Chapter 47: Smile and Tears.

NANDITO kami sa backstage at mamaya lamang ay aalis na kami para kumain kasama ang buong team. "Dala mo 'yong powerbank?" tanong ko kay Dion.

"Opo. Nasa bulsa po ng Duffle bag." sagot ni Dion at hindi maalis ang tingin niya sa nilalaro niya sa kanyang cellphone.

"Saang bulsa?"

"Pangalawa sa kanan. 'Yong maliit." sagot niya.

Pumamewang ako. "Alam mo, ang hirap mong kausapin. Puro ka cellphone," umikot ang mata ko at cinonnect ang cellphone ko sa powerbank.

"Anong puro cellphone? Sinasagot ko naman 'yong tanong mo." Dahilan niya pero busy pa rin siya kakapindot sa cellphone niya. "Wala ka na namang maaway."

"Ia-uninstall ko 'yang zombie tsunami mo."

"Subukan mo, ipo-post ko 'yong video na nadulas ka sa hagdan sa boothcamp," ngumisi si Dion at napairap na lang ako. "Ah, pikon."

"Lolo mo pikon." Ganti ko.

"Lola mo pikon."

"Tito mo piko—"

"Ako napipikon ninyo na akong dalawa." Biglang nagsalita si Kendrix at napatigil kami ni Dion sa bangayan. "Lahat na lang pinagtalunan ninyo. Powerbank, laro sa cellphone, pancit canton, ulam."

"Sorry." sabay naming sabi ni Dion at umupo na ako sa tabi niya.

"Ikaw kasi..." mahina kong bulong.

"Ayan ka na naman." he said. Siya naman talaga, hinanap ko lang 'yong powerbank, ang daming sinabi.

Napatigil ang lahat noong pumasok si Sandro sa loob ng standby area kasunod ang mga sisiw niya. "Congrats sa atin, guys!" Sigaw niya.

Nakipag-apir si Sandro kay Axel pumunta sa amin si Larkin. "Oppa, nice game kanina. Ang galing ninyo." puri ko kay Larkin. Now I get it kung bakit oppa ang tawag sa kanya ng mga ka-team niya. Maporma kasi si Larkin at madalas ay pabago-bago ng hairstyle (according to his teammates) kaya oppa ang tawag sa kanya.

Kumamot sa ulo si Larkin. "Talo pa nga, eh."

"Dapat nga talo na kayo sa amin, eh," mayabang na sabi ni Oli habang nakaupo. "Pinagbigyan lang namin kayo. Kasi ilang matches kami ngayong araw, siyempre napagod kami. Sabi namin, ah sige, ibigay na natin 'to sa Alternate. Mukhang mas kailangan nila. Kaya pinanalo namin kayo." natawa ako sa pagmamayabang ni Oli.

Ang bilis niya makagawa ng kuwento. Pero totoo, ang dami naming laban ngayong araw na kahit ako ay napagod. First time namin na mag-stay sa Dome nang maghapon dahil sa sunod-sunod na match.

"Ulol mo." sagot ni Larkin.

"Pero, Larkin, ang cool ng idea ninyo kanina sa laban natin. Hindi namin in-expect parehas ni Renshi iyon." Puri ko. Napahanga talaga nila ako kung paano nila biglang na-counter ang plano namin at nagawa kaming ikulong sa warehouse nang hindi namin namamalayan.

"Actually na blangko na ako noong napatay ninyo 'yong isa naming kasamahan. Sabi lang ni Kiel i-hold namin kayo doon at siya raw ang kikilos. Which is worth it kasi pinuntahan pa kayo ni Dion kung kaya't mas napadali sa aming ma-target si Oli. Sinuwerte lang din." he explained at napatango-tango ako.

Our conversation was interrupted noong pumasok ang mga magulang ng ibang mga players din dito sa Standby area. Dumating ang Tatay ni Liu at mga kapatid.

Napatingin ako kay Gavin, Renshi, at Oli. The three of them are smiling but I can clearly see the sadness in their eyes.

"Milan!" Pumasok sila Dad sa standby area at mahigpit akong napayakap sa kanila. "Ang galing mo sa bawat match kanina, anak." he said. "Heto may dala akong mga pizza, kainin ninyo kasama ang mga ka-team mo."

"Nag-abala ka pa, Dad."

"Nasaan sila Oliver?" Dad asked at itinuro ko sina Oli.

