Chapter 62: Charity Event

ARAW ng Wednesday at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tapos sa pagpa-pack ng relief goods. Honestly, sobrang thankful ako kay Kuya London at kay Dion dahil sobrang hands-on nila rito.

Especially Kuya London, nightshift siya pero sinasakripisyo niya ang tulong niya sa umaga para makapamili ng mga kakailanganin. These past few days ay parang four hours na lang ang nagiging tulog ni Kuya, eh.

"Milan, ilang kilo ng bigas kada-relief?" Tanong ni Trace sa akin habang naglalagay siya ng instant noodles sa plastic.

"Dalawang kilo." sabi ko at nagpatuloy sa aking ginagawa. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil karamihan sa mga class mates ko ay nandito sa amin ngayon para tumulong.

Na-starstruck nga 'yong mga gamer kong kaklase noong makita nila si Dion. Can't blame them, Dion is really big when it comes to gaming industry. Thankful nga rin ako kay Dion dahil mas pinili niyang nag-stay dito ng mas matagal para tumulong, eh.

Baka kapag umuwi na agad si Dion sa Nueva Ecija ay baka super stressed kami ni Kuya sa pag-aasikaso.

"Almost buong summer vacation pala kayo magkasama noong cutie na 'yan?" Tanong ni Jennica na isa sa mga kaklase ko. Hindi siya mahilig sa gaming kung kaya't hindi niya rin kilala ang mga players. "Hindi ka man lang ba na-fall?" She giggled.

Tsismisan talaga ang past time namin para malibang kami sa pagpa-pack, eh. Pero hindi ko naman in-expect na mapupunta sa akin 'yong topic.

Napatingin ako kay Dion na nakikipagkuwentuhan sa mga lalaking kong kaklase. Noong nagtama ang mata naming dalawa ay itinaas baba niya ang kaniyang kilay at ngumiti.

Napailing ako at napabalik ang aking tingin sa mga kausap ko. "Hindi. Tsaka parang habang tumatagal, parang lumalabo 'yong chance na maging kami. Sobrang close na naming magkaibigan, eh." paliwanag ko sa kanila.

They all looked disappointed at natawa ako. "Bakla, tatlong major subject ang maibabagsak ko kapag hindi naging kayo. Umayos ka ng desisyon sa buhay. Wala ba talaga? Walang kilig?" Shannah asked at tutok na tutoknsa akin ang lahat.

Naglagay ang ng mga noodles sa plastic at inayos ang pagkaka-pack nito. "Siguro may mga times na kinikilig kapag nagiging gentleman siya. Pero parang ganoon naman sa lahat?"

"Kakapit ako sa kaunting kilig na 'yan. Feeling ko talaga siya na 'yong soulmate mo, eh. Ibang klase ninyo alagaan ang isa't isa. Pero heto, hypothetical lang, kapag umamin si Dion sa 'yo na gusto ka niya. Paano mo siya ite-take?" Feeling ko ngayon ay ginigisa ako nila Shannah ngayon.

Pero kasi... Ayokong ipilit na magustuhan ang isang tao dahil sa pagtukso ng mga tao sa paligid. But Dion is someone that I can comfortably hang around pero 'yong ite-take sa next level? Parang hindi.

Ilang segundo akong nakatahimik noong tinanong nila ako at mabuti na lang at nag-ring ang phone ko. Phew, Lifesaver.

Sandro 🐤 calling...

"Sagutin ko lang 'tong tawag." Tumayo ako at pumunta sa garden area para makausap si Captain.

"Napatawag ka, Sandro?" Tanong ko sa kaniya.

"Yow, kumusta? Tanong ko lang kung kailan ninyo balak dalahin 'yong mga Reliefs sa Nueva Ecija? Gusto sana naming sumama na mamigay ng tulong." Paliwanag niya sa kabilang linya.

