Kabanata 13
"Tama na yan.." Naramdaman ko ang palad ni Rebel sa aking tiyan at masuyong minamasahe iyon. "Kanina ka pa nakatayo."
"Sa tingin mo ba kapag humiga ako, makakapagpahinga ako?" I bluntly asked. Isiniksik ni Rebel ang ulo niya sa leeg ko, "Kailangan kong matapos ang pagbe-bake, tapos frosting na lang bukas."
"I told you, you don't need to work."
Nagpatuloy ako sa pag-aalis sa molder nang mga nagawa kong carrot cupcake, "Dalawang bagay lang, Rebel. Hahayaan mo akong gawin ito o tutulungan mo akong magbenta sa opisina niyo. Come to think of it, hindi ba't Valentines na next week? Baka naman..."
Rebel expelled a deep breath.
"Okay, I will tell Moira to get orders, i-message mo sa akin ang pricelist mo pagkatapos ay ipapasa ko sa kanya."
"Eh ulam?"
"Viviene.."
"Okay.. 'Di bale, meron akong orders sa reception at security bukas kaya dadagdagan ko yung lulutuin kong baon para sayo."
"Baon?"
"Oo, nandito na din naman ako so might as well pagsilbihan na kita. Bayad ko na din sa pagpapatira mo sa akin dito. Thank you." I smiled as I handed him a black leather lunchbox. Umangat ang sulok ng labi ni Rebel at ipinihit ang katawan ko papaharap sa kanya.
"Thank you for being here."
"Uy, nafa-fall.." Humagikgik ako, I think I saw him blushed a little, erase, imposible naman iyon. Kaya bago ako naman ang mag-blush, kailangan ko na din siyang ipagtulakan. "Matulog ka na nga. Sunod ako."
Pinanood ko siyang umakyat sa hagdan patungo sa kanyang kuwarto. I caught myself smiling. Pinilit kong isimangot ang ngiti ko.
'Diyan ka lang sa ibaba, Kitty. 'Wag mo ding patibukin ang internal organs ko. Very wrong...'
Mabilis lang lumipas ang mga araw. It was more of a routine for me. Sa totoo lang ay hindi ako sanay. Imagine my hectic schedules when I was in showbiz? Those were crazy! Nakakarating na lang ako from point A to point B nang hindi ko alam kung nasaan ako at kung ano ba ang gagawin. But I can say that I am more at peace now. Wala na yung anxiety na baka bigla akong makatulog o hindi ako makapagdeliver ng spiels o ng linya ko at mapagkamalan akong addict.
"Are you sure you are okay?" Tanong sa akin ni Rebel nang makitang halos mapuno na ang lamesa siya ng cupcakes na order sa akin. Tinulungan ako ni Sarah na gumawa ng instagram page at siya din ang nagma-manage non para sa mga orders. Hindi namin akalaing dadami ng husto ang orders lalo na ngayong buwan ng Pebrero.
"Yes, meron din akong orders sa dati kong network. Pahiram ulit ng kotse mo ah."
"That's yours." Rebel snorted. He was talking about the 1970's Pink Cadillac. Nakita lang naman niya ang pagkamangha ko doon sa sasakyan nang minsang manood kami ng carshow noong nakaraang linggo. Nang umuwi kami ay nakaparada na iyon sa kanyang parking lot dito sa kanyang condominium.
"Masyadong maganda, yon na ang pinagtitinginan imbes na ako. Pumasok ka na sa trabaho, nandon na yung baon mo, katabi ng laptop bag mo." Wika ko nang hindi siya tinitingnan. Nilapitan ako ni Rebel at pilit na ibinangon mula sa pagkakatutok sa cupcake na nilalagyan ko ng frosting. I rolled my eyes at him.
"Kiss na naman?" Kunwaring reklamo ko. He smiled and slowly reached for my lips. Rebel pressed his lips against mine like those in a romantic movie endings. Napapikit ako sa lambot at init na hatid ng kanyang mga labi. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinahinga sa kanyang dibdib. He wanted our kisses like that, long and passionate. Nahuli ko pa siyang nakapikit nang inihiwalay ko ang sarili ko mula sa kanya, he gave me a soft smile and a quick peck on the forehead before pushing to his feet.
"Are you available tomorrow?"
"Oh my God, inaaya mo ako ng Valentines date?"
"I am not." Tanggi niya. "I might not bring all the orders of my staff tomorrow because of an early meeting. Siguro ay ihatid mo na lang sa hapon."
"Then magde-date tayo pagkatapos?"
"Do you want to date me, Miss Joson?" Tumaas ang kanyang kilay.
"Aba! Dapat ikaw ang mag-aya!"
"I don't do dates. I fck."
