Chapter 56: Connection
"REMEMBER, kailangan ninyo ipunin ang lahat ng Golem sa gitna. Kami ang bahala ni Shinobi para mapapunta sa sentro ang mga Golems. Cascade, enhance their basic attacks and skills kapag malapit na ang mga Golem diyan. Rufus, protect all the damage-dealers." utos ni KnightRider at tumakbo na kami sa magkabilang direksiyon ng kuweba.
Having Sandro with us, it gives me assurance and hope na magagawa naming ma-beat ang record na hawak ng Phantom Knights.
Tumakbo ako sa kanang bahagi ng kuweba at namataan ko ang tatlong Golem na paikot-ikot lang sa paligid. Golems are non-aggressive monsters at mabagal lang ito kumilos (which is an advantage para sa aming mga Assassins). Sa kabila nang pagiging mabagal ng mga Golems ay ang sakit na damage nila kapag tinamaan ka ng atake nila.
Kailangan talaga sa Raid na ito ang mga armor na may mataas na physical defense para tumaas ang survival rate ng isang player.
Ang Golems ay malalaking monsters na nababalutan ng bato ang buong katawan. After watching Phantom Knights livestream, napansin ko na ang weakness nito ay kapag natatamaan sila sa mata.
Humigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko. Wala kaming dapat sayangin na oras lalo na't ang goal namin sa Raid na ito ay maging number one sa dungeon na ito. Isang beses lang puwedeng pumasok ang player sa mga Raid kung kaya't kailangan namin ibigay ang lahat-lahat.
Dash.
Mabilis kong inatake ang tatlong Golem. I caught their attention at nagsimula na silang habulin ako. All I need to do now ay papuntahin sila sa gitna para magawa na silang mapuksa nina Klayden.
Shinobi: Tatlong Golem 'tong nakasunod sa akin. Mag-prepare na ang mga damage-dealers ng team.
[ALTERNATE] KnightRider: Dalawa 'tong sa akin.
Namataan ko sila Rufus na nasa gitna ng kuweba. Ngumisi ito noong makita niya ako.
"Shinobi, Ilag!" Malakas na sigaw ni Rufus at hinatak niya ang kamay ko at mabilis na pinatago sa likod niya.
Pinagdugtong niya ang dalawang malaking espada niya upang gawing shield at mabilis na sinangga ang suntok noong isang Golem.
"Cascade, ngayon na!" malakas na sigaw ni KnightRider.
"Defense Aura! Attack Aura!" Cascade shouted at nabalutan ng puyin liwanag ang tinatayuan namin at naramdaman kong tumaas ang depensa at atake ko. Cascade is a Holy Knight which means he assist his party members by buffing them.
Sa ganitong klaseng Boss Raid. Napaka-importante ng papel ng mga support. As a support, hindi mo priority na pumatay ng mga monsters kung hindi priority mong i-monitor ang conditions ng mga kasamahan mo.
You are not giving your team the winning set or winning skills pero ibinibigay ng isang magaling na support ang winning assurance sa isang laban.
"The buff will last for 30 seconds! Two minutes cooldown!" sigaw ni Cascade.
Wala kaming sinayang na oras at ginamit namin ang lahat ng aming skill sa mga Golem na nakapalibot sa amin.
After naming mapatay ang dalawang Golem ay nag-ikot na muli kami ni KnightRider sa buong room para hanapin ang ibang Golem at papuntahin sa gitna.
Iyon ang planong naisip ni KnightRider (which is a brilliant plan by the way). Kaming dalawang ang in charge sa pag-lure sa mga Golems sa iisang spot. Sa spot na iyon ay nandoon ang buong team at sila ang bahala na pumatay sa mga Golems.
In that way, madali silang mapoprotektahan ni Rufus at mabilis na mapapatay ang mga Golems lalo na't puwede silang magtulung-tulungan para mapuksa ang mga monsters.
In just two minutes. We managed to finished the first room.
"Shinobi, saan ang susunod na room?" tanong nila sa akin habang tumatakbo kami papasok sa susunod na room.
"Kanan." sagot ko.
"Habang tumatakbo, puwede na kayong uminom ng mga potions. Cascade, update mo sila lagi sa skill cooldown mo para alam nila kung kailan nila gagamitin ang mga skills nila." Bilin ni KnightRider kay Cascade.
Ngayon ko lang nalaman na big fan ng ALTERNATE si Jordan. Para sa kaniya ay isang once-in-a-lifetime opportunity ito lalo na't si Sandro ang nagli-lead sa amin sa Raid na ito. Sandro is the leader and one of the pillars of ALTERNATE. Malaking tao siya para sa mga ALTERNATE fans.
Ang nakakatawa lang, 'yong hinahangaan nilang player ay ilang beses ko ng nakasama at nakausap tungkol sa mga walang kuwentang bagay. I respect Sandro as a captain pero as a friend? Baka tawanan ko lang siya sa personal.
