Chapter 7: Richard's Request

Richard's request
Wild Boar's Meat (0/20)
Wild Boar's Horn (0/10)

Naglalakad kami nila Klayden papalabas ng Silanya Town para puntahan ang quest namin. Si Klayden ang nangunguna since siya ang may alam ng location nito at sabi niya ay may alam siyang spot kung saan mabilis kaming makakapag-hunt.

"Mukhang madali lang ang quest na ito since we just need to collect the items from Wild Boar." Sabi ko habang binabasa ang information about the quest.

"Hindi aggressive type na monsters ang mga Wild Boar pero kahit mababa ang level nito ay kaya na tayo nitong mapatay. Hindi na ito katulad noong Angry Rabbit na madali lang patayin." Paliwanag ni Klayden sa amin.

We reached the spot na sinasabi ni Klayden at tama nga siya, wala gaanong players sa lugar na ito. Nasa likod kasi ito ng burol malapit sa Silanya Town, malaking field ito na puro damo at puno lang ang makikita sa paligid. May mangilan-ngilang players na nagku-quest din pero hindi ganoon karami.

"Simulan na natin 'to," humigpit ang hawak nila sa kani-kanilang rusty sword (weapon na nakuha namin sa previous quest) at nag-apir. Hindi ko na sasabihin sa kanila personally pero ang cute ng tatlong kulokoy na 'to kapag nagseseryoso sila sa gaming. Para kasing sobrang dedicated sila sa ginagawa.

Tumingin ako sa malalaking Wild Boar na naglalakad sa damuhan. Nanlilisik ang dalawang mata nito at mas malaki ang pangangatawan kaysa sa normal na baboy-ramo, mas mahaba din ang mga sungay nito at talaga namang nakakatakot ang hitsura nito.

Wild Boar
Level 6
Non-aggressive

Tumakbo ako aa direksyon ng isang Wild Boar at inatake ang tiyan nito. Nagkaroon ito ng bawas sa Health bar nito at doon ko nakuha ang kanyang atensyon. The Wild Board tried to head butt me pero mabilis akong nakagulong sa damuhan para maiwasan ito. Humigpit ang hawak ko sa Rusty sword ko at bumuwelo para sumugod muli rito.

Mega Slash.

Nagkaroon ng kakaibang kinang ang Rusty Sword na hawak ko at pagkatama nito sa Katawan ng Wild Boar ay mas malaki ang damaged na naidulot ko rito. "Mukhang hindi ka ganoon kadali na mapatumba." Pagkausap ko sa aking aarili habang itinutuloy ang pakikipaglaban.

Mega Slash ang recent na skill na natutunan ko na malaking tulong sa pakikipaglaban ko dahil ang laki ng damage na naidudulot nito sa kalaban. Iyon nga lang, matagal ang cooldown ng skill na ito kubg kaya't hindi ko agad siya magagamit.

Nagawa akong matunggo ng Wild Boar sa aking tagiliran at nabawasan ang buhay ko. Ilang minuto ko rin itong kinalaban bago ko ito magawang mapatay.

You received 43 Gold!
You received Wild Boar's Meat [Quest Item]

Uminom ako ng potion para mag-heal kahit papaano ang buhay ko at tumingin ako kanila Klayden na patuloy na nakikipaglaban sa mga Wild Boars.

Richard's request
Wild Boar's Meat (1/20)
Wild Boar's Horn (0/10)

Aware naman ako na isa lang ang nadagdag sa quest ko pero as a new player ay nakakatuwa lang na ma-experience ang mga ganitong bagay.

Dati ay hindi ko ma-gets ang kasiyahan na nakukuha ng mga gamers sa tuwing naglalaro sila ng Online Games. Feeling ko noon ay inuubos lang nila ang oras nila sa wala pero ngayong naranasan ko siya. 'Yong time with friends kasi ang masaya sa mga games at kung magkakaroon ka naman ng maayos na time management ay magiging healthy siya sa mental hwalth mo.

"Wala akong nakuha na Horn," sabi ko kay Synix.

Pinatay niya muna 'yong Boar na kalaban niya bago itinuon ang kanyang atensyon sa akin. "Hindi lahat ng Wild Boar dito ay may item drop na Wild Boar's Horn. Baka nga doon tayo magtagal sa pag-iipon no'n, eh." Paliwanag niya sa akin at napatango-tango ako.

"Okay lang naman kung magtagal tayo rito, nandito naman tayo para magpataas ng level, eh." Dugtong ni SilverKnight pagkapatay niya sa monster na kalaban niya. "Nakakuha ako ng Wild Boar's Horn. Suwerte."

