Chapter 70: Night Drive

Jerrish Milan De Santos

KALALABAS ko lang ng office ni Sir Theo at napabitaw ako nang malalim na buntong hininga. That was draining, hindi ko namalayan na mag-i-isang oras kaming nag-uusap ni Sir Theo.

Napadaan si Oppa sa tapat ko habang hinahalo ang tinimpla niyang kape. He chuckled. "Pumasok kang fresh diyan sa meeting room tapos ngayon para kang tumanda ng sampung taon."

"Epal mo, Oppa!" Reklamo ko at naglakad na pabalik sa harap ng computer si Larkin. He is playing an PC Games since hindi pa kami allowed mag-live, makikita agad ng mga viewers ang boothcamp namin at paniguradong magtataka sila kung bakit kami magkakasama.

Larkin was not wrong when he said na ang haggard kong lumabas sa office ni Sir. Pinag-usapan namin ni Sir ang mga susunod na gagawin namin sa Orient Crown, Logo designs, shirt designs. I am the type of person na gustong nagbabato rin ng idea kaya ayon... Humaba ang discussion namin ni Sir.

I feel like maaga akong tatanda dahil sa patong-patong na workload na ginagawa ko for the team and academically.

Tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig. "Hindi ko yata nakikita si Dion?" Pasigaw kong tanong kay Liu na nasa sala para marinig niya ako.

"Umalis. Kikitain niya si Ayame Gaming. Suwerte nga noong mokong, eh." kuwento ni Liu sa akin.

Oh, friday nga pala ngayon. This is the day na magkikita sila ni Ayame pero hindi ko naman in-expect na ganitong oras dahil hapon na. Napangiti ako at tumabi kay Liu. "Seryoso ba 'yan? Sana naman manood sila ng movie together!"

Napatigil si Liu sa pagta-type sa kaniyang laptop (he is doing his assignment). "Seryoso ka ba sa reaksiyon mo na 'yan? Hindi ka man lang ba nagseselos?"

Kumunot ang noo ko at uminom saglit ng tubig. "Bakit naman ako magseselos? Ako kaya ang isa sa nagpu-push na magkita silang dalawa ni Ianne. Dapat nga ay binigyan ninyo siya ng advices dahil mukhang walang experience si Dion when it comes to dating, eh."

Tumingin si Liu sa kawalan at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "Kalahating baboy para kay Number seven."

"Ha?"

"Ah, wala. Cute mo kako." Liu pinched my cheeks at napadaing ako sa sakit. "Kailangan mo yatang masaktan para bumalik 'yong pangramdam mo."

"Mashakit!" Hinampas ko ang kaniyang kamay at natawa si Liu. "Ang epal mo, pekeng chinese! Ibabalik kita sa China, eh."

"Ni shi na yudun." Napailing-iling si Liu at bumalik sa pagta-type sa kaniyang laptop.

"Anong sinabi mo?"

Madalas ko mang lokohin si Liu na pekeng chinese pero ang lakas ng appeal niya kapag nagsasalita siya ng Mandarin. Alam ninyo 'yon? Nakakadagdag ng pogi points na may ibang language siyang alam.

"Wala." He smiled brightly.

"He said that you are slow-witted." Dumating si Callie habang may hawak na Coke at umupo sa sofa.

"Google translate ka ba? Bakit sinabi mo sa kaniya!" Reklamo ni Liu sa kaniya.

"Hindi ka nga nagseselos, Milan?" Si Callie naman ang nagtanong ngayon. "He and that streamer is now having their date. Nagkukuwentuhan sila, kakain sila na magkasama, baka nagsha-shopping pa nga, eh. Walang selos?"

"Actually icha-chat ko nga si Dion na manood sila ng movie ni Ianne." I showed my phone at naka-type na 'yong message, ise-send na lang.

"You guys keep beating around the bush." Naiiling na sabi ni Callie at may pinapanood siyang match sa kaniyang tablet.

Isa sa mga napansin ko kay Callie ay kapag may free time siya ay nanonood talaga siya ng match ng ibang team. Naka-0.5 pa 'yong speed nang pinanonood niya para raw makita niya ang lahat ng galaw ng players.

