Chapter 98: Public Opinion

ISANG balita lang ang sumira sa masaya at mood ng buong Orient Crown. Ayoko sa kayabangan ni Callie pero kinakabahan ako para sa kaniya ngayon. Anong nangyari? I mean, I used to ride in his car at hindi naman siya careless driver kung kaya't imposibleng car accident ang magiging sanhi ng aksidente niya.

"Sir, anong balita?" tanong ko kay Sir Theo habang pabalik-balik siyang naglalakad sa sala ng boothcamp. He is trying to contact Callie or kahit sino sa pamilya niya pero mukhang hindi niya ito ma-reach. "Makakabalik daw ba sa Maynila si Callie? Makakalaro pa ba siya for the qualifiers?"

Hindi yata narinig ni Sir Theo ang sinabi ko dahil patuloy niya pa rin kino-contact si Callie. Nakaupo kaming buong Orient Crown sa mahabang couch at naghihintay ng update. Hopefully, nasa maayos lang na kalagayan si Callie. I hope that it is just a minor accident. God, ano ba kasing ginagawa ni Callie sa La Union para maaksidente siya?!

"Kids, alam kong nag-aalala kayo kay Callie pero focus muna kayo sa laro bukas," Tumayo si Coach Russel at kalmado kaming pinayuhan lahat. "Season four tournament ang pinag-uusapan dito. We worked hard for this."

"Makakalaro pa kaya si Callie, Coach?" Tanong ni Larkin.

I will be honest, Calliber is one of the strongest pillar of Orient Crown. Oo, mayabang siya pero iba ang assurance na ibinibigay ni Callie sa bawat laro. He know how he will guide the whole team in victory.

Napansin ko ang mood at atmosphere ng buong paligid kung kaya't kailangan kong i-motivate ang mga ka-team ko as a leader (kahit na apektado rin ako sa nangyari kay Callie). "Guys, focus tayo sa game. Knowing Callie, he will be fine."

I sighed and stand up. "I know it's a tiring day for everyone. Magpahinga na kayo. Larkin and Kaizer, short meeting tayo sa meeting room." Dugtong ko pa. Isa-isa nang umalis mula sa sala ang mga kasamahan ko at pumasok sa kaniya-kaniya nilang room.

Dion ruffled my hair before he entered their room. "I will also try to contact Callie. Pahinga ka na rin after meeting ninyo."

Kasama kong pumunta sina Larkin at Kaizer sa meeting room. Kasunod namin si Coach Russel. "Kaizer, kaunting kapit pa, ha." I said to him dahil alam kong kinakabahan siya sa mga susunod na match.

Kaizer is our substitute core kapag wala si Callie. As a player who just entered in professional league, malaking pressure ito para sa kaniya. "Hindi ko yata kaya." Kaizer admitted habang nakatingin kay Coach Russel. "Ang laki ng error ko noong nakaraang match, bakit hindi na lang si Genesis ang maging core member sa laban bukas?"

Umupo si Coach Russel sa tapat ni Kaizer. "Si Kaizer ang magko-core bukas." Kapag si Coach na ang nagdesisyon ay iyon ang bagay na masusunod. And somehow, agree din ako sa sinabi ni Coach Russel, siguro ay sa isang error lang ay natakot na si Kaizer na lumaro ulit dahil baka magtuloy-tuloy ang pagkakamali niya pero... malakas na player si Kaizer. He just need to unleash his potential in qualifiers.

"Kaizer, huwag mong kalimutan ang rason kung bakit ka member ng Orient Crown. Nandito ka sa grupong ito kasi may nakita si Theo sa 'yo. Magaling ka, you just need to be confident and don't compare your skill to Callie." Coach Russel explained at napatango kaming dalawa ni Larkin dito.

"Let's be honest, Callie is in different level when it's come to gaming. Nanliliit ka lang sa kakayahan mo Kaizer kasi nakukumpara ka sa isang malaking player." Oppa stated. "Gawin mo lang ang best mo bukas. You are a professional player, binabayaran ka ng management para ibigay mo ang 100% mo sa bawat laro. Hindi ka naman tatanggalin sa Orient Crown kung magka-error ka man." Oppa chuckled.

"Enjoy lang." Iyon na lamang ang nasabi ko dahil nasabi naman na nila Coach ang mga dapat sabihin para mapalakas ang loob ni Kaizer.

That's the purpose of online games, ang mag-enjoy ang bawat players. As long as he is enjoying the match, feeling ko ay maganda ang magiging laro ni Kaizer.

