Chapter 59: Typhoon
NOONG unang araw nitong Super Typhoon ay na-enjoy ko pa dahil ang sarap mag-netflix and chill sa sala tapos nagluto pa si Manang Tessa ng Sopas para mainitan kami. I felt that time that it was the chilliest weather after a long time.
Pero ngayon? Dito na nagsi-sink in sa akin na hindi biro ang Super Typhoon na ito. Tuloy-tuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan at mula sa second floor, tanaw na tanaw ang malakas na hampas ng hangin. Walang tigil din ang malakas na kulog at kidlat, heto 'yong panahon na parang feeling mo ag anytime ay tatama sa 'yo ang kidlat.
"Let's check our email." Nakaupo kami ulit ni Dion sa sala at pinagpalit ang cellphone namin. I am the one checking his email tapos siya ang nagche-check ng email ko. Element of surprise.
Napapikit ako noong malakas na kumulog at kumidlat, feeling ko ay anytime ay mawawalan kami ng kuryente dahil sa biglaang pagbagsak ng mga poste. Buti na lang at prepared ako dahil chinarge ko na ang mga Power Bank ko at nagtabi na rin ako ng chips sa kuwarto.
"Takot ka sa kulog?" he asked habang nakangisi.
"Nagugulat ako, hindi ako takot. Magkaiba 'yon." I corrected him. "Tsaka hello! Nakakatakot naman talaga ang ganitong weather kasi anytime ay feeling ko ay tatamaan ako ng kidlat." Ang chill sa feeling kapag umuulan pero hindi naman 'yong ganitong klase na may mga nagtutumbahan na puno sa labas.
Masuwerte nga kami dahil nasa mataas na lugar ang bahay namin, paano naman 'yong iba? Ang dami ko naman napanonood sa news lately na mga lugar na binabaha.
"Anak, diyan muna kayo," sigaw ni Dad para marinig namin siya. "Pupunta lang kami ng Mom mo kanila Lola mo. Tutulong kami magtaas ng gamit, tumataas na raw ang tubig doon." Paalam ni Dad sa amin.
"Okay, Dad. Mag-ingat ka po sa pagda-drive, madulas ang daan." Nag-aalala kong sabi.
Lumabas na sila ni Mom at inilabas ang kotse sa garahe. Napatingin ako kay Dion ulit.
"Siguro open-arms na tatanggapin sa langit ang magulang mo. Saksakan ng babait, eh." Hinampas ko si Dion at natawa siya. "Joke lang."
"Alam mo kasi, hangga't kaya nila Mom na maging mabait sa mga tao ay gagawin nila. Mahalaga para sa kanila ang tiwala ng ibang tao. Which is na-apply na rin naming magkakapatid. Game na, i-check na natin ang email natin." sabi ko sa kaniya at binuksan ang phone niya.
I checked his email.
"You have an email from Phantom Knights." Natutuwa kong sabi. "OMG! Dion, kinukuha ka ng Phantom Knights! One of the strongest team in Hunter Online!"
He scanned my email. "Hindi ko alam kung matutuwa ka rito," naiiling niyang sabi at ipinakita ang screen ng cellphone ko. "You got an email from Optimal Aces."
"Parehas na tayong kinukuha ng Optimal Aces?" tanong ko at nakangiting tumango si Dion.
"But I guess, we will decline their offer?"
Natahimik ako saglit, alam ni Dion na hindi ko gusto ang buong Optimal Aces. Mahirap makisama sa team na may issue kayo.
"Huwag muna nating i-decline, let's keep our line open for them. Pero i-least priority natin ang Optimal Aces sa choices natin." paliwanag ko at napatango-tango si Dion, tumanaw siya sa ulan sa labas. "Itong offer ng Phantom Knights, i-grab mo na! Sabi ko sa 'yo magbubunga ang mga ginawa natin sa paglaban sa Chimera, eh."
"Ayoko." he answered.
"Ha? Bakit? Sayang opportunity."
"Wala ka." sabi niya sa akin. "Nangako tayo 'di ba? Kailangan ay magka-team tayo sa Season four. Para saan pa 'yong mga ginagawa nating raid kung mapupunta tayo sa magkaibang team."
"Eh, feeling ko kasi hino-hold back kita. Tingnan mo, ang daming kilalang team ang kumukuha sa iyo."