My eyebrows shot, "Okay lang. Never pa din naman akong nakipagdate sa labas tuwing Valentines day. Alam mo na, yung mga chismis. Kapag merong artistang nag-aaya sa akin, laging sa condo nila. Alam na."
Napalunok si Rebel at nagpamulsa, "S-so, you dated those guys who asked you to come to their condo?"
"Puwede ba? Hindi naman ako tanga, I know what they want. Bantay sarado ako ni Mama at ni Bobby kaya hinding hindi ako makakarating kung saan."
"Good." Muli akong hinalikan ni Rebel sa noo pagkatapos ay tumalikod na para pumasok sa trabaho.
Minadali ko ang frosting ng mocha cupcake ko. Ito ang best seller at ang kadalasang order ni Pam. Nakakapagtakang hindi pa din nananaba ang lalaking yon kahit pa araw araw niyang kinakain ang cupcake ko. He promoted my business to his clients and his neighbors, too. Kaya naman tuwang tuwa ako. Business is doing good dahil kay Pam at Sarah pero hindi naman nanghihingi ng komisyon si Pam kaya naman mas lalo akong naging masaya.
Five minutes later, the doorbell chimed and I knew it was Pam. Bitbit ang sampung dosena na cupcakes, lumapit ako sa pinto. Kahit hindi man direktang sabihin ni Rebel, I know his rules, hindi ako pupwedeng magpapasok sa unit niya. Pam and my other clients respected it, too. Hanggang doon lamang sila sa pinto.
Nakangiti at mabangong mabango si Pam nang pagbuksan ko. In his usual jeans and black shirt, kinuha niya mula sa akin ang mga cupcake, walang kahirap hirap niya iyong nabuhat.
"All set ka na ba bukas? Mukhang madami kang orders ah."
"Naku, oo, meron pa ngang nag-order ng caramel cake. Ayoko na nga sanang tanggapin kaso sayang naman.Nag-cut off naman na kami ni Sarah. Kaya lang dahil sa sobrang dami, tuloy tuloy ang pag-gawa ko ng cupcakes at mini cakes ngayon hanggang bukas.."
"Magrelax ka naman. Gusto mo, i-treat kita sa spa? I have gift certificate. Hindi ko alam kung saan gagamitin kaya ibibigay ko na lang sa inyo ni Sarah."
"Ano? Inaaya mo ako ng date?!" Biro ko. Mahinang natawa si Pam.
"Ayaw mo?"
Napawi ang ngiti ko, "Inaaya mo nga ako?"
"Inaaya lang kitang mag-relax kung wala ka namang gagawin. Mukhang busy ang boyfriend mo eh.."
"Ah oo, busy talaga ang jowa ko, saka hindi daw kami magde-date bukas kasi he don't do dates, he only f—fish." Naku muntikan ko nang masabi ang fck.
"Well, it is a date without me. Dyahe naman kung ako ang kasama mo sa spa so kayo na lang ni Sarah. Pagkatapos kain tayong tatlo sa labas pagkatapos niyo"
"Group date? Yay! Gusto ko yan! O sige na, alis na kasi madami pa akong tatapusin. Salamat!" Pinagsarhan ko ng pinto si Pam at hinarap muli ang mga cupcakes na ginagawa ko. Excited akong pumunta sa network. Bobby promised to see me at isa siya sa nag-order ng cupcake ko.
After a quick shower ay inayos ko na agad ang mga paninda ko. I opted for a white button down longsleeves and leggings. I tied my hair into a messy bun. I made sure na kumpleto ang 20 dozens ng cupcake na bitbit ko nang isakay ko iyon sa Cadillac. Then I started driving.
I sighed when I noticed a lot of cars honking me while driving. Dahil iyon sasakyan na pinagamit sa akin ni Rebel. Ngayon ay nahihiya na ako sa lahat ng ibinibigay niya dahil nakikitira na din ako sa kanya. Sana ay patawarin na ako ni Mama para naman may pagkadalagang Pilipina ang dating ko at kakapal muli ang mukha ko na singilin si Rebel.
Napapikit ako nang maramdaman kong tumutol si Kitty sa ideya. Madali siyang na-attached sa set up namin ni Rebel. I understand, ang hot naman kasi ng lalaking iyon.
"Viviene!!" Nag-tilian ang mga Production Staff na kasa-kasama ko noon nang makita ako na nakatayo sa harapan nila sa studio kung saan merong nagaganap na taping. I smiled confidently like I used to.
"Ang tagal ka naming hindi nakita, kailan ka ba babalik?" Tanong sa akin ni Dominic, ang baklang Production Manager ng dati kong teleserye sa parehas na network.
"Naku, may babalikan pa ba ako?"
