Kabanata 11
"We would appreciate it if you respect our privacy." Pagkasabi non ay nabalutan na kami ng naglalakihang katawan ng mga bodyguards ni Rebel. Guarding us from the media hanggang sa makasakay kami sa kaniyang sasakyan.
"Are you okay? You are not answering my call." Maagap na sabi ni Rebel habang pinagmamasdan ang inhaler sa kamay ko, agad ko iyong itinago sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin.
"Huwag mo akong susungitan, I am on my period, Rebel at saka hinihika ako. Kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan—"
Naramdaman ko ang kamay ni Rebel sa aking mukha at ang masuyong hinaplos iyon. "Bakit ka umiyak?" His eyes flickered with adamant concern at hindi ako agad nakakilos.
"Nakita mo yon?" I asked.
Tumango siya.
"Ay naku, Rebel. Sinasabi ko sayo, hindi ako nagseselos kaya wag na wag mong iisipin iyon."
"I am not saying anything, I was just asking. Bakit nga?"
"Kasi ang mga walanghiyang yon! Pinagbintangan pa nila si Bobby na may kagagawan ng chismis sa atin." Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. "Mga walanghiya. Ang bait bait nung tao sa akin." I sniffed. "Namimiss ko na nga si Bobby. Kahit na maliit lang ang kinikita namin, sumasama pa siya sa akin sa probinsya, kahit umakyat pa kami sa bundok para lang kumita ako ng pera. Kapag na-redeem ko ang career ko, payayamanin ko talaga yan si Bobby."
"Sshh, don't cry, Honey."
Nagpantig ang tainga ko. "Honey? Anong honey? Alam ko na ang istilo mo, Rebel. Ako ang flavor of the month mo, ako ang pangsampung binigyan mo ng singsing! At engaged kang hunghang ka! Why did you even lie to me? This game is all fun not until you made me the other woman! Ang babaw naman ng tingin mo sa akin!"
"What?" Kulubot na kulubot pa ang noo niya.
"Sinabi sa akin ni Madison ang lahat. Pakakasalan mo siya pagkatapos ng lahat ng ito. You always ask your women to pose as your fake girlfriend para makuha mo ang gusto mo. Ha, sinasabi ko na nga ba at hindi ako dapat nagpadaig sa matamis mong dila!"
"That's not true, Viviene."
"Kuu! Huwag ka nang tumanggi. Pervert ka. Iuwi mo na ako dahil duda naman ako na gusto mo ng madugong sagupaan ngayon. Meron ako."
"I am hungry. I want you to cook for me."
"Sinungaling ka talaga, ano? Kakakain mo palang!"
"Madison insisted that I'll go with her for the damage control. But I see no point in doing that so I went out and stood for you."
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Impit akong napahagikgik. "Wait, si Kitty, kinilig." Natawa si Rebel, sumeryoso ako at sumimangot, "Pero ako hindi. Ipagluluto kita, pagkatapos, uuwi na ako." Ininguso ko ang cellphone niya. Panay ang blink nito. "Sagutin mo na yan."
But he took his phone out and turned it off. "I want chicken afritada, Viviene."
I rolled my eyes, "Yes boss." Monotonous, I said.
---
"Luto na!" I chirped as I placed the chicken afritada at the center of the table. Panay ang pagtambol ni Rebel gamit ang kaniyang kubyertos sa plato sa kanyang harapan. Sininghot pa niya ang usok mula doon sa ulam.
"You are the best, Viviene."
"I know right.." Pagmamayabang ko.
Papatapos na kaming kumain nang maramdaman ko ang pag-suka ng dugo ni Kitty, my womb contracted painfully. Agad akong napahawak sa aking sikmura.
"Are you alright?" Natigilan si Rebel sa pagsandok ng ikatatlong batch niya ng kanin. I waved my hand dismissively.
"I am fine. Huwag mo na akong pagkuwentuhin ng nararamdaman ko dahil baka mawalan ka ng gana. Kulay pula pa naman ang ulam natin ngayon. Dysmenorrhea lang ito. Malapit sa bituka pero malayo sa puso. Alam ko namang heart attack ikamamatay ko, not even my asthma would kill me."