Matapos kong makipag-usap sa kanilang dalawa ay muli akong umatake ng isang Wild Boar upang mapabilis ang pagtapos sa quest na ito.

Inatake ko ang Level 5 na Wild Boar at inatake rin nito ako pabalik. Tama ang sinabi ni Klayden na ibang-iba ang mga ito sa Angry Rabbits dahil kayang-kaya kami nitong mapatay.

Wala naman masamang mangyayari sa katawan ko sa real life kung sakaling mamatay ako sa game (paliwanag sa akin ni Clyde noong tinanong ko siya). Iyon nga lang, mabubuhay ulit ako sa simbahan sa Silanya Town which is medyo malayo rito sa spot kung saan kami nagha-hunt nila Klayden.

Nagpatuloy kami sa pagku-quest dito sa malawak na field at hindi ko alam kung ilang minuto ang ginugol namin para matapos ito. Tumaas din ang Level namin.

Level 8 na kami nina SilverKnight at Synix samantalang Level 9 na si Klayden.

"Puwedeng-puwede na tayong mag-boss raid nito. Pasok na sa minimum level requirement ang mga level natin para makapasok sa map," nag-apir kaming apat at saglit na umupo aa field upang pagmasdan ang kalangitan dito sa Hunter Online.

Walang pinagkaiba ang ulap dito sa ulap aa real life. Ang kaibahan lang ay ang mga kakaibang creature na lumilipad sa kalangitan. Nakaka-amaze talaga ang online world.

Naputol ang aming pagpapahinga noong makarinig kami ng ingay na papalapit sa amin. Napatingin ako rito at may tatlong player na naglalakad papalapit sa amin.

Lord_Chuck
Level: 11
Class: Young Traveller

Binasa ko ang username noong lalaki na nasa gitna nila. They are walking towards our direction na may malaking ngisi sa kanilang labi. Nilalaro din ni Lord_Chuck ang kanyang espada sa kanyang balikat. Nakasuot din siya ng Metal Plate na Body Armor kung kaya't nasisigurado kong mataas ang depensa nitong player na ito.

"Anong kailangan ninyo?" Maangas na tanong ni Klayden at tumayo kaming apat. Hindi maganda ang kutob ko sa mga taong ito kung kaya't humigpit ang hawak ko aa Rusty Sword ko.

"Nakita namin na kanina pa kayo nagha-hunt para sa mga sungay ng Wild Boar," sabi niya habang tumitingin sa dalawa niyang kasama. Ang dalawang nakasunod sa kanya ay parehas Level 9 (same level sila ni Klayden)

"Ano naman ngayon kung nag-hunt kami para sa quest?" Maangas na tanong ni Synix. Kung yabangan lang din naman ang pag-uusapan, hindi magpapatalo 'tong tatlo na 'to.

Nagkatinginan ang tatlong players at nagtawanan. "Alam ninyo, mga bata, kahit kami ay ayaw namin ng gulo. Ibigay ninyo sa amin ang lahat ng na-hunt ninyong Wild Boar's Horn at maayos kayong makakaalis dito." Lord_Chuck explained.

"Bullying new players?" Tanong ko habang naiiling. "Very professional naman niyang ginagawa ninyo."

Mukhang nagulat sila sa sinabi ko. "Humanap na lang kayo ng ibang pagti-trip-an ninyo. Wala kayong mapapala sa amin." Dugtong ni Klayden.

"E 'di kukuhanin namin nang sapilitan sa inyo ang mga sungay ng Wild Boar. New players should respect high-level players." Sabi ni Lord_Chuck.

"High-level na yan?" Tanong ko. I mean, tatlong level lang naman ang itinaas niya sa akin. "Ganito na lang, magkaroon kayo ng 3v3 match. Grupo mo laban kanila Klayden. Kapag nanalo kayo ay ibibigay namin lahat ng Wild Boar's Horn na nakuha namin." Hamon ko.

Kahit sila Klayden ay nagulat sa sinabi ko. Hindi ako nagbibiro sa bagay na ito, ayoko talaga sa mga players na ubod ng yabang at panay pambu-bully sa mga new players ang ginagawa. Mas matagal na silang naglalaro ng Hunter Online, dapat mas professional na sila pagdating sa pagha-hunt ng ibang monsters at pagkuha ng mga items.

"Baka matalo tayo, Shinobi." Mahinang bulong ni SilverKnight.

"Anong magagawa ng mga level 8 na gaya ninyo? Ibigay na ninyo ang kailangan namin at maayos kayong makakaalis dito." He said with authority.

"Hindi tayo matatalo." Paninigurado ko kay SilverKnight. "Magtiwala kayo sa akin. Magcha-chat ako ng directions sa inyo. Sundin ninyo lang ako."

