Chapter 94: Error and Luck
Twitter party tomorrow (May 30 - Sunday)
Time: 3PM onwards
Tagline: HUNTER ONLINE WATTPAD
You can also tag me on your tweets (@Reynald_20) para madali kong makita ang tweets ninyo. Just include the tagline on your tweets lang. ☺️
Nakakatawa parating isipin na parang nag-iibang tao ang lahat kapag nasa loob na kami ng game. I mean, I know that they are still the same people pero mas nagiging seryoso ang lahat sa loob ng Hunter Online. Focused kaming lahat sa aming goal—ang hindi masira ang winstreak ng Orient Crown.
I am well-aware na hindi madaling kalaban ang Raging Bull lalo na't lumaro na rin sila sa Summer Cup noong nakaraan lamang. Hindi na sila Rookie pagdating sa mga tournament kung kaya't alam kong may mga bala din silang nakahain laban sa amin.
Tumatakbo ako sa corridor nitong building na aking pinagtataguan habang mahigpit ang hawak ko sa Wakizashi Sword ko. Binuksan ko ang isang kuwarto na mukhang tambakan sa dami ng kahon sa paligid. Pumosisyon ako malapit sa bintana at tanaw na tanaw rito ang park na sentro ng Battlefield ngayon.
[Orient Crown] Shinobi: May dalawang miyembro ng Raging Bull sa may park, nakatago sila sa taas ng puno. Mage at fighter ito ng kabilang grupo.
I informed everyone sa mga bagay na nakikita ko. As the person who is incharge of shotcall in our team, kailangan ay maging precise ako sa mga information na sasabihin ko sa mga team mates ko. Mahalaga ang bawat impormasyon na ilalapag ko dahil mas pinapalaki nito ang chance na manalo kami sa laban.
[Orient Crown] Maliupet: Ite-take ba natin ang chance na ito para atakihin sila?
[Orient Crown] Shinobi: Standby muna kayo. Let me check the area first before we make our move. Baka mamaya ay ambush iyan ng kalaban. We need to secure our safety first.
[Orient Crown] Maliupet: Copy, Boss Madam
Napairap na lamang ako sa ere noong mabasa ang chat ni Liu, hanggang sa game ba naman ay Boss Madam ang tawag niya sa akin.
Napahinga akong malalim bago umalis sa pinagtataguan ko. As the shotcaller of the team, kinakailangan kong libutin ang buong map as much as I can para lang mahanap ang iba pang mga kalaban namin. Crucial at delikado para sa parte ko dahil kapag namatay ako ay liliit ang tiyansa ng grupo namin na manalo sa labang ito.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus (Dion) and Vortex (Elvis) protect ninyo lang si Esquire (Kaizer). ShadowChaser (Juancho), huwag ka ring masyadong lalayo sa location nila para mabilis kang maka-respong kung sakaling may clash na may maganap.
[Orient Crown] Rufus: Copy.
[Orient Crown] Knightmare: Yiie, Million layag
[Orient Crown] Shinobi: Noah, focus.
Dahan-dahan akong tumakbo papalabas noong room na pinagtataguan ko. Mabilis akong umakyat sa rooftop at tumalon sa mga kalapit building noong pinanggalingan ko kanina. Isa ito sa mga advantage namin bilang Assassin, maliliksi ang mga avatar at madaling nakakatalon sa mga matataas na building.
Nakatingin pa rin ako sa dalawang miyembro noong Raging Bull noong biglang may tumamang palaso sa aking braso. Napatigil ako sa ere at bumagsak sa tuktok ng isang building. Nagpagulong-gulong ako at mabilis na kumuha ng healing potion sa inventory ko para mapuno muli ang health bar ko.
"Natamaan ko si Shinobi!" malakas na sigaw noong isang miyembro ng Raging Bull na nakatago sa water tank ng kalapit na building. Shit, hindi ko ito napansin dahil masyadong akong na-focus sa dalawang member nila na nasa park.
Mabilis akong pumagulong para makatayo at tinanggal ang palaso na tumama sa aking braso. Unti-unting naghilom ang sugat ko dahil na rin sa ininom kong potion.
[Orient Crown] Knightmare: Captain, okay ka lang?
