Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
MABILIS akong tumatakbo pahiwalay sa mga kasama ko. Ilang beses ko nang nakita na lumaro ang ALTERNATE at parati silang may baraha na nakatago. Alam na alam nila kung paano sila makikipag-communicate sa isa't isa.
[Battle Cry] Nemesis: Mag-iingat ang lahat. Rufus, protect Anonymouse well. Iwasan ninyo na dumaan sa kahit anong eskinita sa map, we need to avoid ambush. Maliwanag ba?
We all answered on Nemesis command.
Mabilis akong tumatakbo papaakyat sa isang sira-sirang building hanggang sa marating ko ang tuktok nito. I scanned the whole area kung may kalaban ba sa paligid. I need to make sure na ligtas na makakagalaw ang mga kasamahan ko within the area.
[Battle Cry] Nemesis: Street B sa south. May dalawang Alternate members. Mag-ingat lahat nang malapit doon.
[Battle Cry] Gauntlet: Noted, Captain.
Napakapit ako sa pader noong makarinig ako ng malakas na pagsabog sa hindi kalayuan. Mukhang
may ilang ka-team ako na napapasabak na sa laban.
Pababa na sana ako ng building noong nakita ko ang tatlong miyembro ng ALTERNATE na tumatakbo sa iisang direksyon. They are not being cautious in their surroundings na parang alam na alam nila ang kanilang pupuntahan. Are they planning to ambush one of us?
Dash.
Dali-dali akong tumakbo pababa ng building at dumaan sa backdoor upang hindi nila makita. Malayo-layo pa sila sa lokasyon ko kung kaya't nagmamadali akong tumakbo papunta sa lugar kung saan sila tutungo. They are heading east at puro abandonadong storage house lamang ang nandoon.
Alam kong binilin ni Nemesis na huwag kaming dumaan sa mga eskinita pero heto lang ang way para maunahan ang tatlong miyembro ng ALTERNATE.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa marating ko ang lugar kung saan maraming abandonadong imbakan.
Pagkarating ko rito ay namataan ko si Azuran (Renshi) na nakatago sa likod ng isang malaking bariles. Akmang magpapakawala siya ng bolang apoy noong makarinig siya ng ingay ngunit mabilis kong itinaas ang aking kamay.
"A-Ako 'to," sabi ko. Dire-diretso akong tumakbo tungo sa kanyang direksyon at hinawakan ang kanyang braso para hatakin.
"Is there any problem ba?" Azuran frowned.
Tumingin-tingin ako sa paligid kung may maaari kaming pagtaguan. "Hindi ligtas dito." sabi ko sa kanya.
Akmang tatakbo na kami papaalis noong makarinig kami ng malakas na pagsabog at mula rito ay kitang-kita ang itim na usok na umaangat patungo sa kalangitan. Ilang metro lang ang layo nito at nasisigurado kong nandito na silang tatlo sa area na ito.
"Na-corner na nila tayo." sabi ko sa kanya at umikot ang mata ko upang maghanap nang puwedeng pagtaguan. Wala kaming choice ni Azuran kung hindi pumasok sa loob ng abandonadong warehouse.
This is pretty spacious place at marami ring nakatambak sa loob kung kaya't makakapagtago kami ni Azuran.
Hinawakan niya ang braso ko at hinatak sa likod ng makapal na kurtina na nakatabing sa sira-sirang sofa.
"Inform them." mahina niyang sabi habang nakabantay sa paligid.
"Akala ko ba may nakita rito si Frenzy?" Dumungaw ako upang makita kung sino at ilan sila... silang tatlo 'yong nakita ko na patungo rito— kasama na doon si Nodaichi (Larkin).
[Battle Cry] Shinobi: Need backup, warehouse area. Dalawa kami ni Azuran dito. ASAP.
Hinugot ko mula sa lalagyan ang wakizoshi sword ko. I will not let ALTERNATE to easily kill us. We are few steps away from the trophy.
"Kailan ba pumalya si Frenzy? Nandito lang iyon. Don't let your guard down." Narinig kong sabi noong isang kasama ni Nodaichi. Dahil sa pagiging kulob nitong warehouse at tanging ingay nila na ume-echo sa paligid ang maririnig sa lugar. We can easily identify if they are near or not.