Tumingin sa akin sina Synix at Klayden bago bumaling ang tingin nila kay Boss_Chuck. "Let's have a duel." Seryosong sabi ni Klayden.

"Manonood lang ako para patas ang laban. Tatlo laban sa tatlo, if you guys win... Sa inyo na lahat ng na-hunt naming quest items. Kapag nanalo kami ay bibigyan ninyo ng 500 gold ang bawat isa sa amin, ano, deal?" Tanong ko at umupo sa damuhan.

Nagkatinginan silang tatlo na para bang iniisip nila na hindi sila magagawang matalo nila Klayden. Tiwala ako sa mga kaibigan ko.

Yes they are low-level pero hindi naman sila mahinang players. Malalakas sila na players galing sa lumang server, 'yong mga fighting skills and techniques na natutunan nila doon ang gagamitin kong baraha para manalo sila sa duel.

"Deal." Sagot ni Boss_Chuck.

"Ako na ang magse-send ng match request." Proklama ni Synix. Naglakad ako papalayo upang magkaroon sila ng maluwag na lugar para maglaban.

May ibang players na nagku-quest din na napatigil sa pagha-hunt para manood ng magiging laban. Napangiti ako dahil maraming makakakita na mapahiya ang mga mayayabang na players na ito.

Klayden: Anong gagawin namin?

Chat 'yan ni Klayden na nabasa ko. Lumalabas ang chat sa lower left ng vision ko. 'Yong message niya na iyon ay nababasa ng buong team kung kaya't aware din sina Synix at SilverKnight.

Nagkaroon ng countdown patungkol sa gagawin nilang match at naghihintay ang tatlong kulokoy sa sunod na sasabihin ko. Alam ko, ang impulsive ng decision lo about sa match na ito lalo na't nakataya rito ang mga items na kanina pa namin kinukuha. Hindi kami puwedeng matalo.

Synix: Shinobi, anong gagawin namin?

Saglit akong nag-isip. Kung lalabanan nila Klayden ang tatlo ng sabay-sabay ay paniguradong matatalo sila. May level difference pa rin kung kaya't mas malakas ang mga kalaban nila. Isa lang ang naiisip kong paraan.

Shinobi: Kill one opponent at a time, pagtulungan ninyo.

Natapos ang timer at nagsimula na silang atakihin ang isa't isa. I am silently watching the fight pero nagme-message ako sa group imbox sa kung ano ang dapat gawin nila.

Shinobi: Klayden, since you are more stronger. Huwag mong palapitin kanila Synix 'yong dalawa habang pinapatay nila 'yong isa.

Klayden immediately did what I command him. Pansin kong nahihirapan si DeathStar (game username noong isang kasama ni Boss_Chuck) dahil pinagtutulungan siya noong dalawa.

Synix and SilverKnight really have a great teamwork na parang basang-basa na nila ang magiging moves ng bawat isa. Hindi rin sila nagsasabay sa paggamit ng skill para mas lalong mahirapan si DeathStar sa pagkilos.

Nabaling ang atensyon ko kay Klayden na malapit na maubos ang HP bar.

Shinobi: SilverKnight back-up-an mo si Klayden para makagamit siya ng potion. Synix ikaw na ang bahala kay DeathStar, maiksi na lang ang buhay niyan.

They are following my instruction hanggang sa tuluyan na nilang matalo si DeathStar. Marami ring mga players ang napatigil sa paglalakbay para manood ng match. Ngayon 3V2 na lang ay madali na para kanila Klayden na matalo sila.

We just need to eliminate one of Boss_Chuck comrades para mapadali ang trabaho nila.

Nanalo sila Synix sa labanan at nakipag-apir sa akin ang tatlo noong manalo sila. "Lupet ng mga ideas mo, Shinobi." Sabi ni Synix.

Bumaling ang tingin namin kanila Boss_Chuck at bakas ang inis sa kanilang mukha. They didn't expect na matatalo sila sa mga players na mababa ang level sa kanila.

It's not about the level. It's about the skill and battle tactics.

"Natalo kayo, ibigay ninyo 'yong tig-500 gold namin." Singil ko habang naglalakad papalapit sa kanila.

"Ha! Hindi namin ibibigay ang gus—"

Naglakad ako sa kanyang tapat at tinapik ang kanyang balikat. "Boss_Chuck, ang daming players na nanood ng labanan ninyo. Mapapahiya ka sa lahat at papangit ang reputasyon mo sa game. Kung makikilala ka nila bilang masamang Hunter ay wala nang magtitiwala sa 'yo." Pananakot ko habang may malaking ngisi sa aking labi.

At this point, we won.

