Chapter 73: Comfort Person

AFTER our dinner party (naghanda talaga sila dito sa Boothcamp) ay nire-review na namin ang mga naging laro nila Dion sa Tournament na sinalihan namin. "Dito sa part ng match na 'to Juancho, mukhang nag-hesitate ka gumamit ng skill sa member ng Hell N Black." Coach Russel paused the game at tumingin kay Juancho.

"Eh, Coach, tinitipid ko 'yong skill ko, baka kasi may biglaang clash na mang—"

"Huwag mong tipirin ang skill mo." Coach pointed him at tumingin sa aming lahat. "Kayo man. Huwag ninyong tinitipid ang mga skills na mayroon kayo. Abusuhin ninyo, unless you are the core member. Skill set are there for a reason, kung tapos na ang cooldown... Gamitin ninyo sa mga kalaban. Hindi ninyo man napatay, atleast ay nabawasan ninyo ang mga buhay nila. That's a big help for the team already."

"Yes, Coach!" we answered in unison at isinulat ko sa notebook ko 'yong sinabi ni Coach. We all have a specific notebook para pagsulatan ng mga natututunan namin sa gaming.

Akmang kukuha ako ng fries na nakapatong sa table pero pagkapa ko sa pinggan ay puro mantika at cheese powder na lang ang nakapa ko. "Naubos mo na 'yong fries?" pabulong at inis kong tanong kay Dion.

"Eh, inalok ko sina Larkin." Depensa niya.

"E 'di sana inalok mo din ako, ako ang nagpaluto niyan, eh." Nagpaluto pa naman ako para mayroon akong kinakain habang nanonood noong replay pero halos kasisimula pa lang nitong pag-a-analyze namin nila Coach ay ubos na agad 'yong fries.

"Oh, sorry na, galit agad, eh." He chuckled.

"Tumatawa ka pa diyan." Reklamo ko at bumaling ang tingin ko kay Coach Russel.

Apparently, Coach is looking in our direction. "Do you mind Dion and Milan kung i-share ninyo 'yong pinagtatalunan ninyo?"

"Wala po, Coach." sagot ko at inirapan ang natatawang si Dion.

"Nagtatalo sila sa Fries, Coach." Biglang sabat ni Larkin na nasa likod namin.

"Coach, madalas po talagang mag-away 'yang dalawang 'yan sa mga walang kuwentang bagay. Masasanay din po kayo." Dugtong naman ni Liu na para bang basang-basa na niya ang ugali naming dalawa ni Dion. Well, since nasa Battle Cry naman talaga ay nagtatalo na kami ni Dion sa mga petty na bagay, ang hilig kasing mambuwisit ng isang 'to.

Nagpatuloy si Coach sa pinapaliwanag niya at pinanood namin ang replay noong match.

"Dion, dito sa part ng match na ito ay mukhang naghe-hesitate ka kung tutulungan mo si Kaizer o papatayin mo 'yong kalaban. Bakit?" Tanong ni Coach. I really find it amazing na napapansin ni Coach ang maliliit na details sa isang match.

Well, maliit man o malaking bagay ang ginawa mo sa match... Makakaapekto iyon sa buong grupo.

"Coach, kasi bawas 'yong kalaban noong nakita ko siya. Naisip kong kaya ko siyang patayin pero iyon nga Coach, hindi ko rin puwedeng pabayaan si Kaizer dahil decoy namin siya para magawa ni Genesis ang mga pag-atake." Paliwanag ni Dion.

"That hesitation can lead to great casualty, Dion, paano kung may biglang umatake kay Kaizer at wala ka sa focus?" Tanong ni Coach at natahimik si Dion.

Isa ito sa napansin kong butas sa laro ni Dion, eh. It takes time bago siya makagawa ng desisyon niya.

"Tandaan ninyo, kung ano ang role ninyo sa game... Doon kayo mag-focus. If you are tank in the group, focus on your protecting your allies. Hindi mo trabahong pumatay, your job is to protect your teammates para hindi sila mamatay. May ibang roles ang gagawa ng mga killing. Naiintindihan ninyo ba? Write it on your notes. Focus on your role."

Isinulat namin ang sinabi ni Coach Russel sa amin.

Actually, by watching the livestream, madami akong natutunan. Kahit nag-champion kami sa tournament na iyon ay nakikita ni Coach Russel kung saan kaming part nagkamali, nag-alangan, at kinulang. He pointed everything out at doon naman nakita noong mga lumaro kung saan pa sila dapat mag-improve.