[Orient Crown] Shinobi: Kukuhanin ko ang atensiyon ng ilang members ng Raging Bull, attack those two na nasa park. Decoy ako.
Sunod-sunod na palaso ang lumilipad tungo sa aking direksiyon at mabilis akong pumagulong sa likod ng isang makapal na pader upang maiwasan ito. Mahigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko. Buy time lang ang kailangan kong gawin. Mali ko rin naman kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon, eh.
I analyzed the situation first. Kalaban ko lang ang marksman ng Raging Bull at alam kong sooner ay dadating na ang backup nila.
"Kailangan ko lang sila i-lure papalayo sa park." mahina kong bulong at mabilis na tumakbo.
Tumalon ako papunta sa kabilang building habang hinahabol ako ng mga palaso ni ThirdMoon (core member ng Raging Bull). Noong makita ko ang isang tumpok ng nakaplastik na basura ay ibinagsak ko roon ang aking katawan. Nabawasan man ang aking buhay ay ayos na iyon dahil ang pinaka-goal ko lang naman ay matakasan si ThirdMoon.
Habang tumatakbo ako at pagkaliko ko sa isang eskinita ay napatigil ako sa pagtakbo... Dead end. Masyadong mataas ang pader para matalon ko ito at wala ring mga mabababang bintana na madali pang mababasag.
"Wala ka nang matatakasan, Shinobi." ThirdMoon stated habang nakasunod sa kaniya si BloodDrainer— ang tank ng Raging Bull. For an assassin like me, ito na ang pinakamahirap na sitwasyon, ang ma-corner ako.
Hindi ako makapaglilikot para makatakas. At this moment, alam kong mae-eliminate na ako sa laro kung kaya't ang kinakailangan kong gawin ay mabawasan ng malaki ang core member nila upang hindi mahirapan si Esquire sa pagpatay dito.
"Sinong may sabi na tatakas ako?" I casted my spell on my feet at mabilis na tumakbo tungo sa kanilang direksiyon. It caught them off guard, akmang aatakihin ko si ThirdMoon noong mabilis na himarang ang shield na hawak ni BloodDrainer. Mabilis akomg tumalon papaatras bago pa ako matamaan noong hawak niyang maso.
Shit, as long as nandito si BloodDrainer ay mahihirapan akong makalapit kay ThirdMoon. He is the tank of the team, sasaluhin niya lang ang lahat ng damage na gagawin ko, and guess what? Hindi ganoon kasakit ang damage ko sa mga tank players dahil ang equipments ko ngayon ay naka-set against mage and marksman user. Kung minamalas ka naman talaga, Milan.
ThirdMoon used his Giant Bow and fires three individual arrows towards my direction. Dahil nga na-corner na nila ako ay tumama ang dalawang palaso nito sa akin. And trust me, it inflict a huge damage on my health bar.
Instead of fighting back ay nagpadala na lang ako ng mensahe sa buong Orient Crown.
[Orient Crown] Shinobi: mae-eliminate na ako soon. Skorpion (Genesis) ikaw na ang bahala mag-sub sa akin.
"Maaga man kaming nalaglag noong Summer Cup ay sisiguraduhin naman namin na makapapasok kami sa mga team na makukuha upang makalaro sa mismong Tournament." sabi sa akin ni ThirdMoon. I mean, that's the goal, ang makapaglaro sa season 4 tournament.
Tinanggal ko ang palasong nakabaon mula sa aking tagiliran at umayos anb pulang likido mula rito. Pinagpapasalamat ko na lang din talaga na game lang ang lahat ng ito dahil kung sa totoong buhay 'to? Oh God, I am dead already.
"Magagawa ninyo man akong ma-eliminate sa laro ay mahihirapan naman kayo na mapatay ang mga kasamahan ko." I smirked and dodged all those arrows that ThirdMoon's firing towards my direction.
Mapatay man nila ako paniguradong mapapatay naman nila ang mage at fighter ng kabilang grupo. Enough na siguro 'yong oras na nabigay ko sa kanila upang maisagawa ang plano.