Habang kumakain ay naging abala si Rebel sa kanyang cellphone. Kinuha ko ang mga plato sa aming harapan pero hindi kagaya dati ay hindi ako tinulungan ni Rebel. Mukhang nagse-senyorito siya ngayong gabi at hindi ako napansin.
"Hey, put down the plates, I will do it." Naramdaman ko ang kamay ni Rebel sa aking braso at inalalayan ako sa pagbaba nito sa sink. Sa wakas, nakahalata rin! Dahil mas senyorita ako kaysa sa kanya, binitiwan ko nga ang plato at dumiretso doon sa couch niya para mamahinga.
Inabala ko ang sarili ko sa pag-scan ng magazines na naroon sa centertable niya. Napataas ang kilay ko nang makita ang mga iyon na siya lahat ang cover. Inangkin lahat? Sugapa pala si Rebel. Mas famewhore pa sa akin. Napahagikgik ako habang pinapanood siyang nakatalikod na nakaboxers at sando lang na naghuhugas ng pinggan. Malayong malayo sa intimidating aura niya sa mga shoots niya.
Tingnan mo nga naman, ang ganda ng labi niya, full and red. His stubbles made him look more manly than he is. He got thick brows and chiseled jaw, malalim tumitig ang madidilim niyang mga mata na kasing kulay ng malapot na honey. Napatingin ako sa suot kong singsing at napasimangot nang maalala na pang-sampu na akong sinuotan niya ng singsing.
Binalikan ko muli ng tingin si Rebel at nang makitang abala pa din siya sa mga plato, pasimple kong pinunit ang pahina ng cover at saka mabilis na inilagay sa bag ko. Kung sandali lang naman pala ang lahat ng ito, dapat ay may remembrance ako ng lalaking unang pinagbigyan ko ng puri ko. Just in case my kids would ask kung bakit hindi ang Papa nila ang pinagbigyan ko ng virginity ko, I would rather have a valid reason why Kitty fell on the trap of this handsome and vicious man. I should buy a picture frame for this. Pupwede ko din sigurong ipakulam kapag ginawan niya ako ng masama.
Itinago ko ang magazine page na pinunit ko at saka ko binuksan ang TV para alisin ang inip. Tiyak namang ihahatid na ako ni Rebel papauwi kapag tapos na siya sa ginagawa niya. I bet he'll be busy all night dahil panay ang tunog ng kanyang cellphone, and I know what is that all about. Tiyak dahil doon sa sinabi niyang engaged siya sa akin. Akala niya siguro, madali maging topic ng National TV.
Napaigtad ako sa mainit na pagdampi sa puson ko, nagulat na lang ako nang umupo sa tabi ko si Rebel at merong hawak na hot pack at idinadampi sa tiyan ko.
"Google said this should make you feel better. I should buy a humidifier for this place, too." Aniya na ikinatulala ko.
"What for?"
"For your asthma. Google said it will help lessen your asthma attacks. Don't worry, I'll buy organic essential oils, masama rin daw yung mga artificial scents sa iyo."
I was dumb founded, creasing my forehead and I was staring at him.
"What? Hindi mo alam iyon? You don't do research about your health?" Gulat na tanong ni Rebel.
"I am not very good in researching, isa pa, wala akong time, pinagbawalan din ako ni Bobby para hindi ko mabasa yung pambabash sa akin."
He heaved a sigh and pulled me closer towards him. "Gusto mong mahiga? You need to relax your back para marelax yung abdominal muscles mo."
"No!" Matigas na tanggi ko, "I might stain your bed."
"It is fine. Lalabhan ko kung sakali. What else are you thinking, Viviene? This boyfriend of yours might have a solution for it."
"Ikaw na!" I wrinkled my nose. "Perfect mo din, eh."
"You are damn lucky."
"Ay iba."
He chuckled. Inilapit niya ang ilong niya sa aking leeg at sininghot iyon. "You smell so good."
"Ay no.. Very wrong, Rebel. Do not touch me while I am on my period."
"I am just smelling you. You really smell so nice. Can I kiss you?" Malambing niyang tanong.