Nagkatinginan kami ni Azuran. Itinapat niya ang hintuturo niyang daliri sa kanyang ilong na parang sinasabi na huwag akong maingay. Ibang klase ang kaba na nararamdaman ko ngayon.
Papalapit sila nang papalapit tungo sa aming direksyon.
"Gagamit ako ng skill kapag nasa tapat na natin sila," bulong ko kay Azuran.
"Hindi mo sila kaya..." bulong niya pabalik sa akin. "They can easily kill you."
"Kung mamatay ako sa game. Mas gugustuhin kong lumaban at subukang may mapatay sa kanila... We are trap here. Wala tayong choice kung hindi anh lumaban." mahaba kong litana.
Papalakas nang papalakas ang mga yabag ng paa na aming naririnig. Hinarang ni Azuran ang kanyang kamay at seryosong tumingin sa akin.
"I will use my skill first bago ka sumugod." Tumango ako bilang pagsagot kay Azuran.
"Kung matatalo natin ang Battle Cry ngayon ay mababawian natin ang..." Tuloy-tuloy lang sa pag-uusap ang tatlong miyembro ng ALTERNATE.
Parehas kaming aware ni Azuran na hindi namin sila kayang matapatan. Assassin, Tank, at Marksman silang tatlo. They can easily kill us with that lineup.
Nagsimulang mag-countdown si Azuran sa kanyang daliri. Noong malapit na sa amin ang ilang miyembro ng ALTERNATE ay mabilis na kumilos si Azuran.
Itinapat niya ang kanyang rod sa mga kalaban. It caught them off guard dahil bigla na lamang lumabas si Azuran.
"Fire ring!" malakas niyang sigaw at mula sa lupa ay lumabas ang isang malaking apoy na bumawas sa tatlong miyembro ng ALTERNATE. "Shinobi!" tumingin sa akin si Azuran.
Dali-dali akong tumayo at hinanap ang marksman member nila. Hindi ko puwedeng target-in si Nodaichi dahil mabilis niya akong matatakasan.
Binunot ko ang wakizashi sword ko at hinanap ko si Indominus (isa sa mga core member nila) at dali-dali akong gumamit ng skill.
"Montante! Protektahan mo si Indominus!" malakas na sigaw ni Nodaichi.
"Fire chain!" sigaw ni Azuran at may apoy na kadena ang kumapit sa paa ni Montante at Nodaichi. "Shinobi, gawin mo na!" he shouted.
This is Renshi's first big competition pero ang bilis niyang nakakaisip ng paraan para magawa naming makapitas ng isang member ng ALTERNATE.
Quick slash.
Hiniwa ko sa tiyan niya si Indominus at sumirit ang malapot na dugo sa paligid. Isa sa mgq weakness ng mga marksmen ay kapag nalalapitan sila dahil karamihan ng skill nila ay pang-long range. Huminto ako sa pagtakbo at huminto sa tapat ni Indominus
Blade Spirit.
Nagkaroon ng kulay asul na liwanag ang aking wakizoshi at humaba ito na animo'y naging katana. I do two upward slash at malaking ang naging bawas noon sa health bar ni Indominus. Humigpit ang pagkakapit ko sa aking espada.
"Nice game." I smiled and gave him a powerful downward slash dahilan para maglaho na siya sa game.
[ALTERNATE] Indominus is eliminated by [Battle Cry] Shinobi!
Napangiti ako pero hindi pa kami panalo sa sitwasyon na ito. Natanggal na ang mga kadenang nakatali sa paa nina Nodaichi. Mabilis siyang tumatakbo sa direksyon ni Azuran.
Of course they will attack Azuran, si Renshi ang damage dealer at nagsilbing support dahil sa nangyari.
"Takbo!" malakas kong sigaw. I know it no use dahil Striker class si Nodaichi, he can easily catch up with Renshi. Pero... Hindi kami puwedeng mabawasan ng member ngayon.
We are in the crucial part of the tournament. Malayo na ang narating namin but this will be Axel's last tournament. Gusto kong maiuwi namin ang kampionato.
