Chapter 65: Chocolates

"MABUTI naman at magkakakilala na pala kayong lahat. Sa bagay ay nagkasama-sama na pala ang karamihan sa inyo sa Summer Cup last time." Panimula ni Sir Theo pagkapasok namin sa meeting room.

Until now, hindi ko alam iga-gather 'yong thoughts ko. Lalo na't nakuha niya sina Larkin, Genesis, at Callie... They are the best players na nakilala ko sa buong Hunter Online (Well, damay ko na si Dion, baka magtampo).

Orient Crown is leading by Sir Theo na champion noong season one tapos ay nakuha niya pa ang mga kilalang players ng iba't ibang team. By just looking all the players inside the meeting room... Ramdam ko na 'yong power na hino-hold nila. Kumbaga sa movie, this is an Avenger.

"As you can see, labing dalawa pa lang kayong players na nandito ngayon. Hanggang ngayon kasi ay naghahanap pa ako ng mga players sa Hunter Online na nakikita kong magkakaroon ng puwesto sa Orient Crown. As much as possible, let's keep everything secret for now," Ngumiti sa amin si Sir Theo at napatango-tango ako.

"Gusto ko ipakilala ang Orient Crown na parang bomba sa mundo ng Tournament. When it explode, makukuha noon ang atensiyon ng lahat ng tao." he continued.

"Daming alam." Bulong sa akin ni Liu at mahina kong tinunggo ang kaniyang braso.

Same old Liu, hirap pa rin talaga siyang magseryoso sa mga professional na usapan.

Sir Theo discussed to us properly ang mission at vision ng team. He chose to used my idea na palitan ang Crown of Orient ng Orient Crown.

"Paano mo naisip ang pangalan ng team?" Tanong ni Larkin habang nilalaro-laro ang swivel chair na kaniyang inuupuan. "Curious lang."

"Good question." He pointed Larkin at ipinatong ni Sir Theo ang kaniyang kamay sa lamesa. "Orient is a special luster of pearl with a finest quality. Kumbaga, lahat ng makakapasok sa team ay maigi kong sinala at sinisigurado ko na ang bawat isa ay may kalidad na kapag pinagsama-sama ay masusungkit ang Championship sa kahit anong tournament na salihan,

"And the crown means you are the kings," tumingin siya sa aking direksiyon. "The royal. To show that you guys can rule the game."

Napapalakpak ako at napatingin sa alin ang mga kasamahan ko. OMG! Ako lang ba ang naka-appreciate ng meaning sa amin dito?

"Bida-bida ka." Bulong ni Dion habang natatawa at napatakip na lang ako ng mukha dahil sa hiya. Ang hirap naman maging appreciative dito lalo na at puro gago ang kasama ko.

Hindi naman din nagtagal ang meeting dahil ipinaliwanag lang ni Sir Theo ang plano niya para sa team.

"May tatlong buwan pa para puliduhin ang chemistry ninyo as a team. Since we are a new team, kailangan nating sumali sa kung saan-saang maliliit na tournament para makakuha ng sponsor. Hopefully next month ay magawa na natin siya pagkatapos kong maplantsa at maayos ang lahat." Sir Theo explained to us.

"May boothcamp ba kami?" Maangas na tanong ni Callie. Oh God, hindi ko talaga gusto 'yong kayabangan niya.

"Definitely. As much as I can, hindi kayo magkukulang sa mga facility na gagamitin ninyo at bibigyan ko rin kayo ng magaling na coach. Pero siyempre, kapalit noon ay siguraduhin ninyong gagalingan ninyo sa bawat tournament. Give and take." Sir Theo tapped the pen on the table.

May mga tinanong pa ang kasamahan ko habang ako ay tahimik lang na nakikinig. I mean, knowing na makakasama ko sina Larkin and Genesis (pinakamalalakas na assassins na nakilala ko sa game) ay nanliliit ako. I feel like I will just be a sub player this tournament again. At wala naman akong reklamo doon, alam kong marami akong matututunan sa dalawang ito.

