Chapter 82: Birthday Gift
To: Dmitri Onyx
HAPPY BIRTHDAY, Dion! Sayang wala ako sa boothcamp ngayon pero celebrate natin sa weekends birthday mo pls. Enjoy your day and good luck sa laro mo sa playoffs!
Matapos kong ma-send ang message na iyon kay Dion ay bumalik na ulit ang tingin ko sa cellphone ni Trace upang mapanood ang live na laban ng Battle Cry at Commander Area.
Yes, ngayon ko lang binati si Dion since hindi ako fan noong maghihintay ng saktong alas-dose para mabati ang isang tao nang happy birthday. I mean nakakakilig siya (para sa iba) pero tulog ang kailangan ko these past few days hindi landi. I have a whole day para mabati naman si Dion and ngayong lunch break ko nga lang siya nagawang mabati.
"Sure win na Battle Cry nito, ang lakas ni Anonymouse." Puri ni Clyde habang focus na nakatingin sa screen. Dati ko pa naman alam na malakas lumaro si Oli pero ang laki nang in-improve nilang lahat! May mga nagbago sa play style ng Battle Cry simula noong si Kendrix na ang naging Captain nila at ibang klase rin ang laro ng mga bagong members ng Battle Cry.
"BATTLE CRY just won against Commander Area at sila ang mag-a-advance sa susunod na round..." Hindi pa man din tapos ang announcement noong shoutcaster ay umugong na ang malakas na sigawan ng mga estudyante rito sa ground floor ng College of Science.
Biglang tumayo si Trace at pumunta sa kabilang table at nilahad ang kaniyang kamay. "Huy Othan, talo ka sa pustahan. Akin na 100 mo. Lobo lang sakalam." Napailing na lamang ako dahil naging habit na ng mga gamers sa College namin ang pagpustahan ang mga matches na pinapalabas sa TV. Kapag talaga nakarating kay Dean ang ganitong gawain, baka ipatanggal talaga ang wifi sa Department namin para hindi sila makanood ng live sa Facebook.
"Huy natutuwa ako para kanila Oli!" Pumapalakpak kong sabi dahil finally! Nare-recognize na ang galing ng Battle Cry pagdating sa Hunter Online. Malaking tournament ang sinalihan nila na ipinapalabas sa TV at laging mataas ang ratings nito. I mean, Battle Cry really deserved this kind of hype.
Dati ay considered as Mediocre team lang ang Battle Cry. People just see them as may ibubuga pero walang chance manalo na team. But now, sila pa yata ang magcha-champion sa Tournament na iyon.
"Ang dali talagang maghanap buhay." Sabi ni Trace habang pinapaypay ang pera na kinita niya. "Shannah, magkano ka, bilihin na kita."
"Sampalin kita ng mga sagot na pinakopya ko sa 'yo sa Stats kanina." Ganti ni Shannah sa kaniya at malakas kaming nagtawanan. Napatingin sa akin si Shannah. "Bakla, birthday pala ni Dion. Wala ka man lang bang surprise kineme diyan?"
"Actually kakabati ko lang kay Dion." Is showed my message na kaka-send lang seven minutes ago.
"Ang pangit mo kalandian." Shannah rolled her eyes.
"May surprise party na sila Sir Theo para kay Dion. They rented a buffet house around Quezon then in-invite niya 'yong mga friends ni Dion sa iba't ibang team." Supposed to be, bibigyan dapat ni Sir Theo ng three days off si Dion para makauwi man lang siya sa Nueva Ecija... kaso nga lang, masyadong busy ang Cutie player ng Nueva Ecija at kabi-kabila ang ginagawa niya sa playoffs.
"E 'di pupunta ka doon after class?" tanong sa akin ni Clyde.
I nodded. "Gusto ninyong sumama?" tanong ko.
"Puwede ba?" Tanong naman ni Clyde. "Puro sikat na ESport players ang nandoon panigurado!"
"Oo sasama kami." Sabay-sabay na sabi nina Shannah, Tomy, at Trace na hindi man lang tinubuan ng hiya.
"Sabay-sabay na tayo pumunta. Tsaka hello, kaibigan din naman kayo ni Dion. Matutuwa pa nga si Dion if ever na makita kayo doon." paliwanag ko sa kanila. But the real motive kung bakit inaya ko sina Shannah ay... para may kasabay ako pauwi ng Bulacan.
"E 'di makikita namin sila Callie?" tanong ni Trace.
"Akala ko ba hater ka ng Black Dragons kasi mayayabang kamo?" tanong ko sa kaniya.
