Kabanata 23



"Ewan ko sayo, Ronron! Hindi masarap itong ginawa mong cheesetart!" Reklamo ni Duday kay Ronron na aking cook.

"Ang sabihin mo, bitter ka pa din dahil nagbreak kayo ng jowa mo nung 23!" Sabad naman ni Mikmik.

Nanatili akong nakatulala sa labas ng café, pilit na nilalabanan ang kalungkutan dahil sa pangyayari kagabi.

"Getting hurt is okay, getting mad is okay, but gumanti at manakit ng feelings is never okay.." Wala sa sariling bulong ko.

"Ay, si Ma'am, nagdadrama. Ikaw kasi.." Bulong ni Mikmik kay Duday.

"Ma'am, 'wag mo nang isipin yon. Maganda ka pa din sa pictures kahit medyo magulo ang buhok mo at nag-smudge ang eye makeup at lipstick mo."

Siniko ni Ronron si Selma. Ginawang meme ang litrato ko ng mga walang magawa! Pinagbefore and after ang litrato kong maayos pa at yung litratong lumuluha ako at wala na sa ayos ang damit, nakapaa, sira ang makeup at ang buhok. Ang inilagay pa sa caption ay bagong sweldo vs. tatlong araw pa bago ang sweldo. Ang isa pang caption ay walang lovelife versus merong lovelife. Ang malala doon, ang daming nakarelate kaya marami ding nagshare.

"Matibay yan si Ma'am! Sanay na sanay sa bashers yang amo namin." Pagmamalaki ni Duday.

Alam ko naman yon. Hindi naman yon ang ikinasasama ng loob ko. Yung ginawa sa akin ni Rebel ang hindi ko masikmura.

Bumukas ang pinto at humahangos na pumasok doon si Bobby.

"Viv, good that you are here. Kumusta ka? My God, nagviral na naman ang photos mo.."

"Sorry, Bob.."

"Tss. Ano ka ba! Hindi mo naman kailangang mag-sorry sa akin. Dinalaw lang kita dahil bumili ako ng dogfood para kay Milkshake ko. Nalaman kong ipapasara na pala ang lugar na ito."

"Meron pa kaming apat na buwan para humanap ng malilipatan pero hindi naman ganon kadali iyon. Gumastos din ako sa interiors ng café. Hindi ko nga alam kung saan kukuha ng pera." Namumrublemang sabi ko.

Umupo si Bobby sa isa sa mga lamesa at sinundan siya. "Why not accept my offer to make a comeback?"

"Bob naman.."

"Ano ka ba? Nasaan na ang Viviene na kilala ko na mahal ang pag-arte? Sasayangin mo ba ang nagviral na photos mo? Bad publicity is still a publicity. Naghahanap kami ng gaganap na kontrabida sa pelikula ni Valerie. Gusto mo ba?"

"Alam mo namang hindi ko gusto yang bago mong alaga." I rolled my eyes.

"Marami ka namang hindi gusto sa showbiz pero nagawa mong pakisamahan. Malaki ang budget ng production dito. Kahit isa lang, Viviene. It will make noise for sure, ang comeback mo ay isa ka ng kontrabida? Tingnan mo si Ryza, hindi ba't effective ang pagportray niya bilang kontrabida? After so many protagonist lead roles that was given to her, ngayon lang siya minahal ng sobra sobra ng mga tao. Isa pa, you need money in finding your new place. Kaysa iutang mo ay pagtrabahuhan mo na lang.."

"I am not sure, Bob.. Sa amo ng mukha ko, bagay ba sa akin ang kontrabida?"

"Wala na sa mukha ngayon ang mga ahas, Viviene. Tandaan mo yan."

We did not settle on anything. Pagkatapos ko pagkapehin si Bobby ay umalis na siya. Parang namatayan naman ang mood namin sa café dahil bukod sa malungkot ako ay nararamdaman na din ng mga staff na mamamaalam na kami sa aming pwesto.

"Ganon talaga ang negosyo, Viviene.." Sarah sadly muttered. I looked at her. No, this isn't about the business. Alam kong gusto lang akong pahirapan ni Rebel.

'Look where your kalandian got you, Kitty..'

Huminga ako ng malalim at ang pagkunot noo ay pinalitan ng ngiti.

"Hayaan na natin. Let's make our 4 months here worthwhile. Ako na ang bahala sa paghahanap ng puwestong lilipatan. Magtrabaho lang tayo."

