Chapter 51: Selection
MAAGA akong nagising ngayong araw dahil kailangan ko na bumalik sa daily jog routine ko. Nitong nakaraang linggo kasi ay madalang ko itong nagagawa dahil sa schedule namin sa Tournament, pero ngayon... Oras na para i-burn 'yong mga fats and calories na naipon ko.
Pinagmamasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin habang inaayos ang aking buhok. I just quickly did a bun for my short hair at nagsuot na lang ako ng headband para hindi humarang ang mga baby hair ko sa oras na tumakbo na ako.
I am just wearing a black armhole sports tank top and a sport shorts. I am still using my old Adidas Lavarun shoes but I am planning to buy a new pair since may sahod naman na ako. Ngayon ko na-appreciate ang mga running shoes simula noong nag-workout ako.
Dali-dali akong bumaba sa ground floor para simulan ang pagtakbo. Pagkababa ko ng hagdan ay napatingin ako sa sala. Nakaupo doon si Liu habang nakapatong sa couch ang duffle bag niya at nasa gilid niya ang maleta niya.
"Iyon, oh! Walang palya, ganda pa rin." Liu greeted me habang pabirong naiiling.
"Siraulo ka, Liu, mami-miss ko 'yang mga pang-uuto mo sa akin sa umaga." sabi ko habang naglalagay ng tubig sa tumbler ko mula sa water jug. "Hindi ka na magpapaalam sa kanila?" I asked him.
"Buong gabi na akong nagpaalam sa kanila, at isa pa, sinabi ko naman sa inyo na maaga akong aalis ngayong araw." he explained while checking his phone na parang hinihintay ang grab taxi niya. "Baka kapag nakita pa nila akong umalis ay mag-iyakan lang ang mga gago. 'Wag na, uy. Magkikita-kita pa rin naman tayo, eh" he continued.
"Mami-miss kita, Pekeng chinese." lumapit ako kay Liu at mahigpit siyang niyakap.
"Same." he answered. "Sige na mag-jog ka na. Kawawa ka naman, ilang linggo ka nang nagja-jogging mag-isa."
"Epal." he chuckled at naglakad na ako papalabas ng boothcamp.
Nagsimula na akong tumakbo sa buong village at isang oras din akong tumakbo para pagpawisan. Until now ay wala pa rin talaga sa mga members ng Battle Cry ang napapasama ko sa amin na mag-jogging dahil mas gusto nilang mag-basketball o kaya naman ay sa hapon mag-jogging (hello! Sayang ang nutrients mula sa araw).
Since I am strong independent woman, mag-isa talaga akong nagja-jog.
Pagbalik ko sa boothcamp ay nakaalis na si Liu. Gising na rin ang iba kong kasama at nakatulala silang naghihintay ng luto ni Nanay Martha.
"Bakit ganyan mga hitsura ninyo?" naiiling kong tanong kay Kendrix.
"Ang sakit ng ulo ko sa alak." he answered. Magdamagan yata silang uminom. Kasi ako, bandang alas-dose ay pumanhik na ako sa taas para matulog.
Napatingin sa akin si Gavin. "Sana all fresh sa umaga." he said at natawa ako.
Pinupunasan ko ang pawis ko sa katawan and after our breakfast ay maliligo na rin ako. "Wala na si Liu?" Renshi asked.
"Ah oo, kanina pa umalis. Hindi na niya kayo ginising dahil alam niyang mga puyat kayo." paliwanag ko.
Marami ring mga players sa Battle Cry ang planong umuwi na ngayon sa kanya-kanyang probinsiya. Nakausap naman din nila ni Sir Greg at nakapag-renew ng contract
Plano ko ring umuwi na, once na makausap ako ni Sir. Promise, hindi ako maayos na makakapag-review rito sa Boothcamp. Hindi naman sa magugulo sila pero ang dami ko kasing naririnig na ingay sa paligid (ang lakas ng soundtrip sa Editor's room) kung kaya't walang na-a-absorb ang utak ko kapag nagbabasa.
"Hindi pa gumigising si Dion?" tanong ko kay Oli noong nag-a-almusal kami.
"Late natulog. Nanood ng Mr. Queen, hahabol daw siya sa mga episodes para makasabay makanood sa 'yo next time." Napakunot ang noo ko sa napaka weird na reason at natawa si Oli. "Oo nga! Tanungin mo pa sila Gavin."
"Puwede ko namang panooring 'yong mga previous episode, eh." reklamo ko.
"Weh?" sabay-sabay nilang sabi.