"We are not beating around the bush. Wala lang talaga." I smiled at nakinood sa tablet niya.

"You guys set boundaries but obviously, you guys already crossed the lines. Ayaw ninyo lang paniwalaan."

Napatigil ako sa sinabi ni Callie. Ngayon ay alam ko na ang feeling noong mga love teams sa TV na may mga delulu fans. "We never crossed the lines." Depensa ko. "Kaninong match 'to?"

"NME versus Rising Hunters." He answered.

Speaking of match... May pag-uusapan nga pala kami mamaya para sa lineup sa tournament.

"Ay guys! May meeting tayo mamaya. After dinner, pumunta kayo sa meeting room!" Sigaw ko.

"Yes, Captain." They answered. Buti nga at kahit trip-trip lang 'yong pagluklok nila sa akin as Captain ay nakikinig talaga sila sa akin.

May iba pa sa kanila na nagse-send ng video na umiinom sila ng vitamins kasi parati kong ipinapaalala 'yon. Ang cutie nga, eh.

"Nagja-jogging ka ba sa umaga?" Tanong ni Callie. "Hayop ka, ngayon ko lang nakita 'yong mga post mo sa FB kasi nito mo lang ako in-add. Ako pa ang nag-add!"

I laughed. "Oo, nagja-jogging ako."

"Sama ako."

"Huy ang saya ko!" I clapped my hands. "Sa wakas ay may makakasama na ako mag-jogging. Sa Battle Cry kasi mag-isa akong nagmo-morning jog dati."

"Hindi ba part of the training ninyo ang jogging?" He asked.

"Hindi."

"No wonder kung bakit ang mediocre ninyong team back then." Napairap na naman ako sa kayabangan ni Callie at tinawanan niya lang ako. "Cardiovascular exercise can improve our overall brain performance,"

"It increase levels of a brain-derived protein in the body, believed to help with decision-making, higher thinking and learning." Mahabang litana ni Callie at hindi ko in-expect na maiko-connect niya iyon sa gaming. "Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo sinasama na part ng training iyon, eh."

"Thanks for the information, sasabihin ko 'yan kay Coach. May reason na ako para mapagalaw ang mga tamad dito sa Boothcamp." Napangisi ako. "Pero ang galing kasi alam mo 'yon. Akala ko, pogi ka lang." Biro ko.

"Hindi sapat na pogi lang. Dapat pogi with substance." He wiggled his brows and I rolled my eyes to his direction. I hate his arrogant attitude.

***

BANDANG alas otso noong makabalik si Dion sa boothcamp. Pagkakain ng lahat ay sinimulan ko na ang meeting.

"So first, let's talk about the boss Raid na gagawin natin sa Temple of Judgement. We need Six players na magpa-participate sa raid. Hangga't maaari ay 'yong mga players na matataas ang agility dahil may part doon na kailangang bibilisan ang takbo."

"Seven ang maximum player per dungeon, ah? Bakit anim lang?" Tanong ni Robi habang iniikot-ikot ang swivel chair na inuupuan niya.

Oh God, feeling ko tuloy ay mabilis masisira 'tong bagong biling gamit ni Sir dahil anh lilikot nila.

"May import tayo." Si Dion ang nagsalita.

"Ini-i-scout namin siya para mapabilang sa Orient Crown. By adding him in our party, you guys can evaluate kung magpi-fit siya sa grupo natin. And at the same time, I want to impress him that we are no ordinary team sa professional league." They nodded as they agree with what I said.

"Iyan ba 'yong Knightmare na sinearch ninyo ni Dion sa laptop ko noong nakaraan?" tanong ni Liu.

"Oo." I agreed.

"Tanginang 'yan, na-scam na ako niyan. Napakamahal magtinda niyan ng mga items." Reklamo ni Larkin at natawa kaming lahat. "Kapag nakita ko 'yan bukas sa dungeon, babatukan ko 'yan."

"So sino ang anim na sasama bukas?" Tanong ko. Karamihan ay nagtaas ng kamay dahil maganda ang item drop sa Temple of Judgment.

