Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata

Follow me on my Tiktok: @reynald_john hehe.

PAGKADILAT ko ay nasa iaang modernong lugar na ako (maybe it's a new PVP map for the tournament) at malayo ako sa mga ka-team ko. To give extra twist for this season ay sa magkakahiwalay kayo ng mga team mates mong maglalaro. Late lang din sa in-announce ang detalyeng iyon kung kaya't nagkaroon kami ng mabilisang meeting na buong Orient Crown.

Puro building at high-end na lugar ang makikita sa buong paligid. The easiest way to describe this ay para siyang BGC. Hindi naman kamukhang-kamukha pero ganoon ang vibes na kaniyang ibinibigay.

Hindi ako nagsayang ng oras at dali-dali akong bumaba ng building kung saan ako nagising. Mahigpit ang hawak ko sa wakizashi sword ko at kung sakali mang may kalaban akong biglang makaharap ay nakahanda ang mga skills ko para matakasan sila. I am an assassin afterall, mas mataas ang agility stat ko kumpara sa kanila.

[Orient Crown] Shinobi: Vegas (Callie and Esquire (Kaizer) send your location or landmarks na madaling tandaan para mapuntahan agad kayo ng mga Tanks. LastGuardian (Kaden) and Rufus (Dion) i-priority ninyong mahanap ang location ni Vegas at Esquire. Protect them at all cost, sila ang damage dealers natin.

[Orient Crown] Vegas: Malapit ako sa gas station. East area.

[Orient Crown] Rufus: Copy.

Mabilis akong tumatakbo at nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Pagliko ko sa isang kanto ay namilog ang mata ko noong isang spear ang akmang tatama sa akin. 

[Dark Sonata] ShineDays
Level 52
Class: Spearman

Ngumisi ito noong makita niya ang pagkagulat sa aking mukha. Nagawa niyang masugatan ang braso ko at nabawasan ang HP ko. Hindi ko inasahan ang atakeng iyon lalo na't na-focus ako sa pagbibigay ng command kanila Vegas.

Nagpadausdos ako sa kalsada upang maiwasan ko ang sunod niyang ginawang atake at tumalon ng ilang hakbang papalayo sa kaniyang direksiyon. Hinawakan ko ang kaliwang balikat ko at may dugong lumalabas mula rito. "Mukhang ang Queen ng Orient Crown ang unang mamamatay sa laban ngayon, ah." 

"You just caught me off-guard. Pero nice attack, walang bawas." Nakangisi ko ring sagot sa kaniya. Minsan, natututo na rin ako kung paano ko iha-handle ang mga mayayabang na player. Kailangan mo rin silang yabangan pabalik para mawala sila sa laro.

I scanned the place, kung nandito si ShineDays ay paniguradong papunta na dito ang iba niyang mga kasamahan at malalagay ako sa mapanganib na sitwasyon kapag nagtagal pa ako rito. Larkin warned us already na si ShineDays ang isa sa mga alas ng Dark Sonata. Hindi ako puwedeng makampante ngayong kaharap ko siya.

Mabilis na tumatakbo si ShineDays tungo sa aking direksiyon. He is twirling his spear in the mid-air upang hindi ko mabasa kung saan niya ako aatakihin. Wala akong choice kung hindi sanggahin ang atake niya ngayon, kailangan ko rin kasing mag-buytime kay Rufus upang mapuntahan niya ng ligtas si Vegas.

ShineDays Jumped up and swing her spear downward. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng Wakizashi sword ko upang masangga ang ginawa niyang atake. Nagbitak ang kalsada kung saan ako nakatayo at humangin ng malakas sa buong paligid dahil sa impact. "Nice move." He said at umikot siya sa ere at akmang aatakihin niya ako sa aking tagiliran ngunit mabilis akong yumuko.

Pagkaapak ng kaniyang paa sa kalsada ay mabilis kong sinipa ang kaniyang paa dahilan para matumba siya. Tumayo ako at hinanap ko sa item ko ang Smoke bomb. Ibinagsak ko ang smoke bomb sa mismong kinatatayuan ko at nagkaroon ng malakas na usok sa buong paligid at pagkakataon ko na ito upang makatakas kay ShineDays.

Mabilis akong tumatakbo papalayo sa kaniya at dumaan ako sa isang maliit na eskinita at binasag ang salamin papasok sa isang building at doon ako nag-heal upang maghilom ang sugat ko sa braso.

[Orient Crown] Shinobi: Nasa crossroad north area si ShineDays, avoid that area. Paniguradong papunta na rin doon ang iba niyang kasama kung kaya't avoid that area.

Actually, noong tinisod ko si ShineDays kanina ay tiyansa ko na iyon upang ako naman ang umatake sa kaniya pero hindi ko ginawa. Bakit? May kaniya-kaniya kaming role sa laban na ito at hindi ko trabaho ang maka-kill ng kalaban. My goal is to give my team a vision o i-report ko lagi sa kanila ang lokasyon ng mga kalaban. Hindi ako puwedeng sumugal na patayin si ShineDays dahil paano kung baligtad ang mangyari at ako ang magawa niyang ma-eliminate sa laro? 

