Chapter 74: Online Class
TUESDAY
MAAGA pa lamang ay nag-o-online class na ako para sa Database Structure and Analysis kong subject, isipin mo naman. Ang almusal ko ngayon ay codes, kumusta naman 'yon? Buti nga at pumayag si Sir Lito na thru online ako papasok ngayon (by the help of Shannah's laptop).
I am attentively listening to his class noong biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Pasimple akong tumingin sa kaniya. Gulo-gulo pa ang buhok ni Dion at mukhang bagong gising lang, he is just wearing a plain white shirt and a basketball short.
Tinaasan ko siya ng kilay to ask why.
"Anong gusto mong almusal?" Pabulong na tanong niya at itinuro ko sa ibaba noong desk na nag-o-online class ako.
"Wait." He mouthed again at nagmamadaling bumaba. Pag-akyat niya ay may dala siyang notebook at ballpen.
May isinulat siya at nakangiting tumingin sa akin.
Anong gusto mong almusal?
A. Pancit Canton
B. Cheese Bread
C. Lugaw
D. Hayaan kitang magutom diyan
Naiiling ako na napatingin kay Dion at muling bumaling sa screen. Noong may importanteng sinabi si Sir Lito ay madali ko naman itong sinulat sa catleya notes ko. I flipped it on the final page at isinulat ang letter C.
Pasimple kong pinakita kay Dion ang notebook ko at bahagya siyang natawa. May isinulat ulit siya sa notebook na hawak niya.
May Tokwa't Baboy?
Pasimple akong tumingin sa screen at noong nagsusulat sa white board si Sir Lito ay doon ako nagsulat ng reply kay Dion.
Yes, please.
Nag-okay sign siya and he closed the door silently. Pailing-iling akong bumaling ang tingin sa screen ng laptop at nakinig sa dini-discuss ni Sir Lito.
Matapos ang discussion namin sa Database ay mayroon kaming vacant hour and I grabbed that chance para makapag-almusal. Every Tuesday ay hanggang 1 lang ang klase ko. 7AM-10AM ay Database (God puro codes ang ulo ko that time) tapos ay 11AM-1PM naman ay Logic. So between 10 and 11 ay may vacant hour ako para lang kumain.
Mamayang 1 ay pupunta ako sa Office ng Orient Crown (which is sa Quezon pa) para naman mag-observe sa nagaganap na in-house recruitment.
Bumaba ako sa dining area at nakita ko si Dion na nakaupo habang kausap sina Liu. As soon as he saw me, itinaas niya ang lugar na nakalagay pa sa plastic katabi ang tokwa't baboy. "Medyo lumamig na." Bungad niya.
"Okay lang, magkalaman lang ang tiyan ko kasi nahihilo talaga ako sa codes." Kumuha ako ng tasa at binuksan ang lugaw.
"Mahirap ba mag-code?" He asked curiously.
"Hindi pa kami nag-a-actual pero so far ay naiitindihan ko naman siya. Flow chart pa lang 'yong ginagawa namin pero isipin mo... For three hours, wala kayong tayuan at puro codes lang ang pag-uusapan ninyo?" Pagra-rant ko kay Dion at sinimulang kumain. "The best talaga ang lugaw as breakfast."
"11:13 na nang umaga Milan, considered as early lunch na 'yan. Anong breakfast?" Natatawang tanong ni Liu.
"It is still AM, considered as breakfast pa rin 'to. Ipa-deport kita, eh."
"Kutusan kita, eh." sagot ni Liu sa akin habang natatawa.
Napatingin ako kay Larkin na nakahiga sa couch na parang drain na drain ang energy. "Bakit ganoon si Oppa? Idol niya si Genesis?" I curiously asked.
"Wala sa mood." Sagot ni Dion sa akin. "Nalaman kasi ng mga tao na member din siya ng Orient Crown, hindi na raw surprise."
"Ha? Paano naman nalaman ng public? Baka blind item lang?" Trust me, may mga blind items din sa gaming community. Especially sa mga players na maraming issue sa buhay, may pakpak lagi ang balita and one click away lang na mai-post sa social media.
