Chapter 97: Sparkle

ANG huling beses na nakapunta ako rito sa Enchanted Kingdom ay Junior high pa ako. It's been a couple of years and ang daming mga attractions ang nadagdag. At hindi ko alam ang powers ng Enchanted Kingdom pero kapag nandito ka ay feeling mo ay bata ka ulit. Tinitingnan ko pa lang ang mga extreme rides ay nae-excite na akong masakyan ang mga ito.

"Gusto mo talagang sakyan 'yan?" tanong ni Dion habang nakatingin sa mahaba at malaking roller coaster. Mula sa kinatatayuan namin ay maririnig ang malakas na ingay ng mga tao at ang malakas na ugong noong roller coaster kapag gumagalaw.

"Oo, ayaw mo ba?" tanong ko sa kaniya. Nakapila na kasi kami nila Noah at ang pinaka-excited ay si Noah, understandable naman kung umakto siyang parang bata this time. It his first time in Enchanted Kingdom afterall.

"Hindi naman sa ayaw," Dion avoided my gazed. "Unang rides na sasakyan natin, Roller Coaster agad. Hindi ninyo man bini-build up 'yong hype. Dapat chill ride muna tapos pa-extreme rides. Gets mo?" he asked.

"Takot lang si Dion." Bulong sa akin ni Liu at parehas kaming natawa.

"Hindi ako takot, gago." Dion answered at napailing na lamang ako. Umusad na kami sa pila at noong malapit na kami ay nakita ko ngang kinakabahan si Dion.

Ilang beses ko pa lang nakikita na pinagpapawisan ng malamig si Dion. Una, kapag may malaki kaming tournament. Pangalawa, kapag naje-jebs na siya at may tao sa CR. Pang-apat ay noong may mangyaring masama sa pamilya niya sa Nueva Ecija (noong bumagyo). At ito ang pang-apat na beses, ngayong sasakay kami sa extreme rides.

"Kaya mo ba?" Concerned kong tanong kay Dion at hinawakan ang kaniyang kamay. "Ang lamig ng kamay mo. Kinakabahan ka. Kung hindi mo naman kaya, you can wait us—"

"Kaya ko." He responded.

"Okay." I nodded while smiling. "Siguro ay ini-expect mo na takot ako sa mga rides, 'no? Akala mo magiging dependent ako sa 'yo everytime na sasakay tayo, 'no?" Tinuro ko ang kaniyang mukha habang inaasar siya.

Ilang buwan na rin kaming magkasama, basang-basa ko na ang ekspresyon niya. "Hindi ka nga takot sa rides?" He asked. Pinipisil-pisil ni Dion ang kamay ko para mawala ang kaba niya.

"Ikaw ba naman ang lumaki na may Kuya London at Kuya Brooklyn sa tabi mo? Matatakot ka ba sa ganyang rides?" tanong ko sa kaniya at napatango-tango si Dion. Lahat ng extreme rides ay bitbit nila akong dalawa. Hindi ko naman alam na magiging thankful ako sa dalawang ungas kong kapatid dahil wala akong kinatatakutang rides ngayon.

Mas natatakot pa ako sa Powerpoint presentation na ginagawa ni Kuya Brooklyn kaysa sa Space Shuttle na ito, eh.

"Akala ko pa naman ay a-akto ka nang uy natatakot ako, protektahan mo ako para mangyari 'yong mga Bookworm fantasies mo." Dion imititated my voice.

"Huy, never kong gagawin 'yan. Kinikilabutan ako." I showed him my arms to show the goosebumps na nakuha ko. "Mukhang sa ating dalawa ay ikaw ang mas a-akto ng ganyan."

Turn na namin sumakay sa Space Shuttle, as usual, magkatabi kami ni Dion. Halos lahat ng Orient Crown members na kasama ko ay excited sumakay puwera kay Dion na pagkaupong-pagkaupo namin ay hinawakan agad ang kamay ko dahil kinakabahan siya.

