Chapter 55: Temple of Cuatal

"SINONG may hawak sa record nitong dungeon na ito?" Turo ni Dion sa mga listahan ng dungeon na sa tingin ko ay kakayanin naming ma-beat ang time record. Actually ni-request ko lang siya kay Shannah, and thankfully, willing naman ang kaibigan ko na tulungan ako kahit na may mga inaasikaso siya sa pag-publish ng libro niya.

"Phantom Knights, 23 minutes and 13 seconds." sagot ko. Aside from Black Phoenix, isa talaga ang Phantom Knights sa may pinakamaraming record sa mga Boss raid.

"Sa tingin mo, kaya natin 'tong i-beat?" he asked habang nilalaro si Forest na nakahiga sa kaniyang hita.

Honestly speaking, inggit na inggit ako sa mga taong nakahahawak ng mga mabalahibong hayop! I mean, sana all, 'di ba? Gusto ko ngang hawakan si Forest kaso ay sinabi ni Kuya na laging naglalagas ang balahibo ng Pug so wala akong choice kung hindi ma-satisfy na tingnan siya.

"Karamihan ng mga monsters diyan ay physical an attribute ayon kay Shannah. Equipping armours with high physical defense will help. At isa pa, kung kasama naman natin sila Clyde, feeling ko ay kaya naman nating ma-beat." mahaba kong paliwanag sa kaniya.

At isa pa, nagpapataas kami ng level na dalawa at nag-a-upgrade ng weapon and armor para mas sumakit ang mga damage namin. Kailangan din naming maghanda para sa Game of Deceiver event.

"Confident, ah." he smirked.

"Kasi iyon ang kailangan nating gawin para makabalik tayo sa professional league." Rason ko. Ilang araw na noong umalis kami ni Dion sa Boothcamp and promise, nami-miss ko 'yong araw-araw na ingay sa boothcamp.

Nakaka-miss makipagpalitan ng ideas kanila Axel and Kendrix, nakaka-miss makitang mag-away sina Gavin at Oli. Buong boothcamp, nakaka-miss.

"Speaking of Professional League, nai-post na kaninang umaga sa page ng Battle Cry ang pag-alis natin nila Liu." he said at ibinaba niya si Forest sa damuhan sa garden at nakipaghabulan siya rito.

"Nai-post na? OMG! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" tanong ko pero wala nang narinig si Dion dahil nakipaghabulan na siya sa pug. "Huy, Dion, 'wag ka ngang lumuluhod sa damuhan. Ang dumi diyan."

"Maliligo naman din ako mamaya." dahilan niya at nakipaghabulan kay Forest.

Ngayon ko maiintindihan na stress-reliever nga talaga ang mga aso. Pinanonood ko lang si Dion na makipaglaro pero napapangiti ako kasi super cute ni Forest kahit ang liit niya pa. May mga times nga na tumatakbo si Forest patungo sa aking direksiyon pero mabilis siyang pinipigilan ni Dion since allergic nga ako. Hmph, KJ.

Hindi ko rin alam na na-post na siya dahil naging busy ako sa pagre-review these past few days. At tsaka, nagbubukas lang ako ng Facebook para manood ng memes (stress reliever).

Kinuha ko ang cellphone ko at dali-daling sinearch ang page ng Battle Cry. Tama nga si Dion, naka-post na ang picture naming tatlo nila Liu and they are wishing us luck with our future journey as a player. As expected, ang lupit pa rin mag-caption ni Aisha. She really knows how to capture the audiences attention.

"Huwag ka na lang magbasa ng comments." Dion said.

Dahil masunurin ako, pinindot ko ang comment box at nagsimulang magbasa ng mga reactions and opinions ng ibang tao— which is totally bad idea.

Napatingin ako kay Dion at napangisi siya. "Kulit mo, eh." Alam niyang binasa ko.

"Sorry, ha, I love all the Battle Cry fans pero may iba talagang feeling Prophet sila sa dami ng hula nila." I explained to him, kinarga ni Dion si Forest at umupo ulit si Dion sa tabi ko.

"You can't blame them. Hindi naman din sinabi sa post ang reason kung bakit tayo umalis, eh. Siyempre magkakaroon sila ng speculations." Tanggol niya.