Business as usual na kami ng kinahapunan. Naging abala ako sa pagtuturo kay Ronron ng pasta recipes ko, pati si Selma ay unti-unti na ding natututo.

'At ngayon, entertainment news naman tayo.. Valerie Luthers, bagong kinababaliwan nga ba ng Business Tycoon na si Rebel Villafuerte? Matatandaang nagkakilala ang dalawa sa Art Exhibit ng tanyag na Pilipinong pintor na si Gucci Florendo sa France.'

Natigilan ako sa paghihiwa ng sangkap. They flashed photos of Rebel in Paris. Different days, same people.

'Mukhang inseparable ang dalawa. Sabagay, ilang buwan na rin naman simula nang matapos ang iconic fake engagement ni Mr. Villafuerte kay Viviene Joson. Iconic ang announcement ng engagement pati ang pagtapos non.' Napailing si Karen, ang news reporter habang kausap ang ka-tandem niyang si Terrence.

'Speaking of Valerie Joson, kumalat naman ang larawan niyang lumabas sa isang hotel na walang panyapak---'

The TV went off at merong humawak sa kamay ko at binalot iyon ng tissue, "You are bleeding." Seryosong seryoso si Pam habang nilalagyan ng pressure ang daliri ko na nahiwa ko pala.

"S-saan?" Mangiyak ngiyak na tanong ko. Hindi ko kasi tiyak kung pati ang puso ko, nakita din niyang dumudugo. Naawa siyang napabuntong hininga.

"Viviene.." He pulled me closer and rested me to his chest. Mahina akong umiyak doon.

"Sira ulo yon.. Asang asa pa ako pero ano nga naman ang aasahan ko? Wala na siyang gusto kundi ang paghigantihan ako sa ginawa ko. He's happy now, while I am here, feeling terrible."

"Do you want me to take down the photos? We can do that."

Umiling ako, "Para saan pa, nakita na ng buong Pilipinas. They all had a good laugh about it."

Pinunasan ko ang luha ko. "Ano ba yan. My mother taught me not to cry over a spilt milk."

"That's right.. Ako na muna dito. Go home and rest, please."

Tumango ako at naisip na tama nga si Pam. Baka kailangan kong itulog lang muna. Nagpaalam muna ako kay Sarah at sa mga staff bago ako lumabas ng café. Nasa parking lot na ako nang may tila multong nag-aparisyon sa harapan ko.

"Viviene.."

Tipid akong ngumiti, "Ano masaya ka na?"

"Viviene, let's talk."

Huminga ako ng malalim at kunwaring nag-isip. "Nung huling nag-usap tayo, napahiya ako hindi lang sayo kundi sa buong Pilipinas. Take note, hindi iyon ang unang beses. Ipinahiya mo na ako noon nang magkaroon ako ng scandal. That cost me my career! 'Yan ba ang tingin mo sa akin? Isang taong pupwede mong ipahiya sa madla just because I stomped on your ego?"

"Viviene, it's not like that." Humakbang si Rebel papalapit sa akin pero itinaas ko ang kamay ko.

"Huwag kang lalapit, Mr. Villafuerte. Hanggang diyan ka na lang. Wala akong utang sa'yo. Every penny you spent on me was something I worked hard for. I fcked you so good and it should cost you a fortune. Huwag mong isiping may karapatan kang kausapin ako at bayaran na lang pagkatapos because other than your money, wala nang pupwedeng magustuhan dahil diyan sa sama ng ugali mo!"

Pumasok ako sa sasakyan at malakas na sinarhan iyon. I let myself cry while I was driving. Kahit pigilan ko ay hindi ko maiwasang mainis sa sarili sa nagawa kong katangahan. Leaving him was not the most stupid of all, loving him is..

--

"Ma'am.. M-medyo maalat po itong aglio olio.." Bulong ni Selma na alanganing ilabas ang iniluto ko mula sa kitchen. "H-hindi kaya magkasakit sa bato si Mr. Villafuerte dahil sa mga luto mo? Actually, sobrang alat po talaga.."

"Hayaan mo na, matamis naman yung kare-kare na sinerve natin sa kanya kaninang umaga."

"Y-yun na nga po, Ma'am. Baka ma-client's feedback tayo sa facebook at i-rate tayo ng 1-star."

"Inubos naman niya ang pagkain niya kanina, hindi ba?"

"Opo.."

"At yung pagkain niya noong mga nakaraang araw?

"Opo.."

