Chapter 67: Beer and Talk

"BIBIGYAN natin sila ng surprise attack kapag nadaan sila sa part na ito." bulong sa akin ni Nodaichi (Larkin) habang nakatago kami sa ikalawang palapag ng bahay.

We are both Assassins kung kaya't hindi biro ang damage na maibibigay namin sa mga kalaban. Ginamit namin si Rufus (Dion) at Mostaldt (Robi) as a bait. Nag-iikot-ikot silang dalawa sa maliit na village na ito at once na may umatake sa kanila ay tsaka namin gagawin ni Nodaichi ang pag-atake.

Yup, this is one of the most classic gaming strategy sa Hunter Online pero effective siya lagi. At the end of the day, if you manage to kill the core— malaki na ang chance na mananalo ang team ninyo.

"Patay ka sa akin mamaya, Oppa." mahinang bulong ko.

His brows crunched. "Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong.

"You just dumped all the Captain's responsibilities to me. Buwisit ka." Natawa si Nodaichi sa akin at inirapan ko siya.

Ayoko ngang tanggapin ang posisyon dahil feeling ko hindi pa ako suited as a Captain. Hello! Three months pa lang akong naglalaro ng game ar sobrang inexperience ko pa sa mga bagay-bagay pagdating sa game. Pero noong makita ko ang ekspresyon ni Sir Theo na parang ipinagkakatiwala niya sa akin ang posisyon... Hindi na ako nakaangal.

"Hindi ko naman itinapon sa 'yo lahat, tutulungan naman kita paminsan-minsan—"

Iniharang ko ang kamay ko sa bibig niya. "They are here." Bulong ko.

Parehas humigpit ang hawak namin sa aming Wakizashi sword.

Tumakbo kami ni Nodaichi sa magkabilang direksyon ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita ko sina Rufus at Mostaldt na kinakalaban si Skorpion (Genesis).

I am really thinking that Genesis have this switch na kapag naka-on ay hindi mo siya gugustuhing makatapat. Malayong-malayo ang skill niya sa akin. Kapag sa real life naman ay si Genesis 'yong tipo ng tao na bagot na bagot sa buhay.

He ran towards Rufus and Mostaldt direction. If Dion will use a skill, iyon na ang sign namin ni Nodaichi para lumabas. Kahit pa si Skorpion lang ang nahulog sa patibong namin ay hindi na masama kung mae-eliminate namin siya. He is an ex-Phantom Knights member... Malakas talaga si Genesis.

Rufus used his skill to protect Mostaldt at sign na namin iyon ni Nodaichi para lumabas. Mabilis kong binasag ang malaking salamin sa ikalawang palapag ng lumang bahay at tumalon papalabas.

Dash

Mabilis akong tumakbo tungo sa direksiyon ni Skorpion. He managed to avoid my attack. As expected.

"Nodaichi!" Sigaw ko at lumabas naman sa kabilang gilid si Nodaichi na hindi niya inasahan. Akala ni Skorpion ay ako lang mag-isa ang backup nila Dion.

Nodaichi sliced him on his stomach at malaki ang nabawas noon sa health bar ni Skorpion.

"Mostaldt!" I shouted at pinaulanan siya nito ng palaso gamit ang kaniyang crossbow. Tumama iyon lahat kay Skorpion at na-eliminate siya sa laro. Now, ang problema na lamang namin ay sina Vegas (Callie).

"Nice one." Nag-apir kami nila Nodaichi at nina Rufus noong na-eliminate namin sa practice game si Skorpion.

"Ang aga ninyo naman para magsaya." Nabigla kami noong napalilibutan na kami nila Vegas at nakatutok na ang baril niya sa amin. His remaining teammates are here to assist him.

"Nice one kay Boy antukin." He smirked and prepare his skills.

THE practice ended at hinubad ko ang nerve gear ko, unluckily, nanalo ang team nila Callie sa practice game. Sinubukan kong labanan at tapatan siya pero... Callie is Callie. He have a good reputation when it comes to Professional League.

"Nice game." Sir Theo clapped his hand habang nakatingin sa amin. "You guys can rest for a while, um-order ako ng pizza. Nasa sala."