Napangiti ako. "Seryoso 'yan, Captain? By friday sana ay madala na namin 'yong reliefs sa Nueva Ecija. Nag-rent na ako ng maliit na truck para paglalagyan ng reliefs. And may nakausap na rin akong mga LGU. Send ko sa 'yo sa messenger 'yong exact address." Paliwanag ko sa kaniya.

"Sige-sige, iyon lang naman ang reason kung bakit ako tumawag haha! Kitakits sa inyo ni Dion." Sandro ended the call.

Naglakad ako papalapit kay Dion. "Dmitri," tawag ko at agad siyang lumingon sa akin. "Si Sandro, tumawag. Sasama daw sila sa pagbibigay ng donation sa Friday."

"E 'di ayos 'yon. Ka-miss din kasama 'yong pinuno ng mga manok na 'yon, eh." sabi niya sa akin.

"Send mo sa kaniya 'yong exact address noong baranggay na pupuntahan natin. Hindi ko kasi matandaan, eh. Ikaw na kumausap kay Sandro."

"Sige-sige, chat ko kamo siya mamaya. Paalala mo rin para hindi ko makalimutan." He said at bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaklase ko.

Bandang alas-sais na noong umuwi silang lahat and sobrang thankful ko sa mga kaklase ko dahil ang productive namin ngayong araw. Gusto pa nga nila Mom na dito na sila mga pakainin kaso ay nahiya na rin siguro at takot daw silang gabihin sa biyahe.

"Napagod ako doon, ah," Umupo si Dion sa couch habang ako ay patuloy na nagta-type sa laptop ko.

Napatigil ako sa pagta-type at napatingin sa kaniya. "Sorry kung puro pa-picture 'yong mga kaklase ko sa 'yo kanina. Minsan lang kasi sila makakita ng public figure." I said in a worried tone.

"Baliw, okay lang," he said and ruffled my hair.

"Ginulo mo na naman 'yong buhok ko," hinipan ko ang bangs ko para hanginin ito.

"Sorry, sorry." He laughed and fixed my hair. "Pero sa totoo lang ay wala naman sa akin kung nagpapa-picture sila kanina. Ang laki nang naitulong nila sa atin. At isa pa, masarap naman sila kakuwentuhan."

"Halata nga, eh, hindi kayo nauubusan ng topic kanina noong mga boys, eh." Bumalik na ako sa pagta-type habang nilalaro ni Dion 'yong buhok ko. Pilit niyang tinitirintas ang buhok ko and obviously, hindi siya sanay. "Anong pinag-uusapan ninyo?" I asked.

"Game lang. Katulad lang noong mga dati kong nakakausap. Tinatanong lang ako tungkol sa game, humihingi lang ng advice. Hindi ko alam sa ibang tao kung bakit akala nila ay gustong-gusto nating pinag-uusapan ang tungkol sa game." He laughed.

Napatingin ako sa kaniya at tumango-tango. "Huy totoo! Nakakapagod kaya na hanggang sa real world ay puro Hunter Online and quest ang pinag-uusapan. Sakit sa ulo."

"Ano ba 'yang ginagawa mo? Ikaw lang 'yong kilala kong busy na busy sa buhay kahit kasisimula lang ng klase mo." Naiiling niyang sabi at inilapit ang mukha sa laptop.

"Excuse letter para sa pag-absent ko sa friday. Ipapapirma ko kay Dean para ma-excuse ako." I explained to him.

"Okay lang sa 'yong magka-absent ka? Grade conscious ka pa naman."

"Wala pa naman ginagawa kapag first week, eh. Isa pa, introduction pa lang naman ang idi-discuss panigurado, eh, alam ko na 'yon." Paliwanag ko sa kaniya. "Tapos kailangan ko pang gawin 'yong list ng mga binili natin for the donation para sa tranparency natin sa mga nag-donate."

"Ako na gagawa noon. Magpahinga ka na lang pagkatapos mo diyan. Kawawa ka naman." He chuckled.

