Chapter 68: Scouting Ways
NAKAUPO kami ni Dion sa carpet habang kumakain sa center table sa sala. They are playing Tiktok videos on TV na sinasabayan ni Liu at Larkin dahil kailangan daw ay may ma-upload sila sa Tiktok accounts nila.
Napatigil si Dion sa paghigop nang sabaw ng noodles. "Bakit ba kanina ka pa tingin nang tingin sa akin?" he asked while shaking his head slowly. "Uutusan mo na naman ako?"
"Baliw, hindi." sagot ko sa kaniya. "Nakatulala lang ako out of nowhere, nataon lang na sa 'yo ako nakatingin." Paliwanag ko sa kaniya.
"Kumain ka diyan. Masamang pinaghihintay ang pagkain," sabi niya at doon lang ako bumalik sa pagkain ng instant noodles. Wala pa kasi 'yong cook namin sa boothcamp (sabi ni Sir Theo ay baka mamayang tanghali pa dadating) kaya kaniya-kaniya muna kaming luto ng Lucky me dito sa boothcamp as our breakfast.
Habang tinitingnan ko si Dion ay pinakiramdaman ko ang puso ko if bibilis ba ang tibok niya kung nakatingin ako sa kaniya (ganoon ang nakikita ko sa mga romcom movies so don't judge me). Kaso wala... Walang pagbilis nang tibok ng puso, walang butterfly in my stomach, walang kilig.
Therefore, I conclude na wala lang 'yong naramdaman ko kagabi. Hindi ako magkakagusto kay Dion.
Siguro ay kaya bumilis ang tibok ng puso ko ay dahil sa idea na nag-kiss kami. That was my first kiss in the first place.
"Hindi ka pa rin talaga tapos sa pagtingin sa mukha ko?" Dion asked again. "You are not spacing out of nowhere. Spill it." Ibinaba niya ang kutsara na kaniyang hawak at itinukod ang braso sa lamesa na parang ready na ready siya sa sasabihin ko.
"Wala nga."
"Luh, puwede ba 'yon? Bilis na, makikinig ako. Team tayo, 'di ba?"
Knowing his personality, kukulitin talaga ako nitong si Dion hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya kung ano ang tumatakbo sa isip ko.
"Tinesting ko lang na kapag ba tiningnan kita sa mukha ay kikiligin ako. Alam mo 'yon? They are teasing us all the time... I just test it."
"And?"
"Wala talaga." I answered honestly.
"Nagpapaapekto ka kasi sa panunukso nila Larkin, eh."
"I just test it nga lang, eh. Atleast nagkaroon na ako ng peace of mind na wala talaga akong feelings sa 'yo." Iniling-iling ko ang kamay ko. "We are good friends. Ang labo na ma-develop tayo sa isa't isa."
"Magkaibigan tayo. We already set our boundaries." I nodded as he explained. "We are both aware na may linya tayo na hindi puwedeng lagpasan. Don't make things awkward for us dahil lang sa panunukso nila."
"Kaya nga ayoko sabihin sa 'yo kaso ang weird noong iniisip ko that time. Ikaw lang naman ang namilit." I rolled my eyes and he ruffled my hair.
"Asa ka namang magkakagusto ako sa 'yo, utusera ka nga." he chuckled.
"Wow, ha! Nakakahiya naman sa pagiging bugnutin mo. Tapos bad mood ka pa every morning." I explained at parehas kaming dalawa.
Hindi talaga puwedeng maging kami dahil alam namin ang bad traits ng isa't isa. Baka kapag nag-away kami ay magsumbatan lang kaming dalawa.
"Milan, alam mo na kung paano ka makakauwi sa Bulacan mamaya?" Tanong ni Robi at ibinagsak ang katawan niya sa couch. Robi is a year younger than me, he have this comb over hairstyle (iyon daw ang tawag doon sabi ni Dion) and he is wearing an eyeglasses. Parehas kaming Bulakenyo ni Robi kung kaya't siya ang tinanong ko.