"Ayon!" Nangungunang tumakbo si Oppa at sumunod na sa kaniya ang teammates namin.

Lumapit sa akin si Callie at inilahad ang kaniyang kamay. "Nice Game." he said.

"Kung na-late kayo nang dating ay paniguradong matatalo namin kayo, eh. Kung nagkaroon lang kami ng chance para maghanda." Paliwanag ko sa kaniya at naglakad kaming dalawa papunta sa sala. Kumuha ako ng pizza at umupo sa mahabang couch.

"Actually, we waited for that moment. 'Yong mahuli kayo sa akto off-guard." paliwanag ni Callie sa akin at umupo sa tabi ko. "Pero alam mo, 'yong plano ninyo ay ginagamit na 'yan since season one. Napakagasgas na niyan."

"But still effective, nagawa naming ma-eliminate si Genesis."

"Because Genesis is our bait. Nakaplano talagang mae-eliminate siya sa labang iyon. Napatay ninyo ang isa sa amin, napatay namin kayong apat. Sino ang panalo sa sitwasyong iyon?" He asked at kumagat sa Pizza na kaniyang hawak. "May mga plano na madali nang mabasa. Siguro ay effective siya noong Season 1 and season 2 noong Tournament... Pero sa paparating na Season 4 tournament? I don't think so, para mong nilagay sa landmines ang buong team, one wrong move ay tapos na ang laban. Very risky."

"So, anong puwedeng corrective action ang puwede kong gawin?" Seryoso kong tanong sa kaniya. In order na mag-grow ako as a player, kailangan kong tanggapin na may kulang sa plano ko.

"Just always think outside the box. May isang laban kayo sa Summer Cup na hindi ko malilimutan, eh." Kumunot ang noo ko sa sinasabi ni Callie. "Remember noong laban ninyo sa Optimal Aces? 'Yong tinipon ninyo ang mga players nito sa isang area tapos inatake ninyo ang pillars ng mga mall para mabilis silang ma-eliminate? Ganoong klaseng plano."

"Oh, pero idea iyon ni Axel."

"Ano naman? I am pretty sure na sinanay ka rin naman niya." sabi ni Callie sa akin. "Lagi ka lang mag-isip ng plano. Kailangan ay ahead ka ng tatlong beses sa pangyayari."

"If your first plan failed, dapat may plano ka kung sakaling mag-fail iyon. Ganoon din kung sakaling mag-fail 'yong pangalawang plano mo. Just handle the situation calmly and it will increase our chance to win in a specific match." He explained at kumuha ulit nang panibagong pizza.

"Dapat pala ikaw na ang nag-Captain." Reklamo ko. I mean, kahit saksakan ng yabang ni Callie, hindi maipagkakaila na magaling siya sa gaming (aware siya doon).

"Luh, ayoko nga. Baka kapag naging Captain ako, maging sobrang perfect ko na. Kailangan humble lang tayo, dapat may flaws pa din." Seryosong sabi ni Callie at napairap ako sa ere.

"Kadiri ka." He just laughed.

Callie looked to me seriously once again. "But here is the thing Milan. Kapag basura ang plano na naiisip mo, hindi mo ako mapapasunod."

Gago si Callie pero ramdam ko 'yong passion niya sa pagiging professional gamer niya. Makakausap mo siya ng maayos patungkol sa Hunter Online and he can give great advices.

He treat everyone as his enemy (kahit kaming ka-team niya) pero hindi siya takot magsabi kung paano mag-i-improve ang laro ng isang player. He is a great player, tanggalin mo lang talaga 'yong kayabangan niya.

"Milan," lumapit si Dion at umupo sa tabi ko.

"Hmm?" I asked.

"In-accept mo na pala 'yong friend request ni Callie." Natatawang sabi niya sa akin.

"Ha?" My brows crunched. "Hindi welcome si Callie sa friend list ko sa Facebook, bakit ko i-a-accept 'yan?"

"You just did. Check your phone." Callie said and I immediately checked my facebook wall.

Ang una kong nakita ay ang My Day ni Callie na screenshot na in-accept ko na ang friend request niya.

Jerrish Milan De Santos accepted your friend request.

