Kabanata 20
Maki Say's: Sabaw, sabaw. haha still editing the chapter. The jumps and loops are probably Midnight's POV that I am reserving for the book version.
Noelle.
"Ano ba kasi ang iniiyak iyak mo diyan?" Hinila siya ni Monroe para bumangon sa kama pero hindi niya magawa. It is painful to be lied on especially if you invested something special.
Sumilip siya sa ilalim ng unan pero patuloy na nagpabigat.
"Inamin niya ang lahat ng iniisip mo sa kanya."
"See? See?" Malakas ang boses ni Monroe. "O? Bakit ka nga umiiyak? Manloloko yon! Maraming gwapo sa mundo. Hindi ka man kasingganda ko pero you will get someone decent! Hindi kagaya nung manggagamit na yon. Abogado nga pero manggagamit!"
"Naging mabuti siya sa atin."
"Binayaran siya ni Daddy kaya wag ka nang mag-isip ng kung ano. Wala na tayong utang sa kanya, baka siya pa ang meron."
Umayos siya ng higa sa kama at pinahid ang luha sa mukha. Kung sana ay humingi ito ng tawad ay papakinggan niya ito pero hindi man lang ito nag-sisi.
"Look, Noelle." Umupo sa harap niya si Monroe, "You are gonna pick yourself up and you will finish your studies. By that time, you are strong enough to face the world. Wala nang mangangahas na paikutin ka. Life is a fcking paradise. Kapag nangarap ka at may natapos ka, you can enjoy life to the fullest."
She followed that advice. Kahit kumikirot pa ang puso niya sa sakit ay bumangon siya para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
"Hindi ako makapaniwala na nakabalik ka na sa school!" Tinulak tulak siya ni Donna habang naglalakad sila sa corridors ng Unibersidad de San Miguel. She smiled calmly.
Finally, the storm has passed. Hindi man ito kasing bilis ng inaasahan pero ang mga lamat na iniwan nito ay tiyak na nagdagdag sa kanya ng panibagong kaalaman.
That we could really love the unlovable. Care for the unknown reasons. And let people go even it is painful. May umaalis pero meron din namang dumarating. Dapat matagal na niyang alam iyon.
Matayog ang mga gusali sa kanyang eskwelahan, ganito na ito dati pa at ganito din niya binalikan. Things doesn't change easily, just like people. Ang masamang intensyon ay masama pa din hanggang huli. Dapat ay nakikita na sa umpisa yon para hindi na masaktan pa.
"Ang hihirap ng subjects this sem." Napatakip si Donna ng mukha, "May business law pa daw tayo!"
Bumuntong hininga siya, "Ayoko nang isipin, Donna. Matatapos din ang lahat. Makakagraduate din tayo."
"Sana." Napabuga ng hangin ang kaibigan.
Isang malakas na pagtama ng bola sa kanyang mukha ang nagpayanig sa kanyang kalooban.
"I am sorry, Miss!" Tumatakbo ang isang lalaki patungo sa kanyang direksyon. Matangkad ito at mas maputi ang kutis nito kaysa sa kanya. Suot nito ang uniporme ng basketball team na kulay puti at merong kulay pulang imprenta ng pangalan ng kanilang school.
"I am sorry.." Ulit nito na inilahad sa kanya ang kamay para tulungan siyang tumayo. Tinanggap niya iyon at agad na humiwalay sa binata. He's smiling thoughtfully. Gusto man niyangtugunin ang ngiti nito ay nahihilo pa siya sa pwersang tumama sa kanyang mukha.
"I am Dylan." Maamo ang mukha ng lalaki nang ngumiti ito. Sa kabila ng pawis ay wala man lang siyang masamang naamoy mula dito.
"Noelle." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
"Gagamutin ko yung masakit sayo." Walang paalam na hinila siya nito patungo sa kung saan.
Alam niya sa sariling hindi mabilis kalimutan ang nakaraan. If there's a formula on how to forget painful things, she would probably buy it. Naisip niya na hindi pa din siya tuluyang naging masaya. Hiniling niyang bumalik sa normal ang buhay ni Don Martin at nangyari nga iyon. Pero pansin na pansin niya pa din ang kakulangan na nakaharang sa kanyang puso.
