Chapter 99: Girl Friends

PARA talaga akong batang nagsumbong kay Sir Theo patungkol sa nalaman ko sa nangyari kay Callie. Isang buong araw kaming nag-alala sa kaniya at malalaman ko lang na sprain lang sa paa ang nangyari sa kaniya. Well, thankful ako dahil sprain lang pero nawala sa laro ang lahat dahil sa pag-aalala sa kaniya.

Panandalian kong iniwan sila Aisha sa room ko para saglit na makausap si Sir Theo at ang buong Orient Crown sa meeting room. Nakaharap kaming lahat sa laptop habang ka-video call so Callie. Tama si Aisha na nasa ospital nga si Callie at may bendang nakabalot sa kaniyang kanang paa.

"Callie, mind to explain kung bakit hindi mo kami cinontact?" Tanong ni Sir Theo sa seryosong tono. "Sobrang nag-alala sa 'yo ang buong team!"

"Sorry, Sir," sagot ni Callie sa kaniya. Nawala ang yabang ni Callie at tumiklop noong napagsabihan siya ni Sir Theo.

"Kahit tawag ko ay hindi mo sinasagot."

"Sabi ninyo kasi sa akin, Sir, huwag muna akong tumanggap ng tawag na related sa gaming and I should take time with my family... Ganoon lang ang ginawa ko, Sir." Mahinahong paliwanag ni Callie para hindi siya mapagalitan ni Sir Theo ng malala.

Napailing kaming lahat sa meeting room. "Butaw talaga." Bulong ni Liu.

"Saka, Sir! Hindi na rin ako tumawag sa inyo tungkol sa pagkaka-sprain ng paa ko kasi hindi naman malala ang nangyari, sabi ng Doctor ay baka makapag-drive na ulit ako ng Maynila next week." Wow, next week, alam kong isang linggo lang 'yon pero naapektuhan noon ang paglalaro niya. Supposed to be sa Sabado nga lang ay nandito na si Callie pero na-extend pa dahil sa pagkaka-sprain ng paa niya.

"Eh bakit tumawag pa ang kapatid mo sa akin na nagpa-panic? Akala tuloy dito sa Boothcamp ay kung ano ang nangyari sa 'yong masama. Okay lang naman kung gusto mong magpahinga kasama ang pamilya mo pero sa susunod ay sabihan mo kami kung may malalang nangyari sa 'yo diyan. We are your team, nag-aalala rin kami sa 'yo." Pinapagalitan man ni Sir Theo si Callie ay bakas sa boses nito ang relief dahil hindi ganoong kalala ang kay Callie.

It's okay to lose in one game than to lose comrade. Madaling makabawi sa laro, mahirap makahanap ng isang magaling na player.

"Sorry, Sir, sabihan ko kayo next time. Pero 'wag na kayong mag-alala, Coach, okay naman na ako. Hirap lang talaga ako makabalik sa Maynila dahil sa sakit ng binti ko. Magaling na player pa rin naman ako." Pagmamayabang ni Callie at napailing na kaming lahat. I guess he is really fine.

"Hindi ka pa sa bungo tinamaan ng surf board mayabang ka." Naiiling na sabi ni Liu at bahagya kaming natawa.

Hinayaan na namin na sina Sir Theo at Callie ang mag-usap. Mahaba-habang sermunan talaga ang magiging pag-uusap nila samantalang ako ay kailangan ko pang bumalik sa room ko since nandito sina Aisha, Shannah, at Ianne sa boothcamp.

Matagal ko ng kaibigan si Shannah pero hindi ko in-expect na magkakaroon pa ako ng ibang close na kaibigan na babae dito sa Gaming community. Isa rin si Aisha sa magagaling na editor na nakilala ko while Ianne, of course, one of the most popular streamers here in the Philippines.

"Milan," Tawag sa akin ni Dion at inabutan niya ako ng maraming tsitsirya. "Kainin ninyo habang nagkukuwentuhan kayo nila Shannah."

"Bakit 'di ka na lang pumasok?" Tanong ko.

"'Wag na. Time ninyo 'yan. Kailangan mo 'yan." He smiled at naglakad na ulit pabalik sa sala dahil nagkukuwentuhan sila nila Larkin.

Minsan napapahanga talaga ako sa kung paano nirerespeto ni Dion ang personal space ko. Oo, madalas kaming magkasama pero kapag nag-aaral ako ay hindi niya talaga ako kinakausap para mas makapag-focus ako. Tapos ngayon, hindi niya ipinipilit 'yong sarili niya sa time ko sa mga kaibigan ko.