Magiging mahirap sa team mates ko kung mawawala ako agad sa laro.

[Orient Crown] ShadowChaser: Can you lure him near the red building, Captain? Nakaabang ako saka si Maliupet sa area.

[Orient Crown] Shinobi: Mahihirapan ako, feeling ko ay malapit na ang backup niya.

[Orient Crown] Vegas: Gawin mo. Malapit kami kanila Juancho. Lugi sila sa clash, puro fighter sila mayroon tayong tank. Mas mataas ang sustainability natin sa mga team fights.

Dahan-dahan akong tumayo at dumungaw sa bintana at nakita ko si ShineDays na nakatayo sa gitna ng kalsada habang umiikot ang paningin niya sa paligid. Unti-unti nang nawawala ang fog na sa paligid at nilaro ko ang Wakizashi sword ko. Ngumisi ako at kinundisyon panandalian ang katawan ko sa gagawin kong pagtakbo.

[Orient Crown] Shinobi: Suicide 'tong gagawin ko. Kayo na ang bahala sa akin. ShadowChaser (Juancho) siguraduhin mong matatamaan ng skill mo si ShineDays. Ikaw ang mage at ikaw ang damage dealer. 

[Orient Crown] ShadowChaser: Noted, Captain.

Mabilis kong binasag ang salamin at tumakbo sa direksiyon ni ShineDays. I dashed forward at mukhang hindi niya inasahan ang bigla kong paglabas muli.

Rage Cutter. 

I sliced forward and attacked his stomach. Hindi niya nagawang maiwasan ang atake ko at ako naman ang ngumisi pabalik sa kaniya. Tiningnan ko siya nang mata sa mata. "Ikaw ba ang pinakamalakas sa Dark Sonata. Iyan lang ba ang kaya mong gawin?" tanong ko at humakbang na ako papaatras para tumakbo paalis.

As usual, hinabol niya ako dahil mukhang napikon ko siya. Bumitaw na siya sa plano nila sa Dark Sonata. Ang sarap talagang kalaban ng mga players na puro hangin lang, mabilis silang nadadala nang inis nila at bumibitaw sa plano nila.

[Orient Crown] Shinobi: Nakasunod na sa akin si ShineDays, position na.

Ang kailangan ko na lang gawin ay hanapin ang pulang building na sinasabi ni ShadowChaser at madala ko lamang si ShineDays doo--

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid at tumama sa akin ang mga malalaking debris ng bato. Sumabog ang isang bahay malapit sa aking direksiyon at nagpagulong-gulong ako sa mabatong kalsada. 

Napatingin ako sa sumabog na building kung sino ang may gawa nito.

Disciple
Level: 51
Class: Combat Alchemist

Dahan-dahan akong tumayo at tumakbo muli dahil baka maabutan ako ni ShineDays. Hindi ko muna inalintana ang sugat sa buo kong katawan at ang malaking bawas nang pagsabog sa HP ko. Kailangan kong makaalis agad dito.

Hindi ko inasahan na may Combat Alchemist sa line up ng Dark Sonata. Ang Combat Alchemist ay mga mage type na kung saan specialty nila ang paggawa ng mga bomba, landmines, at toxic gas. Mababa ang defense ng mga Combat Alchemist pero ibang klase ang damage na kaya nilang ibigay sa kanilang mga kalaban.

Gusto ko man sabihin sa team mates ko na kailangan na naming i-abort ang misyon ay hindi ko magagawa dahil kailangan ko munang matakasan ang dalawang humahabol sa akin.

"Ang sarap siguro sa feeling kung maipakikita namin sa livestream ng tournament kung paano kadali patayin ang Captain ng Orient Crown," sabi ni Disciple habang nakasunod sa akin. Naghagis siya ng isang bomba sa kanang parte ng kalsada na mabilis kong iniwasan. I need to be alert and check them from time to time dahil kapag tinamaan ako ng kahit isang bomba o atake ni ShineDays ay paniguradong maaabutan na nila ako.

If I will die here, malalagay sa delikadong sitwasyon ang Orient Crown, hindi kami puwedeng matalo sa unang laban namin. I mean, we are prepared for this. We just need to execute well our plan to make things work.

Ipinagsawalang bahala ko muna ang pagtungo malapit sa pulang building na tinutukoy ni ShadowChaser. I need to save myself first. Tinitingnan ko ang nagtataasang building at naghanap ng maaaring pagtaguan. Kung pupunta ako sa mga eskinita o makikipot na daan ay baka ma-deadend lang ako at mas lalo lang nila akong maabutan. I need to make a wise decision.

Nabigla na lamang ako noong nabasag ang isang salamin at akmang aatakihin ko pa ito. "Chill, Captain. Ako lang 'to." Sabi sa akin ni Vortex (Elvis) at sinabayan ako sa pagtakbo. "Dito."

Lumiko kami sa isang kanto at napapatingin ako sa likod. Vortex drastically increased our defense upang hindi masyadong masakit ang mga bombang hinahagis ni Disciple. "Bakit ka nandito? Hindi ba dapat binabantayan mo si Vegas?" Tanong ko sa kaniya.