"Tandaan ninyo, in ESports... You can't commit the same mistake twice. Practice lang nang practice. Alam kong may mga kulang pa sa skills ninyo as a player individually pero ipa-polish natin 'yon. As a Coach ay trabaho kong linisin ang laro ninyo. Congratulation ulit sa first win natin as a group, I hope na hindi ito ang huling kampionato na maiuuwi ng grupo natin, maliwanag ba?"

"Yes, Coach!" Sagot namin.

"Meeting adjourned." Pinatay na ni Coach ang TV at niligpit ang mga papel na nakakalat sa center table. Kaniya-kaniya na kaming tayo para magpahinga.

"Naapektuhan ka sa sinabi ni Coach, ano?" Tanong ko kay Dion habang nakatambay siya sa kuwarto ko. Kapag bigla-biglang natatahimik si Dion ay mag gumugulo na sa isip niya that time.

"Kasi 'yong sinabi ni Coach Russel sa akin ay napapansin na ni Coach Robert noong nasa Battle Cry pa lang tayo. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong i-fix 'yon." paliwanag niya at umupo sa swivel chair sa tapat ng study table ko.

Binuksan ko ang aircon at kinuha ko amg textbook ko sa physics para magbasa-basa. I also opened my laptop para gumawa ng authorization letter.

"Alam mo kung bakit nagkakaroon ka ng hesitation moment sa match?" Pinatayo ko si Dion sa swivel chair at sa itinuro ko ang kama para doon siya umupo. "Kasi tank/fighter ang position mo originally sa Hunter Online."

"Nag-aalangan ka kung you should do the role of the fighter or do the role of the tank." Paliwanag ko sa kaniya.

"Baka nga iyon 'yong dahilan..." he said.

"Magtiwala ka kay Liu or kay Robi. They are strong players, ipagkatiwala mo sa kanila ang fighter position. Focus ka as a tank." Paliwanag ko sa kaniya at binuksan ko ang textbook ko sa physics at kinuha ang stabillo pen para mag-highlight.

"Napahanga ako ni Liu. Ang lupet ng laro niya kanina."

"Huy same!" I agreed. "Ang risky niya lumaro pero alam mo 'yon? Effective naman. Feeling ko ay iyon ang hindi nakita ng Battle Cry kay Liu... Hino-holdback siya ng Battle Cry para magawa niya 'yong laro na komportable siyang gawin." paliwanag ko pa kay Dion.

Takot gumawa ang Battle Cry ng risky play. Dapat ay naka-allign lahat sa plano para masigurado ang pagkapanalo. Dito sa Orient Crown, puwede kang mag-experiment (for the meantime) as long as hindi mo ipapatalo ang grupo. May certain trust kami sa risky moves na ginagawa ang mga kakampi namin.

"Trust me, Liu will do great kapag ipinakita na natin sa public 'yong pina-practice natin." Sabi ni Dion. Tumayo siya at lumapit sa akin. Lumuhod siya at hiniga ang ulo niya sa study table. "Ano 'yang ginagawa mo?"

"Advance reading." I showed my Physics textbook. "Tapos gagawa ako ng authorization letter kung puwede akong um-attend ng klase virtually para sa linggong ito."

"Kasi?"

"This week gagawin 'yong in-house recruitment. Hindi puwedeng wala ako doon dahil idea ko 'yon."

"E 'di dito ka sa Boothcamp the whole week?"

"Papasok ako sa monday para magpaalam personally sa mga professor tapos kapag pinayagan ako, baka dito muna nga ako sa boothcamp." Kahit naman sina Sir Theo ay hindi gusto na um-absent ako sa mga klase ko dahil nakikita naman nila kung paano ako mag-aral dito sa Boothcamp.

Pero kung may way naman para maayos na mapagsabay ang dalawa, why not?

"Hindi ka ba mapapagalitan nila Tito niyan?"

"Kay Dad at Mom ako unang nagpapaalam. Sabi ko naman sa 'yo, never tumutol sila Mom sa desisyon ko. Feeling ko, mag-i-interfere lang sila kapag nagkaroon ako ng failed subjects kung kaya't hindi ko dapat pabayaan ang pag-aaral ko." Mahaba kong litana kay Dion.

"Hindi ka nai-stress?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Nasasanay na ako sa pressure."

Si Dion ang unang tao na nag-che-check sa akin dito sa boothcamp kung kumusta ako lagi. I highly appreciated that thing.

