Chapter 75: Knightmare
HAPON na noong nakabalik kaming dalawa ni Dion sa dorm. Diya ang nag-drive papuntang Bulacan (since may exam ako sa Funda) tapos ay tumambay siya sa bahay hanggang matapos ang buong klase ko for that day. Dion is always welcome in our home, kasundo niya rin naman si Dad at lalong-lalo na si Kuya London.
Pagkabalik namin sa Boothcamp ay isang sasakyan ang nakapukaw sa aming atensiyon na naka-park sa labas ng bahay. "May bisita ba tayo?" tanong ko kay Dion at bumaba kaming dalawa ng sasakyan.
"Ewan ko, ikaw Captain, eh." He chuckled.
I rolled my eyes. "As if naman lahat ay dapat kong malaman. Baka naman potential sponsor?" Hula ko. Nagkibit-balikat si Dion at sakto namang lumabas si Robi para magtapon ng basura.
Tumingin si Robi sa amin. "Nandiyan na pala kayo, kumusta exam?"
"Buti na lang multiple choice kahit show your solution?" paliwanag ko sa kaniya. God worth it, 'yong pag-iyak ko kahapon dahil madami-dami akong nasagutan at kampante akong makapapasa. "May bisita tayo?"
"Ah," tiningnan saglit ni Robi ang sasakyan. "Nandiyan na si Knightmare, kasama parents niya sa boothcamp. Kausap nila Sir Theo."
Pumasok kami sa loob ni Dion. Iilan pang ang players na nandito dahil ang iba ay may mga sariling lakad at may ibang pumasok din sa school nila. Ang nakatutuwa kanila Sir Theo, they encouraged us to socialize with other people kapag tapos na ang practice o kaya naman ay umalis kami ng Boothcamp para mag-unwind.
"May tournament daw ulit tayong sasalihan next week." sabi sa akin ni Larkin.
"Saan daw?"
"It's a tournament that is sponsored by Lemon Cola." He continued. Ang Lemon Cola ay isang kilalang beverage drink dito sa Pilipinas.
"Hindi pala basta-bastang tournament 'yan." Bigla ko tuloy inisip kung sino ang magiging lineup namin for this tourna.
Isa sa mga kinakailangan naming salihan na tournament ay ang mga tourna na sponsored ng isang brand. We need a strong support that will provide us ng mga bagay na kinakailangan namin sa laro. Kahit pa isang beverage company ang may hawak sa Lemon Cola, nagbe-venture pa rin sila sa ESports para mas makilala ang brand nila or mas maging matunog.
Huwag na tayong maglokohan, malaki ang gaming community kung kaya't marketing strategy din para sa kanila ang pag-i-sponsor ng isang tournament at isa naman iyong opportunity para sa aming mga players.
"Inaantok pa ako." sabi sa akin ni Dion
Nagmalungkot na mukha ako. "Sorry." Iniabot ko sa kaniya ang mga throw pillow upang magsilbing unan niya.
Sobrang na-touch ako kay Dion ngayong araw. He woke up early para maghanda ng almusal ko (which is bread with peanut butter lang) tapos ay hinatid niya ako hanggang Bulacan. Umalis kami rito sa Boothcamp ng 6:00AM para makaabot sa exam ko nang 8:00AM.
"Libre mo na lang ako ng pagkain mamaya. Pa-deliver tayo. Bawi ka sa akin." Dion chuckled at pinagpatong niya ang dalawang unan bago humiga.
Napatingin ako kay Larkin at nakangisi siyang nakatingin sa amin. "Kung hindi ko lang talaga kayo kilala na MAGKAIBIGAN ay baka inisip ko ma talaga na magjowa kayo, eh. Grabe 'yong effort ninyo sa isa't isa." sabi ni Oppa.
"Pangako namin iyon ni Milan noong nasa Battle Cry kami. We got each others back." Dion explained habang nagpapaantok pa siya.
"Tanginang Got each others back na 'yan. Tumulong sa Nueva Ecija 'yong isa tapos 'yong isa naman ay nag-effort na gumising nang maaga para lang maihatid 'yong isa sa Bulacan!"
"Bakit? Hindi mo ba ako ihahatid, Oppa, if ever?"
"Hindi! Manigas ka diyan. Bahala kang bumagsak." Tumawa si Larkin at inis ko siyang tiningnan. Wala ka talagang makukuhang matinong sagot sa lalaking 'to.