Tumakbo ako para humabol kay Nodaichi ngunit mabilis akong hinarangan ni Montante. Using his shield, he pushed me back at binangga sa malaking poste dahilan para hindi ako makagalaw.
Tumingin ako sa direksyon ni Azuran. Akmang sasaksakin na siya ni Nodaichi noong may malaking piraso ng bato ang biglang umangat mula sa lupa. ALTERNATE members are both stunned with surprise. Mabilis akong napatingin kay Montante at sinipa siya papalayo.
I immediately use my dash skill para makatakas. "Takbo!" isang sigaw ang narinig ko at nakita ko si Rufus sa may pintuan habang hawak ang dual sword niya.
Lumapit ako sa direksyon ni Azuran at tinulungan siyang makatayo. "We should escape." mahina kong bulong.
"H-Hindi." sabi ni Azuran sa akin at muling bumalik ang tingin sa labanan. "Kaya natin manalo sa laban na 'to. 3V2 'to. May advantage tayo." dugtong niya pa.
"Saan kayo pupunta?" Biglang sumulpot sa aming harap si Nodaichi. Akmang sasaksakin niya si Azuran pero mabilis kong naitulak si Azuran at nasangga ko ang atake ni Nodaichi.
He smiled. "Nice one. Sulit ang pagtuturo ko sa 'yo." he said and in a snapped ay wala na siya sa harap ko at nasa likod ko na siya.
He attacked my back at nagkaroon ng bawas ang health bar ko. Susugod muli si Nodaichi sa akin ngunit isang fireball ang pumagitna sa amin at biglang sumabog.
Inventory.
Healing potion.
Dali-dali ko itong ininom at bumalik sa maayos na kundisyon ang aking katawan.
Si Nodaichi lang ang kalaban namin ni Azuran ngayon.
Kinakalaban ni Dion si Montante upang mapigilan itong makalapit sa amin.
Nabigla ako noong umupo si Nodaichi sa isang bariles at ngumiti sa amin. Nagkatinginan kami ni Azuran pero hindi pa rin namin binababa ang aming depensa.
Nodaichi smiled. "Sa tingin mo ba ay nandito kami para patayin kayo?" he asked.
My brows frowned. "You are smart, Shinobi, sa tingin mo bakit namin kayo kinakalaban dito? Isang assassin, isang mage, at isang tank ang wala sa inyo ngayon sa battlefield dahil nandito kayo."
Namilog ang mata ko. "Buy time." bulong ko. Kinakalaban kami nila Nodaichi para makakilos ang mga kasamahan nila sa labas.
"Bingo." he answered.
[Battle Cry] Anonymouse is eliminated by [ALTERNATE] Crimson!
[Battle Cry] Nemesis is eliminated by [ALTERNATE] Madness!
Nagkatinginan kami ni Azuran. "Kailangan nating makaalis dito." sabi ni Nodaichi.
Akmang tatakbo na kami papalabas noong sumulpot si Crimson at ilang miyembro ng ALTERNATE sa tapat ng pinto.
"Too late." Nodaichi said and chuckled. Tumayo siya at hinawakan ang kanyang espada. "One sacrificed is worth it." he said.
"ALTERNATE just won against Battle Cry! Wow, what a smart tactic from Larkin at Sandro. They will advance to the next round at muli nilang makakatapat ang Rising Hunters sa final round!"
Malakas na nagsigawan ang mga nanonood sa dome. Tinanggal ko ang nerve gear ko at pilit na ngumiti sa mga tao sa paligid. Ang plastik ko kapag sinabi kong hindi ako nasaktan sa pagkatalo namin. I mean... Abot kamay na namin ang trophy, eh, ilang panalo na lang ang kailangan naming gawin pero natalo kami against ALTERNATE.
"Battle Cry!" Captain Axel gathered us. He smiled to us at hindi ko na mapigilang maiyak. Ganito pala ang feeling ng natatalo sa game. "Oh, ba't ganyan ang mga mukha ninyo?" he asked and chuckled.
"Captain..." the younger members slowly walked towards Axel's direction at mahigpit siyang niyakap.
"Nice job, proud ako sa inyo." Hinihimas ni Axel ang mga likod nila para mapatahan sila. "Pero ngayon, let's be sports for now. Save your tears later."
