Chapter 5: New Record
"SA wakas, tapos na rin tayo sa quest," sigaw ni Synix habang naglalakad kami sa quadrangle ng Silanya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa dami ng players sa Bayan na ito ngayon.
"Huwag ka nang magulat kung bakit ang daming players dito," nakangising sabi ni Klayden na parang napnsin ang pagka-amaze ko. Well, lahat naman kasi ng bagay ngayon dito sa Hunter Online ay interesting para sa akin! First time ko kaya maglaro ng ganito. "Crowded pa dito dahil lahat ng players ay Level One pa lang naman and this is the starting point. Siguro ay may iilan lang na players na nasa susunod na bayan na."
"Ngayong pare-parehas na tayong Level 4 and 5, siguro naman ay puwede na tayong maglakbay papalabas ng Bayan na ito dahil sawang-sawa na akong pumatay ng Angry Rabbits." Reklamo ni Synix. Lahat kasi ng mga naging quest namin ay connected sa Angry Rabbits.
"Puwede na tayong maglakbay papalabas at pumunta sa susunod na Town. Kaso ay may mga players na nangti-trip pa." Sabi ni SilverKnight.
"Nang-ti-trip?" tanong ko.
"Sa Hunter Online kasi, nasa sa iyo kung gusto mong gumawa ng mabuti o masama. Marami ang good hunter na nagku-quest pero may mga Hunter naman na pumapatay ng ibang players para makuha ang mga item nila. Nangyayari ang Player kill sa labas ng mga town." Paliwanag sa akin ni SilverKnight at napatango-tango ako. Nasabi nga sa akin ito ni Rufus kanina.
Naputol ang aming pagkukuwentuhan noong biglang may lumabas na text sa townsquare. Sa laki noong text na iyon ay mababasa ng kahit sino rito sa Silanya Town.
Congratulation to Battle Cry for clearing Ogre Raid Quest for only 18:34 minutes! [NEW RECORD]
Narinig ko ang malakas na pag-uusap ng mga tao patungkol sa nangyaring announcement. "Wow. Day one pa lang ng mga players dito sa Peninsula Server pero nakatapos na agad sila ng Boss Raid." Puri ni Klayden habang nakatingin sa announcement.
"Mukhang hindi nagbibiro ang Bttle Cry ngayon, 'no?" Sabi naman ni Synix. "Nandito talaga sila sa Peninsula para i-dominate ang mga map. Mukhang strong contender sila sa mga tournament this year, ah."
"Ayan ba 'yong pinag-uusapan ninyo nila Shannah na qualifiers pa lang ay nalaglag na sila?" Tanong ko. Hindi ako tsismosa, I just happened to be there kung kaya't narinig ko ang kanilang usapan.
"Oo, balita ko rin ay nag-i-scout sila ng mga players dahil marami sa team nila ay nag-quit na sa gaming." Paliwanag ni Synix.
I only played this game para ma-enjoy ko at maka-bonding sina Tomy ngayong summer vacation pero may ibang mga tao pala na sineseryoso ang laro na ito. They are here to dominate the game at manalo sa mga tournament. I can't blame them, malaki ang prize pool sa mga tournament. (Napanood ko 'yong last tournament kaya ko alam)
"Iyon kaya ang sunod nating gawin?" Tanong ko sa kanila. "Gawin din nagin 'yong Ogre Raid na quest!"
"Hindi naman natin matatalo 'yong record ng mga 'yan, Shinobi." Sabi ni SilverKnight.
Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanilang tatlo. "Sinong may sabi na tatalunin natin ang record nila?" Tanong ko. "Ang mga record-beating ma 'yan ay para lang sa mga players na seryoso sa larong 'to. We are just here to have fun, and hello, we dominated the school tournament kaya! Malakas naman tayo kapag magkaka-team."
Nagkatinginan silang tatlo at tumawa. "New player ka nga, ang taas pa ng fighting spirit mo." Naiiling na sabi ni Klayden. "Sige planuhin natin 'yang boss raid na 'yan, pero gawin natin siya kapag lagpas level 7 na 'yong mga level natin para hindi tayo mahirapan masyado. Tsaka magbabasa din ako ng information sa forum para hindi tayo mahirapan masyado." Paliwanag niya sa amin.
"Sayang lang at wala si Shannah dito, pipilitin ko nga siya maglaro para may kasama pa tayong isa." Suhestiyon ko. Mabilis ko lang naman mapapayag ang isang iyon. Sasabihin ko lang na maraming pogi dito sa Hunger Online ay baka bumili pa ng sariling nerve gear iyon. Jowang-jowa iyon, eh, baka gawin na niyang dating app 'to if ever.
"Ay, hindi ka pa nga pala namin natu-tour sa Silanya Town," sabi ni Klayden at tumayo. "Tara, iikot ka namin sa lugar para ma-familiarize ka."
"Hindi na," tanggi ko. "Nakapaglibot na ako kanina noong hindi ko kayo makita."