"Sa tiktok nilang dalawa ni Liu." Natatawang sagot ni Dion sa akin. "May mga Tiktok daw silang magkasama kaya may mga hula na ang mga fans na Orient Crown member siya."
Napailing ako habang nakatingin ako sa kaawa-awang hitsura ni Oppa ngayon. Gusto niya pa naman na malaking surprise sa gaming world ang pagsali niya sa Orient Crown at nabalewala iyon dahil sa mga Tiktok nila.
"Nasaan na nga pala si Knightmare? Hindi ba't dapat ay nandito na 'yon kahapon?" Curious kong tanong kay Liu at Dion.
"Parang nahihirapan yata magpaalam sa magulang niya. Hindi ko alam ang buong detalye pero si Sir Theo na ang kumakausap sa magulang ni Knightmare thru video calls yata. Baka this week, nandito na rin 'yon." Mahabang paliwanag sa akin ni Liu
Knightmare is a probinsyano afterall, tapos ay taga-Ilocos pa (which is nasa dulong bahagi ng Pilipinas). Understandable naman kung bakit mahigpit ang parents niya, Manila is a risky place honestly.
"Kumusta 'yong pagsama mo sa kaibigan mo na bumili ng PC?" Tanong ni Liu dahil sa kaniya ako nagtanong-tanong kahapon. Siya lang kasi ang mabilis mag-reply tapos itong si Dion ay natulog daw noong Hapon dahil bumawi nang tulog kaka-gaming niya.
"Okay naman, sinunod ko lahat noong sinabi mo, Liu. Kapag iyon mabagal... Palalakihin ko 'yang singkit mong mata." Banta ko at itinutok ko pa sa kaniya ang kutsara bago muli ako kumain ng Tokwa't Baboy.
Hindi ko alam kung anong mayroon ang sabaw ng Tokwa't Baboy, bakit ang sarap?
"Sinong sinamahan mo? Sila Clyde?" Dion asked curiously.
"Iba. Bagong kaibigan yata ni Milan." Si Liu ang sumagot
"Si Pao," I answered.
"Pao?"
"Si Gov. Paolo, nakuwento ko na siya noon sa 'yo. Nagpasama na bumili ng gaming PC set, nakakahiya naman tumanggi. Alam mo namang ang laki nang naitulong sa atin noon sa last charity event na ginawa natin." Paliwanag ko sa kaniya.
"Ah, 'yong crush mo? Nickname basis na kayo ngayon, ah." Dion chuckled.
"Crush ka diyan! Hindi ko crush si Gov. He is neat and all pero hindi ko siya magugustuhan romantically." Depensa ko. Mabait naman si Paolo (parang sa lahat naman) pero role model ko kasi si Pao pagdating sa paggawa ng duties and responsibilities niya.
Oo, na-elect lang siya as a Governor dahil 'pogi' siya (aminin natin, beauty contest lang din ang mga Student council natin) pero nakita ko naman na ginagawa niya ang best niya to be fit in the position. Ang friendly niya nga sa mga freshies sa department namin, eh.
"Nag-enjoy ka naman kasama siya?" Tanong ni Dion at ibinaba niya ang cellphone na kaniyang hawak. Inihiga niya ang ulo niya sa table habang pinagmamasdan niya akong kumain.
Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Liu.
"Ang knowledgeable niya kausap kapag tungkol sa academics. Libre niya rin 'yong early dinner kaya okay naman kasama."
"E 'di na-inlove ka lalo?"
I sighed. "Bakit ako mai-inlove? I have no experience in love pero hindi naman ako mapo-fall sa taong inaya ako mag-dinner instantly ano! Hindi ako ganoon kababaw." Kuwento ko sa kaniya.
"Eh malay ko ba. Lagi mo yatang kasama 'yon kapag nasa Uni ka ninyo, eh."
"Ang knowledgeable kausap ni Pao but I rather choose na sumama kanila Shannah, mas gugustuhin kong sumakit ang tiyan ko kakatawa. Tsaka bakit biglang napasok si Paolo sa usapan?"
"Si Liu." Turo ni Dion kay Liu na nananahimik.
