Chapter 76: Reconciliation

"SABI mo ay dadaanan tayo ni Larkin pabalik sa Boothcamp?" tanong ko kay Dion habang sinusubukan niyang mag-book ng grab sa kaniyang cellphone. We are both tired dahil tumulong kami kay Shannah para makarami siya ng sales ngayong araw.

It's her book launch, as her friend, we did our best para maging memorable ito para sa kaniya.

Walang kaalam-alam sina Shannah na hindi naging maganda ang pag-alis namin sa Battle Cry at nagkaroon ng conflict sa pagitan namin nila Oli. Para sa akin kasi ay problema sa ng management at ng players iyon, it's a private matter. Ayokong siraan ang Battle Cry lalo na't sila ang unang team na naniwala sa akin na may mararating ako sa mundo ng ESports.

Buti na pang at nairaos namin ang Booksigning event ni Shannah kahit hindi kami nagpapansinan nila Oli (naging kaibigan na din naman sila nila Shannah at malapit lang ang Boothcamp ng Battle Cry rito). I am pretty sure ay napansin nila Clyde ang bagay na iyon pero hindi na lang sila nagsalita.

"Yari talaga 'tong si Larkin sa akin pagbalik natin sa Boothcamp. Talkshit ang loko." reklamo niya. Ang hirap pa naman mag-book ng Grab ng ganitong oras.

Ilang minuto rin kaming nakatayo noong may mapansin akong ingay sa gilid namin— si Gavin at si Oli.

"Tangina, ang lakas ng loob mong mag-grab tayo tapos hindi naman pala gumagana 'yong promo code mo." reklamo ni Gavin kay Oli.

"Eh sabi ni Renshi gumagana daw 'yon, eh. Huwag ako 'yong sisihin mo, 'yong Conyo na atenista na 'yon ang may kasalanan!" Depensa ni Oli at hindi ko maiwasang mapangiti. They are still the same.

Napatingin si Gavin sa direksyon namin at naputol ang kanilang pagtatalo. Napatingin ako kay Dion at nakita ko na bumaling ang tingin niya sa cellphone niya. I know this is awkward pero siguro ay dapat pag-usapan na namin (nila) ang mga naging issue.

Wala naman kasing perfect time para pag-usapan ang isang bagay. It will give them a peace of mind somehow kapag naayos na 'yong gusot sa nakaraan namin.

Ngumiti ako kay Gavin at kumaway. Feeling ko tuloy ang insensitive ko dahil kami ang nang-iwan sa Battle Cry noon and they blamed me dahil akala nila ay ako ang dahilan kung bakit umalis si Dion aa grupo.

Umayos nang tayo si Gavin at naglakad silang dalawa sa aming direksiyon. Maging si Dion ay napabaling ang tingin sa kanila.

Kumamot ng batok niya si Gavin. "Gusto ninyo bang mag-early dinner muna kasama kami?"

***

MATAGAL-TAGAL na rin noong nagsama kami nila Oli para kumain. Sa isang Japanese Restaurant kami kumain at si Gavin ang pumili. Inabutan kami ng menu noong waiter at pumili na kami ni Dion ng kakainin.

"Wala pang sahod," bulong sa akin ni Dion. As in sobrang tight ng budget namin this week, heto na yata ang sinasabi nilang petsa-de-peligro. Next week pa kasi kami sasahod so kailangan naming magtipid pero... Not this time.

"Karaage ako. Ikaw?" I showed to him the menu.

"Spicy Chicken Ramen." he answered. "Ginutom ako sa Booksigning ng kaibigan mo. Ginawa akong bait para makabenta."

Natawa ako sa reklamo ni Dion. Paano ba naman kasi ay para siyang nagsilbing Photostand doon na after nila magpa-booksign kay Shannah ay puwede silang magpa-picture kay Dion. Well, sikat talaga si Dion sa mga bagets, hindi namamatay sa social media 'yong viral picture niya na Cutie Player ng Nueva Ecija.

Oli and Gavin ordered as well. "Hindi pa rin talaga kayo nagbabago." Oli said at kumuha ng tissue para punasan ang lamesa before kami kumain.