"Bago ko tapusin ang meeting na ito. May gusto akong baguhin sa laro ninyong lahat." May ipinasa na papel sa amin si Sir Theo at pinagmasdan namin itong lahat.

***

NASA biyahe na kami pabalik sa Bulacan, and unluckily, hindi kami nakasama kanila Callie na kumain ng late lunch dahil kinakailangan din umuwi ni Dion sa Nueva Ecija (which is pretty faraway from Metro Manila).

Napansin ko ang paghikab ni Dion habang nasa biyahe kami. "Inaantok ka na?" tanong ko sa kaniya.

"Napagod ako." He said. "Alam mo 'yong ang daming information na isinuksok sa utak ko sa isang araw lang? Ganoon 'yong nararamdaman ko ngayon."

"I know that feeling, ganiyan ako lagi tuwing pagkatapos ng Math subjects namin. Alam mo para hindi ka antukin, magpapatugtog ako ng upbeat song." I connected my phone to the car.

"Can you just play any AOT songs?" he chuckled.

"Ayoko! Feeling ko may Titan na biglang dadampot sa kotse tapos kakainin tayo." paliwanag ko sa kaniya.

"Ang weird ng imagination mo."

"Wow, coming from a guy who wants to be a member of survey corps." Depensa ko.

"Hindi lang ako ang nangangarap, Milan, madami kami." He looked at me for a few seconds and diverted his eyes once again sa daan. "Sige na mag-play ka na. May tiwala naman ako sa music taste mo." sabi niya habang naiiling.

I just randomly play a jazz song at nakangiting tumingin kay Dion.

"Tanginang 'yan, gusto mo bang mabangga tayo?" Napahikab ulit si Dion at nahawa na ako sa kaniya. "Palitan mo na." He commanded.

"Heto na, agit ka agad, eh." I played Anthem Lights original song at mukhang nagustuhan naman iyon ni Dion dahil napapatango-tango siya sa tugtog.

"Anong masasabi mo sa Orient Crown?" He asked.

"Ewan ko sa opinyon mo pero feeling ko ay ang Overpowered ng Orient Crown." Paliwanag ko sa kaniya. "'Yong mga taong ino-observe ko lang ang game style noon ay makakasama ko na sa isang team. Like, nakakakilabot, seryoso."

"I agree. Pero aside from being a strong team, feeling ko ay marami tayong matututunan na dalawa. Especially, galing tayo sa iba't ibang team kung kaya't iba't iba tayo ng laro." I nodded as he said.

Bumaling ang tingin ko kay Dion. "Pero hindi ba parang magkakaroon ng conflict? We are from different teams so... Ang hirap siguro ng communication. Ewan ko, ha! Feeling ko lang."

"Siguro ay mahirap sa simula. Hindi naman iyon maiiwasan sa bagong gawa na team pero kapag nagawa nating i-workout lahat... This will be a monster team." he said. "Kailangan ko ng sulitin 'yong natitirang isang linggo ko sa Nueva Ecija bago ako pumunta sa Boothcamp."

"Kumusta naman na 'yong bahay ninyo sa Nueva Ecija?"

"Ayos naman na. Kaso iyon nga lang, sakit sa bulsa sa dami ng appliances na binili tapos ang daming inayos. 'Yong ilang buwan kong pinag-ipunan dumulas lang sa kamay ko." He explained.

Sa totoo lang ay matipid din kasi si Dion at hindi siya bumibili ng mahal na gamit para sa sarili niya (puwera sa sapatos na napilit ko siyang bilihin). Lagi niyang sinasabi na balak niyang magpatayo ng apartment kung kaya't binabawasan niya ang paggastos niya. I admire Dion sa trait niya na 'yon, alam niya kung paano mag-control at mag-handle ng pera.

"Bawi na lang tayo sa mga stream tsaka sa practice."

"Eh, ikaw, paano ang balak mo? May pasok ka na, Buong weekdays pa ang pasok mo."

