Chapter 92: Asset of the Team

IKALAWANG ARAW na ng qualifying round. Nasa sala kami ng buong Orient Crown at hinihintay na matapos ang naunang match bago kami sumalang. We are all wearing our jersey at hawak ng mga lalaro ang kani-kanilang nerve gear na gagamitin sa laban.

"Tandaan ninyo, focus lang kayo sa laro at makiramdam sa team mates ninyo. Saluhan lang. Iwasan ninyo matamaan ng mga skills nila. Isang combo lang kayo ng Twin Blaze ay paniguradong out na kayo sa laro." Paliwanag ko habang tinitingnan ang mata nilang lahat at nakaupo sila sa mahabang sofa.

"Yes, Captain!" They answered in unison.

Isa ang Twin Blaze sa mga bagong grupo na nabuo sa Hunter Online at wala ako masyadong alam sa kung paano sila lumaro. Pero iba si Larkin Oppa, may ways talaga siya para makakuha ng information sa ibang team. Ayon kay Oppa ay binubuo ang Twin Blaze ng Mage at Support sa kanilang mga labanan. They usually target one enemy at a time. They will burst their skills sa kanilang target para mabilis itong ma-eliminate sa laban.

Sina Kaizer, Callie, Larkin, Genesis, Noah, Dion, Kaden, at Elvis ang sasalang sa laban ngayong araw. Napatingin ako sa TV at tapos na ang laban na pinanonood namin. Tumayo na ang mga lalaro at inapiran kami isa-isa.

"Good luck, guys, remember to keep your distance to your enemy at kapag nalapitan ninyo sila... Take that as your chance. Callie, Kaizer, Larkin, Genesis... Kayo na ang bahala para mahuli sila." I explained and smiled. I mean malaki ang tiwala ko sa mga miyembro ng Orient Crown na lalaro ngayn kahit wala ako sa lineup. They know how they will handle the situation.

"One more thing, siguraduhin ninyo na mataas ang magic defense ng mga equipments and armors ninyo para ma-lessen ang bawat kahit papaano. Be bold..." Ibinaba ko ang kamay ko at pumabilog ang buong team.

"Gold!" We shouted and I clapped my hand.

Pumuwesto na sila sa inclining chair at umakyat na sina Coach at Sir Theo sa itaas (since bawal sila sa match area). Tinulungan ko sina Genesis sa pagkakabit ng Nerve gear nila. I immediately checked Noah. Umaakto lang ito na parang cool at hindi kinakabahan (since he idolized Callie) pero kabisado ko na ang batang ito.

"Huwag kang kabahan." sabi ko kay Noah.

"S-Sinong kinakabahan? Buhatin ko pa kayo." he responded at napailing na lang ako. Magkapatid nga yata sila ni Callie, kapag naging mas malakas pa si Noah ay iba na rin ang hangin na dala niyan.

"Focus ka lang. Kulitin mo lang sila, malaki ang papel mo sa laro Noah since ikaw ang decoy namin para makuha ang atensiyon ng Twin Blazer." Paalala ko sa kaniya at tumango ito sa akin.

Napatingin sa akin si Dion habang kinakabit ang kaniyang nerve gear. Ang aga ng match namin ngayong araw pero itong lalaki na ito ay walang ligo-ligo kahit ie-ere sa facebook page ng Hunter Online ang match na ito. Same old paniniwala noong nasa Battle Cry kami, minamalas daw siya sa match kapag naliligo siya before the match.

"Captain na Captain naman ang datingan," nakangising sabi ni Dion. "Sa akin po, Captain, wala ka pong payo?"

I rolled my eyes and he chuckled. "Maligo ka before the match. Iyon ang payo ko sa 'yo." Kunwari ko pang tinakpan ang aking ilong pero sa totoo lang ay hindi naman mabaho si Dion even hindi siya naligo. Sa game naman, wala naman na akong maipapayo kay Dion dahil alam niya ang ginagawa niya.

