Kabanata 15
Revealed.
Gabi na nang makarinig si Noelle nang sasakyang huminto sa harap ng kanilang mansyon. She was patiently waiting while wearing a halter royal blue empire cut dress. Umangat lang ito ng kaunti sa kanyang tuhod, her hair was pulled back in to a lazy bun. Hinayaan niyang may laglag na kaunting buhok sa kanyang balikat. Isang four inch silver stiletto naman ang sinuot niya sa kanyang mga paa. Hindi niya makilala ang sarili niya sa salamin nang mag-ayos siya. She rarely fix herself up. She pictured herself as a typical college girl but maybe, time and experiences had changed her, she's a full grown woman now. Wearing Monroe's old hand-me-down dress made her look exactly like her sister.
Alright, maybe not close.
The confidence Monroe has was something she cannot have. Kahit matagal na siyang tumira kasama ang mga Gomez ay hindi niya na-adopt ang ugali ng mga ito. She still felt different, because she was. Literally.
"My daughter is lovely, isn't she?"
Napangiti siya nang pumasok sa loob ng metal gate si Don Martin habang inaalalayan ni Nurse Eva. Sa likod nito ay si Midnight, gazing at her thoroughly. His stares went down to his breast and she blushed. The gown hugged her body just right but it exposed her cleavage and at least three-fourths of her back.
"Yes, she is." Midnight's stares went yearning. Lumapit ito agad sa kanya at bumaba ang kamay sa kanyang baywang. A protective hands he has. Nakabisado na niya iyon. Even his scent, it is so manly cold, it resembles his stance, pure arrogance and coldness. Naramdaman niya ang init ng katawan nito nang hilahin pa siya nito papalapit. Her back rested to his rock hard solid chest, the heat between her thighs ignites and starting to burn her insides, it is always like this whenever he's near. Namumula na lang ang pisngi niya, dalaga na talaga siya.
"I have a very good news for you, Noelle but enjoy your night first. I will go ahead and rest." Bumaling sa kanila ang matanda, "Attorney Sandejas, I am really grateful."
Mahinang tumango ang abogado at bumaba ang kamay nito sa kanya. "Let's go?" Masuyo nitong tanong.
He's still wearing the suit he was wearing early morning but that didn't make him look less attractive. Sinabi sa kanya ng binata na pormal ang party ng kanilang pamilya ngayong gabi. Nang mag-simula na itong magmaneho ay kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad. She find the gesture sweet and soulful. Gusto niya iyon.
"This day was tiring but productive. Pumayag na ang mga minerong makipagkasundo sa halagang makakapag-simula sila muli. Your father's plan is to re-open the jewelry store you had in Manila, binigyan niya din ng option na makapagtrabaho dito ang mga gusto."
Ngumiti siya. The shadows from the tress casted on his gorgeous face, his stubborn jaw and his full lips made her believe that knight in shining armor is really true. Umangat ang kamay niya at hinaplos niya ang pisngi ng abogado.
"Maraming salamat sayo."
Malungkot siyang ngumiti. Maybe it will really end here. Natatanaw na niya ang katapusan. Her feelings were calm, she shut down her own thoughts, thoughts of missing a piece of her if that happens.
Hindi na sila madalas na magkikita. Magiging abala na ito sa ibang kaso. She could taste it and regardless how she dismissed the thought, it tasted bitter on her throat.
Broken promises, busy schedule, coldness, she could see it all.
Hinuli ng binata ang kanyang kamay at malambing na kinagat ang kanyang mga daliri.
"My relatives aren't the nicest human being." His muscles tensed. "But stay with me and everything will be fine."
Tumango siya, naalala pa ang sinabi nito. Hindi siya kailangang magustuhan ng mga ito partikular na ang kanilang ina. He wanted to prove his family that they cannot dictate his choices. Yun ang dahilan kung bakit siya nandito at yun lang ang kailangan niyang gawin.
