Chapter 52: Part ways
Twitter hashtag: #HunterOnline (capital H and O)
MY CONVERSATION with Sir Greg ended at naging firm ang decision ko na hindi ako magsa-sign ng contract. Sir Greg still thanked me sa lahat nang nagawa ko para sa Battle Cry at hinihiling niya na sana ay magtuloy ako sa gaming dahil nakikita niya raw na malayo ang mararating ko as a gamer.
Honestly, hindi ako galit sa management (knowing their side), may mga circumstances lang talaga na nagpagulo sa sitwasyon. The management are just doing their best para masiguradong makukuha ng Battle Cry ang kampionato sa mga susunod na tournament... Unluckily, I will not be part of those dream anymore.
"Kumusta ang pag-uusap ninyo ni Sir Greg?" nagulat ako noong tinanong ako ni Oli habang nanonood siya ng Avengers sa sala.
I didn't know how will I say it. Tama nga si Axel, mahirap humanap ng perfect timing para sabihin sa kanila ang tungkol dito. I kinda understand why Dion chose not to talk.
Ayokong saktan sina Oli, si Gavin, si Renshi, si Kendrix... Ayokong saktan ang buong grupo.
"Okay lang, pahinga muna ako sa room ko." umakyat ako sa second floor at nakasalubong ko sa hagdan si Aisha.
"Huy, gaga ka, bakit ganyan 'yang hitsura mo?" she asked.
Hindi ako nagsalita. Mahigpit kong niyakap si Aisha, I badly need comfort.
"M-May problema ba? May nambastos ba sa 'yo dito sa Boothcamp? Sabihin mo kung sino, kukurutin ko sa bayag ang gagong 'yon." tuloy-tuloy niyang sabi.
Umakyat kaming dalawa ni Aisha sa roof deck.
"I... didn't sign my contract."
"Oh, nahihirapan kang sabihin sa kanila?" napaangat ako nang tingin at nakangiti sa akin si Aisha. "Your face earlier say it all."
"Hindi ka galit sa decision ko?" tanong ko sa kanya.
"Why would I? Alam kong may dahilan ka sa pag-alis mo. Bakit ka mag-i-stay sa isang lugar na alam mong hindi ka na magiging masaya?" she asked at hinawakan niya ang kamay ko. "Okay lang 'yan. Sabihin mo sa kanila ang desisyon mo, they are your friends. Kung hindi nila tanggap ang decision mo... E 'di, putangina nila. Ang bo-bobo mag-isip. Ganoon lang 'yon."
Walang palya na si Aisha ang isa sa mga taong nakapagpapatawa sa akin dito sa Boothcamp.
"Natatakot ako. Nakita ko kung paano sila magalit at malungkot sa pag-alis ni Captain Axel." Malinaw pa sa isip ko 'yong scenario na iyon.
"Well, maybe, that will be their initial reaction. Pero normal naman 'yon. Sooner ay matatanggap nila ang pag-alis ninyo ni Dion."
My brows crunched. "How did you know that Dion will also leave?"
"Ako ang mag-e-edit ng mga picture ninyo to announce sa fans na aalis na kayo. From time-to-time ay ina-update ako ni Sir Greg." Napatango-tango ako sa paliwanag ni Aisha. "But don't worry. Wala akong pinagsasabihan na kahit sino. Hindi ko kayo aagawan ng spotlight at ia-announce sa buong boothcamp ang pag-alis ninyo. Sa inyo 'yan, sabihin ninyo sa kanila 'yan."
Malambing akong ngumiti kay Aisha. "Mami-miss kita."
She rolled her eyes. "Bakla, same! Ikaw lang kaya ang matino kakuwentuhan dito. Basta, chat-chat pa rin tayo, ha. Kung may kailangan kang ipa-edit, sa akin ka pa rin lumapit. Bibigyan kita ng discount sa rate ko."