"Pinapunta nila ako dito dahil iniisip nila na baka nalagay ka sa panganib..." Parehas naming iniwasan ni Vortex ang bomba ni Disciple. "Tama naman sila. Ikaw ang pinakamahalagang member ngayon dito Cap. 'Di ka puwedeng mamatay."

Sa hindi kalayuan at sa dulo ng kalsadang ito ay nakita namin na nakatayo at nag-aabang ang ibang kasama nina Disciple at ShineDays. They are all smirking na para bang sinasabi na wala kaming kawala sa kanila. Well, wala naman talaga kaming laban lalo na't support si Vortex at Assassin ako... Parehas mababa ang defense namin at mabilis lang mapapatay ng mga fighter na ito.

Shemay! Hindi ko alam kung paano ko matatakasan ang ganitong sitwasyon. Kung magtatago kaming dalawa sa mga building ay paniguradong mahahanap lang din naman nila kami. I don't want to admit but nilalamon ako ng pressure ngayon at nabablangko ang utak ko.

"Magpapatay ako, Captain." Biglang nagsalita si Vortex at napatingin ako sa kaniya. "Tumakbo ka lang habang tinatalo nila ako. Buy time lang para madala mo silang lahat ng maayos sa pulang building."

"Pero support ka,"

"Wala akong gaanong role sa labang ito since more on offense ang plano ninyo. Kapag namatay ako at napapunta mo silang lahat sa location kung nasaan nandoon sina Vegas... Good trade na iyon."

Inisip ko na okay lang din magsakripisyo kami kung mas magkakaroon kami ng mas malaking benefit. "Ready na rin ang skill kong dash, mabilis ko silang matatakasan."

"Kayo na bahala, Cap." sabi ni Vortex at mabilis kaming tumatakbo tungo sa direksiyon ng ibang miyembro ng Dark Sonata.

"Easy win." sabi noong isang miyembro ng Dark Sonata na may malaking pangangatawan at may hawak na isang malaking maso.

"I will cast spell that will stun them for three seconds. Tapos noon ay alam kong ta-target-in nila ako. You have a few seconds para tumakbo, Captain." Vortex informed and hold his weapon tightly.

Sa sitwasyon na ito ay nag-iisip ako kung saan ako puwedeng dumaan para makatakas. Noong makalapit kami sa kanilang direksiyon ay akmang aatakihin ako ni Brave (also one of the strongest member of Dark Donata and his classification job is Viken). Holding his long and sharp scythe, he swing it upwards at mabilis akong umikot upang maiwasan ito. Vortex casted his skill kung kaya't hindi sila nakagalaw lahat.

Nagpadausdos ako sa pagitan ng dalawang binti noong malaki nilang kasama upang makatakas sa kanilang pagkakaharang. Ngumiti si Vortex at dire-diretso akong tumakbo papalayo. Hindi na ako lumingon patalikod at nag-focus ako sa paghahanap kung nasaan ang pulang building na tinutukoy nila. I opened the map at tama si Vortex, malapit na ako rito.

[Dark Sonata] Brave successfully eliminated [Orient Crown] Vortex!

Kagaya nang inaasahan ay hinabol ako ng mga miyembro ng Dark Sonata at hindi sila makapapayag na makatakas ako sa labanang ito. Ang hindi nila alam ay mas lalo lang nilang nilalagay ang mga buhay nila sa panganib at mas nasisigurado namin ang aming pagkapanalo. Tama si Vortex, it's a good trade kahit mawala siya sa laban ngayon dahil madadala ko ang mga kalaban sa lokasyon ng iba kong mga kasama.

[Orient Crown] Rufus: everything okay? Kanina pa kami naka-standby.

[Orient Crown] Shinobi: OTW.

Hindi ako puwedeng makipag-chat ng matagal dahil baka mawala ako sa focus at tuluyan nila akong mahabol.

Humihingal akong tumatakbo at pagliko ko sa isang kanto, finally, I saw the red building that ShadowChaser pertaining.

[Orient Crown] ShadowChaser: saw you Captain. Nice one!

Nakita ko si ShadowChaser na nakatayo sa itaas ng building at nakahanda na ang skill na gagamitin niya kung sakaling lumabas ang mga miyembro ng Dark Sonata. Noong nakita ko nang lumiko ang mga miyembro ng Dark Sonata at tumatakbo tungo sa direksiyon ko ay ngumisi ako at nakatayo lang na tumingin sa kanila. "Game over sa inyo, GGWP."

ShadowChaser casted his skill at isang malakas na kidlat ang tumama sa kanila. Matapos noon ay lumabas na sina Vegas at Esquire kasunod sina LastGuardian at Rufus.

Sa pagkakataong ito, sinigurado namin ang unang pagkapanalo namin sa qualifiers para sa Season 4 tournament.

Hindi rin kami dapat makampante dahil simula pa lamang ito at paniguradong may mga malalaki at mabibigat pa kaming makakalaban sa mga susunod na araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top