Chapter 87: Home

HINDI ko naman inasahan na magba-viral sa gaming community ang ginawa naming interview ni Dion together with Hanz. Even mga friends namin sa Professional league (kahit mga classmate ko) ay minessage ako after the interview. Noong una ay naisip ko na ang OA ng mga reactions nila pero sooner, na-digest ko rin kung bakit sila happy for us.

We just admitted that we are in a relationship sa buong Pilipinas. Nawala sa isip naming dalawa na shini-ship kami ng buong gaming community kung kaya ganoon na lang kasaya ang reactions nila. Kung maraming natuwa ay mayroon din namang nainis o nagalit sa balita; ang mga baby bra warriors ni Dion.

Nakita ko ang ilang opinion nila sa twitter at karamihan sa kanila ay sabi na nga daw ba ay nag-pro player ako para maghanap ng boyfriend, hindi kami bagay ni Dion (as if bagay sila), na hindi naman daw ako magaling na player.

Pinabasa ko nga iyon kay Dion and siya ang na-offend para sa ako. Magpo-post nga dapat siya sa instagram niya para tumigil ang mga bashers pero pinigilan ko na lang din. Honestly, natatawa na nga lang ako sa mga Baby Bra Warriors ni Dion dahil kung ano 'yong pamba-bash na sinasabi nila noong nagsisimula ako ay ganoon pa rin ang sinasabi nila hanggang ngayon. Wala man lang silang character development.

"Are you sure na sila ang pag-aasikasuhin mo ng surprise kay Brooklyn?" tanong ni Dion habang nakatingin kanila Oli, Noah, at Gavin na nakipaglalaro kay Forest sa may garden area. Nandito din sina Renshi at Genesis (Nagulat ako na napilit siya ni Noah) na parehas na nag-i-stay sa sala. "Mukha bang may mapapasunod ka sa mga 'yan?"

"Grabe ka naman!" Mahina kong hinampas ang braso ni Dion. "May tiwala naman ako sa mga 'yan. 'Di ba, Oli tutulong kayo sa pag-decorate mamaya?"

"Mare, ang usapan sleepover. Hindi gagawa ng surprise." paliwanag ni Oli at pinanlisikan ko siya ng tingin. "Oo, tutulong ako. Joke lang 'yong sinabi ko kanina." mabilis niyang bawi.

Dion chuckled. "Boss Madam ka nga, kahit kailan."

Nandito silang anim ngayon para nga mag-sleepover sa bahay at para rin i-surprise si Kuya Brooklyn. But I considered this our bonding before mag-start ang qualifying round. Kapag nagsimula na kasi ang qualifying rounds ay magiging tutok na kaming lahat sa gaming. Iilan na lang ang slot para sa Season 4 tournament at lahat ng team ay paniguradong ibibigay ang best nila para masungkit ang slot na iyon.

"Milan, puwede ko bang pakainin ng chocolate 'tong si Forest?" tanong ni Gavin sa akin.

Sumandal si Kuya London sa tapat ng pinto. "Puwede rin ba kitang ibaon ng buhay kapag ginawa mo 'yon? Papatayin mo pa 'yong aso ko." Natawa ako sa reklamo ni Kuya.

Infairness kay Forest, sanay sa tao... hindi siya 'yong maingay na kapag nakakakita ng stranger ay tatahol at mangangagat. Si Forest 'yong pug na sobrang approachable, although, never ko pa siyang nahahawakan.

"Sa tingin mo, puwede nating gamiting advantage 'yong cloak mo sa Tournament?" tanong ni Dion at umupo kami sa bench sa may garden area. Naglapag naman si Manang Tessa ng isang bowl ng fishball at kikiam bilang merienda namin.

"Actually isa talaga siya sa baraha na mayroon tayo para sa tournament. unique ang skill noong cloak na iyon. Ang kailangan lang nating pag-isipan mabuti ay kung sino ang magsusuot noon sa bawat match. 'Yong player na magsisigurado na mananalo tayo." paliwanag ko sa kaniya.