"Awit, ako na naman. Labas ako diyan sa LQ ninyo." Tumayo si Liu at naglakad papunta sa harap ng PC sa likod.
"Doon ka na nga, nakakainis ka lang kausap ngayong umaga." Sabi ko kay Dion pero hindi rin naman siya umalis.
"Inis ka na niyan?" Natatawang tanong niya. "Sorry na."
"Oo na. Let me enjoy my brunch in peace."
After kong kumain ng lugaw ay um-attend na ako sa huling klase ko ngayong araw bago nag-prepare papunta sa office.
***
PAGKARATING ko sa office ay napakahaba ng pila ng mga players na gustong mapabilang sa Orient Crown. Some players greeted me and I waved back to them.
Pagkarating ko sa standby area ay nag-uusap na sina Coach Russel at Sir Theo ng mga players na sa tingin nila ay may potential na maging miyembro ng Orient Crown. Nandito rin sina Kaizer at Juancho para tumulong sa pag-scout. "Sir, sorry po late ako. Tinapos ko pa po 'yong klase ko tsaka ang traffic sa EDSA."
Hindi ko talaga alam kung mabibigyan pa ng solution ang napakalalang traffic sa EDSA. Partida, hindi pa rush hour noong pumunta ako rito sa Office.
"Okay lang, first batch of players pa lang naman ang naisalang namin." sabi ni Sir Theo and he is scanning the resume of those players. "Kumusta ang online school mo sa boothcamp? Hindi naman mabagal 'yong internet natin?"
"Okay lang po, Sir, medyo hindi ko lang naiintindihan 'yong sinasabi noong ibang professor kasi nagcha-choppy pero tinutulungan naman din po ako ng mga friends ko."
We headed to the waiting area of players. 20 players pero batch ang naglalaban-laban para mapanood namin ang laro nila.
As the Captain 'daw' ay pinag-speech ako ni Sir Theo sa mga players na nakapila sa labas. As in ang dami, more than 100 players yata ang nandito kahit day one pa lang noong recruitment namin. Sabi ni Sir ay mas madami daw 'to kanina at nag-cutoff lang daw sila dahil hindi namin kayang i-accommodate lahat.
"Uhm, Good afternoon. Alam ko marami sa inyo ang hindi ako kilala—"
"Milan." They answered.
I smiled dahil sa hiya at natawa silang lahat. "Sabi ko nga kilala ninyo ako. I am Milan or mas kilala sa game bilang si Shinobi, I am the Captain of Orient Crown."
They all clapped at may iba pang kumukuha ng pictures. "First of all, I want to thank you guys sa pagpunta ninyo sa recruitment na isinasagawa namin. Because you guys are here, I want to congratulate you kasi ginawa ninyo na ang unang hakbang towards your dream which is to become professional player. Palakpakan ninyo naman ang sarili ninyo at mga katabi ninyo." Pumalakpak silang lahat muli at napangiti.
"Alam ko na iilan lang sa inyo ang makukuha at mapabibilang sa Orient Crown. Pero gusto kong gawin ninyo 'yong best ninyong lahat, I know na marami kayong baon to impress us. Trust your skills and Good luck." I smiled to them at tumingin ako kanila Juancho at Kaizer. "Any words, guys?"
Alam ko namang hinihintay nilang magsalita ang dalawa lalo na't kilalang players din naman sila.
You know what makes my heart happy in this recruitment process? May mga babaeng nagta-try na makapasok sa Professional league. Ang laking bagay noon for me. From being the only girl in the professional league, nakatutuwa na nagkakaroon na sila ng guts na ipakita na hindi pang para sa mga lalaki ang gaming.
We are watching the 10v10 of players sa meeting room at may glass wall na kung saan makikita namin ang mga players na nakasuot ng nerve gear at nakahiga sa inclining chair.
"Anong sa tingin mo kay Blister?" Turo ni Juancho sa assassin na naglalaro.
Iniling ko ang aking kamay. "We already have enough assassins. At isa pa, 'yong play style niya, heavily influence ni Larkin. We can't have Larkin 2.0 in Orient Crown." Seryoso kong sabi habang tinitingnan ko ang mga laro noong mga players.
