Chapter 63: Invitation

HINDI ko inasahan ang nangyari at maging si Dion. Parehas namilog ang mata namin sa biglaang paglapat ng aming mga labi. Dali-dali akong umalis sa pagkakadangan sa kaniya. "Okay ka lang?" I asked while laughing. I tried to hide the fact that it was my first kiss at big deal iyon sa akin.

Aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin. Hindi agad nakabangon si Dion at nagsimula nang lumapit ang mga baranggay officials. Luckily, walang nakakita sa nangyari dahil na rin sa mga dahon noong nakatumbang puno.

"Huy, okay ka lang ba kako?" Tanong ko ulit sa kaniya. "Thanks for saving me, kung hindi ay baka subsob na ako sa putikan ngayon."

Dion blinked his eyes for a couple of seconds bago napaupo. "Oo, okay lang ako. Okay na ako." he said at napabaling ang tingin niya sa akin. "Ikaw, ayos ka lang? Kulit mo kasi, sabing huwag ka nang pumunta sa side na 'to, eh."

Tumayo ako at napatingin sa kaliwang binti ko. "May gasgas lang ako sa binti pero okay lang, hindi naman siya ganoon ka-big deal. Game pa ako sa clean-up drive." Paliwanag ko sa kaniya at iniabot ang walis na hinihingi niya.

"Anong hindi big deal? Baka mamaya mapasukan ng dumi 'yan." Dion called one of the councilor. "Uhm, Ma'am, puwedeng patawag naman po ng medic na naka-standby. May nasugatan dito." Turo niya at inalalayan niya akong maglakad.

Okay, sabi ko ay hindi siya big deal pero noong inihakbang ko na ang paa ko papalakad ay doon ko naramdaman ang kirot.

"Anong katangahan ang ginawa mo, Milan?" Larkin asked while laughing.

"Epal mo, Oppa." Umupo ako sa isang monoblocks.

"Okay ka lang?" Captain Axel asked.

"Oo, okay lang ako, Captain. Nasalo naman ako agad ni Dion." I explained. Mas mabuti na sigurong wala silang alam sa nangyari dahil paniguradong tutuksuhin lang nila kami.

Nakakahiya lang kay Dion kasi... Nahalikan ko siya pero the way na nakikipag-usap siya kanila Larkin at sa akin ay parang wala lang sa kaniya iyon. Sa bagay, hindi naman big deal sa kaniya lalo na't hindi niya iyon first kiss.

"Ingat next time. Ipahinga mo muna saglit 'yang paa mo. Tapos kapag okay ka na ay saka ka na tumulong ulit." Paliwanag sa akin ni Captain. "Halika na Sandro at Larkin, marami-rami pang lilinisin dito."

Dumating ang naka-standby na medic at ginamot ang binti ko. Luckily, hindi naman na-sprained ang paa ko. Tanging sugat at gasgas lang ang inabot ko. Napatingin ako kay Dion na nakatayo sa gilid ko at puro putik ang likod niya.

"Huy, sorry diyan." sabi ko at itinuro ang marumi niyang likod.

He looked at his back. "Ah, wala 'to. May dala naman akong mga damit noong pumunta tayo rito. Makikiligo na lang ako sa evacuation center mamaya." He smiled pero nakokonsensiya pa rin ako. Ginulo ni Dion ang buhok ko. "Baliw, okay nga lang. Kapag okay na 'yong paa mo, tulong ka na ulit. Sayang outfit mo." sabi niya.

Buwisit, paano ba naman kasi ay ready na ready ako sa Clean-up drive na ito. "Oo na, sunod ako mamaya." Tumakbo na si Dion para tumulong kanila Larkin.

Napahawak ako sa labi habang nakatingin kay Dion. I always dreamed that my first kiss will be a special one. Ang hopeless romantic man pero gusto ko sana ay maibigay ang first kiss ko sa taong gusto ko talaga

But it was ruin dahil sa pagkabali noong isang sanga na naapakan ko (Oo, kasalanan noong sanga). Nakuha ng isang kaibigan ang first kiss ko. Hindi ko rin naman sinisisi si Dion dahil aksidente ang nangyari.

Napabitaw na lamang ako nang buntong hininga. "Masakit po ba, Miss?" Tanong noong medic sa akin.