"Aba oo naman, namimiss ka na nga namin.."
"Ay, ayan pala yung laos-china.." Bulong pero sapat na ang lakas non para marinig ko. I still smiled at Dominic. Isa sa mga bagay na natutunan ko kay Bobby, kung gusto kong maging kalmado, manatili akong bingi. That people will say something about you if you are ugly or you are too pretty. In my case, I am too pretty.
"Hoy, bumalik nga kayo sa mga trabaho niyo!" Nakapamewang na utos ni Dominic.
"Nasaan si Bobby? Dadalhin ko itong cupcakes na order niya." Tanong ko sa isang production assistant na si Anj.
"Ay, hayun, naroon sa dressing room ni Valerie. Sinwerte na din sa wakas si Bobby sa aalagaan. Rising star ngayon si Valerie."
Ngumiti ako ng tipid, "Nabalitaan ko nga."
I am truly happy for Bobby. He deserves a good talent after me. Puro sakit ng ulo na lang ang naidulot ko sa kanya. Pinuntahan ko ang dressing room na binanggit ni Dominic, nakabukas ang pinto at nakikipagkwentuhan si Bobby sa bago niyang alaga habang mine-makeupan.
Agad na nagtama ang tingin namin sa malaking makeup mirror at tumayo agad siya pagkatapos ay sinugod ako ng yakap.
"I missed you, Viviene. How are you? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ng Mommy mo. I hope maayos niyo yan.."
"Of course, Bobby. I am just giving her space."
Malungkot ang mukha ni Bobby pero napalitan agad iyon ng saya nang tingnan ang bago niyang talent. "Halika, ipapakilala ko sayo ang bago kong talent. Valerie..."
Hindi lumingon si Valerie, tiningnan niya lang kami sa salamin at nagtaas ng kilay. I already smell blood by the way she looks at me. Mukhang hindi ko makakasundo ang bruha. She looks average. Petite, mahaba ang kulay brown na buhok dahil sa hair extensions, bilugan ang mata na binuhay ng doll eyes gray contact lens at makapal na false lashes. Her lips were plump probably because of lip fillers.
"Ikaw si Viviene, hindi ba? Ikaw ang dahilan kung bakit nalulugi ang negosyo ni Bobby bago ako dumating. You should thank me.."
Hindi agad ako nakabawi, panay naman ang awkward na ngiti ni Bobby, "Kung hindi dahil sa akin ay basura na ang Star Image Management. I am the saving grace of the company na muntikan mo nang hilahin sa putikan kasama mo." Pagpapatuloy ni Valerie.
"Excuse me?" Agad na tumaas ang boses ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Bobby sa braso ko at akmang pipigilan ako.
Tiningnan ko siya, he shook his head. "Baka mablind item.." Bulong niya sa akin.
Ilang segundo bago ko nakuha na pinapahalagahan niyang hindi madamay sa intriga si Valerie para hindi ito matulad sa akin. It was somewhat painful but I know he's right. I consider Bobby as a friend. Pinili kong tumahimik at hindi gumawa ng ikakapahamak ng management niya na sinira ko daw.
"Okay, Bob.. Dinala ko lang ang order mong cupcakes." Huminga ako ng malalim at kumuha sa malaki kong ecobag ng box of 12 na cupcake.
"Magkano ba yan?" Bulong ni Bobby.
"800 per box."
Tumalikod si Bobby para kunin ang bag niya sa sulok ng dressing room.
"Selling cupcakes, how pathetic. Bakit hindi ka na lang magtinda ng isda sa palengke tutal doon ka bagay?"
"Bakit hindi ikaw ang magtinda ng isda dahil paborito yon ng mga pusa na kamukha mo? Madami kang maibebenta sa mga friends mo. Ganda ka?" Umingos ako at naglakad sa direksyon ni Bobby, binibilang palang niya ang pera ay kinuha ko na iyon.
"Salamat, Bobby. Disiplinahin mo yang alaga mo." I said before leaving.
Pinagkaguluhan ang dala kong cupcake. Some people requested for variety. Napagod akong makipagkwentuhan, even the network's boss na si Mr. J ay nakigulo din at bumili ng cupcake. He ordered more for his nieces and nephews.
Pagkatapos ng mahabang araw ko ay saka ko naramdaman ang pagod. Habang naglalakad ako papalayo sa studio at nasilip ko ang panghapong araw sa labas ng network building, nakaramdam ako ng lungkot. I will leave the place where everybody's working until late night. I used to be part of this. Ito ang mundong kinalakihan ko. I am not part of the industry anymore.