"Hater ako ng Black Dragon pero wala na si Callie sa Black Dragon. Fan na ako." Biro niya. As if naman nabawasan ang yabang ni Callie noong umalis siya sa Black Dragon.
Nag-effort pa ang Mokong na iyon na i-chat ako kaninang madaling araw para lang sabihin na dudurugin niya raw lahat ng team sa playoffs.
"Sumisipsip ka lang sa professional players para dumami mag-a-add sa 'yo sa facebook, eh." Shannah said.
"Shhh." Itinapat ni Trace ang hintuturo niya sa labi ni Shannah. "Hindi ko hinihingi ang opinyon ng bandwagon na kagaya mo. Mama mo sabog."
Tinapik ni Shannah ang kamay ni Trace at inirapan ito. Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa at may tinawagan. "Hello 'Ma. Sabi ni Trace sabog ka daw."
Hindi nakaimik agad si Trace sa ginawa ni Shannah at malakas kaming natawa. OMG, huwag na huwag mo talagang hahamunin ng asaran 'tong babae na 'to. "Sabi ni Mama, bawal ka na daw pumunta sa amin."
"Gago neto, pangit ka-bonding, dinamay si Tita." Reklamo ni Trace. "Clyde, ikaw ba magda-druve papuntang QC mamaya?"
"Ipapaalam ko muna 'yong kotse." He said.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi nawawala ang hype ng gaming community sa Hunter Online. Every season kasi ay may mga bagong players ang lumalaro sa professional league at may mga bagong play style silang natututunan dito. Isa ring factor dito ay nakikita nila ang pag-grow ng isang player every match.
Naputol ang pakikipagkuwentuhan ko kanila Trace noong mag-reply sa akin si Dion. Mukhang lunch break na nila.
Dmitribels:
Late naman ng bati na 'yon pero thank you!
Bogus:
Ikaw lang ang binati na nagreklamo. 🙄
Anong plano mo sa birthday mo today?
Dmitribels:
E 'di wala. Baka pagkatapos nang ginagawa ko rito sa playoffs ay uuwi na agad ako sa Boothcamp, baka magpakain na lang din ako.
Na-screenshot ko na 'yong ise-celebrate natin sa sabado birthday ko.
Libre mo ba? HAHA!
Bogus:
Dmitribels:
Maawa ka na po, master.
Bogus:
Sige na nga, birthday mo naman. 🙄
"Ngiting-ngiti?" Biglang nagsalita si Shannah and judged me with her eyes.
"Ang sarap kasi lokohin ni Dion, walang idea na may surprise sa kaniya sila Sir." Hindi talaga ipinaalam nila Sir kay Dion ang plano nila because they want to surprise him. Iilang members lang din ng Orient Crown ang nakakaalam nito.
Ako talaga ang nagsabi kay Sir na huwag na huwag niyang sasabihin ang balak niya kay Noah, Larkin, at Liu. Kilala ko ang tatlong iyon, madudulas ang mga 'yan kapag napasarap ang kuwentuhan.
"Alam mo, label na lang talaga ang kulang sa inyong dalawa," Tumingin siya kay Clyde. "No offense, Clyde ha? Million shipper ako since day one, itinaya ko na ang tatlong major subjects ko para rito."
"Para kang gago." Naiiling na sabi ni Clyde at natawa kami.
"Naka-move na si Par namin." Hinimas-himas pa ni Tomy ang likod ni Clyde.
"Pero 'te may ipapabasa ako sa 'yo, nakita ko lang sa twitter pero ang daming hearts and retweets." Shannah once again grabbed her phone at saglit na nag-scroll sa phone. Napakunot noo ako sa pagtataka pero nakangiti lang ang loka. "Basahin mo."
JustHannah:
Guys lalapagan ko kayo nang mga proofs na totoo ang Million and they are already in a relationship long time ago already!
JustHannah:
Back in March 20, nag-story si Oliver na pupunta silang SM Baliwag ni Dion, and guessed what? Nakita ko sa kaibigan ni Milan na may post siyang picture noong araw na iyon with Dion. Blurred man 'yong picture ay obvious na obvious na si Dion iyon! (naka-attach sa tweet 'yong screenshot noong My day ni Oli at 'yong picture ni Shannah na ako ang kumuha).
JustHannah:
It just means that they are secretly dating long time ago and hindi lang nila ipinapaalam sa atin.
Oh God? Dating? Kaka-meet lang namin ni Dion that day. Noong araw din na 'yan ay isinumpa ko na ayoko na ulit siyang makita, ever.