"Seryoso ka ba?" Kuminang ang mata ko sa tuwa dahil sobrang drain talaga ako ngayong araw. Pumasok ako kanina tapos pagkauwi ay inasikaso ang pag-pack ng mga relief goods. Tapos ngayon 'yong excuse letter naman. Hindi naman ako nagrereklamo dahil masaya ako sa ginagawa ko pero gusto kong matulog ng maaga lalo na't 8:00 nang umaga ang first class ko bukas.

"Ayaw mo yata. Sige ikaw na gumawa." Naiiling na sabi ni Dion at akmang tatayo.

Mabilis kong hinitak ang kamay niya para mapaupo ulit siya sa couch. "Tulong please." I said in pleasing tone.

"Sabihin mo, Master." Inilabas niya ang phone niya at itinapat sa mukha ko. OMG, another nakakahiyang pangyayari na naman para sa IG story ni dion.

I rolled my eyes. "Tulong please, Master." Inis kong sabi.

"Ay ayoko na palang tumulong, hindi bukal sa loob mo." He chuckled once again.

"Tulong, Master, please." sabi ko sa mas malambing na tono at tuluyang natawa si Dion. "Happy ka diyan? Kapag 'yan nakita ko sa IG story mo, friendship over na talaga."

Ipinatong niya na ulit ang phone niya sa center table. "Two months ko na yatang naririnig 'yang FO na 'yan pero hanggang ngayon magkaibigan pa rin naman tayo."

"Gusto mong totohanin ko? Simulan natin sa facebook mo, unfriend kita agad."

He smiled widely. "Joke lang." He said in playful tone.

"Huy kakain na!" Malakas na sigaw ni Kuya London at nakuha noon ang atensiyon namin ni Dion. "Kaya kayo napagkakamalang magjowa, eh. Puro kayo harot."

Natawa si Dion sa sinabi ni Kuya.

"Huwag mo akong tinatawanan, Dion, 'yong huling tumawa sa akin comatose pa rin hanggang ngayon."

"Alam mo, huwag kang nagpapaniwala diyan kay Kuya. Sa aming tatlo, siya 'yong kulang sa atensiyon kaya ganiyan 'yan." Tumayo na kaming dalawa at pumunta sa kitchen area.

***

FRIDAY.

Sa wakas ay narating namin ang Baranggay nila Dion at sobrang naawa ako sa sitwasyon ng Nueva Ecija habang nasa biyahe kami. Ang daming nakabagsak na mga poste, ang daming sura-sirang bahay sa paligid at mga punong nagbagsakan. Iyon nga 'yng reason kung bakit natagalan kami sa pagpunta rito kahit ang lapit lang nito sa Bulacan, eh.

Mula sa loob ng kotse ay natatanaw ko ang mga tao na naka-evacuate sa isang covered court ng school. They are waiting for our help.

"Dion, bumaba ka na," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ako na mag-a-asikaso rito. Sure akong excited ang parents mo na makita ka."

"Sure ka? I mean, I can wait-"

"Go na. Ang laki na nang naitulong mo na sa akin these past few days. Dadating naman sila Axel maya-maya. They will help me." I assured to him. At isa pa, nandiyan sila Mom at sila Kuya. They will guide me.

Bumaba na si Dion ng kotse at hinanap ang parents niya sa evacuation center. "Sa wakas ay nakauwi na rin ang batang iyon." Nakangiting sabi ni Mom habang nakatingin kay Dion. "Alalang-alala siya sa pamilya niya, eh."

Pumasok muna ako sa isang room para kausapin ang mga Baranggay officials dito. Ipinaliwanag lang nila sa akin ang nangyari sa kanilang baranggay na isa sa mga baranggay na hinagupit ng Bagyo.

I feel bad, honestly, especially to those people na nawalan ng bahay. Paniguradong hindi nila alam kung paano sila ulit magsisimula ulit ngayon.

Ilang minuto ang lumipas at dumating sila Axel, Sandro, at Larkin Oppa. Napangiti ako kasi nakita ko sila ulit ngayon.