"Ako ang maghahatid sa 'yo sa Bulacan bukas. Para makatulog ka sa biyahe. Bumawi ka ng tulog, para kang kinakawawa dito sa Boothcamp dahil sa laki ng eyebags mo." Natatawa niyang sabi.

"Epal." I rolled my eyes. "Sige na, lumabas ka na. Alam kong napagod ka din sa match ninyo kanina. Para makapagbasa-basa na rin ako dito sa General Physics ko." Tumayo ako at hinatak na siya papalabas.

"Oo na," he answered. "Pero ako ang maghahatid sa 'yo bukas, hanggang Bulacan, ha?"

"Maghanap ka muna nang mahihiraman ng kotse diyan." Nasa tapat na siya ng pintuan. Akmang isasara ko na ang pinto noong hinarang ni Dion ang kaniyang paa. "Ano na naman?"

Kinamot niya ang kaniyang batok. "I know hindi nasasabi sa 'yo 'to nila Liu pero Good job din sa 'yo. You led the whole team nicely earlier. Great job, Captain."

Saglit akong napatigil. He appreciated those little things na ginawa ko kanina. Napangiti ako. "Good job din. We are now back in Professional League."

Nakatayo lang si Dion sa labas at mata sa mata kaming nakatingin sa isa't isa. Noong napansin kong kanina pa kami nagtitigan ay ako na ang unang nag-iwas nang tingin. "Sige na, umalis ka na. Hindi ako makakapag-aral kung pepestehin mo ako dito sa kuwarto ko."

He blinked his eyes for a couple of seconds. Naglakad na siya pababa papunta sa room nila.

I closed the door at napasandal sa pinto. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko.

What was that?

***

MONDAY, pagkapasok ko pa lang sa school ay cinongrats na ako ng mga kaklase ko dahil sa pagkapanalo namin last Saturday. Buti na lang talaga at nakabawi-bawi ako ng tulog dahil pinag-drive ako ni Dion hanggang mismo sa tapat ng bahay kahapon. Nagkaroon ako ng time para makaidlip.

Hindi naman nagreklamo si Dion na natulog lang ako buong biyahe. Aware siya sa pagpupuyat na ginagawa ko para mapagsabay ang gaming at pag-aaral ko.

"Huy napanood ko 'yong match ninyo noong Sabado!" Bungad sa akin ni Trace pagkapasok niya pa lang. "Tanginang 'yan, Rookie team pala ang sinalihan ninyo ni Lods Dion tapos halimaw ang lineup ninyo!"

"That's the reason kung bakit hindi ko sinasabi sa inyo ang tungkol sa team. We want to surprise everyone." I answered.

"Eh, sino 'yong ibang members ninyo?" tanong naman ni Clyde.

Well, ang alam pa lang nilang members ng Orient Crown ay ako, si Dion, Gensis, Liu, Kaizer, at Juancho. Hindi pa nila nakikita ang iba naming kasama sa team. (That's the reason kung bakit hindi sumama si Larkin at Callie noong last match. Gusto daw nilang pasabog ang pag-reveal sa kanila. Mga nakakainis na clout chaser.)

"Soon mari-reveal na namin siya." I smiled to them.

"Pero ang laki ng changes ni Liu. Magaling pala siyang player." Sabi ni Tomy. Napangiti ako. Para akong proud mama kay Pekeng Chinese. Deserved niya 'to, seryoso.

Sino bang professional player ang ayaw mapansin? We are improving our crafts para maipakita sa publiko na may ibubuga kami.

"Ganiyan lahat nang sinasabi ng mga tao." I agreed to him.

Pinag-usapan namin nila Shannah ang papalapit niyang book launch which is luckily, sa isang event sa megamall. Makapupunta kami nila Dion.

"Shannah, puwede bang tulungan mo ako?" Tanong ko sa kaniya. "Kailangan kong maka-attend ng klase virtually. Padala naman noong laptop mo, ayokong may ma-miss na klase."

"Gora lang bakla. Alam ko namang busy ka rin sa gaming mo. Magpaalam ka na lang sa mga professor natin, especially kay Ma'am Carcosia... Alam mo naman 'yon, mas mahigpit pa sa guard sa main gate." reklamo niya.

Vacant hour namin at tumambay sina  Shannah sa baba lang ng Department namin. Inasikaso ko naman na magpaalam sa mga Professor namin, una akong nagpaalam kay Dean and luckily, aware si Dean sa pagsali ko sa ESports.

As long as hindi naman mapapabayaan ang grades ko at lagi naman daw akong humihingi ng permiso sa kaniya ay hindi magkakaroon ng problema.