Noong nalipat kami ni Dion sa Orient Crown ay hindi na siya masyadong nagpa-panic sa mga match at alam na niya kung sino ang poprotektahan. Hindi rin naman kinakabahan si Dion sa mga nakakalaban namin dahil ilang taon na rin naman siya sa mundo ng esports, hindi na siya masyadong nagpapalamon sa kaba at takot (unless it is a big match).

"Hindi man ako naligo, mabango ako. Saka, pampasuwerte 'to, tingnan mo mananalo tayo." He wiggled his brows at pumunta na ako sa living room at umupo sa couch.

Magkakasama kaming lahat ng members ng Orient Crown upang panoorin ang magiging laban. Although, ilang beses na akong lumaro sa mga tournament pero mas nakakakaba pala kapag isa ka sa mga team mates na nanonood ng laban. I mean, you will see the match in different perspective. May concrete plan naman kami pero nakakakaba pa rin dahil baka biglang ma-counter ito ng Twin Blaze.

The commentators or the shoutcasters make the match more thrilling by hyping the viewers. "Hindi rin talaga mabilis na matatalo ang Twin Blazers dito dahil more on offense sila. Kapag naatake ng mga mages nila ang assassins at Core members ng Orient Crown ay paniguradong mae-eliminate agad ito sa laro. Talagang sumali sila sa qualifier round na handang-handa sila na para bang sinasabi na deserve nila ang isang slot sa season four tournament." The shoutcaster said named Andrew.

"Ulol, anong handang-handa doon? Marami na ang gumawa ng ganyang line up sa mga nakaraang season." Side comment ni Liu at napailing na lang ako. Mabuti na lang talaga at sa kaniya-kaniyang boothcamp ginagawa ang qualifying round, kung hindi... Baka naka-trashtalk-an na nila ng personal ang ibang mga teams.

"Pero siyempre huwag din nating maliitin ang Orient Crown, sa mga bagong team ay sila ang pinakamaingay sa gaming community ngayon," sabi naman noong kausap niyamg shoutcaster na ang pangalan ay Carlo. "Look at their lineup, kahapon ay ang solid ng lineup nila pero ngayon ay may mga players silang biglang isinalang na sa tingin ko ay hindi naman nakapagpabawas sa lakas na mayroon ang Orient Crown."

"Tama ka diyan, Partner. Tingnan mo rin ang equipments ng Orient Crown. Halatang pinaghandaan nila ang laban na ito dahil matataas ang magic defense ng armor nila na talagang pangontra against Twin Blazers."

"The thing about the Orient Crown, they have Larkin, Milan, and Callie na alam naman natin na kino-consider na pinakamauutak na players sa mundo ng Hunter Online. At ang coach nila ay nanalo noong season one kung kaya't grabeng battle plan talaga ang naiisip ng Orient Crown. Definitely, one of the monster rookie this season."

Nawala na ang mga shoutcasters sa screen at ipinakita na ang mga players na mukhang magsisimula na ang laban. "Okay, the match against Orient Crown and Twin Blaze will now start at makikita naman sa map na..."

Nagsimulang magpaliwanag ang mga shoutcaster pero hindi ko na masyadong inintindi iyon. Nag-focus ako sa kung paano ie-execute nila Dion ang plano.

"Captain, bakit hindi ka lumaro ngayon? Sino ang magsha-shotcall sa match ngayon?" Nagtatakang tanong ni Orpheus.

Mahalaga sa isang match ang player na nagbibigay ng shotcall para sa team. Sila ang nagre-report ng bawat galaw ng kalaban at maging ang skill cooldown nito (kung kaya din). "Nandiyan si Larkin saka si Genesis."

"Ha? Hindi ba sabi ni Larkin hindi siya sanay?" Tanong muli ni Orpheus.

"Naniniwala ka doon, ayaw lang no'n ng trabaho. Hangga't kaya ipasa sa akin ay ipapasa noon sa akin." Bahagyang natawa si Orpheus. 'Yong Captain position, obviously, kaya naman ni Larkin talaga and he proved it to me ilang beses na. Sadyang gusto niya lang mag-Tiktok sa free time niya instead na gumagawa ng plano. "At isa pa, nandiyan din si Genesis. Hindi man siya nabiyayaan ng energy pero kaya din ni Genesis mag-shot call sa game."

