Kabanata 11
SPG.
Sand.
Seryoso ang gwapo niyang sundo habang nakasandal ito sa kanyang McLaren. Nakasuot ng puti na poloshirt at jeans ito na tinernuhan ng puti din na tennis shoes. Ang tanging makinang sa katawan nito ay ang suot nitong leather watch. Sinundan siya nito ng tingin habang nag-lalakad papalapit sa sasakyan. Ang malambot nitong labi ang nagbibigay ng kulay sa matigas nitong anyo. Chiseled jaw, perfectly shaped nose and dark brooding eyes, a dangerous combo, she thought.
Ipinareserba nito sa kanya ang unang day off niya matapos niya bumalik sa club noong nakaraang linggo, it is a Saturday after all, wala din itong trabaho.
Simple lang ang suot niya, isang summer dress na light pink at ang sandals na pinaglumaan ni Monroe na hindi pa din umuuwi hanggang ngayon. Nag-iwan lang ito ng mensahe na ayos lang siya, di na siya nagtaka na hindi man lang ito nag-alala kay Don Martin. Masyadong cold ito simula nawalan sila ng pera, na akala mo ay pinasan nito ang daigdig.
Hindi na din niya pinag-akasayahang ikwento ang movement sa kaso ng kanilang ama. In fact, maganda at positibo iyon. Bumaba sa arbitrary negotiation ang kaso imbes na isang court ruling. Mas naging determinado sa therapy si Don Martin dahil doon, kung mapapakawalan ang assets niya na naka-freeze, maari na nilang mabayaran ng buo ang mga pamilyang apektado ayon kay Midnight. Nagpasa na din daw si Midnight para sa isang appeal na i-lift ang order sa freeze order sa assets ng mga Gomez. Inaantay na lang nilang maaprubahan iyon.
"Hey." Kalmadong bati sa kanya ng abogado.
"Hi Attor--, Midnight." Pagtatama niya. May mga pagkakataon na hindi niya kailangan itong tawagin sa pangalan pero sa mga pagkakataong ganito, sinasanay na siya ng abogado na tawagin siya nito sa pangalan hanggang sa dumating ang araw na ipakilala siya nito sa pamilya Sandejas.
Tumaas ang sulok ng labi nito sa pagbikas niya ng kanyang pangalan. Inabot nito ang kanyang kamay at nag-init agad ang kanyang pisngi. Maari niyang i-deny maghapon na may kakaibang epekto sa kanya ang binata pero alam niya sa sarili niyang humahanga siya dito, lalo na kapag kausap nito ang kanyang ama at idinedetalye ang improvement sa kaso. Nagiging superman sa paningin niya ang abogado, yun nga lang ay mas gwapo pa si Midnight kaysa dito.
Sumampa siya sa passenger seat at inintay na sumakay si Midnight. Pinindot niya ang stereo at agad na pumaimbabaw ang mga lumang kanta doon. 90s music, she loves it. Noong una ay pinagtawanan siya ni Midnight nang ilipat niya ang istasyon sa mga lumang kanta pero nang makita ang determinasyon niyang yon lamang ang pakinggan ay marami nang ganitong kanta sa flashdrive nito.
When I first saw you, I saw love.
And the first time you touched me, I felt love.
And after all this time, you're still the one I love.
"You like the song?" Nilingon siya nito nang magsimulang humimig ang kanta ni Shanaia Twain. Tumango siya. It reminds her of her childhood. Ang malakas na musika ng kapitbahay ang naging libangan niya, yun nga lang ay hindi siya natutong kumanta.
"Saang tayo pupunta?" Tanong niya. Malapad na ngumiti ang binata.
"We'll get you a dress for our event."
Napakunot ang noo niya, "Hindi na kailangan."
"Why? Got something to use?"
Sa isip niya ay wala, pero marami namang gamit si Monroe, hindi naman nito mahahalata kung hihiram siya ng isa at isosoli din agad.
"Meron na, huwag ka nang gumastos."
