Chapter 49: Departures

TANDANG-TANDA ko pa na saktong alas-otso kagabi noong pinost sa page ng Battle Cry ang pag-alis ni Axel sa grupo. It actually made a buzz in gaming community.

Maraming fans ang naghayag ng kalungkutan nila (which is normal) sa pag-alis ni Captain. Sabi din ni Oli ay naging trending din si Axel sa twitter.

Kung may mga fans na nalungkot, mayroon din namang mga speculation na kumalat online na kaya aalis si Axel ay dahil lilipat siya sa Black Dragon. Hindi ko nga alam kung sino ang nagpapakalat nang ganoong klaseng fake news, pero infairness, ang dami niyang napaniwala.

"Tuloy na tuloy ka na talaga, Captain?" tanong ko kay Axel na nakaupo sa sala habang bitbit ang maleta niya at duffle bag.

"Former Captain. Future Attorney." he wiggled his right brow and smirked. "Kayo na ang bahala kanila Oli. Palagi lang silang nakangiti at nakatawa pero fragile din ang mga batang 'yan. Give them extra attention." bilin niya.

"Pansin ko nga." sagot ko.

He checked his phone. "Malapit na 'yong grab ko." sabi niya at isinukbit ang kanyang duffle bag at hinila ang kanyang maleta.

"Coach, Sir Greg! Alis na po ako!" Axel shouted at mabilis na nagtipon-tipon ang lahat sa tapat ng pinto.

Coach and Sir Greg tapped his back. "Mag-iingat ka, Axel. Ang laki nang naitulong mo sa buong team." nakangiting sabi ni Coach Robert.

Ngumiti si Axel sa aming lahat at isa-isa noya kaming tiningnan sa mata. Yumuko si Axel. "Maraming salamat sa lahat!" sabi niya.

"Battle Cry!" Kendrix shouted. It is really a new start.

"Maraming salamat, Captain!" Malakas naming sigaw lahat at nag-bow din pabalik kay Axel.

Ilang linggo ko lang nakasama si Axel pero ang dami niyang itinuro sa akin na napakikinabangan ko ngayon sa game. His opinion in every matches really helped me to improved.

May tumawag na sa cellphone niya at mukhang iyon na ang driver niya.

Umayos na muli kami nang pagkakatayo at ngumiti kay Axel.

"Oli 'wag kang iiyak, big boy ka na." narinig kong mahinang bulong ni Oli sa kanyang sarili habang nagpo-focus na huwag bumagsak ang kanyang luha.

Si Axel ang nag-alaga at humubog kay Oli sa professional league. Malaking tao para kay Oli si Axel kung kaya't naiintindihan ko naman kung bakit sobra siyang apektado sa pag-alis ni Axel.

Naglakad na si Axel papalabas ng boothcamp bitbit ang kanyang mga gamit at sumakay sa itim na sasakyan na nakahinto sa tapat ng boothcamp.

"Umalis na talaga si Axel. Parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin lahat." sabi ni Dion at uminom ng energy drink.

Nagkanya-kanya na kaming balik sa aming ginagawa noong marinig namin ang palakpak ni Sir Greg para makuha ang atensiyon naming lahat.

"Guys, paki-check ang announcement board natin at nandoon ang listahan ng mga members na kakausapin ko ngayong araw for the contract renewal. Kapag wala ang pangalan ninyo, free day ninyo ngayon at puwede ninyo gawin kung ano ang gusto ninyong gawin, okay?" paliwanag ni Sir Greg.

"Yes, Sir!" we answered in unison at tumingin sa Bulletin board.

Wala ang pangalan ko sa board pero nakalista sina Dion, Renshi, at Liu sa mga kakausapin ni Sir.

Sabi sa akin ni Dion ay gusto talaga ni Sir Greg na one-on-one lagi ang contract renewal dahil hinihingi niya ang opinyon ng bawat players sa kung ano pang kailangan i-improve ng management to support the team. At baka raw kasi may personal issue ang isang member na kailangan i-discuss privately kung kaya't ganoon ang ginagawa ni Sir Greg.

