Chapter 45: Teams who Overcome
"RISING HUNTER remains undefeated for Summer League! Wow! What a performance from Geecko! Binuhat niya talaga ang buong Rising Hunter hanggang sa Finals! Waiting na lang sila sa makakalaban nila sa kung sino ang mananalo sa Lower bracket!" pare-parehas kaming nadismaya sa standby area noong malaman na ang Rising Hunter ang nanalo laban sa ALTERNATE.
"Tangina! Bakit natalo sina Sandro?" inis na sigaw ni Gavin sa standby area. "Babatukan ko talaga 'yan, pagbalik sa backstage. Kung hindi namatay tank nila agad, kaya 'yon, eh."
"Bobo, bakit ka naiinis na natalo ang ALTERNATE? Kalaban din natin 'yan." binatukan siya ni Oli at napatawa kami.
"Ay kalaban pa ba natin 'yan? Buti nga sa ALTERNATE, talo. Pangit na nga ng logo, pangit pa ng gameplay." pang-aasar ni Gavin.
Matapos ang laban ng ALTERNATE at Rising Hunters ay nagkaroon nf lunch break at magre-resume ang program ng ala-una.
Nakaupo kami sa harap ng long table habang nilalatag ni Sir Greg ang mga pagkain namin. Lutong-bahay ni Manang Martha ang ulam namin ngayon na sobeang ikinatuwa ko. Promise, ang sasarap magluto ng mga kasama namin aa Boothcamp.
Nakalagay sa tupperware ang ulam at kanin. Bistek ang pagkain namin ngayon at mukhang makakarami ako ng kain.
"Oh, Dion, alam ni Manang Martha na hindi ka kumakain ng Bistek." nilatag ni Sir Greg sa lamesa ang pagkain ni Dion at siya lang ang may ulam ng pritong manok.
"Hindi ka kumakain ng bistek?" tanong ko.
"Hindi. Hindi ako nasasarapan." sagot niya sa akin. OMG, hindi ko alam na may mga taong may ayaw sa bistek. Ang top tier kayang ulam pinoy no'n!
"Okay, kids, kumain kayo ng marami dahil may laban pa kayo mamaya. Malapit na nating makuha ang championship. Kaunting tiis na lang." pagpapalakas ni Sir Greg ng loob namin habang nakangiting nakatingin sa amin.
"Yes, Sir!" we answered.
"Sige na, kumain na kayo."
Bumaling ulit ang tingin ko sa katabi ko. "Bakit ayaw mo sa bistek? Ang sarap kaya nito!"
"Anong masarap diyan? Ang weird kaya ng lasa." reklamo niya. "Ang asim na mapait tapos ang dami pang sibuyas."
"Ang weird nang panlasa mo."
"Ikaw nga nilalagyan mo ng calamansi 'yong extra hot na pancit canton. Para kamo maging chilimansi, sinong mas weird sa atin?" nakangising sabi ni Dion.
"Hindi mo kasi gets, mas maanghang kasi kapag ganoon." I explained habang kumakain kaming dalawa.
Napatingin ako sa harap at nakita ko na namang jina-judge ako ng singkit na mata ni Liu. "Alam ninyo, dati natutuwa ako kapag nagbabangayan kayo pero ngayon para kayong laging magsusuntukan na dalawa. Bistek lang pinag-aawayan ninyo pa."
"Hindi ka pa nasanay." sabay na sabi ni Gavin at oli.
Grabe! Ganoon ba kababaw ang tingin nila sa amin?
"Siya nga pala, Dion, nag-chat sa akin si Ayame kanina. Ginu-goodluck tayo sa match." sabi ni Axel na kumakain sa hindi kalayuan.
"Nag-chat din sa akin, hindi ko nga alam kung paano noon nahanap 'yong Twitter ko." parehas kaming napatingin kay Oli noong napaubo ito. "May kinalaman ka rito, Oliveros?" tanong ni Dion.
"Well, she just asked. Binigay ko lang naman ang Twitter account mo since bagong gawa." Originally kasi, walang Twitter si Dion dahil ang toxic daw. Pero ginawan ko pa rin siya, kasi hello! Ang saya kaya magbasa ng mga bardagulan sa Twitter.
"Oh, who's that Ayame ba?" I asked while grinning. Ready na ako asarin si Dion.
"Nakasama namin ni Dion sa playoffs last year." paliwanag ni Captain. Sinabi niya rin na ang playoffs ay iaang event na kung saan nagsasama-sama sa game ang mga streamer, popular players, professional players, at ilang mga artista para maglaro to entertain Hunter Online fans.
"Kaibigan lang." sabi ni Dion at inubos na ang pagkain niya.
Napangisi ako. "Bakit defensive ka? Wala naman akong sinasabi."
"Kilala kita. Ngiting judgmental 'yang nasa mukha mo ngayon." naiiling na sabi ni Dion.
"Milan, anong masasabi mo kay Ayame?" tanong ni Liu habang mabusisi akong tinitingnan ng singkit niyang mata.