"Hindi naman team ang habol ko. Growth ang habol ko. Kahit pa Black Dragon ang kumuha sa akin, baka hindi ko tanggapin. I need a teammate na komportable akong kasama." Mahaba niyang litana. "Kaunting hintay pa, paniguradong may kukuha sa atin na team na makikita ang value natin as a player."
Our conversation was interrupted noong mag-vibrate ang phone ni Dion. Ako ang tumingin nito since ako ang may hawak. "Tumatawag kapatid mo." Iniabot ko sa kaniya ang cellphone niya.
Lumayo ng kaunti si Dion para sagutin ang tawag. Binuksan ko ang TV para sana manood ng netflix pero pagkabukas nito ay saktong breaking news ang binabalita.
"Nangangamba ngayon ang mga residente sa Nueva Ecija dahil sa biglaang pagtaas ng tubig..."
Napatingin ako kay Dion at kita ko ang pagkabalisa at pangamba sa kaniyang ekspresyon habang kausap si Dexter (kapatid ni Dion). Habang pinagmamasdan ko ang news at si Dion, mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit naging ganoon ang kaniyang ekspresyon.
"...Pumunta na kayo sa evacuation center kung pataas nang pataas ang tubig... Ano? Ayaw nila Lolo? Kapag na-trap kayo sa bahay mas mahihirapan kamo kayo. Bigay mo nga kay Lolo, ako ang kakausap." Napapahawak na si Dion sa ulo habang nakatanaw sa news.
Sa totoo lang ay hindi ko in-expect na magiging ganito ang tama noong Super Typhoon. Maraming tao sa mababang lugar sa Nueva Ecija ang nasa bubong na ng kani-kanilang bahay at nagpapa-rescue na.
Saglit na lumayo si Dion para kausapin ang pamilya niya. I kinda understand why he is so worried right now. Sa Nueva Ecija tatama mismo ang bagyo, delikado ang kalagayan ng pamilya niya.
Ilang minuto lamang ay pumasok na muli si Dion sa bahay. "Kumusta ang kalagayan ng Lolo't Lola mo? Mag-e-evacuate daw ba?" tanong ko.
"Uuwi ako sa amin." Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kuwarto niya at isinilid sa duffle bag ang ilan sa mga gamit niya.
"Hey calm down, going there won't solve anything." Pagpigil ko sa kaniya.
"Uuwi ako. May mga bus naman na dumadaan sa labas ng village. Pakisabi kanila Tito na hindi na ako nakapagpaalam. Emergency." Pagkalagay niya sa mga gamit niya sa Duffle Bag ay naglakad na siya papalabas ng kuwarto.
Hindi niya na kinuha 'yong shopping bag na dapat uwi niya sa mga pinsan niya dahil nagmamadaling umalis si Dion.
"Dion! Ang lakas-lakas ng ulan, oh!" Sinubukan ko siyang pigilan pero parang sarado na ang isip ni Dion na makinig sa iba. He is really worried about his family's situation in Nueva Ecija.
Hindi niya ako pinansin at dire-diretsong naglakad papalabas ng bahay kahit pa ang lakas ng buhos ng ulan. Malakas din ang hampas ng hangin at gumuguhit ang kidlat sa kalangitan. Hindi talaga ligtas na lumabas sa panahon ngayon.
"Dion!" I shouted and followed him.
Sinuong niya ang ulan at mahigpit na nakakapit sa Duffle bag niya. "Dion!" Tawag ko ulit.
"Ay jusko, Milan! Saan pupunta si Dion?" Nag-aalalang tanong ni Manang Tessa noong makita niya naglalakad papalabas ng bahay si Dion.
"Manang, pasabihan naman si Kuya sa taas. Hindi kasi nakikinig si Dion sa akin." sabi ko at sinuong ko rin ang malakas ng ulan.
Dumampi ang ulan sa katawan ko at kahit nakakatakot ang kidlat at kulog ay humabol ako kay Dion.
"Dion!" hinatak ko ang kaniyang kamay at nahulog mula sa kaniyang balikat ang duffle bag. "Nahihibang ka na ba?! Ilalagay mo lang sa kapahamakan 'yang sarili mo!"
"Milan, pumasok ka na, umuulan." he said at kinuha muli ang Duffle Bag niya. Parehas kaming basang-basa na ng ulan.