Maliwanag ang buong kabahayan ng mansyon na hinintuan nila. Hindi nalalayo ang laki nito sa tahanan ng mga Gomez, yun nga lang ay punong puno iyon ng sigla at buhay. Merong nagtatawanan mula sa loob ng mansyon. Nagtatalo ang mga boses nito sa matigas na Ingles. They sounded happy but the man beside him stiffened even more. Pakiramdam niya ay aapak silang dalawa sa kulungan ng mga leon at hindi na sila makakalabas ng buhay kaya ganito ang reaksyon ng binata.
She pressed her palm to his back and he relaxed a bit, kinuha nito ang kamay niya at mahinahong ngumiti. His smile could melt anything. Bihira niya iyong makita pero masarap sanang pagmasdan.
"I told you I don't want my mother to like you but really, I want her to like you."
Nanatili siyang nakatingin dito at nakaawang ang labi, pinanlakihan ito ng mga mata at parang gusto pang bawiin ang sinabi, "I--- n-not that her opinion of you would matter but---"
"Wag ka nang mahiya. Importante naman talaga ang opinyon ng mga magulang. May mga bagay tayong hindi nakikita dahil nabubulagan tayo. Tama lang yon."
Nanliit ang mga mata ni Midnight, "You look hot when you talk like that."
"Like what?"
"Like a matured human being. Yung hindi mo ako dinadabugan at sinisimangutan. I really feel like a loser, fall guy whenever you are at the point that you wrinkle your nose and you crease your forehead."
"Alam mong hindi iyan totoo. Mas madalas ka pa ding sumimangot at mag-sungit kaysa sa akin."
"Because I don't like the feeling that you hate me. I have to pretend that I hate you first. That's my strategy! See? You make me talk about my strategy! That is supposed to be a secret. My deep dark secret." Giit nito sa kanya. Tahimik silang nagkatinginan, slowly her heartbeat made a fastbreak, nahirapan siyang huminga at tumayo ng tuwid pero ipinilit niya para magmukhang normal. Nanginig ang kanyang tuhod, the stares went heavy. Alam niyang ganoon din siya, the soft clenching in her gut and the heat the crawled from her spine to her chest made her want to wrap her hands around his neck and kiss him.
"You know what? Going here is a bad idea, we should go somewhere." His voice was raspy declaring that evil plan. Tinulak niya ito nang ibaba nito ang mukha niya sa kanya.
"Mamaya na yan. Iniintay ka ng Mommy mo."
Mahina itong napamura at swabe siyang hinalikan sa labi, "You made it sound like I am a Mama's boy."
"Hindi ba?" Natawa siya.
"Well, I was. But now, I am your man."
Pinamulahan siya ng pisngi, ganoon din ang binata. "T*ngina, ang corny ulit."
Mabilis nitong hinila ang kamay niya dahil mukhang magbabago pa talaga ang isip nito kapag nanatili pa sila sa labas ng mansyon. Isang unipormadong guard ang ngumiti sa kanila at sumaludo kay Midnight. Payak siyang ngumiti dito.
The scent of sweet pastry and barbecue filled his nose as they entered the mansion. Totoo ngang pormal ang party kahit nagaganap lang ito sa bakuran ng mga Sandejas. An olympic sized swimming pool was laying in front of the house. Katabi nito ang kasing lawak ding garden kung nasaan ang mga bisita. They were sitting on a set-up couches and bean bags with wine on their hands. Sa harapan ay mahabang buffet table. There were no waiters, only uniformed maids the will only showed up if being commanded by their owner. Pribado ang party na ito, ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit hindi kumportable si Midnight. Maybe the thought of bringing her to an intimate family party was a mistake.
"Hey, couz!" Napalingon sila ni Midnight sa sumalubong sa kanila. A handsome man about 5'8 in height with a complete mestizo features grinned at them. Naka-suit din ito pero nakabukas na ang tatlong butones ng suot na polo. Mapula ang pisnging tinitigan siya nito habang lumalagok sa hawak na bote ng alak.
Instinctively, Midnight pulled her to his side, hiding her from the heavy stares of the man in front of them. Nahalata naman iyon agad ng lalaki.
"Relax, I ain't gonna steal your girl. I just missed you." Yumakap ito kay Midnight na itinulak naman ng binata.
"So cold." Napapailing itong lumagok muli mula sa kanyang bote ng alak.