Binuksan ko ang pinto at naabutan ko sila Shannah na nagtatawanan habang kumakain pa rin ng Pizza. "Anong balita? Nasermunan ba si Callie?" Aisha asked. "Dapat ni-record mo, Milan, para makita ko man lang maging maamong tuta 'yong mayabang na 'yon."

"Alam mo, grabe ka kay Callie. Hindi ka na lugi sa kaniya 'no! Mayaman, guwapo, sikat. Hindi ka na lugi, girl!" Shannah stated at inisa-isa niya pa talaga ang good traits ni Callie.

"Malaki din kinikita ko as social media marketing at editor sa Battle Cry, 'no! Magsampalan kami ng pera na dalawa." Bahagya akong natawa dahil wala talagang preno ang bibig nitong si Aisha at very vocal siya sa pagkainis niya kay Callie. "Saka, ang immature pa ni Callie. Akala niya ay parating playtime at ginagawang biro ang lahat."

"Pero nag-e-effort naman si Callie na pumunta sa boothcamp ninyo, ah. Isipin mo, BGC ang boothcamp namin at Quezon pa ang boothcamp ninyo." Paliwanag ko.

"Una sa lahat, hindi ko hiniling. Pangalawa, girl, hindi ganoon kalayo ang Makati sa Quezon kaya huwag niya akong masusumbatan ng effort niya baka pilayin ko din ang kabilang paa niya para pantay." Matapang na sabi ni Aisha habang binubuksan ang isang tsitsirya.

"Buti nga si Callie nag-e-effort na puntahan ka, eh." Ianne said and smiled to us.

"Bakit? Hindi ba ganoon si Sandro?" I asked. I mean I saw how Sandro treated Ianne noong nanood kami ng laban ng Battle Cry.

"Busy sa practice, eh." Tuloy pa ni Ianne at napatango-tango ako. Somehow, naiinindihan ko si Sandro dahil iba ang pressure ngayong qualifiers, kahit ako ay madalas late reply ako sa mga kaibigan ko dahil as a Captain, priority kong pag-aralan ang mga makakalaban namin. "Hindi naman sa nagde-demand ako ng time sa kaniya. Naiintindihan ko naman din na busy talaga ang mga players ngayon para makakuha ng slot sa season four tournament. Pero kasi..."

She paused at nagkatinginan kami nila Shannah. "Hindi naman magiging reason nang pagkatalo nila kung ia-update man lang niya ako sa kung anong ginagawa niya 'di ba? Siyempre hindi ko bini-bring up kay Sandro ang tungkol dito kasi kahit ako feeling ko ay ang immature nang pinanggagalingan ng tampo ko."

"Bakla, girlfriend ka. Valid 'yang tampo mo. Pero naiintindihan ko din kasi si Sandro, kahit si Kendrix sa Battle Cry, focus na focus sa qualifiers. Iba talaga ang pressure sa leader. Malay mo naman kapag natapos 'tong qualifiers ay bumawi 'yong fried chicken na 'yon sa 'yo." Aisha stated.

I immediately changed the topic para naman makaligtas na si Ianne sa pampipiga nitong dalawang Marites na ito. "B-Bakit ba nandito kayo sa boothcamp ngayon? Wala man lang pasabi, buti na lang may stock ng tsitsirya si Dion kaya may napakain ako sa inyo."

"Suprise visit nga, 'te. Kung sinabihan ka namin, e 'di nonsense 'yong pinlano namin." Shannah said at natawa silang tatlo. "Ito kasing si Aisha, nangsundo pa ng Bulacan para makasama ako."

"Ang sabi mo, pasundo. Hindi kita pinilit, nagprisinta ka." Depensa naman ni Aisha.

"Kasi gusto ko rin makita si Milan! Okay lang mag-cutting ngayong araw. Unang absent ko pa lang sa subject namin ngayon, eh." Napailing na lang ako sa sinabi ni Shannah. Sa
department kasi namin, puwedeng um-absent ang isang estudyante sa specific na subject ng tatlong beses. Kapag lumagpas na ay maaari ka ng i-drop ng professor mo, pero depende pa rin kung gaano iyon ka-terror. "Grabe ganito pala feeling na nasa boothcamp ka." Shannah roamed her eyes around my room.

"Masaya naman sa boothcamp, although, nakaka-pressure nga lang ngayon dahil qualifiers." Mamaya nga lang ay sisimulan na ulit namin ni Larkin ang pagpaplano sa kung paano ang gagawin namin sa laban namin sa sabado, eh."

