Chapter 58: Chimera

Congratulation to players: Haste, Klayden, Rufus, Shinobi, SilverKnight, Synix, and Venomancer for clearing Berkas Lair for only 19 minutes and 58 seconds! [NEW RECORD]

ITO na ang pangatlong beses na na-announce ang pangalan namin nila Dion in this past week. Lahat ng dungeon na sa tingin namin ay kaya naming ma-beat ang record ay pinapasok namin, and luckily, karamihan dito ay nabi-beat nga namin (pero may mga raid kaming hindi na-beatbespecially 'yong mga record na gawa ng Black Dragon).

"Salamat ulit sa tulong ninyo, guys!" Lumapit ako sa Kulokoy Boys at yumakap sa kanila. Honestly, without their help, mahihirapan kaming matapos ang mga dungeons.

"Kami lang 'to, pang-pro gamer lang naman ang mga galawan namin. Huwag mo kami masyadong purihin." Pagmamayabang ni Synix na nakapagpatawa sa akin.

"Baka mamaya may team na kaming tatlo nila Clyde tapos kayo ni Dion nganga pa rin." dugtong pa ni SilverKnight.

"Alam ninyo, kapag kayabangan. Hindi ko talaga kayo ma-reach. Patay kayo sa akin sa pasukan, hindi ko na kayo pakokopyahin." banta ko.

"Joke lang, master, hindi ka mabiro." sabi ni Synix.

Nagpasalamat din ako kay Haste at Venomancer sa pagsama nila sa amin (kaibigang streamer ni Dion). They really followed my instruction well kung kaya't smooth namin naisagawa ang pag-clear sa dungeon.

Iba-iba ang nakakasama namin ni Dion sa mga dungeon. Minsan, mga kaibigan naming Professional players, minsan ay mga kaibigan niyang streamers na nakilala niya sa playoffs, mga pinsan ni Dion aa Nueva Ecija, at siyempre sila Clyde.

Saglit kaming tumambay nila Klayden sa field malapit sa Rokuto Town, non-aggressive ang mga monsters dito at nakahiga lang kami sa damuhan sa may lilim ng puno.

"Paano na kayo next week niyan? Magsisimula na ang klase. Paniguradong mababawasan ang time mo sa paglalaro, Shinobi." tanong ni Klayden sa akin.

"Kaya nga, eh. Next week din ay babalik na si Rufus sa Nueva Ecija. Paniguradong mababawasan ang time namin sa gaming lalo na't magiging busy kami sa kaniya-kaniya naming buhay." paliwanag ko sa kanila.

"Iyon ang rason kung bakit tuloy-tuloy ang ginagawa naming raid ni Shinobi," paliwanag ni Rufus at napatango-tango ako bilang pagsang-ayon. "Panigurado rin na sa mga susunod na linggo ay kakaunti na lang ang team na naghahanap ng team members kung kaya't ito na lang ang chance namin."

Maraming team naman ang nag-i-invite sa amin ni Dion... Iyon nga lang, magkaibang team kung kaya't tinatanggihan namin. We promised to each other that we will be teammates on the next season. At isa pa, puro hindi kilalang team ang nag-i-invite sa akin samantalang kay Dion... maraming malalakas na team ang nag-i-invite sa kaniya na may mga experience na sa mga tournament.

Feeling ko nga minsan ay pinu-pull back ko si Dion dahil ang daming opportunities ang dumulas sa kaniya dahil lang hindi kami magka-team.

"Makababalik kayo sa Professional League," napangiti ako sa sinabi ni Synix. "Hindi masasayang ang paghihirap ninyo. At isa pa, sayang free tickets sa mga tournament kapag nasa Pro League ka Milan. Laking tipid kaya! Mahal ng entrance sa panonood ng game."

"Iyon lang pala amg habol mo kaya ka sumasama sa amin!" hinampas ko siya sa braso at natawa sila.

"Siyempre, user ako, eh." pagmamayabang ni Synix. "Pero puwera biro. Kung hindi kayo makalalaban sa Season four ng Hunter Tournament, ang laking kawalan noon sa ibang professional team."

"Tama iyon." Pagsang-ayon ni Klayden. "Nakasama na namin kayo sa ilang raid. Iba lumaro si Rufus, alam na alam niya kung paano poprotektahan ang teammates niya, he is a great tank and a fighter at the same time. Kay Shinobi naman, matalino ka. Iba ka mag-isip, alam mo kung paano padadaliin ang trabaho kapag may mga raid."