"Pero ang OA ng speculations nila!"

Ganito lang naman ang mga hula noong ibang tao sa comment section...

Speculation# 1: Sinasabi nila na nagkaroon daw ng away sa loob ng boothcamp ay may mga kumampi kay Axel at 'yong mga umaalis daw ngayon ay ang mga kumampi kay Axel. (Like the heck, nag-iyakan pa nga kami noong umalis si Captain.)

Speculation# 2: May malakas na team na kumukuha sa aming mga umalis at mas malaki ang talent fee na inaalok. (Sanaol na lang. But scratch the talent fee, basta magkaroon lang kami ng panibagong team ang pinoproblema naming dalawa ni Dion. Money is not the main reason why we play.)

Speculation# 3: Nagkaroon ng alitan between Members and Management at may mga gustong baguhin. (Slightly true. Pero hindi naman nagkaroon ng alitan. Maayos kaming nagpaalam kay Sir Greg at wala namang samaan ng loob... Uhm, puwera na lang kay Dion.)

Speculation# 4: Umalis ako sa team dahil maarte daw ako and fine-fake ko lang daw sa public na gusto kong kasama ang buong team. May attitude problem daw ako. Tapos sinasabi nila na pinilit ko daw si Dion na mag-quit. (Dito talaga ako napairap, never naging problema sa boothcamp ang ugali ko. I know laking may kaya ang pamilya namin pero as much as I can ay sumasakay ako sa trip ng lahat.)

Marami pang speculations ang nasa comment section at wala man lang kahit isang tumama sa kanila. Ang nakakatawa pa, marami silang napapaniwala sa mga hula nila.

"Isipin mo, ang arte ko raw!" reklamo ko kay Dion at natawa na lang siya. "Mukha lang akong mataray pero never akong nag-inarte."

"Bakit sa akin ka nagagalit?" he chuckled.

"Nag-e-explain lang."

"At tsaka, people tends to believed on what they see on social media. Hindi ka maarte." seryosong sabi niya na na-touch naman ako.

"Weh? Never mong inisip na maarte ako." Dion paused for a second. "Tingnan mo!"

"Haha! Baliw naisip ko nga na iyan ang first impression ko sa 'yo, mukha kang mataray tsaka maarte. Pero noong nasa kotse na tayo sabi ko naman sa 'yo na chill ka lang kasama." paliwanag niya sa akin. "Kung maarte ka, magpapakaladkad ba ako sa 'yo rito sa Bulacan?"

Napatango-tango ako. "Sa bagay, may point. Pero 'yong dungeon na itinuro mo, gagawin natin?" I asked.

"Kapag game 'yong mga kaibigan mo. I already asked Sandro (Captain of ALTERNATE) at sinabi niya na game lang siyang makipagtulungan sa atin. Message lang daw natin siya kung anong oras." Hindi ninyo mapapabago ang isip ko pero isa talaga ang ALTERNATE sa pinakamababait na team sa Esports. Ang approachable at ang friendly nila sa ibang team.

Our conversation was interrupted noong marinig naming may mag-doorbell. Tumayo ako para tingnan kung sino ang nasa labas.

"Clyde!" bati ko sa kaniya noong makita siya. Nakapambahay lang si Clyde at mukhang napadaan lang sa amin. Well, malapit lang naman siya sa Casa Buena nakatira kung kaya't hindi rin naman kailangang mag-ayos talaga.

"Kumusta ang buhay wala na sa Pro league?" natatawa niyang sabi.

"Epal! Wait ka lang, kuhanin ko lang 'yong notes ko sa taas." Binuksan ko ang gare at pinapasok siya.

"Sino 'yong dumating?" Dion asked pagkagaling niya sa garden.

Nagkatinginan sila ni Clyde at napabaling ang tingin nilang dalawa sa akin. "Bakit nandito 'yan?" sabay nilang sabi. Okay, weird.

"Hindi mo yata naikuwento sa amin na nandito sa bahay ninyo itong si Dion, Milan?" tanong ni Clyde.

"Hindi ninyo naman naitanong, eh." naiiling kong sabi at napangiti. Isa pa, wala talaga akong balak na i-bring up siya sa conversation last time dahil parang mga Kuya London din 'tong silq Clyde... Mai-issue.