Nagkatinginan kami ni Dion at malungkot na ngumiti sa isa't isa. Ang tagal naming pinangarap at pinaghandaan itong summer cup. But our journey ended here. Third place.
"Bakit ka umiiyak?" Dion chuckled at inakbayan ako.
"Ikaw din. Naiiyak ka." natatawa kong sabi at umakbay din kay Dion.
Pumila kami para makipagkamay sa ALTERNATE members.
Katapat ko si Larkin at nakita kong nanggigilid ang luha niya. "Gago ka, Milan, huwag kang umiyak. Nakokonsensiya tuloy ako na natalo namin kayo." he said at natawa ako.
Pinahid ko ang luha ko. "Nice game, Oppa."
"Battle Cry!" sigaw ni Axel at napaayos kami ng tayo lahat.
"Maraming salamat sa magandang laban!" We all bowed at malakas na nagpalakpakan ang mga tao.
"Battle Cry!" Isang sigaw ang narinig namin sa paligid na unti-unting lumakas hanggang sa sumabay na ang lahat ng mga tao sa dome.
"Battle Cry! Battle Cry!"
Nagkatinginan kami nila Oli at napayakap sa isa't isa. People still cheered and support us.
Matapos naming mag-bow kanila Sandro ay pumunta kami aa gitna ng stage at nag-bow sa mga nanonood.
Malungkot kaming bumaba ng stage. We lost our chance to have a golden ticket papasok sa season four tournament.
Pumunta kami sa backstage at pumasok sa standby area namin. At dito... Bumuhos ang mga luha at malakas na pag-iyak mula sa mga members.
Axel and Kendrix tried their best to console them.
Pumasok si Coach Robert at Sir Greg sa standby area. Napaayos kami nang tayo lahat.
"Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?" Sir Greg said habang tinitingnan kami. "May awarding pa kayo mamaya. Third place tayo. Maganda ang performance na ipinakita ninyo ngayong Summer Cup. Last year pasok lang tayo sa top 8, eh." Sir Greg said.
"Sir, hindi kami nag-champion." malungkot na sabi ni Gavin.
"Hindi PA kayo nagcha-champion." sigaw ni Coach at napatingin kaming lahat. "Hindi ito ang huling Tournament na papasukan ninyo. Tandaan ninyo, hindi ko kayo susukuan hangga't hindi tayo nagcha-champion."
Doon bumalik ang mga ngiti sa aming labi.
"Coach, pa-samgyupsal ka naman, para gumaan loob namin." malambing na sabi ni Oli.
Coach sighed. "Oo na. Third place naman tayo. That's is one of a heck achievement. Isipin ninyo 13 teams ang tinalo ninyo para sa position na 'yan." Coach said at napasigaw kaming lahat.
The competition continued at sa gilid ng stage kami nanood para ipakita sa ALTERNATE ang suporta namin.
At the end of the competition, Rising Hunters won. Hindi man lang sila natalo sa Summer Cup na ito. Mujhang pinaghandaan talaga nila itong Summer Cup.
"Batak na batak sila sa training, ah." Naiiling na sabi ni Dion habang nakatingin sa Rising Hunters na nagtatalon-talon sa tuwa dahil sa pagkapanalo nila.
"Next time. Tayo naman ang tatayo diyan habang hawak ang trophy." sabi ko kay Dion.
"Tayo naman ang sisigaw sa tywa at ichi-cheer ng malakas ng mga tao." dugtong ni Dion.
"Claim natin." parehas kaming natawa.
Umakyat na kami sa stage para sa awarding.
The grand champion will go home with 20,000 dollars. 10,000 dollars naman para sa second place at kami naman ay mag-uuwi ng 7500 dollars o katumbas ito ng 360,000 pesos. (Which is malaki na rin honestly)
Nag-bow kaming lahat sa mga nanonood at malakas silang nagpalakpakan.
Officially, Summer cup ended. Nasungkit namin ang third place ng competition, I know, it's a pretty good place pero hindi kami susuko hangga't hindi namin nakukuha ang kampionato. We will make sure na makakapasok kami sa season four tournament
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top