Matapos naming mag-usap ni Aisha ay bumalik na ako sa room ko. Nakadapa si Dion sa kama habang nag-i-scroll sa feed niya.
"Wow, kuwarto mo?" I asked him at umupo sa swivel chair.
Malalim akong napabuntong-hininga.
"Lalim no'n ah?"
"Hindi rin ako nag-sign ng contract." Diretso kong sabi sa kanya at nabitawan ni Dion ang phone niya.
"Aalis ka ng Battle Cry? Anong nakain mo, Milan?" Kunot-noong tanong ni Dion at napaupo sa kama. "D-Dahil ba naaawa ka sa akin? You don't need to go that far!" he shouted.
"Hindi mo kailangang maawa sa akin Milan! Kaya kong humanap ng team para sa sarili ko. Kailangan ka ng Battle Cry!" sunod-sunod na sabi ni Dion. I know him well, in-expect ko nang hindi magugustuhan ni Dion ang naging desisyon ko.
"I made my decision, hindi dahil naaawa ako sa 'yo." seryoso kong sabi kay Dion.
"Milan, hindi ko nga alam kung paano tatanggapin nila Oli kapag nalaman nilang aalis ako? Tapos aalis ka rin?." Napatayo si Dion at pabalik-balik. "Kausapin mo ulit sina Sir Greg."
Pinilit akong hinatak ni Dion patayo sa swivel chair. "Milan kausapin mo sila. They can still change their mind. Mag-sign ka ng contract.
"Ayoko." sabi ko at inaalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Dion.
"Milan!" he shouted angrily.
"Ayoko, Dion!" sigaw kopabalik at naluha na ako. "Hindi ako magsa-sign ng contract kapag wala ka. I know it sounds selfish. Hindi ako mag-i-stay sa isang team kapag wala ka." dire-diretso kong paliwanag.
He sighed. "Milan, naririnig mo ba ang sarili mo ngayon? Ang immature mo."
Umangat ang tingin ko sa kanya at pinahid ang luha ko. "A-Ano?"
"Ang immature mo." he seriously said. "Dahil lang aalis ako ay aalis ka na rin? Milan, magkikita pa rin tayo sa mga tournament. Hindi naman ako magku-quit sa gaming."
Tumayo ako at marahang hinampas ang kanyang dibdib. "Sorry kung immature ako, ha! Ikaw na palaging tama! Sige, ikaw na! Ako na 'yong gumawa ng tatanga-tangang desisyon!"
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Dion. Umupo siya sa kamat at ginulo ang kanyang buhok. "Milan, bakit kasi aalis ka rin? Mas pinasasakit mo lang 'to para kanila, Oli, eh."
"Dion, ikaw ang unang tao na naniwala sa akin na kaya kong lumaro sa professional league kahit babae ako. Ngayon, ako ang unang tao na naniniwala na kaya mong maging champion kahit tinalikuran ka ng team." seryoso kong sabi at napakuyom sa aking kamao at iniiwasan na sumabog ang emosyon ko.
"Gusto kong makita na magawa mo ang bagay na iyon, Dion. Immature na kung immature. Kung nawalan ng tiwala sa 'yo ang Battle Cry... Wala na rin akong tiwala sa grupo." mahaba kong litana.
"Milan, hindi mo kailangang sumunod sa akin..."
"Desisyon ko 'yon, Dion. Gusto ko ay nasa tabi mo ako kapag nanalo ka sa buong competition." paliwanag ko sa kanya.
Napaangat ng tingin sa akin si Dion. Tumayo siya at mahigpit akong niyakap. He cried this time.
"Tinanggal ako sa grupo," he said habang binabaon sa aking balikat ang kanyang mukha. I let him cry this time, alam kong kahapon pa pinipigilan ni Dion na bumuhos ang emosyon niya dahil ayaw niyang masaktan ang grupo. He really care about Battle Cry kahit na tinanggal siya. "Pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon at tinanggal lang nila ako."