Ilang minuto naming pinag-usapan ang magiging plano para bukas and salamat na rin sa mga input ni Coach Russel at ni Oppa dahil mas na-enhance ang naisip kong plano na babagay sa laro na mayroon si Kaizer.

After our discussion ay nagpahinga na rin kami para sa magiging laban bukas. Hindi man ako lalaro ay kinakabahan para sa buong Orient Crown.

***

KINABUKASAN, nakaupo kaming lahat sa mahabang couch at hinihintay ang magiging laban namin against Blood Connection. "Sir, may balita po ba kay Callie?" Tanong ko kay Sir Theo.

"Still, hindi ko pa rin siya ma-contact. Dapat talaga ay sinamahan ko na siya papuntang La Union para nabantayan ko siya kahit papaano." Bakas ang disappointment ni Sir Theo sa kaniyang sarili dahil isa sa mga alaga niya ang naaksidente. Wala kaming ideya kung ano nga ba talaga ang nangyari kay Callie dahil kagabi pa namin siya hindi ma-contact.

Kung may tao mang pinaka nag-aalala para kay Callie ay si Sir Theo na iyon. Parang kapatid na ang turing niya sa aming lahat. He is doing his best to be the best and good boss to us.

"Hindi mo kasalanan, Sir," sagot ng ibang members.

"Aksidente ang nangyari kay Callie, Sir, wala namang nakaka-predict ng mga mangyayaring aksidente," Dion said. "Magiging okay lang si Callie."

"Pero paano kung hindi na nakalaro si Callie at hindi na siya makabalik sa Maynila? Paano kung malaking injury 'yong-" tinapik ni Coach Russel ang balikat ni Sir Theo at umiling siya.

Coach Russel stood up. "Focus lang muna kayo sa laro. Kung makakuha kami ng balita o update galing kay Callie ay sasabihin namin agad ito sa inyo. But first, make sure that nasa laro ang focus ninyo dahil hindi basta-bastang group ang makatatapat ninyo."

Blood Connection is one of the rookie groups that we should look-out for. Parehas kaming wala pang talo sa mga laro. Kung inaral namin ang galaw ng Blood Connection ay paniguradong inaral din nila ang galaw naming Orient Crown.

Matapos ang unang laban ngayong araw ay naghanda na ang buong team sa laban. Isa-isa kong iniabot sa kanila ang mga nerve gear nila and say good luck to them. Kahapon lang ay ang saya-saya ng buong team pero ramdam ko ang pagbabago ng mood nila dahil sa nabalitaan nila kay Callie.

I mean, ilang buwan na kaming magkakasama sa boothcamp kung kaya't ibang klaseng closeness din ang nabuo namin sa isa't isa.

"Galingan ninyo, focus on your roles lang. Don't make an impulsive moves at basahin ninyo lang ang mga magiging chat ni Larkin." Huling paalala ko sa kanila since hindi naman ako lalaro ngayong araw.

Since same position kami nina Genesis at Larkin (assassin) ay nagkakaroon kaming rotational na tatlo sa kung sino ang lalaro sa mga susunod na match. Ideya ko 'yon dahil ayokong ibangko ang kahit na sino kanila Larkin at Genesis dahil alam ko kung gaano sila kalalakas na players. Ayokong sayangin ang potential na mayroon sila at ibabangko lang. Sabi ko nga, lahat ng players ng Orient Crown ay alam kong may ibubuga pagdating sa paglalaro.

Humiga na ang mga lalaro sa inclining chair at umakyat na sina Coach sa itaas. Kaming mga manonood na players ay nasa sala na rin at tutok sa TV upang panoorin ang mangyayaring laban against Blood Connection. "Kaya 'yan! Go, team!" sigaw ni Kaden.

I also clapped my hand to show my support on my teammates.

"Alam mo partner, this will be an interesting match dahil parehas na rookie team ang Blood Connection at Orient Crown dito sa Hunter Online pero alam naman natin kung gaano sila kagaling dahil zero lose pa ang magkabilang team." Hanz commented since he is the shoutcaster for this match.

Well, hindi ko naman din masisisi ang Hunter Online Philippines kung bakit nila paulit-ulit na kinukuha si Hanz as a shoutcaster of the game dahil magaling talaga si Hanz mang-hype ng viewers. Alam niya ang mga dapat sabihin niya para maging interesado ang mga viewers sa match.