JustHannah:
March 30. May story si Milan na nagro-roadtrip silang dalawa ni Dion. Take note!!! Dion rarely interact with female players unless friend ka niya. Obviously he is so happy in that story! My million heart is so happy! Credits sa may-ari noong video.
JustHannah:
April 10. Milan watched Dion's match in Robinson Malolos!! She is wearing the number 7 jacket ng Battle Cry. We all know who is number 7 😏 (may picture na naka-attach kung saan parehas kaming nakatalikod ni Dion. I am wearing his jacket while he is guiding me papasok sa mall)
Si Oli ang nagpasuot sa akin noon that time at hindi ko alam na kay Dion iyon.
Nakakatakot na stalker itong si JustHannah dahil may time stamp talaga ang proofs (kuno) niya. 'Yong pagtulong namin sa Nueva Ecija, screenshot ng mga live namin ni Dion na magkasama, at isa sa ikinagulat ko ay may picture siyang inilapag noong family reunion namin kasama si Dion.
"Iba na talaga ang utak ng delulu fans." Iniabot ko kay Shannah ang cellphone niya.
"We are not delusional, hindi mo ba pansin? You guys are already dating in the past couple of months but tinatanggi ninyo lang kasi nga..." She quoted her next words. "Magkaibigan kayo. Excited na ako sa pag-uusap ninyo ni Dion, excited na ako mag-third wheel sa love life mo."
Napailing na lang ako pero sa totoo pang ay na-enjoy akong basahin 'yong mga post ni JustHannah dahil pinatunayan ang development ng friendship namin ni Dion.
It just proved that hindi ako nahulog kay Dion dahil sikat siya, dahil siya ang cutie player ng Nueva Ecija, dahil guwapo siya... Nahulog ako sa kung paano niya ako itinrato sa tagal naming magkakilala.
***
ALAS-TRES pa lamang ay nasa Tramway Garden Buffet na kami para tumulong sa pag-de-decorate sa buong lugar. Mamayang alas-singko pa ang tapos ng mga gawain ni Dion. I even messaged Ianne na ayain sina Dion na kumain dito para ma-surprise namin siya.
"Hindi pantay 'yong letters Tomy, itaas mo nang kaunti," utos ko habang tinitingnan ko sa malayo ang pag-a-ayos niya. "Ibaba mo pala... Paling... Kaunting taas pa. Ayan okay na."
"Ang hands-on naman ni Kumare." Dumating sina Oli sa lugar at nakasuot pa sila ng jersey at mukhang dito na sila dumiretso pagkatapos na pagkatapos ng match nila ngayong araw. "Puwede na ba kaming makikain. Buffet kasi kaya ginutom namin ang mga sarili namin."
"Puro ka pagkain," binatukan siya ni Gavin. "Pero oo nga, Milan, pakain naman na. Gutom na kami."
Yumakap ako sa kanila dahil sobrang na-miss ko sila. Kendrix smirked while roaming his eyes around. "Ang garbo naman ng disenyo nito. Girlfriend duty." Biro niya.
"Baliw ka. Sila Sir ang bumili nang pang-design, tumutulong lang kami mag-ayos. Huwag ninyo munang galawin 'yong pagkain dito para pang-picture if dumating si Dion. Gusto ninyong magpa-food delivery muna kayo, libre ko na lang." I suggested.
"Sure ba 'yan?" Tanong ni Oli. "Nakakahiya pero spicy chicken sa akin ng jollibee tapos extra rice."
"Mga sira. Mag-burger na lang muna kayo para madami pa kayong makain mamaya," I suggested and grabbed my phone para magpa-grab na. "Tumulong kayo sa pag-decorate ng place. Kailangan ko ng service ninyo bago kayo makakain." Itinuro ko 'yong mga baloons na kailangan pang bombahan.
Napatingin ako kay Renshi. "Renshi, my Mom miss you na,"
"I actually missed Tita na nga rin. When will you invite me in your house ulit?" He chuckled.
"Kailan ba kayo magkakaroon ng break? Sa amin muna kayo nila Oli."
"After the tournament baka magkaroon kami ng short vacation," Renshi said at hinatak ang damit ni Oli.
"Aray ko putangina, bakit?" Tanong niya.
"Sleepover daw ulit kanila Milan."
"Kailan? Ngayon? Tara na!" Oli excitedly shout, palibhasa ay favorite ni Daddy kaya makapal ang mukha. "Joke lang, may laro pa kami. Pero kapag may free time kami. Papahatid kami sa inyo. Excited na ako makitulog sa Captain ng Orient Crown. Big time na." Oli wiggled his brows.
