Chapter 84: Being Comfortable
"DION, hindi ba ikaw ang naka-assign na maghugas ngayong umaga?" Tanong ko pagkapasok ko sa playroom kung saan naglalaro sila ng Tekken ni Larkin. Sa boothcamp kasi ay may rotational kami na gawain, tulong man lang sa mga kasambahay namin dahil ang laki nitong boothcamp (that was my idea).
"Oo na, mamaya, gagawin ko din." Sagot ni Dion pero focus siya sa nilalaro nila ni Larkin. "Maghintay ka lang, bawi ako sa round 2." Sagot niya kay Larkin.
"Gagawin mo o ipapa-lock ko kay Sir Theo itong game room para pare-parehas kayong walang matambayan?" Humarang ako sa TV at tinaasan siya ng kilay.
"Gagawin ko naman pagkata—" he sighed. "Heto na, gagawin na. Boss Madam na Boss Madam ka." Ibinababa niya ang controller at naglakad papalabas.
Naging kami man ni Dion ay hindi naman nabago ang pagtatalo namin sa maliliit na bagay (hello! Malaking bagay ang paghuhugas ng pinggan). Siguro medyo naging sweet kami sa isa't isa pero kapag tungkol sa mga gawain dito sa Boothcamp, aba! Mahigpit ako doon. If I will failed to maintain the cleanliness here in boothcamp, baka mapagalitan ako ni Coach at ni Sir Theo.
Napatingin sa akin si Larkin. He awkwardly smile. "Tekken tayo—"
"Isa ka pa, pinag-iisip kita ng strategy para mabilis tayong makapagpa-level, inuna mo pang mag-Tekken."
"H-Heto na nga po, gagawin na, Captain." Larkin said at pinatay ang PS4. Tuwing weekends lang ako nandito sa Boothcamp pero sumasakit na ang ulo ko sa kanila. Paano pa si Coach, sobrang hands down na ako sa patience ni Coach Russel.
Lumabas ako ng Play room at pumunta sa sala. Sakto naman na nakita ko si Callie na mukhang problemado. As soon as he saw me, pinaupo niya ako. "Anong problema mo?" Natatawa kong tanong.
"Sa tingin mo, bakit ako sinusungitan ni Aisha? Sineen niya lang 'yong chat ko sa kaniya." Callie looked so puzzled. Ngayon ko lang nakita ng ganito si Callie dahil kapag sa tungkol sa Hunter Online, may plano si Callie, alam niya ang gagawin niya. But now, he looked so confuse.
"Ano bang sinabi mo?"
"Ang sabi ko sa kaniya sa chat," he showed me their convo. Hindi ko nga alam kung matatawag siyang conversation dahil wala talagang reply si Aisha. Kahit isa. "Good morning, I know I am the best player in Hunter Online pero 'wag mo akong isipin masyado sa umaga." Pagbasa niya sa chat niya.
"Ah, kaya naman pala." Bagot kong sabi at tiningnan ang kuko ko.
"Anong kaya naman pala? Bakit? Did I say something wrong? I even said good morning to brighten up her day."
"Hanggang chat ramdam ko ang kayabangan mo Callie. Nananapak ng mayabang si Aisha." I tapped his back. "Maglaro ka na lang muna, focus ka sa game."
"Pangit mo magpayo." Reklamo niya. "Mag-be-break din kayo ni Dion."
Pabiro akong umirap at bahagyang natawa. "Talk to Aisha normally kasi, huwag kang nagyayabang. Baka kahit papaano ay kausapin ka niya."
"May naisip na akong paraan para kausapin niya ako." Callie smile like he already have a plan running in his mind. "Pupunta ako sa Boothcamp ng Battle Cry."
"Walang hiya ka! Dadayo ka pa talaga sa Battle Cry!"
"Bakit naman hindi? Doon, wala siyang choice kung hindi kausapin ako o kausapin ako." He stood up. "Callie you are so genius, ang ideal man ko."
Okay, sabi niya, eh. Ipahihiya niya lang ang sarili niya sa Boothcamp ng Battle Cry. Lahat ng players doon ay tiklop kay Aisha, eh. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nagustuhan ni Callie si Aisha (I mean, maganda naman si Aisha) pero wala silang similarities na dalawa. And knowing Aisha, hindi niya type si Callie.
