Chapter 66: Captain

NASA bus na kaming dalawa ni Dion at biyahe na kami pa-SM North. Luckily, wala masyadong bumabiyahe ngayong araw kung kaya't hindi siksikan sa bus. May ilan akong gamit na dadalahin sa Boothcamp samantalang si Dion ay maleta at duffle bag niya since doon na siya mag-i-stay sa Boothcamp at uuwi lang sa Nueva Ecija kung kinakailangan.

He is the one planning for our trip ay kung ano ang sasakyan namin. "From SM North, lakad tayo papunta sa MRT tapos baba tayo ng Ayala Station. Tapos doon, mag-taxi na lang tayo papunta sa Boothcamp." He explained while searching in Google kung paano kami makararating doon.

"Wow, ang tagal ko nang hindi nakasasakay ng MRT." Bigla ko lang naalala.

"Seryoso ba? Kapag talaga nasa upper bracket ng lipunan, hindi ninyo madalas nararanasan 'yong araw-araw naming nagagawa." he chuckled.

"Kaya ko rin siya gawin," pagmamayabang ko. "I just need to know how. Hindi ka ba nae-excite? First time nating mag-commute."

Komportable siyang umupo sa seat niya. "Ang komportable sa pakiramdam kasi hindi ako 'yong nagda-drive. Hindi ako mangangawit." Siguro nga ay ginhawa sa mga driver kapag nagko-commute.

"Dion, may dala ka bang pagkain diyan? Ginutom ako bigla." I opened his duffle bag na nasa paanan lang namin.

"Wait—"

"Wow, ilang chocolates ba 'tong dala mo? Excited ka na bang magka-diabetes?" I asked habang ini-i-scan 'yong bag. As in puro chocolates siya! May Cadbury, snickers, M and M, Galaxy, etc. "Daig mo pa ang nag-abroad."

He is the one who picked the chocolate, he gave me a Cadbury since alam ni Dion na favorite chocolate ko ito. "Ang dami mong chocolate, anong mayroon?" Tanong ko.

Bumaling ang tingin niya sa bintana at pinagmasdan ang mga sasakyan na nadadaanan namin sa NLEX. "Wala." He answered.

"Puwede ba 'yong wala." sabi ko at focus na ako sa pagkain. Although, nakakauhaw na chocolate ito ay may dala naman ako laging tumbler.

"Para 'yan sa buong Orient Crown. Parang gratitude ba."

"Oh, e 'di sana isinama mo akong bumili para parehas tayong may ibibigay sa mga players ng mga Orient Crown." Hindi ko naman in-expect na si Dion 'yong tipo ng tao na nagbibigay ng welcome gift sa mga taong makakasama niya.

"Paano kita isasama, hindi mo nga ako chinat ng dalawang araw." He chuckled at bumaling ang tingin niya sa akin.

"Kasalanan mo 'yon kasi binuwisit mo ako. At alam mo 'yong nakakainis? Ako ulit 'yong unang nag-chat sa 'yo, hindi ka man lang nag-sorry." mahina ko siyang tinulak at tinawanan lang ako ni Dion.

"Eh, wala naman akong kasalanan. Totoo namang kinilig ka sa Gov. ng Department ninyo."

"Pero hindi siya kilig romantically. Appreciative kilig lang 'yon." Depensa ko. "Kunwari, binigyan ka ng isang fan ng gifts out-of-nowhere kahit walang occasion, hindi ka ba kikiligin noon?" Pino-point ko talaga sa kaniya 'yong gusto kong sabihin.

"Magiging appreciative." He answered.

"Ganoon lang din ang naramdaman ko noong binigyan ako ni Paulo ng chocolate. Hindi lang naman ako ang binigyan niya, buong department namin. Shinare ko lang sa 'yo." Kuwento ko.

"Buong department ninyo?" his face brighten up. Ganoon ba ka-big deal sa kaniya noong Curly Tops.

"Alam mo, kung iyong Curly Tops ang ipinuputok ng butchi mo, ibibili kita noon. Nagalit ka yata kasi ininggit kita." sabi ko at patuloy kumain noong Cadbury. Pasalamat siya dahil ayoko nang palakihin 'yong issue dahil nasa mood ako ngayon para kumain. Lagi pa naman kaming nagwa-war nitong si Dion.