Kita ko ang inis sa kanyang mukha habang inililibot ang kanyang mata sa paligid. I am not kidding noong sinabi kong maraming players ang nandito ngayon.

"Sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa mga susunod na araw." Inis niyang sabi.

I smiled. "Ikaw muna ang magbayad."

Boss_Chuck is requesting for trade
Accept
Decline

***

"AKALA ko talaga ay matatalo tayo!" Tumatawang sabi ni SilverKnight habang tumitingin kami sa mga shops dito sa Silanya Town. "Easy-money naman pala doon sa mayayabang na 'yon. Akala mo kung sinong malalakas, eh."

Pare-parehas kaming nagkaroon ng 500 gold sa paglaban namin sa kanilang tatlo. At isa pa, natapos din namin ang quest namin kung kaya't ang laki ng kinita namin ngayong araw. We are buying some equipments para maghanda sa Ogre Raid na gagawin namin bukas.

"Magpasalamat din tayo kay Shinobi," ngumiti si Klayden sa akin at ngumiti rin ako pabalik. "She guided us well kung kaya't madali nating na-execute 'yong plano niya."

"Salamat, master," lumuhod pa si Synix sa harap ko at malakas akong napatawa. "Pero Shinobi, paano mo naisip na unahin muna namin ang isa niyang kasama para mapadali ang pakikipaglaban namin?"

"Well... Nasa isip ko kanina na para siyang math exam. Uunahin ko muna ang madadali at tsaka ko uubisin ang oras ko sa mahihirap na eq—"

Synix waved his hand. "Tangina wala akong ma-gets. Basta nanalo."

Napairap na lamang ako sa ere at bumili ako ng bagong espada at bagong boots para sa character ko. Napakinabangan pa namin ang duel na nangyari kanina.

I checked the time at malapit ng mag-alas sais. "Guys, kailangan ko ng mag-log out." Paalam ko.

"Kitakits na lang bukas. Hintayin ka ulit namin sa Townsquare sa tapat ng malaking orasan." Sabi ni SilverKnight.

"Sige b'bye. Sasabihan ko kayo if ever may information na may maibigay sa akin sila Kuya."

TINANGGAL ko ang nerve gear at bumaba sa sala. Nakita ko sina Kuya London at Kuya Brooklyn na may kausap sa discord at tungkol iyon sa gagawin nila sa boss raid mamaya.

Dumiretso akong kusina para magsaing, baka mapagalitan na naman ako ni Kuya London. Oo, medyo may kaya kami pero wala kaming kasambahay dahil tinuruan naman kami ni Mommy na maglinis at gumawa ng mga gawaing bahay. Except sa paglalaba, doon ay pinapa-laundry na talaga namin.

"Kuya, papasok na kayo sa Boss Raid mamaya? Mga anong oras?" Tanong ko at inilagay sa rice cooker ang bigas na sinaing ko.

Tinanggal ni Kuya London ang headphone niya. "Mga 9 nang gabi siguro. Mag-hello ka naman sa ka-team namin."

Itinapat sa akin ni Kuya ang screen ng laptop niya at kumaway ako sa mga kausap niya. Siguro ay iyon ang mga kasama nila sa raid mamaya. Ipinagmayabang pa ni Kuya na naglalaro din daw ako. (As if naman may pake 'yong mga kausap niya. Bida-bida lang talaga minsan)

"Kuya London, sabihan mo ako kung ano ang makikita ninyo sa dungeon, ha?" Bilin ko sa kanya.

"Puwede ko naman i-connect sa laptop 'yong nerve gear. Mapapanood mo sa laptop 'yong ginagawa ko sa game for the meantime." Paliwanag niya sa akin.

"Parang facebook live?" I asked. Sorry na, computer science ako pero hindi ako palakatikot ng mga gadgets sa bahay.

"Yup, stream pero ikaw lang ang makakanood. Ganyan kita kamahal na kapatid." Sabi ni Kuya London.

Umirap ako. "Kuya, ang plastik mo sa mga ka-team mo. Hindi ka ganyan sa akin."

Pagkakain namin ay naghanda na rin sina Kuya para sa boss raid na gagawin nila. Ipinahiram niya sa akin ang laptop niya which is amazing dahil napapanood ko dito 'yong mga nakikita niya sa game.

Kumuha ako ng isang V-cut sa fridge at notebook. Lahat nang monster na nakalaban ni Kuya ay inilista ko ang level sa notebook maat inilista ko rin ang items na kanyang nakuha.

I also examined the whole map kung anong way ang puwede naming daanan para mapabilis ang Boss raid namin if ever pumasok na kami nila Trace.

Salamat talaga kay Kuya London dahil ngayon ay masasabi kong ready na kami sa Boss Raid na gagawin namin bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top