Pumasok si Sir Theo sa boothcamp. "Milan, meeting room tayo in five minutes. Gather all the Orient Crown Members." He said and walked inside his office. Lately, ang busy ni Sir Theo at ang dami niyang meeting na ina-attend-an. He is really doing his best para mas makilala ang Orient Crown sa Professional scene.
Tinawag ko ang buong Orient Crown at pumunta sa meeting room. "Nanood pala kayo ng match noong Battle Cry kahapon?" Tanong ni Noah sa amin. "Awit, hindi nag-aaya."
"E 'di sana pumunta ka." Sagot ni Liu sa kaniya.
"Eh, anong alam ko sa Maynila? Ito ngang village hindi ko kabisado, eh."
Pumasok si Sir Theo sa meeting room at napaayos kaming lahat nang upo. "Good morning, Sir." Bati namin sa kaniya.
"Good morning, kumusta ang practice?" Everytime na magkakaroon kami ng meeting ay iyan ang bungad na tanong ni Sir Theo, he always asked kung nagkakaproblema kami sa practice. Nitong nakaraan nga lang kami hindi sabay-sabay na nakapagpa-practice dahil karamihan sa amin ay naging busy.
"Okay lang, Sir. Nagpaplano na kami kung paano mabilis na makapagpapa-level sa game." Tumingin ako kay Larkin at nag-iwas ito nang tingin sa akin. Mujhang wala pang nagagawa si Oppa, ah.
"That's good pero ngayon ay gusto kong mas pagbutihin ninyo ang pagpa-practice ninyo," seryosong sabi ni Sir at napaayos kami ng upo lahat para makinig. "Malapit na ang Qualifier round ng season 4 at anim na slot lang ang natitira para rito."
This is our dream. Ang makapasok sa Season 4 tournament. We all became serious dahil lahat nang ginagawa naming pagpa-practice ay para rito. We want to stand in MOA Arena (ginaganap ang tournament) and we want to prove na kahit rookie group kami, may chance kaming masungkit ang trophy.
"Next month na ang qualifiers at mahigit 500 team ang magpa-participate para makapasok sa Season 4 tournament... Kabilang tayo sa mga team na iyon." Pare-parehas kaming nagulat nila Dion, hindi ko inasahan ang bilang ng team na maglalaban-laban para sa natitirang anim na spots para sa tournament. "It will be a month long tournament na kung saan ay magpaparamihan ng wins ang mga team at kung sino ang anim na team na may pinakamaraming panalo ay ang siyang magpa-participate sa Season four tournament na gaganapin sa September."
Sa qualifier round na ito, online lang lahat at ibo-broadcast lang noong main page ng Hunter Online. Lahat ng team ay sa kaniya-kaniyang boothcamp at sa mismong game maglalaban-laban. In that way, hindi masyadong maglalabas ng budget ang organizer ng Season 4 tournament.
"No one is expecting that a rookie group will win this tournament... O baka nga hindi nila tayo nakikita na makapapasok sa top 10 teams pero gusto kong ibigay ninyo ang best ninyo para rito. Let's not waste those days na nagsanay kayo at nagpakahirap para sa grupo." Nakangiting paliwanag sa amin ni Sir Theo.
"Yes, Sir!" We answered in unison.
"I am proud to say that you guys are already a polish and a solid diamond. Hindi ko pinagsisisihan na kinuha ko ang bawat isa sa inyo." Awww. My heart melted kasi feeling ko ay destined talaga kami maging parte ng Orient Crown.
I know, some of us ay mga bench players lang sa mga dati nilang team, 'yong iba ay wala pang napatutunayan sa professional peague, at 'yong iba naman ay tinanggal ng mga dati nilang grupo. Pakiramdam ko ay tinipon kami ni Sir Theo sa isang grupo na kung saan binigyan niya kami ng second chance. Pangalawang pagkakataon na patunayan na hindi kami tapon, na may ibubuga kami pagdating sa Pro scene.
Sir Theo checked his watch. "Practice will start in 3:00, magpahinga na muna kayo. And for Orpheus, Liu, Juancho, Christian, and Kaden... Mag-stay muna kayo, may small competition next month na gusto kong salihan ninyo."
Lumabas na kami ng meeting room at naiwan na lang doon ang mga kauusapin pa ni Sir Theo. Isa iyon sa mga gusto ko sa Orient Crown, hangga't kaya nilang magpadala ng mga players sa maliliit na tournament ay ginagawa nila. Parte na rin ng training routine namin ang mga nakukuha naming techniques sa mga tournament na iyon. Kumbaga, doon kami nahahasa as a player and nagkakaroon kami ng rotation sa sa lineup kung kaya't lahat ay nakakalaro.