"Sabi mo sumakay na lang akong bus sa SM North, saan ako maghihintay doon?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Malapit sa annex." He answered. "Dadaan ng Pulilan 'yong mga bus doon. Taga-Casa Buena ka 'di ba? Ayon madadaanan 'yon." Dugtong pa ni Robi.
"Robi, kahit anong explain mo diyan. Kunwari niya lang nage-gets 'yan!" I laughed and hit Dion's arm. "'Di ba? Tumawa, hindi niya gets 'yan."
"Hindi ba sanay mag-commute si Milan?" Robi curiously asked. "RK ba?"
"Oo, Rich kid 'yan. Tatlo body guard niyan tapos may golf court sa garden nila. Hile-hilera rin katulong nila sa bahay."
"Huy, chika mo, Dion! Baka maniwala sa 'yo si Robi. Robi, huwag kang naniniwala diyan. Exaggerated magkuwento 'yang si Dion." Lagi niyang sinasabi 'yon sa mga taong nami-meet namin kaya ang tingin tuloy ng ibang tao ay sobrang yaman ng pamilya namin.
Our conversation was interrupted when Genesis entered in living room. He yawned tapos ay humiga sa kabilang couch. Para siyang sloth na gumagalaw... Hindi naman dahil siya ang pinakamabagal na tao na nakilala ko. Pero sa tuwing nakikita ko si Genesis ay nade-drain 'yong energy.
"Tangina mo, Genesis, bibilhan kita ng Milo tsaka Enervon magka-energy ka lang. Sagot ko na." Napatigil si Oppa sa pagti-Tiktok at natawa kami sa buong sala.
Genesis just stared at him tapos ay nagsuot ng airpods sa magkabilang tainga. Ngayon ay gets ko na kung bakit madalas maligaw si Genesis dahil wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kaniya.
"Alam mo na kung paano ka makakauwi?" Dion asked.
"Mag-ga-grab ako papuntang SM North. Considered as commute naman 'yon, 'di ba?" Tanong ko sa kaniya. Natatakot ako na mag-MRT kahit sabi naman ni Robi na last station naman ako bababa.
Okay, matalino naman ako pero takot talaga ako mag-commute mag-isa. Feeling ko mawawala ako anytime kung kaya't mas convenient sa akin ang Grab.
"Mahal ng grab." he said.
"Eh kaysa maligaw ako."
"Samahan kita." Inusog niya 'yong noodles na pinagkainan niya. "Hatid kita hanggang sakayan. Ituturo ko sa 'yo 'yong mura pero convenient way papauwi sa Bulacan."
"Grab na nga lang."
"Hatid nga kita. 'wag ka na makulit. Wala ka nang magagawa." Nag-focus na siya sa game na nilalaro niya sa cellphone niya. Napairap na lang ako dahil makulit din 'tong si Dion.
Noong matapos ako kumain ay umupo sa tapat namin si Liu na napagod sa kaka-Tiktok.
"Nabalitaan ninyo na ba 'yong tungkol sa Battle Cry?" Tanong niya habang pinupunasan ng towel ang kaniyang mukha.
"Anong mayroon sa Battle Cry? Issue na naman?" Dion asked.
"Actually good news siya," nakuha noon ang atensiyon naming dalawa ni Dion. "They are invited sa isang tournament na iho-host ng isang sports channel. Malaking tournament din na may malaking Prize pool. First time ma-invite ng Battle Cry sa ganoong klaseng tournament at mukhang nagbunga ang magandang performance natin last Summer Cup."
Kung nasa Battle Cry pa rin ako at narinig ko ang balitang iyon ay siguradong nagtatalon na ako sa tuwa. Pero siyempre, masaya ako para kanila Oli ar Gavin na nasa Battle Cry. I am really hoping na manalo sila sa Tournament na iyon.
Bandang tanghali noong tinipon kami ni Sir Theo sa sala para ipakilala kami sa ibang makakasama namin sa bahay. Unang-una ay si Manang Linda at Manang Lorna na cook at kasambahay namin sa boothcamp.
Ang sarap lang sa pakiramdam na may iba pa akong babae na makakasama sa boothcamp. Hindi naman sa hindi ako okay na kasama 'tong buong Orient Crown pero may mga topic pa rin na hindi ko puwedeng ikuwento sa kanila basta-basta.