"Doon ka na nga, Larkin, mag-practice ka. Ingay mo, hindi ako makatulog." Reklamo ni Dion at binato ng isang throw pillow si Larkin na mabilis namang nasalo ni Oppa.
"Ayaw mo lang ako umistorbo sa bebe time ninyo, eh. Ay, hindi nga pala bebe. Bestfriend time pala." Oppa chuckled at napairap na lamang ako sa kaniya. Ang lakas niya mang-asar sa amin ni Dion kahit kailan. "Ay nga pala, may isang sumisikat na Boss Raid ngayon sa game. Mahirap daw."
Bigla akong naging interesado sa sinasabi ni Larkin. "Bagong Boss Raid?" I asked.
"Hindi siya bago. It'a a dungeon na mayroong level 50 plus na monsters. Parang ini-stream yata ng sikat na streamer tapos hindi niya natapos dahil sa hirap. Ayon, tinry na siya ng ibang mga Professional team," Napapatango ako sa ipinapaliwanag ni Larkin. "Tanging ang Black Dragon, Phantom Knights, Holy Guards, at Rising Hunters pa lang ang nakatatapos nitong Boss Raid at wala man lang nag-live sa kanila kung kaya't walang may idea kung paanong strategy ang ginawa nila para matapos ang Raid."
Wow. The four qualified teams pa lang sa Season 4 ang nakatatapos noong Boss Raid na iyon.
"Sino ang may hawak ng record?" I curiously asked. Noong napansin kong nakatulog na si Dion ay bahagya kong hininaan ang sounds ng TV.
"Black Dragons." As expected. "Try natin?"
"Manonood muna ako ng mga streamer na nag-live tungkol sa dungeon na iyon. Ayusin natin ang lineup base sa hirap noong Map." Paliwanag ko kay Larkin.
Hindi naman namin ita-try na i-beat ang record nilang apat. Gusto lang namin ma-clear ang dungeon, we can only enter in a specific dungeon once. Kung kaya dapat ay maayos naming maisagawa ito. Alam kong may kaniya-kaniyang strategy ang apat na teams para matapos ito, I want to clear the dungeon ng walang idea sa strategy nila. Gusto ko ring i-test ang kakayahan ko as a Captain na makaisip ng mabisang plano.
Biglang bumukas ang pinto ng office ni Sir Theo at napalingon kami ni Oppa rito. Iniluwa nito ang mag-asawang sa tingin ko ay nasa mid-40's na at isang lalaki na kasing edaran lang ni Genesis. Moreno ang lalaking ito at may piercing sa kaniyang tainga (giving me a rebellious kid vibes). He have this faded haircut and a smiley sides lips.
Nagkatinginan kami ni Oppa at pasimpleng nakinig sa pinag-uusapan nila Sir Theo.
"Makakaasa po kayo na aalagaan dito si Noah. I will give you weekly updates kung kumusta siya rito sa Boothcamp at sisiguraduhin kong papasok siya sa mga online class niya." Sir Theo explained while smiling to the boy's parents. Mukhang napapayag niya ang mga ito na mag-stay rito si Noah (mukhang iyon ang pangalan niya) rito sa Boothcamp.
Bumaling ang tingin ni Sir Theo sa amin. "Milan, tara rito."
Larkin chuckled. "Captain duties."
Kung hindi ako ang naging Captain ay si Larkin talaga ang ino-nominate ko! I mean, he have the social skills na mapasusunod ang mga teammates namin kaso nga lang ay siraulo rin 'tong isa na ito. Tinapon niya lahat ng responsibilities sa akin.
"Bakit po, Sir?" tanong ko pagkalapit ko sa kanila.
"Uhm this is Milan. Captain ng Orient Crown. She's a very responsible woman, hindi niya pababayaan ang anak ninyo." Sir Theo introduced me. "Milan, this is Mister and Misis Gamboa. Parents ni Noah o mas kilala ninyo sa game bilang si Knightmare."
"It's nice to meet you po." I offered my hand and they immediately accept it. "As the Captain of the team, sisiguraduhin ko pong mababantayan ang anak ninyo rito sa boothcamp, you can also call me po para kumustahin siya para mapanatag ang loob ninyo. Noah is in good hand and we will make sure na habang naglalaro siya professionally ay hindi niya napababayaan ang responsibilities niya as a student."