"Na-miss kita, Milan," Larkin said at inipit niya ako sa kaniyang braso.

"OMG, Larkin, ilang minuto kong inayos ang buhok ko. Huwag mong guluhin!" Reklamo ko na tinawanan niya lang. Natawa ako noong nakita ang porma ni Larkin. "May cleanup drive tayo mamaya tapos may pa-turtleneck ka pa diyan, Oppa."

"Tangina mayroon ba? Sabi ni Sandro ay mag-aabot lang ng reliefs?"

"Ah. Nakalimutan ko sabihin sa 'yo." Natatawang sabi ni Sandro. Nakipag-fistbump ako sa kaniya at maging kay Captain Axel. Grabe na-miss ko sila ka-bonding.

"Nasaan si Dion?" Tanong ni Captain.

"Kausap 'yong parents niya." Napatango-tango na lang sila. "Huy may pa-program tayo mamaya, ah. Kayong dalawa ni Sandro ang mag-host since mas may experience kayo sa public speaking. Baka mautal kasi ako kapag nagsalita ako sa harap ng maraming tao." I explained to them.

"Napakaangas ninyong dalawa ni Dion. May meet the parents nang nagaganap, label talaga ang naiiwan sa inyong dalawa, eh." Larkin said while smirking.

"Siraulo. Tulungan ninyo muna ako magbaba ng reliefs from the truck tapos start na natin 'yong briefing sa mga tao later."

Since ako ang nag-manage nitong Star for a cause na ito ay ako ang punong abala sa pagmamando ng lahat. It was tiring but everytime na nakikita ko na nakangiti ang mga tao rito sa evacuation center... Feeling ko ay worth it lahat ng pagod ko last week kasi marami akong tao na napasaya.

Ang favorite part ko ay iyong nag-abot na kami ng relief goods sa mga tao. Their smiles... Priceless. Ang galing din mag-entertain ng tao nina Sandro at Axel dahil ang dami nilang pakulo na games para sa mga bata.

Saglit akong umupo sa monoblocks para magpahinga. Biglang may humarang na bottled coke sa vision ko at napaangat ako nang tingin- Dion is standing while giving me a drink.

"Pagod ka, ah." He said at umupo sa tabi ko.

"Well... Nakakapagod naman talaga pero alam mo 'yong pagod na ang sarap sa feeling? Iyon 'yong nararamdaman ko ngayon. 'Yong okay lang maging pagod ako kahit ngayong araw." I explained to him.

Naputol ang pagkukuwentuhan nin noong lumapit sa amin si Axel. "Nabalitaan ko 'yong pag-alis ninyo sa Battle Cry, ah."

Nagkatinginan lang kami ni Dion. "Don't worry, hindi ako galit. Nirerespeto ko ang desisyon ninyo at desisyon ni Liu. We all have a reason for leaving." He said. "Parte 'yan ng ESports pero umaasa pa rin ako sa pangako natin na aakyat tayo ng stage kapag nanalo ang Battle Cry."

"Sana." Dion said. "Hindi naging maganda ang exit namin, eh." he chuckled.

"Maiintindihan din nila 'yan. Focus lang kayo sa paghahanap ng bagong team. Kung kailangan ninyo ng advice, nandito pa rin ako... Especially you, Milan, you can still consult me kapag may mga plano kang naiisip." Napangiti ako sa sinabi ni Axel. He's still the same Captain that I know.

"Kumusta ang buhay ng future Attorney?"

"Inangyan ang nerve wrecking. Sobra. Feeling ko ako lang nag-iisang bobo sa law school araw-araw."

Sumali na sina Sandro sa kuwentuhan namin. Of course kuwentuhan tapos may mga batang gamers na nagpa-picture sa amin.

I am happy na may mababait na tao akong nakilala sa Gaming world. Well, mayayabang silang lahat in their own ways pero sobrang bukal sa puso nila ang ginagawa naming pagtulong ngayon.