"Who are you?" Itinuro pa siya ng mestizong binata sa kanilang harapan.
"Oh come on, Inigo, you have no business with her." Nakakuyom na ang palad ni Midnight at halatang nasa bingit na ng pagkapikon sa maliit na usapan.
"What? I am just making sure that you are not bringing garbage in this Sundays' Best. You know how tacky this family is. And you, all eyes on you, our golden boy."
"No one's bringing a garbage. Step aside." Mapanganib na tiningnan ni Midnight ang pinsan nito at nang hindi umalis ay walang pakundangang hinawi ito patabi na parang papel. Midnight is not lowering six foot tall of pure muscles, madali nitong naitabi ang pinsan ayon sa gusto niyang paglagyan.
Ang mga mata ay dumako sa kanila nang dumating sila. Tatlong babaeng pawang mga mestiza ang nakaupo sa couch na kulay pula, ang mas batang version naman nila ay nakaupo din sa kanilang harapan, nagkukwentuhan. Everyone's spitting the same image as Midnight's cousin, Inigo. Pati ang mga kalalakihan na merong umupukan sa tabi ng barbecue grill ay magkakamukha din. They look like a tyrant Englishmen and women.
She looked at the tensed man beside him. He looked different. His tanned, golden brown skin is more beautiful. His relatives maybe beautiful too but a bit bland for her. Midnight's features are more defined, sculpted-to-perfection crisp and pure sophistication aura.
"Midnight!" Isang babaeng nasa mid-forties ang lumapit sa kanila. Her porcelain-skin is flushed and her narrow lips figured a forced smile. Inilahad ng binata ang kanyang pisngi.
"Aunt Hilda. Good evening." Tumigil sa pagkukwentuhan ang lahat, "Good evening everyone." Pormal niyang bati. Hindi siya kumilos at nanatiling nakikiramdam, umaasang hindi na siya ipakilala ni Midnight dahil baka hindi niya magustuhan ang kalalabasan. All eyes were on them.
It is getting awkward every second pero pinisil ni Midnight ang kanyang palad at muli siyang napanatag.
Mayroong mga tawanan ang sumulpot doon sa maindoor mula doon sa mansyon. Mas lalo siyang natigilan.
"Son!" Masayang bati ng babae sa gitna.
A regal mestiza beauty with long slender legs despite her age proudly peeped in every step she made on a high slit black A-line dress. Only a huge stud diamond earrings elegantly displayed on her delicate ears as her accessory. Noelle couldn't believe that she was able to pop a more than six foot gorgeousness in this world with that body.
"Mom."
"Monroe.." Sabay pa nilang sambit ni Midnight.
Napansin niya ang kanyang kapatid na masayang nakatabi sa ina ni Midnight. Nakasuot ito ng puting venus cut dress na bumagay ng husto sa kanyang pigura. Sa kabilang banda naman ay ang babaeng nakita niya lang sa unit ni Midnight, si Daniella. She's wearing a baby pink wrap dress na bumagay sa morenang kulay nito. Hindi mawala ang ngiti nito kay Midnight at bumagsak ang tingin sa kanya. She caught a death stare from Daniella pero mabilis lang iyon.
"Oh, you were the one in the maid's uniform when I visited Midnight. You look beautiful in that dress. You should always wear something like that, right, Midnight? You don't need to ask your maids to be in uniform all the time. Kawawa naman." Daniella remarked, dripping with bitter sarcasm.
Hindi napawi ang ngiti ng tatlong babae sa kanilang harapan sa kabila ng kanyang pananahimik, "That's so kind of you to think, Daniella." Papuri ng ina ni Midnight.
"She's not my maid." Tumiin bagang si Midnight.
"Oh my.." Humagikgik si Monroe at napatakip ng bibig, "Daniella, dear, it is not a maid's uniform, that is actually a waitress uniform. She works in a club."
Kumunot ang noo ng babaeng Sandejas, "How did you know, Monroe? Do you know each other?"