Their face immediately lit up noong nakita nila sila Mom at Dad na nakangiting lumalapit sa kanila. Mabuti na lang at tinatrato ni Dad na parang pamilya ang mga ka-team ko.

May walong box ng pizza mula sa Greenwich na binili si Dad. Ipinatong ko ito sa lamesa at pinagsaluhan namin ito kasama ang buong ALTERNATE.

Yeah, maybe, we lost in this competition pero hindi naman mapapantayan ang experience na ibinigay sa amin. There is always a next time for everything.

In this competition, I gained new friends, I learned a lot, at na-experience ko na lumaban as a professional player.

"Anong maganda?" tanong ni Dion at ipinakita niya ang cellphone niya at nag-o-online shopping pala ang mokong.

Kumagat muna ako sa pizza. "Tumitingin ka na naman ng cellphone case. Ang dami mo ng case sa kuwarto ninyo. 'Yong iba hindi pa bukas."

"Dami mong sinabi." reklamo niya. "Tinatanong lang kita kung ano ang mas maganda, eh."

"Galit na yern?"

"Hindi," mas lumapit si Dion. "Alin nga mas maganda?"

"Mas maganda itong pula." Pagturo ko.

"Parang mas gusto ko 'yong puti."

Seryoso ko siyang tiningnan habang natatawa lang siya. "Tinanong mo pa ako, may desisyon ka naman pala."

"Bilihin ko na lang parehas, sa 'yo na lang 'yong pula." he suggested.

"Libre mo?" tanong ko.

"Anong brand ba 'yong phone mo?"

"IPhone X." I answered.

"Mukhang lalo kayong naging close, ah." Biglang pumagitna namin si Kuya London at pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Dion. "Binabantayan ko kayong dalawa sa mga live ninyo."

"Kuya, ang issue mo pa rin."

"Hoy!" Pinitik ni Kuya London ang tainga ko.

"Aray ko! Isusumbong kita kanila Mom! Ang sakit-sakit mo kaya mamitik!" Reklamo ko at kinakamot ang tainga ko. Akala yata ni Kuya London ay magaan ang kamay niya.

"Lahat ng tao sa gaming world ini-issue kayong dalawa. Hindi lang ako." sabi niya at bumaling ang tingin niya kay Dion. "Hoy, Dion, crush mo ba si Milan?"

"Kuya!"

"Shhh. 'Di ka kasali sa usapan. Talk to my hand." Iniharap sa akin ni Kuya ang kaliwang kamay niya. "So, ano? Dion? Crush mo ba 'tong kapatid kong kulang sa aruga?"

Napairap ako sa ere. Sino kaya ang mukhang kulang sa aruga sa aming dalawa?

Natawa si Dion. "Hindi po." he answered honestly.

"Weh?"

"Hindi nga."

"Eh, kung papipiliin kita, isang milyon o isang Milan?"

"Isang milyon." Walang pag-aalinlangang sagot ni Dion.

Dumungaw ako sa kanya para magtama ang mata naming dalawa. "Wow, ha! Money over friendship."

"Siguraduhin ninyo lang dalawa." Naniningkit na sabi ni Kuya London. Akala niya yata ay bagay sa kanya maging chinito. "Ako ang mata ni Kuya Brooklyn dito sa Pinas. Sabi niya ibibili niya ako ng bagong bike kapag nabantayan ko kayo ng maayos."

"May suhol naman pala." naiiling kong sabi.

"Tanga. Hindi suhol tawag doon. Nagiging protective brother lang ako." pagmamayabang niya.

"Pinaganda mo pa."

After a couple of minutes ay lumabas na rin sila Kuya dahil gabi na rin. Ang sabi ko naman kanila Mom ay baka next week ay balik bahay na ulit ako since tapos na ang competition at kailangan ko nang mag-focus ulit sa pag-aaral. Oh, God, kailangan ko nang magbasa ng mga introductions sa mga subjects ko.

Knowing our professors, siguradong magro-roll call sila kung ano ang alam namin sa subject na iyon kahit wala pa silang naituturo.

Nagliligpit na kami ng gamit. Nagpalit na rin ako ng casual clothes ko dahil maghapon kong suot 'yong jersey.

Habang nilalagay ko ang dami sa duffle bag ay tumabi sa akin si Axel. "Captain,"

He smiled. "Sasabihin ko na sa kanila mamaya." saglit akong napatigil. Nawala sa isip ko ang bagay na iyon.

"Seryoso ka talaga sa pag-alis mo? Hindi ka na talaga mapipigilan?" Sunod-sunod kong tanong. Ang laking kawalan ni Axel sa grupo sa totoo lang.