"Kayo man." I answered. Sinusubukan kong mawala ang awkward atmosphere sa paligid. You know, nasaktan namin ang feelings ng isa't isa last time. Ang hirap umakto na parang walang nangyari in the past.

Ilang segundo ang naging katahimikan sa paligid. "Nasabi na sa amin ni Sir Greg ang totoong nangyari. Sinabi niya sa amin na hindi ninyo gustong iwan ang Battle Cry."

"Sinabi ni Sir lahat?" tanong ni Dion.

"Lahat." Oli said. "Pati 'yong pagtanggal sa 'yo dahil iyon nga... Hindi ka raw effective na tank sa grupo."

"Sorry kung hindi namin sinabi sa inyo ang totoong dahilan." Si Dion ang nagsalita. Well, siya naman talaga ang dapat na magpaliwanag sa kanila. Hindi lang naman ako nagsalita noon bilang respeto sa desisyon niya, eh. "Ego at pride ko as a player ang nakataya. Baka kapag sinabi ko sa inyo... Parang pinatunayan ko sa management na hindi ako effective na Tank, na may mas magaling pa sa akin."

"Sorry rin kung na-judge namin kayo ni Milan. Gago kasi kayo, 'di ninyo kami in-inform that time." Gavin said at bahagya kaming natawa lahat. "Siguro ay kaya din naging ganoon ang reaksiyon namin ay dahil sa sunod-sunod na pag-alis ng mga members."

It's nice na napag-uusapan namin ang mga ganitong bagay. "Understandable." I answered.

"Tapusin na natin 'yang mga away-away na 'yan. Lahat 'yan ay nangyari na sa past." 'Yong kaninang tissue na pinamumunas ni Oli sa lamesa ay ginamit niya pamunas sa kaniyang mata na naluluha. "Hindi ko rin kayo gustong kaaway. Nakaka-miss kakuwentuhan si Dion tapos nakaka-miss 'yong mga libreng damit ng Tatay mo Milan."

Natawa kami. "Buwisit ka." Dumating na 'yong pagkain at sinimulan na namin ang pagkain.

Ang sarap kumain ng ganito, pare-parehas na kaming nakahinga ng maluwag dahil nalinis na namin 'yong mga hidwaan noon. "Balita ko ay may sinalihan kayong tournament na i-e-air sa isang sports channel?" Tanong ko.

"Ah oo, next week na ang start noon. Manood kayo. Malalaking team din ang kasama kung kaya't puspusang training ang ginagawa namin." paliwanag ni Oli. "Kayo, kumusta sa Orient Crown? Hindi ba mahirap na nagsisimula ulit kayo sa pinakababa?"

"Mahirap. Pero alam mo 'yon, may mga bagay kang matututunan na sa pinakababa mo lang matututunan." I explained. "Iba 'yong saya kahit maliit na kumpetisyon lang 'yong napanalunan namin last week. Siguro ay nahanap namin 'yong team na ma-u-utilize talaga ang kakayahan namin as a players."

"Alam ko ang fucked up ng management sa inyong dalawa—"

"Hindi." Dion interrupted Gavin's explanation. "Wala na kaming galit kay Sir Greg... Ngayon. Naintindihan na namin na kinakailangan niya lang din gawin 'yon, kailangan mag-step up ng laro ang Battle Cry that time. Sumugal lang si Sir Greg kahit pa palitan niya ang ibang players."

Hindi rin maganda ang situation ng Battle Cry noon dahil may chance na mawalan sila ng sponsorship kung hindi nila aayusin ang laro ng grupo.

"Ayon, pero ginagawa ni Sir Greg ang lahat para mag-improve kami. He even watched your match sa live. Na-proud siya sa inyong dalawa ni Liu." Awww. Sir Greg still a great Tatay-tatayan for all of us.

Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga quest, Boss Raid.

"Nabalitaan ninyo ba 'yong isang grupo ng new players na tinatalo ang record sa iba't ibang mahihinang boss raid?" Tanong ni Oli sa amin. "Matunog ang pangalan nila sa Game ngayon."