We need to be strict. "Be strict. Huwag kayong ma-amaze sa mga magaganda ang laro. Makikita rin natin 'yan sa mismong tournament." Paliwanag ko sa kanila. "Tingnan ninyo 'yong mga players na may bagong play style na ihahain sa atin."
"Yes, Captain." They answered.
***
PAGKABALIK namin sa Boothcamp ay sobrang drain ako. As in buong hapon kaming nakaupo nila Juancho na nag-o-observe at sumakit ang ulo ko sa katitingin sa screen. May mga players naman kaming nakita na may potential at pababalikin na lamang namin sila sa Saturday para sa huling tapatan na magaganap. We decided na 3-5 players ang kukuhanin namin sa recruitment process na ito na siyang magiging bangko namin sa Season four tournament.
By saying bangko, hindi namin sinasabi na wala silang chance na lumaro sa mga tournament. They just need a little polish para mas mqging handa sila. I am pretty sure na marami naman silang matutunan by observing some of our players.
"Napagod ka?" Dion asked me noong ibinagsak ko ang katawan ko sa couch.
"Sobra. Tapos magre-review pa ako sa exam ko sa friday sa Fundamentals mamaya." Ang aga pa ng pasok ko bukas kung kaya't mas lalong nakaka-stress.
Feeling ko ay naghahalo-halo na 'yong information sa utak ko. Mapa-gaming, coding, math, tapos minor subjects pa. Nakakaloka.
Dion just let me rest for a bit at hindi niya ako kinausap (which is thankful ako) kailangan ko talaga ng 'me time' para i-digest lahat nang gagawin ko.
"Guys, nakatanggap ako ng email from Hunter Online." Nagmamadaling pumunta si Larkin sa sala at nakuha niya ang atensiyon naming lahat. "They are inviting me para sa playoffs this season."
Ang playoffs ay isang unofficial tournament na kung saan bumubuo ang Hunter Online ng team para i-entertain ang gaming community. Ang lineup nila lagi ay mga artistang gamer, streamer, professional player, and famous player. Ila-live iyon sa facebook at ang perang malilikom noon ay dino-donate sa mga foundation na tinutulungan ang mga kabataan na maayos na makapag-aral.
A fun event na may magandang hangarin. Last year ay nasali na si Dion sa Playoffs at iyon nga daw, masaya siya kasi parang official match din daw sa dami nang magagaling.
"Congrats, Oppa." Walang sigla kong sabi.
"Ramdam ko 'yong suporta mo, Milan, ha." reklamo ni Larkin.
"Super pagod ako. Pero bukal sa loob ko 'yon."
Some of us checked their emails and nakatanggap din si Callie ng invitation. "As expected." He just smirked and I rolled my eyes.
"Na-invite man ako." Dion showed me his gmail at may email nga mula sa Hunter Online.
"Congrats guys!" Nakangiti kong sabi sa kanila. "Inform ninyo si Sir Theo tungkol diyan. Nasa kamay niya pa rin naman kung papayagan niya kayong sumali sa playoffs."
Nasa kontrata namin na we can't decide on our own pagdating sa gaming. Laging dadaan sa management at nasa kanila kung i-a-allow nila ang mga players namin na mag-participate.
"Ikaw na-invite ka?" Tanong sa akin ni Dion.
"Hindi." Ipinakita ko sa kaniya ang gmail ko na walang bagong email. "And if ever na ma-invite ako ay tatanggi ako." I honestly said. "Feeling ko ay malulunod ako sa dami nang gagawin ko if ever."
"Sa bagay. Ngayon pa nga lang parang iiyak ka na." Dion chuckled.
"Never akong iiyak sa academics." Pagmamayabang ko.
***
KINAIN ko lahat nang sinabi ko noong thursday. Umiyak ako sa sala habang kinukuhanan ako ng video nila Dion at tawa sila nang tawa.
"Huwag ninyo ako video-han," reklamo ko at muling kumuha ng tissue para pahiran ang luha ko.
"Bakit ka muna umiiyak?" Dion asked habang nakatapat sa akin ang camera ng phone niya.