Umupo kaming dalawa ni Dion sa sala. "Milan, samahan mo nga pala ako. Kailangan kong bagong mouse para sa laptop ko." sabi niya sa akin. "May gagawin ka ba?"
"Wala naman? Gumagana pa naman 'yong mouse mo, ah?" Tanong ko sa kaniya. Although, medyo luma na nga siya, maingat naman si Dion sa gamit kaya tumatagal naman sa kaniya 'yong mga binibili niya.
"Eh, medyo luma na 'yon. Saka, Gadget accessories lang luho ko sa buhay. Samahan mo na ako." Patuloy siya sa pagpilit at hinawakan niya ang aking kanang kamay at inapir-apir sa kaniyang kamay. "Samahan mo na ako, i-date mo naman ako."
"Chika mo, hindi pa tayo lagi kitang sinasamahan na bumili ng kung ano-ano." Ganti ko.
"Ako din naman." He answered while smiling.
"Magbibihis lang ako tapos punta na tayo sa malapit na mall. May practice pa mamaya." I informed him at tumayo para pumasok sa kuwarto ko. Since malapit lang ang pupuntahan namin ay isang Large Tshirt lang ang sinuot ko na tinuck ko sa maong shorts ko, sinuot ko na lang din ang adilette ko at nagdala ng maliit na bag para lalagyan ng cellphone at power bank.
Kagaya nang sinabi ko noon, I always wear things kung saan komportable ako.
Bandang alas-dose noong umalis kami sa boothcamp at babalik na lang kami ng around 2:30 para mag-prepare sa practice.
***
PUMUNTA kami sa Venice Grand Canal since ito ang malapit sa boothcamp at aminin na natin, isa ito sa pinakamagagandang mall sa Pilipinas. Para kang nasa ibang bansa sa loob ng mall na ito.
Hawak ni Dion ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. We don't mind kung may mga taong makakilala sa amin. I mean, hindi naman namin itinatago ni Dion ang relasyon naming dalawa pero hindi din naman namin ito ipagsisigawan sa buong gaming community na kami na. It's not their business anyway.
Sabi nila, nakakakilig kapag kasama mo ang taong gusto mo pero para sa akin... Kapag kasama ko si Dion ay comfort ang nararamdaman ko. Siguro iyon ang advantage na matagal na kaming magkakilala na dalawa at lagi kaming magkasama. We are comfortable to goof around with each other.
"Picture-an kita doon." sabi ko kay Dion at itinuro ang tulay kung saan ang canal ng mall ang background.
"Gusto ko 'yong pampalit ng profile picture," bilin sa akin ni Dion and he did funny pose.
"Umayos ka, ang pangit mong model." Reklamo ko at umayos ako ng puwesto para makuhanan siya mg litrato. This time Dion do serious poses, masasabi ko, may hitsura naman pala talaga si Dion. After I took some photos for him ay siya naman ang kumuha ng picture ko.
Tapos noon ay nagpa-picture kaming dalawa sa isang dumadaan. Naging sobrang busy ni Dion sa nakaraang linggo kung kaya't deserve niya rin naman ang ganitong klaseng pahinga.
Naglalakad na kami para maghanap nang kakainan tapos puro reklamo lang ang narinig ko kay Dion. "Alam mo, 'yong mga pusisyunan mo kanina akala mo ay professional photographer ka tapos tingnan mo 'tong mga kuha mo." He scrolled the screen of his phone. "Kapahati maayos, kalahati blurred."
I rolled my eyes. "Sorry na, wala talaga akong talent sa pagkuha ng pictures, okay?"
"Okay lang. Ikaw pa rin gusto ko." He wiggled his brows and laughed.
"Ang cheesy mo." Naiiling kong sabi pero sa totoo lang ay napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Bumili ka na noong mouse tapos kumain na tayo. May Jollibee akong nakita sa upper floor. Doon tayo."
"Yes po, Boss Madam." He answered at pumunta na kami sa mga gadget accessory stall.
Pumunta kami sa bilihan and guess what? Kapag related sa mga gaming stuffs niya, ang tagal mamili ni Dion. Sa mata ko pare-parehas siyang mouse pero si Dion talagang mabusisi sa pagpili.