"Okay fine," pagsuko ko. "Hindi ko gagawin 'yon. Happy tayo doon?" umirap ako sa ere at natawa sila.
Na-appreciate ko naman kahit papaano ang ginawa ni Dion kahit papaano (although, ang babaw). Hindi ako mapipilitan mag-rewatch dahil ang boring noon. Kasi naman, sa tuwing manonood kaming dalawa sa laptop niya ay mukha siyang walang interes lagi kaya nakakatamad siyang ka-Kdrama buddy. Pero ngayon, na-redeem ulit ni Dion ang sarili niya, sabay na ulit naming panonoorin ang Mr. Queen.
Nilapag ni Manang Martha ang Kaldereta sa lamesa at napasigaw kami dahil the best ang luto na ito ni Manang Martha. "Pakigising si Dion, favorite niya 'yan. Mag-almusal na kamo siya." bilin ni Manang Martha.
Pero parang walang narinig ang mga kasamahan ko dahil G na G na silang kumain. "Milan, pakigising si Dion." sabi ni Kendrix. "Utos ko as a Captain." he chuckled.
"Wow! Power abused agad tayo, Captain, ha?" natawa si Kendrix pero naglakad naman ako paakyat para gisingin si Dion. Baka kapag naubusan na naman siya ng ulam ay mag-beastmode na naman siya.
Kumatok muna ako sa pinto dahil baka gising na si Dion. No response. "Dmitri, kakain na raw. Gumising ka na riyan?"
Ilang katok din ang aking ginawa pero walang sagot. "Bubuksan ko ang pinto, ha!" I shouted and opened the door.
Ugong nang aircon ang maririnig sa paligid at binuksan ko ang ilaw. As expected, tulog na tulog pa rin si Dion
Umupo ako sa gilid ng kama niya at pilit siyang ginising. "Ayan, puyat pa. Akala mo yata strong ka, wala ka ngang exercise."
Itinalukbong ni Dion ang kumot niya. "Doon ka na." Inaantok niyang sabi.
"Kakain na."
"Hmm..."
And then he went back to sleep.
I sighed. "Dion, kakain na, gumising ka na riyan. Anong oras na, oh." Pilit kong inalis ang kumot na nakapaikot sa kanya.
"Milan, kulit naman." reklamo niya ulit. "Wala akong ganang kumain."
Napatigil ako at pilit siyang hinarap sa akin. Piniga ko ang pisngi ni Dion and he was force to pout. "May problema ba."
"Kulit mo." he said.
"Alam mo, never kang tumanggi sa almusal. Alam kong may problema ka." sabi ko sa kanya. Lagi kaming magkasama ni Dion kung kaya't alam na alam ko kapag hindi siya okay. Siba sa pagkain itong si Dion, hindi lang siya kumakain kapag may gumugulo sa isip niya, kinakabahan, or may pinoproblema. "Spill it."
Umupo si Dion sa kamaat ngumiti sa akin. "Mukha ba akong may problema?"
"Oo. Mas pina-obvious mo lang dahil sa pinaggagawa mo," I explained at nag-indian sit ako sa kanyang kama. "Sabihin mo na, makikinig ako."
"Hindi ni-renew ang contract ko." he said.
"Ha?" I asked.
"Hindi na kako ni-renew ng management ang contract ko." sabi niya sa mas mabagal at mas klarong tono.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? Sabi mo kagabi ay okay ang kinalabasan nang pag-uusap ninyo nila Sir Greg? Bakit naman nila hindi ire-renew ang contract mo?" sunod-sunod kong tanong. Alam kong seryoso si Dion sa bagay na ito ngayon dahil hindi naman siya nagbibiro patungkol sa gaming niya.
"Sinabi ko lang 'yon kasi... Una, aalis si Liu." Unti-unting nawala ang ngiti ni Dion at seryosong tumingin sa akin. "Pangalawa, unlike Liu na umalis talaga sa grupo... Ako, tinanggal ako."
"Bakit daw?" kunot-noo kong tanong. "Nasisiraan na ba ng ulo sina Sir Greg? Ang daming umaalis na players ng Battle Cry tapos ngayon pa nila naisipan na tanggalin ka?" For me, this is really an unbelievable moved from the management.
Yumuko si Dion. "Nakahanap sila ng mas malakas na tank kaysa sa akin, eh. Sabi nila ay may nakuha silang malakas na tank mula sa Phantom Knights." malungkot niyang paliwanag.
