Chapter 71: Monster Rookie
MAGKASAMA kaming bumalik ni Callie sa boothcamp matapos ang ginawa naming jogging. God, hindi ko naman in-expect na pro-active itong si Callie sa morning jog, inaya pa ako ng mokong na magkarerahan kami... Akala niya yata ay marathon ang ginawa namin.
"Napakabagal mong tumakbo," natatawang sabi ni Callie habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo. We entered boothcamp at karamihan sa mga players ay nasa dining area na at naghihintay na ng pagkain.
"Kasi ako, lakad-takbo lang ang ginagawa ko. Ikaw lang 'tong competitive." I rolled my eyes and he just laughed.
Ilang lagok lang ng tubig ang ginawa ko para hindi ganoon kabigat sa tiyan at umupo na ako sa tabi ni Dion para kumain. "Mukhang nabudol mo na si Callie na samahan ka sa umaga, ah." Nakangiting bungad sa akin ni Dion habang umiinom ng kape.
"Ayoko na ulit kasama 'yan. Nakikipagkarerahan." reklamo ko at natawa si Callie na nasa kabilang side ng lamesa.
Pero infairness, nabawasan ang stress level ko dahil sa pagja-jogging na ginawa ko. Feeling ko ay na-release ko din siya kasabay nang pagpapawis ko. "Dapat, kinawawa mo pa 'tong si Boss Madam, Callie." Natatawang sabi ni Dion habang kinukusot ang kaniyang mata.
"Balak ko nga isa pang ikot gagawin namin, puro reklamo na ang narinig ko kay Milan. Naawa na ako." Paliwanag ni Callie at inirapan ko na lang siya. "Hindi pa talaga isinisilang ang makakatalo kay Callie the Great." Pagmamayabang niya pa.
Callie is a nice person, honestly. Although mayabang talaga siya pero as the time goes by, tatawanan mo na lang 'yong kayabangan niya. Pero siguro 'yong ibang tao na hindi talaga siya kilala... Maiinis sa ugali ni Callie. 10% human at 90% yabang ang DNA ni Callie, eh.
"Huwag kayong tumatawa-tawa diyan," Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama ko na ang weird ng mga hitsura sa umaga. "Isasama na sa training course ninyo ang jogging kahit twice a week. Nabalitaan kong may benefit ito sa gaming. Approval na lang ni Coach ang kailangan."
"I already approved it." Biglang pumasok si Coach sa dining area at napareklamo ang lahat. Especially Dion! He is not a morning person tapos ayaw niya rin ng physical activities. "'Yong mga kasama sa raid mamaya, naayos ninyo na ba ang mga equipments ninyo? 'yong mga items na dapat dala ninyo, nabili ninyo na ba." Coach said as he sit on the vacant space here in dining area.
"Yes, Coach." Walang kasigla-sigla na sagot ng lahat.
Sakto naman na hinanda na ni Manang Linda ang almusal namin— Tinola. That food was great, honestly. Muntik pa ngang kulangin ang ulam dahil ang lalakas kumain ng iba sa amin. Hindi ko talaga alam kung anong tiyan ang mayroon ang mga lalaki. Nakaka-ilang ulit sila ng kanin bago sila mabusog.
"Ang sarap noong Crepe na binili ninyo kagabi, Milan," Larkin said habang inaayos namin ang plano para sa mamayang raid.
"Worth the price nga, eh. Ang mahal kaya noong isang buong Tiramisu Mille Crepe. Hindi ko in-expect na masarap siya." paliwanag ko kay Oppa, buti na lang talaga at nag-uwi kami ni Dion sa boothcamp para matikman nila.
Although, puro reklamo si Dion dahil magastos daw ako at hindi nag-iipon para sa sarili ko. Para siyang si Kuya Brooklyn sa pagrereklamo niya sa akin that time kaso ay siyempre, hindi niya rin naman ako napigilan.
"Dapat nga ay Ube cake ang bibilihin namin kaso... Wala na kaming mahahanap ng ganoong oras." dugtong ko pa.
"E 'di gawa tayong Ube Cake." Oppa chuckled. Binuksan niya ang wallet niya at ipinakita ang kaniyang ID. "Culinary Arts student ako. Petiks lang 'yang ube cake na 'yan."
"Seryoso ba 'yan, Larkin? Baka naman chika lang 'yan!" Sanay na sanay na ako sa kalokohan ni Larkin, noong nakaraan ay sinabi niyang ililibre niya ako sa Starbucks... Kaso ay bumalik siya ng Boothcamp na kahit isang kape ay walang dala. Paasa.