Kinilig ako sa papuri ng tatlong kulokoy. Nakatutuwa kayabkapag may nakaka-appreciate sa mga ginagawa mo. I mean, ang bawat plano na nilalatag ko sa raid ay pinagpupuyatan ko gabi-gabi... And the fact na na-appreciate nila iyon, ang laking bagay noon para sa akin.

Ilang minuto pa kaming tumambay at nag-log-out na sina SilverKnight at Synix dahil may gagawin pa sila sa kani-kanilang bahay samantalang si Klayden ay magku-quest pa raw kasama ang ibang friends niya sa gaming.

Naiwan kaming dalawa ni Rufus.

[Announcement] Chimera will appear in Pilowa Plain in three minutes!

Nagkatinginan kaming dalawa at tumayo. We ready our teleport stone para makapunta sa Pilowa Plain. Ito ang announcement na kanina pa namin hinihintay.

"Tandaan mo, hindi natin kailangan patayin ang Chimera. We just need to impress other professional players and Head hunters na nandoon. Paniguradong ang iba sa kanila ay naka-live at mapanonood iyon ng maraming mga tao." That's the goal, ang mapanood ng lahat ang teamwork namin ni Rufus.

"Roger, Ma'am." he smiled at parehas naming ginamit ang teleport stone at na-transport na kami sa Pilowa Plain.

Malaking field lang ang Pilowa Plain at mula rito ay matatanaw ang isang napakagandang dagat. May malalaking bato rin na nakapalibot sa paligid.

Pagdating sa Pilowa Plain ay maraming players ang nandito para kalabanin ang Chimera. May mga players mula sa Red Swan, Black Dragon, Phantom Knights, ALTERNATE, mayroon din sa Battle Cry.

Habang hinihintay namin ang Chimera na lumabas ay lumapit sa amin si Ted_Bundy (Kendrix). "Kumusta kayong dalawa?" he asked.

"Heto, wala pa ring nahahanap na team." sagot ko sa kaniya. "Kayo, kumusta kayo?"

"Well, nasa kaniya-kaniyang probinsya at bahay ang mga players pero mid-week ng June ay babalik na kami sa Boothcamp para mag-practice na ulit. Puwede ko naman kausapin si Sir Greg para matulungan kayong makahanap ng team... If that's okay with you?" Ted_Bundy scrunched his nose.

"Salamat pero gusto namin ni Shinobi na makahanap ng team na walang tulong ni Sir Greg." si Dion ang sumagot. "Kumusta sila Oli?"

"Nagtatampo pa rin. Pero mawawala din ang tampo ng mga 'yan. Huwag ninyo munang isipin sina Oli, ako ang bahala sa kanila." Ngumiti si Ted_Bundy sa amin at napangiti na kami ni Dion. "Mag-focus muna kayo sa paghahanap ng team. Hintayin ko kayong makalaban sa mga Tournament."

"Makakaasa kang makababalik kami ni Dion." sagot ko sa kaniya.

"Give me a good fight kapag nangyari iyon. Sige na, masaya akong makita na okay kayong dalawa. Babalik na ako sa team. If ever na kailangan ninyo ng tulong, chat ninyo lang ako tutulungan ko kayo bilang kaibigan." Tumalikod na si Ted_Bundy at naglakad papunta sa mga members ng Battle Cry.

Naramdaman ko bigla na nag-matyre na si Kendrix pagdating sa gaming lalo na't nasa kaniya na ang mabigat na responsibilidad dati ni Axel— ang pagiging Captain. Ngayon ay kampante ako na nasa mabuting kamay ang buong Battle Cry, Kendrix can lead them well.

Napatingin ako kay Rufus na nakatingin sa mga dati naming ka-team. "Okay ka lang?" I asked.

"Na-realize ko lang na wala na talaga ako sa Battle Cry. Noong nakaraam ay nagsi-sink in pa siya sa akin pero ngayon, parang tanggap ko na." he smiled at ginulo ni Rufus ang buhok ko. "Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Naisip ko rin na magandang opportunity itong pagtanggal sa Battle Cry para may matutunan na mga bagong play style. It will help me to grow as a player."

"Makababalik tayo sa Pro league. Promise ko sa 'yo 'yan." I said to him.

Naputol ang kuwentuhan namin noong sumulpot ang isang malaking chimera sa gitna ng field. Kinilabutan ako noong makita ang halimaw.

Ang Chimera ay tatlong ulo na mabangis na hayop. Sa gitna ay isang mabangis na leon ang anyo nito at ang dalawa pang ulo ay ay ulo ng Capra at Dragon. It has the body of the Lion and a tail na ulo ng ahas. May pakpak din ito ng dragon kung kaya't kaya nitong makalipad sa himpapawid.