"Kakausapin ko si Sir Theo tungkol sa schedule ko. Siguro ay magli-leave na lang ako sa school kapag may malalaking tournament na papalapit. I really can't neglect my studies, iyon lang ang kundisyon nila Mom para magpatuloy ako sa gaming." Paliwanag ko si Dion at naiintindihan niya naman iyon since nakasama niya rin naman sila Mom ng ilang araw.

"Kaya mo?" Concerned niyang tanong sa akin.

"Kakayanin." I answered proudly kahit hindi ko alam kung kaya ko ba talagang i-manage dahil noong Summer Vacation pa nga lang ay sobrang hectic na noong naging schedule namin. God blesa na lang sa akin this time.

"Kapag napagod ka, sabihin mo lang sa akin, ha?"

"Aw, I know that you will be there for me."

"Asa ka. Panonoorin kitang mag-breakdown hanggang sa maiyak ka." He chuckled at mahina kong hinampas-hampas ang braso ni Dion.

"OMG, Dion, you changed na." Naiiling kong sabi at tinawanan lang niya ako.

"Hindi ka ba sanay mag-drive?" he asked again. Kapag kaming dalawa ni Dion ang magkasama, we are just throwing random questions to each other. Wala lang, ang fun lang na may natututunan ako sa kaniya at may natututunan siya sa akin.

"Hindi nga ako tinuturuan hangga't wala akong lisensiya. Gusto kong matuto pero nakakapagod maglakad ng mga anik-anik sa LTO, gets mo? Ikaw ba, Non pro na 'yong license mo?"

"Student lang." He answered while wiggling his brows.

"Gaga ka!" Mahina kong hinampas ang braso niya. "Ang lakas ng loob mong bumiyahe kung saan-saan tapos student license lang ang hawak mo. Paano kapag bigla tayong na-checkpoint niyan?"

"Hindi naman tayo nache-checkpoint. Tingnan mo nga, ang smooth-smooth ko mag-drive."

I rolled my eyes. "Yabang. Kumuha ka ng non pro, ah."

"Yes po, this week po." He answered. "Boss Madam talaga."

"Baliw, mapapagalitan ka ni Dad kapag nalaman niyang bumabiyahe ka ng Student gamit mo. Delikado kaya." Paliwanag ko sa kaniya at um-oo naman si Dion namin.

Hapon na noong nakabalik kami sa Casa Buena pero wala pa rin sila Dad since nasa trabaho pa sila.

"Babiyahe ka pa pabalik sa inyo?" I asked and opened the gate of our house at ipinasok niya ang kotse sa loob.

"Oo, maaga pa naman."

"Kapagod." Ang dami kayang nangyari ngayong araw tapos ang dami pang biyahe ni Dion ngayong araw. Ang sakit sa katawan noon. "Mag-chat ka kapag nakauwi ka na sa inyo."

"Oo, magcha-chat ako." He get his bag at iniabot sa akin ang susi ng Montero. "Hindi naman nauubusan nh bus na dumadaan dito, 'di ba?"

"Hindi yata. Pero mas okay kung sa SM ka na maghintay ng bus para mas safe tsaka iyon talaga 'yong bus stop." Paliwanag ko sa kaniya.

"Magkita na lang tayo ulit next week. Sa pagpunta sa Boothcamp."

"Daanan mo ako ulit dito sa amin?"

"Say please master." Itinutok niya ulit sa akin ang camera ng cellphone niya.

"Ayoko nga! Bilis na, daanan mo na ako dito. Tapos commute tayo papunta sa Boothcamp. Para medyo may adventure." I clapped my hand at na-excite ako sa idea ko.

"Sa akin okay lang mag-commute. Ewan ko lang sa pamilya mo. Kulang na lang isakay ka sa stroller 'wag ka lang mahirapan."

"Alam mo, ang bully mo ngayong araw." Inirapan ko si Dion at natawa lang siya sa akin. "Pipilitin ko sila Kuya. Commute tayo, ha? Gusto kong ma-experience mag-commute sa Manila."