"Eh paano hindi ko naintindihan 'yong discussion kanina sa Statistics, eh, ang hirap na subject pa naman noon." Natawa sila sa akin, kahit ako gusto kong matawa sa sitwasyon ko pero nakakaiyak talaga. "Nakikinig naman ako sa discussion kaso biglang nag-lag noong nagsisimula ng mag-discuss si Ma'am. Eh siyempre sa math kapag hindi mo naintindihan sa simula, imposibleng maintindihan mo 'yong mga susunod na topics."
Kumuha ulit ako ng maraming tissue at pinahid ang luha ko. Akala ko ay mas kaya kong i-handle kapag nag-online class ako for the meantime... Which is wrong idea kasi nawala sa isip ko na mabagal ang internet sa school (yes sa school dahil mabilis ang internet namin dito sa boothcamp).
"Kawawa naman ang Boss Madam namin." Dion ruffled my hair at inis kong tinanggal 'yon.
"Kapag nakita ko talagang naka-IG story 'yan. Iba-block kita sa kahit saang social media account ko." Banta ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagbe-breakdown.
As in hindi ko gustong umiyak academically! Pero alam mo 'yon, nalunod ako sa dami ng gagawin at nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak pagkatapos na pagkatapos ng klase namin sa Statistics.
"Tapos may exam pa ako sa friday sa Funda... Tapos babalik pa ako sa boothcamp that day kasi para sa last phase ng recruitment process." Kinuha ko 'yong pillow sa couch at itinakip sa mukha ko. "Nakakaiyak."
"Ako na muna ang mag-sa-sub sa 'yo sa pagpunta sa office mamaya." Pahinga ka muna diyan. Natatawang prisinta ni Larkin.
"Sure ka?" Nag-angat ako nang tingin at natawa siya dahil mugto kong mata. "Oppa, huwag kang tumawa!"
"Oo nga sure ako, sabihan ko na lang si Sir Theo na nagbe-breakdown ka na diyan."
"Napaka epal mo!" Pinahid ko ang luha ko. "Be strict, ha?"
Natawa sina Larkin. "Tanginang 'yan, hagulgol ka na diyan pero may pake ka pa rin sa recruitment."
"Seryoso nga! Bumalik na kayo sa ginagawa ninyo. Let me cry in peace. Kapag kayo hindi tumaas ang level sa game, magmo-morning jog kayo bukas." They laughed at pinabayaan naman nila ako sa pagse-senti ko.
Dion stayed by my side. "Tahan ka na diyan." Kumuha siya ng tissue at pinahid ang luha sa mata ko.
"Tumatawa ka."
"Hindi ako tumatawa." Pero ang laki-laki ng ngiti niya na halatang pinipigilan lang ang tawa niya.
"Tumatawa ka, eh." Muli akong naiyak at natawa si Dion. "Ikaw kaya sa posisyon ko. Sabi ko pa naman hindi ako iiyak pero noong wala akong naintindihan sa klase sa statistics kanina... Naiyak na 'ko. First time mangyari sa akin iyon. In the entire three hours class, wala akong naintindihan. Gusto kong magtanong kung paano siya na-solve pero wala akong mapagtanungan sa inyo." Naiyak na naman ako.
"Kawawa naman ang Boss Madam." He chuckled. "Nagpa-send na ako kay Shannah ng lecture sa discussion ninyo kanina baka sakaling mas maintindihan mo."
"Seryoso ba?" Tanong ko.
"Oo, seryoso. Tahan ka na diyan." Kumuha ulit siya ng tissue at pinahid ang luha ko. "Kumain na lang tayo para gumaan 'yang pakiramdam mo."
"Paano tayo kakain? Hindi ako puwedeng lumayo. Maya-maya lang may klase na naman ako sa Calculus 2. Lunod na lunod na ako sa numbers! Bakit ba kasi ito ang course ko?"
"Tahan na haha!" Tumayo si Dion at hinila niya ang kamay ko papatayo.
"Huwag ka kasi tumawa!" Reklamo ko sa kaniya. "Masayang-masaya ka pa na nahihirapan ako."