"Sabihin mo nang kinakabahan ka," malakas akong natawa at pinisil ang kaniyang kamay.

"Oo na. Takot ako sa ganitong klaseng rides." Inis na sabi ni Dion habang umaakyat kami papataas dito sa Roller Coaster. "Tangina, ang taas."

"Sabi ko sa 'yo maghintay ka na lang sa baba kung natatakot ka." Bigla naman akong na-guilty noong makita ang kabadong mukha ni Dion. I mean ako ang nagpupumilit na sumakay sa mga extreme rides.

"Bakit kita hihintayin sa baba?" His brows scrunched. "Eh, gusto nga kita kasama. Gusto ko kapag masaya ka, nasa tabi mo 'ko." he said.

Kasabay nang pagbagsak namin sa Roller Coaster ay ang pagbagsak ko na naman sa mga words ni Dion. Actually hindi ko na nga masyadong naramdaman 'yong thrill nitong ride dahil more on kilig na ang nararamdaman ko, eh.

Pagkababa namin ay napakapit agad si Dion sa bakal na fence para makuha ang balanse niya. "Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Liu at inabutan ng tubig si Dion. "Dapat pala vinideo ko para may mapagtawanan ako sa boothcamp."

"Nagsalita ang hindi malakas sumigaw kanina sa Space Shuttle." Umalingawngaw nga sa buong paligid ang malakas na sigaw ni Liu ng 'Ayoko na!' eh.

"Gago, 'di ako natakot, ano lang 'yon..." Napakamot si Liu sa kaniyang baba. "Pampatanggal kaba." Dahilan niya at napailing na lang ako.

Pagkaalis namin sa Space Shuttle ay nagkaniya-kaniya na rin ang ibang members namin dahil may mga rides silang gustong sakyan na hindi naman din trip sakyan ng iba. Ang kasama ko ngayon ay sina Liu, Larkin, Genesis, Noah, at si Dion.

Pambawi kay Dion ay sa mga chill rides muna kami sumakay kagaya ng Rio Grande which is... Wrong idea dahil wala kaming mga baon na damit. "Tanginang 'yan, ang unfair ng buhay, kapag sa mga falls ay sa akin natatapat." Reklamo ni Liu habang malakas kaming tumatawa.

"Puwede ba tayo umulit doon?" Noah asked na parange xcited na excited na bata. Feel na feel ko ang pagka-ate ko kay Noah kapag nakikita kong nag-e-enjoy siya. Ngayon alam ko na 'yong feeling na may nakababatang kapatid kasi ganoon ko nakikita si Noah ngayon. I mean, lahat naman ng young members ng Orient Crown, I see them in that way.

Genesis yawned. "Ayoko na."

"Bili tayo ng Tshirt," Larkin smelled his shirt. "Hindi naman bina-bash ang Enchanted Kingdom pero ang baho ng tubig nila sa Rio Grande." Reklamo niya.

Naghanap kami ng malapit na souvenir shop para bumili ng Tshirt. Although, habang naghahanap kami ay may mga gamers din na nakakilala sa amin. They are saying na nanonood sila ng mga Live sa Hunter Online at 'yong iba naman ay casual viewer sa live lang.

Hindi pa rin talaga nawawala 'yong mga nagpapa-picture at sinasabing nanonood sila ng teleserye namin kahit hindi naman kami lumalabas sa TV. Nasanay na lang din kami and ina-accommodate namin sila, I mean, hindi naman kami mamamatay kapag may nagpa-picture sa amin. Ang ayoko lang 'yong biglang nanghahatak or nangungurot dahil minsan ay nagkakaroon ako ng mga pasa.

"Hindi ko talaga gets kung bakit overprice ang mga T-shirt dito sa Enchanted Kingdom. Sa Star City mura lang, buy one take one pa." Reklamo ni Liu habang namimili kami ng damit na pampalit. Mahina kong hinampas ang kaniyang braso dahil mukhang narinig noong sales lady ang kaniyang sinabi. "Sorry po, pero sa totoo lang tayo." Buti na lang talaga at mabait ang mga tao rito dahil hindi sila nagtaray kay Liu.