Dumating si Robi na may hawak ng isang bowl ng pop corn. Ipinatong niya ito sa center table at wala pang Five minutes ay naubos na ito. "Tangina ninyo, ako nagluto kayo kumain." Reklamo ni Robi habang naiiling.

Focus kami sa panonood ng laban at mukhang naghahanda ang Twin Blaze para sa isang ambush dahil nakaposisyon sila sa mga cabin house at kapag may dumaang Orient Crown member ay paniguradong pauulanan nila ito ng skill.

"Sa oras na may madaan na member natin sa area na 'yan. Sure deads na 'yon." Robi said.

"Kung aksidente silang mapapadaan." Dugtong ko at napatingin ang members sa akin. "In-expect na namin nila Larkin ang ganiyang senaryo at may bala kami para makontra ang ganiyang ambush. Kung magagawa ng mga Assassin members natin na makapuslit sa lugar kung saan nag-aabang ang mga mages ng Twin Blazers, magugulo ang plano nila." I explained at bumalik sila sa pagtutok sa TV.

"Nasa Orient Crown ako pero nalulula ako sa mga planong naiisip ninyo." Orpheus said at napailing na lamang ako.

Isa siguro sa mga bagay na natutuhan ko kay Callie ay kung hindi gumana ang Plan A, siguraduhin mo na marami ka pang plano na nakahanda. You must think the worst case scenarios para maiwasan na matalo sa isang match.

Pinagmasdan ko ang match are at ilang minuto na ang lumilipas magmula magsimula ang laban. Nabigla ako noong mag-isang naglalakad si Larkin patungo sa Cabin area. My brows scrunched. "Anong binabalak ng tao na ito?" Wala ito sa napag-usapan namin!

Isa pa sa napansin ko ay wala si Dion malapit kay Callie, he is in charge sa pagprotekta rito. Callie is smirking while playing his gun between his fingers. Alam kong may plano si Callie pero kinakabahan ako dahil wala akong ideya kung ano ito.

Nagsimulang magpaulan ng skill ang Twin Blazers patungo sa direksiyon ni Callie. Focus na focus ako sa panonood at hindi ko pinalampas ang bawat detalye. Bago pa man matamaan ng skill si Callie ay may liwanag na umilaw sa kaniyang katawan which enhance his magic defense. I am pretty sure, nasa paligid lang si Elvis dahil nagawa niyang i-support si Callie without getting caught by our enemies.

Sinubukan ni Callie na iwasan ang mga skills pero may ilang tumama pa rin sa kaniya. "Tangina huwag kang mamamatay." Mahinang bulong ni Liu habang tutok kami sa TV.

No doubt, Callie is the strongest member of Orient Crown kung kaya't kapag nawala siya sa labanang ito ay paniguradong magugulo ang laro namin. Sa lahat ng plano ng Orient Crown, malaki ang papel ni Callie.

Callie accepted all the attacks for a couple of seconds. Sinusubukan niya lang ito iwasan lahat upang kahit papaano ay mapahina ang damage na dala nito.

Maya-maya lamang ay tumigil ang mga pag-atake at may kakaunting buhay na lang ang natura kay Callie. He smirked at isa-isang pinagmasdan ang miyembro ng Twin Blaze na para bang alam niya na kung saan nagtatago ang bawat isa.

Twin Blaze looked terrify noong makita ang tingin sa kanila ni Callie. Hindi nila nagawang mapatay si Callie dahil mataas amg magic defense ng armor nito at pinataas pa ni Elvis ang magic defense niya.

"Tayo naman ang aatake!" Malakas na sigaw ni Callie at magsulputan na ang ibang miyembro ng Orient Crown. "Wala nang skill ang mga 'yan, inubos na sa akin. Matagal ang cooldown ng mga skills niyan!" Callie shouted at doon nang magsimulang mag-panic ang Twin Blazers.

I got chill all over my body dahil sa ganda ng laro at planong ipinakita ni Callie. Walang kahirap-hirapna inatake nina Larkin at Genesis ang ibang kalaban. Napasigaw na kami sa Boothcamp noong makita na isa-isang nae-eliminate ang Twin Blazers sa game.

