Chapter 86: Interview

"HELLO po, welcome po ulit sa Stargame," Isang intern ang sumalubong sa amin nila Sir Theo at ni Dion pagkarating namin sa building. Wow, it's been a long time noong huling punta ko rito. Member pa ako noon ng Battle Cry at inosenteng-inosente pa ako sa mga ginagawa ng mga Professional Players.

The intern name Rachel assist us hanggang sa waiting area. Actually she's really smart and bubbly, ang sarap niya lang kakuwentuhan dahil ang dami niya ring alam pagdating sa paglalaro. Pagdating namin sa waiting area ay may mga pagkain na rin sa isang gilid at mga inumin.

"Rest muna po kayo ng ilang minutes, tawagin ko na lang po kayo kapag kailangan ninyo na pong pumunta sa studio." Rachel said at umalis na siya.

At home na at home na dito si Dion dahil ilang beses na siyang nakababalik dito sa Stargame. Iba talaga ang Cutie player ng Nueva Ecija dahil isa siya sa mga in demand naming member. "Ano nga ulit 'yong kinukuwento mo?" tanong ni Dion at inabutan niya ako ng tubig.

"Noong last Thursday, sumakay kaming bangka nila Clyde para makapunta sa isla na pagshu-shoot-an namin sa minor subjects namin. Tawang-tawa ako sa ekspresiyon nila Trace kasi takot na takot talaga sila! Feeling daw nila anytime ay tataob 'yong Bangka kaya 'yong iba namin ka-group ay napraning na rin. Sobrang na-stress talaga ako doon and at the same time ay tawang-tawa." Kuwento ko kay Dion.

Nakasanayan na naming dalawa na magkuwento ng mga highlight namin sa nakaraang linggo (even naman wala pa kaming label). Nakatutuwa kasing mag-share kay Dion kasi nakikinig talaga siya and ganoon din naman ako sa kaniya. The last time ay tumawag lang siya sa akin dahil daw natakot siya sa putting damit na nakasampay sa veranda, akala niya raw ay multo na tawang-tawa rin ako kasi napaka-OA niya.

"Iba ba 'yong Bangka sa barko?" he curiously asked.

"Barko yata 'yong malaki tapos 'yong Bangka 'yong makipot lang na ginagamit ng fishermen sa pangingisda. Hindi ko rin alam, pero nakakatakot talaga sumakay kasi nga umuuga-uga siya."

"Maganda naman sa isla na pinuntahan ninyo?" Tanong niya ulit habang kumakain ng cream puff.

"Ayos lang, maganda naman 'yong view. Ang peaceful pero hindi naman kasi 'yong isla na may magandang sand. Medyo civilize na rin kasi sa isla na 'yon pero maganda naman 'yong kinalabasan ng shoot namin. Sobrang cooperative ng mga ka-group ko."

Naputol ang pagkukuwentuhan naming dalawa noong biglang bumukas ang pinto ng waiting area. Parehas pa kaming nabigla ni Dion noong pumasok si Ma'am Dani sa loob. "Good morning po, Ma'am." Parehas naming bati ni Dion at maging si Sir Theo ay kinamayan siya. Hello! Kahit pa sabihing ilang taon lang ang tanda ni Miss Dani sa akin, hindi pa rin maipagkakaila na siya pa rin ang fiancé ng COO nitong Stargame. Stargame is one of the biggest game developer dito sa Pilipinas.

"Ang formal ninyo naman sa akin. Napadaan lang ako kasi sabi ni Rachel ay nandito raw si Milan so na-excite naman akong makita ka." Natatawang sabi ni Miss Dani sa amin. "Grabe, parang dati lang noong una kitang makita ay isa ka sa mga rookie na inaabangan ng lahat dahil ikaw ang nag-iisang babae sa Hunter Online pero ngayon. Queen na ang bansag nila sa 'yo."

"H-Hindi po. Nahihiya nga po ako kapag tinatawag nila akong ganoon." I mean, alam ko sa sarili ko na marami pa akong dapat matutunan at baka may ibang mga female players na mas magaling pa sa akin na hindi pa nadi-discover ng mga professional team, eh. Maybe I became a tool para mas mapansin ang mga babae sa ESports pero 'yong matawag na queen? Uhm... hindi pa ako prepared sa ganoong kalaking title.