"May team na sila, eh. Isa sana sila sa mga potentially kukuhanin ng Orient Crown. Eh, iilan na lang ang slot namin, mukhang hindi rin sila papayag na maghiwa-hiwalay." Paliwanag ko.

"Sa bagay, lalabas din naman 'yang mga 'yan, one of these days." sabi ni Oli sa amin. "Kumare, kailan mo kami ulit i-invite sa bahay ninyo?"

"Huy kapag free time nating lahat sleepover ulit kayo ulit sa bahay." sabi ko sa kanila. "Na-miss kayo ni Dad, seryoso. Alam ninyo naman 'yon, favorite kayong dalawa noon."

"Asahan ko 'yan." sabi ni Oli. "Dion, lapit na ng birthday mo. Anong balak mo?"

Next week na ang birthday ni Dion at may regalo na akong naiisip na ibigay sa kaniya. Luckily, suweldo na next week so hindi mababawasan ang ipon ko sa allowance ko.

"Baka i-celebrate lang sa Boothcamp. Hindi ko rin alam. Busy ako next week, kasali ako sa playoffs kung kaya baka hindi ko na maasikaso. Kailangan kong kumayod, nabagyo kami, kailangan mag-ipon-ipon ulit."

We discussed 'yong mga nalalapit naming kaniya-kaniyang tournament. It's glad to know that both our teams are doing well this season. Mukhang effective nga talaga ang mga nakuhang players ng Battle Cry dahil proud na proud siyang kinukuwento ni Oli at Gavin sa amin.

Matapos kumain ay kinakailangan na rin naming bumalik sa kaniya-kaniya naming Boothcamp. Kung kaya't muli nang nag-book ng grab si Dion. "Magkita na lang tayo sa season 4 tournament!" Oli said.

"Papasok tayo sa top 10 teams na qualified for season 4. Claim na natin." Dion said while smirking.

"Oo, tulungan tayo sa qualifiers tapos sa mismong tournament na tayo magdurugan." Ntatawang sabi ni Gavin at sumakay na sila sa Grab na na-book nila.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang grab driver namin at mas magaan na ang pakiramdam namin. Especially Dion, kaibigan niya sina Oli at Gavin ng dalawang taon.

"Iba 'yang smile mo ngayon, ah." sabi ko sa kaniya and I took a photo of him habang nakatingin siya sa City lights. Wala lang, parang rare na makita ang ganoong klaseng ngiti kay Dion.

"Parang ang sarap lumaro ngayon." He said. "Mas magaan na sa pakiramdam. Parang nagkaroon ako ng drive na mas galingan para makapasok tayo sa Season 4 tournament. Gusto kong makalaban ang Battle Cry."

"But before that, focus ka muna sa papalapit mong playoffs." Paliwanag ko sa kaniya.

He smiled. "Yes, Captain." He ruffled my hair.

"Ako ang Captain dapat ako ang gumagawa niyan sa 'yo." Ginulo ko ang buhok ni Dion. "Good job sa 'yo ngayong araw.

"Thank you, kung wala ka baka hindi ko nakausap sina Oli ngayong araw."

"Chika mo. Malakas ang paniniwala ko na magagawa mo silang kausapin kahit wala ako. Hello, kung ako sa inyo ay hindi ko iwe-waste ang two years na friendship dahil lang sa pag-alis sa isang professional team. Ang petty noon."

"Magagawa ko kapag wala ka pero alam mo 'yon... May ceetain degree of assurance kapag nandiyan ka. Parang ikaw 'yong push ko para gawin ang isang bagay. Hindi mo man napapansin pero ginagawa mo akong mas matapang." Napahinto ako saglit at hindi ko alam kung deserved ko ang ganoong klaseng compliment.


"Chika mo." Mahina kong tinulak ang kaniyang braso.

"Kinilig siya sa papuri ko." Dion chuckled.

I rolled my eyes. "Nakakagulat kasi 'yong mga praises na binibigay mo. Doon ka na nga."