Hindi rin naman ako nahirapan magpaalam sa mga professor ko dahil una, may consent na ako ni Dean. Pangalawa ay alam nilang hindi ako nagpapabaya nang pag-aaral. Kaso nga lang ay dapat sa friday ay bumalik ako dito sa School para um-attend sa Exam sa Fundamentals of Mathematics, 8:00AM pa naman 'yon (Ugh, isa sa mga sakit sa ulo na subject).

Pababa na sana ako sa Ground floor noong makasalubong ko si Governor Paolo. "Gov, ikaw pala," I greeted him and waved my hand.

"Oh, congrats sa pagkapanalo ninyo." Pagbati ni Gov.

"Ang dami mo namang dala." Huminto ako at tinulungan siya sa mga pamphlet na bitbit niya. "Sa faculty mo ba 'to dadalahin? Tulungan na kita." Prisinta ko.

"Sure ka? Hindi ba ako nakakaabala?" Nahihiyang tanong ni Gov. "Ipamimigay kasi 'yang mga pamphlet na 'yan sa mga freshmen sa Assembly next week."

"Infairness, mas maganda ang layout this year." Pagpuri ko. "Improving ang publication sa Department natin." Kasi naman, ang dull noong pamphlet nila last year noong freshmen ako. Nakakatamad tuloy basahin.

"Ako ang nag-edit niyan." We walked towards the faculty and thankfully ay may isang mabait na estudyante ang nagbukas ng pinto para makapasok kami.

"Oh, sorry, akala ko ay 'yong College publication natin ang nag-layout. Pero puwera biro, mas maganda ang layout this year, Gov. Mas nakaka-caught ng atensiyon kasi mas may buhay ang kulay na ginamit ninyo. Nice job." Nilagay namin sa table ni Sir Arcel ang mga pamphlet since siya ang may hawak sa LSC. Quality check kumbaga.

Nagkukuwentuhan kami ni Gov na lumabas at pababa sa ground floor.

"Uhm, Milan, are you free this Afternoon?"

"Hmm... Hanggang 4 lang ang klase ko ngayon, bakit?" Tanong ko.

"Magpapasama sana ako sa 'yo," Paolo fixed his glasses. "Well, bibili kasi ako ng gaming set for my younger brother. Birthday niya this week. Hindi naman ako maalam sa mga gaming pc na 'yan." He chuckled.

"Sure." Sagot ko dahil wala naman akong gagawin mamaya. Mamayang gabi pa naman ako babalik sa Boothcamp at ihahatid ako ni Kuya. "Hindi ka nagkamali ng taong nilapitan Gov, I can ask my teammates habang pumipili tayo mamaya para masulit ng kapatid mo ang birthday gift mo sa kaniya."

Malaki ang utang na loob ko kay Paolo. Hello, tinulungan niya ako sa ginawa kong charity event for Nueva Ecija last time. Nakakahiyang humindi sa ganitong kaliit na request mula sa kaniya.

At tsaka, exposed naman talaga ako sa mga makabagong gaming items dahil nakikita ko iyong pinagyayabangan nila sa Boothcamp.

Bumaba na ako at nakita ko agad sina Clyde na nakaupo sa malaking table sa ilalim ng lilim na puno.

"Ba't ang tagal mo?" Natatawang sabi ni Trace. "Pinahirapan ka ba ni Dean bago ka niya payagan?"

"Gaga, ba't naman papahirapan ni Dean 'yan. Since first year tayo ay favorite na 'yan ni Dean. Buhat na buhat kaya ni Milan ang College of Science sa mga contest." Paliwanag ni Shannah.

"Nakasalubong ko si Gov. Paolo kanina. Nag-request lang kung puwede ko siyang samahan mamaya na bumili ng PC set for gaming." Paliwanag ko sa kanila.

"Luh? Bakit sa 'yo pa? Ang daming gamer sa LSC, ah." Natatawang sabi ni Tomy. "Galawan ni Gov, bulok."

"Judgmental." Naiiling kong sabi sa kanila

Chinat ko si Dion na pinayagan ako ng mga Professors ko at baka mamayang gabi ay balik boothcamp na ako.

"Hindi kami judgmental! Obvious na gusto ka ni Gov. Si Clyde nga obvious din na gusto ka, eh." Trace said at tinunggo ni Clyde ang braso nito. "Noon. Gusto ka ni Clyde noon hehe. Happy crush na lang ngayon."