The days were fast. Hindi niya namalayan. Nagkasya siya sa mga bagay na meron sa kasalukuyan. You really can't dwell on things that stays on the past. Kaya nga ang malaking parte ng ating mga paa ay pasulong, it tells us to step our foot forward, not the other way around.
"Dylan! Akin na nga iyan!" Napasimangot si Noelle nang makita ang panali niya sa buhok na iniangat ng bagong kaibigan sa hangin. The man bark laughter while jogging slowly.
Sumaboy ang kanyang mahabang buhok sa mukha pero desidido siyang habulin ang may hawak sa kanyang panali.
"I told you, you have to say yes. O baka naman totoo ang sinasabi nilang stiff at boring ka, Noelle?" Humagalpak ito. Napailing siya at nagpamewang sa gitna ng football field na merong lamang lumalaboy na mga estudyante at nag-aaral sa damuhan. It has been her life for almost half a year already. Naging normal na estudyante nga siya sa isang iglap na pakikisalamuha niya muli sa mga kagaya niya.
"I don't know why your opinion of me should matter, Dy." She snorted. Dylan was her friend since the day she met him. Counterpart ito ni Donna sa pangungulit sa kanya.
"Come on! You are my friend!"
Napailing siya at nagpamewang habang pinagmamasdan ang kaibigan. There's a boyish grin on his face, dahilan kung bakit ito pinapangarap ng kababaihan sa kanilang eskwelahan.
"Fine. Pupunta ako." Pinal niyang sabi. Umangat ang gilid ng labi ni Dylan, gawain nito tuwing sumusuko siya. Ginigiit nitong mag-participate siya sa Governors ball.
"And you'll be my date." Dagdag ng kaibigan. Napailing siya.
"Ang sinabi mo lang ay pupunta ako, sumusobra ka na kung kailangan ko pang tapusin dahil ayaw mo pang umuwi."
"We will go home if you want to."
"Talaga?" Ngumisi siya. Dylan groaned.
"We have to stay for at least 3 hours." Iniabot ni Dylan ang panali niya sa buhok at iniayos niya ito sa kanyang ulo.
"May klase ako ngayon. Mauuna na ako."
"Until 9PM? I will pick you up later."
"Hindi na. Kasabay ko naman si Donna pauwi."
"You are really used in saying no to me."
Natulala siya at naalala niya ang isang mukha na hindi niya makuhang tanggihan noon. Kumusta na kaya ito? Naisip niyang mas mabuti ang naging paglayo para sa kanilang dalawa pero hindi naman mawalay sa kanyang isip ang binata.
"Kaya ko na, Dylan." Paniniyak niya bago kumaway at mag-tungo sa kaniyang classroom.
---
"Bakit ka ba nag-memakeup diyan?" Takang tanong ni Noelle kay Donna habang hindi nito maialis ang mga mata sa salamin. Kanina pa hindi mapakali ang kaibigan simula nang dumating siya sa classroom.
"Hindi mo ba narinig na sobrang hot daw ng Law Professor natin?" Kinikilig pa si Donna habang naglalagay ng lipstick sa labi. Binalikan niya ang libro at nagbasa ng mga nakasulat doon.
She's not the nerd type but she comes prepared in all of her lessons.
"Ano naman?" She innocently asked.
"Anong ano naman? Tumingin ka nga sa paligid mo!" Pinalibot nga ni Noelle ang kanyang mga mata, every girls in the room were well groomed. Halo halo pa ang amoy ng pabango sa kanilang classroom.
Sasagot pa sana siya nang makarinig siya ng yabag na pumasok sa kanilang silid.
"Good evening, class."
Nanigas siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Parehas silang natigilan ni Donna. They were sitting in front kaya naman hindi siya maaaring magkamali.
"I am Attorney Midnight Xavier Xandejas and I will be your substitute professor for the rest of the sem."
Bumagsak ang tingin sa kanya ni Midnight, wala man lang nagbago sa ekspresyon nito pero halos matunaw naman siya sa kaba. Right, she told him to act as if he doesn't know her. Magaling ito kung ganon.
His intense aura, the crude and ruthless atmosphere almost made her insides turn. Ang polo nitong puti na itiniklop hanggang siko ay hayagang ibinakas ang hubog ng malaking pangangatawan nito, even his pants seems so small in his corded leg muscles.