Pagkabalik namin sa Boothcamp ay sinimulan na agad namin ang mga meetings na dapat asikasuhin at mapagdesisyunan ng grupo. Una kong kinausap sina Larkin, Dion, at Callie para i-inform sila na hindi ko sila isasama sa lineup for the upcoming Lemon Cola Tournament.

Gusto ko kasi ay mag-focus sila sa playoffs (para makakuha ng potential sponsors) at mabigyan ng opportunity ang ibang players na maipakita rin ang galing nila. Luckily, they agreed with my idea.

Sunod kong tinipon ang lahat ng members para mapag-usapan na ang mga isasama sa Lemon Cola Tournament. Pinakanahirapan akong hanapin ay si Genesis. Nasa isang sulok siya ng storage room dahil nagtatago raw siya kay Noah.

"Nandiyan ka lang pala." Sumulpot si Noah sa likod ko at hinatak si Genesis papalabas ng storage room. "May mga ikukuwento pa ako sa 'yo tungkol sa mga ginagawa ko madalas noong nasa Probinsya pa ako.

Genesis sighed and yawned. "Hindi ako interesado."

We discussed kung sino ang ilalaban namin sa Lemon Cola Tournament. It will be a seven member team na kung saan bubuuin nina Liu, Ako, Genesis, Juancho, Robi, Elvis, at si Kaden.

"Teka, bakit hindi ako isasama diyan? Bubuhatin ko kayo." Mabilis na sabi ni Noah at tinakpan ni Genesis ang tainga niya sa lakas ng boses nito.

"Kailangan mo munang i-blend in ang laro mo sa laro ng buong Orient Crown. May mga times na nagso-solo ka kapag Boss Raid which is hindi mo puwedeng gawin sa mga tournament." Paliwanag ko sa kaniya.

"Eh kaya ko naman kasing gawin!"

"Alam mo, batang scammer. May utang ka pa sa aking konyat. Ipapasok ka sa lineup kapag nakita namin na puwede ka nang isalang sa tournament." sabi ni Larkin sa kaniya.

"Tsaka hindi ikaw ang pinakamalakas dito. Ako! Champion ako last season, kinukuha ng international team. Kung mayroong man malakas dito ay ako 'yon." Callie said at hindi talaga siya nagpatalo sa mga bagets.

"Ikaw lang ang pinakamalakas noon kasi hindi pa nila ako nadi-discover. Ngayong nandito na ako," Inayos ni Noah ang kaniyang buhok. "Mas maraming opportunities na ang dadating sa akin.

Napahilot ako sa aking sentido dahil walang nagpapatalo sa kanila. But the thing is um-agree naman sila sa magiging lineup namin for the tournament.

Iyong tungkol sa sikat na raid ay napag-usapan namin na sa friday namin siya isasagawa bilang warm up namin para sa paparating na tournament.

***

AFTER the hell week ay binigyan ako nang pahinga ni Sir Theo at si Larkin muna ang naging incharge sa training sa boothcamp. Nagkaroon ako ng time para makahabol sa mga na-miss kong topics sa academics at mas maintindihan ito.

Hindi rina ko tinawagan ni Sir Theo ng mga work-related stuffs hanggang. And grabe, ito na yata ang pinakapayapang week ko sa Orient Crown.

After class ay nagmamadali akong umuwi para mapanood ang interview ng team nila Dion (team for playoffs). Next week ang start ng playoffs and ang celebrity nang datingan nila ngayon. Magka-team sina Dion at Ianne (I even texted Dion na say hi to Ianne for me).

I already saw some Ianne's photo sa facebook pero iba ang ganda ni Ianne sa interview na ito. She have this wavy hazel brown hair and an almond eyes. Her smile is so charming and mukha siyang approachable sa live (unlike me na kinakailangan pa ng extra effort para ipakita sa tao na mabait at approachable ako).

"Supportive na supportive, ah." Umupo si Kuya London sa tabi ko at inabutan ako ng tinapay.

"Of course teammates ko sila, as a Captain ay kailangan ko silang suportahan," paliwanag ko kay Kuya London.