"Dion! Sa tingin mo ba ay makapupunta ka sa Nueva Ecija ngayon na ganito ang panahon?! My God! Sino ang immature sa atin ngayon?" Napahilamos ako sa aking mukha at niyakap ang sarili ko dahil sa lamig.
Napapikit ako noong malakas na kumidlat. "Milan! Buhay ng pamilya ko ang nakasalalay dito! Kung hindi ako uuwi ng Nueva Ecija ay baka mapahamak na sila doon! Trap na sila sa bahay namin! Lumang bahay lang ang tinitirahan namin, madali lang anurin ng baha 'yon, Milan!" ganti niya sa akin.
"Kung pupunta ka ba doon, mawawala ang baha? My God, Dion. Pumasok ka muna—
"Palibhasa privileged kang tao kung kaya't hindi mo naiintindihan ang pag-aalala ko!" sigaw niya pabalik aa akin at ibinagsak ang duffle bag sa basang kalsada.
Saglit akong natahimik at hindi ko inaasahan na masasabi sa akin iyon ni Dion.
"A-Ano? Bakit napasok ang pagiging privileged ko rito? Dion, kaya kita pinapabalik kasi ikapapahamak mo 'yang gagawin mo!" Umiiyak kong paliwanag sa kaniya.
"Hayaan mo na akong umuwi aa Nueva Ecija, please lang." he said. "Kasama namin sa bahay ang Lolo't Lola ko, parehas ng matanda iyon."
"Hoy kayong dalawa!" sigaw ni Kuya London na nasa kabilang kalsada at hinagis ang isang payong tungo sa aming direksyon. "Pumasok kayong dalawa sa bahay." Nakakunot ang noo niyang sabi.
"Uuwi ako sa amin."
"Kinontak ko na ang Baranggay officials sa lugar ninyo. Magpapadala na raw ng taga-rescue sa lugar ninyo." Pumamulsa si Kuya at seryosong tumingin sa amin. "Tangina ninyong dalawa, pumasok kayo sa bahay. Ang delikado lumabas ngayon."
"Uuwi ako sa—"
"Pumasok ka sa bahay. Huwag mong hintayin na mapuno ako sa 'yo, bibirahin talaga kita." Naglakad na pabalik si Kuya.
Pinulot ni Dion ang hinagis na payong ni Kuyaat binuksan ito. We shared the umbrella pero walang nagtatangkang magsalita sa amin.
Nasaktan ako sa sinabi ni Dion na parang kasalanan ko na pinalaki akong nasa maayos na kalagayan. Ang akin lang, nag-aalala ako para sa kaniya, especially ngayon na supee typhoon ito. Kahit makarating siya sa Nueva Ecija ay mahihirapan pa rin siyang makabalik sa kanila lalo na't gaya nang sinabi niya; tumataas na ang tubig sa lugar nila.
Pagkabalik namin sa bahay ay sinalubong kami ni Manang Tessa at binigyan ng tig-isang tuwalya ni Dion.
Ramdam ko ang lamig at pangangatog ng buong katawan ko.
"I asked Axel kung saan ang hometown mo sa Nueva Ecija. Apparently, sa Bongabon tama ba? Kuya asked at napatango si Dion habang nilalabanan ang lamig. "I contacted 'yong mga taong gumagawa ng search and rescue operation ngayon sa Pangasinan at ire-rescue daw nila ang mga kaanak mo. Wala naman mangyayari kung pupunta ka pa doon. Mapapahamak ka lang."
Tahimik lang kami ni Dion. "Magbihis na kayo. Baka magkasakit kayo. Dion, don't make another dumb decision. Kami mapagagalitan nila Mom kapag may nangyari sa 'yo, eh. Just contact your parents para sa update."
Umakyat na ulit si Kuya London. Pumanhik na rin ako sa itaas upang magbihis.
Pagkababa ko ay si Manang Tessa lang ang nadatnan ko na gumawa ng oatmeal para mainitan ang aming mga tiyan. "Si Dion po?" tanong ko.
"Nasa kuwarto niya pa." nilapag ni Manang Tessa ang isang mangkok ng oatmeal sa tapat ko. "Intindihin mo na lang si Dion, Milan."
"Iniintindi ko naman po." sagot ko at niramdam ko ang init noong mangkok.