We ended up buying shirts at bumili na rin ako ng extra para ibigay kanila Kuya at sa mga friends ko kapag nabalik na ako sa Bulacan. I love staying at boothcamp pero nami-miss ko rin ang daily experiences ko sa Bulacan. I know that this competition is very crucial and very important for the team kung kaya't kailangan kong magtiis and galingan at the same time.

"Shopping yan?" Tanong sa akin ni Dion noong makita ang mga plastic na dala ko. "Anong tingin mo sa Enchanted, SM?"

"Alam mo, ang basher mo. Pangregalo ko 'to." Dahilan ko at inayos ko ang pagkakasuot ni Dion sa kaniyang T-shirt. We both get a similar t-shirt na may minimal design na logo ng Enchanted Kingdom.

"Larkin picture-an mo naman kami," Dion requested kay Larkin na inaayos ang porma niya sa salamin.

Oppa sighed. "Umay sa inyo, lods. Kapag ako nagka-jowa bibitbitin din kita, Dion, para tagakuha ng picture." Reklamo ni Larkin pero ginawa niya pa rin naman. Sa mga members ng Orient Crown ay si Oppa talaga ang may top tier skill sa pagkuha ng pictures.

Wala naman DAW silang tiwala sa akin pagdating sa ganoon dahil lahat ng kinukuhanan ko ay blurred. Mga walang suporta. I mean, pangit lang talaga ang quality ng phone nila kaya blurred. Hindi ko kasalanan.

"Sana pagkatapos ng tournament magkaroon naman tayo ng team building, 'no? Grabe 'yong stress ko sa Hunter Online ngayon. Bawat match iba 'yong kaba." Reklamo ni Larkin sa amin at napatango-tango ako.

"I-sure muna nating makakapasok tayo sa season four tournament. Regalo din natin kanila Sir Theo." Paliwanag ko. Grabe din kaya ang sakripisyo nila Sir sa amin. They are literally providing us everything para lang mas mag-improve ang mga laro namin.

Palabas na sana kami nitong souvenir shop noong mapansin kong wala sina Genesis at Noah rito. Sa pagkakatanda ko ay kasama namin sila. "Nasaan 'yong dalawang bagets?" Tanong ko kay Larkin.

"Ha? Ewan ko, 'di ba si Liu ang nagbabantay doon?" Larkin said.

"Luh, gago. Hindi ako, sa iyo binilin ni Coach sina Noah." At ayon na nga po at nagsisihan na silang dalawa kung sino ang nagbabantay sa dalawa.

"Basta nagpaalam silang dalawa na bibili lang sila ng pagkain. Baka pabalik na 'yon," kampanteng sabi ni Larkin habang tumitingin sa mapa ng Enchanted Kingdom. "Hmm... Saan kaya magandang sumakay na sunod?"

"Si Genesis at Noah talaga ang pinagsama mo. Alam mo namang walang kabisadong lugar dito si Noah samantalang boy lugaw si Genesis." Reklamo ko sa kaniya dahil 100% sure na ako ngayon na nalilugaw silang dalawa.

"Bobo mo kasi, pinabayaan mo." Reklamo ni Liu. So ang ending, hinanap naming apat sina Genesis at Noah

Ilang minuto ang lumipas bago ako naka-receive nang tawag galing kay Genesis. "Hello, nasaan kayo?" I asked calmly since alam ko naman na nasa loob pa rin sila ng Enchanted Kingdom. Malaki man ang theme park na ito, atleast nasa iisang lugar pa rin kami.

"Naliligaw kami. (Captain kanina la kami lakad nang lakad, ang sakit na ng paa ko!)" Dumagot si Genesis sa tanong ko pero rinig na rinig pa rin ang sumasapaw na boses ni Noah. "Ang ingay mo." Suway sa kaniya ni Genesis in monotonous tone. Ang cutie talaga nitong dalawang 'to at ramdam na ramdam kong magkasundo sila.