"Kung may mga gamit tayo sa kitchen. Gawa ko kayo habang nasa boss raid kayo. Nakaka-miss din mag-bake eh." Napapalakpak ako sa tuwa dahil hindi ko in-expect na ganito ka-thoughtful si Oppa. "Pero gamit ninyo, siyempre. Pahinging pambiling ingredients." Mabilis na nawala ang ngiti ko. Kuripot.
I ended up giving him money to buy some ingredients. Oo, ganoon kalala ang cravings ko sa Ube Cake this time. I never imagined that Oppa is good in baking nor cooking. He usually bought foods kaysa gumawa, eh.
Bandang ala-una ay tinipon ko na ang mga makakasama ko sa raid (Robi, Juancho, Elvis, Dion, Callie, and Me). "Naayos ninyo 'yong item ninyo? Nag-research naman kayo sa mga monster na makakalaban natin?" Tanong ko.
"Yes, Captain." They answered.
"Dion, si Knightmare, nakausap mo na?" I asked. Si Knightmare ang pinaka importanteng tao sa Raid na ito.
Since sinabi ko sa management ang tungkol kay Knightmare ay nag-e-expect din sila sa play style na mayroon siya. Nakasalalay sa performance niya ngayong raid kung kukuhanin siya ng Orient Crown. Siyempre, nakasalalay din sa lineup namin kung pipiliin niyang maging parte ng Orient Crown.
Naglakad na kaming anim papunta practice room dala ang aming nerve gear. Nandoon din sa practice room sina Sir Theo at Coach Russel para tingnan sa TV ang magiging laro namin.
"Basta, tandaan ninyo lang na kapag nakaramdam kayo nang pagyanig sa inaapakan ninyo ay tumakbo lang kayo papalayo. Ibig sabihin noon ay may apoy na bubulusok mula sa lupa." Huling paalala sa amin ni Callie habang sinusuot na namin ang aming nerve gear.
"Good luck." Dion said to me and he lay down in an inclining chair para makapag-online na.
Humiga na rin ako sa Inclining Chair upang pumasok sa mundo ng Hunter Online.
NAKATAYO kami sa harap ng isang malaki at malapad na gintong gate. It have two statues in both sides at tinatanaw namin ang mataas na tore sa loob nito. Unlike, other dungeons na may mga shortcuts para makarating sa Boss Lair. Itong Temple of Judgment ay tanging papaakyat lamang.
"Nasaan na 'yong import ninyong scammer?" Tanong ni Rowbinhood (Robi) habang chine-check ang condition ng mga equipments niya.
Hindi naman mali sina Rowbinhood noong sinabi niyang scammer si Knightmare (at mukhang gold) dahil na-scam nga niya ako ng 250,000 gold para sa 10 minutes talk. 'Di ba?! Ugh, lugi.
Napatingin ako kay Rufus (Dion). "Nasaan na?" I mouthed. Siya kasi ang kausap ni Knightmare, unluckily, hindi kami friend sa game kung kaya't wala akong contact sa kaniya.
"Papunta na raw, eh." Dion answered.
"Napakalakas ng loob magpa-VIP, lampasuhin ko pa 'yan sa 1v1, eh." Vegas (Callie) stated. Hindi talaga ako nabibigo ni Vegas na mapairap sa ere dahil sa taglay niyang kayabangan.
Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating si Knightmare, he smiled and it showed his snuggle tooth. Ang ball of sunshine ng awra na ibinibigay ni Knightmare. "Ready na ba kayong mabuhat?" He asked.
Okay, binabawi ko na 'yong Ball of sunshine na sinabi ko. Paano siya magiging sunshine kung bagyo din diya kagaya ni Callie.
Sanay naman ako sa mga mayayabang na players, hello, normal 'yon sa ESports pero may mga players talagang ang sarap i-unfriend at i-block (hindi ko sinasabing si Callie 'yon).
"Ganyan lang ang armor niyan?" Tanong ni Shadowchaser (Juancho). Knightmare is wearing beginner set of equipment, level 8 pa yata ako noong nasuot ko 'yong mga items na suot niya, eh.
"Wait lang, kagagaling ko lang sa pagtitinda. Ayusin ko lang item ko." He said and started changing his armour.
Oh God, he is wearing a beginner set items para magmukha siyang mahirap aa game at ma-engganyo ang ibang players na bumili sa kaniya.
Tumingin na muli si Vegas sa gate noong Temple of Judgment. "Tara na." He said in a serious tone. I invited Knightmare in our party and he immediately accepted it.
***
PAGKAPASOK namin sa dungeon ay napaliligiran kaagad kami ng fire golems sa unang palapag pa lamang. This golems are level 45 at mahina ang physical attack sa kanila (unless may magic damage ang kanilang weapons).
Nag-iisip pa ako kung paano mapapadali ang gagawin namin noong biglang tumakbo si Knightmare patungo sa direksiyon ng isang Golem. "Sandali la—" hindi ko na natuloy ang aking sinasabi dahil tuluyan niya na itong naatake.