"Sige game. Kapag pinayagan ka." He checked his wristwatch. "Alis na ako, para maaga-aga akong makauwi. Pakisabi kanila Tito nauna na ako." Lumabas na si Dion ng bahay. Hindi ko na siya hinatid papalabas ng village since alam naman niya ang daanan at siyempre, napagod din ako sa marami-raming nangyari ngayong araw.

When he is already out of my sight, pumasok na ako sa bahay at saglit lang na kumain bago natulog nang maaga. Nag-iwan na lang ako ng sticky note sa dining table na hindi na ako makasasabay sa pagkain dahil sa pagiging physically drained ko.

***

"MGA 'te, may sagot na kayo sa Stat?" Aligagang tanong ni Shannah sa amin at dali-dali siyang kumuha ng yellow paper sa kaniyang bag. "Pakopya naman noong 4 tsaka 5, hindi ko talaga gets kung paano siya na-solve."

"Hindi ninyo ba sinen-an si Shannah ng sagot?" Tanong ko kanila Clyde at inabot kay Shannah ang papel ko. "Kung may tanong ka, sabihan mo lang ako, ipapaliwanag ko sa 'yo."

"May sagot na 'tong mga kumag na 'to?!" She asked habang inis na tinitingnan sina Trace.

"Sinend ko kay Clyde 'yong sagot noong Sabado." I answered. I usually send my answer in just one person (para maiwasan ang pagkalat sa maraming tao ng sagot ko). Bahala na sila kung kanino niya ipapasa.

Basta ang akin, okay, kopyahin ninyo ang sagot ko dahil hindi naman ako madamot pero walang sisihan kapag may mali.

"Mga punyatera kayong kabarkada!" Hinampas niya ng notebook ang Kulokoy boys at tinawanan lang siya ng mga ito. "Lalo ka na, Tomy, ka-chat kita simula noong sabado tapos hindi mo ako pinasahan ng sagot."

"Eh, hindi ka naman nanghingi." Napailing na lang ako habang nakangiti sa pagbabangayan ng mga kaibigan ko.

"Hindi ako nanghingi kasi nagmamatalino nga ako! Feeling ko masasagutan ko. Pero sana pinasahan mo din ako!" Reklamo ni Shannah at nagpatuloy na sa pagsusulat para matapos niya na 'yong assignment.

"Kumusta 'yong naging lakad ninyo ni Dion?" Clyde asked habang nakapangalumbaba sa arm chair niya. He is just basically observing our classmates na nagkakagulo sa pagkopya dahil wala pa si Ma'am Esteves (Prof namin sa Stat).

"Hindi pa ako puwedeng magsabi ng information pero as in... Mind blown, spectacular, amazing, one-of-a-kind... Ganyan." I laughed with my own joke. Okay waley.

"Ang pangit talaga mag-joke ng mga matatalino." Trace said at hinampas ko ang kaniyang braso. Buwisit. "Happy naman kayo sa new team ninyo?"

"'Yong first impression ko is marami kaming matututunan ni Dion. Hindi ko pa masasabing happy ako dahil hindi ko pa naman sila nakakasama at nakakalaro talaga pero satisfied ako as of now." I explained to them.

"Atleast makakalaro kayo sa Season Four tournament." Clyde said. Actually, iyon ang hindi sure lalo na't hindi pa kilalang team ang Orient Crown.

Dumating na si Ma'am Esteves at una niyang pinapasa ang mga assignment. Unluckily, hindi natapos si Shannah sa pagkopya dahil hindi niya naisulat ang number 5. Na-guilty naman ako bigla kung kaya't next time na magkakaroon kami ng assignment sa mahirap na subject ay sa kaniya ko ipapasa ang mga sagot ko.

After her class, we have two hours vacant time before our next class so binabalak naming magkakaibigan na tumambay sa ground floor ng College of Science.

Pagkababa namin sa ground floor ay nakita namin ang LSC (Local Student Council) na namimigay ng chocolates sa mga estudyante ng College of Science.