"Pero maraming professional players ang hindi kino-consider na isang rookie team ang Orient Crown dahil may mga players ito na kilala na sa buong community dahil lumaro sila sa ibang teams these past seasons." sagot naman ni Troy sa kaniya (Hanz co-shoutcaster for this match).

"Tama ka rin diyan, ang winork-out talaga ng Orient Crown ay ang chemistry nila as a group knowing the fact that they are from different teams at iba't ibang playstyle ang mayroon sila. That's the reason why I commend their Coach dahil mahirap pagkaisahin ang mga taong may iba't ibang pinagdaanan." Napatango-tango ako sa bagay na sinabi ni Hanz dagil iyon talaga ang bagay na ilang weeks naming pinakiramdaman... Kung paano mag-i-swak ang mga laro namin sa laro ng grupo.

Lumabas na sa screen ang mapa at hudyat iyon na malapit na magsimula ang match. I just hope na hindi maunahan ng kaba si Kaizer.

Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko at napatigil ako noong tinapik ako ni Orpheus. "Kalma, Boss Madam. Kaya nila 'yan."

"So ngayon ay nagsisimula na ang laban sa pagitan ng Blood Connection at Orient Crown. Makikita natin sa mapa ngayon na mabilis tumatakbo si Esquire (Kaizer) upang maghanap ng mata-target sa kabilang team and sinusundan siya ni Rufus (Dion) para protektahan siya!" Hanz announced and kitang-kita sa comment section noong live ang pagiging hype mg mga tao sa nangyayari.

"Mukhang opensa ang napiling gawin ng Orient Crown sa labang ito samantalang ang Blood Connection ay humahanap ng magandang posisyon sa isang dako ng mapa. I can sense that they are really planning something at magandang simula ito para sa kanila." Anunsiyo naman ni Troy.

Tutok kaming lahat sa TV sa nangyayaring laban. Nagagawa naman ng grupo ang plano. I mean, na-e-execute naman nila pero parang may mali.

Napasinghap ako noong makarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa isang building from the match. "Wow! What a surprise attack from Blood Connection! Mukhang hindi inasahan ni ShadowChaser (Juancho) ang atakeng ginawa ni Slaughter at mabuti na lamang ay malapit sa area si Vortex (Elvis) kung kaya't nagawa niyang mailigtas si ShadowChaser kahit papaano!"

"Paano nila nalamang nandoon si Juancho?!" Reklamo ni Robi.

"It:s not their fault. Error ni Juancho." sabi ko habang tutok pa rin sa nangyayari sa match. "Hindi naging observant si Juancho sa paligid niya kung kaya't nakagawa ng surprise attack ang Blood Connection.

By this error. Magugulo ang laro namin.

"Ako lang ba partner ang nakapapansin parang wala masyado sa laro ang Orient Crown. Maayos naman ang performance nila pero wala 'yong magic na nagagawa ng Orient Crown. Hindi nila ma-execute ng tama ang mga binabalak nila." Hanz said.

And he is right, wala sa laro ang buong grupo. They are trying hard na makapag-focus sa game pero alam kong nag-aalala din sila para kay Callie. Callie is our friend, the ace of our team kung kaya't naiintindihan ko kung bakit nag-aalala sila.

"Focus!" I shouted kahit hindi naman ako nakikinig ng mga players naming lumalaro.

Habang tumatagal ang match ay nagkakaubusan na ng players sa magkabilang team. Napapakagat na lang ako sa labi ko dahil sa mga nangyayari. Ang error namin ay nasundan pa nang isang error... Isa pang error... Hanggang sa nahirapan na kami sa kung paano namin maiisahan ang Blood Connection.

"Blood Connection just won against Orient Crown!" Hanz announced at malungkot akong napayuko. This is our first defeat in this Qualifiers.

"Awit doon!" Napakamot si Robi sa kaniyang ulo at napatingin ako sa mga players namin na lumaro.

Malungkot nilang tinanggal ang mga nerve gear nila, of course, they are affected with the results. Alam kong hindi sila satisfied sa larong ipinakita nila. Tumayo kami at lumapit sa kanila, I gave them high five at ngumiti. "Nice game! Okay lang 'yan, bawi tayo next game!" I shouted.

"Error ko Captain," Juancho stated and I tapped his back.

"Okay lang 'yan. Normal 'yan, walang perfect na laro."

Lumapit ako kay Dion and I ruffled his hair. "Sorry, hindi ko nagawang maprotektahan maigi si Kaizer. Nagulo na ng kalaban 'yong plano, eh." He explained.