"Okay kalma lang kayo," I tried to calm them down.

"Kalmado ako. Sanay na ako." Genesis answered in sleepy tone. "Pasundo."

"Saang banda ba kayo?" tanong ko sa kanila habang nililubot ko ang paningin ko sa buong theme park dahil baka aksidente namin silang makita.

"Sa may Carousel." Genesis answered at alam ko na agad ang pupuntahan since malapit sa entrance ng Enchanted Kingdom ang carousel.

We immediately go in that area at nadatnan namin sila na parehas nakaupo sa gilid ng ride at pinagmamasdan ng mga tao. Hindi sila nakaupo sa bench... Nakaupo silang dalawa sa lapag! OMG! Hindi ko kinakaya ang mindset ng dalawang 'to.

"Kayong dalawang bata kayo, sarap ninyong konyatan. Bibili lang daw ng pagkain tapos kung saan-saan na kayo nakarating," reklamo ni Larkin sa kanila. "Ipapahamak ninyo pa ako. Liu, may tali ka ba diyan? Tali ko lang 'yong dalawa na 'to sa akin."

"Hindi naman namin kabisado 'tong dalawa ni bestfriend." Depensa ni Noah.

"Hindi kita bestfriend." Genesis said in sleepy tone.

Ayon, we continued roaming around the theme park at saktong may parade kaming nakita na kung saan dumadaan ang mga disney characters sa buong park.

"Hindi ko makita," reklamo ko dahil ang tatangkad ng mga nasa harap.

"Pasan kita?" Dion offered.

"Kaya mo ba ako?"

"Minamaliit mo yata 'tong mga tabs ko." Tabs talaga ang tawag niya dahil alam niyang hindi rin siya nag-e-exercise. Dion leaned down na akmang ipapasan ako. "Game."

Napangiti ako at pumasan kay Dion. It's allowed me to see those disney characters na pumaparada sa Enchanted Kingdom. "Huy si Mickey Mouse." Turo ko kay Dion.

"Bigat mo." Reklamo niya at pabiro kong sinabunutan ang kaniyang buhok dahil nga nasa likod niya lamang ako.

"Reklamador naman ng Cutie player ng Nueva Ecija."

"Hilig sa ganoong tawag." he said and we enjoyed the parade together.

Matapos noon ay bumili kami ng matching headband sa malapit na stall and we roamed around the Enchanted Kingdom. "May fireworks daw mamayang gabi." sabi ni Dion sa amin habang naglalakad. "Nabasa ko lang sa page nila."

"Huy gusto kong makita!" I clapped my hand. "Sakay tayo sa Ferris Wheel para mas malapitan nating makita."

Larkin moved his arm. "Pagod na ako. Kayo na lang. Sumakit lang ang ulo ko dito sa dalawang bata na 'to."

Tumingin naman ako kay Liu. "Pass na rin ako. Puntahan ko sila Robi, naglalaro yata ng shooting games."

"Ako hindi pa ako pagod, sama ako." Hyper na sabi ni Noah at mabilis siyang siniko ni Larkin. "Aray ko! Bakit ba?"

"Pagod ka na."

"Hindi pa nga ako pagod! Paladesisyon ka, katawan mo ba 'to?"

"Pagod ka na. Ramdam ko." Hinatak na ni Larkin papaalis sina Noah at Genesis. "Enjoy the fireworks together, hintayin na lang namin kayo sa bus." They walked away at naiwan na lamang kaming dalawa ni Dion.

"Sinadya lang nilang iwan tayo mag-isa, eh." sabi ko kay Dion dahil ang dami pa nilang palusot.

Kumamot si Dion sa kaniyang batok. "Panonoorin pa rin ba natin ang fireworks?" He asked.

"Oo naman, baka ngayong araw lang ang maging free time natin at may laban na ulit tayo sa mga susunod na araw. Kailangan talaga nating sulitin 'to. Kuha din tayo noong Teddy Bear doon sa mga games nila dito tutal maaga-aga pa naman." I checked my wristwatch at may isang oras pa kami before the fireworks show.