"Hindi po." He pressed his lips at pinigilan na matawa. "Halika na, kain tayo."
"Hindi nga ako puwedeng lumayo. May klase ako mamaya."
"Basta."
Naglakad lang kami sa village at sa ikatlong kanto yata ay may bahay na nagtitinda ng mga street foods. (Which is ngayon ko lang na-discover dahil hindi sila nagbubukas ng sobrang aga).
"Ate pahingi nga pong cup tsaka stick. Pa-unli street foods kami." Natatawang sabi ni Dion at inabutan niya ako ng plastic cup. "Kumakain ka ba nito?"
"Kailangan ko 'to." He laughed again at nagsimula na akong maglagay ng kikiam sa cup ko. "Deserved ko 'tong street foods."
"Mugtong-mugto 'yang mata mo kakaiyak, oh."
"Eh kasi naman ang hira—"
"Shh... Kumain ka diyan. Baka umiyak ka na naman." Dion really knows how to make me feel better.
Kumain talaga ako ng madami kahit na hindi ko comfort food ang street foods. Dion just let me do my stress eating, hindi niya ako kinausap ng kahit anong game related or academics related.
Matapos naming kumain ay bumalik na ulit ako sa pag-aaral. Sa sala talaga ako nag-online class para makita nila Sir Theo na nag-aaral talaga ako at hindi ako tinatamad sa recruitment.
Ako naman ang natawa noong walang sigla na bumalik si Larkin sa boothcamp.
"Tanginang 'yan nakakapagod ang ginagawa mo, Milan. Gusto ko i-reject lahat kanina, eh. Walang magaling." Humiga siya sa couch. "Sumanib sa akin bigla si Genesis."
You can rarely see Genesis roaming around here in Boothcamp. Lagi lang siyang nasa kuwarto nila, lumalabas lang siya kapag kakain at magpa-practice. Wala naman kaming reklamo doon. He is really a home buddy.
Matapos kumain ay nag-review naman ako sa paparating kong exam sa Fundamentals. Alam ninyo 'yong gusto kong mag-shutdown for one whole day kaso ay wala namang mangyayari kapag ginawa ko 'yon, ako lang din ang kawawa dahil matatabunan ako.
Nagse-cellphone si Dion sa tabi ko habang nakakalat sa center table ang mga reviewer at notes ko. It's already 10:07PM. Karamihan ng mga members namin ay nagpapahinga na sa kani-kanilang room.
"Huy matulog ka na." Sabi ko kay Dion pero ipinatong niya ang isang pillow sa lamesa at ipinatong ang baba niya habang nag-i-scroll ng mga game matches sa facebook niyam
"Eh, ikaw matutulog ka na?" Tamong niya.
"Hindi pa, ang dami ko pang dapat aralin." Itinuro ko ang mga papel na nakakalat sa table. "Nangangalahati pa lang ako."
"E 'di hihintayin na kita. Matutulog ako kapag pumasok ka na sa room mo." He answered pero focused siya sa match na pinanonood niya. "Mag-review ka diyan. Huwag mo akong pansinin. Isipin mo hangin ako dito." He said.
That words made me smile once again. Alam ninyo 'yong hindi niya naman ako kinakausap at hinahayaan niya lang ako mag-review pero ramdam ko na nandiyan siya. Everytime na maiiyak ako sa hirap ng topic ay kinakalinga niya ako.
May ice cream din siyang inilabas sa fridge. Kainin ko raw habang nag-rereview ako.
Bandang 11:30PM na noong natapos akong mag-review.
"Dion, tara na—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong makita ko siyang natutulog na. Nakalapag din ang cellphone niya sa lamesa habang nagpe-play ang isang match ng NME at ALTERNATE.
I just stared at him for a couple of seconds, inalis ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok na humaharang sa kaniyang mata. His brows crunched pero hindi naman siya nagising.
"Thank you." I said at inihiga din ang ulo ko sa lamesa.
Kung wala si Dion ngayong araw. Ewan ko na lang kung paano ko iha-handle itong sitwasyon ko. Alam na alam niya kung paano mapagagaan ang loob ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top