Lumapit sa amin sina Oli para kumain din. "Anong pinag-uusapan ninyo, tournament? Anong plano ninyong Orient Crown?" he asked at kumain noong kikiam.

"Durugin kayo." Sagot ni Noah. "Iyon lang ang plano namin."

"Mukha kang durog. Asa naman kayong madurog ninyo kami basta-basta. Sinisigurado namin na makakasama kami sa top 10 teams ng Hunter Online." Confident na sagot ni Oli sa amin at tiningnan niya kaming mabuti. "Hmmm... bakit pakiramdam ko ay may mga plano kayong niluluto na pasabog sa tournament? Naku, magalaw ko lang talaga ang cellphone ni Dion, babasahin ko group chat ninyo sa Orient Crown."

Nagtawanan kaming lahat sa may garden area. Tinawag ni Noah sina Renshi at Genesis at sabay-sabay kaming nag-merienda. Plano nilang gumawa ng Tiktok videos together mamaya para raw may mai-content sila sa mga account nila. Hindi ko nga sure kung pangarap nilang maging professional players o maging tiktokerist, eh.

"Oli, congrats sa pagkapanalo ninyo sa tournament last time. Grabe kaya 'yong iyak ni Dion noong nanalo kayo." Masamang tumingin sa akin si Dion. "Oh bakit, umiyak ka naman talaga noon?"

He pinched mg cheeks. "Hindi ako umiyak. Napuwing lang ako noon." Dahilan niya.

But that day, nakakaiyak naman talaga ang mga nangyari. Feeling nga namin that time ay part ulit kami ng Battle Cry dahil tinupad namin ang pangako namin sa isa't isa kahit may kaniya-kaniya na kaming ibang daan na tinatahak.

"Sugal na nga 'yong ginawa namin na 'yon, eh. Binigay na namin lahat doon." paliwanag ni Gavin habang kumakain. "Aware naman kayo na nawawalan na ng sponsors ang Battle Cry dahil nga hindi namin magawang makapasok sa Top 10 teams, 'di ba?"

Napatango-tango kaming dalawa ni Dion since ipinaliwanag sa amin iyon ni Sir Greg noon bago kami umalis. Nasa punto na sila noon na kung patuloy silang mawawalan ng sponsors ay mawawala na sa Professional league ang Battle Cry. They decided to have a major revamped sa grupo para hindi iyon mangyari, nagpalit ng players, nagbago ng game style, at mas intensed na training.

"Worth it naman, matunog ngayon ang pangalan ng Battle Cry at lahat ng mga tao sa gaming community ay gusto kayong makita na lumaro sa Season four tournament."

"Sa ngayon, masaya kaming nailigtas namin ang Battle Cry. It's a fresh start for us. Pero hindi ibig sabihin na nanalo kami sa isang malaking tournament ay lalaruin na lang namin ang Season Four tournament. That's our goal, ang manalo rito." Nakikita ko sa mata ni Oliver ang passion sa ginagawa niya.

"Sa tournament na tayo magdurugan." sabi ni Dion at napangiti ako. Nagiging seryoso talaga sila kapag tungkol sa Hunter Online. "Pero sa ngayon, tumulong kayo sa pag-aayos sa sala para sa pagdating ni Kuya Brooklyn."

"Kinakabahan ka lang, eh." sagot ni Noah at malakas silang natawa.

Matapos kumain ay pumunta sina Gavin sa playroom namin upang maglaro ng billiards. Katulong ko si Dion sa pagliligpit ng mga kinainan namin. "Kinakabahan kang ma-meet si Kuya?" Tanong ko kay Dion.

"Ba't ako kakabahan? Alam naman na ni Brooklyn ang tungkol sa atin." he explained while avoiding my eyes.

"Weh?"

"Hindi nga."

"Sinungaling ka." Pinunasan ko ang gilid ng labi ni Dion dahil may mugmog pa ito ng kaniyang pinagkainan. "Para kang bata kumain."