"Okay lang 'yan, guys, unang talo pa lang natin 'to sa qualifiers. Marami pang susunod na laro. 'Wag kayo magpalamon sa lungkot, reset lang." I shouted at bumaba na sila Coach mula sa itaas.

It's kinda depressing for the team dahil nasanay kami sa sunod-sunod naming panalo. I mean, nakikita ko naman na kaya naming manalo against Blood Connection pero habang nasa laro kasi ay alam kong nag-aalala sila kay Callie. Callie's situation affected the whole match earlier, isa pang malala, wala kaming balita kung kumusta nga ba talaga si Callie since kagabi pa kami walang naririnig mula sa kaniya.

After the match, we immediately headed in meeting room para pag-usapan kung saan nagkamali ang mga teammates ko. We need to be aware of our mistakes para sa susunod na laban ay alam namin ang corrective actions na puwede naming gawin.

Umulan din ng okay lang 'yan, bawi next game ang chat sa phone ko from my friends, classmates, sa fans, at kahit kanila Kuya.

"Improve natin ang laro ninyo, kids," Coach tapped the table para makuha ang atensiyon naming lahat. "Tandaan ninyo na anim na slot lang ang natitira para sa season four tournament. Hindi tayo puwede ma-lose streak sa qualifiers dahil kapag natalo pa tayo... Puwede noon mabago ang sitwasyon natin, puwedeng iyon ang maging dahilan para hindi tayo makapasok sa tournament. Reset tayo tapos focus lang lagi sa laro, okay?"

"Yes, Coach!" We answered in unison.

"Kaya pa 'to!" Coach Russel clapped his hand at tiningnan niya kami isa-isa. "Be bold!"

"Gold!" We answered again.

Isa-isa na kaming tumayo para lumabas ng meeting room. "Sa tingin mo, saan ako nagkamali kanina?" Dion asked me habang nililigpit ko ang mga kalat sa table ko.

"Nawawala ka lang sa focus. Understandable naman dahil iyon naman ang na-observe ko sa inyong lahat. Callie's situation is not a joke, honestly." Sagot ko kay Dion.

"Sorry." Kumakamot sa ulo niyang sabi. "Parating paalala sa atin na huwag dadalhin ang problema sa loob ng game pero ganoon ang nagawa namin."

I cupped his face using my hand kung kaya't napanguso si Dion. "Okay lang. Bawi sa susunod na laban. One lose pa lang naman, hindi pa naman tayo laglag sa laro."

Binuksan ko ang pinto ng meeting room at napatingin ako kay Kaizer na nasa loob pa rin at mukhang may tinitingnan sa phone niya. "Hindi ka pa lalabas?" Tanong ko.

"Sunod ako, Captain. Panoorin ko lang 'yong match kanina. Mas tahimik kasi dito sa meeting room." Sagot ni Kaizer at iniwan ko na siya para makapag-focus siya sa pinanonood niya.

Umupo ako sa sala upang panoorin sa TV ang nangyayaring match. ALTERNATE ang lumalaro ngayon at masasabi kong maganda talaga ang performance nila Sandro at well executed ang kanilang mga plano. Well, they are first runner up noong Summer Cup at kahit sinong game analyst ay nape-predict din na siguradong makakakuha ng slot ang ALTERNATE for the season four tournament.

"Si Kaizer?" tanong sa akin ni Larkin habang hinahalo niya ang kape na kaniyang itinimpla.

"Nasa meeting room, ina-analyze yata ang nangyaring match kanina kaya iniwan ko na muna." sagot ko.

"Naniwala ka naman?" tanong ni Larkin at humigop sa kaniyang kape na tinimpla. "Tangina, tabang."

"Bakit? May problema ba kay Kaizer? Wala namang mali sa laro niya ngayon, ah? Wala siyang reckless move na ginawa." Sumunod naman si Kaizer sa plano. Iyon nga lang, nasira kasi ng Blood Connection ang laro namin simula pa lang kung kaya't hirap kaming ma-execute ang mga plano na nakalatag namin.

"He is not watching the match. Nagbabasa siya ng comments sa Hunter Online forum." Sagot ni Oppa sa akin.

Binuksan ko ang phone ko at binuksan ang forum ng Hunter Online website. Sa forum ay puwedeng mag-usap-usap ang mga players ng game base sa opinyon nila sa mga nangyaring match. At isa pa, anonymous ka rin dito kung kaya't hindi malalaman ng kung sino ang identity mo if ever magbigay ka ng opinyon sa forum.

