Kabanata 27


Noelle.

Isang buwan pero nakatingin pa din siya sa litrato ni Midnight na para bang lalabas ang binata doon.

Makapal ang jacket niyang suot pero nanuot pa din sa kaniya ang lamig ng Dublin. Papagalitan niya talaga si Monroe. Ganon ganon na lang na inihagis ang kaniyang maleta palabas sa apartment na kanilang tinitirhan ng dalawang linggo. Kasama ang papel na may nakasulat na address. Huminga siya at lumabas ang makapal na puting usok mula sa kaniyang bibig.

Pumasok siya sa isang gusali. Palagay niya ay merong heater doon pero nanunoot pa din ang lamig sa kanyang balat dahil nakasuot lang siya ng longsleeve red turtle neck dress at hanggang tuhod lang iyon. Pasalamat siya sa boots na suot niya pero hindi iyon sumapat. Si Monroe ang pumili non para sa maliit niyang monologue kapag nakita niya ang hinahanap.

'Salbahe ka talaga, Monroe.' Bulong niya sa sarili.

Hinila niya ang malaki niyang maleta paakyat ng third floor at huminto sa tapat ng pinto.

30. Iyon ang room number.

Nanginginig ang kamay niya at ilang ulit na binawi mula sa hangin bago tuluyang magkaroon ng lakas ng loob na kumatok.

Pero halos mapudpod na ang kaniyang kamao sa kakakatok, ang katabing pinto lang ang bumukas para daluhan siya.

"He's not there. Do you want to come inside to keep you warm?" Anang matandang babae sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti. Hindi nakasagot.

"He's usually out until midnight. I guess it comes with his name. I am Madeline, his landlady." Pakilala ng matanda na mas niluwangan ang pinto. Sa pagkakataong iyon, meron nang sumilip na puting pusa mula sa kinatatayuan nito.

Umiling siya, "Thanks but no thanks."

"Are you sure?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

"Yes, I have extra coat if it'll get colder." Paniniyak niya.

"Alright. I will just let him know that someone's waiting." Tumalikod na ito at sinarhan ang pinto.

Umupo naman siya sa harapan ng pintuin nang inaantay na tao. Siguraduhin lang talaga ni Monroe na effective ang plano niya, kung hindi ay magpupumilit siyang bumalik na sila sa Pilipinas para harapin ang tinakasan nilang ama.

--

Nakarinig siya ng mahihinang yabag hanggang papalakas. Papalapit iyon sa direksyon niya, napatayo siya agad at pupungas pungas na inantabayanan ang hagdanan kung sino man ang lilitaw doon. Merong snowfall sa labas ng bintana ng gusali, madilim na din at mukhang nakatulog siya ng matagal base sa pagkakangalay ng kaniyang buto buto.

"What are you doing here?" Masungit na tanong sa kaniya ng binatang naka-trenchcoat at may makapal na coat na nakabalot sa leeg. Mas dumilim ang mga mata nito, walang pagbabago sa nakakahalinang labi nito kahit na nakasimangot.

"Sinusundan ka." Lakas loob na sagot niya.

Binuksan nito ang pintuan ng kaniyang apartment at hinila ang maleta niya papasok sa loob, sinundan niya iyon. May pinindot na button si Midnight sa loob ng simpleng apratment na merong isang silid at naramdaman niya ang pagkatunaw ng naninigas niyang kalamnan dahil sa heater na gumana.

"What are you doing here?" Ulit nito na dumiretso sa kusina. Binalingan ang kalan at binuksan iyon. Mukhang nag-iinit ng tubig.

"Sinusundan ka nga."

Pinanood niya si Midnight na hubarin ang suot na trench coat at gloves. Her breathing hitched. Masyado niyang inisip kung ano ang itsura nito ngayon, ngayon ay nasa harapan na niya. Live.

"I am not here for vacation." Patiuna nito.

"Kaya nga sasamahan kita."

Bumuga ito ng hangin. "You don't understand. I need to be alone."

"Hindi ako magiging maingay at makulit." Maagap na sagot niya, "Kung gusto mo pagsilbihan pa kita. Kung gusto mo, ipaglaba kita, ipaglinis—"

"I have a house cleaner to do that. Umuwi ka na."

"Hindi mo naiintindihan." Pinalungkot niya ang boses niya. "Wala akong pamasahe pabalik ng Pilipinas." Nag-iwas siya ng tingin dahil baka hindi umayon ang mga mata niya. Sabi ng kaibigan niyang si Donna, madali siyang hulihin sa mata tuwing nagsisinungaling.