Hinawakan ko ang kamay ni Dion at naglakad kami. "Talagang tinutupad mo talaga 'yong mga Theme park fantasies mo na nababasa mo sa mga libro, 'no?" He chuckled.

"I just want to experience it kahit isang beses man lang sa buhay ko, 'no? Gusto ko lang maramdaman 'yong feeling noong isang main character." Paliwanag ko sa kaniya.

"Then you will be the main character for this day." Hinatak ni Dion ang kamay ko at pumunta kami sa mga games area.

Hindi na niya pinansin 'yong mga fans na lumalapit para magpa-picture. He made sure na sa mga oras na ito na ako lang ang kasama niya at we will just enjoy this day. Ganoon din naman ako, hindi na rin ako nagpaunlak ng mga pictures from fans kasi gusto ko rin naman i-enjoy ito kasama si Dion.

Una niyang tinry 'yong games na kailangan hindi madidikit sa bakal 'yong circle at kapag nadikit ay out na (sorry na, hindi ko alam ang tawag sa game na 'yon). Ang sabi niya ay mukha raw madali iyon among all games kaya ang ending... Hindi niya nagawa. Sa tatlong attempt ni Dion ay hindi niya nagawa at natatawa na lang ako.

"Ang competitive mo naman," I video him using my phone.

"Hindi ako naging professional player para sukuan ang ganitong klaseng game. Ate isa pang try," kausap niya 'yong staff nitong booth.

Natatawa ako sa frustrated reaction niya kapag hindi niya nagagawa. "Wala na akong cash dito hindi ko pa rin nakukuha 'yong malaking Teddy bear," humarap si Dion sa camera. "Ano 'yan, upload mo sa IG?" he asked.

Umiling ako. "No. This video is for my eyes only."

Dion smiled malapit sa camera. "Hello sa video na para lang sa mata ni Milan. I love you."

"Chika mo."

"Hindi ako nagchi-chika. Wait mag-withdraw lang ako. Naubusan na ako ng cash." Dion checked the Enchanted Kingdom map kung saan may malapit na ATM machine para makapag-withdraw siya.

"'Wag na, baliw. Pumila na tayo sa Ferris Wheel, malapit na rin naman ang fireworks show." sabi ko and ended the video already.

"Last five tries. Hindi ko pa nakukuha 'yong Teddy bear. Hindi ko matutupad 'yong isa sa mga novel dreams mo." he informed me.

"That's okay. Hindi naman din mahalaga 'yong manika na 'yan."

"Tangina, pinag-aksaya mo pa ako ng pera." Malakas akong natawa.

"Huy, ikaw ang nagpumilit na gusto mong i-try na makuha. Pero okay lang kahit hindi mo nakuha, nakita ko naman 'yong effort and eagerness mo na makuha 'yong prize. Okay na ako doon." We walked towards the ferris wheel direction and hopefully ay hindi ganoong kahaba ang pila.

"Mas kikiligin ka sana sa akin kung nakuha ko 'yon."

"Alam mo, iniisip ko din dati 'yan na nakakakilig kapag binigyan ako ng taong gusto ko ng prize from booth games dito sa theme park. Pero ngayong na-experience ko siya first hand, hindi ako kinikilig sa mga stuff toys. Kinikilig ako na mapanood ka na sobrang competitive mo sa mga bagay-bagay. And I think that's enough. Naka-save na 'yong ganoong image mo sa utak ko."

Saglit kaming bumili ng tubig dahil sa pagod at pumila na sa ferris wheel. "Ang taas pala nito." Tiningala ni Dion ang kabuuan ng ride.

"Takot ka sa height?" I asked.

"Hindi." He simply answered. "Pero takot ako sa Roller Coaster kanina."

"Pero ginawa mo pa rin."