"Nagsalita." He smirked. "Kinakabahan ako na kausapin si Brooklyn."

Natawa ako. "Tingnan mo, umamin ka rin."

"Alam mo kung saan ako natatakot? Sa mahaba-habang usapan kasama ang kuya mo. Baka nga may powerpoint presentation na naman 'yon na nakahanda, eh." Paliwanag ni Dion at bigla din akong kinabahan. Ang protective brother ni Kuya Brooklyn sa akin which is okay lang naman pero ang hindi ko kinakaya ay tuwing may powerpoint presentation siya! Like, kuya, bigyan mo ako nang kahihiyan. Ganoon 'yong feeling.

"Bigla din akong kinabahan." I answered and Dion chuckled.

Buhat ko ang mga pinggan at mangkok noong kinainan namin papunta sa kusina. Nakasunod sa akin si Dion at mahinang inaalog ang balikat ko. "Napakagulo mo!" Reklamo ko sa kaniya. "Kapag nabagsak 'tong mga hawak ko. Itutusok ko sa 'yo lahat ng bubog nito tingnan mo." Banta ko sa kaniya ngunit parang wala lang narinig si Dion.

"Baka natakot mo ako." Ginulo ni Dion ang buhok ko at tumakbo papaalis. Hindi ko lang siya nagantihan dahil sa mga hawak ko.

"Ang hirap ayusin ng buhok ko!" sigaw ko na dinig sa buong bahay ngunit tinawanan niya lang ako. Yari talaga 'to sa akin, nagmamadali kong nilagay sa lababo ang aming pinagkainan at hinabol si Dion. Lintek lang talaga ang walang ganti.

***

KATUWANG ko sina Oli, Gavin at Renshi sa pagpapalobo ng mga balloons habang umalis si Dion kasama sina Genesis at Noah para bumili ng cake sa malapit na mall. I don't mind kung maiwan naman ako kasama sina Oliveros dahil never naman ako nale-leftout kapag kasama ko ang Battle Cry. At isa pa, first time nina Genesis at Noah sa amin kung kaya't mas okay kung makapag-ikot-ikot din sila sa malalapit na lugar sa bahay.

"Jose Oliveros Pagdanganan the Third, huwag mo masyadong lakihan 'yong mga lobo baka pumutok. Mahihirapan kang ibuhol 'yan." Reklamo ko kay Oli.

"Buong-buo talaga ang pagtawag sa pangalan ko, Jerrish Milan De Santos." Ganti niya na nakapagpatawa sa aming apat. "Pero kumusta naman kayong dalawa ni Dion? Kumusta siya bilang boyfriend?" He asked.

Same old Oli, mahilig pa rin sa tsismis.

"Parang wala naman ganoong nagbago. Oo nagiging sweet kami sa isa't isa kapag kaming dalawa lang pero aside from that... Hindi ganoon kalaki ang nagbago. Nagtatalo pa rin naman kaming dalawa, nag-uusap na parang katulad noon, we still got each others back." I explained to him matapos kong magupit ang isa sa mga lettering.

"But Jeez,nakakabilib din si Dion na nahintay ka niya na ganoong katagal. Well, maybe four months is not that long naman but in your case kasi... Araw-araw kayong magkasama. Dion don't push himself to you. He really waited for you. Tibay." sabi naman ni Renshi and I agreed. Iyan din ang isa sa mga bagay na gusto ko kay Dion, hindi niya ako pinipilit sa mga bagay-bagay. Kapag ayaw ko, he respect that.

"Pero Kumare, hindi mo talaga naisip na gusto ka ni Dion noon? Battle Cry days pa lang ay alam na namin, eh. Kahit hindi sabihin ni Dion ay ramdam namin na gusto ka niya, eh." Oli said.