"Well, unfortunately. She's an adopted daughter of my Dad from Siargao. My Dad loves charity cases—"
"Monroe!" Suway niya. That is a fact that they are not supposed to talk about. Umirap sa kanya ang kinikilalang kapatid, "You are so sneaky my little adopted sis. That's my dress isn't it?" Tumaas ang kilay nito at basta na lang hinila ang kanyang damit papalapit sa kanya.
"You should have asked permission first." Bulong nito sa kanya kahit na alam naman nitong ibinigay na nito sa kanya ang dress na iyon three years ago. Monroe just enjoys grilling her. She hated her since day one.
"Monroe, huwag dito." Bulong niya din pabalik. Namula ang kanyang pisngi sa pagkapahiya.
"Come on, Monroe. Don't embarrass her, she's just a poor little girl. You are so mean." Hinila ni Daniella ang kamay ni Monroe papalayo sa kanya at humarap kay Midnight.
"It is nice to see you here. You shouldn't have brought your maid. Nagpa-part time ba siya sayo?"
"She's my girl—"
"Magkaibigan lang kami. Wrong party. I am sorry." Bago pa man matapos ang salita ni Midnight ay pinutol na niya iyon.
Tumalikod na siya kahit ramdam niya ang panunusok ng mabibigat na mga mata sa kanya. Lahat iyon ay mapanghusga at may ngiti sa mga labi samantalang ang ina naman ni Midnight ay meron ding pekeng ngiti para sa kanya pero sa mga mata nito ay bakas ang milya milyang disgusto.
"We will talk later, Midnight. You should eat first, young lady before you go home. What's your name?" Malamig ang boses ng ina ni Midnight.
Huminga siya ng malalim at saka nilingon ang mga ito, "Noelle. Noelle Casper Gomez."
"A Gomez?" Tumaas ang kilay ng babaeng Sandejas at tumingin kay Monroe.
"Yes, Tita. Monroe's the daughter of Don Martin Alonzo Gomez."
Mas lalong tumaas ang kilay ng babaeng Sandejas at tinapunan siya ng mapang-uyam na ngiti, "It all make sense."
Humigpit ang hawak sa kanya ni Midnight at nag-taas siya ng tingin doon. "We should talk." Bulong sa kanya nito nang may madidilim na tingin.
"Uuwi na ako." Bulong niya, tumalim ang titig sa kanya ni Midnight.
"Midnight," Isang lalaki ang nakapamewang sa kanilang harapan.
"Dad.." The man screams dominance, too. He looks like a French emissary, thick brows that is almost blonde, thick lashes, and soft narrow lips. Hinanap niya din ang mukha ni Midnight dito pero hindi niya makita. She felt the air becomes weird in every second because of the coldness of the people and they all look different.
"Can I have a second?"
"I don't want to leave Noelle—"
"Just a second." Mas dumiin ang boses ng matanda. Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ng binata sa kanyang braso.
"Sige na." Pagtataboy niya. Bakas ang alinlangan sa mata nito pero napasunod na din ito ng ama.
All of the sudden, she felt alone. Iginala niya ang mga mata sa paligid at hinanap si Monroe para pagsabihan sa naging asta nito sa harap ng maraming tao. Tanggap niyang hindi siya ituturing nito na kapatid pero sana ay inirespeto nito ang kagustuhan ng ama na ilihim ang pagkatao niya. Hindi naman ito nagpa-party sa madla para kilalanin siya bilang isang Gomez pero sana ay manatili na lang isang kaswal na pangyayari ang pag-ampon sa kanya para hindi na din pag-usapan pa.
Merong isang babaeng tumayo sa kanyang tabi at napalingon siya dito. She noticed her strong aristocratic features that was emphasized by her burgundy turtle neck dress. Nakalugay ang mahabang buhok nito. Her eyes were stained with amber. In her hands was a beige colored cigarette stick and a wine goblet.
"I don't know who you are but you don't belong to this party, you stink." Mapait na kumunot ang ilong nito at napapailing na tiningnan siya. "But I don't think you are someone to worry about. Just a few f*cks and my nephew will leave you. He's known to that."