I let him cry at hinayaan ko lang siya na sabihin niya ang mga bagay na gusto niyang sabihin.
Sa tingin ko, kapag si Dion ang kasama ko ay okay lang na maging mahina ako dahil maiintindihan niya ako. Vise versa.
Ilang minutong umiyak si Dion bago nanaig ang katahimikan sa kuwarto ko. Nakaupo kami sa kama. "Sabihin na natin sa kanila ang pag-alis natin." He said. "Huwag mo nang sabihin na tinanggal ako sa grupo... Ayokong madurog lalo ang pride ko. Iyon na lang ang pinanghahawakan ko ngayon." He chuckled.
"Sorry sa mga nasabi ko kanina." Sabi niya sa mas malumanay na tono. "Hindi ko lang alam kung paano ko ite-take 'yong sinabi mo sa akin. Naging sensitive ako dahil sa kontrata."
"Sorry rin." I answered.
Humiga siya sa kama at ginawang unan ang kanyang kamay. "Alam mo... Itong Battle Cry na ito, pangarap ko 'to."
"They are my first team noong pumasok ako sa professional league. Ang sabi ko sa sarili ko, dadalahin ko itong grupo na ito hanggang sa championship." Dion is just smiling while staring at ceiling. "But reality always sucks. Sinampal ako nito na hindi lahat ay aayon sa gusto kong mangyari."
"Noong sinabi ni Sir Greg na hindi na niya ire-renew ang kontrata ko. Tumigil panandalian ang mundo ko, eh. Naisip ko kung may tatanggap pa sa akin, paano na ang pamilya ko, paano ang buong grupo. But of course... I just need to accept it. Iniisip ko na lang na sa bawat laban ay ibinigay ko ang lahat at wala dapat akong pagsisihan."
"Galit ka sa management?" Tanong ko.
"Hindi." Dion answered. "In management perspective, naiintindihan ko ang sitwasyon ng Battle Cry. They are just doing their job. Paniguradong utos lang din ng Boss ang mga pagbabagong 'to."
Isa sa mga gusto kong katangian ni Dion ay lagi niyang iniintindi ang mga nangyayari sa iba't ibang perspective. Naintindihan niya rin si Axel, si Liu, at ngayong tinanggal siya ay naintindihan niya rin (although nasaktan siya).
Umupo ulit si Dion at nag-indian sit sa tapat ko. "Milan, mag-promise ka sa akin na hindi ka magsisisi sa desisyon mo." he raised his pinky finger.
"Mag-promise ka rin na hindi mo na kukuwestiyunin ang naging desisyon ko." I raised my pinky finger.
We made a promise at mahinang natawa.
Malalim na nagbuntong-hininga si Dion at tumayo. "We need to announce our departure today." Tumayo ako. "Nararamdaman kong hindi magiging okay 'tong pag-uusap na 'to. Maging ready ka na lang." sabi ni Dion at tumango ako.
Sa totoo lang ay pagkalabas namin ng room ay grabe ang kaba ng nararamdaman ng puso ko. I don't know kung paano tatanggapin ng team ito.
Pagkarating namin sa sala ay sinabi niya kay Kendrix na pababain ang lahat ng members sa sala.
"Bakit kailangan kaming tipunin sa sala?" Kunot-noo tanong ni Gavin. "Akala ko ba maayos ang naging pag-uusap ninyo ni Sir Greg?" Of course, Gavin is not that dumb to notice na may kakaiba sa biglaang pagtatawag ng mga members dito.
Dion tried to chill him down. Hinawakan niya sa braso si Gavin at pilit na pinauupo sa couch. "Mamaya na Gavin, hintayin muna—"
"Hindi!" marahang tinanggal ni Gavin ang kamay ni Dion sa braso niya. "May mali rito. Bakit tatawagin ninyo lahat ng members dito?" His voice started to crack. "Tangina, hindi ba matatapos 'to?"