"Ang tagal mo, eh, ako na ang gumawa ng paraan." Callie wiggles his brows and laughed. "Subukan mo akong i-unfriend, sumbong kita kay Sir Theo na may issue ka sa akin."

"Alam mo, buwisit ka." Reklamo ko at kumain na lang noong chocolate na dala ni Dion dito sa boothcamp.

***

NAKAUPO kaming dalawa ni Dion sa pool area. Nakababad ang paa ko sa thbig habang naka-indian sit si Dion sa tabi ko. Madilim na sa paligid pero salamat sa ilaw na nagmumula sa garden area kung kaya't hindi naman ganoon kadilim.

"Mayabang pa rin ba ang tingin mo kay Callie?" tanong sa akin ni Dion.

I swayed my feet under the water. "Hmm... Mayabang pa rin naman, pero alam mo 'yon, medyo gets ko na kung bakit ganoon ang ugali niya. He is a professional player and took pride on it." I explained.

"We can learn from him."

"Point taken."

"Kumusta naman ang pagiging Captain mo?"

"Hoy epal kayong lahat! Feeling ko napagkaisahan ako." He just laughed. "Tawa ka pa. May sinasabi ka pang magkakampi tayo lagi pero nangunguna kang magtaas ng kamay."

"Because I know you can. At isa pa, ang tanong ni Larkin kung maganda ka ba kung kaya't mabilis akong nagtaas ng kamay." Depensa niya habang natatawa.

"Chika mo sa pagong buwisit ka."

"Pero seryoso nga," Ibinabad na rin ni Dion ang paa niya sa pool. "Alam kong kaya mo. Mabilis kang makisama sa ibang tao and you have this charm na kaya mong mapasunod ang isang tao."

"So anong gusto mong palabasin?" I raised my brows.

"Na utusera ka. Boss Madam ka nga, eh." He laughed so hard at hinampas-hampas ko ang braso niya. "Huy, 'wag kang magulo. Baka mahulog ako sa pool."

"Epal mo kasi."

"Sorry na." He chuckled.

"Pero Dion ang bigat noong posisyon na ibinigay ninyo sa akin. Kinausap ako ni Sir kanina na tulungan ko siyang mag-scout ng mga bagong players. As much as possible ay 'yong player na wala pang team na nasasalihan sa professional league. He wants to bring fresh talents sa Professional League."

"Mahihirapan ka?" Seryosong tanong niya.

"Parang. Depende sa bigat ng work load this week. Tapos kino-consider ko pa 'yong payo ni Callie sa akin na maglatag ng mga bagong tactics sa team. Oh, God, ngayon pa lang ramdam ko na 'yong stress." mahaba kong litana sa kaniya.

"Ako na ang mag-i-scout ng mga bagong players sa game." Pagpiprisinta niya.

My mood lift up. "Seryoso ba 'yan? Hindi ba chika 'yan?"

"Hindi 'to chika." He chuckled.

Niyakap ko ang braso niyang nakatukod sa gilid ng pool. "Huy, thank you! Buti na lang nandiyan ka."

"Kaya napagbibintangan na magjowa tayo, ang clingy mo sa akin." Dinuro ni Dion ang noo ko dahilan para mapabitaw sa kaniya.

"Inggit lang baby bra warriors mo kasi close ako sa 'yo. At isa pa, clingy ako sa lahat ng kaibigan ko." I corrected him. At isa pa, puro baby bra warriors niya ang namba-bash sa page ko.

Actually wala naman akong pakialam sa bash nila pero kapag sinasabihan nila akong pangit tapos tinitingnan ko ang Profile picture nila... No comment na lang."

"Yow, Million." Larkin and Liu walked towards our direction. May hawak na San Mig Apple ang dalawa. "Nagmo-moment kayo diyan?" Larkin asked at umupo sa tabi namin.

We formed a small circle para makapag-usap-usap. "Beer?" Larkin asked habang inaalok niya sa amin ang extra beer na hawak niya.

Tumingin si Oppa sa akin para ialok ang alak. "Hindi umiinom si Milan." Mabilis na sabi ni Dion.

"Bakod na bakod naman," Larkin said at iniabot ang alak kay Dion.

