Chapter 50: Sweet Goodbye

We will have a Hunter Online Merch soon! I will post here the official shop kung sakaling maayos ko na siya. But hopefully by the end of this month ay ma-post ko na 'yong first item. ☺️

CALLIE (Former member of Black Dragon)

TANGING ugong lang noong aircon ang maririnig sa paligid. Tahimik lang kaming lahat sa room nila Liu. I still wishing na sasabihin lang nila ni Renshi na pina-prank nila kami ni Dion... Pero no, Liu is really firm about his decision.

"Para kayong mga gago, hindi naman ako mamamatay," Liu chuckled. He is trying to lighten up the mood. "Puwede pa rin naman tayong lumabas-labas kahit wala na ako sa team. I am down for coffee talk, watching a movie, o kahit pagsama sa mga quest sa Hunter Online. Ang solid kaya natin."

"If it's solid, why are you leaving pa?" Renshi asked.

"Napaka-conyo mo. Hindi kita magawang seryosohin kupal ka." Pambasag ni Liu at napailing na lang ako.

"Let just say..." tumingin sa kisame si Liu at ngumiti. "Hindi ako para sa Battle Cry. That's the easiest explanation that I can think of."

"Wala ka ba tiwala kay Kendrix?" tanong ni Dion. "Gagawin ni Kendrix ang lahat para madala tayo sa championship."

"Pagod na akong maging bench player, eh," malungkot na ngumiti sa amin si Liu. "Hindi ninyo naiintindihan 'yong inggit namin kasi regular kayong naglalaro sa mga tournament. Alam ko para sa inyo ang babaw ko... Pero hindi ba, iyon ang pangarap nating lahat? Ang regular na lumaro sa tournament?"

"Galit ka sa amin?" tanong ni Dion.

"Ha?" Liu said. "Bakit ako magagalit sa inyo? Sabihin na natin na... Hindi suited sa akin ang play style na mayroon ang Battle Cry. I need a team that will utilize my skill in most efficient way. I want to grow as a player. Ibigay na ninyo sa akin 'to."

"Pekeng Chinese..." bulong ko at yumakap kay Liu.

"Gago kayo, huwag kayong umiyak. Kahit mamayang gabi kapag sinabi ko na sa lahat ang tungkol dito. Walang iiyak." Liu tapped my back and comforted me.

Hinayaan na namin ni Dion na mag-usap sina Renshi at Liu, mag-bestfriend sila. This will be a big deal for Renshi dahil sabay silang pumasok sa Professional league at kahit noong amateur pa lang sila ay magkakampi na sila. Ngayong kasi... Magbubukod na sila ng team kung kaya't naiintindihan ko rin naman kung bakit galit na galit si Renshi kanina.

Umupo kami sa sala at dinampot ko ang stabilo na nasa center table at nilaro ko ito sa aking daliri. "H-Hindi ka nagalit na aalis si Liu?" I asked.

Ibinagsak ni Dion ang katawan niya sa couch at inunan ang dalawang kamay niya. "Nalungkot ako. Pero at the same time, masaya ako kay Liu. Maybe he can find a team na magiging asset siya ng buong grupo. Deserved ni Liu 'yon."

"Alam mo, lagi kong tinatanong si Coach kung bakit hindi niya ipinapasok si Liu, ang sagot sa akin ni Coach ay may mas magagaling na fighter sa Battle Cry kaysa kay Liu. He need to train more daw," kuwento ni Dion. "Pero sa mata ko, magaling si Liu. Hindi nakikita ng management iyon."

"Agree ka kay Liu na hindi siya para sa Battle Cry?"

Tumingin si Dion sa kisame. "Hmm... Oo, siguro. Pero ang gusto ko sanang mangyari ay sana ay nagtiwala pa siya kay Kendrix. I know Kendrix will do his best para maipasok si Liu bilang regular player sa mga malalaking tournament. Pero hindi ko masisisi si Liu, he is a bench player for a year. Nasayang ang galing niya sa gaming ng isang taon para sa kanya."

Kung titingnan ko ang bagay na ito sa lahat ng anggulo, walang namang may mali. Umalis si Axel para sa pangarap niya, aalis si Liu para humanap ng team na magagamit ang skill niya as a player, at wala ring mali ang management dahil gumagawa sila ng desisyon na kung saan nakikita nila na malaki ang tiyansa ng Battle Cry na manalo.

"Napapaisip tuloy ako kung magaling ba akong player para kuhanin pa rin ng management." mahina kong bulong.

"Magaling ka," napatingin ako kay Dion at seryoso niya iyong sinabi. "I saw your potential. Isa ako sa mga unang tao na naniniwala na kaya mo kaming dalahin sa championship."

Our conversation was interrupted noong lumabas si Sir Greg sa office niya habang may hawak na clipboard. "Dion, let's have a talk in my office." He said and entered the room again.

