Chapter 77: Admit and Realize

Hey guys, can I have your minute to share Hunter Online on your social medias para mas maka-reach ang story ng mas maraming audience.

Malaking bagay iyon sa pagsusulat ko and thank you! Enjoy the story! ✌️

"GIRL! Tuwang-tuwa ang publisher dahil ang taas ng sales ng book ko noong book launch." Tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Shannah habang ipinapakita ang chat ng Boss niya sa kaniya.

Nakatambay kaming dalawa bench malapit sa hagdan ng department namin at natatanaw mula rito ang mga estudyanteng naglalakad sa may Heroes park ng school.

"Gamit na gamit ang cutie player ng Nueva Ecija sa 'yo." Naiiling kong sabi sa kaniya at bahagyang natawa si Shannah.

"Para saan pa at naging friends kami nila Dion, 'no! Pero thank you sa inyo guys, memorable na 'yong pag-publish sa book ko pero mas naging memorable pa dahil kasama ko kayo sa pagpo-promote that day." Wala ang Kulokoy boys ngayon dito dahil nasa Computer shop na naman silang tatlo para maglaro ng online games.

I kinda understand the happiness that Shannah felt that day, sobrang memorable din sa akin noong mga tournament kung saan pumupunta ang parents ko at mga kaibigan ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na makita 'yong mga kaibigan mo na proud na proud sa 'yo.

"Pero, 'te, alam mo kung saan ako mas masaya? Okay na kayo nila Oliveros." she said while combing her hair. "Grabe! Kung alam mo lang bakla, ramdam ko 'yong tensyon ninyo that day!"

"Paano pa kami ni Dion? Hindi naging maganda ang pag-alis namin sa Battle Cry kung kaya't natatakot kaya kaming harapin sila Oli." Kuwento ko kay Shannah. "Pero bago matapos ang araw ay napag-usapan naman namin nila Oli ang mga nangyari. Naayos na ang mga dapat maayos, hindi ko na lang ikukuwento ng details dahil sobrang private issue niya. And ayon, we are looking forward na makalaban ang isa't isa sa mga tournament."

Our conversation was interrupted noong tumawag sa akin si Kuya London. "Napatawag ka, Kuya?" 

"May delivery ka ngayong araw, gago ang mahal naman nito, ano ba 'to?"

"Pakibayaran muna Kuya, bayaran ko na lang sa 'yo pag-uwi ko. Ingatan mo 'yan!" 

"May tubo 'to kapag binayaran ko."

I rolled my eyes. "Alam mo, sa lahat ng kapatid, ikaw lang yata ang pinaka corrupt." 

"Corrupt ka diyan? Ako ang pinakapogi kamo. Bayaran mo na lang ako pag-uwi, ah, uwian mo rin ako noong sisig sa palengke kapag nadaan ka. Sarap pala noon."

He ended the call at napailing na lang ako. Ten minutes away lang ang subdivision na tinitirahan namin sa palengke at sa akin pa talaga inutos ni Kuya 'yong cravings niya sa Chicken sisig. Pero infairness, masarap nga talaga 'yong sisig nila doon. 

Napatigil si Shannah sa pag-i-scroll sa kaniyang phone at napatingin sa akin. "Ano na naman ang in-order mo online? Nahahawa ka na kay Dion kaka-online shopping." #guilty.

Nito lang kasi ay in-introduce sa akin ni Dion ang convenience na dala ng online shopping. All you need to do is order it online tapos ay dadating na siya in a few days sa tapat ng bahay or boothcamp tapos ay babayaran mo na lang. Sobrang hassle free.

Lately kasi ay naging busy din talaga ako sa school at sa boothcamp kung kaya't nawawalan na akong time para mag-stroll sa mall.

"Bumili ako ng panregalo kay Dion, next week na ang birthday niya." 

Mukhang wala nga talagang balak si Dion na paghandaan ang nalalapit na birthday niya dahil ang busy-busy niya sa Playoffs. May mga photoshoot siya, practice game, tapos ay nag-a-appear pa siya sa vlogs ng mga ka-team niya. Partida, hindi pa kasama doon ang mga ginagawa namin sa Boothcamp.

"Bakla ka ng taon, hindi mo man lang sinabi na magbu-birthday pala si Crush #9! Bibili ako ng panregalo sa kaniya para makabawi man lang sa pambubudol na ginawa ko sa kaniya last time. Stressed na stressed si Bakla kasi ginawa ko siyang photo OP noong book signing ko, eh." Natawa ako sa paliwanag ni Shannah. "Anong balak mong iregalo sa kaniya?"