"Ganoon na lang 'yon? Ganoon na lang para sa kanila na magpalit ng players?" maluha-luha kong tanong. "Magalit ka naman, Dion, ang unfair noon! Matagal ka ng nandito sa Battle Cry tapos tatanggalin ka lang nila dahil may mas malakas silang player na nahanap kaysa sa 'yo?!"
"Ganoon talaga..." malungkot na sabi ni Dion. "Tinanggap ko na lang din." Dugtong niya pa.
"Kakausapin ko si Sir Greg—" akmang tatayo ako ngunit hinatak ako ni Dion papaupo muli.
"Ano? Ipagsisigawan mo sa buong boothcamp na tinanggal ako kasi may mas malakas na sa akin as the main tank of the team?!" he asked. "Milan, huwag ka na gumawa ng eksena. Bigyan mo naman ako nang kahihiyan."
"Okay lang sa 'yo na umalis ka, Dion?" Pinahid ko ang luha ko. "Sa akin kasi hindi, eh. Kaya ako tumagal sa Esports ay dahil sa 'yo, Dion. Dahil alam kong naniniwala kang malayo ang mararating ko sa industriyang 'to."
"I still believe in you." He chuckled and ruffled my hair. "The management offered that they will find a team for me... Pero tinanggihan ko na lang ang offer. Ako ang hahanap ng team para sa sarili ko."
Napaupo ako at walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mata. "Huwag mo nang sabihin sa kanila na tinanggal ako. It will just hurt my pride, lalaki pa rin naman ako." he said.
"Huwag ka nang umalis." Umiiyak kong sabi. "Please."
"Guys ang tagal ninyo—" the door suddenly opened at mabilis kong pinahid ang luha ko. "Nag-away na naman ba kayo?" Kendrix asked.
"Ah. Overboard joke." Dion said. "Sige susunod na kami sa baba. May pinag-uusapan lang kami ni Milan."
"Sige, lumalamig ang ulam. Sinabi ko naman sa inyo, bawasan ninyo ang pag-aaway ninyong dalawa. Nag-iiyakan tuloy kayo ngayon. Tsk. Tsk." Lumabas na si Kendrix at muling naiwan kami ni Dion sa loob ng kuwarto.
"Tumahan ka na. Umagang-umaga, oh." Dion said. "B'bye na. Lagi kang mag-iingat. Huwag kang hahawak ng mabalahibong hayop. Huwag ka ring bili nang bili ng chichirya. Huwag kang magla-live ng late kasi namamaga ang mukha mo sa umaga. Tulungan mo si Kendrix sa pag—" hinampas ko ang kanyang braso. "Aray ko."
"Dion! Paano ako tatahan niyan?" Pinahid ko ang luha ko.
"Mas malungkot ka pa sa akin, eh." He chuckled.
"Hindi ko nga tanggap na tinanggal ka sa team. Ikaw pa rin ang best tank para sa akin."
"Weh? Sabi mo 'yong Tank ng Rising Hunters ang pinakamalupet, eh."
"Changed answer. Ikaw na." sagot ko at parehas kaming natawa.
Lumabas na kaming dalawa ng kuwarto at pagkababa namin sa dining table, as usual, nai-tsismis na agad kami ni Kendrix na nag-away kaming dalawa.
"Okay na kayo?" tanong ni Oli.
"Hindi naman kami nag-away," palusot ko. "May hinawakan akong aso kanina sa pagja-jog kaya namamaga ang mata ko."
"Ulol. Wala nga kaming sinasabi tungkol sa mata mo." natatawang sabi ni Oli ar nag-apir sila ni Gavin.
I don't know how will Oli accept this news. Partner sila ni Dion, eh. He is the core and Dion is his guard. Sunod-sunod na pag-alis ang nangyayari sa Battle Cry.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng management. Are they looking for a better team? Pinapalitan nila 'yong sa tingin nila ang ilang players nila ng mga magagaling na players mula sa iba't ibang team? Nawalan na ba siya ng tiwala sa amin?
Matapos kumain ay isa-isa na muling kinausap nina Sir Greg ang mga players. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Dion na umaktong okay sa harap nila, but I know, deep inside ay sobrang affected siya. Sobrang importante sa kanya ng buong Battle Cry, mataas ang pangarap nito sa buong grupo. And in just a snapped, nawala iyon kay Dion dahil lang tinanggal siya.
"Milan." sir Greg suddenly called me. "In my office." He continued at naglakad na ako papasok sa office ni Sir.