"K-Kalma, dre," Oli said pero maging siya ay nag-aalala na rin. Ayokong-ayoko talagang nasasaktan ang mga kaibigan ko. "Baka naman sasabihin lang nila ang relationship status nila, ganyan."
"Oliver! Huwag mo ngang pagmukhaing tanga ang sarili mo!" sigaw ni Gavin at pilit na inihaharap ang mukha ni Oli sa amin. "Mukha bang iyon ang sasabihin nila?! Huwag ka ngang magtanga-tangahan!"
Pagkababa ni Kendrix ay pilit niyang pinakakalma sina Gavin. Napatalikod ako at pinahid ang aking luha. Hindi ko gustong makagawa ng ganitong klaseng gulo.
"Aalis 'yang dalawang 'yan!" Gavin tried to walk towards our direction pero mabilis siyang napigilan ni Kendrix. "Tangina, iiwan din tayo ng dalawang 'yan!" Nanginginig ang ibabang labi ni Gavin habang namumuo ang luha sa kanyang mata.
"Listen to them first." Kendrix said pero natunugan niya na rin ang sasabihin namin.
"Guys," Dion smiled at pinahid ko ang luha ko.
"Iiwan ninyo rin kami?" Renshi said in serious tone.
Dion sighed. Ilang segundo ang katahimikang nanaig. Nandito ang lahat ng members at maging si Sir Greg ay napalabas mula sa kanyang office dahil sa lakas nang ingay namin sa sala.
"Yeah. Plano namin ni Milan na umalis ng grupo." Finally, Dion said it.
Alam kong may pakiramdam na sila Oli sa sasabihin ni Dion pero kitang-kita ko sa mga mata nila na nasaktan sila. "Tangina, pati kayo, aalis?" Oli asked. "Putangina, magsi-alisan na lang kayong lahat!"
Hinagis niya ang throw pillow sa aming direksyon. "Putangina, magsi-alisan na kayong lahat! May susunod pa ba? Sabihin ninyo na!"
I don't know what will I say.
"B-Bakit?" Kendrix asked. "May galit ba kayo sa akin? Hindi ninyo ba ako gusto as a Captain? Sabihin ninyo lang... Hindi ko tatanggapin ang posisyon."
"H-Hindi ganoon." pagputol ko.
Dumating na sa punto na kinukuwestiyon ng bawat isa ang kakayahan nila dahil sa nangyayari.
I kinda understand why Dion chose not to tell to them na tinanggal siya sa grupo.
Sa Hunter Online magaling si Dion. Pride niya iyon. Hindi niya kayang sabihin sa lahat na tinanggal siya dahil may nahanap na mas magaling sa kanya.
"We both came up with a decision that we will leave the group," Dion calmly explained. As much as he can, ayaw ni Dion na gawing emosyonal ang pamamaalam namin.
Nagkatinginan kami ni Sir Greg and he mouthed sorry. Hindi rin siya natutuwa na makitang nasa ganitong sitwasyon ang grupo pero wala siuang choice... Kinakailangan niya ring gumawa ng desisyon para hindi tuluyang mawala ang Battle Cry sa mundo ng Esports.
"Ganoon na lang 'yon?" Gavin shouted! "Napagdesisyunan ninyong dalawa na huwag ng mag-renew ng contract? Ganoon lang kadali sa inyo 'yon? Mababaw lang ba para sa inyo ang pinagsamahan natin?"
"Dahil ba 'to kay Milan?" Oli asked furiously. Tumingin sa akin si Oli. "Milan, kung aalis ka, huwag mo nang isama si Dion. Naiintindihan ko na lagi kayong magkasama pero pangarap namin 'to. Nangako kami na magcha-champion kami ng magkakasama." kunot-noo na sabi ni Oliver
Ito ang unang beses na sinigawan ako ni Oli. He is the baby of the group kung kaya't kahit maloko siya ay tinatrato niya ang lahat ng may respeto. Pero ngayon, ngayon ko pang nakita na ganito kagalit si Oli.