"Attack on Titan na action figure. Favorite character niya kasi si Jean sa AOT, nahirapan nga akong maghanap, eh."

"Wow, ha! Nag-scroll ka lang sa shopee, nahirapan ka pang maghanap."

"Kasi puro Mikasa, Eren, and Levi action figure ang lumalabas kaya ang effort kaya na makahanap ng Jean Action Figure. Sobrang adik kasi ni Dion sa Attack on Titan ngayon. Eh ilang araw ko na siyang nakikita na tumitingin ng action figure, hindi niya lang mabili kasi nag-iipon siya so... iyon na lang ang ireregalo ko sa kaniya."

Magastos si Dion sa pagkain pero madalang mo talaga siya mapabibili ng mga bagay na magbibigay sa kaniya ng happiness, iniisip niya lagi na kailangan niyang makapag-ipon ulit dahil target niyang makapagpagawa ng apartment sa Nueva Ecija at next year ang target date niya doon.

"Aw. Ang sweet ninyo. Asang-asa na ako seryoso." Shannah said at ipinakita niya ang isang IG story. "Mukhang todo kayod nga si Lolo mo Dion. Fully booked."

It was an IG story of Ianne na magkakasama silang Blue Falcon (Team name nila sa Playoffs) sa Stargame para sa isang interview. Kumpleto naman silang blue Falcon sa picture pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay si Dion at Ianne na magkatabi sa picture.

As in parang instant na nag-zoom ang mata ko sa kanilang dalawa kahit group picture naman 'to. "'Te! Bakit parang hindi ka masaya diyan, nagbago bigla 'yang mood mo?" Tanong ni Shannah sa akin.

"Ang saya niyang kasama si Ianne, 'no?" Bigla kong nasabi.

Tiningnan ulit ni Shannah ang picture. "Well, mukhang nag-e-enjoy naman si Dion na kasama ang buong blue falcon. Sila din ang magkaka-team last year kung kaya't parang reunion din sa kanila ito..." napatingin sa akin si Shannah. "Teka nga! Nagseselos ka ba?!"

"I-I don't know."

"Huy seryoso ba 'yan?!" Pinaypayan ni Shannah ang mata niya na para bang anytime ay maiiyak para sa akin. "Gaga ka, ang saya ko."

"Pero lately ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay Dion. May mga oras na kaya niyang iparamdam sa akin na importante ako. Hindi ko alam kung naguguluhan lang ako dahil lagi kaming magkasama o totoo nga ang sinasabi ninyo na... nagkakagusto na ako sa kaniya." Bestfriend ko si Shannah, kahit naman judgmental 'yan ay feeling ko ay iintindihin niya ako since matagal na kaming magkakilala.

"Girl, pinaiiyak mo ako, hindi ko na kailangan magbagsak ng ilang subject." Pinahid ni Shannah ang luha niya. "Seryoso naiiyak ako para sa 'yo. Proud ako kasi lumalandi ka na."

"Gaga ka." 

"Wala ka naman dapat ipagselos kay Ianne, mukha naman siyang hindi interesado kay Dion kahit shini-ship siya ng ibang tao kay Dion."

"Pero crush siya ni Dion noon."

Napangiti si Shannah. "Bakla ka, ngayon lang kitang nagkaganiyan. Sabi mo nga ay NOON. Hindi ninyo kasi nakikita ni Dion kung paano ninyo itrato ang isa't isa. Alam mo 'yon? Kahit sinasabi ninyong magkaibigan kayong dalawa ay ramdam namin na may laman. Pero natutuwa ako kasi finally ay na-realize mo ng gusto mo si Dion after a couple of months! You obviously like him a long time ago already but you just shrugged the idea that you are in love with your boy bestfriend."

Parang ngayon ko lang na nada-digest or natatanggap na gusto ko nga si Dion. This time, hindi ko siya gusto as may game partner, or friends, or boy bestfriend. I like him... as himself, as Dion, as my one call away guy.

"Pero natatakot akong sabihin kay Dion ang tungkol dito. Paano kung hindi niya ako nakikita the way na nakikita ko siya ngayon?"

"Natatakot ka? Saan? Na ma-reject? Girl, hindi porke't napagtanto mo ng gusto mo siya ay aamin ka naman na agad-agad. Enjoy the idea that you are inlove with Dion since bago sa 'yo ang pakiramdam na 'yan, savor it. Umamin ka kung kailan ka ready. At isa pa, kung i-friendzone ka man ni Dion, parang wala naman sa image ni Dion na lalayuan ka niya just because you liked him. Feeling ko PLATONIC pa rin kayo if ever."