"Chika mo." Naiiling kong sabi at bumalik na sa pagtulong sa pag-aayos.
Naisip ko lang sumakto na debut ito ni Dion since 21st birthday niya. Natawa nga ako sa cake na niregalo ng Orient Crown dahil hanep ang dedication:
HBD, DION
Robi- 30 pesos
Juancho- 50 pesos
Genesis- ...
Liu: Reklamo
Noah:Reklamo
Sir Theo: Nag-abono ng kulang.
Dumating na rin ang mga kaibigan ni Dion na players mapa-streamer or professional players. Tuwang-tuwa ang kulokoy boys dahil heaven daw para sa kanila na mapalibutan ng mga professional. Karamihan naman ng kaibigan ni Dion ay kaibigan ko rin kung kaya't nakakausap ko rin sila.
"Ain't this is too feminine para sa birthday ng isang lalaki?" Tanong ko kay Shannah at Aisha na naging katulong ko sa pagde-decorate. May mga balloons sa paligid at may pa-bandiritas pa kami
"Bakit? Maganda naman, ah!" sabi ni Shannah habang kinukuhanan ng litrato angbuong place.
"At tsaka choosy pa sila. Tayo ang pinag-design nila. Tatadyakan ko ang aangal." sabi ni Aisha at tumingin sa direksiyon nila Oli. "Aangal kayo?"
"H-Hindi. Ganda nga, eh. Pangarap ko 'tong ganitong design sa birthday ko." sabi ni Kendrix at natawa ako dahil takot pa rin talaga sila kay Aisha.
I got a text from Ianne na on the way na raw sila kung kaya't tinapos na namin ang mga dapat tapusin. As soon as they arrived pinutok ni Juancho at Robi ang mga Party poppers. Mukhang nagulat si Dion at tumingin-tingin sa paligid.
"Happy birthday!!" We all shouted in unison.
"Tangina kayo, kaya pala wala akong ma-contact sa inyo." Reklamo ni Dion habang nakatingin kanila Callie at Larkin na mas naunang pumunta rito. Kinantahan namin si Dion ng Happy birthday at vinideo niya kami para ilagay sa IG story niya.
"Sinong nagplano nito?" Tanong ni Dion at itinuro nila akong lahat.
Mabilis kong iniling ang aking kamay. "Sila Sir Theo ang nagplano nitong lahat."
"Pero si Milan ang nag-supervised sa pagde-design ng buong lugar."
Dion walked towards my direction. "Thank you." He wrapped his hands on my shoulder. "Sabi mo sa Weekend ka pa pupunta, eh."
"Well," I awkwardly moved my hands. "Surprised, I guess?"
Kumain kaming lahat and trust me, ang sasarap ng mga pagkain nila dito. Especially their Carbonara and Shrimp Tempura. Sa gitna nang pagkain namin ay kumakanta sina Oli. Hindi talaga uso ang hiya sa mga taong ito.
"Ganda ng boses mo, puwede kang dancer." Sabi ni Noah sa kaniya at malakas kaming natawa.
"Tarantado 'to, ah." Reklamo ni Oli sa kaniya.
Nakaupo kami sa table ni Dion kasama ang mga friends namin. "Akala ko ba wala kang surprise sa akin?" Tanong niya while poking my cheeks.
"Hindi ko nga 'to plano. Sina Sir Theo ang nagplano nito. Kilala mo ako, I am not the type of person na magbibigay ng suprise sa isang tao." Mahaba ko g litana habang kumakain ng Carbonara.
"Kilala kita. Scammer ka."
"Hindi ka na naka-getover doon." I rolled my eyes and he laughed.
"But on the serious side, thank you." Seryosong sabi ni Dion habang nakatingin sa akin. Kumuha siya ng tissue at pinahid ang gilid ng labi ko na may sauce pala ng Carbonara. "First time kong na-experience ang ganitong klaseng birthday. I don't care if it's Sir Theo's plan or the whole Orient Crown's plan. Thank you sa inyo. Especially sa 'yo, nag-effort ka na i-decorate ang buong lugar kahit galing ka sa school."
I smiled to him. "You deserved all of this. Thank you kasi na-appreciate mo."
Our conversation was interrupted noong lumapit si Callie sa akin. "Anong pangalan noon?" Tanong niya at itinuro niya ang nag-iisang babae na nakaupo sa table ng Battle Cry.
"Si Aisha?"
Callie grabbed his phone at mukhang balak niya nang i-search ito sa facebook. "Aisha..."
"Aisha."
"Ano apelyido?"
"Lexie Aisha Aurellano." Sabi ko at mabilis na itinype ito ni Callie.