"Sino kasama mo? Sina Kuya London? Balita ko ay lilipat din sila dito sa Peninsula, ah." Sabi ni Synix.
Siguro ay nandito rin ngayon sila Kuya sa Town na ito pero bakit hindi ko naisip na magpatulong sa kanila? Sa bagay, ang laking abala na kay Kuya London na hiniram ko ang lumang nerve gear niya.
"Hindi sila Kuya. May player akong na-meet kanina, tinulungan niya akong mag-ikot sa lugar."
They looked confuse. "Sino?" SilverKnight asked.
"Si Rufus. Hindi ko nga lang siya na-add as a friend sa game pero sinamaha—"
"Rufus?!"
"Bakit ganyan ang reaction ninyo?" Tanong ko.
"Shinobi, he is one of the top player sa game na ito. Member ba siya ng Battle Cry?" Tanong ni Synix.
"Parang?" Hindi ko sigurado na sagot. I mean, sa panahon ngayon ay uso na ang dummy accounts!
"Tangina ka dre, ang suwerte mo." Sabi ni SilverKnight. "Isa siya sa pinakamagagaling na player sa Hunter Online. Kaso ay nasa Battle Cry siya kaya hindi ganoon nare-recognize ang talent niya ng mga non-players ng laro. May ibang pro team na kumukuha sa kanya pero tinatanggihan niya." Dugtong niya pa.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Magkaiba siguro tayo ng Rufus na tinutukoy." I explained. I mean, nagawa ko siyang matalo kanina. Ang sabi nila ay Professional player daw ito kung kaya't imposibleng ma-beginners luck ako doon.
Tiningnan ko ang oras at malapit nang mag-alas otso.
"Guys magla-logout na ako, maghahapunan na. Bukas na lang ulit tayo mag-quest." Paliwanag ko sa kanila.
"Sige, magkita na lang tayo sa Townsquare bukas. Mag-chat ka sa amin kapag mag-o-online ka na para masamahan ka namin sa mga quest." Paliwanag ni Synix.
"Okay, subukan ko rin ayain si Shannah maglaro para kumpleto tayo."
Setting. Logout.
PAGKATAPOS kong maglaro ay nadatnan ko sila Kuya na naghahain na ng pagkain sa hapag-kainan. "Buhay ka pa pala," sabi ni Kuya London. "Ikaw dapat ang magsasaing ngayong araw pero ako ang gumawa."
OMG! Nawala sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon. Masyado kasi akong na-focus sa paglalaro ng Hunter Online kung kaya't hindi ko napansin ang oras. "Sorry, Kuya, bawi ako bukas."
"Okay lang pero next time huwag kang makakalimot sa gawaing bahay dahil lang sa game." He explained to me. Madalas man kaming mag-away ni Kuya London na parang aso't pusa pero may mga times pa rin talaga na aakto siya as my big brother. I don't mind it, super alaga kaya ako sa dalawa kong kuya.
"Kumusta paglalaro mo?" Tanong ni Kuya Brooklyn at naglagay ng kanin sa gitna ng table.
"Level 4 na ako, Kuya, kasama ko sina Clyde na magpa-level."
"What happened to your online games is for kids only," Kuya London aaid.
I rolled my eyes. "Okay I take it back na. Hindi ko pa kasi siya nae-experience noon kung kaya ko nasabi 'yon, okay? Bawal magkaroon ng change of perspective?"
Umupo ako sa harap ng Hapagkainan.
"Kasama mo naman sila Trace maglaro, 'di ba?" Tanong sa akin ni Kuya Brooklyn. Tumango ako bilang sagot. "Goods 'yon, may bantay pa rin kami sa 'yo sa paglalaro mo."
"Anong bantay? Crush kaya ni Clyde 'tong si Milan," panimula na naman ni Kuya London. Lagi niyang sinasabi ang bagay na iyan! The first day na ipinakilala ko sa kanya sina Trace ay sinabi niya agad sa akin na crush ako ni Clyde.
"Kuya, kilabutan ka nga. Napaka-tamang hinala mo."
"Pustahan tayo Isang libo." Sabi niya.
"Magkaibigan lang kami ni Clyde. Issue ka, eh."
"Ipupusta ko pati puso't kaluluwa ko. Kapag tama ako tatawagin mo akong master ng isang linggo." I rolled my eyes dahil hindi ako naniniwalang may gusto sa akin si Clyde.
Hirap na hirap nga akong utusan maglagari iyon.
Ipinatong na rin ni Kuya Brooklyn ang niluto niyang ulam na Tinolang Manok. Si Kuya Brooklyn ang nagluluto sa amin dahil sinasabi niyang pagod na si Mommy at Daddy sa pagtatrabaho kung kaya hayaan na daw namin sila magpahinga sa gabi.
Sa aming tatlo talaga ay si Kuya Brooklyn ang pinaka-considerate at mature mag-isip. Well, panganay din kasi at breadwinner sa pamilya.