"Same, ayoko rin natatawag ng ganoon." Natawa si Miss Dani. Oo nga pala, they are considered as the Royal Couple of Blue Waves University dati noong kasagsagan ng School War Online. "But you earned the title naman. You paved the way. Ikaw ang sumalo ng mga bash patungkol sa mga female players para mas maging madali sa ibang players ngayon. Good luck sa interview ninyo. Pati sa season 4 tournament, sana makapasok kayo sa Top 10. 'Yong team ninyo 'yong inaabangan ko lumaro."

"Thank you po." Sabay naming sabi ni Dion.

Sakto namang pumasok si Sir Rayin at napapailing na napatingin sa girlfriend niya. "'Di ba sabi ko sa 'yo ay mag-stay ka lang sa office ko? I need your opinion about the game that we're developing."

Napatingin sa kaniya si Miss Dani and grabe. They really look so good together. "Ang boring naman kasi sa office mo. Lahat ng nandoon ay under pressure, kahit sila Carlito ay hindi ko makakuwentuhan sa dami ng kino-code nila,eh. Dumaan lang ako rito sa waiting area. Mag-hi ka naman sa mga bisita mo!"

Napatingin sa amin si Sir Raydin at napahawak sa kaniyang batok. "Pasensiya na kayo kung maraming kuwento si Dani. Thank you for accepting this interview, enjoy your stay at kung may mga kailangan kayo ay huwag kayong mahiyang magsabi."

"Bagong nerve gear daw." Miss Dani said at kumindat sa amin. "Malapit na 'yong qualifiers, support na natin sa kanila."

"H-Hindi na po." Napailing ako pero itong si Dion ay hindi man lang umangal at halata sa kaniyang mukha na umaasa siya sa bagong nerve gear. Trust me, hindi biro ang presyo ng mga nerve gear sa Pinas.

"Send your address to Rachel and we will process it. Pati sina Larkin at Callie ay idamay na rin. They are also players of Orient Crown, right?" Wala yata sa bokubularyo ni Sir Raydin ang salitang joke dahil tototohanin niya talaga! Like OMG! Grabe ang support nila sa mga Professional players.

"Yes po, Sir." Sabi ni Sir Theo at kinamayan si Sir Raydin. "Matutuwa ang mga bata na 'yon, we will make sure na gagalingan namin sa qualifiers."

"No problem. Madalas namang pumapayag sa interviews and playoffs sina Larkin. They deserved it. Sige na, mauna na kami. We still have meeting." Inaya niya na si Miss Dani at maayos lang akong nakahinga noong nakaalis na sila.

"Grabe." Napaupo si Dion sa bean bag. "Ilang beses ko nang nami-meet sina Sir Raydin pero nakaka-starstruck pa rin talaga sila."

"Same. Pero grabe 'yong nerve gear." I said.

"Hindi ko rin in-expect, plano ko pa namang bumili bago ang qualifiers pero mukhang hindi na ako mapapagastos. Ang bait ni Ma'am Dani, dakilang sulsulera, eh." Natatawang sabi ni Dion at natawa rin ako.

Ilang minuto ang lumipas ay tinawag na kami papasok sa studio upang maghanda sa interview. It will be broadcast sa facebook page ng Stargame na may more than 500,000 likes and followers. Maraming naka-follow sa Stargame dahil sa mga gaming content nito at iba rin kapag may pa-giveaway sila para sa Facebook community.

Noong makita kami ni Hanz ay mabilis nito kaming kinawayan. "Ang tagal na nating hindi nagkita, Milan," he greeted me.

"Nakikita kita kapag ikaw ang shoutcaster sa mga game, nahihiya lang ako lumapit sa 'yo." I explained. Pero ayoko talagang lapitan si Hanz dahil para siyang si Tito Boy sa gaming community dahil sa dami nang kaniyang itatanong at baka hindi ako makasabay sa energy niya sa dami niyang kuwento. But overall, okay naman si Hanz, super makuwento nga lang.

"Don't be shy. Para ngang ako pa ang dapat mahiya dahil privileged na maka-interact ang Captain ng Orient Crown. Congratulations for your team, ha, for a rookie group ay ang dami ninyo nang na-achieve. Batak na batak kayo sa training, anong sikreto ninyo?"

"Uhm..."