"...And there you have it! Orient Crown against Twin Blazers at two consecutive wins na ang nagagawa nila sa Qualifying round na ito. Callie just walked in Twin Blazers trap na para bang sinasabi na he already seen that kind of strategy at hindi na siya mahuhulog sa ganoong klaseng plano!" The shoutcaster announced and we celebrated in Boothcamp.

Tinanggal na nila Callie ang kani-kanilang merve gear at agad kaming lumapit sa kanila. I gave them a hug and congrats each of them. "Nice game guys! Nice game, ganda ng laro ninyo." Pagpuri ko sa bawat isa. They deserved to be praised.

Hindi lang naman si Callie ang lumaro. Buong lineup ay may ambag sa labang iyon. They executed the plan well. Mayabang kaming tiningnan ni Callie while flexing his biceps. "Sinong nagbuhat sa laro? Callie! Baka Callie 'to!" He shouted.

"Napakayabang amputa. Mukha kang kuhol." sagot ni Liu at nagtawanan kaming lahat.

Bumaba na sina Sir Theo at Coach Russel para batiin kami sa ikalawa naming pagkapanalo. "Nice game everyone. Celebrate saglit tapos reset lang lagi. Don't be over confident dahil nanalo ulit tayo. Let's take every match seriously." Coach Russel said.

"Yes, Coach!" We answered.

Nagkaroon lang kami ng maliit na selebrasyon dahil gumawa si Larkin ng spaghetti. Nagke-crave daw kasi siya sa Spaghetti these past few days at dahil culinary arts student naman siya ay siya na rin ang gumawa.

"Next month na birthday mo, malapit na. Anong balak mo?" Tanong ni Dion sa akin habang kumakain kaming dalawa sa sala.

"Wala. Siguro baka magpakain sa boothcamp? Wala akong plano na mag-throw ng party. Gastos lang saka trabaho 'yon." Paliwanag ko sa kaniya.

Hindi ko talaga sine-celebrate magarbo ang birthday ko, nililibre ko lang ang friends ko at nagkakaroon kami ng mini celebration... Iyon na 'yon. Puwera na lang last year dahil debut ko (si Dad ang nag-insist dahil isang beses lang daw iyon sa buong buhay ko), and hindi ko talaga naging trip ang mag-celebrate ng sarili kong birthday in... extravagant way.

"Gaya-gaya. Tapos baka mamaya malaman-laman ko may magarbong celebration ka pala sa subdivision ninyo." Dion said at bahagyang natawa.

"Baliw wala. Alam mo 'yon, as you grew up parang nagiging normal day na lang ang birthday mo? I just want it to make it simple as kaya ko. Celebrate with my friends, family, dito sa boothcamp. Ayon kuntento na ako sa ganoon." mahaba kong litana

"Mine was special." He answered and smile out of nowhere. "Sinagot mo ako noong birthday ko, eh."

"Cheesy mo." Naiiling kong sabi.

Naputol ang aming kuwentuhan noong bumaba si Sir Theo mula sa second floor. "Sir, kain po." Aya ni Noah kay Sir Theo.

"Si Callie?" Sir Theo asked at itinuro namin si Callie na nasa kitchen area, nanonood siya ng mga replay ng match kahapon para mapag-aralan ang galaw ng mga magiging kalaban namin.

"Sir, hinahanap mo ako?" Callie asked and paused the video that he is watching. Nagkatinginan kami ni Dion nabaling ang atensiyon namin kay Sir.

"In my office." Aya ni Sir at naglakad na siya papasok. Ang clueless ni Callie dahil dahan-dahan niyang binaba ang iPad niya.

"Bakit ka hinahanap?" Mahinang bulong ni Larkin sa kaniya. "Na-principal office ka?"

"Gago, wala akong ginagawang kalokohan. Minsan na lang ako tumakas para pumunta sa boothcamp ng Battle Cry." Paliwanag ni Callie at naglakad na papasok sa office ni Sir.

Ilang segundo ang lumipas at noong nagsara ang pinto. Itinapat nina Larkin, Noah, at Liu ang mga tainga sa tapat nito upang marinig ang pinag-uusapan sa loob.