"Wala." I answered honestly. "Hindi ko pa nga siya kilala personally, eh! Sabi ko nga kay Dion ay ipakilala niya ako para naman may kasama na ako sa pang-aasar sa kanya."
"Hindi ka man lang ba nakaramdam ng selos? Kahit kaunti lang?" tanong naman ni Gavin.
"Ha? Bakit naman?" I curiously asked at naalala ko na naman 'yong Million thingy again. "Ayan na naman kayo sa shipping-shipping ninyo! Magkaibigan lang kami ni Dion. Ako 'yong nawi-werd-an sa idea na magiging boyfriend ang isa sa inyo. 'Di ba, Dion, magkaibigan lang tayo?"
Napatingin ako kay Dion at mahinang tinapik ang kanyang braso.
"Ah... Oo, friends." tumingin sa akin si Dion at ngumiti. "Friends lang."
Hindi ko alam kung bakit biglang natahimik ang lahat at nagkakatinginan sila. "K-Kumain na tayo, the best pa naman 'tong Bistek na luto ni Manang Martha." Si Kendrix ang bumasag sa katahimikan.
Matapos naming kumain ay nagtipon-tipon kami para makinig sa ipinapaliwanag ni Axel. Lahat ng match namin ay mangyayari ngayong araw kung kaya't mabilisang pagpaplano ang dapat naming gawin.
"No Mercy Esport is a pretty tough opponent. Wala tayong idea sa kung anong ipakikita nila pero keep an eye kay Geecko, he is a good assassin. Maliwanag ba?"
"Yes, Captain!" we answered in Unison.
"Oli, unahin mo 'yong support nilang si Dark_Matter, he gradually increased the speed of his team mates kapag gumagamit siya ng skill. Delikado tayo doon." napatango-tango kami sa sinabi ni Axel. "We will stick to our original lineup for now since noong game one lang naman natin ito ginamit. This is the safest lineup for now."
Our discussion was interrupted noong may staff ulit na kumatok at binuksan ang pinto.
"Our game will start in 20 minutes, ready na po tayo." she said at tumakbo na para kausapin ang ibang team.
Sobrang bilib ako sa mga staff nitong Summer Cup na ito. Aligaga na sila sa dami ng nangyayari ngayong araw at ang dami nilang dapat asikasuhin pero maayos pa rin ang treatment nila sa amin.
"Good luck!" I tapped Dion's back at nakipag-apir kanila Oli.
"Nanginginig 'yong kamay ko, tingnan mo." sabi ni Dion habang pinapakita niya sa akin ang kanang kamay niya.
"Hala, Oo nga!"
"Kinakabahan na ako, we are few steps away in Championship but one step away in losing. Kapag hindi ko maayos na na-protect si Oli... Paniguradong laglag na tayo." he explained and somehow ay na-gets ko 'yong sinasabi ni Dion. Ganyan din ang naramdaman ko noong lumaban kami sa Optimal Aces kanina.
Madaming viewers na ang napapansin na pinakamalakas na member sa Battle Cry ay si Oli, of course, he used to be a child prodigy. Pero wala masyadong nakapapansin na sa likod ng malakas na core ay ang magaling na tank na pumoprotekta sa kanya.
Kapag nagkakamali si Oli ay si Dion ang sumasalo. He takes all the damage para lang masiguradong ligtas si Oli. And para sa akin... Ang magaling na tank ang nagdadala ng winning kill para sa mga core members.
Hinawakan ko ang kamay ni Dion. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa, ang dami mong baby bra warriors sa labas. Huwag mo silang i-disappoint." natatawa kong sabi.
Nakapila na kami sa backstage at hawak ko pa rin ang kamay ni Dion. Malaking bagay ang Summer Tournament na ito para sa kanya.
"Sandro, gago ka, bakit kayo natalo?" tanong ni Axel noong pagkalabas ni Sandro sa standby area nila.
Lumapit si Sandro sa amin. "Gago, ang lakas ng Rising Hunters. Nakalaban ninyo rin sila 'di ba?" We agreed on what Sandro said. "Lupet ng mga core nila. Batak sa training, eh. Sasalang na pala kayo?"
Lumabas na rin ang lahat ng members ng ALTERNATE mula sa standby area nila para manood ng match.
"Tangina, cute nila, mukha silang manok na pansabong na naglalakad." natatawang sabi ni Oli at napatawa rin ako.
"Kapag nanalo pala kayo sa match ninyo ngayon ay tayo ang magkakatapat." nakangiting sabi ni Sandro at humarap kami sa kanila.
Isa ang ALTERNATE sa mga squad sa malalapit sa amin pero hindi maipagkakaila na sila ang isa sa mga team na nakakatakot kalaban. Nasa kanila pa si Kiel na isa sa mga magagaling na core this season. Ang bata pa ni Kiel pero ang advance niya mag-isip pagdating sa game. Magaling talagang mag-handle si Sandro ng team kahit puro ka-monggi-han ang ginagawa.
"Good luck." Sandro said at inilatag ang kanyang kamay.
Tumingin si Axel dito at nakipagkamay. "Paghandaan na ninyo kaming kalaban. Hindi namin kayo bibigyan ng katiting na awa kahit kaibigan namin kayo."