"Okay, I will assign the players na lang depende sa taas ng agility ng avatar ninyo." I checked my notebook. "Callie will be our core. Robi and Liu will be the fighters. Dion will be tank. Juancho will be our mage. And... Isa lang sa atin ang makakasama Genesis and Larkin since same positions tayo (we are all assassins)." Paliwanag ko habang nakatingin sa dalawa.

"Pass na ako." Bagot na sabi ni Genesis.

"Ini-i-scout mo si Knightmare 'di ba? Pass na rin ako." Nakangiting sabi ni Oppa. "Since ikaw ang nakakita sa kaniya, dapat ay nandoon ka."

"Sure kayo?" Nag-thumbs up si Larkin habang humikab naman si Genesis. Hikab means yes, so pumayag din si Genesis.

"Bawasan mo 'yong fighter." sabat ni Dion at napatingin ako sa kaniya. "Fighter ang position ni Knightmare. Masyadong maraming Fighter sa party." Oo nga pala. God, nawawala sa isip ko 'yong mga small details.

"Si Robi na." sabi ni Liu habang pumapapak ng manok (ulam namin kanina). "Sa tournament na line up na lang ako sasama."

Inilista ko ang mga pangalan nila sa notebook ko. "Isama mo si Elvis sa line up. Kailangan natin ng support." sabi ni Callie kung kaya't inilista ko ang pangalan ni Elvis.

"Final na 'to, ha? 2PM ang start ng raid. Wala namang violent reaction? Agree lahat sa lineup?"

"Yes, Captain." they answered in unison. Tiningnan ko sila isa-isa at mukha namang genuine ang pag-agree nila sa akin. Ayoko talagang magkaroon ng samaan ng loob dito sa Orient Crown dahil ang ganda lang ng samahan namin sa Boothcamp. Ang gaan lang.

We always come up in a decision na hindi namin pinagtatalunan masyado. We discussed the pro's and con's of each idea para madali namain malaman kung anong plano ang swak gamitin.

Sunod kong ipinakita sa kanila ay 'yong logo design na amaze na amaze ang mga loko dahil ang lakas daw ng dating. Well, ganoon din ang reaksiyon ko noong ipinakita sa akin iyon ni Sir. I also discussed the candidate jersey designs na pagbobotohan namin sa mga susunod na araw.

Dumako ang usapan namin sa mga players na makakasama sa tournament. It's a 5v5 tournament at walong team ang lalahok dito. Actually, hindi siya ganoong kalaking competition lalo na't mga rookie teams lang ang sumasali dito. But of course, kagaya noong sinasabi ni Sir Theo sa amin... Hindi magiging madali ang pag-build up namin sa Orient Crown dahil magsisimula kami sa pinakababa.

Dion (Tank)
Liu (Fighter)
Genesis (Assassin)
Juancho (Mage)
Kaizer (Core)

Nagdesisyon kami na balanse muna ang ipapasok namin sa maliit na tournament na iyon. Maraming kaming baraha na nakatabi para sa malalaking tournament at hindi namin ito puwedeng basta-basta ilabas.

"Wala nang questions? Walang violent reactions?" Tanong ko sa kanila.

"Wala." Sagot nila.

"Okay, so nakausap ko rin si Coach kanina at pumayag siya na wala muna tayong practice ngayong gab—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko noong malakas ng sumigaw ang mga buwisit na 'to (except kay Genesis na nakapatong ang ulo sa table at natutulog). "Wait lang! Kalma! Hindi pa ako tapos!"

"Makakatulog din nang maaga!" Larkin shouted.

"Baka makatutulog ng umaga. Hindi ka naman maaga natutulog." Reklamo ni Robi sa kaniya at natawa sila.

"Wait lang!" I clapped my hand to get their attention. "Lahat ng kasama sa lineup, ayusin ninyo na 'yong mga equipments ninyo. Do research din sa mga monsters sa Temple of Judgment. Meeting adjourned."

Tumayo na sila at lumabas ng meeting room. Naiwan ako para ayusin ang sulat ko sa notes ko. "Busy na busy naman." Umupo si Dion sa bakanteng swivel chair malapit sa akin.