[Boss] Chimera
Level: 70
Non Aggressive

Isa-isa nang sumugod ang magkakaibang team sa direksiyon ng Chimera. Pinaulanan agad nila ito ng skill. It was really a battlefield against this strong creature.

Akmang tatakbo na si Dion papalapit ngunit mabilis kong hinarang ang kamay ko upang mapigilan siya.

"Huwag muna." seryoso kong sabi habang ino-observe ko ang nangyayari. "Tandaan mo, ang goal natin ay mapansin ng mga Head Hunters. Hindi natin magagawa iyon kung sasabay tayo sa kanila." Ngumisi ako kay Dion. "We need a perfect time."

Ilang minuto na nilang nilalabanan ang Chimera ngunit hindi pa nila napapakalahati ang Health bar nito. Pakaunti rin nang pakaunti ang mga players na nandito dahil napapatay sila ng Chimera.

It's not an easy opponent. At isa pa, walang kasiguraduhan kung may Rare item na drop ito dahil nga Game of Deceiver and event na ito.

Nanatili si Dion sa kaniyang kinatatayuan habang hinihintay ang command ko. Bukod sa Health Bar ay binababantayan ko rin ang mga mana ng mga players na nandito.

Kapag naubos na iyon, paniguradong hindi na sila tuloy-tuloy na makakapag-skill... And that's the perfect time para pumasok sa labanan.

"Rufus, ready na." bulong ko sa kaniya at humigpit ang hawak sa malaking shield na armas niya.

Matapos gumawa ng isang mabilis na kalmot noong Chimera ay doon na kami tumakbo ni Rufus papasok sa labanan.

"Rufus, kailangan kong tumalon ng mataas." sigaw ko sa kaniya.

Ngumisi ito sa akin at naunang tumakbo sa akin.

Yumuko si Rufus na para bang sinasabi niya na gawin kong tungtungan ang likod niya at mag-i-insert siya ng force para mas maging mataas ang talon ko.

Alam na alam niya kung paano ko maayos na maisasagawa ang mga plano ko.

Binunot ko ang Wakizashi sword ko mula sa sisidlan nito. Tumungtong ako sa likod ni Dion. Mabilis akong tumalon at kasabay nang pagtalon ko ay ang pagtayo ni Dion upang mas maitulak ako.

As soon as I jumped, kaharap na kaharap ko ang ulo ng leon ng Chimera.

Laser Cutter.

Mabilis na kumislap ang sandata ko at gumawa iyon ng malaking hiwa sa mukha noong leon. It is just enough para mapatigil ito sa pag-atake.

"Guys! Kung kinakailangan ninyong uminom ng mga potion at mana potion! This is the perfect time, magba-buy time ako para sa inyo!" sigaw ko sa paligid. Saglit na napatigil ang mga players na nandito pero may ilan na umatras para gawin ang sinabi ko.

The less player na nakapaligid sa Chimera, mas madali kaming mapapansin ni Dion.

Akmang kakalmutin ako ng Chimera pagkababa ko ngunit mabilis na sumulpot si Rufus at hinarang ang atake nito.

"Okay lang maging aggressive sa pag-atake, nandito ako." he assured me kung kaya't mas confident ako na tumakbo sa direksiyon ng Chimera.

Rufus blocked the attack of the Chimera. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong bawas dahil maayos akong napoprotektahan ni Rufus.

Akmang tutuklawin ako noong buntot nito ngunit mabilis kong pinadausdos ang paa ko sa sahig upang maiwasan ito. Habang nasa ilalim ako noong ahas ay mabilis akong gumamit ng skill.

Rage Cutter.

I slashed the snake body multiple times at tumalsik ang dugo sa paligid.

The Chimera growled loudly. Ramdam ang vibration ng angil nito sa buong paligid at nagbagsakan ang ilang mga bato sa paligid.

Mabilis akong kumapit sa lupa at tumayo. Nangangalahati na ang buhay ni Dion.

"Back, Dion! Ako muna ang bahala!" sigaw ko.

Humakbang ng ilang beses si Dion papaatras para mag-heal.

Kaming dalawa na lang noong Chimera ang nasa gitna ng field Napatingin ang ulo ng Capra sa akin. It's eye suddenly turned red at may pulang liwanag na lumabas dito na hinahabol ako kung saan ako tumakbo.

Nasusunod ang buong field na nadadaanan nito. Naputol lang ito noong makarinig kami ng malakas na putok na baril.