"Bibilhan kita."

Umiling siya, "Hindi mo talaga naiintindihan. Wala na akong babalikan. Nag-layas ako.. Sa amin.. H-hindi na ako makakabalik. Kapag bumalik ako doon, hindi ko alam kung anong nag-iintay sa akin. Babalik sa club—"

"Stop." Awat nito na parang ayaw marinig ang kaniyang sinabi.

"Nag-sasabi ako ng totoo, Midnight.. Wala akong matitirhan dito. Umaasa akong kukunin mo ako—"

"I have to work and study. Hindi kita maasikaso and distraction was the least thing I need."

"K-kung gayon ay m-matutulog na lang ako sa labas." Tumayo siya. Nawawalan na ng pag-asa. "Kakayanin ko naman siguro ang lamig."

Lumapit siya sa pinto at hinawakan ang kaniyang maleta.

"Sandali."

Natigilan siya sa boses na iyon ni Midnight.

"I will let you sleep here tonight, but tomorrow, you need to find your own space." Nabuhayan siya at nagkaroon ng pag-asa kahit sa kabila non ay nalulungkot siya na paaalisin pa din siya nito kinabukasan.

Itinuro sa kanya ni Midnight ang kama at pinaghanda na siyang matulog. Ilang beses niyang sinubok na pumikit nang makahiga na pero bigo siya. Inabot na siya ng umaga na hindi dumating si Midnight sa silid nito. Nagkasya na lang siyang amuyin ang unan at kumot nito na merong amoy ni Midnight.

Hanggang sa mapalitan ang amoy nang mabangong pagkain na iniluluto mula sa labas ng silid. Ang dilim ay napalitan ng liwanag kahit na bahagyang mapusyaw pa din ang langit mula doon sa bintana dahil siguro sa snow. Umaga na.

Hindi na siya nag-abalang magbalot pa ng katawan at hinayaan ang suot niyang pink na nighties sa kusina ni Midnight. Hindi ganoon ang panunuot ng lamig dahil sa heater. Nagtaas ng kilay si Midnight na walang pang-itaas at bagong ligo. Suot na nito ang kanyang itim na pantalon habang nag-sasalin ng bacon sa nag-iisang plato. Umiwas muli siya ng tingin.

"Eat your breakfast and find yourself a hotel online." Ininguso nito ang laptop na naroon sa bar counter na dining table na din. Inabot at kinagat ni Noelle ang tinapay na naroon sa plato, hindi siya sumagot ng pag-sang-ayon. Napailing si Midnight at saka ibinaba ang pan doon sa sink at nagtungo sa sofa para isuot ang isang tshirt at saka pinatungan muli ng isang sweatshirt. Hindi niya mapigilang humanga sa kanyang pananamit, kahit ano ata ang suotin nito, bagay dito.

Inisa isa nito ang mga dapat niyang bitbitin at iniligay nito iyon sa bag. Mukhang malalim itong nag-iisip para aalalahin pa ang kanyang dadalhin hanggang sa lumapit na ito sa pintuan at isinuot ang kanyang sapatos. Nagulat pa si Noelle dahil akala niya ay sasabayan siya ito sa almusal.

"Hindi ka ba kakain?"

Umiling ang binata, "I'll be late. I don't usually eat breakfast."

Pagkasabi non ay binuksan na nito ang pinto at lumabas doon. Malungkot niyang tiningnan ang binata na hindi man lang nagtapon ng tingin sa kaniya. Ngumuso siya at na-imagine ko kung gaano talaga siya kaabala, baka mangayayat ito dito kasi sobrang busy nito.

Pagkakain niya ng almusal ay nag-hugas siya ng pinagkainan at saka nag-isip ng iba pang gagawin. Isinarado niya ang laptop at ibinalik iyon sa kanyang office table na nakapuwesto sa silid ni Midnight. Wala sa plano niya ang sumunod sa kanya at humanap ng hotel. Pinalayas din siya ni Monroe at hindi siya pinababalik hangga't hindi nito nakukuha si Midnight. Noong makalawa kasi ay dumating din ang dalawa pa nitong kapatid na sina Montage at Mouri na nagwewelga din sa pamamalakad ni Donya Matilde. Pare-parehas silang tumakas sa mga magulang na walang ginawa kundi diktahan ang mga anak.