"Bakit nandito ngayon 'yan?" tanong ni Dion na parang bini-baby si Forest habang yakap ito.

"Ah, nanghihiram ng notes. Reviewer." I answered. "Bakit ba ang dami ninyong tanong? Hindi ba kayo masaya na nagkita kayo? Last na pagkikita ninyo pa noong Tournament pa."

"M-Masaya." Clyde said.

"Upo muna kayo doon sa bench. Kuhanin ko lang 'yong reviewer sa itaas. Ikaw na lang din mag-send sa GC natin para makapagbasa-basa din sina Shannah." sabi ko at pumasok sa loob ng bahay.

Mabilis ko namang kinuha ang reviewer na ginawa ko kagabi para ibigay kay Clyde. Kapag tapos ko kasi magbasa-basa ay gumagawa ako ng reviewer na naka-itemize lahat ng mga natutunan ko at kung ano ang pagkakaintindi ko sa mga terms, in that way ay nare-refresh ang utak ko. Tapos 'yong reviewer na iyon ay ibinibigay ko kanila Clyde para mas madali nilang maintindihan 'yong lesson.

"Heto," iniabot ko kay Clyde ang mga papel. "One yellow paper per subject. Kapag may hindi kayo maintindihan ay mag-chat lang kayo sa akin. But don't expect na magre-reply ako agad. May inaasikaso din ako sa Hunter Online."

"Noted." Clyde said.

Habang nag-uusap kami ay lumabas si Dad ng bahay at nakita kami.

"Oh, nandiyan ka pala, Clyde. Bakit hindi ka muna mag-merienda sa loob, puwede naman akong magpaluto kay Manang Tessa." Dad said.

Hindi talaga nagkamali si Dion noong sinabi ni niya na um-OA sa hospitality ang pamilya namin. But I guessed, that's the reason why we are blessed? We treated other people as nice as we can.

"Hindi na po Tito," si Dion ang sumagot. "Napadaan lang po talaga si Clyde."

"Sure po, Tito." sabi ni Clyde sa mas malakas na boses. "Kanina pa nga po ako nagugutom."

Ano bang mayroon sa dalawang 'to? Ang weird nila parehas. Is this some sort of boys pride competition at bigla na lang silang naging competitive parehas. Bahala sila, ganiyan din naman sila Kuya Brooklyn paminsan-minsan.

Pumasok kami sa loob ng bahay at pumunt asa Dining area. Naglabas ako ng chips mula sa kuwarto ko habang hinihintay naming maluto ang ginagawang turon at shanghai ni Manang Tessa.

"May naisip na kayo kung anong dungeon ang susubukan ninyong i-beat ang record?" Clyde asked habang kumakain ng Pic-A. "If you still want to stay in professional league, kailangan ninyo agad makahanap ng team. Ngayon lang ang perfect time dahil ngayon ang period na nagre-recruit ng mga bagong team members ang iba't ibang team."

"We want to do the Temple of Cuatal raid." sabi ko sa kaniya.

"Temple of Cuatal? Puro Golems ang nasa dungeon na iyon." he said.

"Itataas natin pare-parehas ang physical defense at attack natin para mabilis nating itong matalo." paliwanag ni Dion. "Kailangan din natin ng support na magbu-boost ng attack natin."

"Oh, kilala mo si Jordan?" tanong sa akin ni Clyde.

Napapikit ako kung sino si Jordan. "'Yong maingay sa kabilang section?" hindi ko sure nasagot.

"Oo." Natatawang sabi ni Clyde. "Magaling na support 'yon. Puwede ko siyang ayain na samahan tayo sa raid."

"Iyon pala! Hindi na tayo ganoon mahihirapan sa paghahanap." Pumapalakpak kong sabi kay Dion.

"Ah, oo, si Jordan." Nakasibangot niyang sabi. "Baka kilala ko."

Natawa ako. "Hindi rin naman kami gaanong close no'n! Sila Clyde ang maraming kaibigan sa ibang section."

Hindi ko nga alam kung paano naging magkaka-close ang mga lalaki sa department namin kasi tuwing nagkakasalubong sila sa hallway ay lagi silang nag-a-apir-an. Tapos nagpapalitan pa sila ng mga sagot sa exam which is bad pero... Ganoon naman sa college, kaniya-kaniyang way para maka-survive.