"Ibig sabihin, gusto niya ng mga niluluto ko." I smiled wickedly, napangiwi naman si Selma nang kunin ko ang iodized salt at ibudbod muli doon sa pasta na parang cheese. Pasimple na ngang inilayo ni Selma ang plato para hindi ko maibuhos ang asin.

"Ma'am.. Hindi niyo pa din ba siya kakausapin? Dalawang linggo na siyang nandiyan sa labas. Simula opening hanggang closing."

"Oh, Selma. I didn't know na merong mahuhumaling sa luto ko ng ganyang kalala."

"Si Ma'am naman eh.."

"I-serve mo na habang mainit pa."

Bago lumabas ng kitchen si Selma ay binitbit na niya ang isang pitsel ng tubig. I know she'll serve him more water pagkabalik niya dito sa kusina.

He really thought he'll get away with what he did to me? Tuwing magsasara naman ang café ay hindi siya nakakakuha ng pagkakataong kausapin ako dahil lagi akong kinukuha ni Pam dito sa café.

Kagaya ngayon, iniintay ko na lang na sunduin ako ng kaibigan ko nang mag-ring ang cellphone ko.

"Pam?"

"Viv, I am sorry.."

"What? Hindi mo ako susunduin? Bakit?" Kahit wala pa siyang sinasabi ay alam ko nang iyon ang inihihingi niya ng tawad. "Nagbago na ang isip mo? Nagsasawa ka na kaibigan mo ako at narealize mo na hindi kita papatulan kaya ayaw mo na bigla? Malapit lang naman ang bahay ko ah, Pam! bakit nga? Give me an explanation! I need an acceptable reason!"

"Teka nga! Paano ako makakapagsalita! I have an emergency. S-si ano kasi.."

"What? Yung girlfriend mo? Si Violet?"

"She's not my girlfriend, okay?"

"Ha.. Tell that to the marines! O siya sige, kung ganon kailangan ko ng kumuha ng Uber."

Pasimple akong lumabas ng kitchen, alam kong nakatalikod si Rebel at ginagawa na ang huling subo niya sa niluto ko kaya imposibleng makita niya ako pero hindi pa ako nakakalapit sa pinto ay bigla siyang tumayo.

"Viviene.." Tawag niya agad.

Umirap ako at naglakad papalabas.

"Viviene.."

"Bayad ka na ba? Bakit ka lumabas don?" Tanong ko nang dire-diretso lang ang paglalakad.

"Viviene, uuwi ka na? Wala ka bang sundo?"

"Meron, Uber." Kakasabi ko lang non ay tumunog na agad ang cellphone ko hudyat ng pagkamatay non. "T-taxi pala."

"Ihahatid na kita."

I shook my head. Hindi pa din siya nililingon. "Hindi na."

"Viviene, alam kong galit ka pa din sa akin. I want to apologize for what I did."

"Apology unaccepted." Matigas kong sabi. Panay pa din ang pag-aabang sa taxi na daraan. Lagot sa akin si Pam bukas.

"You don't need to close your café."

Natanggap ko ang notice na iyon. Binabawi na ni Rebel ang pagpapaalis ng mga tenants. Such a lame move. Kaunti na lang ay iisipin kong baliw na ang lalaking ito.

"Aalis pa din kami."

"Viviene, is it about your pride? Parang hindi naman tama iyon, umaasa sa iyo ang mga tao mo, kung isasara mo ang café ---"

"Pride? Hindi ba pride din naman ang ginamit mo laban sa akin?"

"I am sorry, Viviene. I don't have any excuse."

"Wala talaga! Walang wala, Rebel. If you are planning another trap for me to set my foot on, forget it! I will never buy it again. Di bale nang mas mahirap pa kami sa daga! I have prepared myself. I can work my ass off without you in my life."

"I know you can live without me, Viviene." May hinanakit sa tono ni Rebel na hanggang ngayon ay hindi ko matingnan. Ganon siguro kapag sobrang napikon ka ng isang tao. Even glancing at him would be too much to take.

"Talaga!" Mayabang akong tumango tango.

"B-but I can't live without you."

Mahina akong natawa. "Wow, ang korni non. Alam mo bang sarado na ang tindahan ni Shallow Kitty? Pati siya ay tinabangan na din sa'yo. Wala kang simpatiya na makukuha mula sa akin. Kahit lunukin mo pa ang lahat ng asin sa lahat ng karagatan sa buong mundo, I will spite you not only because you deserve it but because you are a nobody."

♁☆♁☆♁☆♁☆

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top