"Ah! Huwag mo munang ikuwento, sa interview mo na sabihin." Natawa si Hanz. "Kagaya ng dati, maging komportable lang kayong kakuwentuhan ako. Huwag ninyong pansinin 'yong ibang staff na nandito para hindi kayo kabahan and..." may inabot sa aming papel si Hanz na tinanggap namin ni Dion. "Nandiyan ang mga set of questions na puwede kong itanong sa inyo para makapag-isip na kayo ng mga possible answers ninyo. Kung may mga tanong na hindi kayo komportable na sagutin, inform me para lagtawan na lang natin."

Binasa ko 'yong set of questions and as expected, karamihan ay tungkol sa relationship namin ni Dion. Ang lakas maka-Lolit Solit nitong si Hanz dahil lahat ng rumor ay alam. "Ayos naman 'yong mga tanong mo. Just don't go deeper na lang pagdating sa mga ginagawa namin sa practice. Baka makakuha ng kutob 'yong ibang team sa puwede naming ipakita sa qualifiers, eh."

"Noted."

Umupo kami ni Dion sa monoblocks habang binabantayan kami ni Sir Theo. Ang cute nga dahil kuya na kuya ang dating ni Sir Theo dahil panay ang My day niya sa ganap namin ngayong araw ni Dion. Proud na proud talaga si Sir everytime na may ganap ang kahit sinong member ng Orient Crown.

"Okay lang ba hitsura ko?" Tanong ni Dion at maigi ko siyang tiningnan. Pabiro siyang ngumiti at natawa.

"Lagyan nating liptint 'yang labi mo para magkakulay." I grabbed my bag at hinanap ang liptint ko sa pouch.

"Make up na naman, kanina lang inayusan mo na ako tapos ang dami mo nang nilagay." Reklamo niya. Si Dion 'yong tipo ng tao na ayaw na ayaw naglalagay ng abubot sa mukha niya. Skin care nga, kinatatamaran niya pa pero ang unfair lang din dahil minsan lang talaga siya tigyawatin.

I rolled my eyes. "Tinanong mi pa ako kung okay 'yong hitsura mo. Bilis na, liptint lang 'to."

"Para saan 'yan?" he asked mabilis kong tinabing ang kaniyang kamay at nilagyan siya sa kaniyang labi. "Baka naman ang pula ng labi ko sa harap ng camera nito mamaya."

"Ikalat mo. Ipitin mo 'yong labi mo." Sabi ko at ginawa naman ni Dion. "Ayan, pogi ka na ulit. Hindi ka kasi nagtitiwala sa make up skills ko, eh. Remember ako nag-makeup kay Oli para sa profile sa Battle Cry, ang daming likes ng picture niya."

"Why are you girls wearing makeup tuwing aalis?" Dion asked.

"Hindi kami nagme-makeup para mapuri ng kung sino-sino diyan, well bonus na lang siguro kung masasabihan kami ng maganda. Pero nagme-makeup kami para ma-boost 'yong confidence namin. We are doing that for ourselves." I honestly said.

Tinawag na kami noong staff para sumalang sa live. Umupo kami sa couch at lumalabas naman sa prompter 'yong mga possible questions na ibato ni Hanz so medyo nawala 'yong kaba ko dahil kahit papaano ay makapaghahanda ako.

"Three... Two... One... Action!"

"Welcome guys! Nagbabalik na naman ang paborito ninyong gaming talkshow na kung saan kumakausap tayo ng mga professional players mula sa iba't ibang team para malaman ang mga ganap nila sa buhay. Are you guys excited kung sino ang makakasama natin today?" Hanz asked to the camera while making a gesture. Iba talaga kapag super mega extrovert ka, kaya mong magsalita sa harap ng camera na hindi nagmumukhang tanga.

"Well, makakasama natin ngayon ang hottest duo sa Hunter Online." May mga pictures na nag-flash sa LED TV likod namin. "They continuously proving theirselves sa mundo ng gaming. Let's welcome Milan A.K.A. Shinobi and Dion A.K.A Rufus." Pumalakpak ang mga staff sa studio at napabaling sa amin ang camera. I smiled and waved to the camera.

"Magandang araw sa inyong lahat." Dion greeted.

"Kumusta naman kayong dalawa? Anong pinagkakaabalahan ninyo this past few days?" Hanz asked. "Alam kong curious din ang 6,582 viewers natin sa ganap ng Million ngayon."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion. "Sinong sasagot? Ako? Ikaw?" Tanong namin sa isa't isa at bahagyang natawa.

