Chapter 53: Homely

"AND we are here." Sabi ni Dad. Wow, ilang weeks lang ako nawala sa bahay pero grabe ang pagka-miss ko rito. Na-miss ko 'yong cozy feeling kapag nasa kuwarto lang ako.

Na-miss ko 'yong nakahiga lang ako sa kama, nagbabasa ng libro tapos may hot choco na nakapatong sa mini cabinet. Oh God, ganoong klaseng pahinga ang gusto ko after a long week. Ang daming nangyari sa nakaraang linggo but I don't have any choice but to move forward.

Someday, alam kong maiintindihan nila Oli kung bakit kami umalis ni Dion. Bumaba ako ng kotse para buksan ang gate. Sakto naman na lumabas si Kuya London ng bahay. "Nandiyan na pala ang kapatid kong hindi na professional player." he smirked.

Nilakihan ko ang bukas ng gate para makapasok ang kotse. "Alam mo, epal ka. Kakarating ko lang ay nambubuwisit ka agad, wala man lang I miss you." I rolled my eyes.

"Utot mo." he answered at nakita niyang lumabas si Dion sa kotse. "Hey bro, na-miss kita! Long time no see."

Si Dion ang nagdala ng maleta namin papasok sa bahay. "Nahihiya pa rin ako." bulong niya.

"Baliw, si Dad ang nag-invite sa 'yo rito." Sinamahan ko si Dion sa guest room kung saan siya mag-i-stay. "Ome week ka lang naman dito, uuwi ka rin naman ng Nueva Ecija."

"Awit, excited siyang umalis ako." Naiiling na sabi ni Dion.

"Eh, ano ba? Sabi mo naman talaga one week ka lang rito." binuksan ko ang ilaw at mukhang nalinis naman ang guest room. "Kung gusto mong mag-stay nang mas matagal e 'di mag-stay ka. Hindi ka naman itataboy ng pamilya ko."

"Alam mo, ang OA nang hospitality ng pamilya mo," umupo siya sa kama at tinanggal ang kaniyang relo. "Siguro kapag may nagnakaw sa inyo, baka buong puso ninyo pang tatanggapin. Baka pakainin ninyo pa."

"Nakakatawa 'yon?" I asked.

He just chuckled. "Ah, ngayon lang nag-sink in sa akin na wala na talaga ako sa Battle Cry." he said habang nililibot ang tingin niya sa kuwarto.

"Ang late laging nagsi-sink in sa 'yo ng mga bagay-bagay. Kahit noong umalis si Axel."

"Kailangan ko kasing ma-experience muna first hand bago ako maniwala na nangyayari na talaga." he explained. "Baka maglaro ako mamaya, magpapa-level ako sa game."

"Sama ako!"

"Hindi po puwede," umiiling niyang sabi. "Wala ka pang nababasa doon sa mga pinrint mo noong nakaraan. 'Di ba kailangan mong mag-aral para kamo sa pasukan mo?"

"Oo nga pala." Sa totoo lang ay na-miss ko ng maglaro ng Hunter Online. I mean, last week ay buong linggo akong naglaro pero tournament naman iyon; may pressure.

Gusto kong maglaro naman ulit ng chill lang. 'Yong walang pressure iyakan kapag natalo.

"Mag-review ka muna." sabi niya sa akin at ibinagsak ang katawan sa kama.

"Okay lang 'yang pisngi mo?" tanong ko. Maputi si Dion kung kaya't visible ang pasa niya sa mukha.

"Ah, ito ba?" hinawakan niya ang kanyang pisngi at napa-aray dahil sa sakit. "Wala 'to. Suntok lang 'to, mas nasaktan ko sila emotionally. Mas masakit 'yon."

I know this is heavy for Dion. Pero sinusubukan niyang maging okay... Wala naman kaming choice, we need to move forward.

"Ayusin ko lang 'yong gamit ko sa kuwarto." Paalam ko sa kaniya. Nag-thumbs up siya at lumabas na ako ng guest room.

Mula sa sala ay napatingin ako kay kuya na may hawak na aso— it's a pug. He waved it's little paw. "Mainggit kang hampaslupang nilalang na bawal humawak ng aso."

"Epal ka Kuya! Kaninong aso 'yan? Sa 'yo! OMG! Napaka-cute!" gusto kong lapitan 'yong pug kaso ayoko rin naman mangati mamaya dahil sa allergy. Pero ang cute noong pug! Ang liit niya pa (hula ko ay 2 months old pa lang ito).