"As in wala akong idea." They gave me a judgmental look so I raised my right arm. "Promise, wala akong idea. Siguro dati ay iniisip ko na magkaibigan lang kami. Period. Kaya never sumagi sa isip ko na uy pinopormahan ako nito, 'yong mga ganoong thoughts ba. Gets ninyo?" Tumango-tango sila sa akin. "Saka dati feeling ko ay responsibility lang ako ni Dion kasi nga ay binilin ako ng mga kapatid ko sa kaniya noong nag-Maynila ako."

"Sa bagay, sinong hindi matatakot sa Powerpoint presentation ng Kuya mo. Alam mo, mayaman kayo pero abnormal ang mga kapatid mo, 'no?" Natawa ako sa tinuran ni Oliver at mahina kong hinampas ang kaniyang braso. Naku, kung narinig 'to ni Kuya London, yari 'tong bata na 'to. "Pero masaya ako dahil nagka-girlfriend na si Dion, first girlfriend ka niya. Dati kaya ay tinutukso namin siya kay Ianne para lang ligawan niya tapos malaman-laman ko ay girlfriend pala siya ni Sandro. Muntik ko pang mapag-away 'yong dalawa."

"Ha? Hindi ako ang first girlfriend ni Dion." Mabilis kong sabi.

"Ikaw." They answered.

"Hindi nga ako. May first girlfriend si Dion noong grade 8 siya. Although hindi naman daw seryosohan 'yon pero siya pa rin ang first girlfriend ni Dion." Paliwanag ko sa kanila. Hindi naman din ako nagseselos doon kay Trina (name of the girl) dahil bata pa si Dion noon at wala naman na silang koneksiyon ngayon. They looked confused. "Hindi ninyo alam?" tanong ko.

"Hindi." They answered.

"Daig ko pa kayo. Trina Gonzales name niya sa Facebook. Check ninyo."  Payo ko sa kanila na agad naman nilang ginawa.

"Maganda naman siya, Milan, pero mas maganda ka. Gamer ka, eh, lakas kaya ng dating ng mga babaeng sanay maglaro ng mga games." sabi ni Gavin sa akin at um-agree ang dalawa. Siguro para sa mga lalaking gamers, malaking plus points ang mga babaeng sanay mag-online games... I mean malaking population pa rin kasi ng gaming ay binubuo ng mga lalaki kung kaya't kapag female player ka... Astig ka para sa kanila, para sa kanila ay masasakyan mo 'yong trip nila.

"Pero ang suwerte ni Dion sa 'yo. Suwerte naman kayo sa isa't isa pero ang suwerte ni Dion sa 'yo kasi hindi mo siya iniwanan. Sa Battle Cry, sabi ni Sir Greg ay si Dion lang ang dapat na matatanggal kaso ay hindi mo iniwan si Dion. Ang laking bagay kaya noon, sinakripisyo mo ang isang malaking opportunity para sa kaniya.

"Kasi si Dion ang unang tao na naniwala na may mararating ako sa industriyang ito kung kaya gusto kong maniwala rin sa kaniya na kaya niyang mag-champion and I want to see that." I explained since iyon naman talaga ang primary reason kung bakit kong piniling umalis sa Battle Cry.

"Ayon nga, ang suwerte ninyo dahil nadidiligan ninyo ang isa't isa." Gavin explained after he tied the balloon. We gave him a judgmental look. "What?"

"Anong dilig?" Natatawang sabi ni Renshi.

"Gago. Hindi 'yong dilig na ano... Na for sexual purposes. 'Yong dilig na sinasabi ko ay tinutulungan ninyong mag-grow 'yong isa't isa.  Parang kapag magkasama kayo ay mas nabibigyan ninyo nang mas malawak na perspective ang isa't isa." Napatango-tango kami sa ipinaliwanag ni Gavin. "Simba-simba din."

Dumating sina Dion dala ang cake at palabok. Tuwang-tuwa naman na tumulong si Noah habang si Genesis ay natulog sa couch. Wala na kaming magagawa kay Genesis, iyan talaga ang personality niya. Mas magugulat pa nga ako kapaga nakita ko 'yang madaming kuwento, eh.