Sa office table nag-simulang mag-linis si Noelle, pinagpantay pantay niya ang mga papel at saka maingat na pinunasan ang computer, printer at telepono. Sumunod ay nagwalis at nag-mop siya at inilagay sa washing machine ang mga maruruming damit.

Tinungo niya ang ref at mapangahas na pumili roon ng maaring lutuin. Kinuha niya ang cellphone niya at saka nag-hanap ng pinakamadaling lutuin at natagpuan niya ang recipe ng nilagang baboy.

Naghanap siya ng karne sa freezer at mabuti na lang dahil may mga label na rin iyon. Hindi niya makikilala ang karne kapag hiwa na ito. Nilabas niya ang may nakasulat na 'pork' at saka naghanap ng sangkap na maaring ipareha dito. Humikab siya at naalalang wala akong masyadong tulog. Pinilig niya ang ulo niya ng ilang beses at pumikit ng mariin bago dumilat, umaasang mawala ang antok.

Sinunod niya ang instruction sa recipe, ang sabi ay pakulin ng dalawa hanggang tatlong oras ang baboy bago ihalo ang mga gulay kaya naman nang lagyan niya ang karne ng tubig at isinalang sa electric stove ay binantayan na niya ang orasan, pinanood niya ang pag-galaw ng mga kamay ng wall clock hanggang sa hindi na niya na namalayan na nahulog na pala siya sa antok.

Nagising na lang siya na nasasamid sa napakakapal na usok.

"Noelle!"

Umubo siya at kinusot ang mata. Nahindik siya nang makita ang kurtina doon sa kusina na nagliliyab ng husto. Nakaramdam siya ng matinding kaba.

"Noelle." Umangat ang mga paa niya sa lupa kasabay ng pagpasok ng ilang kalalakihan sa loob ng apartment ni Midnight na merong dalang fire extinguisher para patayin ang apoy.

Nakalabas siya sa apartment na punong puno ng usok.

"What did you do?"

Nanliit siya sa pag-sigaw ni Midnight. "Anong nararamdaman mo?" Tanong pa nito.

"Nahihiya.." Nakayukong sambit niya. "Sorry.."

"Hindi yon ang ibig kong sabihin." Mahigpit na hinawakan ni Midnight ang kaniyang kamay at saka hinila papababa ng hagdan. Nang hindi siya kumilos ay binuhat siyang muli nito at patakbong lumabas ng gusali.

"May masakit ba sayo? Nakakahinga ka bang mabuti?"

Nag-ulap ang mga mata niya. Shocked and still tensed.

"Muntik ka nang masunog doon! Paano kung walang nakapansin ng usok?"

"Sorry.." Bulong niya ulit nang naiiyak.

Dumating sila sa emergency room. Bukod sa panginginig ng tuhod ay wala siyang ibang nararadaman kundi ang panliliit at pag-sisisi.

Ipinahiga siya sa stretcher at agad na dinaluhan ng nurse. Nilagyan siya ng oxygen matapos ipaliwanag ni Midnight ang nangyayari.

"Please don't cry, it won't help your breathing. Just relax, you are safe now." Nakangiting sambit ng nurse. Pumikit siya pero hindi siya makatulog. Nag-iisip ng plano. Hindi niya kabisado ang numero ni Monroe pero alam naman niya kung saan siya uuwi. Yun nga lang ay wala siyang wallet.

"Nurse, where is my friend?" Tanong niya sa nurse na pumasok doon sa kurtina na nagsilbing harang sa kaniyang kama.

"He paid for your bills then left. He gave me this. He said if you need something, I can get it for you." Iniabot sa kaniya ng nurse ang ilang pirasong papel na pera at nakakuha na din ito ng sagot sa tanong niya.

Pinapalayas talaga siya nito.

Tumayo siya at ipinagpaalam na alisin na ang aparato sa kaniya. Hindi na iyon nakakatulong sa kaniyang pag-hinga. Bitbit ang pera nito ay tumawag siya ng taxi at nagpahatid sa apartment nilang magkakapatid.

Nagulat pa si Monroe nang pagbuksan siya ng pinto.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Tumaas ang kilay nito at hinila siya papasok sa apartment. Umiling lamang siya at isa isa nang bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata.

"Ayaw na niya talaga.. Dito na lang ako.." Bulong niya kay Monroe na sinalubong siya ng yakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top