"Sa akin. Binili ko. His name is Forest." My brother told me. "Ahhh may allergy, 'di makahawak ng aso. Kumain na ba kayo ni Dion? Magpapaluto ako kay Manang Tessa." tanong ni Kuya.

"May kasambahay na tayo?"

"Ah, nagpaalam na ako kay Mom na kukuha na ako. Hindi ko rin maasikaso ang bahay sa dami nang ginagawa ko. May consent din ni Kuya Brooklyn kung kaya't malaya na akong maging tamad."

Ipinasok ni Kuya si Forest sa kulungan. Napaka-cute talaga ng pug kahit parang ang grumpy-grumpy ng hitsura nito. It is a fawn pug (ayon kay Kuya), hindi rin ito puwedeng pabayaan sa bahay dahil nga naglalagas ang balahibo nito at baka umandar ang allergy ko kung kaya't lagi daw itong ikukulong o kaya naman ay pakakawalan lang kapag nasa kuwarto ni Kuya.

Kuya introduced me to Manang Tessa. She's an 40 year old woman na kulot ang buhok at medyo may kaliitan.

"Ano pong ipaluluto ninyo, Ma'am?" tanong niya sa akin.

"Milan na lang po. Huwag na ninyo akong i-Ma'am, nakakahiya." napatawa si Manang Tessa. "Paluto naman po ng fries for snack. At tsaka egg sandwich."

"Para sa inyo pong dalawa ng boyfriend ninyo?" she asked.

"Si Kuya London nga ang nag-hire sa inyo. Ma-issue ka rin po." natatawa kong sabi. "Kaibigan ko lang po 'yon, makikitira rito ng ilang araw pero uuwi din sa probinsiya niya next week."

"Sorry po."

"Okay lang po."

Saglit kong inayos ang mga gamit ko sa kuwarto ko. Wala naman nabago sa bahay and I missed this calm feeling. Kapag nasa bahay talaga ako ay nare-relax ang utak ko.

Dala ko ang mga pinrint kong babasahin at stabillo para mag-highlight. Nakita ko si Dion na pinapakain ng dog food si Forest.

"May naiinggit, hindi ko na lang papangalanan kung sino." Dion chuckled.

"Alam ninyo, napaka-epal ninyong lahat." Umupo ako sa sala at nilapag sa center table 'yong mga babasahin ko. "Nagpaluto ako ng fries. Magsabi ka lang kay Manang Tessa kung may iba ka pang gusto."

"May kasambahay na kayo?" he asked pero na kay Forest lang ang ayensiyon niya.

"Kumuha daw si Kuya. If I know, tinatamad lang talaga 'yong maglinis ng bahay." naiiling kong paliwanag.

Bumaba si Kuya London at nakita niya si Dion na nilalaro si Forest. "Huwag ninyong bibigyan ng fries 'yan, bawal sa kaniya 'yon." he reminded us. Siguro kung may maganda man naidulot ang pag-aalaga ni Kuya ng aso ay nagkakaroon na siya ng sense of responsibility (thank you, Lord).

"Magkano bili mo?" Dion asked.

"Kay Forest?" Dion nodded. "30k dapat pero kaibigan ni Dad 'yong nagbenta noong aso kaya nakuha namin ng 25k lang. Ilang araw akong sumipsip kay Dad para mapilit siyang mag-aalaga ako ng aso."

Hinayaan kong mag-usap si Kuya at si Dion. Mas focus ko ngayon ang pagbabasa ng introduction sa Statistics. Inaral ko na rin kung paano mag-solve gamit ang mga formulas, mas okay nang mag-advance reading ako para naman hindi ako mukhang nganga lagi kapag discussion sa school.

Nakaupo lang si Dion sa kabilang couch habang nanonood ng Netflix at dumating na 'yong fries and egg sandwich.

"Anong episode ka na sa Mr. Queen?" he asked.

"Thirteen." tipid kong sagot. "Anong episode ka na ba?"

"Eleven. Makakahabol na ako."

"Kapag mas nauna kang manood sa akin ng episode Fourteen. FO na tayo." Banta ko sa kaniya.

After kong maaral ang buong introduction ng Statistic ay nagkaroon ako ng short break.

"Si Kuya?" tanong ko.

"Matutulog. Nightshift daw siya." Dion answered. Pinause niya ang kaniyang pinapanood. "Alam mo, ngayong wala na tayo sa Battle Cry, kailangan nating gumawa ng ingay sa game para makuha ang atensiyon ng ibang squad para kuhanin tayo. Especially ngayon, contract renewal ng maraming team. Perfect timing to impress them."