Of course we need to impress his parents. Knightmare is a skilled player, hindi namin siya puwedeng padulasin sa kamay namin. He can an asset sa team.
Typical parents, punong-puno sila nang pag-aalala dahil first time malalayo ang anak nila sa kanila. And take note, sa Ilocos pa sila nanggaling and that is ten hours drive away from Manila (just my guest). They are worried but at the same time ay gusto nilang suportahan si Noah sa pangarap nito.
As Dion said, ang pagiging professional player ay isang pangarap na magagawa mo lang habang teen or young adult ka pa.
Umalis na ang parents ni Noah at naiwan siya rito. He looked at me and smiled. "Ikaw pala si Shinobi," he nodded his head. "Nagamit mo ba 'yong item na ibinenta ko sa 'yo?"
"Ang overprice mo magtinda, magbagong buhay ka na." reklamo ko sa kaniya.
"Mura na nga iyon, eh!"
Naglakad kami papunta sa room nila Genesis since doon pa ang may bakanteng bed. I knocked three times before opening the door.
Nakita ko si Genesis na tahimik na nagbabasa ng libro sa isang gilid. "This will be your room." sabi ko kay Noah habang pinagmamasdan niya ang buong paligid. Kinda understandable dahil nakamamangha naman talaga ang interior designs ng boothcamp. "Genesis, saan ba ang bakanteng bed?"
He stared at me for a couple of seconds at itinuro niya ang itaas na kaniyang higaan. Ipinatong ko ang duffle bag ni Noah sa kama.
"Ang roommate mo rito ay sina "Juancho, Kaizer, at siyempre si Genesis. Apat man kayo sa kuwarto ay respetuhin ninyo sana ang privacy at personal space ng isa't isa—"
"Ano 'yang binabasa mo?" Nagulat ako na wala na si Noah sa tabi ko at nasa tapat na siya ni Genesis. Mukhang kahit si Genesis ay nabigla sa energy na dala ni Noah.
Genesis looked at me blankly. "Huwag siya dito."
"H-Ha? Anong huwag ako dito?" mabilis na tutol ni Noah. "Dito na ako." Umupo si Noah sa kama kung saan nakaupo si Genesis. "Ano nga 'yang binabasa mo?"
I smiled dahil mukhang may tatapat na sa pagiging introvert ni Genesis. "Well, mukhang magkakasundo naman kayong dalawa."
"T-Teka..." Lumabas na ako ng kuwarto nila at hindi pinansin ang sunod na sasabihin ni Genesis.
***
THE next day, I became busy sa final test para sa recruitment process and unexpectedly ay apat ang nakuha namin para rito. Katuwang ko si Larkin sa pagpili dahil wala talagang balak magpakita si Callie sa publiko para lang masabi na siya ang asset mg Orient Crown.
Sanay na rin naman ako sa hangin ni Callie.
"Honestly hindi pa naman talaga sila magaling," sabi ni Larkin habang tinitingnan namin ang apat na players na napili namin. "Pero trainable sila. Habang nagdi-discuss ako ay talagang nakikinig sila sa akin then nagtatanong kung ano pa ang puwede nilang i-improve. Ramdam ko 'yong passion nila at iyon naman ang pinakamahalaga."
Napatango-tango ako sa sinabi ni Oppa. "As long as may dedication sa paglalaro, malaki naman ang magiging improvents nila. Kaunting polish lang ang kailangan nila, Sir." sabi ko kay Sir Theo at napatango-tango si Sir.
Iyong apat na napili ay nag-sign na ng exclusive contract sa Orient Crown sa araw din na iyon. By this week ay magmu-move na rin sila sa Dorm. By the way, they are still all boys kahit na gusto kong magpasok ng babae sa team.
Alam ninyo 'yon? Hindi ko ramdam 'yong passion noong ibang female players na um-attend sa recruitment process. Parang nandito lang sila dahil gusto nilang sumikat sa gaming community. Kung gusto nilang sumikat ay dapat ay nag-stream na lang sila. We are looking for talents that will contribute to our group.
"Sorry natagalan 'yong discussion namin nila Sir." sabi ko kay Dion na naghihintay sa lobby. Papunta kami sa Book launch ni Shannah sa megamall which is 20 minutes away na lang yata rito sa office.
"May lineup na daw ba para sa tournament sa susunod na linggo?" He asked.