Nagbago ang timpla ng mukha niya, mahinang natawa ang babae. Her bloody red lips fitted her attitude, warm and intense fury. "You look surpised. Midnight is the most sought after bachelor of his generation, he waste his time to no one not unless it is a good s*x. You look young, hindi na ako magtataka na ikaw ang flavor of the month, tumatanda na din naman ang pamangkin ko. You should read articles, sweetheart. Town and Country, perhaps? So that you know what happens in our circle where you don't belong. Think you caught a big fish? Think again." Mapanuya itong tumawa at uminom ng wine.
Parang pinipisil ang puso niya. Huminga siya ng malalim. Dapat ay inasahan na niyang ito ang aabutan niya. Parang may mga asido sa dila ang pamilya ng abogado. Even Midnight was like this when they first met. Hindi niya nilalahat ang mga mayayaman, Don Martin is way different than this. The eyes of that old man was pure gentle and sincerity despite multi-billion company at his feet.
Iniwanan siya ng palagay niya ay tiyahin ni Midnight. Nanatili siyang nakatayo sa gitna at walang kumakausap. Alam niyang nagmumukha na siyang tanga. Hindi siya nalalayo sa isang pigurin na walang pumapansin, until an iced cold liquid splattered on her blue dress.
"Oh, I am sorry!" Nanlalaki ang mga mata ni Daniella na napatingin sa kanya. Ramdam niya ang lamig, hindi iyon nalalayo sa kanyang sikmura. Kitang kita niya ang pag-angat ng gilid ng labi ng ilang mga bisitang nakatingin sa kanila.
"Ma'am!" Isang unipormadong maid ang lumapit sa kanya pero umangat ang kamay ng babaeng Sandejas.
"Let her clean her mess." Matalim na wika nito.
Hindi na niya matagalan ang init ng mga mata na nakapukol sa kanya. Kahit hindi alam ang pupuntahan ay sumugod siya papasok ng mansyon. Nakita niya agad ang kanina niya pa hinahanap, si Monroe. Nakaawang ang mga labi nito na parang nagulat pa na makita siya. Ilang segundo lang ay bumalik ang kulay nito.
"W-what happened? You look stupid!" Pagalit nito sa kanya. Iba ang tono nito. Marahas ngunit may pag-aalala. Hinila nito ang kamay niya at halos madapa siya doon.
"Uuwi na tayo."
"S-sandali, Monroe."
"You are so stupid!" Tili muli nito sa kanya. "So stupid! For once, sumunod ka and don't humiliate yourself further!"
Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas sa sigaw ni Monroe. Bumukas ang isang pinto mula sa itaas na palapag. Naroon si Midnight, kasunod ang ama.
"Noelle." He called.
Akmang baba ito pero matalim iyong tiningnan ni Monroe.
"I couldn't believe this is happening!" Inis na napasabunot si Monroe sa kanyang buhok habang tuloy pa din ang paghila sa kanya.
Hindi na siya nahabol ni Midnight dahil tumakbo si Monroe habang kinakaladkad siya, nagpatianod din ang kanyang mga paa. Hindi nag-salita si Monroe hanggang sa makalabas sila ng mansyon. Takang taka siya ng itulak siya nito papasok sa passenger seat hanggang sa paandarin nito ang pulang sedan na sasakyan.
"You know I can be bitchy sometimes." Lumunok ito, "Alright, I am bitchy all the time, but for f*cksake didn't you notice anything off with that guy, Noelle?"
She pressed the gas and they are running a little over 80. Gulong gulo ang mukha nito at kung hindi ito kakalma ay hindi malayong bumangga sila sa kung saan.
"Monroe, kumalma ka nga." Utos niya.
Naging pula ang ilaw at mahinang inuntog ni Monroe ang noo sa manibela. May kinuha ito sa gilid ng pinto ng sasakyan at binato siya ng box ng tissue. Humarap itong namumula ang mata at balisa.
"He's using you, Noelle. That sick bastard! He wanted to hurt our family and he's using you, he's not yet done. Why the hell did he help us? I don't know but he's not yet done. I heard it, loud and clear. He's using you and now that everything's running fine, we can't afford to lose it again, stay away with that a*s."
Nag-echo sa kanya ang nanginginig na boses ni Monroe dahil alam niyang seryoso ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top