Tumaas ang kilay ni Midnight sa kanya nang hindi niya maialis ang tingin dito, napapahiya siyang umiwas.
"Please introduce yourself one by one starting at the back." Pakli nito na lumipat ang mga mata sa likurang upuan. Everyone started to introduce themselves. Ang ilan ay ipinagmamalaki pa ang kanilang ari-arian. That is normal in their school, kids brag about the things their parents have kahit hindi naman sa kanila iyon.
Siya ang mahuhuli sa pag-papakilala dahil nasa pinakaunang row siya. Binalot na siya ng kaba nang tumayo na si Donna.
"I am Donna Marie Dela Cruz, 20 years old, single and ready to mingle! I own Itlog ni Pepe doon sa Malabon, Sir. Our very own Kwekwek, tokneneng and one day old are the best! Marinated with special herbs and spices from New York, Cubao! I thank you." Hyper na pagpapakilala ni Donna na ikinatawa naman ng buong klase.
Tumaas muli ang kilay ni Midnight sa kanya nang siya na ang mag-papakilala. Marahan siyang tumayo at ilang beses na lumunok.
"I am Noelle Casper Innocencio Gomez." Tipid iyon, yun lang din ang nakaya niyang sabihin. Dahil kung hahabaan niya pa ay baka itumba siya ng kanyang tuhod.
"And what do you own, Miss Gomez?" Mapanganib ang boses ni Midnight.
"Wala po, Attorney."
Nanliit ang mga mata nito sa kanya, "Are you sure?"
"Wala po talaga, Attorney."
"My heart." Sabi nito pagkatapos ay tumalikod na.
"Ay may nanalo na mga Bes, masyado mo namang ginalingan. Sayang ang pag-papaganda ko." Bulong ni Donna sa kanyang tabi.
"My heart is very happy to meet you all so shall we start?"
Nakahinga siya ng maluwag nang mawala na ang atensyon sa kanya ni Midnight. He started writing at the whiteboard and she cannot help but to get irritated with her classmates gushing.
"Mahilig sa bold si Attorney. Bold letters." Hagikgik ng kaklase niyang si Mayen, tinutukoy ang malalaking letrang isinusulat nito sa whiteboard.
"Look at that ass." Papuri naman ni Grizel. Napailing siya. Palagay niya ay hindi magkakaroon ng matinong klase kung panay kamunduhan ang papasok sa isip ng kanyng mga kaeskwela.
Bakit nga ba hindi? Who would have thought that that exact body was slamming her a month ago? Who would have thought that he claimed her over and over? That his libido is not far from those animals in the wild. Nanuyo ang kanyang lalamunan sa isiping iyon.
"Miss Gomez?" Untag nito sa kanya.
"You are spacing out, this is just the first day of class."
She hissed under her breath. Palagay niya ay pinag-iinitan lang siya ni Midnight.
Nang matapos ang kanilang klase ay nagmamadaling sinikop ni Noelle ang mga gamit niya. Pinanood niya ang ilang katawang naglapitan kay Midnight para isangguni ang hindi naunawaan habang nagkaklase. Unconsciously she was gritting her teeth.
"Noelle!" Someone called her from the door. Napangiti siya nang makitang si Dylan iyon. "Uuwi ka na?"
"Miss Gomez." Tumikhim si Midnight sa kanyang likuran, ang mga kumuyog dito ay parang mga langgam na nag-atrasan, binibigyang daan si Midnight na makalapit sa kanya. Napasinghap si Donna sa kanyang tabi at siya naman ay pupwede nang palakpakan sa pag-pe-peke ng reaksyon.
"Yes, Attorney?"
"I need to have a word with you."
"Noelle, iintayin na lang kita hanggang sa matapos ka." Ngumiti si Dylan sa kanya, gusto niyang tumango pero mukhang madudurog siya sa titig ni Midnight kung sasangayunan niya ito.