I straddled him, I placed my arms around his neck and let him slowly taste my lips by s*xily nibbling my lower lip. We were making out fast forward to thirty minutes. Mukhang naubos ang energy ko doon dahil humilig ako sa kanyang balikat. I enjoyed his scent for only God knows how long hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako. I woke up and noticed that the lights were dim and Rebel was fast asleep beside me. Sa kanyang kamay ay isang hot pack na kakaunti na lang ang init at nakatapat iyon sa puson ko. Napangiti ako doon pero saglit lang.
To my horror, nagmamadali kong hinanap ang orasan sa side table. Napatakip ako ng bibig nang makitang alas-dos na ng madaling araw. I hurriedly fished for my phone at napukpok ko ang ulo ko nang mapagtantong pinatay ko nga pala iyon.
Lagot ako kay Mama!
"Rebel!" Tawag ko sa katabi ko, pero mukhang pagod din siya kaya hindi siya agad nagising. I rushed to his bathroom to clean up at nang lumabas ako ay nakita ko si Rebel na nakaupo sa kanyang kama at aantok antok pa.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Asik ko. Tumaas ang kilay niya.
"You were sleeping and in pain. Bakit kita gigisingin?"
"Kasi magagalit ang Mama ko. Duh! Hindi niya alam kung nasaan ako lalo na ngayon na alam niyang wala ako sa taping!"
"Ano bang ipinag-aalala mo? You are with me. Boyfriend mo ako."
"Hindi mo kasi naiintindihan. Strict ang Mama. Hindi ako pinagbo-boyfriend non at ayaw nga niya sayo."
Rebel was taken aback. Nagbago ng kaunti ang ekspresyon niya sa paraang hindi ko maintindihan pero bumalik din iyon sa pagiging seryoso.
"Relax, okay? Ihahatid kita." Kalmado niyang sabi bago nag-hanap ng maayos na pantalon sa kanyang closet.
Nasa malalim akong pag-iisip habang nasa byahe. I can imagine my mother's face later. All my life I was dictated by her standards, which I have no complain.
Viviene, drink your milk.
Viviene, exercise..
Viviene, your poise..
Viviene, makakasira ng career ang pakikipagrelasyon, hindi ba't may gusto ka pang marating?
Para akong may recorder sa isip tuwing inaalala ko ang mga salita ni Mama, and I came up with an understanding na para iyon lahat sa ikabubuti ko.
"Viviene, we are here." Mahinang tinapik ni Rebel ang balikat ko. Napangiwi ako nang makitang bukas pa ang ilaw sa aming mansyon. Meron ding patrol car sa labas. Naririnig ko ang litanya ni Mama habang naglalakad kami papasok ng mansyon.
"Ma'am, after 24hours pa kayo bago maipa-blotter si Miss Viviene. Baka naman nakipag-date lang."
"Hindi ganon ang anak ko!"
Napakamot ako ng batok nang humakbang ako patungo sa main door. Nakita ko si Duday at Mikmik na paikot ikot sa sitting room. Agad na napatili si Duday nang makita ako.
"Ma'am!"
"Ma.."
Pinanlakihan ng mata si Mama nang makita ako.
"Viviene! You are giving me a heart attack! Bakit hindi macontact ang cellphone—" hindi na niya naituloy ang salita nang makita niya si Rebel sa tabi ko. Agad na parang binagyo ang mukha niya.
"Kasama mo ang lalaking yan?!"
"Ma, I can explain.."
"Naku, sabi na nga ba, nakipagdate lang ito si Miss.." Natatawa tawa ang dalawang pulis na nasa loob ng pamamahay namin at saka ako binigyan ng malisyosong tingin.
"Ma'am, baka po pupwede na namin kayong iwan." Ngumisi muli ang isa. Agad na iniharang ni Rebel ang katawan niya sa akin. Hindi ko na nakita ang dalawang pulis na lumabas ng bahay dahil doon.
"Ma, I am sorry. Nakatulog po ako sa—" Isang malutong na sampal ang dumapi sa pisngi ko, hindi iyon napigilan ni Rebel dahil sa pagkakaron ni Mama ng dugong Ninja. She really has her own ways.
"Ma naman!" Sapo sapo ko ang pisngi ko. Hinila ni Rebel ang kamay ko papalapit sa kanya na halata ding nagulat sa ikinilos ni Mama.
"I don't think that was necessary, Ma'am." Kalmado pero mabigat na pananalita ni Rebel, nakikipagtitigan pa kay Mama.