Para sa akin, ang professional ng bagay na iyon dahil hindi nila ipinagsasawalang-bahala ang opinion ng mga players nila. The management is open for criticism to improve.

"Ayon, makakanood tayong sine! Sahod pa naman!" Nag-apir sina Gavin at Oli. "Kumare, sama ka?"

"Pass muna ako," malungkot kong sabi at umupo sa couch sa may sala. "May kailangan akong mga gawin today. Enjoy kayo!"

Honestly nalula ako sa pera na sinahod ko this month. 23,000 pesos, as an eighteen years old ay ang laking halaga noon para sa akin lalo na't hindi ko naman ramdam na nagtrabaho ako kasi sobrang saya at chill lang nitong nakaraang buwan.

One of these days, I am planning to buy a new books... 'coz why not? I deserved that.

Umalis na sina Oli para gumayak habang ako ay nasa sala habang nanonood ng kdrama sa netflix. "Busy daw siya, kilig na kilig lang siya sa Mr. Queen," naiiling na sabi ni Dion habang kumakain ng piattos.

"Bakit? Bawal na ba akong kiligin?" taas-kilay kong tanong sa kanya. "At tsaka, mamaya busy ako, sinusulit ko lang 'yong remaining time ko."

Buti ay sinabu nila Sir Greg na huwag muna kaming mag-practice in next few days para mapahinga kami dahil katatapos lang ng Summer Cup. Ang laking bagay noon! Feeling ko ay nagkaroon ako ng maraming time para magawa 'yong mga bagay na gusto kong gawin.

"Dami mong sinabi, ibalik mo sa episode 6, hindi ko pa napapanood 'yong episode 6." Reklamo niya. "Sabi mo sabay nating panonoorin tapos nag-a-advance ka ng mga episode. Awit sa 'yo."

"Eh, hindi ka naman kasi nanonood. Nagse-cellphone ka lang tapos maya-maya ay matutulog ka na. Pangit kang k-drama buddy."

"'Yong fact na sinasamahan kita manood, ang laking bagay na noon. Hindi kaya ako mahilig sa k-drama," depensa ni Dion.

We continued to watch and talagang nag-cellphone lang si Dion sa ilang minuto naming panonood. Daig pa siya ni Renshi na kumakain sa center table dahil mas interested pa siya kay Dion dahil ang dami niyang tanong para ma-gets niya 'yong kuwento.

"Dion," I called him

"Hmm?"

"Kailan mo ipapakilala si Ayame Gaming sa amin?" Tanong ko.

Napatigil siya at kumunot ang noo niya. "Bakit napasok na naman si Ianne dito?" Oh, Ianne ang real name niya. (Pronounced as Ay-yan)

"Kasi ka-chat mo siya lagi, ako pinaka-close mo sa boothcamp kaya deserved ko ring ma-meet siya. I need to warn her about your toyoin personality para makapag-prepare siya." I explained. Hindi ko pa nakikita ng personal si Ayame pero feeling ko ay bagay naman sila ni Dion. He rarely talk to a woman so may something sa babae na 'yon.

Kinikilig na agad ako sa idea na magiging sila.

Umayos siya nang pagkakaupo. "Anong ka-chat lagi? Kanino mo naman narinig 'yan?" Kunot-noo niyang tanong.

"Kay Oli."

"Naniniwala ka talaga kay Jose Oliveros Pagdanganan the Third? Seryoso ka?" natawa ako sa sinabi ni Dion. "Laking sinungaling noong bata na 'yon. Huling usap pa namin ni Ianne ay noong Summer Cup pa. Basahin mo pa."

Hinagis niya ang cellphone niya sa akin at buti na lang, naka-carpet 'tong sala. Hinagis ko ito pabalik kay Dion. "Bakit ko babasahin 'yan? Private conversation ninyo 'yan! Dapat bilisan mo, mukhang popular streamer pa naman 'yon."