"E 'di magbo-boss dungeon tayo tapos hahanap ng mga hidden quest?" tanong ko kay Dion at tumango siya. "Sama natin sina Clyde kapag nag-quest tayo."

"G lang. Sama natin barkada mo sa quest." sabi ni Dion sa akin. "Puwede rin tayong mag-import muna sa ALTERNATE, tutal bakasyon din naman nila panigurado. Kapag nag-boss raid tayo, hindi lang natin dapat basta-basta iki-clear ang dungeon. We need to beat the record of that specific boss dungeon para ma-announce tayo sa buong game. Kapag ganoon ang nangyari ay matatawag natin ang pansin ng mga head hunter ng iba't ibang team."

Nilaro ko ang stabillo sa aking daliri. "Balik talaga tayo sa square one."

"Not really back to square one. We got each others back now." nakangiting sabi ni Dion

Sa mini break ko na iyon ay nag-chat ako sa group chat namin nila Shannah na balik Bulacan na ako and ang una nilang sinabi ay mag-meetup kami. Of course, I missed my friends, pumunta naman sila noong tournament week namin pero hindi ko sila nakaka-bonding nang matagal dahil sobrang busy namin sa mga matches.

"Magkikita kami nila Shannah mamayang hapon, sama ka?" tanong ko sa kaniya noong mabasa ko ang chat ni Shannah. "Treat ko."

"Hindi na muna." he answered.

Napasibangot ako at natawa si Dion. "Kamukha mo si Forest kapag gumaganiyan ka."

"Epal." I rolled my eyes. "Bakit hindi ka sasama?"

"Baka masira ko lang ang mood." sagot niya at nagpatuloy sa panonood. "This is not a really good day for me."

Hindi na ako nangulit. Knowing his personality, kapag ayaw niya ay ayaw niya talaga. The last time na pinilit ko lang si Dion ay nag-away lang kami. At tsaka, naiintindihan ko naman na masakit pa rin sa kaniya ang mga nangyari kahapon. He is not in good terms with his bestfriends.

"Sa starbucks kami magmi-meet, baka may gusto ka na lang na cake?" tanong ko. "Takeout na lang ako."

"Classic Chocolate Cake." he answered. "Isang buo, ayoko ng slice lang."

"Gaga. Mahal 'yon."

***

"Bakla! Na-miss kita!" Shannah said as soon as she came at mahigpit akong niyakap.

"Ahhh, late na naman," pang-aasar ni Tomy.

"Kausap ba kita? At tsaka excuse me! Shoutout naman talaga sa mga officials dito sa Malolos... buwan-buwan yatang sinisira ang mga buong daan, my God!" nai-stress na sa ni Shannah at umupo sa bakanteng upuan. "Ang init. Um-order na kayo?"

"May nakita ka ba sa lamesa?" Trace smirked.

"Sabi ko nga hindi pa. Kailangan mamilosopo." Umirap sa ere si Shannah. "Tomy, order ka naman."

Na-miss ko 'tong ganitong pag-uusap namin. This Summer Vacation, parang napakadaming nangyari sa akin sa dalawang buwan na bakasyon namin.

"Huwag kayong mahiyang um-order, sagot ng milyonarya nating kaibigan ang kakainin natin ngayon," natatawang sabi ni Shannah. "Kumusta naman ang bestfriend kong professional player?"

"Ex-professional player." sabay na sabi ni Tomy at Trace.

"Ha? Bakit? Kailan pa? Bakla ka! Bakit ka nag-quit? Paano ako makakukuha ng libreng tickets sa susunod na match?" Sunod-sunod na tanong ni Shannah.

"Isa-isa lang naman ang tanong. Um-order muna tayo. Gutom na ako." I said to them.

"Ako na ang o-order." Clyde said.

Kinuha ni Clyde isa-isa ang mga order namin at kinumusta ko sina Shannah sa mga ganap nila sa buhay. Sabi ni Shannah ay nagiging busy siya sa pag-e-edit niya ng manuscript lalo na't malapit na ang deadline niya. Hindi ko talaga in-expect na magiging published writer na siya soon.

"Hulaan ninyo kung sino ulit prof natin sa Funda," naiiling na sabi ni Trace habang tinitingnan ang sched namin sa phone niya. Ang lapit na rin kasi ng pasukan, God, na-miss ko ng ma-stress sa acads.