"Mga gago talaga." Naiiling na sabi ni Dion.

Kapag talaga may mga issue o simpleng pagtatalo sa Boothcamp, magtanong ka kanila Noah, Liu, at Larkin. Ikukuwento nila ng buong-buo ang mga nangyari. Mga tsismoso ng boothcamp 'yang mga 'yan. I clearly remembered pa noong nagtalo kami ni Dion sa room ko, alam na alam kong nasa labas ang dalawang mokong, eh.

Nagbago ang ekspresiyon noong tatlo at tumingin sa amin. "Nagtatalo sina Sir at Callie sa loob." Mahinang sigaw ni Noah sa sala.

Napatigil sa pagkain ang ibang members at tumakbo din papalapit sa pinto ng office upang makinig. Mga tsismoso talaga.

"Bakit naman pagagalitan si Callie? Ang ganda ng performance niya sa mga nakaraang game, ah?" Nagtatakang tanong ni Dion sa kaniyang sarili.

"Baka nga sa pag-alis-alis niya." sagot ko na lamang. Kaso hindi rin, eh... Umaalis lang si Callie kapag freetime niya at sobrang tutok siya sa practice.

Ilang minuto ang lumipas at bumukas ang pinto ng office. Nagulat pa si Sir Theo sa dami ng members na nasa tapat nito na mabilis na naghiwa-hiwalay at dumampot nang panlinis para may maidahilan.

"Ang dumi naman dito, may tulo pa ng sauce noong spaghetti." sabi ni Liu at kunwaring pinunasan ang sahig.

"Urgent meeting." Sir Theo announce and walked towards the living room. Nagkatinginan kami sa pagtataka at umupo kami sa mahabang couch upang makinig sa sasabihin ni Sir.

"Hindi makakalaro si Callie ng ilang araw para sa team," nagulat kami sa anunsiyo ni Sir at pailing-iling na lamang si Callie habang kumakamot sa kaniyang batok. This is a big thing for him, gusto niya talagang iangat ang Orient Crown para makapasok kami sa Season four tournament.

"Bakit, Sir? May violation ba si Callie? Hindi po ba puwedeng ipagpaliban muna iyon hanggang matapos ang qualifiers?" Nagtataka kong tanong and everyone agreed. I want to defend Callie since he is one of the asset of Orient Crown. May tiwala naman ako kay Kaizer sa pagiging Core pero iba si Callie lumaro.

"Kasal ng ate niya sa Sabado at itong lalaking ito... Hindi niya sinasagot ang tawag noong Nanay niya." Masamang tiningnan ni Sir Theo si Callie na mabilis nag-iwas nang tingin at sumipol. "It's a special day for her sister and alam ninyo naman ang lagi kong sinasabi ko sa inyo. Family first. Callie will not be able to participate in some of the games for the next days kung kaya't Milan... Planuhin mo maigi ang mga suaunod na galaw ninyo kasama si Coach Russel."

"Sir, gusto ko nga pong lumaro. Puwede ko namang batiin ang Ate ko pagkatapos ng laban. I can send her a gift." Depensa ni Callie. Oh, kaya pala nagtatalo sina Callie at Sir Theo kanina.

"Gusto mo bang patigilin ng Nanay mo sa paglalaro kapag hindi ka um-attend? Iyon ang panakot sa akin ng Mama mo. Callie, it will be just a couple of days. Magtiwala ka sa mga miyembro ng Orient Crown, sisiguraduhin nilang hindi masisira ang winstreak natin." Mahinahong paliwanag ni Sir Theo sa paraang maiintindihan ni Callie. Matigas din kasi ang ulo ni Callie, kapag gusto niya, gusto niya.

Callie sighed. "Fine. Pero sa isang kundisyon, keep me updated. At kung gagawa ng plano sina Milan ay gusto ko ay ka-facetime ako."

"Kami na ang bahala, Callie." I smiled to him and as the Captain, I need to create a plan na magiging epektibo kahit ilang araw mawawala si Callie.

Ngayong mawawala ang core member namin panandalian. Paniguradong mahihirapan kami sa mga susunod na laban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top