"Tsaka wala kang dapat ikaselos kay Ianne, kung gusto ni Dion si Ianne ay mukhang sa 'yo naman siya unang magsasabi." 

Napangiti ako. "Iba talaga mag-advice ang mga writer." 

Shannah flipped her hair. "Siyempre, hopeless romantic ako. Kung sino pa ang mga single sila pa ang magagaling mag-advice."

Natawa ako sa sinabi ni Shannah at hinawakan niya ang kamay ko. "Pero bakla ka ng taon, I am happy for you. Akala ko ay forever ka nang mai-i-stuck sa indenial stage. Dati ko pa kayang napapansin na iba na ang tinginan mo kay Dion pero hindi lang ako nagsasalita kasi... hello, sino ako para maging intrimitida sa feelings mo? Isang hamak na kaibigan lang naman ako kung kaya't hinayaan ko na ma-realize mo 'yan on your own. Proud na proud ako sa 'yo, para akong nakakita ng bata na finally ay natuto ng lumandi."

"Siraulo ka, Shannah."

"Pero heto, ha. Alam kong first time mong ma-inlove, ang overwhelming pa ng nararamdaman mo ngayon. Don't force yourself na sabihin kay Dion na 'Hey I like you, not as just friends anymore,'" she mimicked my voice. "Enjoy mo muna 'yong moment na inlove ka, sarilinin mo lang muna. Kung kailan ka ready at feeling mo ay kailan siya ready ay doon mo aminin sa kaniya ang nararamdaman mo. Feeling ko naman ay may perfect time na nakalaan si Lord para diyan."

Pinag-usapan na namin ang activity na gagawin namin isang programming language naming klase ngayong araw. Magaling si Shannah sa math pero mahina talaga siya sa programming kung kaya't nagpapatulong siya sa akin ngayon. Dumating na rin sina Trace at mukhang katatapos lang nila mag-Computer shop dahil pinag-uusapan nila ang Computer game na nilaro nila.

Lumapit sa amin si Governor Paolo kung kaya't nagpatuloy ang diskusyon naming dalawa ni Shannah. "Gov, liligawan mo na ba ako?" Shannah bravely asked kung kaya't natawa ako.

Pao just chuckled. "Hindi pa pero ikaw nga talaga ang pakay ko."

Tumingin sa akin si Shannah. "Mas maganda ako sa 'yo today." Pagmamayabang niya.

"Congrats sa pag-release ng book mo. I already bought my copy, although, hindi pa siya nade-deliver." Kumamot sa kaniyang baba si Pao.

"Thank you, Gov. Hayaan mo, kapag tumakbo kang senator next year ay ika-campaign kita hanggang sa College of Engineering manalo ka lang."

"Thank you. Iyon na nga, we are having Pagbasa para sa Bata project na kung saan magbabasa kami ng mga stories sa mga street children sa labas ng University natin. I am also collecting books for those students na gustong mag-donate."

"Gov, puwede ba tiktik i-donate ko diyan? Madami sa bahay." Natatawang tanong ni Trace at malakas na nagtawanan sina Clyde. Hindi ko gets.

"Gago neto. Impyerno na talaga bagsak mo." Natatawang sabi ni Clyde.

"Bawal." Gov. Pao chuckled. "So, ikaw ang nilapitan namin Shannah dahil may good reputation ka na sa publishing industry. Hindi naman ito sapilitan. Kung busy ka, you can decline naman... Hindi naman ako magtatanim ng galit."

"Pero nangongonsensiya ka." Shannah said habang natatawa.

"Parang ganoon na nga." Pao said.

"Tutulong ako, ano ba! Malakas ka sa akin Gov." Shannah agreed in instant.

"Puwede ba akong tumulong?" tanong ko. "I mean, I have old books sa bahay na hindi na nagagamit na puwede kong i-donate. Gusto ko rin tumulong." sabi ko habang pumapalakpak. Yes, gustong-gusto ko 'yong mga ganitong project na makatutulong sa ibang tao.

"If hindi abala sa inyo, yes you can help." Gov. stated. "And by the way, thank you sa pagsama sa akin last time Milan, nagustuhan ng kapatid ko 'yong PC build na niregalo ko."

"Gov, ako ang kailangan mo, dapat nasa akin lang ang atensiyon mo! Nakakatampo." reklamo ni Shannah at natawa kami.

***

PAGKAUWI ko sa bahay ay chineck ko muna 'yong condition noong action figure na dumating sa bahay. So far, maayos naman ang kundisyon nito at nai-imagine ko na agad ang magiging reaksiyon ni Dion since favorite niya raw na character si Jean sa Attack On Titan.