Siya ang pinakakuya ng lahat. Alam niya kung paano kakalingain ang members niya kapag malungkot sila, alam niya kung paano makukuha ang atensiyon ng lahat, tumataas din ang confidence ng lahat kapag nandiyan si Axel. He is one of the stable pillar of the group.

"Kailangan, eh. Gusto kong maging Attorney." he answered. Hindi madali mag-law school at aware ako doon.

"This will be hard for them,"

He smiled weakly. "I know."

"Milan nakita mo 'yong pabango k—" Dumating si Dion at palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Axel. "Ang seryoso nang pinag-uusapan ninyo, ah?"

"I just seek for an advice as an Assassin." Palusot ko at kinuha sa bulsa ng duffle bag ang pabango niya. "Oh, ayan na 'yong pabango mong amoy matanda."

"Basher." naiiling na sabi ni Dion at naglakad na paalis.

***

WE ENJOYED the night at nag-Samgyupsal kami (sagot ng management) at nag-videoke rin kami kung kaya't late na kami nakabalik sa boothcamp. Natalo man kami pero feeling ko ay mas pinatatag ng competition ang bond naming Battle Cry.

"Grabe pagod ko," sabi ni Liu habang papasok kami sa Boothcamp.

Axel signalled Coach nd Sur Greg that he will do the announcement. Tumango si Sir Greg bilang pagpayag.

"Guys, may sasabihin ako sa inyo. Sa sala muna ang lahat." Axel said at bigla akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko.

"Ayan na naman siya sa speech niya." naiiling na sabi ni Gavin without any idea that this will be Axel's last sermon for us.

Umupo kaming lahat sa sala habang nakatayo si Axel.

"Aware naman siguro kayo na madalas akong wala noong Summer Cup, 'di ba?" Kahit si Axel, ramdam ko na hindi niya alam kung paano sasabihin sa lahat ang balak niya.

"Okay lang 'yon, Captain. Bawi na lang tayo next season." Oli said.

"Ayon nga..." Axel sighed. "In the next competitions... Hindi na ninyo ako makakasama."

Naging gloomy ang atmosphere sa paligid. Napatingin ako sa mga kasamahan ko, lahat sila ay nagtataka na parang inaalam ang gustong ipunto ni Axel.

"I am planning to leave Battle Cry." And he said it. Pilit na ngumingiti si Axel, ayaw niya rin na masaktan niya ang ibang ka-team namin pero... Masakit ito para sa lahat.

"M-Magpapahinga ka?" tanong ni Renshi.

"Okay lang naman magpahinga ng ilang competitions, Captain." nakangiting sabi ni Oli. "Kaming bahala kaya nami—"

"I am leaving Battle Cry. For good." Naramdaman ko ang panggigilid ng luha ko. "Iyong Summer Cup na ang huling competition na sasalihan ko. Nakaka-proud na nagawa ninyong manalo ng ilang matches kahit wala ako."

Walang nagsasalita sa amin. Para bang hindi pa nagsi-sink in sa lahat ang announcement ni Axel.

"It's a prank!" sigaw ni Oli habang tumitingin sa paligid. "'Yong mga taga-video diyan, lumabas na kayo. Bisto na namin kayo. Prank lang 'to." He shouted.

"This is not a prank, Oli." Axel said.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Oli at namuo ang luha sa kanyang mata. "Captain..."

"H-Hindi ako payag!" Sigaw ni Gavin. "Sabi mo walang iwanan hangga't hindi tayo nagcha-champion. Hindi ka pa puwedeng umalis." naiiyak niyang sabi.

Pinahid ko ang luha ko at napatingin kay Dion. "You knew about this?" He asked.

"Matagal na." I answered.

Noong nakita ni Axel na umiiyak kamk ay napatalikod siya at tumingala para pigilan ang kanyang luha. "Gago kayo... Huwag kayong umiyak."

"Captain... 'wag mo naman kaming iwan." Umiiyak na sabi ni Oli. "Kailangan ka namin. Kailangan ka ng buong team. S-Sino na mag-iisip ng plano para sa amin? Sino na magpapatahan sa amin kapag natatalo tayo? Sino na ang magpapayo sa amin? Captain... 'wag ka na umalis."

"Nandiyan si Kendrix. Nandiyan si Milan." He pointed us. "I trained them well. At tsaka..."