Itinapat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig. Nakita ko ang ngiti niya sa pagitan ng kaniyang mga daliri habang naiiling. "Baka nga nainggit lang ako."

***

NAKARATING kami sa Boothcamp nang bandang ala-una na. Nag-early lunch pa naman kami sa Trinoma ni Dion bago dumiretso rito.

"That was fun." sabi ko pagkababa namin sa Grab taxi habang nag-uunat. "Hindi ko alam kung bakit ang daming ayaw na ayaw na nagko-commute, nakaka-thrill kaya."

"Anong nakaka-thrill doon?" Dion asked and he opened the compartment of the grab car. Ibinaba niya rito ang maleta niya at duffle bag naming dalawa (siya ang nag-insist na siya ang magdadala). "Nae-excite ka sa idea na para kang lagi na mananakawan kapag nag-commute ka?"

"Wala ka bang fate sa kindness ng humanity?" Tanong ko sa kaniya.

"As a person na nakawan na ng dalawang beses publicly... Wala na." he answered. "Mas maganda pa rin 'yong maingat."

I doubled check kung tama nga ba ang bahay na pinuntahan namin dahil nakakaloka ang mga bahay dito sa subdivision na ito. Mahal na nga ang lupa rito sa BGC pero ang ganda pa nitong bahay nasa tapat namin na magiging Boothcamp namin.

"Tawagan mo si Sir Theo, sabihin mo nandito na tayo sa labas." sabi ni Dion na sinunod ko naman.

Sir Theo immediately picked up the call and sinabi ko lang na naghihintay na kami ni Dion sa labas ng gate nitong bahay.

"Ano daw?" Inip na tanong ni Dion. Can't blame him, medyo mainit nga ang sikat ng araw ngayon lalo na't 1:07 PM pa lang nang tanghali.

"Palabas na daw." Biglang bumukas ang gate. "Ayan na pala."

Sir Theo is just wearing a plain green shirt and a gray shorts. Mukhang nakalipat na siya rito sa Boothcamp.

"Good afternoon po, Sir." sabi namin ni Dion

He widely opened the gate. "Pasok kayo. Nag-commute lang kayong dalawa?" tanong niya sa amin.

"Yes, Sir. Sabi kasi ni Milan, mag-commute daw kami kahit saksakan ng init." Panlalaglag sa akin ni Dion. Mahina kong tinunggo ang kaniyang braso at natawa si Sir Theo sa amin.

"Cute ninyo." he said.

Napalingon-lingon ako sa paligid and wow, kung maganda na ang Boothcamp namin noon sa Battle Cry... Mas level up 'to. Partida, fresh team lang ito na sasabak pa alng sa mga tournament.

Before you can enter the house, makikita mos a right side ang maliit na pool at garden area. Sa kaliwa naman ay parking lot for the cars. It was a three-storey house pero sa labas pa lang ay makikita mo nang spacious ito sa loob.

Sir Theo opened the house at namataan namin sina Larkin na nagkukuwentuhan sa sala habang nasa gilid ang mga maleta nila at mukhang kararating lang din nila.

The flooring have this Classic black and white tiles habang kulay dirty white naman ang dingding. As soon as you opened the door, sasalunong sa 'yo ang maluwag na sala at sa gilid ng sala ay ang hagdan papaakyat sa second floor.

What really amazed me is the long white desk na kung saan may naka-setup yata na walong PC.

"Sorry, hindi pa ganoon kaayos ang boothcamp since hindi pa dumadating 'yong mga swivel chair sa meeting room." Paliwanag sa amin ni Sir Theo. "Uhm, Milan, your brother already contacted me."

"Sorry po." That was my immediate response. Hello! Kabisado ko na si Kuya Brooklyn, hindi noon sasantuhin kahit Boss namin si Sir Theo. But speaking of Kuya, na-miss ko na siya and sana lang ay makauwi na siya soon mula sa New Zealand.

"Okay lang, nag-enjoy ako sa power point presentation niya. Para siyang nagde-defend ng thesis niya. You will have your own room sa second floor habang lahat ng boys ay nandito sa ground floor ang kuwarto." paliwanag ni Sir. "Make yourselves at home guys. Kapag nakumpleto na kayo ay magsisimula na tayo sa practice."