"I need your opinion," he said at pinakita ang ilang mouse na pinagpipilian niya. Mouse silang lahat pero iba-iba lang ng designs.
"Anong tingin mo rito sa Zeus M330?"
"Ang OA sa design. Hindi bagay sa laptop mo." sabi ko sa kaniya at itinuro ko 'yong mouse na bet ko. I mean, hindi ko naman alam ang tawag sa kanila. Basta gaming accessory silang lahat sa paningin ko. "Mas maganda 'yong pula."
"Zeus MR001?" He asked at tiningnan maigi ang mouse.
"Kung ano man ang tawag mo sa kaniya. Simple lang pero sa tingin ko okay 'yan sa laptop mo. Nakikita ko siyang ginagamit mo." paliwanag ko at napangiti si Dion. "I mean, that's my opinion. Choice mo pa rin naman kung ano ang kukuhanin mo."
"Heto na ang kukuhanin ko. Tig-isa tayo." Tinawag niya na 'yong staff noong mall. "Miss, dalawa nga nito."
"Huy, okay pa 'yong mouse ko!" Unlike them, hindi ako maarte pagdating sa mga gaming tools ko.
"Miss pakiresibuhan po agad para wala nang masabi 'tong kasama ko." sabi ni Dion at wala na akong nagawa dahil nabili na niya ako. "Binibili na kita ng mga gaming accessories, ibig sabihin no'n malakas na talaga tama ko sa 'yo." He chuckled.
"Ang gastos mo. Ako sasagot ng lunch natin, ha?" Bawi na lang ako sa lunch. Kapag lumalabas kami ni Dion, lagi kaming hati sa gastos. Ayokong iasa sa kaniya lahat dahil boyfriend ko siya. I mean, we are both earning money? Ayoko na maramdaman ni Dion na responsibilidad ni Dion na siya ang gagastos tuwing lalabas kami.
Pagkabili niya ay kumain kami sa Jollibee, mula sa inuupuan namin ay makikita ang magandang view ng Grand Canal. Promise, ang ganda rito sa Mckinley, bibigyan ka niya ng other country vibes. Open-area kasi ang Geand Canal View so makikita mo rin ang mga nagtataasang building ng Makati which is a great view honestly.
Um-order ako ng chicken at ng burger para sa aming dalawa. Kailangan namin ng heavy lunch dahil pagbalik namin sa Boothcamp ay practice na agad kami.
"Alam mo kung paano mo mapu-prove na mahal mo talaga ako?" tanong ko kay Dion.
His brows crunched. "Ha? I always make you feel that you are loved."
"May iba pang ways,"
"Ano naman?"
"Kapag ibinigay mo sa akin ang balat ng chicken mo." Akmang kukuhanin ko ang balat ng chicken sa plate niya pero inilayo niya ito.
"Makikipagsuntukan ako sa 'yo para sa balat ng chicken ko." He answered habang natatawa. "Gusto pala." Panunukso niya pa
"Damot nito." I pouted.
"Order ka na lang ulit. Saka heto ang the best sa jollibee men, itong balat ng chicken. Kumain ka diyan bago pa tayo magsuntukan." Dion said at napatawa na niya ako.
Kumain na kaming dalawa and ang relaxing lang ng ambiance. Nagtatalo man kami ni Dion sa maliliit na bagay, pero komportableng away lang naman. "Alam mo, naisip ko, hindi tayo katulad noong ibang couple na sobrang sweet sa isa't isa."
Yeah we do holding hands pero more than that? Like hugging and doing a total PDA act? Ang cringy.
"Kapag ba naging sweet ako sa 'yo, anong mararamdaman mo?" He asked habang pinapapak ang manok nuya
"Kikilabutan ako. Feeling ko may kailangan ka."
He chuckled. "Same. Komportable ako na ganito tayo. We don't need to show off to other people like hey we are couple, mainggit kayo. It's not their business anyway. Ang mahalaga masaya tayo."
Matapos kumain ay bumalik na kami sa Boothcamp para naman sa practice. It's nice to have a short break with Dion dahil simula rin sa araw na ito ay magiging hectic na ang schedule at mas hihigpit na ang practice namin.
Starting this day, kailangan na namin nang puspusang paghahanda para sa qualifying rounds ng Season 4 tournament na gaganapin sa susunod na buwan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top