"Actually nandito kami para tanungin ka, kumusta ka naman?" Ianne asked and paused for a second. "Okay ka lang kahit natalo kayo sa match kanina?"

Kumain muna ako panandalian ng tsitsirya. "Siyempre malungkot pero anong magagawa ko, 'di ba? Losing is part of the game. Dalawa lang naman lagi ang resulta sa match ng Hunter Online, it's either you win or lose. Ayoko man magpaka-nega pero paano kung magtuloy-tuloy ang pagkatalo namin?" Sana naman ay hindi mangyari pero posible kasi ang bagay na iyon.

I am glad that these girl friends understand my situation dahil may knowledge sila pagdating sa paglalaro. Maayos akong umupo at kinuwento sa kanila ang agam-agam ko. "Ang ayoko lang kasi... Masayang ang pinaghirapan ng buong Orient Crown. Ayokong masayang 'yong effort at oras na nilaan nila Sir Theo at Coach Russel. Alam ninyo 'yon, isa o dalawang talo lang ang mangyari, puwedeng hindi na kami makapasok sa Season four tournament."

"Natalo lang naman kayo dahil sa buwisit na Callie na 'yan. Everything will be fine now. Although, Battle Cry ako pero alam kong kaya rin ng Orient Crown na makapasok sa Season four tournament." Aisha said.

"Sana. Sana rin ay makabalik na si Callie sa boothcamp. Kailangan siya ni Kaizer. Nape-pressure na si Kaizer sa expectation ng mga tao sa kaniya at naaapektuhan na ang laro niya. Si Callie ang makapagpapaintindi sa kaniya na hindi niya kailangan na i-impress ang ibang tao para maging isang magaling na player." mahaba kong litana sa kanila. Kapag natalo pa kami ay paniguradong maaapektuhan na ang mental health ng lahat.

"Hindi ko gets 'yong panlalait ng ibang tao sa mga professional players kapag pangit ang laro nila sa isang match. Baka kapag sila ang pumasok sa pro scene ay baka mas tangang-tanga pa nga sila, eh." Ianne said and I nodded as I agree on what she stated. "Ako ngang streamer din ay naka-re-receive ako ng hate comments dahil sa paglalaro ko, ako kasi, ini-enjoy ko lang ang gaming. Dapat ay maging proud si Kaizer dahil nasa pro league siya! Ibig sabihin noon ay isa sa siya sa mga top players ng Hunter Online."

"Iba rin kasi ang nagagawa ng public opinion," sabi ko sa kanila. "It may build your confidence and boost your ego or shattered you into pieces. We are in an industry na kung saan mabilis kaming ija-judge ng mga tao dahil napanonood nila kami." Paliwanag ko sa kanila.

Noong bago din ako sa pro scene ay kung ano-ano ron ang narinig ko mula sa ibang tao. Muse, naghahanap lang ng jowa, ganda lang, wala namang skill. But I shrugged them off and pinatunayan kong may ibubuga ako sa paglalaro. Pero... Hindi lahat ng tao ay matatag ang mental state pagdating sa mga hate comments. Puwedeng nakaya ko, pero sa iba ay hindi nila kaya.

Ilang oras din kaming nagkuwentuhan nila Shannah dito sa kuwarto ko and thankful ako kasi dumating sila sa boothcamp. Somehow, may mga napagsabihan ako ng mabibigat na saloobin ko na hindi ko masabi sa team dahil ako ang Captain. I should be strong because they needed me.

"Thank you sa time ninyo. Next time gala naman tayo sa mall, please." Pakiusap ko kanila Aisha noong hinatid ko na sila sa tapat ng kotse nila.

"Bakla, ikaw lang 'tong super busy sa ating apat. Ikaw ang mag-chat sa amin kung kailan ka G. Kaladkarin naman kaming tatlo." Shannah said at bahagya kaming natawa.

Sumakay na sa sasakyan sina Aisha at Ianne. Mahigpit kong niyakap si Shannah, magkikita naman kami next week pero iba ang comfort na dala nitong bestfriend.

"Actually, Milan, hindi talaga sa amin ang idea na pumunta kami rito sa Boothcamp ninyo. Si Dion ang nagpapunta sa amin." Shannah stated at saglit akong napatigil. "Nakikita niya raw kung gaano ka na ka-stress sa paglalaro kung kaya naisip niya na baka kapag nakita or nakasama mo kami ay mawala kahit papaano ang pagod mo."