Umupo muna kami ni Dion sa sofa at napatingin kami kay Liu na kumakain ng Pizza kasama si Larkin.

"Angel's Burger. Napakatatag naman." Naiiling na sabi ni Liu. "Pangmayaman 'tong Boothcamp 'no? 'yong pool pa lang sa labas ay sinampal na ako ng katotohanan na dukha ako, eh."

"Kain muna kayo," alok ni Larkin sa amin at itinaas ang isang sliced ng pizza.

"Sige lang, nag-lunch na kami ni Dion bago pumunta rito. Ay nga pala, may ibibigay si Dion sa inyo."

"Anong ibibigay ko sa kanila?" Kunot-noong tanong ni Dion sa akin.

"'Yong chocolate!" I reminded him. "Ibigay mo na kaysa matunaw 'yan sa bag mo, sige ka, sayang lang."

"Ah oo nga pala, para sa kanila 'yong chocolate." Dion opened his duffle bag at nilapag sa center table 'yong mga chocolates na binili niya.

"Kailan ka pa naging generous?" Tanong ni Liu habang natatawa.

"Gago, mapagbigay talaga ako." Depensa naman ni Dion.

Saglit lang ako nagpahinga at naglibot na ako para makita ang buong paligid. Malapit sa sala ay makikita mo ang glass door na papasok sa meeting room. Kagaya nang sabi ni Sir Theo, wala pa itong mga swivel chair pero may long table na ito sa gitna at TV na magagamit namin kapag may team discussion kami.

Katabi ng meeting room ay ang practice room na kung saan ay may dalawampung inclining chair na gagamitin namin kapag may practice. Pakiramdam ko nga ay hindi isang rookie team ang pinasukan ko... As in wow sa facilities, wala pa kaming nagagawa pero ramdam ko na agad ang suporta ng management sa team.

Sunod kong tiningnan ang kuwarto ng mga boys. It have a two double-deck beds (four members per room) and may TV rin ang kaniya-kaniyang room. It just a small room but pretty spacious for four people.

"Sayang, hindi pa natin puwedeng i-IG Story." sabi ko kay Dion habang kinukuhanan ng picture ang buong lugar. Baka mapagalitan agad kami kapag nag-post kami ng picture lalo na't kabilin-bilinan sa amin ni Sir Theo na wala munang magpo-post sa amin tungkol dito.

"Milan, anong iPhone 'yan?" Biglang sumulpot si Callie at napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Hobby niya 'yan! Bigla-biglang sumusulpot! "OA mo naman."

"Nakakagulat ka kaya!" Reklamo ko. "iPhone X. Bakit ba?"

"Pahiram nga saglit, compare ko lang 'yong camera. Balak kong mag-upgrade ng phone." he said while holding his iPhone 8.

"Kung mag-a-upgrade ka, go with the iPhone 12 na." Iniabot ko sa kaniya ang cellphone ko at pinagdikit ni Callie ang dalawang cellphone para mapagkumpara ang camera nito.

"Tingnan mo si Tanga, 'yong camera ang pinagkumpara, hindi 'yong specs." Naiiling na sabi ni Dion at natawa ako. Bumaling ang tingin ni Dion sa akin. "Nag-chat ka na ba sa Dad mo na nandito na tayo?"

"Ay hindi pa." Ang bilin kasi ni Dad ay mag-send ako ng picture kung nakarating kami rito ng maayos. Hindi ko rin naman masisisi sila Dad dahil commute ang ginawa naming dalawa ni Dion.

"Chat mo si Tito, baka sa akin pa tumawag mamaya 'yon."

I mimicked his expression. "Opo, gagawin ko po." then rolled my eyes.

He just ruffled my hair which is kinda... Nasasanay na rin ako.

Pagkatapos naming mag-ikot ay tinawag agad kami ni Sir Theo para sa sandaling meeting. Labing dalawa pa lamang kami sa Boothcamp since hindi pa naman tapos si Sir Theo sa paghahanap ng mga bagong players. Twenty is the required number of players para maging eligible na makasali sa malalaking tournament (which is our goal).

"So, guys, anong masasabi ninyo sa boothcamp?" Sir Theo asked while smiling

"Maangas!" sabay-sabay nilang sabi.