"Hindi ko iiwan ang Battle Cry. Dadalahin ko sa Championship ang grupong 'to ng walang tulong ninyo." Oliver proclaimed.
"Desisyon ko 'to. Labas si Milan dito." Seryosong sabi ni Dion.
"Eh putangina ka pala, eh!" Napabitaw si Kendrix kay Gavin at malakas niyang tinulak si Dion. Napaupo si Dion sa sahig at muntik pang mabasag ang mga vase na naka-display malapit sa TV.
"Gavin! Tama na!" Coach Robert shouted at pumagitna sa dalawa. "Dion, umakyat muna kayo."
Tinulungan ko si Dion na makatayo. "Napaka-selfish ninyong dalawa. Ang selfish ninyo!" Gavin shouted.
Sumagi na sa isip ko na mahihirapan ang buong Battle Cry sa desisyon namin na pag-alis sa grupo pero hindi ko naman in-expect na ganitong klaseng gulo ang mangyayari.
Of course, ang roommates niya ang pinakanasaktan sa pag-alis ni Dion. Mataas ang pangarap na binuo nila ng magkakasama at alam kong pakiramdam nila ngayon ay iniwan sila ni Dion sa ere.
It's not even Dion's fault, hindi niya rin gustong matanggal sa grupo.
Pumasok kami ulit ni Dion sa room ko at pagkasarang-pagkasara ko ng pinto. Doon na tuluyang umiyak si Dion.
Pinagmamasdan ko pa lang siyang unti-unting nagbe-breakdown ay parang binabasag na rin ang puso ko ng paunti-unti.
I will not ask if his okay. Definitely not.
Tuloy-tuloy ang luha ni Dion at sinuntok ang pader. I tried to calm him down pero walang tigil ang luha sa kanyang mata. He tried to act in front of everyone na okay lang siya at hindi siya apektado... Pero sa totoo lang ay si Dion ang pinaka naapektuhan sa sitwasyon.
"Ang walang kuwenta kong kaibigan..." Dion said at niyakap ko siya upang mapigilan siya. "Iniwan ko sila, Milan. Iniwan ko sila."
"Wala kang kasalanan." I tried to console him.
"Sabay-sabay kaming nangarap nila Oli. Iiwan ko lang sila. Tangina, ang walang kuwenta ko." he smirked and cried. "Bakit ba kasi hindi ako magaling?"
"H-Hindi totoo 'yan, Dion. Magaling ka. Malakas ka. Isa ka sa mga players na tinitingala ko." Which is true, hindi man napapansin ng lahat pero maraming input si Dion sa mga plano namin na nagkakaroon ng impact sa team fights.
Tumingin sa akin si Dion at hindi ko maiwasang maluha. His expression say it all. "H-Hindi ko na alam kung paano ko haharapin sila Oli ulit."
Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Dion dahil kahit ako... Sobrang nasasaktan sa nangyayari. Pero ang akin lang... Ayokong iwanan si Dion.
Ipinangako ko sa sarili ko na nasa tabi ako ni Dion kapag itinaas niya ang trophy sa harap ng libo-libong tao. Naniwala si Dion sa akin na may future ako sa karerang ito, maniniwala rin ako kay Dion na magagawa niyang mag-champion kahit tinalikuran siya ng management ng Battle Cry ngayon.
Ilang minuto kaming nakatahimik sa loob ng silid. Pagod na pagod na kami sa nangyayari nitong mga nakaraang araw.
"Saan mo binabalak mag-stay pagkaalis mo sa boothcamp?" tanong ko kay Dion.
He is just staring on the floor blankly. "Hindi ko pa alam. Next week pa ako uuwi sa probinsya namin. Baka nga hindi na... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kanila Nanay na baka hindi ko magawa 'yong dream house namin."