"Have a seat, pasensiya ka na kung bakit ngayon lang kita mapapa-sign ng contract. Naging busy tayo this pase few weeks dahil sa sunod-sunod na Tourna." nakangiting sabi ni Sir Greg pero halata sa mata niya ang puyat at pagod.
Nakaka-drain naman talaga ang week na ito ngayon. Kakatapos lang ng Tournament, umalis si Axel, umalis si Liu, ngayon ay nalaman ko pang tinanggal si Dion dahil lamang may mas magaling na player silang nakita kay Dion.
"Sir, bakit ninyo tinanggal si Dion sa grupo?" I asked directly at umupo sa tapat ng kanyang lamesa.
Nawala ang ngiti ni Sir Greg at malalim na nagbuntong hininga. "Oh, he told you."
"Sir, alam ninyong pangarap ito ni Dion..."
"I know, ilang taon kong kasama si Dion,"
"Why did you just removed him from the team? Balewala ba ang mga pinagsamahan ninyo? Bakit tatanggalin ninyo si Dion dahil lang may nakita kayo na mas magaling sa kanya? Kaya rin ni Dion iyon! Kailangan ninyo lang bigyan ng time si Dion para mag-practice pa." mahaba kong litana. Kung hindi nagawa ni Dion na magalit sa management sa biglaang pagtanggal sa kanya. Iba ako, I know Dion's worth. I know his skill.
"Milan kung puwede nga lang ay kupkupin ko kayong lahat. Kung masakit para sa inyo na mawala ang isa sa mga kasamahan ninyo, paano pa ako? Ako ang tumatayo na Ama ng bawat isa sa boothcamp na ito." sabi ni Sir Greg sa akin. "Masaya ako kasi ipu-pursue ni Axel ang course na matagal na niyang gustong kuhanin. Malungkot ako noong nalaman na may galit si Liu sa management. Ngayon, masakit din para sa akin na tanggalin si Dion para i-improve ang Battle Cry."
Napayuko ako. "Pero, bakit?"
"If you guys, stepping up your game as a player. Ganoon din ako, as the manager, I need also to step up my game para masiguradong maiuuwi ng Battle Cry ang pagkapanalo," paliwanag ni Sir Greg. "Milan, sa totoo lang... Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap ng ibang sponsors natin huwag lang sila mag-backout. Milan kung hindi ako gagawa ng mga pagbabago sa Battle Cry ngayon... Lahat tayo ay mawawalan ng trabaho. May pamilya si Coach, may pamilya ang iba sa editorial team. May mga players na nagsusustento sa mga pamilya nila."
"Masakit para sa akin na kailangan ko kayong masaktan kasi... Wala akong choice. I am also just doing my job." Kahit papaano ay naintindihan ko na ang sinasabi ni Sir Greg.
Umupo siya sa kaniyang swivel at hinilot ang kaniyang sentido. "I am well aware that our performances this season are not that bad. Pero kasi Milan... Hindi naman gusto ng mga sponsors natin na third place lang tayo, second place lang tayo... They want us to win para mas maging matunog ang mga brand nila."
Tahimik lamang akong nakikinig sa ipinapaliwanag ni Sir Greg.
"Ngayon, kung hindi ako magkakaroon ng major changes sa lineup. Marami sa kanila ang magba-backout na this season. Intindihin ninyo ako dahil gusto ko lang isalba ang grupo. Kung hindi ko ito gagawin ay baka wala ng Battle Cry na lalaro sa mga next tournament."
I kinda get it. Business is still a business. Tama si Aisha, ang title o ang pagiging champion ang gusto ng lahat at may ibang mga tao na kayang isawalang bahala ang friendship o ang samahan.
"Can we talk about your contract now?" Sir Greg said.
Kung tutuusin ay kaya lang naman ako naging professional player ngayon ay dahil sa mga taong naniniwala sa akin. Isa doon si Dion.
He is the first person who believed to me na magagawa kong makapasok sa Professional League. Siya 'yong tumulong sa akin na maunawaan ang mga bagay-bagay na ginagawa rito, siya din 'yong tao na naniniwala sa gaming ability ko kapag may mga techniques akong hindi magawa.
Pinagmamasdan ko ang kontrata na nakapatong sa lamesa.
Kung may tao man akong gustong makasama sa gaming ay si Dion iyon.
Naniniwala si Dion na malayo ang mararating ko sa professional league at naniniwala ako na maaabot ni Dion ang pangarap niyang maging champion ng buong Hunter Online.
I touched the contract and pushed it towards Sir Greg direction.
"Sir, I am sorry but I will not sign the contract."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top