"Are you sure?" Tumango siya. Napabuntong hininga ito. Masuyo siyang tiningnan at ngumiti. He's a breathe of fresh air. He only smile when he wants to but it is the most alluring part of his face. Siguro kaya tipid nito itong ibinibigay dahil sobra sobra ang hahanga kung lahat na lang ay ngingitian niya.
"So, where do you want to go?"
Nagkibit balikat siya. Wala siyang plano kundi ang sumunod lang dito mag-hapon. Tumingin sila sa pulang stoplight at ang 170 seconds na countdown nito.
Niluwagan ni Midnight ang kanyang seatbelts at humilig sa kanyang balikat para magpahinga, madalas iyong gawin ng binata kapag inihahatid siya mula sa club. Ang alam niya ay antok lang ito dahil pagkagaling sa trabaho ay tumutungo pa ito sa trabaho niya, hindi na nga lang ito nag-dadala ng mga kabigan.
"Inaantok ka?" Hinilot niya ang buhok ng abogado. Umiling ito at sumiksik sa leeg.
"Why do you smell like home?" Tanong nito sa kanya. Tumaas ang kilay niya.
"Saang parte? Kusina o banyo?"
Bumangon ito at pinanliitan siya ng mata, "Are you trying to pull a joke?"
"Salas o garahe?" She wrinkled her nose. Sinamaan siya ng tingin ng binata.
"My room." Paos ang boses na wika ni Midnight sabay dampi ng labi sa leeg niya. Kinilabutan siya nang marahang haplusin ng binata ang kanyang binti paakyat. Pumikit siya doon.
"What do you miss the most?" Nakakiliti ang boses na iyon.
"Hmm?"
Hinihingal na siya nang padaanan ni Midnight ng halik ang kanyang balikat, tumingin siya sa stoplight at naroon iyon sa 90seconds.
"Dagat.." Bulong niya. The sound of the waves came flashing to her thoughts, the warm breeze and the salty water while she devour with the warm touch she's having right now. Palagay niya ay bagay iyon doon.
"F*ck, wala bang mas malapit?" Tanong nito sa kanya. His hands travelled all over her body, feeling her lacey cover and swollen sex. Umungol siya at sinabayan ng haplos ang pagbaba ng halik ni Midnight sa kanyang dibdib.
Her lacey thong went free and Midnight started caressing her silky flesh. Napakapit siya sa headrest ng upuan. Alam niyang heavily tinted ang sasakyan pero alerto siya sa maaring kumatok na nagtitinda o namamalimos at basta na lang sisilip sa bintana. Panay ang paling ng ulo niya sa kaliwa o sa kanan.
She whimpered heavily as hot fingers find the right spot inside her. Napagakat labi siya at ibiniling ang katawan. The sinful desire to take her right then and there was so strong and cunning.
60 seconds..
The digits teased her entranced faster, her bud clenched his fingers as she released essence from her center, feeding her primal needs over and over. Ibinaba niya ang kamay at inabot ang butones ng pantalon ni Midnight. She weren't able to remove it but she successfully felt it on the thick fabric, he's hard, thick and aroused too.
30 seconds...
She don't know if she could finish. Nahihilo na siya sa liwanag at wala na sa sarili. Traces of sweat kissed her forehead, her head spinning with the unleashed desire, she's panting, mouth open, thighs apart.
"Damn it, Noelle." Tumingin na din si Midnight sa stoplight, tinitingnan ang segundo na natitira para sila ay huminto. She's on fire. Her breasts were heavy and her womb was painful. Aching to reach the delicious desire of her core.
3 seconds...
The white light almost blinded her. There she felt the hot gush of liquid on her thighs. Kasabay non ang pagbusina nang nasa likuran. Mariin siyang pumikit, para kinuha ang lahat ng kanyang lakas.
"Good job, Baby." Maliit na halik ang dumantay sa kanyang labi bago umandar ang sasakyan.
It was a long peaceful drive going to the south. Hindi pa niya nararating ang lugar na iyon. Mahabang linya ng puno at matataas na damo, wala na ding halos billboard na nakaharang sa kalsada.