"That kid," pansin ko ang paghigpit ni Vegas sa kaniyang armas. "He is solo player, hindi siya makikinig sa kahit anong sabihin mo. He will work in his own pace. Vortex (Elvis), back-up-an mo na lang muna."
Wala na kaming nagawa kung hindi patayin ang mga Golem na nandito. "Knightmare!" Sigaw ko noong magkatapat kami ng Golem na kinakalaban.
"Bakit?" He dodged the Golem's attack quickly. Mabilis siyang lumusot sa pagitan ng binti niyo at mabilis siyang tumalon upang hiwain ang ulo nito gamit ang kaniyang espada na pabaliktad niyang hinahawakan. He's Gladiator afterall, mabilis talagang kumilos ang mga Gladiator kahit fighter sila.
"Follow my instruction if you want to clear this Boss Raid quickly." sa bi ko sa kaniya, iniwasan ko ang atake noong Golem.
Mega slash. Gaya nang inaasahan, hindi ganoon kalaki ang damage nito. Nabigla na lamang ako noong biglang sumabog ang ulo nito. Shadowchaser just casted a spell. "Thank me later." Nakangisi niyang sabi.
Sa team na nasira ang plano... We are doing great honestly. Hindi nakikinig sa amin si Knightmare pero kayang-kaya niyang pumatay ng malalaking Golem mag-isa. Kahit si Vegas ay napatitigil sa play style na ipinapakita niya.
Tumakbo kami papaakyat at mga Giant wasp naman ang aming katapat. May chance na ma-poison ka kapag natamaan ka nito kung kaya't kailangan ay marami kang baon na antidote.
Bukod sa wasp ay bigla ding yumayanig ang sahig at kailangan naming iwasan ang mga apoy na bigla-biglang bubulusok mula sa ibaba.
"Vegas, mahihirapan kami dahil lumilipad sa ere ang mga wasp, make sure na mapapatamaan mo ang mga pakpak nila para mapababa ang kanilang lipad." Bilin ko kay Vegas.
He didn't answer but he immediately followed my instruction.
Napansin ko si Knightmare sa isang tabi na nagpalit ng kaniyang weapon na kaniyang gamit. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.
He smiled again. "Pinapalitan ko ang Gladius na gamit ko depende sa attribute ng kalaban. Katulad kanina, mataas ang magic damage noong sword ko dahil Golem ang katapat ngayon ay gagamitin ko ang Gladius ko na may mataas na range para masiguradong matamaan ang mga Giant Wasp." He explained it to me.
Napatigil ako at napangiti. This player never fails to amaze me. Paniguradong napanonood nina Sir Theo itong si Knightmare, they will saw a big potential in this player.
We just found an undiscovered gem na hindi pa nadidiskubre ng kahit na sinong professional team.
Now, it's my turn to show him na may future sa Orient Crown.
"Vortex, pataasin mo ang speed ng bawat isa!" Malakas kong sigaw na mabilis na ginawa ni Vortex. "Shadowchaser do a fire rain. Siguraduhin mong maraming Giant wasp sa area kung saan ka magka-cast ng spell. Rufus, protect Shadowchaser for the meantime. Take all the damage as much as you can, ihi-heal ka na lang namin mamaya. Hold mo lang!" Sigaw ko.
"Yes, Captain!" They answered in unison.
"Rowbinhood and Vegas i-bait ninyo ang mga Giant wasp patungo sa direksiyon ni Shadowchaser. Knightmare, prepare your skills since ikaw ang gagawa ng final blow."
"I can work on my own!" He shouted. Tigas ng ulo.
"Well, it's for you to decide. Kung hindi mo gagawin iyon, mamamatay tayong lahat sa area na ito. Remember, we only have one chance to clear every Boss Raid... Paniguradong mas magaganda ang item loot sa itaas na floor."
Iyon ang magic word, magagandang item. Gold ang motivational drive nitong mokong na ito kung bakit siya sumama sa Raid namin, eh.
"10 seconds ang skill effect ng haste ko!" sigaw ni Vortex at bumilis na ang kilos ng bawat isa. I am just avoiding Giant Wasps attack habang dinadala sila sa direksiyon ni ShadowChaser.
"ShadowChaser!" Malakas kong sigaw. He immediately raised his wand at nagkaroon ng fire rain sa paligid. Dahil sa nangyaring fire rain ay bumaba ang lipad ng bawat wasp para maiwasan ito.
Dahil mababa na ang lipad nito, madali na para sa amin upang maatake ito.
"Flame sword!" He dragged his gradius on the ground creating a sparks before sending a huge fire wave in to enemies direction. Tumama ito sa maraming bilang ng Giant wasp, it create a huge damage to each of them.