"Captain!" Napatigil ako sa pag-iwas noong marinig ang boses ni Esquire sa taas ng isang mababang establisyimento. He used his crossbow to attack ThirdMoon dahilan para mapatigil ito sa pag-atake sa akin.
"Bakit ka nandito?!" Malakas kong sigaw at humigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko. Mabilis kong inatake si BloodDrainer at iniharang niya agad ang kaniyang hawak na maso. Nagtama ang espada at maso niya na naglikha ng malakas na ingay sa paligid.
Hinayaan kong maglaban sina Esquire at ThirdMoon. It is our core against their core. Ang kailangan ko lang gawin ay i-divert ang atensiyon ni BloodDrainer upang hindi niya magawang protektahan si ThirdMoon.
Pero, hindi dapat nandito si Esquire! Dapat ay focus lang siya sa pagpatay sa dalawang miyembro nitong Raging Bull na nasa parke. At isa pa, hindi niya kasama sina Rufus at Vortex! Delikado na kumilos para sa isang core ang walang kasama na tank o support man lang.
Sira na ang plano. I just need to do my best para maka-survive kami ni Esquire sa sitwasyong ito.
"Push back!" Napatigil ako noong biglang kumislap ng maliwanag ang shield ni BloodDrainer at may malakas na puwersa na tumama sa akin dahilan para tumilapon ako papalayo sa kaniya. Tumama ang likod ko sa malaking pader at dahan-dahang napatayo kahit pa ang sakit ng naging damage nito.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus Vortex, puntahan ninyo si Esquire dito. ASAP.
[Orient Crown] Vortex: Napapalaban kami dito sa parke. Matatagalan bago kami makapunta diyan.
Akmang tatakbo si BloodDrainer sa direksiyon ni Esquire.
Dash.
Mabilis akong tumakbo at malakas na sinipa ang kaniyang ulo dahilan para mapabagsak ito. Laban nila itong dalawa king kaya't hindi dapat mangialam itong si BloodDrainer.
Sira na ang plano namin kung kaya't kailangan ay manalig ako kay Esquire. If he will be able to eliminate ThirdMoon, mas magiging madali ang lahat para sa amin.
"Aminin mo na, Shinobi, mahina ka kapag wala si Rufus." BloodDrainer said at ibinaon ko ang Wakizashi sword ko sa kaniyang tagiliran dahilan para mahirapan siyang makatayo. Mataas ang depensa ni BloodDrainer kung kaya't alam kong hindi siya agad mamamatay sa aking ginagawa.
"Aminin na natin, mas magaling na tank si Rufus kaysa sa 'yo. Assassin lang ay napipigilan ka pang mapagalaw? What a weak shit." Seryoso ko siyang tiningnan ng mata sa mata. I need to trigger him para sa akin lang ang focus niya dahil sa inis.
Natutunan ko ang bagay na iyon kay Callie. Trashtalk ang nagpapawala sa focus ng isang player. Basta, huwag mo lang aatakihin ang personal na buhay ng isang player sa pangta-trashtalk because the moment that you do that, talo ka na.
Napatingin ako kay Esquire na kinakalaban si ThirdMoon. Esquire amazed me dahil nagagawa niyang masabayan si ThirdMoon, lamang pa nga siya actually. Nagulat na lamang ako noong biglang mabasag ang bintana sa kalapit building at dalawang player ang bumababa mula sa building.
[Raging Bull] Crusher
[Raging Bull] SnakeEye
"Surprise, Queen." sabi sa akin ni Crusher na assassin ng Raging Bull samantalang si SnakeEye naman ang kanilang support o healer.
Nabato ako sa kinatatayuan ko at maging si Esquire ay napatigil. ThirdMoon take that as an advantage dahil nagawa niyang maatake si Esquire gamit ang kaniyang Giant Bow.
Madami akong baon na plano pero hindi ko inasahan na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. It is now 4v2 at ang masama pa ay isang Tank, Assassin, Support, at Marksman dito. Balanse ang defense at offense nila. At this point ay alam kong mae-eliminate na ako sa match na ito.
TINANGGAL ko ang nerve gear at paulit-ulit na malalim na paghinga ang ginawa ko upang hindi tumagal ang inis na nararamdaman ko. Lately, puro panalo ang nangyari sa Orient Crown at ngayon ko lang na-experience na matalo ulit na ako ay isa sa mga lumaro.