"Attorney Sandejas!" Napatingin siya sa sumilip sa kanilang classroom, si Miss Camille. Isa sa pinakamagandang propesor ng unibersidad. Napakunot ang noo niya nang makitang malapad ang ngiti nito kay Midnight. Sumaboy agad ang pabango nito kahit nakatayo lang naman ito sa may pinto. "Makikisabay sana ako—"
"Ano nga ang sasabihin mo, Attorney Sandejas?" Nilingon niya ang abogado. Nakipagsukatan ito ng titig sa kanya. Parang sinasabing tanggihan niya si Dylan pero hindi siya tanga, kung tatanggihan niya ang alok ni Dylan ay kailangan munang tanggihan nito si Camille.
"I am sorry, Camille. May iba pa akong pupuntahan." Tiim bagang na wika nito na hindi inaalis ang titig sa kanya.
"Sorry, Dylan. Susunduin ako ng driver namin." Ganon din ang kanyang ginawa. Mas lalong lumakas ang pagsinghap ni Donna.
"O-Okay, Noelle." Dylan said in defeat.
---
Inintay nilang maglaho ang estudyante. She was literally glaring at Midnight and he keeps on moving his facial muscles at her.
"Hindi ko alam kung ano ba ang malabo sa sinabi kong hindi na tayo dapat magkita?" Tumaas ang kilay niya. They walked through the dark corridors and only the crickets were the only audible sound that could catch.
"I know you'll think about that." Huminto si Midnight sa gitna. Kahit na natatakpan ng buwan ang mayaybong na puno ay hindi siya nahirapang aninagin ang mukha nito. His manly features, intense and brooding were glistening with the kiss of night post a few meters from them.
"Bakit, mali ba ako? Oh, baka mali nga ako. Sabagay, nandito si Miss Camille. Siguro ay sinundan mo siya."
"What?"
"Anong 'what'? Itatanggi mo pa? Siguro, gabi gabi kayong nag-sasabay. O baka naman iniuuwi mo siya sa inyo."
Mahinang natawa si Midnight at mas lalo siyang nainis doon, "You are the only one that made it to my condo."
Natigilan siya pero hindi pa din siya handang magpatalo. "Sinungaling. Isinasali mo lang yan sa listahan ng mga kasinungalingan mo, ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi mo na ako mauuto."
"Siyempre, you have a boy toy. He fell on your spell, huh. Sino ba namang hindi? Those beautiful hazel eyes, your pouty lip and look at the body." Pinasadahan siya ng tingin ni Midnight at pakiramdam niya ay hinuhubaran siya kahit hindi naman.
Umigkas ang kamao niya at ibinato iyon kay Midnight pero mabilis itong nakaiwas at kinuha ang kamay niyang nakakuyom para pagsamahin ang kanilang mga daliri, pinilit niyang hilahin ang kamay niya pero hindi niya iyon nagawa.
"You are getting violent." Napapailing ito sa kanya. He licked his lower lip and she swallowed hard. Ipinapahamak siya ng husto ng kanyang mga mata at nauuwi iyon sa mainit na sensyon sa pagitan ng kanyang mga hita.
Sumunod ang kanyang mga paa kung saan papunta si Midnight. Sa dulo ng hallway kung nasaan ang faculty room ay naroon ang kaisa isang sasakyang natitira. She hissed at Midnight pero balewalang nabitbit siya nito patungo sa passenger seat. He opened the door for her. Gusto niyang tumanggi pero binalot siya ng kaba nang mapagtantong marahil ay silang dalawa na lang sa campus, iilang mga guards na nagro-roving pero maliban don ay wala na.
Inintay niya itong makaupo sa driver seat at saka sinamaan ng tingin.
"Nandito ako dahil nakiusap sa aking ang kaibigang babae para palitan siya habang nasa bakasyon. I didn't know anyone here, I don't even thought I'll see you here."
"At kung alam mo? Hindi mo tatanggapin?"
"You'll be surprise." Pinindot nito ang push start button at nagsimulang umugong ang makina ng mamahaling sasakyan.
Madalas ay hinihiling niyang kaya niyang basahin ang iniisip nito pero pakiramdam niya ay milya milya ang layo sa kanya ng talino ng binata.
"Better text your boy that you'll be home safe."
Para siyang natauhan nang kibuin siya ni Midnight sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.
"Kaibigan ko si Dylan, huwag ngang madumi ang isip mo."
"Kaibigan." Natatawa ito at napailing na mukhang hindi naniniwala. "Does your friend picks you up and drops you home everyday? I won't do that for a friend."