They were feeding themselves with double cheeseburger and twister fries on the road. Ang malakas na tunog ng 90s music ang naging kanilang background. Binuksan ni Midnight ang bintana nang halos wala na silang masalubong sa daan, hinahangin ang kanyang buhok. Inilabas niya ang kamay niya para damhin ang preskong hangin na wala sa siyudad.
Hininaan niya ang music at buong layang pinagmasdan binata na nagmamaneho. His strong muscles flexed in the steering wheel. Relaxed ang mukha nito at parang walang malalim na iniisip.
"Why?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Saan tayo pupunta? Ang layo na ng narating natin."
"A weekend getaway.."
"Kailangan kong bumalik bukas."
Sumimangot si Midnight, "We will be back, madami din naman akong trabaho. Don't feel flattered that I am taking you away from work."
Ngumisi siya kahit alam niyang iniinsulto siya nito, "Gusto ko din magbakasyon. Maganda ba ang pupuntahan natin?"
"It is my private resort, maliit lang. A gift from my client who won a case three years ago."
"Magaling kang abogado no?" She smiled.
"I am." A confident smile curved his lips.
"Kapag naayos na ang kaso ni Don Martin, magiging malaki ang utang na loob niya sayo. Pati na din ako."
"Please stop making it sound that I am a Saint. I am not, Noelle. I am a manipulative a**hole, you know that."
Umiling siya. "Kahit lagi mo akong pinapagalitan, nakikita ko pa din na concerned ka."
"Why? Is it something about my face?" Kunot noong tanong nito, tumango siya. Ang pagkunot ng noo nito pati ang pagtataas ng boses. She find it caring rather than abusive and manipulative jerk.
"Come on, that's my facial expression, it doesn't have something to do with my feelings."
Hindi iyon yon, gusto niyang isantinig. Kahit nakakatakot ang ekspresyon nito, unti-unti niyang napapansin ang pagiging malumanay nito at pag-babago sa pakikipag-usap sa kanya.
"Palagay ko, mabait ka talaga."
Kumurba mula ang ngiti sa labi ng abogado.
"You really need to practice reading people."
Lumiko sila sa isang mas maliit na daanan. Magaspang ang kalsada. Halos tumalbog sila doon sa loob dahil sa dinaraanan. Tumutunog ang bato sa ilalim ng sasakyan ni Midnight hanggang sa marating nila ang dulo ng kalsada, isang malawak na dagat ang naroon. Meron maliit na sari-sari store sa gilid at isang bunkhouse sa tabi nito. Merong matanda pero matikas pa din na lalaking sinalubong si Midnight nang makababa sila ng sasakyan.
"Attorney." Nakipagkamay ito at magalang na tumango sa kanya. "Ang tagal mong hindi napasyal ah. Ipapaayos mo na ba ang isla mo?"
Ngumiti si Midnight doon sa lalaki, "Hindi pa, Ruben. I am planning to sell it. Kapag nilagyan ko ng structure ay baka manghinayang ang bibili sa pag-salvage doon sa property. I want it bare. Mas madaling ibenta."
"Tama ka nga doon. Ano? Titingnan niyo lang ba o magpapalipas kayo doon ng gabi? Ilalabas ko ang mga gamit mo."
"Magpapalipas kami ng gabi. Ayos pa ba ang mga gamit ko?"
"Oo naman, alaga iyon ni Adora. Sandali't kukunin ko." Tumakbo si Ruben patungo doon sa bunkhouse. Pag-labas ay meron na itong kasamang binatilyo na meron ding bitbit na gamit.
"Ihahatid namin kayo ni Benny, dito sa kabilang bangka kami para maimaneho mo naman ang motorboat mo. Narito ang insect repellant mo." Turo ni Ruben sa hawak ng binatilyo na bag, "Hindi naman na malamok doon dahil ipinapadamay ko din sa fogging kagaya ng gusto mo. Kaunti na din ang puno na itinira, walang mga talahib. Meron ba kayong pagkain?"
"Pupwede ko bang mahiram ang fishing gear mo?"
Natigilan si Ruben at umawang ang mga labi, "Mangingisda ka?"
"Why not? It is just fishing." Nagkibit balikat si Midnight. Humagikgik naman si Noelle pero tumigil din nang samaan siya ng tingin ng binata.