He sighed and looked unto my eyes seriously. "Baka kahit anong speed ko, balewala lang."

"Dapat kasi lumalabas ka sa Boothcamp at dine-date mo si Ianne. Especially ngayon, wala tayong practice in next three weeks. But of course, let me meet her! Gusto kong magkaroon ng kakampi sa pang-iinis sa 'yo."

Our conversation was interrupted noong dumating si Aisha.

"Hoy bakla ka ng taon! Ginawa mong computer shop ang editor's room sa dami mong pinrint, gaga ka." sabi niya at iniabot ang makapal na papel sa akin na nakabukod-bukod gamit ang paper clip.

"Thank you, Aisha!" I sent a flying kiss to her.

"Hindi puwedeng thank you lang, ilibre mo akong Heineken na alak sa convenience store sa labas." She said.

"Oo mamayang gabi, promise!"

Tumingin si Aisha sa CCTV. "Narinig ng camera ang promise mo, huwag kang mang-indian. Sige na, ini-edit ko pa 'yong katangahang vlog ni Oliveros. If may ipapa-edit ka, chat mo ko, ipa-priority kita kasi walang kuwenta talaga 'yong vlog ni Oli." Parehas kaming natawa ni Dion sa sinabi ni Aisha. I really loved Aisha's blunt personality, siya nga lang yata ang malakas mang-trashtalk sa lahat ng members ng Battle Cry, eh.

Lumakad na paalis si Aisha at bumalik aa second floor.

"Sinong mas Boss Madam sa aming dalawa?"

"Ibang level na si Aisha sa pagiging boss madam niya. Pero papunta ka na doon." He chuckled at hinampas ko ang kanyang braso. "Ah, pikon."

"Epal."

"Ano 'yan?" Dion asked curiously.

Ipinakita ko kay Dion isa-isa ang mga papel na nakabukod gamit ang paper clip. "Introduction of my subjects this academic year."

"Statistics, Fundamental concepts of Mathematics, Database structure and analysis... Babasahin mo lahat 'to?" tanong niya at tumango ako. "Katamad."

"Totoo, pero wala naman akong choice. Kailangan kong mag-advance reading para hindi ako mahirapan sa subject." paliwanag ko sa kanya. Nakasanayan ko na rin naman ang magbasa ng mga stuffs related to academics kahit ang boring niya kaya okay lang.

Kinuha ko sa kuwarto ko ang highlighter ko at nag-indian sit sa harap ng center table sa sala.

"Pero Dion, balak mo pa rin bang bumalik sa pag-aaral?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, priority ko lang 'yong gaming ngayon." He answered honestly. "'Yong school naman nandiyan lang 'yan, kahit anong taon ko gustuhing bumalik... Tatanggapin pa rin ako niyan. 'Yong championship kasi... Feeling ko, ngayong time ko lang puwedeng makuha." he explained in a way na madali kong maiintindihan.

"Parang pag-a-artista lang, 'di ba 'yong ibang mga artista ay huminto sa pag-aaral for the career? Ganoon lang din ako. May nakatabing pera na ako para sa pagbabalik ko sa pag-aaral."

Napangiti ako dahil alam ni Dion ang gagawin niya sa buhay niya. Hindi rin siya 'yong ipipilit na pagsabayin ang studies at gaming lalo't alam niya sa sarili niya na hindi niya kaya.

"Balak kong magpatayo ng paupahan sa Nueva Ecija para naman may income sila Mama doon kahit huminto sa gaming. Hopefully this year, magawa ko na. Plano ko rin ipaayos 'yong bahay namin. Kaya umiiwas muna ako sa gastos." He explained.

"Umiiwas sa gastos? Add to cart ka nga nang add to cart." naiiling kong sabi.

"Eh, magkano lang 'yong ino-order ko, wala pa nga 'yong isang libo. Tsaka marami akong voucher ng discount at free shipping kaya malakas loob ko." he explained.