"Same here." Sandro said.
"Battle Cry! Aakyat na kayo sa stage. Please be ready!" sigaw noong isang staff at naglakad na kami papaakyat sa stage.
Malakas na sigawan ng mga tao ang sumalubong sa amin.
"Among 16 teams na naglaban-laban these past few days ay apat na team na lang ang natitira. Rising Hunters, No Mercy Esports, ALTERNATE, at Battle Cry. In just few hours ay malalaman na natin kung sino ang mananalo sa Summer Cup at magkakaroon ng Golden pass para makapasok sa teams na tatalon na sa season 4 tournament!" The shoutcaster announced to hype the fans.
Kaharap namin ang NME sa stage at nakipagkamay sa amin. "Good luck sa match." nakangiti nilang sabi. Ramdam ko ang kaba noong isang miyembro noong kinamayan ko siya.
Who doesn't? Umabot na kami sa puntong ito kung kaya't nakakapanghinayang kung matatalo pa kami.
Bumaba kami sa stage nila Liu at pinanood ang mga members namin na inaayos ang mga nerve gear nila. Malakas akong sumigaw at pumalakpak para i-cheer sila.
***
"BATTLE CRY just won against No Mercy Esports! Wow! What a great command skill from Nemesis! Isa talaga si Axel sa pinakamagagaling na Captain na nakilala ko sa Professional League. Kayang-kaya niyang mag-isip nang mga biglaang plano!" sigaw noong shoutcaster.
Napatayo kami ni Liu at napayakap sa isa't isa dahil sa tuwa. We advanced! OMG! We advanced sa next round!
"Maganda rin naman ang ipinakitang laro ng No Mercy Esports. Kung hindi nahulaan ni Axel ang plano nila ay paniguradong sila ang panalo sa round na ito." Tumayo kami at umakyat sa stage.
Malalaking ngiti ang nasa labi namin habang iba-iba ang sitwasyon ng NME. They are all crying on stage. This is the two sides of Esports. It's either joy or tears.
Pinahid nila ang mga luha nila at matapang na humarap sa amin. "No Mercy Esports!" Sigaw noong leader nila si Andrei.
"Maraming salamat sa magandang laban!" They all shouted in unison at nag-bow sa amin. Nagsigawan ang mga tao at napangiti kaming lahat. Isa sa mga hinahangaan ko sa NME ay ang kanilang sportmanship.
Nakipagkamay kami sa kanila.
"Sa susunod na magkatapat tayo..." sabi ni Garett (Geecko) habang pinapahid ang kanyang luha. "Sisiguraduhin kong mananalo na kami laban sa inyo.
Ngumiti ako kay Garett. "I will wait for that day." I said at naglakad na sila pababa ng stage.
Hindi na kami bumaba ng stage dahil kami rin naman ang sunod na match.
"We are all aware that Battle Cry and ALTERNATE really have a good relationship kung kaya't nakakagulat na magkakatapat sila ngayon para sa isang mainit na laban!" sigaw noong shoutcaster at naglakad papasok ang lahat ng miyembro ng ALTERNATE.
Nangunguna si Sandro habang nakasunod sa kanya ang lahat ng members niya. Malakas na nagsigawan ang mga tao na para bang inaabangan nila ang laban na ito.
Saglit kaming inikot ni Axel para sa mabilisang meeting. "Let's do our lineup during our match against Optimal Aces." he said. "Alam nila Sandro kung paano ika-counter ang original lineup natin."
Hindi nagbibiro si Axel noong sinabi niyang gagawin niya ang lahat para manalo sa Summer Cup. We are now part of the top three teams at kapag nanalo kami against ALTERNATE, makakapat muli namin ang Rising Hunters para sa championship.
Tumayo kami sa stage katapat ang ALTERNATE. We are all grinning with each other.
"Kapag nanalo kami ay mag-Be-breakout ulit tayo." sabi ko kay Larkin na katapat ko.
"Gago, ayoko na. Ang sakit sa puso noong escape room na 'yon." naiiling niyang sabi at natawa ako.
Pumunta na kami sa kanya-kanya naming inclined chair para maghanda sa magiging laban.
This will be a big fight.
Isinuot ko ang nerve gear ko at pumasok na ako sa mundo ng Hunter Online.
****
Summer Cup Standing:
(As of Friday 2PM)
Battle Cry (4W - 1L)
Sparks Again (1W - 2L) (12th)
Anonymous Warrior (0W - 2L) (16th)
Laxus Familia (2W - 2L) (7th)
Red Swan (0W - 2L) (15th)
No Mercy Esports (3W - 2L) (4th)
Commander Area (1W - 2L) (11th)
Rising Hunter (4W - 0L)
Optimal Aces (3W - 2L) (6th)
Devil Inside (0W - 2L) (14th)
ALTERNATE (3W - 1L)
Dream Crusher (1W - 2L) (10th)
Raging Bull (0W - 2L) (13th)
Urban Muskeeter (2W - 2L) (5th)
Rule Breaker (1W - 2L) (9th)
Thunder Bird (2W - 2L) (8th)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top