He chuckled as soon as he found Aisha's facebook account. Noong nakita niya na pumunta si Aisha sa food area ay mabilis na lumapit si Callie sa kaniya. Naka-focus ang mata naming dalawa ni Dion sa kanilang dalawa. "Akala niya yata ay mauuto niya si Aisha." Natatawang sabi ni Dion.
We just observed them quietly. "Hi. It's my first time to saw you here, friends ka nila Milan?" Callie asked.
Tiningnan siya ni Aisha at binaba ni Aisha ang pinggan niya. Inambahan niya ng suntok si Callie at mabilis na iniharang ni Callie ang kamay niya. "Woah. Chill."
"Galit ako sa mayabang. Lumayo-layo ka sa akin naaalibadbaran ako sa 'yo." Seryosong sabi ni Aisha at kinuha na niya ang pinggan niya at kumuha noong spaghetti. "Sabihin mong gawa. Ganitong gutom ako, huwag mo akong simulan."
Natawa kami sa expression ni Callie. Mukhang ito ang unang beses na matapakan ang pride ni Callie the yabang. Prankang tao si Aisha, walang sinasanto ang ugali niyan kahit pro player ka pa.
S
eems everybody enjoying the whole party. Mukhang successful naman itong surprise party ni Sir Theo. Dion is the main star for this night pero nakaupo lang siya sa tabi ko at nag-e-enjoy na pinagmamasdan ang mga nagsasaya naming kaibigan. "Alam mo dapat kumanta ka," sabi ko kay Dion sabay turo doon sa videoke area. "Kailangan marinig nila kung gaano ka kagaling tumula."
"Nagsalita." Reklamo ni Dion at natawa ako. "Pro player ako, hindi ako singer. Sorry naman."
"Isang Twice naman diyan."
He raised his both hands at itinapat sa kaniyang ulo. "Jirit. Jirit. Jirit. Jirit." Ginaya niya pa 'yong dance step ng Signal ng Twice at parehas kaming natawa.
"Buti na lang nag-pro player ka. Isusuka ka sa showbiz, wala kang talent." Natatawa kong paliwanag sa kaniya.
Naputol ang usapan namin noong lumapit sa amin si Kendrix. "San Mig?" Tanong niya kay Dion.
"Pass." Dion answered at tumingin sa akin. "Pass din si Milan, kotongan ko 'to kapag uminom 'to."
"Bebe time kaya pass." Naiiling na sabi ni Larkin at naglakad na papalapit sa videoke area.
They are all having fun pero masaya na rin kami ni Dion na nakaupo lang. "Alam mo very Tito at Tita tayo rito. Masaya na tayong nakikita silang nag-e-enjoy." Turo ko kanila Noah.
"Nasaan regalo mo sa akin?" Tanong niya sa akin.
Pumangalumbaba ako and smiled to him. "Presence ko saka kuwento."
"Ang corny naman ng regalo mo." Dion said at hinampas ko ang braso niya. "Hirap mo naman pasayahin, nanghahampas ka lagi ng braso."
"Wait kuhanin ko 'yong regalo ko sa 'yo. Kaso 'wag ka madi-disappoint." Tumayo ako at hiniram kay Clyde ang susi ng kotse para makuha sa backseat ang regalo ko kay Dion.
Bumalik ako sa puwesto namin. Sa bandang sulok kami nakaupo ni Dion malayo sa atensiyon ng lahat. Hinahayaan na namin na mag-e joy ang iba sa gitna. Comfy na kami sa sulok na magkausap.
"Ano 'to" he asked.
I grabbed my phone para i-video siya sa kung ano ang magiging reaction niya sa regalo ko. "Open it."
"Baka gasolina 'to. 'Di ba may gasoline station pamilya ninyo?"
"Ha-ha. Funny. Open mo na."
He slowly removed the wrapper at kitang-kita ko ang saya sa mata ni Dion noong makita niya ang regalo ko sa kaniya. "Gago ka. Seryoso?" He asked habang tinitingnan ang Attack On Titan na action figure (Jean to be exact).
"Matagal mo nang gusto 'yan 'di ba?" Tanong ko.
"Ikaw ang matagal ko ng gusto." He answered and smile.
"Chika mo!" Itinuro ko ang camera. "Naka-video. Umayos ka sa sinasabi mo."
"Puwede ko na bang i-assemble dito 'to?"
"Sa boothcamp mo na gawin."
He looked at me again. "Thank you for this. Hindi ka nahirapan maghanap?"