All the players paused for a second at napatingin kung saan nanggaling ang ingay na iyon. Pinaikot nito ang baril niya sa kaniyang kamay at ngumisi sa aming lahat.

"Ngayon lang kayo nakakita ng magaling na player?" he smirked.

Vegas
Level: 41
Class: Executioner

He ran towards our direction at nag-focus muli ako sa paglaban sa Chimera.

"Huwag kang masyadong mamangha, Shinobi. Hindi mo pa rin ina-accept ang friend request ko." bungad niya noong malagpasan ako. Hinarap ni Vegas ang Capra na ulo noong Chimera.

"Explosive shot!" he shouted at pinaputok ang baril niya sa ulo ng Capra.

Malakas at sunod-sunod na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid.

"Okay na ako!" Rufus shouted at bumalik na sa gitna ng field.

Humigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko. Pinaghiwalay ni Dion ang shield niya at naging dual sword ito. Lumikod si Vegas sa amin.

He knows his position, he is marksman kung kaya't hindi siya puwedeng mabawasan ng Chimera dahil masakit ang bawas nito sa kaniya.

"For the support class in our team! Support ninyo silang tatlo!" malakas na sigaw mula kay KnighRider (Sandro).

Tinulungan kami ng ibang support class na i-enhance ang mga atake at depensa namin. Kaming tatlo lang ang nasa battlefield against the Chimera.

This will be a perfect time to impress them with our skill

***

NAGAWA naming matalo ang Chimera and unluckily, wala ito kahit isang item drop. Pero para sa amin ni Rufus, nagawa namin ang goal namin... Ang magpakitang gilas sa iba't ibang team.

Kaso ay umepal nga lang si Vegas pero honestly speaking, hindi namin iyon matatalo ng wala ang tulong niya.

Isa-isa nang nag-aalisan ang mga players. Naiwan kami nila Rufus sa gitna ng field.

"Wala na pala kayo sa Battle Cry," Vegas said habang tinitingnan kaming dalawa ni Rufus.

"Wow, Vegas, sobrang updated mo naman sa gaming news." umirap ako sa ere at ngumisi lang siya sa akin.

"Wala naman kasi akong pakialam sa nangyayari sa gaming world. Busy rin ako sa buhay ko." he answered. "Maiwan ko na kayo. That was a nice team work by the way. Napahanga ninyo ako kasi nasabayan ninyo ako." he said.

Hindi siya ang Callie na kilala ko kung hindi ako napapairap sa ere dahil sa kayabangan niya.

"Magkita na lang tayo sa Tournament. Paniguradong dudurugin ko kayo, hindi lang kayo... Lahat ng team sa Hunter Online." he walked away and waved his hand.

"Yabang amputa." bulong ni Rufus sa nakapagpatawa sa akin.

"Nagawa ba natin?" Tanong niya sa akin.

"We made it." nakangiti kong sagot at napangiti na rin si Rufus.

MATAPOS naming mag-online ni Dion ay pumunta kami sa SM Pulilan (which is 10 minutes away from our house). Ginamit namin ang kotse ni Kuya Brooklyn at si Dion ang nag-drive (with Kuya Brooklyn's consent).

Kailangan na kasing bumili ni Dion ng mga pampasalubong sa mga kamag-anak niya raw doon lalo na't minsan lang siya makauwi ng Nueva Ecija. Habang ako? Kailangan ko nang bumili ng mga gamit ko sa school dahil magpapasukan na.

"Alam mo, na-realize ko, puwedeng-puwede ka naman palang umuwi. Kasunod lang ng Bulacan ang Nueva Ecija." sabi ko habang tumitingin kami ng Catlleya Notes sa National Bookstore.

"Kaya nga, isang oras lang mula rito 'yon. Tapos may nakikita pa akong bus na biyaheng pa-Cabanatuan na nagdadaan. Puwede nga akong umuwi." sagot niya sa akin at ipinakita ang notebook na Barbie ang design. "Ayaw mo nito? Bagay sa 'yo 'tong notebook na 'to." He chuckled.

"Parang tanga, ginawa mo pa akong grade school." Napairap ako sa ere at nagpatuloy sa pamimili.

"Ako pipili ng ballpen na gagamitin mo." Presinta niya. "Anong point ba ang ginagamit mo?"

".50 or .25 na ballpen." Hinayaan ko na siyang mamili and luckily, 'yong favorite brand kong ballpen ang pinili ni Dion. Nakita niya raw kasi na madalas ko iyong gamitin.