"Ah, hindi po, okay lang po." Sagot ko sa kaniya at nagpatuloy na siya sa paglilinis ng sugat ko.

Ilang minuto rin akong nagpahinga bago bumalik sa pagtulong sa Clean-up drive. Habang naglilinis kami ay hindi namin maiwasan na mapag-usapan ang Hunter Online, especially, nag-aalala sila sa amin ni Dion dahil wala pa kaming team.

"Actually may isang team nang nag-invite sa aming dalawa." Kuwento ko sa kanila at inilagay ang tumpok ng basura sa sako.

"Anong team?" Sandro asked.

"Bestfriend ni Milan, Optimal Aces." Inis ko siyang tiningnan at tinawanan lang ako ni Dion.

"Naku, 'wag sa Optimal Aces," sabi ni Larkin na napatigil sa pagwawalis. "Hindi naman sa sinisiraan ko sila pero sisiraan ko na sila. Ang pangit ng management nila, ang toxic noong working environment kasi nagyayabangan 'yong mga players. May kaibigan ako doon na gusto nang umalis, eh." he explained.

Nagkatinginan kami ni Dion. "Buti pala hindi tayo nag-reply sa email nila." I said to him.

"'Wag doon. Magpatuloy lang kayo sa ginagawa ninyo sa game," Axel said. "Busy ako sa law school pero nababalitaan ko 'yong mga quest na natatapos ninyong dalawa. Kaunting ingay pa, may mga team din na kukuha sa inyo."

"Ina ng mga 'to kasi. Ayaw maghiwalay. Hindi naman magjowa." Natatawang biro ni Larkin.

"Alam mo, ikaw, Oppa, pasmado din 'yang bibig mo." Tumakbo si Larkin at hinabol ko siya. Kapag ito naabutan ko ay hahampasin ko ang braso nito

Hapon na noong natapos ang Clean-up drive na ginawa namin. Nagkasugat man ako, nag-enjoy naman ako dahil isa ito sa mga pangarap kong gawin since bata ako. Hindi pala talaga mapapalitan ang smiles and gratitude ng ibang tao. Kung bibigyan ulit ako ng chance na magawa ito? Definitely, gagawin ko.

"Mauna na kami, ang layo ko pa, South pa ako kami." Sandro said while laughing.

"Hala, Captain, sige lang." I said. Grabe, puro taga-South sila pero pumunta sila rito para tulungan kami.  Kung wala ang tulong nila Axel at Sandro ay baka nahirapan ako sa pag-handle dito. "Guys, thank you sa pagtulong ninyo. Ingat kayo sa biyahe."

"Wala 'yon. Gusto rin naman namin mag-participate sa ganitong klaseng event," Axel said.

"Magkita na lang tayo ulit sa game. Bilisan ninyong makahanap ng team. Maglalaro pa tayo sa Season Four. Durugin ulit namin kayo." Natatawang sabi ni Sandro at napairap ako sa ere. Oh God, walang pinagbagong leader si Sandro, saksakan pa rin ng hangin.

"Ready na ako makita kang umiiyak, Sandro." sabi ko sa kaniya.

"Ulol, asa ka." He said at nag-apir na kaming dalawa bago sila sumakay sa kotse.

"Bye, Oppa, Bye Captains!" I waved my hand while watching their car that slowly leaving.

Definitely, ang ESports ay lugar kung saan maraming mayayabang na tao (may mga player na matataas ang pride) pero hindi sila masasamang tao. Maraming mga tao sa ESports na mayabang kapag nasa arena na kami pero kapag nakasama na namin off the game, sobrang nakatutuwa silang kasama.

"Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga bugok." Nagsalita si Dion na kararating lang dahil naligo siya sa dami ng putik sa katawan niya kanina.

Nakaka-amaze nga dahil walang arte si Dion kanina sa paglilinis. Willing siyang pumulot ng basura malapit sa imburnal at walang pakialam kung maputikan siya sa buong katawan niya kahit favorite shirt niya pa ang suot niya.

Pinunasan niya ang buhok niya gamit ang towel. "Mag-i-stay ka muna dito?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin ako kanila Kuya na nagliligpit sa Covered court.