"Ako na." Prisinta ko. "Actually these past few days abala kami sa pagte-training especially malapit na malapit na ang qualifiers, kailangan naming magbatak pa para mas maging pulido ang teamwork namin. Tapos ako, busy ako sa pag-aaral at kumakapit na mapagsabay itong gaming at study." Natawa ang ilang tao sa studio. "Si Dion naman, busy manood ng mga babae sa Tiktok."

"Baka nanonood." Mabilis niyang depensa at mahina niyang tinunggo ang aking braso. "Ito, ipapahiya pa ako ang daming nanonood."

"Feeling ko ay na-leftout ako bigla." Hanz laughed. "Let's talk about your gaming. Nahirapan ba kayo sa adjustment from being part of the pack of the wolves hanggang mapunta kayo sa Royal team ng Professional league ngayon? Yeah, royal team ang tawag sa Orient Crown ngayon dahil gold at crown ang logo ninyo. Did you guys have a hard time ba sa adjustments? Kasi bagong teammates, bagong management, bago lahat."

"Parang normal naman sa ESports ang barter ng mga players, 'di ba?" Dion answered and I nodded. "Para sa akin ang naging mahirap ay 'yong emotional attachment mo sa mga dati mong ka-team. Kasi 'di ba ilang taon ako sa Battle Cry tapos ilang buwan din si Milan kaya napamahal sa amin ang buong Battle Cry, and we still love them hanggang ngayon. Pero iyon nga... Hindi ka mag-go-grow as a player kung hindi ka susugal."

"Nahirapan ba kayo sa bago ninyong team ngayon?"

"Ako, personally, hindi. Mababait naman ang lahat ng nasa Orient Crown at karamihan sa kanila ay nakikita na naming tuwing tournament. Siguro ang naging mahirap ay kung paano gagawin isa 'yong laro namin..." I explained at tutok na tutok na nakikinig si Hanz at Dion. "Galing kami sa iba't ibang team noon tapos boom, pinagsama-sama bigla. Siguro doon sa part na iyon ay kailangan naming trabahuhin pero wala naman akong issue sa mga kasama ko ngayon."

"That's good to know, at napanonood ko ang mga videos ninyo sa mga IG ninyo and manghang-mangha ako sa frindship ninyo sa Orient Crown. Pero ito naman para kay Milan, how does it feels na ikaw ang lumaban para sa mga kababaihan na sumali sa Professional league? Nakikita ko ang maraming team sa ESports ay may mga babae na silang players. Achievement ba ito para sa 'yo? Binigyan mo ng equality ang pro act ngayon."

"Kung equality naman din ang pag-uusapan, parang hindi naman dapat purihin na may mga babaeng nakakapasok sa ESports ngayon. Parang hindi naman siya dapat gawing privileged na bibigyan ng special treatment ang mga female players if we want equality lang din naman 'di ba?"

"Tama." Hanz nodded.

"I mean it is a sports na hindi mahalaga ang gender mo. Critical thinking ang kailangan sa professional league. Isa rin sa napansin ko ay kapag may nagagawa ako sa game ay parang 'yong response ng mga tao ay wow ang galing, she's the queen bla bla bla. Pero kapag male player ang nakagagawa ng ganoong bagay parang ah okay. Give the male players the praise that they deserved guys. At the end of the day, we don't want to be praise just because of our gender, we want to be praise dahil sa skills namin as a players."

"That's beautiful." Komento ni Hanz. "How about being called the Queen? Do you took pride on it ba?"

"Nakaka-flatter na matawag na Queen and thankful ako sa gaming community na binansag nila sa akin iyon because I paved the way daw for female players. Para sa akin, I still can't accept the title kasi parang wala pa naman akong napatutunayan sa paglalaro ko. Kapag may malaking achievement na akong nagawa baka... Taas noo kong masabi na ako ang Queen ng Hunter Online." I laughed. Actually ang sarap makakuwentuhan ni Hanz kasi attentive siya sa mga guest niya. Ang ganda noong tumatango-tango siya kapag nagkukuwento kaya napaparami ako nang nai-she-share.

"Maiba naman tayo. Last July 27, Dion's birthday. He posted a photo of you together in Tagaytay na may nakakakilig na caption. Magiging showbiz tayo ngayon," Hanz laughed. "Ang tanong ng Million shippers, did it mean something ba?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion. We both expected na may ganitong tanungan (Si Hanz pa ba). "Uhm..." We both laughed.