Pagkapasok namin sa mga sumunod na room ay ganoon lang ang ginawa namin. We stick with our plan and it is really effective.
Congratulation to players: [ALTERNATE] KnightRider, Cascade, Klayden, Rufus, Shinobi, SilverKnight and Synix for clearing Temple of Cuata Raid for only 20 minutes and 48 seconds! [NEW RECORD]
Pagkalabas namin ng dungeon ay hindi makapaniwala sila Synix na nagawa naming ma-beat ang record na hawak ng Phantom Knights. Ngayon, kami na ang may hawak ng record sa Temple of Cuata.
"T-Talagang, na-announce ang pangalan ko sa buong game," Hindi makapaniwalang sabi ni Cascade habang nakatulala sa announcement. I can't helped but smile, ganiyan na ganiyan din ang reaksiyon ko noon.
"Tangina ka, pasalamat ka inaya kita!" Inakbayan ni Synix si Cascade at ginulo ang buhok nito. "Walang imposible kapag si Milan ang kasama mo sa mga quest. Maganda na, matalino pa, may talent pa sa gaming. Sana all na lang favorite ni Lord."
"Baliw!" Natatawa kong sabi at nagkatinginan kaming dalawa ni Rufus at ngumiti sa isa't isa.
Hinayaan kong mag-celebrate sa tuwa ang Kulokoy boys kasama si Cascade.
"Ang lagkit ng tinginan ninyo, ah," lapit sa amin si KnightRider.
"KnightRider, salamat sa pagsama sa amin. We can't do this without your lead. You help us a lot. You gave as an exposure para makilala kami ulit ng ibang professional team." paliwanag ko sa kaniya.
"Wala 'yon," KnightRider said. "Gusto ko rin kayong makabalik sa professional league. Mapapagalitan nga lang ako ng coach namin dahil hindi ang ALTERNATE ang kasama ko sa pag-clear ng Boss Raid pero sa tingin ko ay worth it naman. Suporta ko na rin sa inyo."
Ako na ang nagsasabi sa inyo, marami sa mga professional players ngayon ang mukhang mayayabanh kapag Tournament pero kapag nakasama mo... They are really nice person. Kaso nga lang ay may iba talagang natural na mayayabang, ayoko na pang mag-drop ng team.
"See you sa season four tournament." sabi ni Rufus na mukhang siguradong-siguradong makababalik kami sa Pro league.
"Asahan ko 'yan. By the way, napahanga ako ng teamwork ninyo ngayong araw. Hindi ko alam kung dahil parehas kayong galing ng Battle Cry o basang-basa ninyo lang talaga ang move ng isa't isa?"
"The connection!" Mapagbiro kong sabi kay Rufus at nag-fistbump kaming dalawa. "Paano mo naman nasabi na napahanga ka namin?"
"There is a certain trust na sa inyo ko lang nakita. I mean, ang daming magaling na duo o trio na nag-e-exist sa Hunter Online noon pa man pero iba sa inyo, eh... Hindi kayo natatakot gumawa ng mga risky moves kasi alam ninyong sasaluhin ninyo ang isa't isa." he explained at napa-wow ako.
Hindi ko naman kasi in-expect na ganoon ang iisipin ni KnighRider. And he is the captain of ALTERNATE kung kaya't ang laking papuri noon para sa amin ni Rufus. Feeling ko tuloy ngayon ay rookie ulit ako na kinikilig tuwing nakakatanggap nang papuri mula sa professional players.
"Kailangan na nating mag-logout. Malapit nang umuwi sila Tita." sabi ni Rufus sa akin at napatingin ako sa oras. OMG, as much as I want to do some quest pa, mahalaga din ang dinner with the family.
"Tita? Bakit? Na kanila Milan ka ngayon, Dion?" tanong ni KnightRider.
"Sa amin nag-i-stay si Dion for the meantime, next week ay babalik na siya sa Nueva Ecija." paliwanag ko kay KnightRider. Napatango-tango siya pero hindi mawala-wala ang ngisi niya kay Rufus. "Hindi na rin namin ipinaalam sa fans na nandito si Dion sa amin. You know, mai-issue ang mga tao sa Social media."
"Tama 'yan, date privately." natatawang sabi ni KnightRider.
"Gaga." Naiiling kong sabi. "Ang issue mo."
"Ma-issue talaga ako. Million shipper ako." he laughed.
Napatingin ako kay Dion at napailing siya sa akin. "Huwag mo na lang pansinin 'yang si Sandro. Pangit kasi logo ng team nila kaya ganiyan."
"Inamo. Tinarget mo na naman 'yong logo namin." inis na sabi ni Sandro. "Sige na, mag-dinner with the family na kayo. Balitaan ninyo ako kung sakaling makahanap na kayo ng team ninyo. Celebrate din tayo."