"Alam mo, ang daldal mo." Shannah rolled her eyes. "Pero, Girl, hindi ka na lugi kay Gov. Bio pa ang course niya, puwedeng-puwede ka niyang i-dissect anytime."

"Gaga." Naiiling kong sabi.

"Saglit nga, bibili lang kami noong fries diyan sa gilid. May ipabibili ba kayo?" Tomy asked at tumayo ang Kulokoy boys. Tingnan mo 'tong tatlong ito, parang may invicible na chain sa kanila at talagang sama-sama pa silang bibili.

"Ako, lemonade pasabay." Inabutan ko ng 20 pesos si Tomy.

Naiwan kaming dalawa ni Shannah. "Pero girl, no chance talaga si Gov? Ang guwapo noon oh, ang linis pang tingnan."

"Hindi naman nanliligaw." I said to her. "Ayoko namang maging ambisyosa. If gusto nila ako, they should be upfront and tell that they will court me, 'di ba?"

Shannah smiled. "Ganda talaga." Hinaplos pa niya ang pisngi ko. "Paano ba naman kasi may maglalakas ng loob na ligawan ka. May dalawa kang kapatid na ang OA magbantay sa 'yo. And take note, puro lalaki na rin ang barkada mo sa boothcamp so dagdag intimidating factor 'yon."

"Pero hihingin ko sana ang opinyon mo, Shannah, ka-chat ko kasi si Larkin... Nanghihingi ng advice." Panimula ko.

"Oh, si Oppa, nanghihingi ng advice? Mukha namang fuckboi 'yon." Natawa ako dahil iyon talaga ang first impression niya kay Oppa.

"Nanghihingi nga ng advice, eh hindi ko naman alam ang sasabihin ko kasi... You know..."

"Oo, ganda ka lang. Walang love life. I know." She smiled.

"Alam mo, epal ka." Natawa si Shannah sa sinabi ko at nag-peace sign. "So heto nga whenever may may nasasabi daw na words 'yong isang tao kay Oppa... Bigla daw bumibilis 'yong kabog ng dibdib niya."

"Wow, lakas maka-highschool."

"Ah..." I fake my laughed. "Ang lakas maka-highschool."

"Corny niya kamo. Go on,"

"So iyon nga. Ano daw meaning noon?"

"Malay mo naman kasi hindi sanay si Larkin na mapuri pero I doubt that. Mukha pa lang ay hambog na. Pero kasi ako, personally, kinikilig ako sa mga taong pinupuri 'yong crafts ko. Not my physical appearance because that is so F-boy move. Alam mo 'yon? Ang sarap sa puso kapag nakakatanggap nang papuri na... Uy ang galing mo pala magsulat. You did a great job as a writer. Ang lawak pala ng vocabulary words mo. Alam mo 'yon! Mas nakakakilig kapag ganoon! They are praising something that is beyond your physical appearance and that is so plus plus plus pogi points."

"'Di ba!" I agreed.

Napatigil sa pagkukuwento si Shannah. "Akala ko ba ay si Oppa ang nanghihingi ng advice? Bakit parang mas ikaw pa 'yong naka-relate?"

"Kasi mas nakaka-appreciate naman talaga ang ganoong klaseng papuri."

"Kaibigan daw ba ni Larkin 'yong nagsasabi o isa sa mga kalandian niya?" I laughed. Ang gago ng ugali ni Larkin pero parang wala naman siyang kalandian kasi ang busy niya rin sa training.

"Kaibigan daw yata." I answered.

"Eh kung kaibigan tapos na-a-appreciate niya na 'yong praises noong kaibigan niya na 'yon. Baka naman unti-unti nang nagkakagusto si Larkin sa taong 'yon. Hello hindi naman malayong mahulog siya sa comfort person niya. Ang sarap tuloy gawan ng novel, may plot akong biglang naisip." Pumangalumbaba si Shannah at ngumiti na parang kinikilig.

I paused for a second at sakto namang nag-chat si Dion.

He just sent a video na nagti-tiktok sina Larkin at Liu. Tawa nang tawa si Dion sa video kasi kung ano-ano ang ginagawa nila Oppa.

Dmitribels:
Pinayagan ka ng professor mo?

Bukas ka na lang kaya pumunta? Gabi na, delikado pang bumiyahe niyan?

Ihahatid ka ba?

Kung hindi sunduin na lang kita diyan. Bayaran mo na lang pang-gas, wala na akong kayamanan. 😂

Nakita ko ang repleksiyon ko sa screen ng phone. I am smiling.

God this is bad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top