"Milan, tawagin mo na sila Mom." Utos niya sa akin at pumanhik ako sa taas para tawagin sila Mommy at Daddy.
"Mom and Dad kakain na daw sabi ni Kuya." Tawag ko at sumabay naman sila sa akin sa pagbaba.
"Balita ko ay naglalaro ka na rin ng Online Game, Milan," sabi ni Dad.
"Yes, Dad. Para may pagkaabalahan ako ngayong summer vacation."
"Okay 'yan para hindi ka lang puro aral. It's okay to have fun as long as you know your limits. Malalaki na kayo, alam ninyo na ang tama at mali." Bilin sa akin ni Dad at tumango ako.
Sinabi ko naman sa inyo, hindi naman ganoon kahigpit sa akin sina Mom pagdating sa pag-aaral. They are not the type of parents that pushing their children to excel academically. Kaya siguro ganoon ako katutok sa pag-aaral kasi gusto ko silang maging proud.
Sabay-sabay kaming kumain at nagtatanong lang sila Mom tungkol aa maghapon namin, pare-parehas ang naging sagot namin nila Kuya na naglaro kami ng Hunter Online. "Okay lang mag-online games perp huwag ninyong kalimutan na mag-exercise, ha?" Sabi ni Mom.
"Hetong si Milan ang hindi sumasama kapag nagja-jogging kami sa Village." Sumbong ni Kuya London.
"Hello! Kuya, Summer vacation kaya tapos ang init sa labas." Dahilan ko, pero kasi naman... Nakakapagod naman talaga magkaroon ng morning exercise.
"Reason mo bulok. Bukas kakaladkarin ka namin para sumama mag-jogging."
"Baka next week ay matuloy na ang Pagudpud natin, approved na 'yong leave ko and clear your schedule from Friday to Saturday, okay?" Paalala sa amin ni Mama at nagkatinginan kami nila Kuya at nag-apir. Sa wakas! Makakapag-beach na rin kami.
"London, i-cancel mo na 'yong mga date mo no'n," sabi ni Kuya Brooklyn.
"Luh Kuya, wala akong date no'n. Imbento ka. Baka ikaw 'tong may date kasama si Princess." Si Princess ang long term girlfriend ni Kuya Brooklyn ngayon at magtu-two years na sila. Pangalawang girlfriend pa lang ni Kuya Brooklyn si Ate Princess pero nakikita ko nang sila ang end-game. Grabe din naman kasi mag-alaga ng relasyon si Kuya. Hindi katulad ni Kuya London na three months na yata ang pinakamatagal na relasyon.
Nag-usap pa kami patungkol sa ibang bagay at tinanong ni Dad ang tungkol sa grades ko, ang sagot ko na lang ay hindi pa napo-post sa portal 'yong mga grades and sabihan ko daw siya kapag na-post na.
Magkasama kami ni Kuya London ngayon na naghuhugas ng pinggan (dahil si Kuya Brooklyn ang nagluto). Siya ang tagahugas at ako naman ang tagapunas. "Kuya, nakita mo 'yong announcement sa game kanina?"
"Alin? 'Yong new record na na-set ng Battle Cry sa isang boss raid?" Tanong niya.
"Balak kasi namin subukan nila Trace na pumasok sa dungeon na 'yon, kapag may information kang nalaman patungkol doon ay sabihan mo ako agad, ha!" Paalala ko.
"Magpataas muna kayong level tsaka kayo mag-monster raid para hindi sayang ang pagpasok ninyo sa dungeon." Paliwanag ni Kuya sa akin. "Pero mahirap kasing i-clear ang mga boss dungeon, the normal players can clear it with more than 30 minutes. Hayaan ninyo na 'yong mga pro-players ang magpalakasan pagdating sa record."
"Hindi naman namin goal na ma-beat 'yong record. Ang gusto namin ay tumaas ang level at makakuha ng mga rare items." Paliwanag ko.
"Okay, baka bukas ay subukan namin nila Kuya Brooklyn na pumasok sa dungeon. Sabihan kita kung ano 'yong mga monsters na dapat i-expect ninyo once na pumasok kayo." Paliwanag sa akin ni Kuya London at napangiti naman ako.
Pagkahiga ko sa kama ay nabasa ko ang chat sa amin ni Clyde.
Clyde:
Kailangan natin magpalevel bukas, mga what time kayo available?
Tomy:
Mga 3 onwards free na ako no'n.
Trace:
Pagtapos kong maglaba. Pota, katulong talaga ako sa bahay kapag Summer vacation
Shannah:
OP here. 🥺
Milan:
Maglaro ka na rin kasi, daming potential bebe.
Shannah:
Okay samahan mo ako bumili ng Nerve gear this week.
Milan:
Game din ako maglaro ng hapon. Chat ninyo lang ako kapag maglalaro na rin kayo.
Tomy:
Yes, master.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top