Bago kami pumunta sa clean-up drive na gagawin namin sa mga lugar na lubog pa sa putik ay pinakilala ako ni Dion sa parents niya because gusto daw akong ma-meet ng mga ito.

"'Nay, 'Tay, si Milan kaibigan ko. Sa kanila ako nakikituloy this past week." Dion introduced me. "Milan ito si Nanay Tessie, tapos si Tatay Cesar... Parents ko."

I offered my hand at mukhang nahiya silang tanggapin ito. "Hindi na hija, madumi ang kamay namin." Her Mother smiled.

"Ay hindi po, okay lang po." I take their hands at nagmano sa kanila. "Wala pong kaso 'yon. Mabait pong kaibigan si Dion, malaking tulong po siya sa gaming ko." I explained.

Even sila Dad, nilapitan niya sila Tito Cesar para makakuwentuhan at nagkasundo agad sila ni Dad.

Iniwan na namin sila Dad sa covered court at sumama na sa mga Baranggay officials sa gagawin nilang clean-up drive sa isang street daw na hindi pa rin madaanan dahil punong-puno ng putik at may punong nakahambalang.

"Nahiya sila Nanay na kamayan ka kanina kasi akala nila ay elite kang klase na mayaman." Bulong ni Dion habang naglalakad kami.

"Do I give that kind of vibe ba talaga?" Tanong ko sa kaniya. "I am nice, mukha lang talaga akong mataray dahil sa facial features ko pero wala naman na akong magagawa doon."

"Pero thank you Milan, sa tulong na ibinigay mo dito sa Baranggay namin. Ang laking bagay nito para sa akin." he said.

"Like what I'd said, gusto ko talagang tumulong. Feeling ko nga ang responsible kong citizen dahil dito. Alam mo 'yon... Parang may sense of accomplishment. May na-check ako sa bucket list ko." Mahaba kong paliwanag sa kaniya habang nakangiti.

We reached the area at may punong nakatumba sa isang bahay at gaya nang sinabi nila... Maputik sa lugar.

Tumulong ako sa pagpupulot ng mga basura na inanod ng baha at sa pagwawalis ng maputik na daan.

"Milan!" Larkin called me dahil nag-a-IG story yata siya.

Kumaway ako sa camera. "Buwisit ka Larkin, ang dungis ko kaya!" Reklamo ko at tumawa siya.

"Milan, pasuyo naman ng walis diyan!" Sigaw ni Dion na nasa kabilang side dahil may nakaharang na malaking troso sa daan.

"Maraming kalat diyan?" tanong ko at dumampit ng spare walis.

"Oo, diyan ka na lang. Mas madumi dito." He said at pinahid ang pawis sa noo niya. Which is a wrong move dahil naputikan siya sa noo.

Malakas akong natawa noong makita siya. "Hitsura mo ngayon, haha! Ang dungis mo."

"Okay lang 'yan. Maliligo naman ako mamaya. Tsaka guwapo pa rin naman ako." He wiggled his brows.

Umakto ako na parang nasusuka at natawa. "Ngayon mo sabihing hindi ka nagyayabang sa looks mo."

Umakyat ako sa troso na nakatumba, which is hard kasi ang taas niya pa rin.

"Oh, 'wag ka na rito, madulas nga sa side na 'to kasi malapit sa imburnal." Reklamo ni Dion sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Sumampa ako sa troso at muntik pa akong ma-out of balance. Dion offered his hand para maayos akong makababa sa side niya.

"Hello, minsan lang ako nandito kung kaya't gusto kong tumulong sa clean-up drive kahit gaano pa 'yan-"

Namali ako nang apak sa isang sanga at nabali ito. Tuluyan akong dumulas. Dion immediately responded pero hindi niya rin inasahan ang nangyari.

The next thing I knew?

Nakabagsak na kaming dalawa ni Dion sa maputik na kalsada.

My lips pressed on his lips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top