Pinindot ko 'yong Orient Crown vs. Blood Connection na topic sa forum at nagbasa ng opinyon ng ibang tao.

-Lol. Laging pinapasok ng Orient Crown si Kaizer. He is not even good! Si Callie talaga ang nagbibigay sure-win sa Orient Crown, eh.

-Bakit ba umaasa ang Orient Crown sa rookie na core nila? Ginagawang training-an ng mga baguhan ang qualifiers. Lol, kung ganyan gagawin nila ay wala talaga silang chance na makalaro sa Season four tournament.

-Hindi ko alam kung core si Kaizer sa match o pampadami lang ng players. Mas ramdam ko pa si Genesis at Larkin kapag nasa match sila, eh.

-Ang hina ng core ng Orient Crown ngayon. Ibalik ninyo si Callie sa line up, iyon lang naman bumubuhat sa team ninyo, eh.

Ang dami ko pang mabasa na negative comments at 'yong iba, sobrang below the belt pa. Napatingin ako kay Kaizer na nakikita ko mula sa glass wall ng Meeting room, nakayuko lang ito habang binabasa ang mga comments sa kaniya ng ibang tao.

"Ang dali para sa ibang tao na mang-bash ng isang player. Malalakas ang loob nila dahil anonymous sila sa forum na ito at walang makakakilala sa kanila." Reklamo ko at pinabasa kay Dion ang mga nabasa ako. "Hindi ba nila na iba ang professional league match sa normal na match sa Hunter Online?"

"Ganyan naman lagi kaya ako ay hindi na ako nagbabasa ng comments diyan sa Forum na 'yan, daming nagmamagaling." sagot ni Dion sa akin. "Akala kasi nila same level ang professional league sa normal match sa HO. Hindi nila alam, kapag pangit ang performance mo sa pro league, ibig sabihin noon ay inaral ka ng kalaban mo, hindi dahil mahina ka."

"Exactly!" I agreed to him.

"May mga tao talagang ganyan. Hindi lang sa gaming community," Oppa said and have a sipped in his coffee. "Magbibigay lang sila ng comments sa kung ano ang nakikita nila. Wala silang pakialam kung gaano kahirap na training ang ginawa mo bago ang laban mo. Para sa kanila, kapag pangit ang laro mo sa match, hindi ka na magaling. Hindi nila alam na behind those matches... Laging nag-o-overtime sa practice si Kaizer para lang hindi siya makumpara kay Callie."

Napatingin ako kay Kaizer at nakayuko man siya ay alam kong naiiyak siya sa mga nababasa niya.

Siguro nga ay hindi ko lubos na naiintindihan ang situation ni Kaizer. He and Callie have the same position- core. Ang hirap as a newbie na iko-compare ang laro mo sa isang player na pang-international tournament na ang galing. No matter how good Kaizer is... Kung hindi naman siya mas magaling jay Callie, hindi makikita ng tao 'yon.

"Kaya ako nag-i-scroll lang ako sa Tiktok at hindi nagbabasa ng comments sa mga ganyang forum, eh." Sagot ni Dion sa amin. "Alam ko sa sarili ko kung maganda o pangit ang laro ko. Hindi ko kailangan ang opinyon ng mga casual fans ng Hunter Online dahil in the first place, hindi ganoon kalalim ang kaalaman nila sa game at hindi nila nae-experience ang nangyayari sa professional league first-hand."

"Nag-i-scroll ka sa Tiktok kasi?" Tanong ko kay Dion.

He chuckled. "Nanonood ako ng memes. Hindi ako nanonood ng mga babae."

"Oh tinanong ko lang, ba't ang defensive mo."

"Alam ko tumatakbo diyan sa isip mo, eh. Check mo pa Tiktok ko, wala akong babae na pina-follow. Ay mayroon pala 'yong mga kaibigan mo." Wala naman akong pakialam kung anong mga Tiktok videos ang pinapanood ni Dion. Sadyang nakakatawa lang siya panoorin kapag nag-e-explain at nagiging defensive siya.

Napatingin ulit ako kay Kaizer na mag-isa sa meeting room. Baka nga malaking pressure ang naibigay namin sa kaniya.

"Hayaan ninyo lang muna mag-self pity 'yang si Kaizer. Baguhan sa Pro league kung kaya akala niya ay importante lahat ng sasabihin sa kaniya ng ibang tao." Oppa stated at naka-focus siyang manood sa nangyayaring match sa TV. "Sooner or later, mari-realize niya rin na hindi niya na hindi dapat siya nagpapaapekto sa ganyan. Ako alam kong magaling player si Kaizer, eh. Ang laki kaya ng improvement ng loko na 'yan."