"Hindi ako iinom pero Dion pakikuha naman 'yong chips sa bag ko tapos 'yong Chuckie na nilagay ko aa fridge" pakiusap ko. Hello, ang lungkot kaya na may iniinom sila tapos panonoorin ko lang sila. Feeling ko ay hindi ako makasasabay sa trip nila.

"Bakit ako? Para saan pa at binigyan ka ni Lord ng paa't kamay?" Dion asked.

"Please na, Master." I said in a pleasing tone. "Ayan, tinawag kitang master na. Sige na pakikuha na, Master."

He sighed at tumayo. "Boss Madam ka nga." reklamo niya pero pumasok naman sa Boothcamp.

"Understanding naman pala." Liu laughed at minura lang siya ni Dion.

"Sigurado ka bang walang kayo?" Larkin asked at uminom ng San Mig. "Uso umamin, tayo-tayo lang ang makakaalam sa boothcamp." He wiggled his brows.

"Issue mo, Oppa."

"Eh kayo rin naman ang gumagawa ng way para ma-issue kayo, eh." Depensa niya.

Bumalik na si Dion dala 'yong chuckie at dalawang malaking nova. Inilagay niya sa gitna naming apat 'yong tsitsirya para may makain kami habang nagkukuwentuhan.

"Ikaw na lang, dre, wala ba talaga kayong dalawa ni Milan?" Tanong ni Liu. "Three months na, oh... Going four na nga, eh."

"Wala nga." Dion said at uminom noong beer. "May babaeng ginu-girlfriend pero may mga babae din naman na masarap kaibigan."

"Eh, alin si Milan doon?" Oppa asked.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion at uminom siya ng beer. I don't know but I am looking forward to his answer. "Kaibigan."

Napaangil ang dalawa.

"Putangina ninyo, panay kayo pakilig tapos magkaibigan lang kayo? Seryoso ba 'yan?" Nag-indian sit si Larkin at pinusod ang bangs niya gamit ang rio (medyo mahaba na kasi ang buhok ni Oppa).

"Kayo lang naman ang nagbibigay ng malisya." I laughed at binuksan ang isang tsitsirya. "We are the living proof that a man and a woman can be friends ng walang malisya."

"Duda ako sa walang malisya na 'yan." sabi ni Pekeng Chinese habang hawak ang kaniyang baba.

"Oo nga!" sabi ko.

"Ang dami ninyong tanong dalawa. Talkshow host ba kayo? Magandang buhay ba 'to?" Natatawang sabi ni Dion at muling uminom.

"Oo, mamaya may cooking segment tayo." Larkin said at mas lalo kaming natawa.

"Pero heto last na. Nag-hug na kayo?"

"Friendly hug? Oo naman." Niyakap ko si Dion at wala naman siyang pakialam dahil patuloy siya sa pagkain ng chips. I mean, anong awkward dito?

"Walang butterflies on your stomach? Walang kilig?" Hindi pa rin talaga tapos sina Liu sa panggigisa sa amin.

"Wala." sabi ko. "You guys are weird."

"Kayo ang weird, gago." Liu said at nag-apir sila ni Larkin. "Platonic ninyo lolo ninyo."

"Pero sige, check na kayo sa hug tapos walang sparks na naramdaman. Pero kiss? Nag-kiss na kayo?" Larkin asked.

Napatigil ako ng ilang segundo at naalala ko ang biglaang pagtama ng labi ni Dion sa labi ko noong nahulog ako sa sanga. My heart beat fast when I remembered that scene.

"Bobo mo naman, bakit naman magki-kiss 'yang dalawang 'yan? Platonic nga daw sila." Liu said.

"Gago ka, kung makabobo ka, kakakilala lang natin." Malakas na nagtawanan sina Larkin at Liu. Mukhang magiging magkasundo itong si Oppa at si Pekeng chinese. Ngayon pa lang ay ramdam ko na.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion. He smiled and wiggled his brows. "Huwag mo na lang pansinin 'yong sinasabi ng dalawang 'yan." Bulong niya.

"Liu, ilang linggo ka naming hindi nakausap sa game, ah. Anong pinaggagawa mo?" Dion diverted the topic na successful naman dahil nagsimulang magkuwento si Pekeng Chinese.

Bakit noong naalala ko 'yong halik na iyon ay kakaiba ang naramdaman ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top