"Oo, tutulong ako sa pag-aayos ng bahay. Sabi ni Tatay, okay naman daw 'yong mga gamit namin sa second floor ng bahay pero puro putik 'yong ibaba ngayon." Paliwanag niya sa akin at napatango-tango ako.

"Wow, after two months. Hindi ulit tayo magkikita." Natatawa kong sabi.

"Ay awit, ayaw niya ako kasama." Umupo si Dion sa tabi ko.

"Joke lang,"

"Ganiyan ka, Milan, post kita sa facebook. Ganiyan pala ugali mo. Tsk. Tsk." Pang-aasar niya sa akin. Mahina ko siyang tinulak at natawa si Dion. "Tingnan mo, nanunulak ka pa."

"Puwera biro na, happy ako kasi nakauwi ka na. Sobrang nag-alala ka kaya sa kanila these past days." Lagi pa niyang kinukumusta ang lagay noong mga kapatid niya habang nagpa-pack kami ng relief goods noon.

"Yeah, ang laking ginhawa na okay lang sila dito sa evacuation center. Magkita na lang tayo sa game sa mga susunod na araw. Kapag may cumontact sa atin na team ay babalik agad ako sa Manila." He said at ginulo ang buhok niya gamit ang towel para mabilis itong matuyo.

Nilaro ko ang daliri ko at hindi ko alam kung paano ipapasok sa usapan 'yong nangyari kanina.

"Uhm, Dion, 'yong nangyari kanina..."

"Alin? Ang daming nangyari kanina." He chuckled.

"'Yong pagkabagsak ko kanina..."

"Ah 'yong pagkahulog mo sa sanga?" Mahinang natawa si Dion at hinarang ang likod ng kanyang kamay sa kaniyang bibig. "Ikukuwento mo ba sa akin kung ilan ang nahuli mong palaka? Sige lang, willing ako makinig."

Inilapit ni Dion ang monoblocks na inuupuan niya sa akin. "Hindi 'yong pagkabagsak 'yong tinutukoy ko!" I pushed his face away. Buwisit, nakakairita 'yong ngisi niya.

Isa si Dion sa malalapit kong kaibigan and ayoko naman na magkaroon ng awkward moments sa aming dalawa dahil lang sa nangyari.

"Alin ba kasi?" Kumamot ng ulo si Dion. "'Yong pagtama ba ng labi ko sa labi mo?" he asked casually.

I slowly nodded. "Oo! It was so unexpected. Alam ko namang aksidente iyon pero gusto ko pa ring i-open up kasi baka ma-awkward-an ka bigla." Paliwanag ko sa kaniya.

Itinukod ni Dion ang kaniyang braso sa kaniyang hita at seryosong tumingin sa akin. "Bakit? May malisya ba para sa 'yo 'yong halik na 'yon?"

"W-Wala!" Mabilis kong depensa.

He smiled. "Wala naman pala, eh. I don't even considered that as a kiss since I am better than that." he chuckled.

"Walang-hiya ka. Kakadikit mo 'yan kay Oppa kanina."

"Huwag mo nang isipin masyado 'yon. Wala 'yon. Kung inaalala mo na magiging awkward ako sa 'yo. Asa ka, sarap mo kayang buwisitin." Natatawang paliwanag ni Dion at bumalik sa pagpupunas ng towel sa kaniyang buhok.

Nakahinga ako ng malalim noong maranig iyon sa kaniya. Tama si Dion, hindi dapat i-consider na kiss ang nangyari dahil aksidente lang naman na naglapat ang labi namin.

"Cool tayo?" I said and point my fist towards his direction.

"Cool tayo." Dion answered at nakipag-fistbump sa akin.

Tumingin ako sa paligid. "So, you grew up here." sabi ko sa kaniya.

"Oo naman, dito rin ako sa elementary school na 'to nag-aral. Tapos solar boys ako noon kasi lagi akong nagba-basketball kahit sobrang init. Hindi pa ito covered court noon." Paliwanag niya sa akin na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Sobrang importante sa kaniya ng lugar na ito.

"Nagba-basketball ka? Weh?"

"Oo nga, noong elementary ako." He chuckled. "Kaso naadik na ako sa online games noong highschool. Hanggang sa tinamad na ako gumalaw physically. Okay lang, professional player naman." He flexed his biceps na wala namang ka-muscle-muscle.