"And this is Russel Chavez, ang magiging Coach ng buong Orient Crown." He is also an Ex-member of All Stars, magkagrupo sila ni Sir Theo.
Russel Chavez is the core member of All Stars, he is one of the biggest factor kung bakit naiuwi ng All Stars ang championship noong Season One. For the avid fan of Hunter Online (katulad ni Dion), malaking tao para sa kanila si Russel Chavez.
Ang amazing nga dahil around 25 pa lang si Sir Theo tapos ay 24 naman si Coach Russel pero heto sila... They are leading one of ESports team. Nakaka-inspire lang makakita nang mga young adults na nakagagawa ng malalaking achievement.
"Hello, Guys," Tiningnan kami ni Coach isa-isa. "Wow, lahat kayo ay napapanood ko ngayon sa mga tournament. Nakakatuwa kasi nagpabudol kayo rito kay Timotheo."
Natawa kaming lahat. "Gago ka, be professional naman." Biro sa kaniya ni Sir. Ilang years na ang nakalilipas pero ramdam ko pa rin ang magandang samahan ng All Stars.
"Okay. Ako ang magiging Coach ninyo rito sa Orient Crown. I know some of you will think that I am incapable for this position since ang bata ko pa. Pero magtiwala kayo sa akin, kaya ko kayong mas palakasin. Isipin ninyo na lang na kuya-kuyahan ninyo ako rito sa Boothcamp. Puwede tayong magbiruan pero kapag oras nang practice ay gusto ko ay tutok kayong lahat. Maliwanag ba?"
"Yes, Coach!" We answered in unison
"Hindi ako mangangako na palalakasin ko kayo... Kasi gagawin ko. Lahat kayo ay paniguradong may natutunan na sa mga veteran coaches ng ESports pero oras naman para ituro ko sa inyo 'yong mga bagay na sarili kong inaral noong naglalaro pa ako ng Hunter Online. Sinong Captain ninyo."
Itinuro nilang lahat ang hintuturo nila sa akin habang tumatawa.
"Huy! Hindi ba talaga chika 'yong ginawa ninyo kahapon!" Reklamo ko na tinawanan lang nila.
"Seryoso kami, Captain ka nga." Larkin said. Inirapan ko si Oppa dahil kasalanan niya talaga ang lahat ng ito, eh.
"Oh, the Queen of Orient Crown." Ngumiti si Coach Russel sa akin. "I want you to regularly check the performance of each member. Huwag kang mag-alala, as the Coach and the Captain ay magtutulungan tayong dalawa dito. Kung may mga plano kang naiisip ay mag-consult ka lang sa akin."
Sa totoo lang ay ang cool na Coach ni Sir Russel. Nagkaroon lang kami ng welcome party sa Boothcamp at bukas na ang simula ng training namin sa paparating na tournament sa Megamall. Kailangan kong magpractice nang gabi para maka-cope up sa kanila.
Ang hectic, sobra. Pero natutuwa din ako dahil challenge ito para sa akin
Bandang alas-kuwatro noong umalis ako sa Boothcamp at sinamahan ako ni Dion para ihatid ako sa sakayan. Sumakay kami ng train and luckily kahit rush hour na ay nakaupo pa rin kaming dalawa ni Dion.
Suot ni Dion ang bag ko ng paharap para iwas magnanakaw daw. Wala talaga siyang faith sa human kindness. "Alam mo na kung paano ka makahahanap ng bagong talents?" Tanong ko kay Dion.
Isa iyon sa pinoproblema ko dahil kailangan, sa loob ng dalawang linggo ay makumpleto na ang 20 players ng Orient Crown. Kailangan naming i-build up ang chemistry namin as a team. Yes, professional player kami pero magkakaiba kami ng play style, we need to work as one at doon kami mahihirapan.
"I will check my social media accounts kung sino ang mga trending players."
I rolled my eyes. "Ugh, that's a terrible idea." Huminto ang train sa isang station at maraming tao ang nagsipasukan kung kaya't mas naging mainit dito.
Wow, first time ko ma-experience ang rush hour sa MRT, ang lala pala.