Para kasi kay Dion ay underrated character si Jean at magaling din ito sa mga tactics. Kapag nag-uusap kaming dalawa at sinasabi kong favorite ko si Levi ay laging sinasabi ni Dion ay 'Levi is too overrated, yeah he is the strongest soldier of the humanity pero mas maganda 'yong character development ni Jean, he joined the Survey Corps to give Marco a justice.'

He can debate with you kung bakit si Jean ang best boy sa AOT at wala siyang favorite kanila Eren, Mikasa, at Armin kahit sila ang bida.

Binalot ko sa gift wrapper 'yong regalo ko kay Dion at matapos noon ay nakipag-virtual meeting na sa buong Team sa kung sino ang isasama sa lineup sa Boss Raid na gagawin namin.

"Ang ganda naman ng kuwarto mo. Mayaman ka, 'no?" Noah said while he is examining my room. Magkakasama kasi silang lahat sa meeting room, less screen para hindi masyadong lag. "Gagi, Genesis, mayaman pala 'tong si Captain?"

"Kayang bilihin ni Milan pagkatao mo." Sagot ni Larkin sa kaniya.

"Ah epal, 'di naman kausap. May wall." ganti ni Noah sa kaniya.

"Konyatan kita pito sunod-sunod. Napipikon mo na ako, gusto mong hatiin din kita katulad ng ginawa ni Noah sa dagat?" At ayon, nagbardagulan naman sila.

"Stop na, start na natin 'to para maaga din kayong makapagpahinga ." Pagputol ko sa kanilang pagtatalo at tiningnan ko isa-isa kung kumpleto na sila. "Nasaan si Dion?" Tanong ko.

I mean, it's already 9:00PM at alam niyang may virtual meeting kami ngayong araw. I reminded them this morning pa para lang huwag nilang makalimutan.

"Wala pa sa Boothcamp," sagot ni Liu. "Mukhang kumain pa sila noong mga ka-team niya sa Playoffs. Busy." he chuckled.

I sighed. "Kasali din naman sina Larkin at Callie sa playoffs pero nandito sila." paliwanag ko. "But anyways, pag-usapan na natin ang tungkol sa gagawing raid. I already watched the live of other players at mukhang walang ibang monster sa  dungeon kung hindi ang boss lang."

They are listening with the thing that I discussed. Siyempre, nakikipagpalitan din ng idea sina Larkin at Callie. Gago man silang dalawa pero dependable sila pagdating sa game, hindi nila hinahayaan na i-handle ko ang situation na mag-isa which gives me an assurance na magagawa namin ang boss raid.

"Noah, Ako, Callie, Genesis, Juancho, Robi... Tapos ikaw, Kaden ang tatangke." Paliwanag ko.

"Paano si Dion?" he asked.

"Baka busy. Tsaka okay na rin na practice sa 'yo 'to since kasama ka sa lineup ng Lemon Cola Tournament." Pinagmasdan ko 'yong mga bagong members ng team.

"Guys, hindi porke't hindi ko kayo sinama sa lineup ay hindi kayo magaling. Especially 'yong mga bago, we still need to blend-in your play style sa laro ng Orient Crown. Especially sina Callie, they always do risky plays so baka mahirapan kayong ma-backup-an sila. Observe lang muna kayo and then next week, I will evaluate your skills, okay?" tanong ko.

"Yes, Captain!" They answered in unison.

"Meeting adjourned. Huwag ninyong kalimutan na inumin 'yong mga vitamins ninyo. Please, huwag kayong magkakasakit especially ang daming ganap ng Orient Crown ngayon. Tapos... Larkin, ikaw na ang bahala sa Morning jog nila bukas, ha?"

"Yes, Capt." he answered and I ended the call already.

***

ARAW ng Biyernes at isinagawa na namin ang Pagbasa para sa Bata project ng buong Student Council. Sa mini forest malapit sa BulSu ito isinagawa and honestly, tuwang-tuwa ako sa mga bata dahil sobrang nakikinig sila sa mga kuwento ni Shannah.

Hinahanda ko ang merienda nila para i-distribute (which is Zesto and Fudgee bar) noong nag-chat sa akin si Dion. We usually update each other kung ano ang ginagawa namin sa araw na iyon. Habit na rin.

Dmitribels sent a video.

Saglit akong napatigil sa pagpe-prepare at tiningnan ang sinend ni Dion. It was a short video kung saan kasama niya ang Blue falcon.