"May seller akong nakausap. Parang from Japan talaga 'yong item. Medyo matagal nga lang 'yong shipping pero buti umabot sa birthday mo." Paliwanag ko sa kaniya.
"Gusto mong umalis dito? Ang ingay, eh." Aya sa akin bigla ni Dion.
"Birthday party mo 'to tapos aalis ka?"
"Puwede naman. Hiramin ko kotse ni Callie." Tumayo na si Dion at lumapit kay Callie. May pinag-usapan silang dalawa na hindi ko na narinig mula rito pero mukhang nagpapapuri na naman si Callie kay Dion.
"Coach, alis kami ni Milan!" Paalam ni Dion habang hawak niya 'yong regalo ko sa kaniya.
Kinuha ko ang bag ko at sumama na kay Dion. "Hindi ka sasabay sa amin pauwi?" Tanong ni Shannah.
Tumingin ako kay Dion and he made a pouty face na pinipilit akong sumama sa kaniya. Hindi bagay sa kaniya. Asar. "Baka hindi na. Ihahatid ako ni Dion hanggang Bulacan."
"Sige. Galingan mo lumandi, itodo mo na girl!" Shannah shouted at itinaas ang beer na hawak niya. Medyo tipsy na ang gaga, good luck kay Clyde sa pagda-drive mamaya pauwi. Ang ingay pa naman noong tatlo kapag nalalasing sila.
Lumabas na kami sa lugar. May ibang staff na binati pa si Dion bago kami nakaalis. Sumakay kami sa kotse ni Callie at inilagay niya sa backseat 'yong niregalo ko sa kaniya.
***
P
LAY TIBOK BY CHOLO AND SHANE
THE next thing I knew? Nasa Tagaytay na kaming dalawa. We are in Starbucks kung saan makikita ang view noong Taal. Although, hindi na siya visible dahil gabing-gabi na. We arrived here around 10PM.
Bahala talaga si Dion sa paghatid sa akin hanggang Bulacan, siya ang may gustong mag-Tagaytay. Buti na lang at 10AM pa ang klase ko bukas nang umaga.
I am the one who ordered the drinks. He ordered the usual, Dark Mocha with additional Mint habang ako ay nag Ice choco lang. Ayoko munang uminom ng may Caffeine muna, kailangan makatulog ako agad pagkauwi.
"Anong in-order mong dessert?" Tanong niya.
Ipinakita ko sa kaniya ang isang slice ng cheese cake at chocolate cake. Sa itaas ng chocolate cake ay nagpalagay ako ng message na Happy Birthday cutie player!
"Happy birthday, talagang dito mo pa talaga naisipan na umupo sa labas. Ang lamig-lamig dito sa Tagaytay." Reklamo ko sa kaniya. Hinubad niya ang jacket niya at iniabot sa akin. Isinuot ko ito. "Baho. Amoy pawis."
"Baka amoy pawis," he really look offended kaya natawa ako. "Kakapa-laundry ko lang niyan kahapon."
Umupo ako at tumingin sa bituin sa langit, sayang kasi, hindi na visible ang Taal volcano ng ganitong oras. He assembled the action figure that I gifted. "Happy ka diyan?" Tanong ko.
He smiled again. "Happy." He answered.
Uminom ako ng drinks at dinadama ko lang ang malamig na simoy ng hangin. Wow, I never expect that I need a Tagaytay escapade.
Pinicture-an niya 'yong action figure na regalo ko at hinayaan ko lang si Dion. Si Jean ang favorite character niya sa AOT kung kaya't sobrang natuwa siya sa regalo ko.
"So, let's talk about it." Ipinatong niya sa bakanteng upuan.
"Alin? 'Yong pagpunta natin sa finals ng laban ng Battle Cry?"
"'Yong sa atin. I mean, patapos na ako sa ginagawa ko sa playoffs. Nabigay na natin ang space na hinihingi natin para mapag-usapan 'to." Napaubo ako dahil sa iniinom ko. Inabutan ako ng tissue ni Dion.
"Dito talaga?" Tumingin-tingin ako sa paligid.
"Oh bakit, wala naman masyadong tao ngayon dito," napatingin siya sa babaeng mag-isa sa gilid na mukhang may ginagawa sa laptop. "Hello, ate 'wag ka muna makikinig sa usapan namin. Birthday gift mo na lang sa akin."
Hinampas ko ang braso niya. "Gaga ka. Nakakahiya sa tao." Napatingin ako kay Ate. "Sorry po."
"Let's be honest with our feelings." He said at uminom noong frappe. "When did you started to like me?" Kagat-kagat niya 'yong straw habang nakangiti.