"Sinabi mo pa, ang tagal naming nag-usap ni Sir Theo kanina. Ngayo ay nage-gets ko na kung bakit parating aligaga si Axel noong nasa Battle Cry tayo. Super daming inaasikaso." paliwanag ko kay Dion. Siguro kung may magandang dulot 'tong pagiging busy ko ay mas humahaba ang pasensiya ko.

Itinukod ni Dion ang kaniyang braso sa table at pinagmamasdan niya lang ako habang busy ako sa ginagawa ko. He looks so tired, sa bagay, maghapon din naman siyang nasa galaan.

"Tinitingin-tingin mo diyan?" Natatawa kong tanong at bumalik sa pagsusulat. "Kumusta ang date ninyo ni Ianne?"

"Anong date? Kinita ko lang siya para bilihin 'yong mechanical keyboard. Wala namang date na nangyari."

"Hindi mo sinunod 'yong sinabi kong manood kayo ng sine? Oh God, Dion, ang bagal mo."

"Tayo na lang manood ng sine." I paused for a second at napahigpit ang hawak ko sa ballpen. "Ang busy mo, eh, ikaw yata ang kailangang mag-unwind sa ating dalawa." He chuckled.

"Wala akong time." sagot ko.

"Nagugutom ako," he said in a dry tone. Idinukdok niya ang ulo niya sa desk.

"May ulam pa yata."

"Wala na, napapak na ni Liu."

"Hay naku, sinabi ko na kay Pekeng chinese na huwag niyang ubusin, eh. Ipapa-deport ko 'yan." Isinara ko na ang notebook ko at umupo ng maayos sa swivel chair. "Hindi ba kayo kumain ni Ianne?"

"Light meal lang. Nagmamadali din si Ianne kasi may iba pa siyang imi-meetup na mga buyer." Paliwanag ni Dion sa akin.

"Eh bakit ang tagal mo?"

"Nag-window shopping ako mag-isa." He chuckled. "Ang sarap kaya tumingin ng mga bagay na hindi ko naman afford."

"Siraulo ka."

"Kain tayo?" Nag-angat ng tingin sa akin si Dion.

"Kakakain ko lang po." I answered in a playful tone.

"I meant, cake. Gusto ko ng cake."

"OMG, seryoso 'yan? Last week pa yata ako nagke-crave sa ube cake." Paano ba naman kasi ay nakita ko si Kuya London na mag-isang kumakain ng ube halaya (take note, last week pa 'yon) tapos ay bigla na lang ako sa pagkain na something ube. Hindi ko lang magawang bumili dahil wala naman akong alam na door to door delivery noon sa Bulacan tapos ay na-busy din ako.

"Seryoso nga. Hiramin ko 'yong kotse ni Callie."

"Papayag ba 'yon?" Tanong ko.

Tumayo si Dion at hinanap si Callie na kasalukuyang nagve-vape sa may garden area. Mabuti na lang talaga at walang heavy smoker sa Boothcamp namin at puro vape lang.

Isa pa, sa open area nila ginagamit at hindi sa loob ng boothcamp dahil kumakapit ang amoy noon sa couch. Very good sila sa part na iyon.

"Callie, pahiram kotse." Paalam ni Dion sa kaniya.

"Saan ka na naman makakarating?" Callie asked at naka-de kwatro ng upo sa isang upuan.

"May bibilihin lang kami. Saglit lang kami."

Ngumisi si Callie. "Sabihin mo muna, Callie, ikaw ang pinakaguwapong nilalang na nakilala ko."

"Callie, ikaw ang pinakaguwapong nilalang na nakilala ko." Mabilis na sinabi ni Dion. "Pahiram na."

"Tanginang 'yan, bilis kausap." Natawa ako kasi hindi iyon 'yong reaksiyon na inaasahan ni Callie. "Nasa kuwarto natin, nakapatong sa may drawer ko. "Libre mo 'kong sliced ng cheesecake as payment, ha?"

Nagmamadaling pumasok si Dion sa room nila at kinuha ang susi ng kotse ni Callie. Pulang Honda Civic ang kotse ni Callie at proud na proud siya dito dahil sariling pera niya ang ginamit niya para mabili ito. Although, hulugan pero as a person, parang ang laking achievement na kapag nakabili ka ng sarili mong kotse.