Ang tagal na naming magkasama ni Dion pero, my God, hindi siya nauubusan ng way para i-surprise ako. Dion is my first boyfruend and I don't have any udea kung lahat ba ng lalaki ay ganito nila tratuhin ang mga mahal nila (although, may iba-ibang way para ipakita ang pagmamahal ng isang tao). But one thing is for sure, I know that I am treated right by the right person.

"Girl, kapag nag-break pa kayong dalawa. Ewan ko na lang, baka pupunta na ako sa Dean's office at magpapa-kick out sa Department natin." Shannah said.

"Gaga ka. Sige na, b'bye na. Pasabi kay Aisha na mag-ingat kayo sa biyahe. Chat kayo kapag nakauwi kayo ng ligtas." Paalala ko sa kanila.

Pumasok na si Shannah sa loob ng kotse and she waved her hand bago sila umalis. Pinagmasdan ko ang kotse nila na lumalayo sa boothcamp at napangiti. Somehow, napagaan nila ang loob ko. Wow, I never thpight na kailangan ko din pa lang ilabas ang mga mabibigat na saloobin ko.

Pumasok ako sa gate at nakita ko si Dion na nakatayo sa tapat ng pinto. "Okay ka na?" He asked while smiling.

I walked towards his direction. "Thank you. Nasabi na sa akin ni Shannah."

Napailing si Dion. "Ang daldal talaga ng kaibigan mong 'yon."

"Kay Shannah ka pa nagsabi, walang sikreto na naitatago ang kaibigan kong iyon. Top global Marites 'yon."

Dion chuckled. "Sa bagay, noong hiningi ko nga ang address nunyo dati binigay niya agad. Detalyadong-detalyado pa."

Naglakad na kami papasok ng boothcamp upang paghandaan ang gagawin naming match.

***

ARAW ng biyernes, ngayon ang laban namin against Commander Area. We are all aware that Commander Area is not an easy opponent since isa sila sa mga teams na lumaro noong Summer Cup.

"Kaizer, kalma lang, okay? Patayin mo lang 'yong mga members na mababa ang defense tapos map awareness lang. Nandiyan naman sina Dion at Elvis para saluhin ka. Don't be afraid na gumawa ng risky move, although magsabi ka kapag may pinaplano ka." Paliwanag ko kay Kaizer.

Hanggang alas-tres ng madaling araw ay naglalaro si Kaizer para lang ma-improve ang laro niya para walang masabi ang ibang tao sa kaniya.

"Yes, Captain," he answered.

"Oh." biglang nagsalita si Genesis at inabutan niya ng candy si Kaizer. Iyon lang ang sinabi ni Genesis but I know that it's his way to show his support to Kaizer.

"Bakit ako walang candy, bestfriend!" Reklamo ni Noah.

"Ang daldal mo." Genesis stated and watch the match on TV.

Noong oras na ng match namin ay tumayo na kami para maghanda. Nagulat kami noong saktong bumukas ang pinto at pumasok si Callie habang inaalalayan siya ni Aisha. Lahat kami ay nagulat sa pagpasok niya sa boothcamp, I mean, next week pa dapat ang balik ni Callie dahil hindi siya makapag-drive because of his condition.

Callie is still wearing his tuxedo na mukhang pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay sumibat agad siya para makabalik ng boothcamp.

"Lalaro ako." Callie seriously said and loosen his necktie. "Elvis, ako muna. Support ako kay Kaizer."

Napatingin ako kay Aisha at nag-thumbs up siya sa akin. Mahigpit na napayakap ang mga ka-team ko kay Callie.

"Bumiyahe kang La Union para masundo si Callie?" Tanong ko kay Aisha.

"Sabihin na nating gusto kong makita ang Orient Crown sa Season four tournament." Natawa si Aisha. Hindi biro ang 6-8 hours na biyahe papuntang La Union para lang masundo si Calliber.

"Kaizer. Ikaw ang mag-core. Ako naman ang magsu-support sa 'yo. Alam kong magaling ako pero mag-a-adjust ako para sa 'yo this time." Kinuha ni Callie ang nerve gear niya at umupo na sa inclining chair. "Bawi ako sa inyo sa katarantaduhan ko noong nakaraan."

Napatawa kami at umupo na ako sa inclining chair. Sisiguraduhin ko na ang laban na nangyari sa amin against Blood Connection ang magiging huling talo namin sa qualifiers na ito.

Isinuot ko ang nerve gear ko. "Be bold!" I shouted.

Isinuot na rin nila Dion ang mga nerve gear nila. "Gold!" They answered at nagpalamon na kami sa mundo ng Hunter Online.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top