Okay ilang araw na ang lumipas kung kaya't napaghandaan ko na rin naman ito. "Hindi ko rin alam."
"Puwede ba 'yon?"
"Seryoso nga, hindi ko alam! Alam mo 'yon, I know to myself that I only see you as a friend. Sobrang vocal ko sa bagay na iyon 'di ba?" Tumango-tango si Dion bilang sagot. "Pero alam mo 'yon, day-by-day nag-iiba 'yong pagtingin ko sa 'yo. Noong una indenial pa ako, but later on... I realized ah okay gusto kita. Hindi siya parang magic na nagkagusto lang sa 'yo, ha? Maybe, I fell for your actions?"
"Like?" He asked na parang gustong-gusto niya ang naririnig niya.
"Kilig na kilig ka naman, namumula na 'yong tainga mo, oh." Pagbibiro ko.
"Sa lamig lang 'yan." He answered
"Nahulog ako sa mga words mo, sa comfort na dala mo. I mean, you are my mentor, my bodyguard, my bestfriend, my enemy, my one call away guy. Hindi ikaw 'yong ideal kong lalaki but you surpassed my ideal man. Kapag kasama kita ay sumasagi sa isip ko na I deserved to be treated this way. Ganoon naman dapat talaga 'di ba?" Kumain siya ng cheesecake "Eh ikaw, when did you start to like me?" Pumangalumbaba ako at seryosong tumingin sa kaniya.
Hinalo niya ang laman ng drinks niya gamit ang straw. "Naniniwala ka ba sa concept ng love at first sight?" Tanong niya sa akin.
"Hindi." I answered at bagot akong tiningnan ni Dion. "Hindi talaga! I mean, ako nga it took me a couple of months bago ako nahulog sa 'yo, I fall for your actions. If na-love at first sight ka, ibig sabihin ay na-inlove ka sa physical attribute ko."
"Panira amputa." Reklamo niya sa akin. "Okay, I admire you at first sight."
"Ayan ba 'yong sa mall?" Tanong ko.
"Huwag mo nang i-elaborate ang nangyari but yeah, that's the first time that I saw Shinobi in real life. Bumiyahe pa kami from boothcamp just to see you... And you know what I felt the moment I saw you?"
"Ano?"
"That it's worth it." Napangiti ako sa sinabi ni Dion. "Noong sunod-sunod na naa-announce ang pangalan mo sa game ay parang doon lang ako nakakilala ng isang babaeng player na ganoon ka-dedicate sa paglalaro ng Hunter Online. For the first time, I thank Oli's stalking skills, without him... Hindi kita makilala."
"Iyon lang 'yong reason kung bakit mo ako nagustuhan?" Tanong ko sa kaniya. Wow, I never expected that we will talk about this CASUALLY. Tamang desisyon lang na binigyan namin ng time ang isa't isa.
"Doon ako nagka-crush sa 'yo. But of course I am shy to admit that, knowing the personality of my friends. Ilang beses kaya akong tinukso noong nalaman kong crush ko si Ianne." Paliwanag sa akin ni Dion. "Hindi ka na ulit magseselos kay Ianne?" Natatawa niyang tanong.
"Alam mo, hindi tayo mag-aaway sa Inihaw na manok kung sinabi mong sina Sandro at Ianne pala."
"E 'di hindi kita napaamin at hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na umamin." Sabi niya sa akin. He grabbed a bite of cake again. "Back to the story. Akala ko noong ay happy crush lang. 'Yong mawawala din kapag nakasama kita ng matagal. Na dumating sa point na kaibigan lang ang tingin ko sa iyo... Kaso hindi nangyari."
"Habang tumatagal na magkasama tayo sa Boothcamp ay parang unti-unti akong nahuhulog. Ikaw ang gusto kong unang makita pagkagising."
"Chika mo, late ka nga magising."
"Kaya nga. Saka sina Oli una kong nakikita kasi magkaka-room kami pero gusto ko sa umaga isa ka sa mga tao na bubuo ng araw ko." He said at napangiti ako.
Kapag binabasa ko sa mga novel ang ganitong mga words ay nagki-cringe ako. Ang OA sa pagpapakilig pero noong naririnig ko ito kay Dion ay napapangiti ako kahit ayaw ko! Ngayon ay gets ko na kung bakit ang corny ng mga magjojowa sa mundo, kaakibat nang pagoging inlove ang pagiging corny.