"Ginawa mo nga iyon sa akin."
"You are not a friend."
"Oo nga naman, ginamit mo nga pala ako." Mapait na wika niya. Humigpit ang hawak ni Midnight sa manibela at hindi na ito nagsalita hanggang sa makarating sila sa mansyon.
Hindi niya matanggi na umaasa siyang itatanggi ni Midnight ang mga paratang niya pero tumatahimik lang ito. Silence means yes, sabi ng sikat na kasabihan.
Tahimik siyang bumaba ng sasakyan. Kinuyom niya ang kamao para pigilin ang kagustuhang magsalita.
"U-uuwi ka na?" Nag-angat ng tingin si Midnight dahil sa tanong niyang iyon. Napapikit siya, iniintay ang pag-susungit mula dito.
"Yes, I will go home and I will let you know once I am home." He sighed.
"H-hindi mo na kailangang gawin iyon."
Nag-iinit ang pisnging tumalikod na siya.
Ibinagsak niya ang libro niya sa kanyang sidetable nang makarating na siya sa kanyang silid. Mahina siyang napatapik sa noo. Hindi ganoon dapat ang kanyang inakto. She almost jumped when her phone beeped.
Mas lalong nalaglag ang kanyang puso nang makita ang pangalan doon ni Midnight.
'I am home.'
Ilang beses siyang nagtipa ng isasagot pero paulit ulit niya iyong binura. She decided to take a quick shower and change on her pajamas. The moment she sat on her bed, tumunog agad ang kanyang phone sa isang tawag at hindi basta bastang tawag dahil videocall iyon.
Nagmamadali niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri bago tanggapin ang tawag. Nakita niya si Midnight at ang pamilyar na background. Naroon ito sa silid nito sa kanyang condo. Madilim ang halos lahat g bahagi ng silid, tanging ang liwanag mula sa lampshade ang nagsilbing ilaw sa mukha ni Midnight.
Umangat ang gilid ng labi nito nang makita siya, humiga din siya sa kanyang kama at sinubukang pagsalubungin ang kilay niya.
"Bakit ka tumawag pa?"
"Para makita mong umuwi nga ako at walang pinuntahan."
"Hindi ako interesado." Umismid siya kahit ang totoo ay parang napapakanta pa siya sa kumpirmasyong natanggap niya. She somehow felt relieve.
"Matutulog ka na ba?" Halos tikom ang bibig nito ng tanungin siya. He placed his thumb on his lower lip at hindi niya maintindihan kung bakit siya nauuhaw.
"Oo, ikaw?"
Ikaw. She shouldn't have asked. Dapat ay hindi siya interesado.
Tumaas ang kilay ni Midnight, kumilos ito para dumapa sa kama, his muscles flexed by shifting his weight on to his arms.
"You will not be talking to that boy?" Paniniyak nito.
"Hindi ko ugaling makipag-usap kay Dylan sa labas ng eskwela."
Lumiit ang mga mata ng kaharap.
"Hindi ako kagaya mo na madaming lihim."
A teasing smile crept his lips. "I will not lie from now on." Pangangako nito.
"Hindi na iyon mahalaga. Maging masama ka kung kailan mo gusto."
"God, you are beautiful." Out of nowhere ay komento ng kausap habang titig na titig ito sa kanyang cellphone screen. Itinigalid niya ang ulo para hindi nito mahalata ang kanyang pamumula at saka lamang niya ibinalik nang mabago na niya ang kanyang itsura sa isang nakasimangot na mukha. Kumurap kurap ang kanyang kausap parang napagtanto ang lumabas sa sariling bibig.
"Pupunta ka ba sa Governors ball?" Pag-iiba nito ng usapan, tinutukoy ang annual ball na nagaganap tuwing simula ng school year.
Tumango siya.
"Pupunta ka na merong date?"
"Si Donna at Dylan ay parehas na naroon. Hindi naman pormal na date kung tutuusin. Hindi naman iyon—"
Napapikit siya, she sounded so offensive.
"Oo, pupunta ako." She rephrased. Mas tipid.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nag-usap. Bumagsak ang kanyang mga mata at pagmulat niya ay nakapatay na ang kanyang cellphone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top