap, Ian and I were both on character. I am Paula and he's Jules.
"Paula.." a drunk Jules growled.
"Come on, Jules. I know you want this. I know you want me." Bulong ko.
Pumungay ang mga mata ni Jules habang tinititigan ang mga mata ko, "B-but how about Sally?"
Imbes na sumagot ay sinugod ko siya ng halik, malayang naglakbay ang mga kamay namin sa katawan ng isa't isa. I was moaning, extending my neck for him to reach.
"Oh, Jules.." I whimpered. Tila humaling na humaling na sa eksena. Inilagay ko ang kamay ni Jules sa aking leeg, he loosen my dress and Direk Rudolf shouted "Cut! P*tngina ang init! That is what I am talking about!" Napapalakpak pa ang ilan dahil sa kinuhaang eksena.
Lumapit sila para hulihin ang pagalis ni Ian ng dress mula sa leeg ko at mabagal na kinunan iyon pagbagsak sa sahig, emphasizing my curves and my velvety skin.
"Okay. Same intensity, ngayon naman ay si Jules ang aalisan ng damit. Ganoong ganoon ang halik na gusto ko. And his hands will be on Viviene's chest, gigil, Ian. Yun ang gusto ko."
Sa pagkakataong iyon ay halos wala na akong saplot.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ian, alam kong maingat naman siya sa leading lady niya kaya hindi ako nakaramdam ng pagkabalisa.
"Yes." I nodded. "Focus lang tayo sa eksena."
Nang magsimula ulit umikot ang camera ay muli kaming naghalikan. Walang daya. Totoong totoo pati na din ang hawak sa aming mga katawan. Jules massaged my breast and I made audible moans in extreme lust and hunger.
Nang maialis ko na ang pang-itaas ni Jules ay hinila ko siya patungo sa kama. I straddled him, wildly kissing his lips, neck and chest. I was so into it when I felt the nipple tape on my left breast snapped. Napansin agad iyon ni Ian. Akmang babangon siya pero ipinahiga ko siya, like a wild woman in bed, and kissed him again on the lips. I pressed my breast against his chest to cover any nipple exposure on the camera.
"Cut! Good take! Iba talaga ang isang Viviene Joson!" Nagpalakpakan ang mga tao sa set. Napangiwi kaming dalawa ni Ian. Agad niyang ibinangon ang kanyang likod mula sa kama, still pressing his body against mine. Ingat na ingat siya sa pagkilos kung hindi ay masisilipan ako ngayong binuksan na ang ilaw.
"Towel please!" Ian yelled.
Someone pulled me against Ian's body and covered me with a suit with a familiar scent. Buhat buhat ako na parang bigas ng intrimididang lalaki papalayo sa set at ang nakakagulat doon ay walang nakapagsalita kahit sino nang lumabas kami sa studio.
"Hoy!" Agad akong nakabawi nang maramdaman kong papalabas na talaga kami ng gusali kung saan nagaganap ang shoot. "Hoy! Ibalik mo ako don, maldito ka!"
Hindi siya kumibo, umilaw ang nakaparadang porsche sa dagat ng mga sasakyan sa parking lot. Nagpanic ako agad agad pero hindi ako tuluyang magawa ng eksena dahil baka machismis ako ngayong nagbabalik pelikula pa naman ako.
Nang ipinasok niya ako sa shotgun seat ay nagsimula na ang bibig ko sa napakaraming reklamo.
"Bakit mo ginawa yon? Anong karapatan mo ha? Nagtatrabaho ako!"
"You were naked! Nakikipaghalikan ka at nagpapahawak ka kung saan saan! Trabaho ba yon?"
"Oo! Acting yon! Naging trabaho ko din naman iyon para sa'yo, bakit ba nagtataka ka pa?!"
Nagtiim bagang siya, "I am starting to get frustrated at you, Viviene!"
"Starting? Oh pwes for your information, matagal na akong gigil sa'yo! Akala mo kung sino kang diyos na didiktahan ako! Pwede ba? Huwag mo akong pinapangunahan sa mga desisyon ko sa buhay, cysts!"
Natahimik siya doon at napaawang ang labi. "If I haven't made it clear how much I hate you, pwes, uulitin ko, I hate you! Ayaw na kitang makita! Wala kang respeto sa akin at sa trabaho ko. Kahit kailan, hindi mo ako itinuring na espesyal, you saw me as a s*x object na bubukaka na lang kung kailan mo kailangan na sad to say ay araw-araw kahit na meron akong period! Pinaniwala mo pa akong nakakatulong iyon sa dysmenorrhea ko! Pasalamat ka at nagsasabi ka ng totoo pero manyakis ka pa din!" Oh well, I remember those days. Bakit ba ako nagpauto sa bakulaw na ito, palibhasa ay gwapo.
"Viviene, baka naman pupwede pa nating ayusin 'to."
"Ayusin? Hihilingin mong ayusin to at the verge of another potential scandal from you? Ang alam ng madla ay idinedate mo si Valerie, which obviously you do, and now, you will make me a freaking third party! Kabit na nga ang role ko sa pelikulang ito, ipapamuhay ko din para convincing? Ilang kasiraan pa ang matatanggap ko habang umaaligid ka? Sinisira mo ang buhay ko! You are the biggest mistake I regret to make!"
Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Hello! May gising pa? Nasaan na yung basher ko kahapon na pinapatigil ako magsulat at i-delete ko na daw ang Wattpad account ko dahil matagal ako mag-update? 😂Funny ka 🙄🙄🙄 No successful person ever listened to a loser 😆😆😆My life, my rules. 😎
Kalma na rin kayo mga Beshy. I am okay. I am getting better. Thank you so much for your support and your inis kay Rebel.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top