PAGKATAPOS naming mag-quest ay dali-dali akong bumaba at nakita ko si Dion na naglalakad, nanggaling din siya sa room niya.
"Huy, ingat naman, baka madapa ka sa hagdan." nag-aalala niyang sabi. Hello, sanay na sanay na akong mag-akyat-baba sa hagdan ng bahay namin. At isa pa, sinadya talaga ni Dad na medyo wide ang steps ng bawat baitang para hindi nga prone sa accident.
Hinawakan ko ang braso ni Dion at nagtatalon sa tuwa. "We made it! Nagawa nating ma-beat ang record ng Phantom Knights!"
Nag-expect talaga ako na mabi-beat namin ang record pero ngayong nagawa talaga namin ito... Ang sarap sa pakiramdam. That announcement, paniguradong mababasa iyon ng lahat ng Hunter Online. Nakuha namin ang atensiyon nila kahit ilang segundo lamang.
Napangiti na lang si Dion habang iwinawagayway ko ang kamay niya sa ere. "Thanks to your plan."
"Makakabalik na tayo sa Professional League!"
"Sana. By the way, balak kong mamili ng pampasalubong kanila Nanay sa Nueva Ecija pag-uwi ko. Samahan mo ako? Mas kabisado mo 'tong Bulacan." paliwanag niya sa akin. Excited din ako para sa pag-uwi ni Dion dahil matapos ang ilang buwan ay makakabalik na siya sa Nueva Ecija.
Nasabi na sa akin ni Dion na hindi naman sila ganoon kayaman kung kaya't malaking bagay para sa kaniya ang pera na nakukuha niya sa Pro League. That is the main reason why he is eager to find another team.
"Sabihin mo muna please master para samahan kita."
"Ulol mo." sagot niya sa akin.
Our conversation was interrupted noong marinig ang pag-ubo ni Kuya London na nakasandal sa railings ng hagdan.
"Gising ka na pala, Kuya."
"Sweet ninyo, ah, sarap ninyong hagisan ng pulang langgam." Bumaba si Kuya at inalis ang kamay kong nakahawak sa braso ni Dion. "Bitaw. Protective brother ako hangga't hindi ko nakukuha 'yong Mountain Bike na ni-request ko kay Kuya Brooklyn."
"Alam mo, ang epal mo. Nagse-celebrate kami kasi na-beat namin ang record ng isang dungeon." paliwanag ko.
"E 'di, congrats." Walang pakialam na sabi ni Kuya London. Napaka-supportive talagang kapatid.
"London, natututo na mag-sit si Forest." Balita naman ni Dion dahil kanina ay nag-search talaga siya sa youtube kung paano madaling matuturuan ang mga dogs.
Nakakatawa ngang panoorin si Dion dahil mas maalaga pa siya minsan kay Kuya pagdating kay Forest. I have a video noong naghahabulan sila sa garden pero wala na akong balak i-upload sa social media kahit gusto kong i-myday. Daming ma-issue.
"Tangina seryoso ba 'yan? Proud ako kay Forest." he excitedly walked towards Forest cage at kinarga ang alaga niya.
Nagkatinginan kami ni Dion at pumunta sa sala para tumambay habang hindi pa nakaluluto si Manang Tessa.
"Magre-review ka ngayon?" tanong niya.
"Tapos na akong mag-review. Nabasa ko na lahat ng introduction." Kapag talaga nag-focus ako sa mga gagawin ko ay mabilis ko itong natatapos, eh.
"Wow," Dion slow clapped his hands. "Saan ka humuhugot ng kasipagan? Busy ka sa pagbuo ng plano sa raid tapos natapos mo nang basahin 'yong mga reviewers mo."
"Time management lang naman talaga." naiiling kong sabi. "Ewan ko, pero ako kasi 'yong tipo ng tao na hindi mapakali kapag wala akong nagagawang productive sa isang araw. Ang sarap kaya sa feeling kapag may na-accomplish kang isang bagay."
"Eh paano last semester, hindi ka pa involve sa gaming noon... E 'di subsob ka sa pag-aaral?" tanong ni Dion at hiniga ang ulo sa center table habang nakaupo kami sa carpet.
Ang weird lang kasi kaming dalawa lang ang tao sa sala pero sa carpet pa rin kami umuupo. Habit na siguro namin. Noong nasa boothcamp kasi kami ay lagi kaming sa lapag umuupo dahil parating okupado 'yong mga couch.
"Kapag may exam siguro. Pero hindi naman ako 'yong tipo ng tao na laman lagi ng library at sobrang sipag. Of course, kung papipiliin ako if magsasaya or mag-aaral... Doon ako sa magsasaya. Mahirap pero kapag natutunan mo naman balansihin ang lahat, chill lang, eh." paliwanag ko sa kaniya at hindi ko alam kung may sensed ang sinabi ko. "Eh, ikaw, anong klaseng estudyante noong Highschool?" tanong ko kay Dion.