"Adora.. Ipagbalot mo nga sila Attorney ng bigas at delata pati mga biscuit at chichirya." Sigaw ni Ruben, mukhang pati ito ay nagdududa sa kakayanan ng binata na mangisda.
Hindi na tumutol si Midnight nang ikaga na sa bankang de-motor ang tent at ilang mga pagkain.
Sumakay silang dalawa sa skiboat na nakaparada sa harapan ng bunkhouse nila Ruben, pump boat naman ang sinakyan ni Ruben at ng binatilyong anak nito. Sabay na umandar ang mga bankang de motor sa ibaba ng tubig.
Nanaig ang pagiging kalmado niya sa ibabaw ng dagat. Bumuhos ang alala niya noong nasa Surigao pa siya. Ang pinakamalayong nararating ng kanyang mga paa ay ang mga byahe sa dagat kagaya nito. Hindi siya nakadama ng takot at tila ba hinihila pa nga siya ng asul na tubig.
Nanatiling nakatayo si Midnight sa skiboat, samantalang siya ay nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan ang pagmaniobra nito sa bankang de motor.
Isang bakanteng isla ang dinatnan nila nang huminto ang engine ng banka. Puting buhangin at sa magkabilang dulo ay malalaking bato na nagsisilbing palatandaan ng pag-aari ni Midnight. May ilang coconut trees sa paligid, isang sink at sa tabi ay portable toilet at portable shower. Mukha ngang hindi ito tinitirhan pero hindi naman mahirap dahil may sariling banyo.
"Tutulungan na namin kayong mag-buo ng tent para bago gumabi ay nakatayo na."
"Maaga pa naman, Ruben. Kami na ang bahala." Tanggi ni Midnight.
"Ay siya, mukhang gusto mo nang masolo ang magandang binibini."
Napailing si Midnight pero merong maliit na ngiti sa labi. Ibinaba ng binatilyo ang tuyong mga kahoy. Hindi na siya magtataka na walang kuryente doon sa lugar. The island is completely bare. Mabuti nga ay merong tubo ng fresh water doon.
Nang umalis si Ruben at ang anak nito ay inalis din ni Midnight ang pang-itaas. Samantalang siya ay nagpakabusog sa tingin sa magandang hubog ng katawan ng abogado. Hindi niya alam kung kailan niya makakasanayan ang malapad na dibdib, ang balat na halos pumares na sa ginto at ang hulmadong muscles sa tyan. Para talagang greek god ito na kagaya noong mga nakikita niya sa google kapag nagre-research siya ng term paper. Kung hindi siguro naging abogado ang binata, naging artista ito o di kaya ay model.
"Aren't you going to help?" Kumulubot ang noo nito, nilapitan niya ito at saka nila binuo ang tent.
Hindi sila nahirapan, mukhang sanay si Midnight sa pagbuo ng tent, doble ang size non kaysa sa pangkaraniwan. Sabagay, sa laki ni Midnight ay mamamaluktot ito kung maliit ang tent.
Pati ang pag-aayos ng unan at manipis na kutson sa tent ay talagang pinag-isipan nito. Siya na ang nag-volunteer na mag-ayos non at nasilip naman niya si Midnight na abala sa pag-aayos ng pamingwit. Desidido itong kumuha ng isda kahit meron naman silang puwedeng kainin. Nang matapos siya sa pagpupwesto ng unan ay lumabas siya, nakaupo si Midnight sa dalampasigan at hawak na nga ang pamingwit. Tahimik itong nakamasid sa tubig.
Natawa siya sa nakita, umupo siya sa tabi nito.
"Walang isda diyan, kung meron, kasing liit ng dilis. Hindi nakakabusog."
"Hmp." Suplado itong umirap sa kanya.
"Ang malalaking isda, nasa gitna ng dagat, isa pa, hihilahin ng ng buwan ang tubig, malapit na ang paglubog ng araw. Mas lalong magiging mababaw ang dalampasigan—"
"Bakit ba ang dami mong alam?" Supladong tanong sa kanya nito.