"May mga team na magtitiwala pa sa 'yo." seryoso kong sabi. "Ikaw si Rufus. And Rufus made a name in gaming world, they can't waste your talent. 'Yong dream house, 'yong paupahan... Magagawa mo pa iyon. Naniniwala ako."
"Unluckily," nailing si Dion at malungkot na napangiti. "Battle Cry wasted me. Bukas na bukas din, aalis na ako ng Boothcamp. Wala na akong lugar na ito. Ikaw, anong plano mo?"
"Honestly," niyakap ko ang aking tuhod. "Hindi ko rin alam. Pero gusto kong i-pursue ang pagiging professional player. Sasali ako sa isang team kung kasali ka."
"Paano kung ikaw lang ang kinukuha nila?" he asked.
"I will decline." mabilis kong sagot kay Dion.
"Ang immature." natawa si Dion at ngumiti sa akin. "Pero gusto ko 'yong idea. Immature na kung immature pero hindi rin ako magsa-sign ng contract kung hindi ka kukuhanin."
"Saan ka matutulog ngayon?" tanong ko.
"Sa room namin."
"Paano sila Oli?"
"Ako na ang bahala. Kailangan ko rin naman sila kausapin." Tumayo si Dion at nagbuntong hininga.
"Milan," Napatingin ako sa kanya ngunit hindi ko makita ang kanyang ekspresyon dahil nakatalikod siya sa akin.
"Bakit?"
"Salamat. Ang dalas man nating mag-away sa walang kakuwenta-kuwentang bagay pero salamat kasi wala kang balak na sukuan ako." he said.
"Salamat sa tiwala mo sa kakayahan ko." sagot ko. Lumabas na si Dion sa kuwarto ko at nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid.
Hindi ko na alam kung paano ang mangyayari sa journey ko bilang professional player. I slipped the chance na mapabilang sa Battle Cry. Kumpara kay Dion, mas maliit ang tiyansa na may kumuha sa akin dahil bagong player lang ako, hindi pa ganoon kalaki ang napatutunayan mo pagdating sa professional league.
Tiningnan ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang tao na pakiramdam ko ay kayang magpagaan ng loob ko.
"Hello, Dad..."
***
Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Dion para umalis sa Boothcamp. Pinagmasdan ko sa huling pagkakataon ang kuwarto ko.
This is a memorable place, kahit ang liit lang ng kuwarto na ito. Dito madalas tumambay sila Oli, maraming bagay kaming napag-uusapan sa lugar na ito. Ilang movies din ang natapos namin dito. But now, I will leave this place... Hindi na namin magagawa nila Oli ang bagay na iyon.
Hinatak ko ang maleta ko papalabas. Pagsara ko ng pinto ay napatingin ako sa may hagdan at nakatayo si Dion. May pasa siya sa kanyang kanang pisngi. I guess their conversation doesn't end well.
He smiled. "Late pa rin hanggang sa pag-alis."
Hinatak ko ang maleta ko patungo sa kanyang direksyon. "This is really a goodbye for this place." Hindi ko makapaniwalang sabi.
Of course, hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Bumaba na kaming dalawa ni Dion sa ground floor... Walang tao sa ground floor, walang tao na maghahatid sa amin sa papalabas namin sa Boothcamp.
Pinagmasdan ni Dion sa huling pagkakataon ang buong ground floor. Malungkot siyang ngumiti at yumuko.
"Battle Cry, maraming salamat sa lahat!" he shouted kahit walang ibang tao ang nakakarinig.
Yumuko rin ako. "Salamat sa lahat, Battle Cry."
Naglakad na kami ni Dion papalabas at sa labas ay naka-park ang kotse ni Dad para sunduin ako.
Mahigpit kong niyakap si Dad noong makita siya. "Kumusta ang prinsesa ko rito? Na-miss ka na namin sa bahay." sabi ni Dad.
"Ako rin po." sagot ko.
Si Dion ang naglagay ng maleta ko sa likod ng kotse. "Ikaw, Dion, saan mo binabalak na pumunta ngayon? Sumabay ka na sa amin." alok ni Dad.