"So, puwede nating pasukin ang dungeon bukas ng hapon. Let me examine the map first, manonood ako ng live ng Phantom Knights para hindi na tayo mahirapan na hanapin ang Boss Lair. Tapos kayo naman, i-upgrade ninyo ang kaniya-kaniyang weapon and armor ninyo. Kung kinakailangan ninyong bumili ng armor na may mataas na physical defense, kayo ang bahala. Diskarte na ninyo 'yan." mahaba kong paliwanag. "Don't forget na magdala ng extra potions."

Mabagal na napapalakpak ang dalawa at kunot-noo ko silang tiningnan. "Bakit?" I asked.

"Naplano mo na pala agad ang lahat, eh, para ka nang si Axel." natatawang sabi ni Dion. Hindi ko alam kung papuri ba 'yon o pang-asar since may mga times na nag-uutos si Captain Axel na parang boss at may times na napapamangha niya ako sa mga tactical plan niya.

"Parang dati lang, zero knowledge ka pagdating sa Hunter Online pero ngayon mas marami ka ng alam kaysa sa amin." naiiling na sabi ni Clyde. "Nagbago ka na talaga, Milan."

"Chika kayo. Diyan na nga muna kayo. Tutulong ako kay Manang Tessa sa kusina. Gusto ko matutong gumawa ng shanghai." Naglakad na ako paalis at pumunta sa kusina.

Saktong bumaba si Kuya London na mukhang kagigising lang at noong makita niya sina Clyde... Inaya niya itong mag-playstation sa itaas. Hindi ko lang sure kung Tekken or Mortal Kombat ang lalaruin nila dahil iyon ang topic nila kanina.

Dinalahan ko lang sila ng Shanghai at turon sa game room at ako naman ay nanood ng live ng Phantom Knights sa kuwarto ko para maghanda sa Boss Raid na gagawin namin.

PITO kaming nasa harap ng isang malaking gate na papasok sa Temple Of Cuatal Raid. Binubuo ang party namin nina: Rufus (Dion), Klayden (Clyde), Synix (Trace), Tomy (SilverKnight), KnightRider (Sandro), at Cascade (Jordan).

Kung level ang pag-uusapan, walang problema dahil pasok ang lahat sa level requirements. Sana lang ay naayos nila ang mga equipments nila before kami pumasok dito.

"So here's the plan," sabi ni KnightRider. I let Sandro lead the team since mas mag experience siya pagdating sa mga dungeon. "Ang rule kasi sa dungeon na ito ay kailangan mapatay mo muna ang lahat ng monster sa specific room bago kayo makapili ng susunod na room na papasukin ninyo." Tahimik at maigi kaming nakikinig sa sinasabi ni Sandro.

Maloko si Sandro pero kapag dating sa gaming at tactics— hindi maipagkakaila na isa siya sa mga may ibubuga talaga.

"We will attack all the Golem sa isang room all at once. Ang pinakamabubugbog dito ay ang tank since siya ang sasalo ng lahat ng damage mula sa mga Golem. Rufus, make sure na kaya mong i-handle iyon," tumango si Rufus sa sinabi ni KnightRider. "And the next one is ang support. Kailangan ay may mana potion kang baon dito dahil isu-support mo ang buong team para i-increase ang damage nila. And don't forget na i-increase ang defense ni Dion."

"Y-Yes, KnightRider!" nanginginig na sabi ni Cascade na mukhang nai-i-starstruck dahil kasama niya sa iisang quest sina Sandro at Rufus. Mga bigtime players sila ng Hunter Online, eh.

"Ready na kayo?" KnightRider asked. "Tangina, hindi namin bineat ng ALTERNATE ang record nitong boss raid na ito para sa inyo, Rufus. Kapag kayo hindi nakabalik sa Pro league, babangasan ko kayong dalawa." Napangiti ako sa sinabi ni KnightRider. Maloko, always.

Humigpit ang hawak ko sa Wakizoshi sword ko at noong binuksan ni KnightRider ang gate ay dali-dali kaming tumakbo papasok.

Tatalunin namin ang record ng Phantom Knights. Gagawa kami ng ingay ni Dion pagdating sa Hunter Online.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top