Inapiran ako ni Larkin at malungkot na ngumiti. "Nice game. Nice game." He said but I know that he is disappointed na nasira ang win streak namin.
"Lumalaro pa sina Dion, kaya pa 'yan, Captain." sabi ni Robi at naglakad kami patungo sa sala upang panoorin ang match na nangyayari.
Umupo ako sa couch at pinanood ang match. At this point alam kong matato na kami. Dalawang importanteng member ang nawala sa laro— the shot caller and the core. Malilimitahan na ang galaw ng Orient Crown sa labang ito.
"Alam mo kung saan nagsimula ang pagkamalas ng Orient Crown sa labang ito, partner?" Hanz asked his co-shoutcaster. "Noong nagka-error si Milan at nasundan pa ito nang sunod-sunod na error. Sabi nga nila, walang perpektong plano at nahanapan iyon ng butas ng Raging Bull."
Error, isang salita pero iyan ang word na dapat iwasan ng player na mangyari sa isang game. Hindi ka dapat magkamali lalo na sa malalaking matches. Well, tama naman din si Hanz na ako ang unang nagka-error which is nagkaroon ng chain reaction sa team.
The moment na nagpalit kami ng plano ay nagulo na ang galaw ng lahat. Wow, ngayon ko masasabing ang sakit sa ego noong pagkakamali na iyon.
Agad kong napansin ang pagiging tahimik ni Kaizer. I tapped his back at ngumiti. "Okay lang 'yan, ganiyan talaga sa laro. Minsan ay nanalo, minsan ay natatalo. Reset lang, hindi pa naman tayo laglag." I comforted him.
Wow, ganitong-ganito rin kaya ang nararamdaman ni Captain Axel noon sa tuwing natatalo kami sa match? Ang bigat sa pakiramdam pero kinakailangan mong umakto na parang okay lang sa 'yo ang nangyari para hindi maapektuhan ang mga team mates mo.
"Sorry Captain, error ko." Kaizer stated.
"Error ko rin. Akin 'yon. Bawi next game." sabi ko.
"Pero tingnan mo, partner! Mukhang walang balak sumuko ang Orient Crown sa labang ito!" Sigaw ni Andrei na isa ring shoutcaster at ka-partner ni Hanz. Napabaling ang tingin namin sa TV at tama siya lumalaban pa sila Dion. "Noong ma-eliminate si Shinobi at Esquire sa laro ay nag-step up ng laro si Skorpion! He became the shotcaller and the Core of the team."
Napakapit ako sa damit ni Larkin noong makita kong hindi sumusuko si Genesis. Nagawa niyang ma-eliminate ang isang miyembro ng Raging Bull.
"Kung makalukot ka naman sa damit ko, kabibili ko lang niyan last week." Oppa stated at napatawa na lamang ako.
"Mukhang ayaw ni Genesis na masira ang win streak na mayroon ang Orient Crown, partner," Hanz stated. Bakit ko nga ba inisip agad na matatalo kami? We still have Genesis, one of he strongest member of Orient Crown. At isa pa, Genesis can act as the shot caller or the core na pinagsasabay niya ngayon (trust me, ang hirap gawin nang ginagawa niya ngayon).
Mabilis na tumatakbo si Skorpion upanh hanapin ang lokasyon ng kalaban habang nakasunod sa kaniya si Knightmare (Noah). I forgot that we still have this amazing duo. Sa sobrang FC ni Noah kay Genesis ay maging sa game ay nakabisado niya na ang galaw nito. And one more thing, Noah is trained by Callie personally kung kaya't advance din ang way of thinking ng batang iyan pagdating sa game.
As in pigil hininga ako habang nangyayari ang match at napapatalon pa ako sa aking kinauupuan sa sobrang intense ng nangyayari. Parang hindi na qualifiers ang pinanonood ko dahil ang ganda ng laro na ipinapakita ng lahat. Kanina ay sumusuko na ako at tinanggap ko na ang pagkatalo namin pero ngayon ay may natatanaw na akong hope. We still have a chance.