Familiar ako sa place kung nasaan sila— sa Paper Moon Cafe. Ang weird na makaramdam ng inis or tampo or selos dahil lang sa pagdala ni Dion kanila Ianne doon.

I mean, that's our place. We discovered that place and one of my favorite cafe's around Taguig. Hindi man lang niya pinagdamot. May sentimental value sa akin 'yong cafe na iyon dahil doon ako dinala ni Dion noong stressed din ako sa Academics at sa pagiging Captain ko.

Aa short video rin na iyon ay narinig ko pa ang boses ni Ianne. "Dion, masarap ba 'yong Tiramisu Mille Crepe nila?"

Then the video ended.

I know he want to share it with me para ma-feel good ako pero instead na matuwa ako ay nainis lang ako. Okay ang immature at ang out of place ng inis ko pero alam ninyo 'yon? Hindi niya man lang ipinagdamot 'yong lugar na iyon (God, self, as if pag-aari mo ang Paper Moon Cafe).

But the thing is! Hindi siya nakaka-attend ng practice on time tapos makikita ko lang siya na nag-e-enjoy kasama ang Blue Falcon.

Hindi naman sa pinagbabawalan ko si Dion to have friends outside the team pero... Don't neglect your duties as a player of Orient Crown.

"Huwag kang mababaw, Milan." Mahina kong bulong sa aking sarili. I took a photo and kita sa background 'yong mga batang binabasahan ni Shannah. Sinend ko iyon kay Dion at ilang segundo lamang ay nag-reply na agad siya.

Dmitribels:
Is that Paolo?

Binalikan ko ang picture at hagip nga sa camera si Governor Pao na nakangiting nakatingin sa mga bata. At isa pa, bakit mawawala si Paolo dito? It's a project hosted by Local Student Council at ako nga lang ang sabit dito, eh.

Bogus:
Oh, forgot to tell you that this is LSC'S project kung kaya't nandito sila Pao. 😬✌️

Dmitribels:
Ah. Sige.

Ah sige? Anong ini-expect niyang ire-reply ko diyan? Bakit ba big deal na big deal sa kaniya kapag kasama ko si Gov?

Hindi ko naman ginagawang big deal kapag kasama niya rin si Ianne, ah. (Or pinaniniwala ko lang ang sarili ko na hindi ko ginagawang big deal)

Ewan ko, ang gulo na.

Out of nowhere ay naalala ko ang sinabi ni Callie sa amin na we already crossed the lines.

"Milan," naputol ang malalim na pag-iisip ko noong lumapit sa akin si Gov. Paolo. "Ready na daw ba 'yong foods for the kids?" he asked.

"Naku sorry," binilisan ko ang pag-aayos ng Zesto at Fudgee bar. "May nabasa kasi akong memes sa facebook." I reasoned out.

Hindi ko na pinansin ang chat ni Dion sa akin. He tried to call me pero hindi ko na rin nasagot dahil nga sobrang na-busy kami rito.

Ang sarap sa feeling na 'yong mga favorite books ko noong bata ako ay ibinibigay ko na ngayon sa mga street children. I just really hope na huwag silang sumuko sa pangarap nila.

May mga bata akong nakakuwentuhan na gusto nilang maging Doctor, Engineer, Teacher, or even Architect at gusto daw nilang magpatuloy ulit sa pag-aaral. Ang sarap lang sa pakiramdam na one small gesture or help lang, may mga tao or bata kaming na-inspire na patuloy mangarap.

Nagliligpit na kami sa Mini Forest noong tumawag sa akin si Liu to bring a good news.

"May nahanap na sponsor si Sir Theo! Gagi magpapakain si Sir punta ka na agad dito sa Boothcamp!"

OMG! para sa maliit na grupo kagaya ng Orient Crown ay malaking bagay ang sponsorship na natatanggap namin. Ibig sabihin lang nito ay may mga brands na nagtitiwala na may potensiyal ang grupo na ito.

"Sige, punta ako agad diyan after kong magligpit dito. Pakisabi kay Sir at Coach, Congrats." I ended the call.

Nabigla na lamang ako noong masa likod ko na si Gov. Paolo, he is holding a bouquet of flowers and a chocolate. Napatigil ako at napatingin sa paligid. "G-Gov, ano 'yan?" Tanong ko.

"Milan, can I court you?" He said using his sweetest voice.

Napatingin ako sa paligid at maraming estudyante na nakatambay sa mini forest ang nakatingin sa aming direksiyon. Sinasabi naman nila Shannah na crush ako ni Gov pero hindi ko naman inaasahan that he will asked me out PUBLICLY!

Oh God.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top