"Diyan ka muna," saglit na nag-unat si Dion. "Kakausapin ko lang si Sir Greg."

Naiwan ako mag-isa sa sala at pilit na nagbasa ng mga subjects ko... But still, hindi ako makapag-focus dahil contract renewal ngayong linggo. Paano kung hindi lang si Liu ang aalis sa grupo?

Dumukdok ako sa center table at napatigil sa pagha-highlight. "Ang hirap magbasa." bulong ko sa sarili ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa roof deck ng Boothcamp. I need to relax my mind first para maayos akong makapag-isip.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Aisha na nag-yo-yosi habang nakasandal sa railings. "Ikaw pala 'yan." Aisha waved her hand na parang inaaya ako sa kanyang tabi.

Ibinagsak niya sa sahig ang yosi niya at inapakan upang maupos ang apoy. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Nagpapahinga lang. Naaalibadbaran talaga ako sa vlog ni Oli. Hindi ko kaya i-edit ng tuloy-tuloy." sabi ni Aisha at pinagmasdan ang ibang player ng Battle Cry na naglalaro sa court. "Tingnan mo 'tong mga bakulaw na ito. Tanghaling tapat ay nagba-basketball tapos nagtataka sila kung bakit ang papangit nila sa mga live tuwing may match."

Tumabi ako kay Aisha at pinagmasdan din ang magandang view mula rito. "Narinig ko 'yong pinag-usapan ninyo," ngumiti si Aisha sa akin at nailing. "Tsismosa ako, itinapat ko talaga ang tainga ko sa pinto para marinig."

Sobrang blunt talaga ng personality niya, wala siyang balak itago na nakinig talaga siya ng usapan namin.

"Ang lungkot lang na isa-isang umaalis ang mga ka-team namin," i said to her.

"Alam mo... Mula simula ng Battle Cry ay nandito na ako. Marami na akong nakita na umalis na mga players. 'Yong iba ay nag-pursue ng ibang career, 'yong iba naman ay makikita mo ngayon sa ibang team." she said at itinuro ang mga members na naglalaro sa court. "'Yong mga mukhang 'yan... Balang-araw ay hindi mo na sila makikita sa Boothcamp. They eventually leave the team. Hindi mababaw ang desisyon ni Pekeng Chinese."

"Pero kasi... Hindi ba siya nagtitiwala sa buong Battle Cry?" tanong ko sa kanya.

"Liu trusted Battle Cry for a year at hindi niya nakuha 'yong treatment na sa tingin niya ay deserve niya." Aisha said at pumangalumbaba sa railings. "Tatanungin kita Milan, anong dahilan kung bakit sa tingin mong maraming gustong maging professional player?"

"Kasi gusto nilang mag-champion." I easily answered.

"Exactly. Hindi naman ang friendship ang rason kung bakit nag-i-stay ang isang player sa isang grupo. They stayed because they saw the potential in the group na mananalo sila sa Tournaments. Nag-stay sila dahil alam nilang malaki ang maaambag ng skill nila as a player sa grupo. But for Liu... Battle Cry wasted him."

Tumingin sa akin si Aisha at tinapik ako sa likod. "Kaya, ikaw Milan... Huwag kang magagalit o magtatampo sa kung sino man ang aalis sa grupo. Mahirap din para sa kanila ang pag-alis nila. And I am pretty sure, ilang beses nilang pinag-isipan iyon. Humakbang lang sila para sa sarili nila, and as a friend, dapat ay maging masaya ka." sabi ni Aisha at naglakad na papaalis ng roof deck. "Sige na, i-e-edit ko pa ang basurang vlog ni Oliveros, buti na lang talaga at may bonus kaya napagtiya-tiyagaan lo trabahuhin iyon."

Naiwan ako mag-isa rito. I just realized na ang pag-alis pa lang ni Axel at Liu ang nakikita ko sa grupo. Pero kanila Dion... They saw their comrades leaving one-by-one simula noong nag-Esports sila.

***

KINAGABIHAN, kagaya nang inaasahan. Lahat ay nagulat at nalungkot noong i-anunsiyo ni Liu ang pag-alis niya. Especially, Oli, siya ang bunso ng grupo kung kaya't sobrang attached niya sa mga kuya niya.

Well, Liu did his promise, hindi siya umiyak o ginawang emosyonal ang pamamaalam niya.

Lumapit si Kendrix sa kanya at kinamayan si Liu. "Sana makita ka pa namin sa mga susunod na tournament, Liu," Kendrix said while smiling.

Tiningnan muna ni Liu ang kamay ni Kendrix at nakangiting kinamayan ito. "We will definitely see each other in tournaments. Mas pinalakas na Maliupet ang makikita ninyo."

"Mami-miss kita pero saksakan talaga ng corny ng username mo." Gavin said at malakas kaming nagtawanan. "Ikaw, Dion, kumusta ang pag-uusap ninyo ni Sir Greg?"