"Ah, huwag na po. Makikitira muna po ako sa kaibigan ko bago ako umuwi sa Nueva Ecija. Okay lang po." Nakangiting paliwanag ni Dion.
"Kaninong kaibigan 'yan?" tanong ko.
"Hindi mo kilala." Lies.
"Dion, 'yong totoo?" Striktong tanong ni Dad.
Nawala ang ngiti ni Dion at napakamot sa ulo. "Sa totoo lang Tito... Wala pa po akong natatanungan sa mga kaibigan ko. Pero... Ako na po ang bahala doon. Ayoko na po kayong maabala." Tumingin sa akin si Dion. "Ingat ka, Milan. Magkita na lang tayo sa game."
"Sa amin ka na muna." sabi ni Dad at kinuha niya ang maleta ni Dion. Alam ni Dad ang nangyari sa boothcamp dahil naikuwento ko sa kanya ito kahapon.
"Tito huwag na—"
"Umalis ka na lang sa bahay namin kapag may kaibigan ka nang na-contact para matuluyan mo. Magi-guilty ako kapag iniwan lang kita dito tapos may masamang nangyari sa iyo." mahabang litana ni Dad. Dad tapped Dion's back. "Hindi na rin naman kayo iba sa amin. Halika na."
Dion looked at me na parang humihingi ng tulong. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. He sighed as a sign of forfeit.
Akmang papasok na kami sa loob ng kotse noong nakita naming nagmamadaling bumaba rito si Kendrix. "Dion, Milan!" sigaw niya.
"Captain?" Mahina kong bulong sa aking sarili.
"Pasensiya na sa nangyari kahapon." Gulo-gulo pa ang buhok ni Kendrix na parang nagmadali talagang habulin kami. Yumuko si Kendrix sa amin. "Dion, Milan, maraming salamat sa lahat!" he shouted.
"Thank you rin, Kendrix." God, pagod na akong umiyak.
"I know, hindi magandang pamamaalam 'to. Hindi rin alam nila Oliver ang dahilan nang pag-alis ninyo... I mean, kahit ako. Pero gusto ko lang sabihin na gusto ko pa kayong makita sa mga susunod na Tournament."
Nagkatinginan kami ni Dion at ngumiti kami kay Kendrix. "Makakaasa ka." Dion said.
"The next time we will meet in a stadium... Hindi na tayo magkakampi. Pero sisiguraduhin naming hindi magpapatalo ang Battle Cry sa inyo kung sakaling magkalaban man tayo." nakangiting sabi ni Kendrix.
Napailing si Dion. "May tulo laway ka pa."
"Tangina naman." kumamot si Kendrix ng kaniyang ulo at bahagya akong natawa.
Binuksan ni Dion ang pinto ng kotse and waved his hand. "Kami man. Hindi kami magpapatalo ni Milan sa inyo." he answered at pumasok na sa loob.
Nagkatinginan kami ni Kendrix. "Good luck. Ako na ang bahala kanila Oli. Aalagaan ko sila." sabi ni Kendrix at kahit papaano ay nakampante ako.
"Galingan mo, Captain. Hindi ko pa nasasabi sa iyo 'to, Kendrix pero ang dependable mo... Sobra." I smiled to him.
He waved his hand at pumasok na ako sa loob ng kotse.
Dad started the engine at nagmaneho na papaalis sa Boothcamp. Tinanaw ko sa huling pagkakataon ang boothcamp. Thankful pa rin ako dahil inalagaan nila ako at tinulungan akong mag-grow as a player.
We parted our ways with Battle Cry. But I guess... This is a brand new start.
*****
PART ONE OF THE STORY END HERE.
DON'T WORRY, TULOY-TULOY PA RIN ANG UPDATE NG HUNTER ONLINE. ☺️
ANONG REACTION NINYO SA BUONG SEASON ONE NG STORY?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top