"Do not tell me how to raise my daughter." Mariin ding sagot ni Mama.
"Ma, ano pa bang gusto niyo? Wala na akong career!"
"Dahil diyan sa lalaking yan! Sinabi kong lagi kang makikinig sa gusto ko dahil iyon ang makakabuti sayo! Look at where your stubborness got you!"
"Ma naman, matagal na akong walang career!"
"Lalo pang nawalan! Imbes na magkaroon ka ng comeback, anong ginawa mo? You turned out as a cheap whore to those people which I am afraid that you really are now!"
"Ang sakit niyo namang magsalita."
"Dahil masakit din na sinusuway mo ang sarili mong ina."
"Ano bang ayaw niyo kay Rebel?" I know that it was not a valid question dahil balewala naman din ang relasyon namin ni Rebel pero gusto ko lang na malaman. Sana ay kahati ko man lang siya sa pinanggagalingan ng poot niya. I hated Rebel, too but I need him now. Siya na lang ang huling baraha ko para magsurvive!
"Anong ayaw ko? He's the one who robbed our business! Nakakalimutan mo na ba ang dinulot niyang sakit sa Papa mo? Sana kasama pa natin ang Papa mo ngayon kung hindi niya pinanghimasukan ang negosyo ng Papa mo."
"Pero Mama, that was all in the past! It was bound to happen, hindi natin pupuwedeng isisi kay Rebel ang kamalasan natin o kahit sa kaninong tao, we make our own destiny and Papa—" Nag-init ang sulok ng mga mata ko, "It was his decision to self-destruct.." Namuo ang pait sa lalamunan ko. All along, Rebel was right. Papa should have stayed sane para lamang sa aming pamilya niya pero nagpakalulong siya sa bisyo na siya ding ikinamatay niya.
"Duday, Mikmik, pagtulungan niyo ang gamit ng Ma'am niyo. Ibigay niyo sa kanya sa lalong madaling panahon. Gusto ko nang magpahinga." Walang emosyong wika ni Mama.
"Ma.. Palalayasin mo ako?"
Hindi na sumagot pa si Mama, patuloy siya sa pagtalikod at tuluyan na nga kaming iniwan sa salas.
Hindi ako makaiyak ng husto pero ramdam ko ang sunod sunod na pagtulo ng luha.
"Ma'am.." Lumapit sa akin si Mikmik at niyakap ako.
"Huwag niyo nang kunin ang gamit ko. Hintayin na lang natin na pauwiin ako ni Mama. Ganyan lang yun magalit di ba?" Pinilit kong ngumiti pero si Duday, agad nang napahikbi at sinugod ako ng mahigpit na yakap.
"Paano na yan, Ma'am?"
"Magpapadala pa din ako. Kayo muna bahala kay Mama. Basta mag-gogrocery kayo lagi at sabihin niyo sa akin kung ano ang kailangan dito sa bahay, okay lang ako."
"Ma'am, mag-sorry ka na lang sa Mama mo."
Umiling ako, alam kong balewala iyon sa ngayon. Mama loved Papa so much, and I do, too. Kaya lang, alam kong hindi din naman kami gagaling kung hindi kami magpapatawad. Maybe it was our fault, too. Siguro ay hindi namin naiparamdam kay Papa na nandito lang kami at maaari kaming mabuhay sa kaunti. The pressure took toll on Papa. Sa puntong ito ay ayoko nang sisihin ang kahit sino. I just want to survive. I am obsessed on getting through because I have so many mouths to feed, that includes our housemaids that we treated as our own.
"Viviene, stay with me." Tila pinagsakluban ang mukha ni Rebel. I made huge strides to get nearer to him, I crashed to his iron clad chest and he accepted my hug and returned it with a much tighter embrace, a very assuring one.
"Salbahe ka kasi.." Bulong ko.
"I know. I am sorry."
"Hindi mo ako pupwedeng pabayaan, magbabayad ka."
"I will. Hush now, Baby.. I am here."
♁☆♁☆♁☆♁☆
Naku mas dadami ang landian ng dalawang ito. Handa na ba kayo? Ako hindi pa!
Mga Pampanga readers meron kaming meet-up on December 8, comment here if you are interested.
Thank you! Votes and comments if I deserve it!
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top