"Pamilya niya ang nasa panganib ngayon. Normal lang ang naging reaksiyon niya. Kung may nasabi man si Dion, hindi niya iyon sinasadya." Ngumiti sa akin si Manang Tessa. "Minsan talaga, hindi natin puwedeng sabihin agad na naiintindihan natin ang isang tao lalo na't wala tayo sa posisyon. Hindi natin alam kung gaano kaimportante kay Dion ang pamilya niya."
Umalis na si Manang Tessa at pinagmasdan ko ang Oatmeal na ginawa niya. Ilang beses nang nasabi sa akin ni Dion na kaya siya nag-iipon para mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya niya.
***
NASA sala lang ako at pinagmamasdan ang pinsalang nangyari sa Nueva Ecija. Napapatakip na lang ako ng bibig kapag ipinapakita ang drone shot ng lugar, lubog sa baha ang maraming lugar at tanging ang bubong na lang ang makikita mula rito.
"Sana ay naging successful ang pag-rescue sa pamilya ni Dion." Bulong ko at mahigpit na niyakap ang throw pillow.
Nabigla ako noong marinig ko ang pagbukas ng room ni Dion at lumabas siya. "Hello, Dexter, ano na? Ano na ang lagay ninyo? Sila Lolo, nasundo na ba kayo?"
Lumakad siya papalapit sa bintana para makakuha ng mas maayos na signal. Malakas ang ulan kung kaya't mahirap ang signal ngayon.
"Mabuti naman!" Napasulyap ako sa kaniya at nakita ko ang ginhawa sa ekspresyon ni Dion. Napangiti ako noong marinig iyon.
"Kalimutan ninyo na 'yong mga appliances tsaka 'yong mga gamit sa bahay. Mapapalitan naman 'yan. 'Yong mga importanteng documents, nadala ninyo ba? Good. Balitaan mo ako lagi, uuwi ako diyan kapag um-okay-okay na ang panahon." he ended the call at mabilis siyang napatingin sa sala, specifically, sa akin.
Nag-iwas ako nang tingin at nag-focus sa pagkain ng oatmeal na niluto ni Manang Tessa.
Naramdaman ko na lang na umupo katabi ko sa sofa. Napatingin ako sa kaniya at napakamot ng batok si Dion.
"Sorry kanina... Sa mga nasabi ko. Kahit saan anggulo tingnan, ako ang mali." I didn't respond. "Sa lahat ng tao na nakakikilala sa akin, ikaw 'yong may alam na mataas ang pangarap ko sa pangarap ko. May dream house, negosyo, mapagtapos ko ang mga kapatid ko, mai-travel sina Lolo at Lola sa mga beach. Kung kaya noong nalaman ko na hindi maayos ang kalagayan nila. Tangina, nag-alala ako, sobra,"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy si Dion sa pagpapaliwanag.
"Sorry kung nasigawan. Sorry kung nasabi ko na—"
"Sige sabihin mo ulit, ibabato ko sa 'yo 'tong remote." Banta ko.
"I didn't mean that. Alam kong mayaman kayo pero pamilya ninyo 'yong isa sa pinaka-down to earth na nakilala ko."
"Kumusta ang lagay ng pamilya mo?"
"Nasa evacuation center na sila. Mabilis naman silang na-rescue... Iyon nga lang, lumubog sa baha ang bahay kasama 'yong mga appliances na napundar ko." he sighed at napatingin sa TV. "Pero okay lang 'yon, ang mahalaga naman ay maayos ang lagay ng pamilya ko. Bawi na lang sa livestream tsaka kapag nakahanap na ng team."
"I can lend you some money."
"Huwag mong gagawin 'yan," Dion ruffled my hair. "May ipon naman ako tsaka pera mo 'yan. That's the last thing that I will do, ang manghiram ng pera sa 'yo."
"Chika ka, kapag nakakalimutan mo 'yong wallet mo noon sa Boothcamp nanghihiram ka sa akin." naiiling kong sabi at inalis ang kaniyang kamay.
"Oh, maliit na halaga lang 'yon."
We continued to watch the news.
"Dion, gusto kong tumulong." sabi ko sa kaniya.
"Kaya ko na."
"I mean, sa buong Nueva Ecija. Habang mag-isa ako kanina ay naisip ko na puwede nating gamitin ang platform natin para makaipon ng donations mula sa iba't ibang tao. I want to do a game for a cause." Nakangiti kong sabi.
I mean, we have thousand of followers, we have voice to influence other people. Kung kaya gagamitin ko ang gaming platform para makatulong sa mga sinasalanta ng bagyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top