"Kasi gusto ko magmukhang matapang sa harap mo. Pero next time hindi na talaga ako sasakay sa extreme rides, pakiramdam ko ay nababawasan ang life span ko dito sa Earth." reklamo niya na nakapagpatawa sa akin.

"Atleast sumakay ka. Proud of you." I pinched his cheeks.

"Bukas back to gaming na naman. Nasira na 'yong momentum natin."

"Okay lang. Paniguradong lahat naman tayo nag-enjoy. Nasira man ang momentum natin, atleast lahat tayo babalik ng boothcamp na masaya. Hindi tayo agit sa pressure."

"Sa bagay."

Noong turn na namin ay sumakay na kami sa isang cable at habang papaangat ay pinagmamasdan ko ang baba kung saan makikita ang kabuuan ng Enchanted Kingdom. "Paano kaya kapag nahulog ako sa ganitong klase kataas, mabubuhay pa kaya ako?" Tanong ni Dion habang tinitingnan ang mga taong parang nagiging langgam na habang papaangat kami nang papaangat.

"Siyempre hindi na. Ang taas na kaya nito." sabi ko sa kaniya.

Me and Dion talked about random things. I mean araw-araw kaming magkasama pero hindi kami nauubusan ng topic na mapag-uusapan. Kahit sobrang random na bagay ay may insight kaming dalawa.

"Sorry kung hindi ko nagawa 'yong mga bagay na gusto mong gawin dito sa Enchanted Kingdom." sabi ni Dion.

"Baliw. For me, this is one of the memorable experience with you. Hindi ito kagaya noong mga nababasa ko sa mga novels, this is reality but I had fun. Thank you, Dion," sabi ko sa kaniya at napangiti siya.

Naputol ang usapan naming dalawa noong makarinig kami ng malakas na pagputok mula sa labas. The fireworks show started at feeling ko ang lapit ko sa kanila dahil kitang-kita ko sa malapitan ang magandang view na nagagawa noong mga paputok.

Vinideo ko 'yong fireworks show at napatingin ako kay Dion na ako ang bini-video niya. "Ba't ako 'yong vini-video mo, para kang sira."

"This is for my eyes only din." He said.

Matapos naming mapanood ang firework show ay nakatanggap na kami ng text kay Coach Russel na kailangan na naming bumalik sa bus dahil mahaba pa ang biyahe namin oabalik sa Boothcamp.

Pagkabalik namin sa bus ay nandoon na ang lahat at kami na lang ang hinihintay. "Sulit na sulit, ah. Kapag kayo nag-break, iyak kayong dalawa." sabi ni Liu. "Siyempre iyak din ako, nakikirelasyon na ako sa inyong dalawa, eh."

"Baliw." Dion said at umupo na kami sa seats namin.

Tahimik na ang naging biyahe namin, siyempre, pagod na ang lahat. Sana nga lang ay makalaro ng maayos ang mga members ko bukas.

Tiningnan ko ang IG post ni Dion kung saan nakalagay ang picture ko habang nakatingin sa fireworks with the caption:

She watched the sparkle from the fireworks. I watched the sparkle in her eyes. Worth it.

Ang dami agad hearts noong post ni Dion. "Paano mo nagagawa 'yong mga ganyang caption, ha!"

"Matalino ako, eh" Pagmamayabang niya. "Joke lang, google."

Dinantay ni Dion ang kaniyang ulo sa balikat ko para makatulog siya. Habang ako naman ay nagbasa ng mga lectures na sinend sa akin ni Shannah. Kailangan talaga next week ay bumalik ako sa Bulacan para pumasok sa school, nahihirapan akong i-absorb ang mga topic namin ngayon sa math at programming.

Buong biyahe ay tahimik lang akong nagbabasa noong marinig ko ang sigaw ni Sir Theo. "Ano?! Anong nangyari?!" Napatayo si Sir habang may kausap siya sa phone.

Naputol ang aking pagbabasa at maging si Dion ay nagising sa lakas ni Sir Theo. "M-May problema po ba, Sir?" tanong ko.

"Si Callie, naaksidente sa La Union."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top