"E 'di maayos." Dion answered at kumuha ng Cheetos puff na nakapatong sa lamesa.

"Huy ang dami mong kumuha! Ako ang bumili niyan!" reklamo ko kay Dion. Paano ba naman kasi! Napaka-OA ng dakot.

"Alam mo, ikaw lang 'yong kilala kong nang-aalok pero nagdadamot. Gulo mo," naiiling na sabi ni Dion at malakas na tumawa ang buong team.

"Ikaw lang 'yong kilala kong nanghihingi pero galit." ganti ko.

"Baka magsuntukan na naman kayong dalawa diyan," Liu shouted. "Pero bago mangyari iyon. Um-order na kayo sa fast food, sagot ko. Last party ko with you, guys!"

Everyone shouted. "Anong last party?" Oli asked. "Isasama ka pa rin namin sa lahat ng gala, promise."

Umupo ako sa stool at pinagmasdan ang mga kasamahan ko. Umupo sa tabi ko si Dion. "Tingnan mo, naubos mo 'yong Cheetos ko."

Tumingin sa akin si Dion. "Luwa ko?" akmang duduwal pa siya sa kamay niya.

"Kadiri ka." I said and rolled my eyes.

Nabigla ako noong saglit na tumayo si Dion at inabutan ako ng blanket. "Mukhang anong oras na naman matatapos 'tong kuwentuhan, blanket ka para hindi lamigin 'yang hita mo." Dion said.

"Gentleman yern?"

He mimic my expression kung kaya't hinampas ko siya sa braso niya. "Gentleman naman talaga ako, ikaw lang 'tong hindi nakakapansin. Ayaw mo akong pansinin, eh. Huy, pansinin mo naman ako." Kinalabit niya pa ako.

"Chika ka! Lagi kaya kitang pinapansin." tanggol ko sa aking sarili. Pinagmumukha pa akong suplada ng mokong na ito.

"Nakapag-review ka?"

"Hindi nga, eh, alam mo 'yong binabasa ko siya pero walang na-a-absorb 'yong utak ko dahil sa dami ng nangyayari? Ganoon."

"Bida-bida ka lang yata, hindi ka naman nag-re-review, eh." Pinatong niya ang kanang kamay niya sa lamesa at hiniga ang hulo niya habang nakatingin sa akin.

"Chika. Nag-aaral ako, wait lang, ipapakita ko sa 'yo 'yong grade ko noong first sem." Binuksan ko ang phone ko at ipinakita ko ang grades ko last sem.

"Bakit may dos ka? PE pa?" He asked. "Kunwari ka pang healthy lifestyle sa umaga."

"FYI, nangroroleta lang 'yong professor namin diyan. Sa isang buong sem nga ay tatlong beses lang kami mineet niyan, eh. Ang lakas ng loob na i-dos ako. Siya nga 'tong laging wala." Masama talaga ang loob ko kay Sir Macaraeg, magrereklamo sana ako sa kanya kaso paano? Hindi ko nga siya mahagilap sa school kasi palaging wala.

"Alam ko na favorite word mo," Dion said while smiling.

"Ano?"

"Chika ka." natawa ako noong si Dion ang nagsabi dahil hindi bagay sa kanya.

"Isa pa nga! Isa pa nga!" Pumapalakpak ko pang sabi habang pinipigil ang malakas kong tawa

"Chika ka, Dion. Huy, chika ka." Kahit siya ay natawa noong ginagaya niya ako. Parang siraulo, pero hindi ko naman napansin na madalas kong sabihin iyong word na iyon kasi naririnig ko lang naman iyon kay Shannag. Unexpectedly ay na-adapt ko siya.

"Natatawa ka 'di ba? Muntanga ka kapag sinasabi mo 'yon." Natatawa ring sabi ni Dion.

"Lolo mo, muntanga." reklamo ko.

"Hoy!" Parehas kaming nagulat noong malakas na kinalampag ni Oli ang lamesa. "Punyeta, nawala na naman kayo sa Earth. Napunta na naman kayo sa sarili ninyong mundo."

"Bakit?" sabay naming sabi ni Dion.

"Ano kakong gusto ninyo? Tumingin na kayo sa menu," iniabot sa akin ni Oli ang cellphone ni Liu.

Balak ni Liu na umalis din sa boothcamp bukas ng umaga kung kaya naman ini-enjoy namin ang buong gabi. Of course, some of them drink... Pero hindi ako, tagaubos lang ng pulutan ang role ko tapos tamang chuckie lang.

Maybe, tama rin si Aisha. Kahit magkaiba-iba man kami ng team ay hindi na mawawala 'yong friendship na mayroon kami. Maliit lang din ang mundo ng mga professional players kung kaya't paniguradong magku-krus din ulit ang mga landas namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top