"Ako? Hmm..." napatawa ako noong inaaalala ni Dion ang Highschool days niya. "Bulakbol ako, sobra." he answered honestly.
"Hind ikaw 'yong tipo ng tao na palaaral?"
"Ako 'yong tipo na gusto grumaduate pero ayaw mag-aral mabuti." he chuckled. "Tambay ako lagi sa mga Computer shop noon para maglaro. Minsan nagha-half day lang ako sa school."
"Pero alam mo kasi... Highschool pa lang ako ay sobrang fascinate ko na mapasok sa Professional League. At that time, alam ko na kung saan ko nakikita ang sarili ko." Napangiti ako noong nakita kong nakangiti si Dion habang nagkukuwento. Ramdam na ramdam ko na ito talaga ang pangarap niya.
"Bakit gaming?" tanong ko.
"Gusto ko 'yong kabuuan na pakiramdam sa Esports. Gusto ko 'yong pakiramdam na nanalo't natatalo. Gusto ko 'yong pakiramdam na lagi kang magpa-practice para mas gumaling ka sa iba. Gusto ko 'yong pakiramdam na nasa loob ng isang stadium, 'yong stage, 'yong sigawan ng mga tao." Dion explained.
Kung sa ibang tao niya ito pinaliwanag, baka i-judge nila si Dion na mas pinili niya ang gaming kaysa sa pag-aaral pero... maraming isinakripisyo si Dion para mapunta sa kung nasaan man siya ngayon.
And he is right, ang Esports ay isang bagay na magagawa mo lang habang bata ka pa. Hangga't kaya pa ng katawan mo na sumabay sa ibang players. At isa pa, sinabi rin naman ni Dion na babalik siya sa pag-aaral kung sa tingin niyang nabigyan niya na ng stable income ang pamilya niya, eh.
"Bakit nakangiti ka rin?" kunot-noo na tanong ni Dion habang naiiling.
"Wala. Nakaka-proud ka kasi." I honestly said.
"Nakaka-proud ako kasi?"
"Binago mo 'yong pananaw ko sa mga Esports players. Yeah, ang pangit ng mindset ko pero dati ang tingin ko lang sa mga professional players ay mga kabataan na inuuna ang pagsasaya kaysa sa pag-aaral pero ngayon. Nalaman ko na ang bawat players ay may kuwento. Other people maybe belittle your dreams. Pero sa tuwing nagkukuwento ka sa akin, pakiramdam ko ay ang laki-laki ng Esports."
"Wala naman na akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Nabibigay ko ang pangangailangan nila Nanay, nabibili ko 'yong mga luho ko ngayon, nakakapag-ipon ako. Hindi man nila nakikita pero may pera rin sa Esports." he explained
I raised my pinky finger. "Babalik tayo sa Professional league."
"Promise na naman?" Naiiling na sabi ni Dion.
"Oh, bakit? Ganito na lang, we will win in Hunter Online Tournament. Hindi man sa Season four... Kahit sa mga susunod na season. Magkasama tayong aakyat ng stage para sa trophy."
Saglit na napahinto si Dion pero nag-promise din naman siya sa akin.
"Kakain na, Dion, Milan." tawag ni Manang Tessa at dali-dali kaming tumayo para sumabay kanila Mom kumain.
Tuwing dinner, lagi naming pinag-uusapan nila Mom kung kumusta ang naging araw namin kahit pa nasa bahay lang kami ni Dion. Gusto pa rin nila Dad na updated sila sa nangyayari sa buhay namin.
Matapos kumain ay naligo na ako para maghanda sa pagtulog. Naalala ko bigla na hiniram ni Dion 'yong flashdrive ko. Kailangan ko rin kasing ilagay sa flashdrive 'yong photoshop ko since nanghihingi ng copy sina Trace.
Nasa tapat na ako ng kuwarto ni Dion noong marinig ko siyang parang may kausap.
"Nasa bahay lang ako ng kaibigan ko..."
Napangisi ako noong marinig siya na mukhang may kinakausap. Sabi ko nga ba, patago rin si Dion na lumandi, eh.
Finally, mami-meet ko na si Ayame Gaming. Hindi na ako kumatok at basta na lang binuksan ang pinto ng kuwarto niya.
"Sino 'yang kausap m—"
Naputol ang aking sinasabi noong nakita kong maayos na naka-setup ang laptop niya at mayroong ring light. "Oh shit." mahina niyang bulong.
At doon nalaman ng mga fans na nakikitira sa amin si Dion for the meantime and of course, nagsimula na naman ang #Million issue sa Facebook.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top