Sobrang click sina Oli at si Noah dahil siguro magkakalapit ang age nila (mga babies sa pro scene) tapos pare-parehas sila ng trip sa buhay na kahit magbarahan sila nang magbarahan maghapon ay okay lang.

Si Manang Tessa ang siyang nagluluto at magkakaroon lang kami nang munting salo-salo as a welcome party for Kuya Brooklyn. Ilang buwan din siua sa ibang bansa kung kaya't paniguradong na-miss niya rin ang mga Filipino dishes.

Ate Princess (Kuya's girlfriend) arrived in our house around 8PM para isurpresa din si Kuya. Alam ninyo, sobrang na-amaze ako sa tibay ng relasyon nila dahil ang tagal din nilang LDR. Aminin na natin, ilang relationships lang ang nakaka-survive sa LDR kung kaya't proud ako na nagawa nila.

Noong marinig namin ang busina ng kotse sa labas ay mabilis na lumabas si Manang Tessa para pagbuksan ito ng gate. Mabilis kaming umayos ng tayo nina Oli para hawakan ang banner na may nakasulat na: Bakit ka pa umuwi, Kuya? (Si Kuya London ang nagpa-print ng tarp kung kaya't siya ang dapat na sisihin).

Naririnig ko pa lang ang boses sa labas ay napangiti na ako. Oh God, I missed Kuya Brooklyn. Mahigpit man si Kuya Brooklyn sa ibang mga bagay pero sobrang spoiled ako sa kaniya dahil mabilis kong nakukuha ang mga bagay na gusto ko kapag si Kuya ang kasama ko.

Noong bumukas ang pinto ayabilis na pinaputok nina Oli at Gavin ang confetti poppers. Kuya Brooklyn entered the house while dragginh his luggage. Kasunod niya sina Mom at Dad na siyang sumundo sa kaniya sa airport.

"Welcome home, Kuya!" Malakas naming sigaw at nagsisigaw kami.

"Sabi ko sa inyo huwag ninyo na akong i-surprise, eh." Naiiling na sabi ni Kuya Brooklyn. Binitawan niya ang kaniyang luggage at mahigpit na niyakap si Ate Princess. Awww ngayon pa lang ay ramdam ko na ang pagka-miss nila sa isa't isa.

Nagmano sila Oli kanila Dad. "Good evening Tito. Patulog po ulit kami dito. Miss ko na po mga kuwento ninyo." Bungad ni Oli at natawa si Dad.

"Sino nagpa-print nito!" Sigaw ni Kuya noong mabasa ang nakasulat sa Tarp.

"Ang pinakamatino mong kapatid." Natatawang sabi ni Kuya London. Kuya Brooklyn hugged us tightly at napangiti ako. I really missed this, sobrang na-miss ko ang bonding naming tatlo or kahit simpleng pagtatalo lang sa mga nonsense na bagay.

"Halika na, kumain na tayo. Naghanda si Manang Tessa ng makakain." Aya ni Mom sa kitchen at naglakad kami tungo doon.

Napabaling ang tingin ni Kuya kay Dion. "Mag-uusap tayong dalawa, Dion." seryosong sabi ni Kuya Brooklyn sa kaniya.

Napatingin sa akin si Dion. "I am dead." mahina niyang sabi sa akin at natawa kaming dalawa.

Hinawakan ko ang kamay ni Dion at naglakad papunta sa kitchen para kumain. Parang ngayon lang ulit naging ganito ka-lively ang bahay at ngayon ko lang ulit nakita na ganito kasaya sila Mom. They really missed Kuya and this house feels like it's home again.

Kailangan na naming i-enjoy ang mga natitira naming araw bago ang kumpetisyon dahil starting from September, it will be a tournament month to prove in gaming community na kaya namin maging parte ng Top 10 teams na maglalaban-laban sa Season 4 tournament.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top