"This is our chance!" Malakas kong sigaw at nagtulungan kami nina Vegas upang matalo ang mga Giant Wasps.
It took us a couple of minutes bago magawang mapatay silang lahat.
"Ang lupet nang atake ko na iyon." Tuwang-tuwa na sabi ni Knightmare.
"If you will join Orient Crown, we will make you more cooler." Sabi ni Vegas. The fact na si Vegas ang nagsabi noon ay ibig sabihin ay nire-recognize ni Callie ang talent ni Knightmare. "Pero ako pa rin ang pinakamalakas sa Orient Crown." He clarified.
"Hindi ko na kailangan sumali ng kahit anong professional team para magmukhang cool."
"We will give you some rare items na maibebenta mo sa mas mataas na gold. Tutulungan ka naming maghanap." Paliwanag ko. "Aside from having a gold here in Hunter Online. Kikita ka pa sa totoong buhay ng pera. We have a monthly salary and incentives kapag madaming nanonood ng live mo."
Oh God para akong nagne-networking sa ginagawa ko pero kung heto lang qng way para makuha si Knightmare... Gagawin ko na.
"Okay." Mabilis na sagot ni Knightmare na hindi inasahan nina Rufus. Kahit ako! Hindi ko in-expect na ganoong klaseng pang-uuto lang ang tatalab kay Knightmare.
"Ganoon lang 'yon?" Rufus suddenly asked me.
"Oo ganoon lang 'yon." Sagot ni Knightmare habang naglalakad na siya patungo sa susunod na floor. "Pero kapag hindi ninyo nagawa ang sinasabi ninyong bibigyan ninyo ako ng rare materials ay aalis ako agad sa grupo."
I feel like I heard it already from someone.
Napatingin ako kay Vegas. "Anong tinitingin-tingin mo diyan, Shinobi. Malayo ang ugali namin sa isa't isa." Depensa niya.
"Wala naman akong sinasabi." Tumingin ako kay Knightmare at ngumiti. "Welcome to Orient Crown."
ISANG linggo ang nakalilipas matapos naming makuha si Knightmare. Hindi pa siya makapunta sa boothcamp dahil may inaasikaso pa raw siya sa Ilocos Norte. Oo, dulo pa ng Pilipinas ang panggagalingan niya. At isa pa, nagpapaalam pa raw siya sa magulang niya tungkol dito which is understandable dahil isa siyang teen na biglang pupunta sa Maynila.
We are all expecting him na makakapunta na siya sa Boothcamp by monday. Pero for now, kailangan muna naming pagbigyan ng tuon ang Tournament na sinalihan namin. This is the first appearance of Orient Crown.
Nasa tapat kami ng main entrance ng Megamall, nakasakay kami sa isang van dahil hindi naman lahat ng member ng Orient Crown ay kasama ko. Maraming fan ng Hunter Online ay naghihintay mula sa labas ng mall. Kahit rookie tournament lang ito ay hindi nila pinalampas ang kumpetisyon na ito para manood.
Feeling ko nga ay hindi nawawala ang hype sa Hunter Online dahil padami pa nang padami ang sumusuporta sa mga Professional team.
"Ready na ba kayo?" Tanong sa amin ni Sir Theo at ibinigay niya sa amin ang aming mga Jacket. Hindi kami kita ng mga tao sa labas dahil heavily tinted ang van.
MILAN
#1
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang magsusuot ng number one jersey. Being the captain of one ESports team, hindi iyon madali. There is a lot of challenge in that position.
"Yes, Sir!" We answered in Unison. (Except kay Genesis na kinailangan ko pang gisingin)
"Ipakita ninyo sa kanila na tayo ang isa sa magiging malaking team sa mundo ng ESports." Nakangiti kong sabi habang nakatingin ako kanila Kaizer, Juancho, Liu, Genesis, and Dion. "I am confident that you guys will do great in this tournament. Huwag lang kayong makampante, okay?"
"Yes, Captain!" They answered in unison.
Binuksan ko na ang pinto ng van at lahat ng tao na nasa labas ng mall ay nagulat dahil hindi nila inasahan ang mga players na lalabas mula sa Van.
"Dire-diretso lang, walang makiki-interact sa fans." Bulong ko kanila Dion at naglakad na kami papasok sa mall. Once kasi na may pagbigyan kami diyan kahit isa ay kukuyugin na kami ng mga Hunter Online fans. Puro popular players pa naman 'tong kasama ko (Partida, wala pa sina Oppa at Callie nito).
As we make our entrance, kabi-kabila ang mga taong kumukuha ng litrato sa amin. They are shouting our names at lahat ay na-curious kung anong grupo ang Orient Crown.
We successfully caught their attention.
We, Orient Crown, will be the monster rookie of this season.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top