"Ah. Kaya pala hindi mo pinanood 'yong interview sa team nila Larkin kahapon."

I rolled my eyes. "Busy ako sa assignment that time." Tutok kami sa interview ni Kuya. "Iba ang hitsura ni Dion sa TV, 'no? Parang medyo mataba siya diyan. Tsaka hindi nabibigyan ng justice 'yong face shape niya."

"Ako ba ang cameraman at sa akin ka nagrereklamo?" Natatawang tanong ni Kuya. "Pero mas pogi nga si Dion aa personal." 'di ba?! A-agree din naman pala siya sa akin.

We watched the interview hanggang napunta ang pagtatanong ni Hanz kay Dion (Hanz is also the one who interviewed us before the Summer Cup).

"Dion, anong masasabi mo na dumarami na ang mga babae sa Professional League. And nasimulan iyon ng iyong KAIBIGAN..." nag-ayieee ang mga ka-teammates niya at napailing na lang ako. Even Kuya is smiling while he video my expression. "na si Milan. Are ypu guys threatened that unti-unti ng pumapasok ang mga LGBT players at female players sa Professional League."

Kinuha ni Dion ang mic and he test it bwfore he speak. "Para sa akin ay hindi naman dapat na matakot ang mga lalaking players sa pagpasok nila sa ESports."

"Hindi sila threat para sa inyo?" Hanz asked.

"No that's not what I meant. I am just happy that the gaming community is keep growing and growing. Let's stop the stigma na ang professional league ay para lang sa lalaki. I know sinimulan ni Milan 'yong changes na ito and alam kong proud siya sa nangyayari sa buong ESports ngayon dahil unti-unti nang pumapasok ang mga babaeng players." His teammates clapped especially the girls.

"Milan paved the way!" biglang nagsalita si Ianne at natawa silang lahat.

"This is just a proof that the professional league is evolving. Mas open na siya. Hindi mahalaga kung Male player ka, Gay player, female player. Basta may critical thinking ka na pinakamahalaga sa paglalaro. You have a chance to become a professional player." Dion ended his statement and I am pretty sure, maraming namangha sa sinagot niya (more than 10,000 viewers ang live na ito).

"I know Milan is watching this live. May message ka ba sa kaniya?" Hanz said na parang inaasar si Dion.

Napairap ako. "Oh my God, mga mai-issue talaga."

Dion just smiled and napailing. "No comment." He just said.

"Proud na proud ka naman kay Dion, girlfriend ka?" Biglang nagsalita si Kuya London sa tabi ko. "May gusto ka ba kay Dion?"

Napatigil ako. Siguro kung noon ako tatanungin ay mabilis kong isasagot ay 'hindi, magkaibigan lang kami. Ang i-issue ninyo.' pero ngayon... Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako agad nakapagsalita. Ilang araw na rin akong naguguluhan kahit umaakto ako na parang wala lang 'yong biglaang pagbilis ng puso ko paminsan-minsan kapag kasama si Dion.

"It looks like I got the answer that I needed." Umupong de kwatro si Kuya London habang nanonood ng live. "Kapatid kita, I know it's a new feelings for you."

"Do you think that I like Dion?" Tanong ko kay Kuya.

"Aba, malay ko sa 'yo, ikaw lang din ang makakasagot niyan." But definitely, 'yong ekspresyon ni Kuya ngayon ay parang sinasabi na alam niya kung bakit ako naguguluhan ngayon. "Pero wala kaming problema ni Kuya Brooklyn kay Dion. Kung gusto mo siya... E 'di okay. Nakita naman namin kung paano ka alagaan ni Dion sa lumipas na mga buwan, hindi ka niya dinadala sa masamang bisyo, hindi ka niya pinababayaan kapag nasa Maynila kayo, hindi ka rin niya binabastos. Iyon lang naman ang gusto namin ni Kuya Brooklyn para sa 'yo. 'Yong taong rerespetuhin ka bilang babae at bilang ikaw."

Pinagmamasdan ko ang screen ng laptop habang pinanonood ang interview nila Dion. He is just having fun answering Hanz questions.

So... I think I like him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top