Nangunguna man si Larkin (alongside with Liu) sa mga kalokohan ay siya ang tumatayong pinaka-kuya ng grupo. Alam niya kung paano mapapasunod ang mga mokong sa kaniya at nagbibigay din siya ng advice sa gaming. Leader material nga itong si Larkin at sadyang itinapon lang sa akin ang responsibilidad.

"Milan may naghahanap sa 'yo sa labas." Pumasok si Liu sa loob ng boothcamp.

"Sino raw?"

"Mga kaibigan mong kurimaw." Sagot ni Liu at napairap ako sa ere. Kaibigan? Wala naman akong ini-expect na bisita ngayong araw.

Tumayo ako at lumabas ng boothcamp upang malaman kung sino ang tinutukoy nitong pekeng chinese na ito. Malakas na katok mula sa gate ang naririnig ko. "Wait lang, makakapasok ka kung sino ka man." sigaw ko.

Binuksan ko ang gate at nagulat ako kung sino ang mga taong nakatayo sa harap ko ngayon- sina Aisha, Shannah, at Ianne.

"Oh my God, anong ginagawa ninyo sa boothcamp ngayon?" I asked them and opened widely the gate para makapasok sila. May dalang cake at pizza si Aisha habang nakasunod sa kaniya sina Shannah at Ianne.

Hindi ko naman in-expect na pupunta ang mga girl friends ko dito sa boothcamp ngayon. "Pangmalakasan talaga ang boothcamp ng Orient Crown, oh. Kakalingain ka dapat namin kasi talo kayo kaso 'wag na lang, 'te." Shannah said at mahina kong tinapik ang kaniyang braso.

"Hindi pa kami naglilinis ng boothcamp, katatapos lang ng match." Paliwanag ko. "Bakit hindi kayo nagsabi na pupunta kayo, e 'di sana nagpa-order ako ng foods."

"Okay lang may dala naman kami." Sagot ni Ianne at binuksan ko na ang pinto papasok sa boothcamp.

Pumunta muna ako sa office ni Sir Theo upang ipaalam na may bisita ako at sinabi kong sa room ko na lang sila tatambay since iyon lang ang malinis na parte ng boothcamp.

Noong nasa kuwarto na kami ay binuksan na nila ang pizza. Sila lang din ang kumakain ng dala nilang pagkain. "Hindi ka nai-intimidate na puro lalaki ang kasama mo dito sa boothcamp? Although, given na nandito si Dion pero nasasakyan mo naman ba ang trip nila?" Tanong ni Ianne.

"Hindi naman din sila mahirap pakisamahan. Lahat naman sila friends ko and wala naman silang ginagawa na kalokohan na beyond border na. Bakit nga kayo nandito?" I asked again.

"To surprise you!" Aisha answered. "Buti nga wala si Callie dito ngayon at walang mamemeste sa akin. Buti na lang at doon sa La Union na sprain ang paa noong mokong na 'yon."

Napatigil ako. "Alam mo kung ano ang nangyari kay Callie?"

Tumingin si Aisha sa aming lahat at kumagat sa pizza na kinakain niya. "Oo, tumawag pa sa akin kagabi wala naman akong pakialam. Nag-surfing ang mokong tapos tumama sa board 'yong binti niya kaya siya na-ospital. Hindi naman malala ang nangyari, hindi lang siya makakapag-drive pabalik sa Maynila dahil sa binti niya."

"In-update ka niya tapos kami hindi?" Reklamo ko at nawala ang pag-aalala ko kay Callie. Malilintikan talaga sa akin 'yan pagbalik ng boothcamp.

"Hindi niya kayo in-update?" Aisha asked at umiling ako. "God, Callie, ang bobo kahit kailan." Kinuha ni Aisha ang phone niya at tinawagan ang number ni Callie.

Aba! Hindi pa man umaabot sa pangatlong ring ay sinagot na agad ni Callie ang tawag. Shannah put her phone on loud speak.

"Yes, babe-"

"Caliber!" Malakas kong sigaw at inagaw ang phone ni Aisha. "Pahiram ng phone mo, Aisha, ipapakausap ko lang 'tong mokong na 'to kanila Sir Theo."

"Go on," Aisha answered at uminom ng coke. "Pakisabi sa boss ninyo ay pagalitan 'yang mokong na 'yan. Puro hangin kaya napipilayan."

God, Callie, nag-alala kami para sa wala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top