"Ay taray, may pa-chocolate sina Gov. Paolo." Kay Paolo talaga lumapit si Shannah at napasunod kami nina Clyde sa kaniya. "Gov, flattops ba 'to? Pahingi namang tatlo para Nag-I love you ka sa akin, charot."

"Sure, no problem. Marami naman kaming nabili na LSC. Para na rin mawala ang stressed ng mga Co-Department namin sa stress dito sa College."

"Nice 'yan, Gov." Nag-thumbs up ako sa kaniya. "Ay by the way, thank you sa tulong ninyo last time sa Stream for A Cause ko. That was a big help, sayang at hindi kita na-send-an ng picture."

"Okay lang." Binuksan ni Gov Paolo ang bag niya at may inabot sa akin na isang maliit na box ng Curly tops. "Para sa 'yo. I know you are more busy than anyone."

"Gov, busy din ako mag-dota, baka naman... Isang box din." Hirit ni Trace at inabutan lang siya ni Gov ng isang piraso na Flattops. "Tanginang 'yan. 'Di kita iboboto next year kapag tumakbo kang senator, tandaan mo 'yan."

"Uhm, thanks for this... I guessed?" Napakamot ako sa baba ko at naglakad na kami papunta sa isang bakanteng bench. "If ever kailanganin ninyo ng tulong sa LSC, Gov, willing ako tumulong." I smiled and sumunod na ako kanila Shannah.

Well, nakakahiya naman din kasi kung hindi ko ibabalik kanila Paolo 'yong tulong na ibinigay nila sa akin. I mean, that Charity event is a big thing for me so I want to give back what they do for me.

Pagkaupo ko ay malisyoso akong tiningnan nila Shannah. "Crush ka ni Gov." Nakangising sabi ni Shannah. "Malandi ka, ako 'tong awra na awra tapos sa 'yo sila nagkakagusto!"

"Ayan na naman kayo! Ang i-issue ninyo." Pinicture-an ko muna 'yong binigay ni Gov bago ko nilapag sa lamesa para mapaghati-hatian namin. "Sabi nga niya, madami silang nabili sa LSC."

"Manhid-manhidan tayo?" Trace asked. "Sige, diyan ka masaya." He laughed at kumain na noong curly tops.

Naglapag si Clyde ng dalawang piraso lang na chocolate sa tapat ko. "Dalawang piraso lang sa 'yo, baka kung ano pa isipin noong Gov na puro papogi at pacute lang ang alam kaya nanalo na 'yon."

"Ang sabihin ninyo, gusto ninyong kayo lang ang kumain ng Curly tops." I rolled my eyes at bumaling ang tingin ko sa cellphone ko dahil nag-send na si Sir Theo ng Address ng Boothcamp namin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil around BGC ang boothcamp namin (pangmalakasan na lugar) o dapat akong maiyak dahil mas mapapalayo ang biyahe ko sa tuwing uuwi akong Bulacan.

I chatted Dion pagkabasa ko pa lang sa Chat ni Sir.

Bogus:
BGC 'yong Boothcamp!

Dmitribels:
Kaya nga, eh.

Pinayagan ka ba sa commute na sinasabi mo?

Bogus:
Well... Ako pa ba?

Dmitribels:
Yabang, congrats at mae-experience mo nang mag-commute. 😂

Bogus:
Epal. 🙄

BTW, binigyan ako ng Gov sa college namin ng chocolate.

Dmitribels:
Curly Tops lang? Bili pa kita niyan pito.

Bogus:
It's the thought that counts. 🙄

Dmitribels:
Kinilig ka na niyan?

Bogus:
Kinilig ako in appreciative way, gets mo?

Ang stressful ng mga nangyari these past days so parang nakaka-uplift lang ulit ng mood na makatanggap ng chocolates.

Dmitribels:
Awit, kinilig siya doon.

Bogus:
Bawal ba akong kiligin?

Alam mo? Panira ka ng mood!

Bahala ka. 🙄

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top