Pinahid ni Axel ang luha niya. "Ilang taon na rin akong player, since season one ay nandito na ako sa Battle Cry. Of course I want to win. Pero panahon na siguro para tuparin ko na 'yong matagal ko ng pangarap para sa sarili ko since nakaipon na rin naman ako." He said.

"'Wag ka nang umalis, Axel," Gavin shouted. "Heto na oh, mas malakas na tayo. Third place tayo! We can definitely win in the next competition. 'Wag ka muna umalis."

"Manonood pa rin ako ng mga laban ninyo." naglakad si Axel para guluhin ang buhok nina Gavin at Oli. "I trained you guys well. Asset na kayo ng team."

"Captain..." Mahigpit na yumakap ang dalawa at yumakap na rin ang mga kasamahan namin kay Axel.

"G-Gusto kong maging lawyer. Gusto ko nang seryosohin ang buhay ko." he said.

"Akala mo ba ay hindi kami seryoso sa ginagawa namin?!" Dion shouted at napatigil ang lahat.

Hinawakan ko ang kanyang braso ngunit mabilis niyang inalis ang kamay ko.

"Hindi ba seryosong bagay ang tingin mo sa Esports?! Anong akala mo? Sa dalawang taon ay nilalaro-laro lang natin 'to? Axel... Pangarap ko 'to, pangarap namin 'to tapos para sa 'yo ay laro lang ang lahat?" He shouted.

"I need to set aside things para sa panibagong opportunity para sa sarili ko." sigaw pabalik ni Axel. "Akala mo ba ay madali ang lahat ng ito, Dion?"

"Guys, kumalma kay—"

Tumayo si Dion. "Oo! Nasabi mo nga na parang wala lang, hindi ba?! Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Iniiwan mo kami sa ere, Axel!"

Tatayo na sana ako ngunit pinigilan ako ni Kendrix. Umiling siya sa akin. "They need that. Kailangan nilang masabi lahat nang hinanaing nila."

"Iniiwan sa ere?! Alam mo ba Dion na ilang beses kong isinantabi ang bagay na ito para sa team?! Captain ako! Kailangan ko lagi unahin ang grupo! Akala mo ba ay madali ang lahat ng ito?" Nanginginig ang labi ni Axel habang umiiyak. "Bawal ba akong maging selfish? Kahit ngayon lang?"

Napatakip ako ng bibig upang mapigilan ang paghikbi ko.

"Dalawang taon... Dion. Dalawang taon ko na kayong inuuna.  Sa dalawang taon na iyon ay sinuportahan ko kayo. Sa dalawang taon na iyon ay tinago ko lahat ng takot ko, lahat ng pressure sinarili ko kasi captain ako. Paniguradong kakabahan kayo kapag nalaman ninyong kinakabahan ako!"

"Akala ninyo ba madali na ngumiti sa harap ninyo sa tuwing natatalo sa match para mapagaan ang loob ninyo kahit ang sakit-sakit? Akala ninyo ba ay madaling magpuyat para lang may bagong idea at tactics na mailalatag para sa team? Puwede bang maging selfish naman ako ngayon, ako naman. Please, ako naman, suportahan ninyo naman ako sa desisyon ko kasi buong buhay ko... Ganoon ako sa inyo."

Walang tigil ang luha ko. Napatahimik ako at hinawakan sa kamay si Dion. He looked at me. "Pinag-isipan 'to ni Axel, Dion."

"Pero kasi..." pinahid ni Dion ang luha niya. "Gusto rin kitang makita na nakatayo sa stage habang hawak ang trophy, Axel. Gusto ko kapag nanalo tayo ay nandoon ka. Masama bang pangarapin ang bagay na iyon kasi sa aming lahat... Deserve mong buhatin ang trophy."

Lumapit si Axel kay Dion at tinapik ang kanyang likod.

"Sa oras na manalo ang Battle Cry... Siguradong nanonood ako noon ng match ninyo. Tatakbo ako papaakyat sa stage at ako ang hahawak ng trophy para sa inyo. Pangako 'yan."

"Captain..." Mahigpit na yumakap si Dion kay Axel at napangiti ako. Coach and sir Greg are also crying.

Kahit ang editor team namin na nakaupo sa baitang ng hagdan ay umiiyak.

Yumakap kaming lahat kay Axel at ngumiti si Axel sa amin.

"Tandaan ninyo, proud na proud na proud ako sa inyo." he said.

Ngayong araw, nawala ang pinakamatatag na poste ng Battle Cry. Axel officially leave the team.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top