Napatigil kami saglit noong may magpa-picture sa amin na isang batang lalaki.

"Napanood ko po 'yong labanan ninyo kanina!" The kid happily told us at napapangiti ang parents niya na kinakausap kami (awww, supportive parents). "Gusto ko pong maging galing ninyo!"

"Thank you." I answered. "Soon, magiging player ka rin. Practice lang nang practice." Pagmo-motivate ko sa kaniya.

"Hintayin ko po kayo sa Season four!" he shouted and waved his hand.

"Ang cute noong bata." Sabi ko kay Dion habang nakangiti.

"Mukhang successful ang naging plano mo, ah." sabi niya. After kong mamili ng mga gamit ay pumasok kami sa Penshoppe para mamili siya ng mga damit na ibibigay niya raw sa mga batang pinsan niya.

"Wala kang bilib sa akin, eh. Perfect timing lang ang kailangan." pagmamayabang ko. Hindi naman ako mahilig magyabang pero kapag kasi malalaking achievement, ang sarap sa feeling na maging proud sa sarili.

"Pinapunta mo pa talaga si Callie." naiiling niyang sabi.

"Hoy, hindi ko pinapunta 'yong mayabang na 'yon. Kusa siyang tumulong. Hindi ko nga ina-accept friend request noon sa game, eh." mahaba kong paliwanag.

"Sa Facebook?"

"Hindi rin."

"Famous naman po. Pa-picture naman po." Itinaas niya ang phone niya at hinampas ko ang braso niya.

"Epal ka." natawa lang si Dion.

"Ako ang pipili ng damit para sa mga pinsan mo!" presinta ko habang tinitingnan ang T-shirt sa mga racks.

"Wala akong tiwala sa taste mo." sagot niya. "Maupo ka na lang."

"Eh, ako na, sila kuya natutuwa kapag nagreregalo ako ng Damit. Promise, magugustuhan ng mga pinsan mo ang pipiliin ko." I said at tumulong ako sa kaniya mag-shopping.

Siyempre gastos niya. Umeepal lang ako pumili.

"Tanginang 'yan naka-9,000 ako amputa." bulong ni Dion habang hawak naming dalawa ang maraming shopping bag.

Natawa ako dahil ako, less than 800 lang nagastos ko for my school supplies. Partida, kasama sa 800 ang pagkain namin. Ako na ang sumagot kasi ang laki nga ng nagastos ni Dion.

"Alam mo kung ano 'yong nagpamahal? 'yong sapatos na binili mo. 4k 'yan." sagot ko sa kaniya.

"Hudyo ka, eh. Sabi mo bilihin ko kasi bagay sa akin. Lakas mo mangdemonyo." Mas lalo akong natawa.

"Atleast may bago kang shoes."

Paglabas namin ng mall ay doon lang namin napansin na malakas pala ang buhos ng ulan. Wala pa naman kaming dalang payong. 'yong payong ay naiwan sa compartment ng sasakyan.

"May bagyo?" tanong ko.

"Super typhoon nga raw. Halatang hindi ka nanonood ng news." naiiling niyang sabi.

Sorry naman, wala na kasi akong time manood ng news.

"Mabilis ka bang tumakbo?" tanong ni Dion.

"Bakit?" I asked.

Nagulat na lang ako noong sinuong na niya ang ulan at mabilis na tumatakbo sa direksiyon ng kotse.

"Hoy! Kuhanin mo 'yong payong!" sigaw ko kasonay mukhang hindi na niya narinig dahil sa lakas ng ulan.

Ang ending? Tumakbo na rin ako sa ulan at ang siraulong si Dion ay pinag-lock-an ako ng kotse ng ilang segundo kung kaya't lalo akong nabasa.

Pagkaupo ko sa shotgun seat ay masama ko siyang tiningnan at natatawa lang si Dion. "Ang pangit mo  ka-bonding. Naka-makeup ako, hulas na 'yong mukha ko." Inis kong sabi at kumuha ng wipes para punasan ang mukha ko.

Nilagay ko sa likod ng kotse ang pinamili namin.

Hindi muna pinaandar ni Dion ang kotse. Nasa parking lot lang kaming dalawa sa loob ng kotse. He played Lauv songs inside and we just listened to it.

Nagkasundo kami na huwag muna umalis at i-enjoy muna 'yong moment dahil masesermunan kami ni Kuya London kapag umuwi kaming basa.

Sumasabay lang kami sa kanta habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan sa labas. Minsan ito rin ang reason kung bakit gusto kong kasama si Dion, nagkakasundo kami sa mga weird stuffs.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top