Tumingin sa akin si Callie at ngumisi. He blew the smoke of his vape. "Nag-glow 'yong mukha mo noong dumating si Dion, ah? Iba talaga kapag Million." He chuckled.

"Chika mo. 'Yong item mo, ayusin mo na para sa raid bukas!"

"Naayos ko na, noong huwebes pa." he answered.

Si Callie lang 'yong player na ang chill tingnan pero masipag.

Sumakay na kami sa kotse ni Callie. "Ikaw mag-waze ng bibilihan natin." sabi sa akin ni Dion habanh inilalabas niya ang kotse. Naka-pakyu pa nga si Larkin habang binubuksan niya 'yong gate, eh."

"May alam ka ba?" Tanong ko.

"'Yong bake house sa Shangri-La sa The Fort. Sinama ako ni Larkin one time doon."

Siniearch ko sa waze 'yong Bake House. "Sarado na sila. Hanggang 8PM lang."

"Mag-google ka na lang. Madami namang lalabas diyan lalo na't sa BGC naman." He explained.

"Anong oras na ba?"

"8:49PM." Dion answered as he checked his phone.

"'Yong Paper Moon Cafe na lang ang bukas hanggang 10. Sa SM Aura. Bilisan mo mag-drive!"

"Heto na nga, Boss Madam. Nanginginig-nginig pa." Parehas kaming natawa sa kaniyang sinabi.

"Epal mo." reklamo ko. "Kailangan kasi nating bilisan."

I checked the menu of Moon Cake Cafe (thru online). "God ang mahal! 'Yong sliced cake nila 200 pesos pataas. Iba talaga ang presyuhan sa mga High end areas. Tapos wala pa sipang ube cake!"

"Ano, G pa ba?"

"Oo, mukhang masara 'yong Tiramisu Mille Crepe nila, eh." Sagot ko.

Pinatugtog ko 'yong Beatiful Soul ni Jesse McCartney at parehas kaming nagja-jam ni Dion sa kanta.

"I don't want another pretty face! I don't want just anyone to hold!" We shouted habang natatawa.

Parang ngayon pa lang ako nakahinga sa dami nang ginagawa ko these past few days. Hindi ko in-expect na ganitong kaliit na bagay lang ang magpapatanggal sa stress ko.

"Ay may pinabibigay nga pala si Ianne." sabi niya sa akin at binuksan ang maliit niyang bag. Nilabas niya ang isang paper bag.

I hope to see you soon! Girl Power sa Professional League! Aja!

-Ianne

"Seryoso ba? Ang bait naman ni Ianne." Inalog-alog ko ang kahon.

"Bigay ko daw sa 'yo, eh. Fan mo yata." Binuksan ko 'yong paper bag.

"OMG! Seryoso ba siya! Ang ganda nito!" It was a personalized 64 gig na flashdrive. 'Yong lalagyanan nito ay chibi clay version ko suot ang Battle Cry jersey. "Dapat pinag-video call mo man lang kami kanina!"

"Nagmamadali nga siya. Wala pa nga yata kaming fifteen minutes na nagkita. Kaunting catch-up lang naman 'yong nangyari tapos sumibat na din siya." Paliwanag ni Dion na focus sa pagda-drive.

"Alam mo, akala ko dati, crush ka ni Ianne kasi nga lagi siyang nagtatanong about gaming sa 'yo. Pero ngayon parang hindi na. Parang hindi man lang siya na-excite na makita ka." Paliwanag ko habang pinagmamasdan ko 'yong Flashdrive na binigay ni Ianne.

As Computer Science student, best gift ever ang flash drive.

"Ikaw lang makulit. Ako lang kasi ang naka-close niyang professional player noong nagkasama kami sa playoff. Tingnan mo noong naka-chat ka niya  sa 'yo na siya nagtatanong. Mang-aagaw ka ng kaibigan, eh."

"Well, girls keep winning." I flipped my hair and laughed. "Dion bilisan mo, baka magsara na 'yon!"

"Palautos kahit kailan." Umiiling-iling niyang sabi at binilisan ang takbo ng sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top