"The more I stepped forward papalapit sa 'yo. Binibigyan mo ako ng dahilan para tumigil sa paghakbang. You just set boundary that we should not crossed the line because we are friends, because I am your boy bestfriend. Tanginang 'yan." Natawa ako sa mura ni Dion. "The moment that you draw the line. Nakatayo na ako sa tapat ng guhit, pinagmamasdan kung kailan mawawala iyon."
My heart start beating so fast. Hindi ko kinakaya ang pinag-uusapan naming dalawa ni Dion. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko and thank God dahil nakaupo kaming dalawa.
"But you know what, sinubukan kong kalimutan 'yong nararamdaman ko sa 'yo. Pero noong bumagyo, nakita ko kung paano mo inalagaan ang pamilya ko, kung gaano ka kasaya habang tumutulong sa iba. That's when I realized na gameover, hindi na mawawala ang feelings ko sa 'yo. Kuntento na ako na nakaupo sa tapat ng linya na sinet mo, wala na akong balak tumawid... Masaya na ako na napapasaya kita. I am happy na napapatawa kita, nagiging sandalan mo kapag malungkot k—" Dion looked at me. "Bakit ka umiiyak?" he chuckled.
Pinahid ko ang luha ko. Hindi ko naman in-expect na maiiyak ako sa sinasabi ni Dion. "Pumasok lang bigla sa isip ko na hinintay mo ako. Hindi mo ako pinilit na magustuhan ka. You waited for me." Kumuha ako ng tissue ar pinahid muli ang luha ko.
"Dahil mataas ang respeto ko sa 'yo. I respect your decisions. Your words. You as a woman, I respect you." Napasinghot ako at napatingin kay Dion na nakangiti sa akin.
"Puwede ba kitang mayakap?" Tanong ko kay Dion.
Tumayo si Dion at tumayo rin ako. I hugged him tightly. I don't mind kung may ibang tao rito sa overview ng Tagaytay o may mga bumibili sa Loob ng Starbucks.
"Thank you." I said to him while hugging him tightly. "Thank you for waiting for me."
Ipinatong ni Dion ang baba niya sa balikat ko. "Thank you. Thank you for making me feel that waiting you is worth it."
"Puwede ko nang ituloy ang kuwento ko?" Tanong ni Dion at natawa ako. Bumalik kami sa pagkakaupo.
"Anong naramdaman mo everytime that I told to our friends na magkaibigan lang tayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Masakit. Sige nga isipin mo, 'yong taong gusto ko bestfriend lang ang tingin sa akin. Pero sinasakyan ko na lang, anong magagawa ko? Ganoon mo lang ako nakikita. I don't want to forced my love to you. Ayokong maging dating sa 'yo ay I am here all along you should love me. Ayoko ng ganoon. You don't deserve it and I don't deserved that."
He deeply sighed and hold my hands. "Pasmado ka." Reklamo niya.
"Wala akong magagawa diyan. In born 'yan." I rolled my eyes.
"I already crossed the line Milan. For the first time in my life I decided to be brave. Will you be my girlfriend?"
Napahinto ako sa tanong ni Dion pero sa totoo lang, alam ko na ang isasagot ko sa kaniya. He deserves this. Hindi ko alam kung kailan ako ulit makakikilala ng tao na rerespetuhin ako the way Dion respected me.
"Wait lang." I grabbed my phone and dialled my brother's number.
"Huy anong oras ka—"
"Kuya, tumawag lang ako para sabihin na sasagutin ko na si Dion. Sermunan mo na lang ako pag-uwi pero hindi magbabago ang desisyon ko." I ended the call at gulat na gulat si Dion sa ginawa ko.
"Yes. Wala nang invisible line." I smiled at napadukdok si Dion sa lamesa at napaiyak.
"Seryoso ba?" He asked again and I nodded. Tumayo si Dion at mahigpit akong niyakap.
"Mahal kita, Milan. Sa wakas nasabi ko na rin sa 'yo." He hugged me tightly at napatingin ako sa mga tao sa loob ng Starbucks.
"Bitaw na. Ang dami na nilang nakatingin sa atin. Mahal din kita, Dion." I answered.
Umupo kaming dalawa at ilang minuto pang nagkuwentuhan. We are beating around the bush for a long time... Ngayon, nabigyang linaw na ang lahat. Which makes everything worth it.
Pauwi na kami noong makita ko ang IG post ni Dion na litrato. It's a photo taken by the staff habang nakatalikod kaming nakatanaw ni Dion sa overview ng Tagaytay. Take note, I am wearing his Jacket.
Dmitri Onyx:
If you will ask me few months ago, I will not hesitate to answer that we are just friends. Now, ask me again.
*******
Twitter Tagline for this update:
HUNTER ONLINE WATTPAD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top