"Kapag maayos na 'yong mga lugar dito, I mean, wala ng mga putik ay send ka ng picture sa akin. Gusto ko makita 'yong buong Baranggay ng maayos."

"Please master muna." Tinutok niya ulit ang phone niya sa akin.

Umirap ako sa ere. "Ayoko na. Sa iba na lang ako magre-request. Puro ka ganiyan." Tinawanan lang ako ni Dion.

Natapos na sila Kuya sa pag-aayos sa covered court at oras na noong pag-alis namin. Nagpaalam na kami kay Dion at maging sa pamilya niya. Definitely, hindi naman ito ang huli pagkikita namin ni Dion dahil magkikita pa rin naman kami sa game.

***

AFTER the successful event, mas naging maingay ang pangalan namin nila Larkin, Dion, at Sandro dahil sa paggamit namin ng aming platform to help those people who was affected by the calamity.

I mean, hindi ko gets kung bakit ang big deal nito dahil we have the ability to help... Why not? At isa pa, naging instrumento lang kami ng mga taong nag-donate para makatulong sa ibang tao. Hindi naman namin ito magagawa kung wala ang mga donations nila in the first place.

Araw ng Sunday, kakatapos ko lang mag-jogging. The next thing I do was planning our tactics para sa sunod na raid na gagawin namin ni Dion.

Kung may maganda man akong natututunan sa pagkawala namin sa Battle Cry... Iyon ay na-enhance ang tactical ability ko. I mean dati kasi ay tulong-tulong kami nila Kendrix at Axel pero ngayon ay mag-isa kong ginagawa ang lahat.

"Anong item ang mga dadalahin ko?" Dion asked habang magka-video call kami since ipinapaliwanag ko nga ang gagawin niya.

"Madaming antidote, sobrang importante noon dahil maraming poisonous monster sa raid. Bring some weapon na may mataas na critical damage." Paliwanag ko sa kaniya habang nilalaro ang buhok ko. "Ang haba na ng buhok ko. Paiksian ko na kaya ulit?" I asked.

"Siraulo ka ba? Hindi pa nga umaabot hanggang dibdib mo 'yang buhok mo." He said at medyo nagla-lag siya dahil ang trash daw ng internet connection nila sa probinsya.

"Sanay na kasi ako ng maiksi pang 'yong buhok ko. Tamang bob cut lang, ganern. Tsaka hindi ninyo alam 'yong feeling na ang init sa katawan kapag mahaba ang buhok." I explained to him. "Ah alam ko na, iwe-wave ko na lang siya lagi."

"May desisyon ka naman pala, tinanong mo pa ako." He chuckled.

"I just want to hear your opinion. As usual, boring. Never mo akong makikita na long hair." Natatawa kong paliwanag sa kaniya at napailing na lamang si Dion.

"Let's go back in planning, poison resistant ring ako, gamitin ko na lang since ako ang sumasalo ng lahat ng mga damage."

"Much better!" I clapped my hand.

Naputol ang pakikipag-usap ko kay Dion noong lumabas sa notification bar ko ang isang fresh gmail message.

Nilapit ko ang mukha ko sa phone para mabasa ito.

Crown of Orient invitation!

Good day, Shinobi! We would like to invite you to join our newly created team that will soon dominate the whole scene in Hunter Online. We are impressed with your game style back in Summer Cup and we saw your consecutive achievements in the game itself that caught our attention...

Mahaba pa ang email na ito at pinupuri nila ang galing ko sa paglalaro. Infairness, magaling mambola, mas magaling kay Oppa.

"Did you receive the email from Crown of Orient?" Tanong sa akin ni Dion.

"OMG! Na-receive mo rin? Ang galing mambola 'di ba?"

"Alam mo kung ano ang nakakuha ng atensiyon ko?" Tanong sa akin ni Dion.

"Alin?"

"Kung kanino galing ang email."

"Mr. Timotheo Ramirez." Sounds familiar.

"Timotheo Ramirez... Member siya dati ng All Stars. They are the winners of the first season Tournament."

Sa sinabing iyon ni Dion ay kinilabutan ako. Ibig sabihin nito ay hindi biro itong bagong team na nag-i-invite sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top