"Gusto kong ibigay ang the best environment sa inyo para mag-training para kung sakaling matalo man kayo... Hindi ninyo puwedeng sisihin ang management dahil nandito sa boothcamp ang lahat ng facility na kailangan ninyo para sa gaming." Seryosong paliwanag ni Sir Theo sa amin. "Bukas ay dadating na rin ang taong magko-coach sa inyo sa mga practice ninyo."

"Sino rito ang nga estudyante pa?" Tanong ni Sir Theo at nagtaas ako ng kamay kasama ang ibang players (Liu, Genesis, Larkin). "Hindi ko kayo pipilitin na um-absent sa mga school ninyo pero kailangan ninyo maglaan ng extra time para sa mga practice at kailangan maka-cope up kayo. If hindi kayo makaka-attend ng mga heavy trainings, please tell me ahead of time dahil isa sa pinakaayoko ay ang lumiliban ng practice ng walang paalam. Maliwanag ba?"

"Yes, Sir." We answered in unison. Kayang-kaya ni Sir Theo na maging friendly sa amin pero kapag business at gaming na ang pinag-uusapan, seryoso siya sa bawat sinasabi niya. He just delivering those words smoothly pero ramdam ko ang bigat nang mga sinasabi niya.

"Regarding sa sinabi ko sa inyo last week. Are you guys willing to adjust your play style?"

"Sir, paano 'yon? Ipapakita ba agad namin 'yong changes na 'yon? Ang laking pagbabago noon." Callie said. "I can easily pull that off, ewan ko lang sa kanila."

Nasa harap ko si Callie kung kaya't inirapan ko talaga siya nang harap-harapan. Madami na akong mayabang player na nakilala pero si iba si Callie, mayabang na mayabang talaga siya! At ang mas nakakainis pa? May maipagyayabang talaga siya. He is boasting because he knows that he can.

"Hindi muna. That will be our card sa paparating na Season 4 tournament. May mga nakahanda akong second account para sa bawat isa sa inyo. Iyon ang gagamitin ninyo to practice that trick."

"Cool." Larkin said.

"Pero sa ngayon, gusto ko kayong maghanda sa isang maliit na tournament na sasalihan natin sa Megamall in next two weeks. Maaga pa lang ay sinasabihan ko na kayo upang mapulido ninyo ang chemistry ninyo as a team. I want you guys to work as one."

"Yes sir." We answered.

"Since nandito na rin naman ang mga players as of now. Why don't you guys decide kung sino ang magiging Captain ng team?" Nakangiting tanong ni Sir Theo sa amin. He is letting us to pick who is deserving to be the Captain of Orient Crown.

The tension suddenly goes up. Puro mapa-pride ang mga players na nandito.

"Sinong agree na maganda si Milan?" Biglang tanong ni Larkin at napakunot ako sa pagtataka. Everyone raised their hands. "Congrats, you are the Captain now."

Pumalakpak silang lahat.

"Go, Milan!" Dion chuckled habang nagpipigil ng tawa.

Ako? Captain? Siraulo ba 'tong mga 'to? Trip-trip lang nilang pinagdesisyunan ang Captain posisyon?!

"T-Teka, bakit ako? Nandiyan naman si Callie!" Turo ko sa kaniya.

"I hate responsibilities. Kaya mo na 'yan, big girl ka na." Pumapalakpak na sabi ni Callie.

"So, it's decided then. Milan will be the Captain of Orient Crown." sabi naman ni Sir Theo sa amin at iniling-iling ko ang kamay ko. I am not suitable for the position. "Mga kasamahan mo na ang nag-decide. Kilala ninyo naman kahit papaano ang isa't isa kung kaya't alam nilang kaya mong maging Captain sa grupo."

"Pero Sir—"

"Congrats, Milan!" Dion interrupted me at nagsigawan ang buong team. Oh my God, mukhang wala na akong magagawa. Seryoso ba sila?! Akala ba nila ay joke time lang ang number #1 position?

"Okay. Tutal nandito na rin naman kayo, let's have a 6v6 training. Gusto kong magkaroon ng pre-judgment sa mga capabilities ninyo as a player. Kuhanin ninyo na ang mga nerve gear ninyo."

"Yes, Sir!" Tumayo silang lahat para kuhanin ang mga nerve gear nila.

Oh God, ngayon pa lang ay ramdam ko nang sasakit ang ulo ko sa team na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top