"Pag-uusapan pa lang namin mamayang gabi. Pero gusto ko sana ay i-alis na kayo nina Larkin at Callie sa mga pagpipilian para makapag-focus kayo sa playoffs. Chance na rin ito sa ibang member ng Orient Crown para maipakita 'yong improvements nila sa tao." Mahaba kong litana kay Dion at sumakay kaming dalawa sa service.
"Oo nga, eh, may activities na kami this week. Tapos kinakailangan na rin namin mag-practice." Limang teams ang maglalaro sa playoffs (seven members per team) and magkakaiba sila ng team nila Larkin.
It's a great opportunity for the whole team na may individual project sila dahil mas mabilis kaming makahahanap ng mga sponsors kapag ganoon. "Anong gagawin mo this week?" tanong ko sa kaniya.
"May photoshoot tsaka interview sa Stargame." Yes. Parang showbiz din 'tong professional league, especially kapag mismong Hunter Online ang nag-ho-hold ng event.
"Ang busy naman ng Cutie player ng Nueva Ecija." Natatawa kong sabi.
"Gago." he chuckled.
Hinanap ko sa gallery ko 'yong screenshot noong nag-viral niyang picture na may caption. "Tanginang 'yan, delete mo 'yan." reklamo ni Dion. "Hindi mo idi-delete 'yan."
"Hindi." I smiled.
Binuksan niya 'yong phone niya at pinlay ang video kung saan umiiyak ako last thursday. "Hindi mo talaga idi-delete?" He chuckled.
Noong marinig ko pa lang ang pag-iyak ko ay mabilis kong hinampas ang braso ni Dion. Buwisit na buong Orient Crown, lahat sila ay may personal videos kung saan umiiyak ako kung kaya't ang daming angle ng bawat videos!
Ang ending, dinelete ko na 'yong picture. And same as Dion, he deleted the video already (but I doubt that).
Pagkarating namin sa Megamall ay nagsuot kami ng mask at sumbrero ni Dion. Hindi ko in-expect na ganito karaming tao ang pupunta sa Booksigning ni Shannah. OMG, tinitingnan ko pa lang ang pila ay napa-proud na agad ako sa bestfriend ko.
"Mas sikat pa sa atin ang kaibigan mo." bulong sa akin ni Dion.
Tumayo muna kami sa gilid ng isang pillar at tinawagan ko si Shannah na labasin kami since hindi kami papapasukin kapag walang authorized na taong magpapapasok sa amin. Baka kapag sumingit kami sa pila ay sabunutan ako ng mga bagets na nandito.
"Nasa gilid kami ng poste, malapit sa CR." Pagkausap ko kay Shannah.
Lumakas ang sigawan noong mga tao at namataan ko na si Shannah na ikinakaway ang kamay niya sa amin. Ayos na ayos si Shannah at mukhang respetadong-respetado na writer kahit walang preno talaga ang bibig niyan in real life.
"Guys nandito si Dion!" Shannah shouted.
"Oh shit." Bulong ni Dion at binabaan niya ang cap na suot niya. Too late, namukhaan na siya noong mga readers na baby bra warriors din ni Dion.
Ang ending? Kinailangan tuloy namin ng mga guards para makapasok sa venue at sa waiting area.
"Gaga ka. Sinabi mo pang nandito si Dion." natatawa kong sabi kay Shannah dahil mukhang drain na drain si Dion sa nangyari.
Hindi ko ma-gets 'yong ibang 'fans' kung bakit kailangan nilang hablutin 'yong mga idols nila. Hello, may feelings din ang mga public figures. Respeto na lang sa personal space.
"Dion, sorry na." Shannah said to Dion. "Kinakailangan kong maka-sold out ng libro today kaya ginamit na kita."
"Girl, congratulation sa libro mo!" Proud na proud kong sabi kay Shannah. Dati lang ay pinapangarap niyang makita ang books niya in National Bookstore, but here she is, slowly achieving her dreams.
"Kayo man. Hindi ko alam kung bakit ko kayo iko-congrats pero congrats." She said at natawa kaming dalawa.
Maya-maya lamang ay dumating na sina Clyde dito sa waiting area.
"Siya nga pala, may mga kasama kaming gusto ka ring i-congrats!" Trace said.
Nabigla kami noong pumasok sa waiting area sina Oli at Gavin. "Akalain mo 'yon, may talent ka pala, Shannah." Oli said at napatingin siya sa direksiyon naming dalawa ni Dion.
Wow. I didn't expect that I will see them here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top