"Laki kaya ako sa dagat, saka madami akong mangingisdang kasama."
Umihip na naman ang kakaibang hangin sa kanilang pagitan, kapag nababanggit ang mangingisda ay para itong batang sinusumpong at naiinis ito sa kanya na para bang siya ang Reyna ng mga Mangingisda.
"Really? How useful those fishermen are? Do they have a car? Their own huge house? A million-peso bank account?" Inisa isa nito ang sariling katangian, "Do they even have this toned body? I bet they are fat and you can confuse their beer bellies into a stomach of a 9-month pregnant woman. Alam mo bang kapag malaki ang tyan, lumiliit ang----" Tinitigan siya nito saka napailing. "Nevermind." Naging tikom ang mga labi nito.
"Galit na galit tayo ah?" Di niya napigilang usisain.
"Hmp." Umirap muli ito. Napagpasyahan niyang inisin pa ito ng ilang papuri sa mga mangingisda.
"Alam mo bang ang mangingisda daw magaling ang coordination, matitiyaga at ang pinakamapagmahal sa nature?"
"Ha! If they are, why do they kill for a living? Kapag naging hardinero ba ako ay bibilib ka? Then I will feed you vegetables everyday."
"Kasi hindi naman pupwedeng maging overpopulated ang isda sa ilalim ng dagat." She explained. "Mas marami silang oras sa pamilya at sa sarili."
"Time? What are we here for. We are killing time because I have tons of it! I can buy time if I want."
"Bakit ka ba nakikipagpaligsahan ka sa mga mangingisda, Midnight?" Inosenteng tanong niya.
"I am making you realize that they are not the highest being God created."
"Syempre hindi." Tumawa siya, "Ang highest being na ginawa ng Diyos ay yung mga taong mapagmahal sa kapwa."
"Then I am with the highest being right now?"
Tiningnan siya nito sa mga mata. Unti-unting napawi ang ngiti niya at saka siya umiling.
"Madami din akong kinakainisan, hindi ko kayang mahalin lahat. Yung mga kasya lang siguro sa puso ko. Minsan naiinis ako kay Monroe kasi wala siyang pakialam kay Don Martin, pati na din kay Donya Matilde, kay Montage at Mouri dahil iniwan nila ang padre de pamilya nila. Minsan.." Ibinitin niya ang huling salita. Ang kulay kahel na langit ay hinalikan ang dulo ng buhok niya, naging kakulay nito iyon. Ngumuso siya at sinipa ang alon pabalik sa dagat.
"Minsan kay Nanay.. Kasi ipinanganak niya ako pagkatapos hinayaang mabuhay mag-isa. Sana hindi na lang."
Malungkot niyang tiningnan ang dagat at ang malumanay na pag-alon nito. Kiniliti ang kanyang mga paa ng maliliit na tubig na itinutulak ng hangin sa dalampasigan.
"You talk about love of nature, God and humanity then you will tell me how you wished to be dead before being alive? You are so contradicting." Napailing si Midnight.
"Ligo tayo sa dagat."
"I am fishing." Giit nito.
Tumayo siya at inalis ang suot na bestida. All that's left is her lacy thongs and brassiere. Maging ang kanyang pang-itaas ay inalis niya bago tuluyang lumubog sa tubig. Narinig niya ang malakas na pagmura ni Midnight. Inilubog niya ang kanyang ulo sa dagat, kasabay non ang malakas na pagkalampag ng tubig. Naramdaman niya ang paghawak sa kanyang beywang.
Hinuli siya ni Midnight sa ilalim ng tubig at sinalubong ang kanyang titig. He pressed her body to his, her bare breast against his broad chest woke up her animal spirit. They cannot keep their hands to themselves. Midnight was rock hard, her sex was swollen. The tip of her breast was aching. Nang umahon sila ay halos papalubog na ang araw. They fell on the sand without leaving each other's lips. Ang basang buhangin, ang magaspang na pakiramdam na iyon sa kanyang likod ay hindi naging sagabal sa nag-ni-ningas na pag-nanasa sa isa't isa.
He claimed her over and over from dusk to evening.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top