"Ma'am Carcosia?" tanong ni Tomy.

"Oo, siya na naman. Tatlong sem na natin 'tong professor 'to. Gagi last sem muntik pa akong hindi pumasa, binabaan lang ang passing rate, eh," Trace explained to us. "Nakakakaba kapag ito professor mo sa major subject, eh. Parang anytime isi-singko ka, eh."

"Magaling naman siya magturo, ah." sabi ko.

"Para sa inyong matatalino magaling."  reklamo ni Tomy. "Ang hirap-hirap ng mga subjects tapos shino-shortcut pa nila 'yong solving sa blackboard kapag nagtuturo. E 'di lalo kaming walang naintindihan na mga bobo."

Honestly, gusto ko 'yong teaching style ni Ma'am Carcosia (hindi ko alam kung bakit marami akong classmates na inis sa kaniya).

"Okay lang 'yan mga 'te. Laging binababaan ni Ma'am Carcosia ang passing rate. May malasakit pa rin siya sa mga bobo." Shannah said.

Dumating na si Clyde at inilapag sa lamesa ang mga order namin.

Ayon, sinimulan ko nang ikuwento sa kanila na umalis na ako sa Battle Cry. Pero hindi ko na sinabi kung ano 'yong reason. Ang dahilan ko na lang ay conflict with the management. Ayoko pa rin naman siraan ang Battle Cry sa laki ng naitulong nito sa akin as a player. May mga play style akong natutunan na sa kanila ko pang nakuha.

"Pati si Dion, umalis?" tanong ni Shannah at tumango ako. "Kawawa naman ang crush number 9 ko."

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba crush number 6 mo siya?" natatawa kong tanong.

"Bumaba na siya sa hierarchy ng mga crush ko. Dumaan ang summer vacation, marami akong pogi na nakilala kung kaya't nabago ang ranking ko." natawa ako sa paliwanag ni Shannah.

"So meaning, parehas kayong walang team ni Dion ngayon?" Clyde asked.

"Oo."

"Pero ipu-pursue mo pa rin ba ang Esports o back to manang ka na ulit na puro libro ang kaharap?" tanong ni Trace.

"Ganoon ba ka-nerdy ang tingin mo sa akin?"

"Oo." Sabay-sabay nilang sagot at isa-isa ko silang tiningnan.

"Wow, friends, salamat sa suporta. Damang-dama ko." napairap ako sa ere at natawa sila. "Gusto kong i-pursue pa rin ang Esport. Noong nag-compete ako sa mga tournament, parang habang tumatagal ay gusto ko ng manalo sa buong tournament. I want that to happen, gusto ko pang lumaro."

"Mas malakas ka na nga sa amin ngayon, eh!" pabirong sabi ni Tomy.

"Baliw, hindi! Na-train lang ako pero depende kasi sa kakampi ang nagiging performance ko sa laro." paliwanag ko sa kanila.

"Pa-humble ka pang bakla ka." Naiiling na sabi ni Shannah.

"So you guys are looking for a new team?" tanong ni Clyde at napasandal siya sa kanya inuupuan. "Kay Dion, walang magiging problema. He have a good record in Esports, may team na paniguradong kukuha sa kaniya. Ikaw ang medyo magkakaproblema dahil wala ka pang ganoong kataas na credibility sa Professional League."

"Kaya nga ang binabalak ko ay gumawa ng ingay sa gaming world ulit para makuha ko ang atensiyon ng iba't ibang head hunters, eh."

"May upcoming event sa Hunter Online na ilalabas next week. If you want to create some noise, kailangan mong i-dominate ang event na iyon."

Oh nabasa ko siya once sa website ng Hunter Online pero hindi ko in-expect na next week na iyon.

"Game of Deceiver event." sabi ni Trace.

Ayon sa nabasa ko sa forum ay magkakaroon ng malalakas na Chimera monster na bigla-bigla na lang susulpot sa iba't ibang panig ng Hunter Online World. It will be a strong type of Chimera.

Kaya game of deceiver ay maaaring mag-drop ang monster na ito na limited type of items o kaya naman ay wala silang drop kahit isang gold. Game of luck, kumbaga.

Napangiti ako at napatingin ako sa Kulokoy boys. "Tutulungan ninyo naman ako, hindi ba?" tanong ko.

Paniguradong maraming professional player ang sasali sa event na ito kung kaya't hindi magiging madali ang event na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top