Malungkot kong pinunasan ang luha na kusang pumatak. I sighed again but my tears went uncontrollable. Until a hanky was handed to me. Tiningnan ko agad ang nagbigay at napagtantong si Rebel iyon na siyang ikinagulat ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Naramdaman ko lang kailangan akong prinsesa ko." There's a ghost smile on his lips.
Umirap ako, "Hindi 'no. Napuwing lang. Huwag ka ngang umakto na knight in shining armor, hindi bagay sa'yo."
"Ipinakuha ko na ang sasakyan mo. Let's dine out."
"Date?"
"No, I just want to eat Japanese. That is not a date. Just, eating."
"Ang stiff mo talaga. Loosen up. Sa kama ka lang ba talaga may animated expressions?" We started walking.
"Viviene, lower your voice."
I giggled. "Sige pero daan muna ako sa bahay."
Natigilan si Rebel sa paghakbang. "Bakit?"
"Ibibigay ko kay Duday at Mikmik yung mga sweldo nila. Marami akong naibenta ngayong araw kaya pagbibigyan ko na yung dalawa na humihirit ng advance. Huwag kang mag-alala, hindi tayo papasok."
Tipid na tumango si Rebel bilang pag-sangayon.
It was a short drive from the network to our house. Naabutan ko si Mikmik at Duday na nagdidilig ng mga halaman sa labas. I missed home. Kahit papaano ay gusto kong balikan ang aking kuwarto pero alam kong hindi pupwede.
"Ma'am!" Sabay na tumili ang dalawa naming kasambahay nang makita ako at sinugod ako ng yakap.
"Hay naku, wag na ninyo akong lambingin, dala ko na ang sweldo niyo."
Inabutan ko sila nang tig-isang sobre at nagtatatalon sa tuwa ang dalawa.
"At ito, ipag-grocery niyo si Mama, ipagluto niyo ng roastbeef. Yung paborito niya."
"Naku, Ma'am.. Sana makauwi ka na. Hindi pa ba kayo magkakabati ni Madam?"
Nakadama ako ng lungkot sa tanong ni Duday.
"Hindi pa, Duday. Hayaan muna natin si Mama. Mawawala din ang galit non." Pinilit kong ngumiti.
Hindi na kami nagtagal doon sa aming bahay. Inaya agad ako ni Rebel patungo sa Japanese Restaurant na sinasabi niya. Tahimik lang ako sa buong byahe. Malalim na nag-iisip. Thinking about the lost opportunities and what I have missed. I am thinking about if my inner peace was all worth it. Well it is. Kaya lang ay gusto kong makaayos si Mama. Kadugtong ni Mama ang showbiz, I know she will be happy if I am still there. And knowing that I am not anymore, I know that it will be longer to reconcile with her.
Nakaramdam lang ako nang kunin ni Rebel ang kamay ko at masuyo iyong pinisil.
"Naiiyak ka?" His baritone voice sliced through the silence of the car. Concern iyon at walang halong biro ang tinig.
"Hindi, ah."
Rebel stopped his car. "Umiyak ka lang."
"Gagi, ayoko." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang emosyon.
Hinatak ako ni Rebel at ipinahinga sa dibdib niya, "Iyak na."
I sniffed and that was my cue. My tears kept on flowing.
"Alam mo, minsan gusto ko na magalit kay Kitty eh. Ang landi landi kasi."
Mas humigpit ang yakap ni Rebel.
"I still have to reach my dreams. I want to win an Oscars. Kaya nga kahit hindi na kagaya ng dati ang takbo ng career ko, pinagbubutihan ko pa din. Naiintindihan ko naman kung bakit nagagalit sa akin si Mama. It is my dream to be known as a seasoned actress of this generation."
"Is it your dream or you Mom's?" Tanong sa akin ni Rebel.
"Well.."
"Everytime I look at you making cupcakes or even cooking breakfast, your face looks happy. Tuwing nakikipag-usap ka sa mga tao sa paligid mo, you were so passionate about it. I am sure you don't do much interaction when you're still in showbusiness."
"Sabi nila, laos na ako.."
"Fame doesn't make you. You have to detach yourself in it."
"Sinasabi mo lang yan kasi sikat ka."
"Akala mo ba gusto ko? I have kept myself away from the press until I met you."
"So ako pa ang may kasalanan?" Hinampas ko siya sa dibdib.
"No, I may not want it but I think it is worth it."
"Rebel naman eh.. Nagugustuhan mo na ba ako? Juice ko, hindi pa ako handa." Biro ko habang pinapahid ang luha na wala ng kasunod. Rebel always seems to know the right words.
Tumikhim siya, "Excuse me, we are still on this agreement hindi ba? I am annoying my parents. That's it. Huwag kang matakot sa akin. I have no bad intentions whatsoever."
T
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top