Iyong pagkawala namin ni Kaizer sa laro ay nagkaroon ng malaking impact sa team mates namin. Lahat sila ay mas focus na sa laro. Iniiwasan nilang magkaroon ng error dahil isang maling galaw lang... Tapos na ang laban.
[Orient Crown] Skorpion: Maliupet, sacrifice ka na. Bawasan mo ng malaki ang tank nila bago ka mamatay. ShadowChaser, use your ultimate skill para mamatay ang tank nila. Kapag hindi namatay, I will hit the final blow.
Liu immediately followed Genesis instruction. I can't helped but be proud kay Liu kasi sumusunod na siya sa mga instruction na ibinibigay sa kaniya. Hindi na siya nadadala ng emotions niya at nagiging isa na siya sa mga main members ng Orient Crown.
Napapasigaw na kami sa Boothcamp sa pagiging intense ng mga nangyayari. Kahit pa inaatake si Liu ng ibang members ng Raging Bull ay focus lang siya sa pag-atake kay BloodDrainer. He just accepted the damaged from other players pero walang pakialam si Liu, ang goal niya ay mabawasan ng malaki si BloodDrainer kahit pa mamatay siya.
Noong na-eliminate na si Liu sa laro ay mabilis na nag-cast ng skill si ShadowChaser which deals a lot of damage kay BloodDrainer, at noong hindi pa ito namatay ay ginamitan ito ng skill ni Skorpion.
Napapasigaw at napapatalon kami sa tuwa dahil nabaligtad namin ang laro. Wow, deserved ni Genesis ang isang linggong katahimikan sa buhay niya after this match.
Liu immediately removed his nerve gear at sumingit sa couch para manood ng nangyayari. "Putangina ano na ang balita?" He asked while he is watching the match.
"Nice one boy pipe!" Napapasuntok sa hangin si Larkin habang pinagmamasdan ang laban. I mean, may advantage na kami sa laban na ito. Wala ng tank ang Raging Bull at malalambot na players na lamang ang natitira. We still have Dionas our attack na puwedeng-puwedeng sumalo ng mga atake at nandiyan pa si Elvis na kayang i-enhance ang attack at speed ng bawat members.
"Orient Crown got their third win against Raging Bull and they are still undefeated dito sa qualifiers!" Sigaw ni Hanz at maging ang comment section noong livestream ay umuulan ng papuri sa Orient Crown. "What an amazing turn of events! Nagawa pang baliktarin ng Orient Crown ang sitwasyon!"
"Be bold!" I shouted.
"Gold!" They answered in unison at malakas kaming napasigaw sa boothcamp.
Pagkatanggal nila Dion ng kanilang merve gear ay mahigpit kaming nag-group hug at ginulo-gulo pa namin ang buhok ni Genesis (which is hindi siya natuwa).
"Orient Crown showed to everyone that they are really the monster rookie of this season. No core? No shotcaller? No Captain? Okay lang! They still have Genesis, ang pinakamadaldal na player sa buong Professional league!" Sigaw ni Andrei.
Umuulan ang comment section ng livestream ng korona which is their way to support our team. "Nice catch, Genesis!" Malakas kong sigaw and he just nodded.
Bumaba si Sir Theo at Coach Russel, they praised us at isa-isa kaming niyakap. "Nice game, everyone!" Coach Russel clapped his hand. "Reset tayo! Reset tayo! Huwag tayong makampante, let us strategize kung paano natin matatalo ang susunod na grupo at maiiwasan na magka-error sa susunod na match."
"Yes, Coach!" We answered in unison.
Madami sa mga fans ng players individually ang nagpadala ng pagkain sa boothcamp para i-congrats kami sa aming pagkapanalo. As in! Nabusog ako sa dami ng pizza, ice cream, chicken wings, and snacks na dumating sa boothcamp. Ramdam na ramdam ko ang suporta ng buong Orient Crown fans.
Kailangan na namin mas maging maingat sa susunod na laban at iwasan magka-error. Hindi namin alam kung hanggang kailan namin masasalo ang pagkakamali ng isa't isa. Hangga't wala si Callie sa boothcamp ay kailangan namin mas lalong mag-focus at magseryoso sa laro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top