"You have better idea, Captain?" He chuckled. "Nax, Captain."
"Chika mo." Mahina kong hinampas ang braso niya. "Ganito ang gagawin mo Dion, Check the leaderboard of each Boss Raid at ilista mo ang mga pangalan noong players na madalas lumalabas dito." Dion nodded. "Pangalawa, check the forum kung sino 'yong mga players na madalas pag-usapan dahil nakakakuha ng magagandang item."
"Wow, kahapon lang nasabi sa 'yo ni Sir Theo ang tungkol sa pag-i-scout pero may list ka na agad ng mga possible way to scout players."
"Actually, isang oras ko siya inisip kagabi bago ako matulog. Hindi pa ako tapos, pangatlo, check mo 'yong leaderboard sa PVP matches kung sino ang may mga matataas na win rate at mababa ang lose rate. Ilista mo 'yong usernames ng mga players ng mga wala pang team."
"Ayaw mong isali sina Trace? Magagaling din naman sila, ah." He suggested.
"No. Ayokong gamitin ang comnection ko sa team para magkaroon ng free pass ang mga kaibigan ko. If they want to to become Pro players... They should impress me or the management." I love my friends pero kailangan maging fair ako sa lahat.
"Nasabi ko na ba sa 'yong ang ganda ng mind set mo sa buhay?" Dion suddenly said habang iiling-iling na tumingin sa akin. Saglit akong napatigil
"Ha? Bakit mo naman nasabi 'yan?" Natatawa kong tanong.
"Ang positive lang. You always have a solution for everything. You plan ahead of time." He explained. Noong nasa Cubao Station na kami ay bumaba na kaming dalawa ni Dion.
"Well, that's the power of reading self-help books and listening to inspirational podcast." Naglakad na kami papalabas ng istasyon dahil sabi niya ay kaunting lakad lang mula rito ang Baliwag transit (na sasakyan ko pauwi sa Bulacan). "Try mo, promise!"
"Baka wala pang limang minuto tulog na ako no'n." Depensa niya.
"Ewan ko sa 'yo." Naglakad kami sa gilid ng EDSA at dinig na dinig ang ingay ng kalsada. "Alam mo nakakausap ko si Ianne patungkol sa game. Why don't you date her? She seems like a nice person."
Hindi naman malalim na malalim ang conversation naming dalawa ni Ianne, she just asking me tips sa mga dungeon na na-clear na namin o kaya naman ay kung paano makakakuha ng mga items.
Tinulungan niya ako sa Charity event ko kung kaya't tinutulungan ko rin naman siya by giving advices and tips.
"Hangout with her! Especially may free time ka pa bago ang intense training. Malay mo manumbalik qng pagkaka-crush mo sa kaniya. First love never dies." I explained.
"Correction, hindi siya ang first love ko." Inakbayan ako ni Dion noong madaan kami sa maraming tao upang hindi ako mabunggo-bunggo. "At isa pa, sabi ko nga sa 'yo, Happy crush lang 'yong kay Ianne noon."
"Ano ba 'yan! Try hanging out with her! Gusto ko nang kiligin sa love life mo, seryoso."
"Magkikita talaga kami ni Ianne sa friday. Bumili ako sa kaniya ng mechanical keyboard para sa laptop ko."
"Oh, nagbebenta siya ng gaming accessories?"
"May keyboard lang kasi siyang hindi ginagamit, once niya lang nagamit kung kaya binili ko na. Mura niya lang binenta, eh."
"Chance mo na 'yon, huwag puro gaming." Nakarating kami sa terminal ng bus.
"Stop shipping me with Ianne. Malabo." Iniabot sa akin ni Dion ang bag ko. "Mag-chat ka kapag nakauwi ka na."
"Yes po."
"Seryoso ako, mag-chat ka. Ugali mo pa naman mang-seen lang. Kapag naligaw ka tumawag ka." Paalala niya pa sa akin.
"Oo na! Date Ianne, ha! Basta ship ko kayo."
He just shrugged his shoulder.
"Sumakay ka na. Baka mawalan ka pa ng upuan. Magkita na lang tayo sa game bukas."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top