Naiwan na kaming dalawa ni Dion sa sala. Ako ay nagbabasa ng introduction sa Statistics (#sakitsaulo) habang siya ay nanood ng Transformers na movie sa TV.

Mabuti nga at hindi ako ginulo ni Dion sa pag-aaral ko dahil nakapag-focus talaga ako at na-absorb ko 'yong mga knowledge.

"May nagsisigawan ba?" Dion asked himself at hininaan ang volume ng TV

Parehas kaming natigil ni Dion noong makarinig kami nang pagtatalo mula sa second floor. Dali-dali kaming umakyat para makita kung sino ang nagtatalo.

"Hoy gago, kausapin mo ako!" sigaw ni Renshi na galit na galit habang hinahabol sa paglalakad si Liu.

Nagkatinginan kami ni Dion at sumunod sa kanila. They entered in their room at hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan nila.

"A-Ano bang nangyayari?" Akmang susugurin ni Renshi si Liu pero mabilis ko siyang pinigilan. "R-Renshi, kalma. Ano bang nangyayari?"

"Tangina! How the fuck will I calm?! Eh gago 'yan, eh! Gago!" Renshi shouted at pilit na nagpupumiglas.

Liu just sit on the bed at tiningnan namin siya ni Dion. "A-Ano bang nangyayari? Bakit kayo nag-aaway? Liu, may ginawa ka ba kay Renshi?" tanong ni Dion.

Hindi nagsalita si Liu.

"Oh! Sabihin mo sa kanila! Huwag kang gago diyan!" Renshi shouted habang nanggigilid ang luha.

"Ano bang nangyayari? Ipaintindi ninyo sa amin!" I shouted. Buti wala sina Kendrix dito dahil kasama nila Oli magsine, baka mas malaking gulo kung nandito sila.

"I..." Liu paused and looked into our eyes. "... didn't renew my contract."

"A-Ano?" tanong ni Dion na parang unti-unting nawalan ng lakas.

"H-Hindi na ako nag-renew ng contract. Aalis na ako sa Battle Cry." sabi ni Liu at parang nanghina ako ng mga oras na ito.

Una ay umalis si Axel at ngayon ay sinasabi naman ni Liu na hindi na siya nag-renew ng contract sa Battle Cry.

Nagpumiglas ulit si Renshi at nakawala siya sa pagkakayakap ko. Kinuwelyuhan niya si Liu. "Fuck! What is the reason?! Dahil ba hindi ka lagi pinapasok sa game?! Ganoon lang—"

"Sa tingin mo ba ay mababaw 'yon!? May favoritism ang management, aminin ninyo 'yon. Napaka-bias ng mga ipinapasok sa mga match!" he shouted. "I am tired of being a bench of player. Pagod na ako na ipapasok lang ako kasi wala si ganito... Kasi may biglaang pagbabago sa plano kaya no choice, ipapasok ako. Pagod na akong i-trato na amateur." He explained.

Liu is really open on how he hates the management. Pero hindi ko naisip na aabot sa point na hindi siya magre-renew ng contract at iiwan ang buong grupo.

"I deserve to be treated as a professional player. Gusto kong lumipat sa team na makikita ang value ko as a player." Liu said. Nanghihina ako at nawalan ng lakas.

My team mates are leaving one-by-one. Liu is one of my closest friends here in Battle Cry kung kaya't masakit ito sa akin.

"M-Magkakaibigan pa rin naman tayo. Hahanap lang ako ng team na magiging masaya ako kasi nakikita ko 'yong halaga ko." malungkot na ngumiti si Liu sa amin.

Kaaalis lang ni Captain, ngayon naman ay binabalak na ring umalis ni Liu sa grupo.

Sinabi naman sa akin ni Dion na 'may umaalis at may dumadating' sa Esports pero hindi ko naman naisip na ganito kasakit ang pag-alis ng mga kasamahan ko na kasama kong bumuo ng pangarap na mag-champion.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top