"The caption says it all naman." Dion answered.

"I will ask you guys directly, para sa more than 8,000 viewers natin. Kayo na ba?"

"Yes. Kami na po." Nagtilian ang mga tao sa studio at natawa kami ni Dion sa reaksiyon nila. God, ano ng nangyari sa keep it lowkey na pinag-usapan naming dalawa? "Milan answered me on my birthday. Best birthday gift na natanggap ko sa 21 years ko rito sa Earth."

"Chika mo." Naiiling kong sabi.

"Paano?" Hanz asked. "From being friends to lovers? Paano nangyari iyon?"

Ako ang sumagot sa tanong. "Hindi siya biglaan na nagustuhan ko si Dion dahil parati kaming shini-ship ng mga tao. It was a slow burn process hanggang sa ma-realize ko na oh my God, I fell inlove with my bestfriend." May background music na tumugtog. "Sino ang DJ? Don't make the atmosphere too cheesy naman! Haha."

"Alam ninyo ang cute ng story ninyong dalawa kasi nasubaybayan talaga ng lahat ng tao sa gaming community. Parang lahat ng players na tinatanong ko kung shini-ship nila kayo, they will answer yes. May nagbago ba? I know nagka-label ang Million pero in actions, may nagbago ba?"

"Ayon nga 'yong nakakatawa kasi parang wala masyadong nagbago." sagot ni Dion at napatango-tango ako. "Siguro that's the good thing na mas kinilala muna namin ang isa't isa, hindi na namin kailangan umakto na sweet sa isa't isa kasi basang-basa na namin ang ugali namin. You know what I mean? Ibang level na kasi 'yong comfort namin ni Milan sa isa't isa. Yeah, nagho-holding hands na kami kapag lumalabas kami pero ganoon pa rin. Nag-aaway pa rin kami. Nagsasagutan pa rin kami. Nag-uusap kami sa kung paano kami nag-uusap noon. Pero ngayon, may assurance na kasi na napapangiti ako na oh, this girl is mine."

"Ang corny mo." sabi ko.

"Alam ninyo hindi lang ako ang kinikilig sa kuwento nila kung hindi ang lahat ng tao sa studio." Tinuro ni Hanz ang mga staffs na nandito.

"Ang sarap lang magmahal Hanz ng tao na gets ang lahat ng kabaliwan mo sa buhay. 'Yong hindi mo na kailangan mag-pretend." kuwento ko. "Dati 'yong ideal relationship ko is 'yong lagi akong kikiligin ganyan, typical laki sa romance book. Pero kay Dion, parang bonus na lang 'yong kilig, parang sa kaniya ramdam ko 'yong comfort. Ayon nga, kagaya nang sinabi ko, hindi ko kinakailangan mag-act kasi tanggap niya ang ugali ko bago pa man maging kami."

"Nakaapekto naman ba sa paglalaro ninyo ang pagiging mag-on ninyo? Curious lang ako."

"For me, Oo minsan nagiging malandi sa boothcamp kaya madalas kaming inaasar ng ka-team namin." Sagot ni Dion at natawa ako. "Pero kapag oras ng practice, practice talaga. I am a player, then she's the Captain. Alam ni Milan 'yong priority namin sa mga ganoong pagkakataon. I need to follow her order and we need to play not as duo but as a member of Orient Crown."

"May message ba kayo sa mga makakalaban ninyo sa Qualifiers? Gusto ninyo ba silang hamunin?" Natatawang sabi ni Hanz.

"Alam ninyo kung si Callie, si Noah, si Liu, or si Larkin ang in-invite ninyo... Baka maba-bash na kami sa social media mamaya dahil trashtalk kung trashtalk ang mga 'yon." Nai-imagine ko na agad ang kayabangan nila kapag magkakasama. "Pero iyon nga, sa ibang team, good luck sa atin. May the best teams win sa qualifiers. Ang promise ko lang, kapag ang Orient Crown ang nakatapat ninyo ay bibigyan namin kayo ng magandang laban." Siguro iyon na 'yong todo na yabang na magagawa ko.

May mga itinanong pa si Hanz at ang bilis ng oras dahil sa sarap ng kuwentuhan. It was a fun episode and after this... Kailangan na naming mag-focus ng sobra sa practice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top